Wala sa plano ni Lera ang sumama kay Lucas hanggang sa Sta. Ignacia. Kung naroon ang anak ay baka natuwa pa siya, ngunit nasa condo unit ito kung saan nila iniwan.
Hindi niya na mabilang kung ilang ulit siyang umirap nang hindi pansinin ng lalaki ang pakiusap niyang bababa na. Halos dumiin na din ang kan'yang mga kuko sa upuan dahil sa bilis at walang ingat na pagmamaneho nito.
"Hello Tito Esteban, I need police assistance around the mansion."
Mabilis siyang napabaling sa katabi nang marinig ang sinabi nito. Labis siyang nagtaka kung bakit kailangan nito ng mga pulis.
Ipapahuli ba siya nito? Para saan?
Bago niya pa man maibigkas ang mga katanungan ay kaagad din itong nasagot nang huminto sila hindi kalayuan sa tapat ng mansyon ng pamilya Valle. Sa labas ay puno ng mga magsasakang mayroong hawak na mga karatola.
Nakasulat doon ang mga hinaing nila sa hindi makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho at ang pagbebenta ng mga lupang sakahan u
"Paano tayo nabaon sa utang?" Halos umalingawngaw ang boses ni Lucas sa buong mansyon. Umabot iyon sa pandinig ni Lera na iniwan niya sa salas upang kausapin ang ina sa opisina nito. Nagtungo si Ginang Juana sa pintuan upang isara iyon. Minasahe niya ang kamay upang pakalmahin ang sarili. Hindi siya sanay na mamoblema sa pera dahil simula pa noon ay sagana ang pamumuhay nila. "I supported a political party last election in exchange of endorsement and connections. Unfortunately, natalo sila. Marami akong nailabas na pera pati ang mga lupain natin ay naisanla ko sa mga negosyante." Nakapameywang na tumigil si Lucas sa paglalakad nang pabalik-balik sa harapan ng ina. Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng kan'yang noo at umigting ang kan'yang panga. Naiinis siya sa ginawa ng ina, gayunpaman ay nais niya pa din malaman kung bakit naisipan nitong itaya ang ari-arian na pamana sa kanila ng ama. "Paano nangyari 'yon? Hindi ba nanalo naman si Tito Est
"Baon sa utang dahil natalo sa pagsusugal. Alam kaya ito ni Lucas?"Nagkibit-balikat si Lera sa tanong ni Maris habang binabasa nito ang papel na resulta ng pag-iimbestigang ipinagawa niya kay Peter.Natutuwa siya sa sinasapit ngayon ni Ginang Juana subalit sa kabilang banda ay nag-aalala siya para sa anak. Ngayong nasa poder ito ni Lucas, hindi niya mapigilang isipin na baka may magbanta sa buhay ng ginang at madamay pa si Arim."Sa tingin ko, sa sitwasyon ngayon mas magpupumilit si Lucas na magtungo sa ibang bansa kasama ang anak." Binitiwan ni Maris ang papel at tumabi kay Lera sa sofa."Their flight was scheduled the day after tomorrow. What's your plan?" tanong ni Peter sa kan'ya.Bumuntong hininga siya. Sa tingin niya'y tutuloy pa din ito sa pag-alis ng bansa."Follow them, I guess?" Hindi siya sigurado sa sagot."Or maybe, talk to him now," dugtong niya.Pinili niyang gawin ang pangalawa nang agaran siy
Humupa na ang mga luha sa pagdaloy sa pisngi ni Lera. Tahimik siyang nakaupo sa shotgun seat ng kotse ni Lucas. Tulala ang kan'yang mata sa daan habang marahan na nagmamaneho ang lalaki."Ganoon ba talaga katindi ang pagkadisgusto mo sa akin para hayaan mo'ng ibang babae ang ituring na ina ni Arim. Alam ko na nobya mo si Maica, pero sana naging patas ka naman."Ngumisi si Lucas. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng babae kahit mayroong parte sa puso niya ang tila nalulungkot para dito."Ganoon din naman ang gagawin mo kung hindi ko kayo nahanap ni Arim noon 'di ba? Baka ngayon ay ibang lalaki na din ang itinuturing niyang ama."Matalim na titig ang ipinukol ni Lera sa lalaki, kahit pa hindi siya magawang titigan nito. Mas lalong nakakaramdam ng awa si Lucas sa babae sa tuwing nakikita niya ang pamamaga ng mga mata nito.May parte sa puso niya na ayaw pagkatiwalaan ang ipinapakita nito dahil nang minsang ginawa niya iyon ay muntikan nang malayo sa ka
Pinaikot ni Lera ang pulang likido sa hawak niyang babasaging kopita bago ito ininom. Gustong-gusto niya ang lasa ng wine na gawa sa grapes na pangunahing produkto ng kompanyang iniwan ng kan'yang dating amo."Hindi ko talaga makakalimutan ang pamumutla ng mukha ni Ginang Juana nang ipakilala kita sa kanila." Umalingawngaw ang malutong na tawa ni Maris nang banggitin niya ang nangyari kanina.Matapos siyang ipakilala bilang may-ari ng YGC ay tila nawalan nang gana ang ginang na makipag-usap sa kanila. Umalis din ito kaagad."Lucas was also shocked," komento ni Peter."Sa tingin mo hihingi pa kaya sila ng tulong?"Imbes na si Lera ang sumagot ay si Peter ang nagsalita."I think so. Madaming utang si Ginang Juana. She has a reputation in Sta. Ignacia too, hindi niya hahayaan na masira iyon."Tipid na napangiti si Lera. Kahit pumayag man ang mga Valle sa alok niyang tulong ay wala pa rin kasiguraduhan kung mananatili sa bansa si Lu
Bitbit sa kaliwang kamay ang branded na bag ay bumaba na si Lera sa hagdanan. Sa salas ay tanaw niya na si Peter at Maris na hinihintay siyang matapos.Hindi katulad nang nauna ay kinse minutos niya lamang balak na mahuli sa usapan nila ni Ginang Juana at Lucas."Anak, sandali. May ipapadala ako sa'yo." Tinawag siya ng ina sa kusina.Naabutan niya itong inilalagay sa paper bag ang tatlong tupperware ng iba't-ibang klaseng mga kakanin."Ibigay mo ito sa apo ko. Mga paborito niya ito."Malungkot siyang napangiti sa ina. Alam niyang miss na miss na nito ang una at nag-iisang apo."Ibibigay ko po ito inay. Kaunting tiis na lang po makakasama na natin si Arim."Seryoso siyang tinitigan ng ina."Lera, kailangan mo pa ba'ng pasukin ang kanilang negosyo? Ang mansyon sa Sta. Ignacia, kailangan ba talaga natin iyon?"Sanay si Lera na palaging sinasang-ayunan ng ina, kung kaya't naninibago siya sa pagtutol nito ngayon. Gayunp
Halos mamuti na ang kamao ni Lucas sa higpit nang pagkakakapit niya sa manibela ng sasakyan. Pinipigilan niyang kainin ng galit ang kan'yang sistema.Paano nagawang itaya ng kan'yang ina ang kanilang mga ari-arian sa sugal? Napakahalaga ng mga lupain nila dahil iyon ang unang naipundar ng kan'yang yumaong ama. Hindi niya akalaing kayang isakripisyo ito ng ina para sa bisyo.Sumunod siya sa ina sa kanilang mansyon. Umaasa pa din siyang sinisiraan lamang ito ni Lera."Is that true?"Natagpuan niya ang ina sa opisina nito. Abala itong tumawag sa mga kaibigan at dating kasosyo sa negosyo upang humingi ng tulong.Pilit na ngumiti si Ginang Juana sa anak."Hindi, anak. Bakit ka maniniwala sa babaeng iyon? Nagsisinungaling lamang siya."Nagbinata man siya sa America, kilalang-kilala niya ang ina. Sa paggalaw pa lamang ng mga mata at tono ng pananalita nito, alam niyang nagsisinungaling ito."Mom, stop lying please! Just te
"Sorry na nga. Malay ko ba'ng hindi unan ang kayakap ko. Saka hindi ko naman alam na nandito ka." Nakapameywang na humarap si Lera kay Lucas. Napagkamalan siya nitong unan. Hindi iyon makatarungan. "Papa, tara na po." Kapwa sila napaayos ng tayo nang sumulpot si Arim. Kanina pa nais komprontahin ni Lucas si Lera kung bakit naroon iyon sa kan'yang condo unit subalit hindi niya magawa dahil abala ang babae sa pag-asikaso sa kanilang anak. Kinuha ni Lera ang kan'yang bag. Mabuti na lamang ay may dala siyang ekstrang damit. Palagi niyang inaantisipa na bawat pagpunta niya sa condo ni Lucas ay makakatabi niyang muli ang anak sa pagtulog at kagabi nga ay nangyari iyon nang magpaalam sa kan'ya ang yaya ng anak. Sumabay siya kay Arim sa paglalakad habang si Lucas naman ay nasa kanilang likod na magkasalubong na magkasalubong ang mga kilay. Magdamag na magkasama ang kan'yang anak at si Lera, kaya kitang-kita niya ang closeness nito. Minsan nga'y napapa
Napatingin siya kay Lucas. Kung siya lamang ang naroon ay baka sinabi niya na sa bata kung ano ang totoo nilang ugnayan."Where do you want to eat Arim?" Iniwasan ni Lucas ang usapan. Napabuntong-hininga si Lera, kailangan nilang mag-usap dalawa.Dumiretso sila sa paboritong kainan ng bata. Walang sawang pinagsilbihan ni Lera ang anak. Hindi yata siya mapapagod na gawin iyon."Lucas, mamaya na ako uuwi. Gusto ko pa'ng makasama si Arim."Pinagbigyan siya ng lalaki. Sumama siya dito sa condo unit. Tatawagan niya na lamang si Maris para magpasundo.Kagaya ng nakagawian noong paslit pa si Arim ay pinagitnaan nila ito ni Lucas sa kama. Nang masigurong tulog na ang bata ay inaya siya ng lalaki sa salas."I just wanted to clear things out Lera."Napataas ng parehong kilay si Lera. Bakit pakiramdam niya'y magbibigay na naman ito ng boundaries sa pagitan nila ng anak?"Ayokong pumupunta ka dito nang hindi ko alam. Hindi ko g