Hindi naman problema kung siya ay mamatay nang maaga o hindi, pero baka mas maaga siyang mamatay sa heartattack dahil sa lalaking ito na ayaw pahintuin ang tibok ng kanyang puso.“Tara na nga, tapos na ang paglalaro natin, ang mabuti pa ay umalis na tayo.“ Sabi sa kanya ni Ismael na nauna nang lumabas ng tennis court.Nang marinig ni Ismael ang yapak ng paghabol ni Julliane sa kanya, lumingon siya para hintayin siya, at biglang naramdaman na tinamaan siya ng husto sa puso niya.Ang sports skirt na isinuot niya para sa paglalaro ng tennis ay orihinal na napaka-figure-enhancing. Nang tumakbo siya, gumagalaw ang buhok at palda niya.Bigla niyang naisip ang hinaharap na iyon ni Julliane, umiindayog at matikas, tumitingin siya sa ibang direksyon at napalunok na lang.Ang iniisip niya ay hindi maganda, pagnanasa ito na hindi niya maiwasan na maisip. Lalo na at napakaganda at talagang kitang-kita ang magandang hubog ng katawan ng asawa sa suot nito.Nagmadali na lang siya sa laglalakad para
"Bigyan mo pa ako ng isang beses?" Marahan itong ngumiti, hinawakan ang kamay niya at dinala niya ito sa labi nito.Ang tibok ng puso ni Julliane, triple na ngayon ang tibok at wala siyang magawa kundi ang pigilan na mapaiyak na lang.Ngunit siya ba ay nakikipag-ayos, humihiling, o nagpapaalala?Biglang naalala ni Julliane ang paghalik nito sa kanya nitong mga nakaraan na araw, at agad na ibinaling ang kanyang mukha.Ang maninipis na labi ni Ismael ay dumampi sa ibabaw ng kanyang kamay, at ang kanyang itim na mga mata ay tumingin sa kanya nang may pagkalito."Anong problema?" Tumingin si Julliane sa labas ng bintana at nakatingin sa mga taong naglalakad sa kani-kanilang direksyon, ibinaling niya ang mukha dito at binawi ng marahan ang kanyang kamay na hawak nito.“Mag-drive ka na lang ng maayos, baka mabanga tayo sa pinaggagawa mo.“ Bulong dito ni Julliane.Sandaling nakahinto ang sasakyan dahil sa traffic lights.Muli siyang tiningnan ni Ismael ng malalim, lumingon siya at nakitang m
Pero kinabahan lang si Julliane sa titig ni Ismael sa kanya.Mayamaya ay muling tumunog ang cellphone niya at nag-flash sa screen ang pangalan ni Mr. Sullivan.Si Ismael ay napakunot noo at biglang kinuha ang cellphine niya, binasa nito ang mensahe ng boss niya.“Kailan pa kayo nagkaroon ng mensahe para sa isa't isa? Diba pinagbantaan ko na siya? At may nalalaman pa siya mag-uusap kayo ng masinsinan mamaya?“ Ito ang galit at madilim na mga mata na nakatitig sa kanya si Ismael.“May sasabihin lang siya, at kasama namin si Miss Alora at Evelyn ano ka ba!“ Pakiwanag din naman ni Julliane dito."Kung gayon bakit siya may pribadong numero mo!?“ Gigil nitong tanong kaya nawindang si Julliane sa tanong nito.“Bakit hindi? Kaibigan ko siya at boss.“ Bulong ni Julliane pero napapitlag siya sa pagmumura nito ng malakas.“Kailan mo pa naging kaibigan ang lalaking iyon? Tandaan mo na minsan ka na niyang binastos!" Gigil nitong sabi sa kanya na halos hindi mapigilan ang pinapakita nitong galit sa
Tinulungan na siyang magluto ni Ismael, at ito na ang naghugas ng mga ginamit niya at ng gulay na iluluto niya.“Ano ka ba, kaya ko naman ito.“ Sabi ni Julliane sa lalaki na naghuhugas na ng kawali na ginamit niya.Pero hindi ito nakinig sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa nito.Makalipas ang kalahating oras, inilagay na ni Julliane ang lahat ng pagkain sa mesa para sa kanya.May ginisang sayote na may carrots, ang sahog nito ay hipon at piniritong daing na bangus na galing pa ito sa kanyang byenan."Hindi na kita sasamahan, kailangan ko nang maligo at para mag-ready sa pag-alis.“ Sabi niya dito napatingin sa kanya.“Aalis ka talaga? At iiwan mo ang asawa mo na mag-isang kumain?“ Tanong nito na tila ba binibigyan pa siya ng alalahanin.“Ismael, kumain ka na at hindi pa naman ako gutom.“ Sabi niya rito pero napatiim lang ito.“Ihahatid kita sa bar o kung saan man kayo magkikita ng mga kaibigan mo.“ Sabi nito na tils pinalidad na ang sinabi nito.Nakita ni Ismael na tinanggal niya ang ka
“By the way, maiba na tayo ng usapan. About sa meeting kanina.“ Si Alora na ang nag-alis ng awkwardness sa kanila at binangit ang totoong pakay nila sa gabing ito. “Oo nga pala, narito rin ako para makibalita.“ Sabi naman ni Evelyn na napatingin sa akin at ngumiti sa kanya. “Like what i said before, hindi na si Mr. Garcia ang major stockholder ng publishing house. May mga pagbabago na rin mula sa editorial, design and production.“ Simula ni Gary kaya napatango lang sila ni Evelyn. “Ang representative ng kung sino man na tao ang nakabili ng share ng pubhouse ay siyang dumating kanina.“ Sabi naman ni Alora. Kung sino man ang taong ito ay may mga ginawa itong pagbabago na mas makakatulong pa sa mga empleyado ng kumpanya. Nakahinga ng maluwag si Julliane, dahil maraming nabago sa rules and regulation kumpara nong unang araw na nagtrabaho siya rito. Halos walang pahinga ang ilan sa mga production at editiorial department, kumpara sa iba na pa-easy-easy lang sa trabaho. “Well atlist
Pagka-alis ni Ismael sa harap nila ay muling bumaba si Crissia, hindi maganda ang kutob nito.“Saan ka pupunta? Diba pinapaakyat na tayo ni Ismael?“ Tanong ni Allen na kinakabahan.Alam nito na isang tao lang ang susundan ni Ismael, at si Crissia ay determinado na sundan rin ito.Bago pa mahanap ni Julliane ang banyo, bigla siyang hinawakan mula sa likuran ng kung sino."Saan ka pupunta?"Sinalo siya ni Ismael sa corridor, at saka idiniin siya sa pader sa tabi niya, at nagtanong."Ang lamig!" Walang kamalay-malay na nagsalita si Julliane.Naramdaman kasi nito ang malamig na pader sa kanyang likod.Naninikip ang puso ni Ismael, ngunit sa isang iglap ay muli niyang idiniin ito, ibinaba ang kanyang mga mata at tiningnan nang mabuti ang kanyang pinahirapang itsura, at bumulong. "Saan ang malamig? Dito?"Umabot ang kamay nito sa shirt niya.Pero tumingin si Julliane sa kanya, at hindi makapaniwala.Siya ay wala sa loob na tumingin sa paligid muli, at kabado na baka may ibang tao sa lugar,
"Ano?" Si Crissia ay hindi agad nakuha ang tanong ni Allen, kaya nagtanong ito.“Sa tingin mo ba nakakatuwang maliitin si Gilan, at pilitin si Ismael na balikan ka?" Inulit ni Allen ang tanong niya sa isip, pero ngayon nasabi na niya kay Crissia.Muling natahimik si Crissia. "Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin, nagsasabi lang ako ng katotohanan." Taranta nitong sabi sa kanya.Napahalukipkip si Allen at napasandal sa sofa.“Mas alam mo ang mga katotohanan kaysa sinuman sa atin, Crissia. Lumaki tayong magkasama at may kaunting pagkakaunawaan sa ugali ng isa't isa. Ngayon dapat ang una at tanging pagkakataon na ipaalala ko sa iyo na huwag masyadong matigas ang ulo!" Seryoso na sabi ni Allen sa kanya, kita ang madilim na titig sa kanya ng lalaki.Sa pagkakatanda ni Crissia ay mas nakakatakot itong magalit kaysa kay Ismael, palabiro lang ito at carefree na tao pero may ksang ugali ito na kahit ang mga iba nilang kaibigan ay ayaw itong makita dito.“Allen, hindi sa ganon totoo ang
Gustong mapamura ni Julliane sa mga sandaling ito, pero hindi niya magawa kahit sa isip lang niya.Masyado talaga siyang takot na baka madagdagan lang nito ang kasalanan niya, problema ng pagiging masyado niyang mabait.Sinundan siya ng asawa, at nakaupo na ito ngayon sa tabi niya.“Mr. Sandoval, bakit hindi ka umakyat sa pribadong kwarto kasama ng mga kaibigan mo?“ Lakas loob na tanong ni Gary dito, kaya napatingin dito si Julliane.Sumangayon siya sa sinabi ng boss niya, pero napangisi lang si Ismael."Hinihintay kong umuwi ang asawa ko pagkatapos makipag-usap kasama ang mga kaibigan niya."Paliwanag ulit ni Ismael, habang nakangiti na ito ng malawak.Napatanga na lang dito si Gary, Alora at Evelyn na hindi makapaniwala."Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Sinong asawa mo?"Hindi na napigilan ni Julliane na lumingon at tumitig sa kanya para paalalahanan siya."Yong babaeng muntik nang kumagat sa leeg ko kanina."Sabi ni Ismael at sadyang hinawakan ang lugar kung saan siya kinagat.
Napagpasyahan ni Julliane na gusto niyang ipahiya siya!"Wala akong pakialam."Mahinang sabi ni Julliane dito, hindi agad nakapag-react si Ismael dahil sa sinabi nito.Pero sa huli ay tumango si Ismael at tumayo at umakyat sa taas.Naiwan si Julliane na nakahinga ng maluwag.Tumingin si Julliane sa bintana, patuloy pa rin ang ulan at wala namg pag-asa na makakauwi siya.At isa pa ay nangako siya sa kanyang byenan at abuela na dito magpapalipas ng gabi.At sa puntong ito, malamang na nagpahinga ang mga driver, at kung tumawag man siya ng taxi, ang mga tao ay hindi nais na pumunta sa lugar na ito.Sumandal siya sa sofa at tahimik na pinanood ang babaeng nag-uulat ng balita sa TV.Sila na gumagawa ng balita ay dapat maging matatag at marangal, kaya pinaalalahanan siya nina Evelyn at Alora pagpasok niya.Sa TV station sana niya naisipan na pumasok nong una, pero hindi niya kaya ang trabaho ng mga ito.At isa pa ay mas nakakapagod mung magfi-field journalist siya. Mas maganda na yong nasa
Bago magsalita si Ismael, naunahan na siya ng kanyang ina na tumayo at pumunta sa bintana."Oh! Bakit biglang umulan? You two should stay here tonight!"Bago pa natauhan si Julliane, narinig niya ang hindi inaasahang desisyon ng kanyang byenan.“Tama ang mama mo hija, dapat ay dumito ka na muna.“ Segunda naman ng kanyang lola na hinawakan siya sa kamay.Si Julliane ay nadismaya gaya ng kamatayan, ngunit hindi nagtagal ay nabuhay muli at nakaawang sinabi. "Lola, bigla kong naalala na mayroon akong manuskrito na isusulat at kailangan kong bumalik sa trabaho ng overtime."“How dare your manager, ask you to work overtime?"Biglang nagsalita ang panganay na young master na kanina pa tahimik.At nang marinig nito na kailangan mag-overtime ni Julliane ay agad itong kumontra.Biglang naramdaman ng mga matatanda na may mga bagay na hindi nila alam, at tiningnan sila nang may pagtataka.Pagkatapos ay narinig nilang sinabi ni Ismael. "Ibigay mo sa akin ang kanyang numero."Nakita ni Julliane na
Samantala si Julliane ay tinignan si Ismael sa ginawa nito.Nang makita niya ang kanyang aksyon, ang kanyang puso ay umangat at ito ay medyo masakit.Hindi ba talaga gumagana ang kanang kamay niya?Tiningnan ni Ismael ang habag na kumikislap sa kanyang mga mata, dahan-dahang ibinaba ang magazine, dahan-dahang idiniin ang kanang kamay gamit ang kaliwang kamay, at pagkatapos ay sumimangot.Tahimik na nanood si Julliane at lalong hindi komportable.“Kung ayaw mong aminin, ayos lang, pero ang impluwensya ni Armando ay hindi rin biro, kahit gusto mong itanggi, sa tingin ko walang maniniwala."Hindi maiwasan ni Isagani na paalalahanan siya.Walang pakialam si Ismael sa mga bagay na iyon, ngunit nagalit siya na nakatingin lang sa babae sa hindi kalayuan.Nakaupo ito sa pagitan ng matandang babae at ng kanyang ina, mas mukha siyang bata.Walang pinagbago ang relasyon ng mga ito sa kanyang asawa, paano pa kaya kung nandito ang kapatid niya? Edi lalo lang siyang napagtulungan ng mga ito.Isa ri
Si Katarina ay hindi maiwasan na hindi mapaismid habang nakatingin kay Ismael.Kahit kailan talaga ay hindi nila makausal ng matino ang apo niyang ito, pero kita naman sa mukha nito na tinutuya lang nito ang asawa niya."Why are you being so sarcastic? Gusto ka ng hiwalayan ng baby namin, hindi ba dahil sa pinilit mo siya?" Agad namang tinanong ng matandang babae ang sarili niyang apo.“Tama, kung hindi ka nasangkot sa Crissia Montes na iyon, mamahalin ka ng baby natin, makakasama ka ba niya hanggang sa ganito?"Tanong din ni Analou sa anak.Ang mag-ama ay nagsimulang manood ng saya sa katahimikan.Nakakatuwang panoorin ang dalawang babae na pinagtutulungan si Ismael. Pero lumalaban rin ito.Hindi sa bastos na paraan pero pinagtatangol lang nito ang sarili laban sa dalawa.Binalik ng mag-byenan ang tanong kay Ismael, habang ang kanilang anak na lalaki ay hindi makapaniwala na siya na ang nalagay sa hotseat ngayon.Bumagsak si Ismael sa sofa sa inis. "Sino ba talaga ang kadugo ng pamil
Si Julliane ay hindi alam kung matutuwa o ano, ang boses kasi ng kanyang byenan na lalaki ay determinado at mapanganib.Kung nakakatakot kalabanin si Ismael, mas lalo na ito.Si Isagani Sandoval ay kilala bilang isang mapagkumbaba na tao, mapagbigay, mabait at inuuna lagi ang kapakanan ng pamilya.Pero masama itong magalit, hindi alam ni Julliane ang kaya nitong gawin.Pero sa pananahimik pa lang nito ay sigurado siya na hindi gugustuhin ng sinuman na kalabanin ito."So kasalanan ko ang lahat? Buntis ang anak ko sa anak niyo, bilang ama ng anak ko kailangan ko rin protektahan ang pangalan ni Crissia." Hindi pa rin nagpatinag si Armando Montes, at talagang pinipilit nito na anak ni Ismael ang ipinagbubuntis ng anak nito.“Walang sinungaling sa pamilya namin, at responsableng tao si Ismael. Pinalaki namin siyang may takot sa diyos, at kung sakali man na nakabuntis siya pananagutan niya iyon pero alam niya na hindi niya anak ang ipinagbubuntis ng anak mo so saan kayo kumukuha ng kakapala
Hindi inaasahan ni Julliane na parurusahan ni Ismael si Aramando Montes para sa kanya. Akala niya noon ay paghihiganti na ang pagbali sa kanyang mga buto. Pero nang marinig niya ang sinabi nito, hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano. Pero aaminin niya na natuwa siya, at kinarma rin ang matandang ito. Dahil ang bagay na ito ay nauugnay sa kanya, pumasok na siya at lakas loob na binati ang mga tao sa sala. "Lolo, lola, mama at papa, bumalik na po ako." Lakas loob siyang tumingin ng diretso sa taong ayaw niyang makita, dahil naaalala pa rin niya ang ginawa nito sa kanya ng taong ito. Pero nandito ang kanyang pangalawang pamilya, hindi siya dapat na matakot pa. Hindi nagustuhan ng mga matatanda sa sofa si Armando, pigil ang galit ng dalawang lalaking Sandoval. Walang karapatan ang Montes na ito na saktan at pagbantaan ang buhay ng kanilang prinsesa. At nang makita nilang nandito na si Julliane, hindi na nila pinansin ang sasabihin pa sana ni Armando. Tinawag ng matandang
Naisip ni Julliane na magpa-interview, ito na rin ang suhestyon sa kanya ng ama ni Evelyn. Hindi kasi pa rin tumitigil ang mga tao sa pagkomento ng masama sa kanya, medyo over the belt na rin ang sinasabi ng mga ito. Karamihan rin dito ay trolls, ibig sabihin ay binayaran halos ng kung sino ang mga ito. Alam naman niya kung sino ang nasa likod nito, lalo na at nagsalita na rin si Crissia, nagpa-interview na rin ito. At kailangan niyang kontrahin ang sinasabi nito. Si Evelyn mismo ang tumawag sa isang news station para makipagkita sila sa isang reporter. “Sigurado ka na ba Julie?“ Tanong ni Evelyn sa kanya na kasama niyang bumaba mula sa kanilang department. “Oo naman, handa akong magpa-interview. Tingnan ko lang kung hangang saan ang kaya ni Crissia na maging matapang.“ Sabi niya dito na agad na tumawa ng malakas. Nakausap na rin niya ang kaibigan niya si Alexis, abala ito masyado kaya bihira silang magkausap. Pero natuwa ito dahil alam na ng lahat na kasal sila ni Ismael, hi
Nang masaksihan ni Julliane ang sinabi ng babae kay Ismael na nakaluhod sa sahig hawak ang pantalon ni Ismael at nagmamakaawa, natuwa lang siya na maaga siyang nakabalik.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman, sobrang nakakahiya ang inasta ng babae.Talagang gagawin nito ang lahat para lang pumanig ulit sa kanya ang tiwala ni Ismael.Pero si Ismael ay hindi man lang lumambot ang puso sa babae.Nasaksihan rin niya kung paano utusan ni Ismael si Gilan na alisin na ang babae sa harapan nito.“Huwag mo na yang dadalhin dito maliwanag ba!“ Ito ang galit na utos ni Ismael kay Gilan habang buhat ang nagwawalang babae.Iskandalosa, ito ang bagong taguri ni Julliane sa babae.Bweno, bumaba siyang muli at pinagpatuloy ang paghahanda ng almusal.Pagnatapos siya dito ay uuwi na siya, kaya nang matapos siya ay agad na niyang inayos ang kanyang gamit.Napatingin si Julliane kay Ismael na nakasuot na ng pang-opisina nitong damit at agad na nagsalubong ang kanilang mga mata.“Uuwi na pala ako pag
Ang maitim na itim na mga mata ni Ismael ay tumitig sa kanya saglit, at biglang ibinalik ang singsing. "Gusto mo bang makahanap pa ng ilang lalaki?" Tumingin sa kanya si Julliane na nagtataka, medyo lumayo ang paksa. Ano na naman kaya ang nasa isip nito, bakit bigla itong magtatanong ng ganito? Kinasal sila oo, pero walang libel iyon noon. Kung gusto niya ng ibang lalaki di sana matagal na siyang nagpaligaw kahit nong nasa Amerika pa siya. Di sana hinayaan niya na ligawan siya ni Allen, o kaya ni Gary Sullivan. Baka nagparamdam din siya ng kaunting interes kay Alvin Castañeda, pero hindi. Ang punto niya ay hindi siya kaipanman gagawa ng kasalanan na alam niya na kasal siyang babae. Sagrado ang salitang kasal sa kanya, ang kanyang ina ay mas piniling huwag nabg mag-asawa sa kabila nang may naligaw pa dito noon matapos mamatay ang kanyang ama. Pero laging sinasabi noon ng kanyang ina na dapat isang beses lang magpakasal ang isang babae. Pero siya ay hindi na halos gustong subdi