"Pero hindi ko pa napipirmahan 'yan, Sébastien. Bumalik ka na lang muna dito sa bahay para mapirmahan ko 'yan." Buntong hininga ko habang nasa kabilang linya pa rin si Sébastien.Sandali kong nilingon si Morgan na nakamasid lamang sa akin. Blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha kaya't hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman niya. Iwinaksi ko ang tingin ko sa kaniya kalaunan.Masyado naman atang nagmamadali si Mateo? Kakapadala niya pa lamang ng mga papeles na 'yon tapos ngayon gusto niya agad na ibalik sa kaniya? Para namang ang lapit lang ng bansang ito sa bansang kinaroroonan niya. Masyado niya namang pinapahalata na excited siyang mapawalang bisa ang kasal namin. Kung sabagay, planado na nga ito, bakit ba lagi na lang akong nagtataka.Bago ko ibaba ang linya ay sinabihan pa ako ni Sébastien na kakausapin niya muna si Mateo na bigyan ako kahit na tatlong araw man lang, ngunit hindi ako pumayag. Aabalahain niya pa 'yong tao. Sinabihan ko siyang dumiretso na lang dito para matapo
Matulin na lumipas ang mga araw simula nang makapirma ako sa mga papeles na ipinadala ni Mateo. Pagkatapos no'n ay wala na akong narinig mula sa kaniya. 'Yong hiring, wala rin akong balita. Ang tanging alam ko lang ay siya na ang haharap doon at ibabalita na lang ang hatol kay Sébastien.Naging busy rin ang lahat ng tao. Si Sébastien ay umuwi sa Pilipinas dahil kailangan daw siya ni Mateo at ng kompanya. Si Lyden naman ay sumabay na rin dahil dahil tambak na ang mga trabahong kailangan niyang i-review. Si Mira, kahapon lang ay inihatid namin ni Morgan sa airport, laking tuwa nila mommy nang makita nila ako. Balak pa nga akong pauwiin na lang sana pero hindi ako pumayag. Tsaka na, kapag ayos na ang lahat. Kapag puwede na akong bumalik nang wala akong inaalala sa nakaraan ko.Si Morgan, kami ang magkasama. Tuwing gabi na lang din siya umuuwi dahil may trabaho rin siyang inaasikaso dito, pero hindi naman naging hadlang 'yon para hindi niya ako maasikaso.Hapon na nang tumingin ako sa ora
"Congratulations, Mrs., you're five weeks pregnant. As of now, I can't tell what gender your baby is; usually, it takes between 18 to 22 weeks to tell, but for the time being, I want you to avoid anything that might cause you stress."The OB-GYN smiled at me and returned her gaze to the ultrasound machine, where I could only see a small circle. I couldn't say anything... I was too stunned. I'm at a loss for words. Morgan, I thought, was mistaken. Pero heto ang katotohanan sa harapan ko. Kagabi lang ay bumabagabag ito sa akin, ngunit andito na ang kasagutan. Positive. I'm pregnant. Panay pa ang salita ng doctor. Taga Pilipinas din pala siya at dito na nag-tratrabaho dahil nandito ang pamilya. Bahagya naman akong nakaramdam ng kapayapaan dahil kababayan ko rin pala ang titingin sa akin.Hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito. Basta't nahimasmasan na lamang ako nang tanungin ako ng OB kung anong mga symptoms ba ang nararanasan ko. Sinabi ko lahat. Katulad ng pagsusuka ko, pag-gising
"Ayaw mo ba talaga ng negosyo dito, Fayra? Mukhang may balak ka pang umuwi sa Pilipinas ah. Ilang beses na kitang inaalok, ilang beses mo na rin akong tinatanggihan. Sana pag-isipan mo na ang alok kong ito this time."Napabuntong hininga ako. Naka-ilang beses niya na akong tinanong tungkol sa ganiyang usapin. Naka-ilang beses ko na rin siyang sinagot na hindi ko kaya. Hindi naman kasi basta basta ang pagbi-business. Hindi porket you can build a business in just one snap of your fingers, ay gano'n din kadali ang magpatakbo nito. There's so many what ifs, that I need to consider before putting my self sa pressure na dala ng ganiyang trabaho. I'm willing to learn, but not at this moment."Nasa Pilipinas ang pamilya ko, Morgan. Isa pa, tahanan ko 'yon. Dayuhan lamang ako sa bansang ito. Hindi ko rin naman masasabi na kaya ko 'yang i-handle, tsaka na lang kapag ready na ako.""I'm willing to guide you naman, Fayra. Hindi ka naman bago sa field na ito. Your parents are business personnel. B
"Ho-How do you know?"Halos hindi ako makapagsalita nang sabihin ni Sébastien na alam niyang nagdadalang tao ako. Panay pa rin ang ngata niya sa watermelon ko, halos maubos na nga iyon ng silipin ko ang mangkok. Napanguso ako. Akin 'yon eh. Para sa amin ni baby, hindi para sa kaniya."It's so easy to find out, Fayra. Hindi ko alam kung bakit hindi nahahalata ni Morgan." Aniya. "Ilang araw ko na ring napapansin at pinapakiramdaman kayong dalawa, all I can say is that, Morgan's doesn't know anything. At ikaw naman, itinatago mo." Kaswal niyang dugtong.Sandali ko siyang iniwan sa kusina at sinilip si Morgan. Gano'n pa rin ang ayos niya, nakasandal sa couch at papikit pikit ang kaniyang mga mata. Binalingan ko naman si Sébastien at hinila malapit sa may sink."Nag-iingat naman ako, pero sabihin mo nga. Paano mo napapansin?""Easy lang 'yan Fayra. Your cravings. Kapansin pansin 'yon at ang pagiging moody mo. Isa pa, marunong akong kumilatis, siguro dahil nakikita ko na ang mga signs ng
Ilang beses akong napapikit at maka-ilang ulit ring bumuga ng hangin. Nasa tapat ako ngayon ng building na sinasabi ni Morgan. Ilang araw simula nang mapag-usapan namin ito ay heto na nga ako. Pero parang gusto kong umatras. Napapikit ako. I'm twenty three years freaking old and also soon to be a mother!"Mahaba ang pila ng mga applicant, baka gusto mo nang pumasok?"Wala sa sariling nilingon ko si Morgan na naka-sandal sa kotse niyang nakaparada sa tapat mismo ng building na pag-a-applyan ko.Akmang hahakbang ako palapit sa kaniya ng mag-crossed arm siya. Napahinto ako."Hindi ka na makaka-ulit once you step closer to me, Fayra." Nandoon ang kaseryosohan sa boses niya."I-I'm scared." Pag-aamin ko.Morgan raised his brows. "Of what? Rejections?"I simply nodded. "Should I pull out a string?"I immediately shook my head. That's never going to happen.He chuckled. "Then move now. If you keep on standing here, wala kang makukuhang trabaho."Napatango ako bahagyang hinipo ang tiyan ko. P
"Would you mind if we talk?"Hindi ako makapagsalita. Napatingin ako sa tabi nang kaharap ko ng makita ko si Morgan doon. Punong puno ng iba't ibang reaksyon ang mukha niya at nang magtama ang tingin namin ay napailing ito."A-Ano pong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.Lumingon muna siya kay Morgan. "I came to talk to both of you. Matagal na akong naghahanap ng sagot sa mga tanong ko, and I think this is the right time. Right?"Napayuko ako. Imbes na sumagot ay sunod sunod akong napailing. "Pasensiya na po Don Madeo. Pero hindi po kita mapapagbigyan ngayon. Excuse me po." Aniya ko sabay lakad palagpas sa kaniya.Hindi naman ako nakarinig ng pagtutol mula sa kaniya. Tanging boses lamang ni Morgan na pinagsasabihan ang kaniyang lolo na umalis na muna at kakausapin na lang ako.Naghintay pa ako ng ilang sandali bago ko nakita si Morgan na palabas na sa nang building. Agad niyang pinindot ang susi at ako na ang kusang pumasok sa sasakyan. Mabilis siyang tumungo upang pumasok at pinaand
"Pinayagan pa kitang mag-apply kay Gio, not knowing that you're pregnant. Kailan mo balak sabihin sa akin Fayra? Kapag nanganak ka na? 'Yong tipong nahihirapan ka na, tapos ako walang kaalam alam!"Napayuko ako sa lakas nang pagkakasigaw ni Morgan. Huli ko siyang nakitang ganito ay no'ng nasa Palawan kami at nagka-initan sila ni Mateo. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang aura niyang 'yon. Kinalikot ko ang mga daliri ko. Kumakapa ng tiempo para masabi sa kaniyang ang totoo, pero napapangunahan pa rin ako ng takot. What if mas lalo niyang hindi tanggapin ang reason ko? He's being a big brother to me again. Alam kong hindi siya titigil kakasermon."At ikaw!" Napataas ang tingin ko ng balingan niya si Sébastien na nasa kabilang couch. Nakatayo si Morgan sa harapan namin. Naka-pamaywang ang isa niyang kamay habang ang isa ay naka duro kay Seb. "You know about this and you didn't even come to me and tell me what was happening to Fayra!" Sigaw niya, napakamot ng batok niya si Sébastien.
Siguro nga dapat munang dinahan dahan muna namin ang lahat. Hindi nagpadalos dalos sa bugso ng damdamin upang hindi kami makagawa ng ubod ng kapusukan. Marami akong natutunan. Natutunan na isa na doon ang pahalagahan ang sarili. Isalba hanggat kaya pa. Dahil sa huli, ikaw lang sa sarili mo ang tutulong mismo sa 'yo. Wala nang iba pa. Hindi ko alam kung kaya ko bang kalimutan pa ang nakaraan na nagturo sa akin maging matatag at tumayo sa sarili kong mga paa. Ngunit hindi na nga ata mawawala sa akin ang nakaraang gusto kong ibaon na ng tuluyan dahil kasama ko na ito hanggang sa ako'y mabawian ng buhay. Cheating is a choice na hindi mo puwedeng sabihin lang na hindi mo sinasadya o kaya natukso ka lang kaya mo nagawa ang isang pagkakamaling iyon. Alam kong walang kapatawaran ang kasalanan iyon. Walang tamang ekplinasyon para makalusot dahil kapalit nang pagkakasalang iyon ay ang hinagpis ng isang taong kinukwestiyon kung ano ang mali at kulang sa kaniya. Akala ko, hanggang doon na lang
Mateo's POV"Ilang araw nang nasa sa 'yo 'yan, bro. Parang wala kang balak na ibigay 'yan kay Fayra."Nag-angat ako ng tingin kay Morgan na kakapasok lang sa opisina ko. Binuksan ko ang drawer at ipinasok ang hawak hawak ko doon. Inabot ko sa kaniya ang mga papeles na tapos ko nang pirmahan kani-kanina lang. "Naghahanap lang ako ng tama panahon. At hindi naman sa wala akong balak. Hindi pa ata handa si Fayra na muling matali sa akin." Malungkot kong saad. Umupo ito sa may couch at pinag-cross ang dalawang binti habang ang paningin ay nasa akin. "Isang taon na kayong nagsasama after mong bumalik. Hindi ka pa rin sigurado kung gusto niya ba o hindi?" Takang tanong niya. Napasandal ako sa upuan ko at napabuntong hininga. "Pakiramdam ko lang naman. May mga times kasi na parang ilang pa rin siya about some things. Maybe because akala niya bumabalik kami sa dati." "That's bad, bro. Don't you think it's a sign?" Napakunot ang noo ko. "A sign of what?" "A sign that you should leave he
"Mateo, ano na naman ba 'to? Ang dami na namang bulaklak." Nakanguso kong wika habang sinusuyod ng tingin ang buong kusina na halos punuin niya na ng mga rosas.Napatigil ito sa pagva-vacuum at gulat na napatingin sa akin."Bakit hindi ka nagsabing dadating ka na pala?" Balik naman nitong tanong sa akin na ikinabuntong hininga ko. Inilagay ko ang shoulder bag ko sa sofa at sinuyod muli ng tingin ang kusina.Nang lingunin ko siya ay nagkamot ulo ito sabay lapit sa akin. Agad niyang pinulupot ang braso niya sa akin at pinupog ako ng halik."Babe, magrereklamo ka na naman eh." Nangingiwing aniya sa akin sabay hubad sa coat ko. Isinampay niya iyon sa balikat niya at hinapit ako paharap sa kaniya. Nangingiti na ito at agad akong kinintilan ng halik. "A-Ay!" Natatawang hawak nito sa noo niya pagkatapos kong pitikin.Inirapan ko siya at marahang itinulak."Nanliligaw ka pa nga lang may pahalik halik ka na. Ayos ka rin eh noh." Asik ko sa kaniya na ikinatawa niya ng husto."Matik 'yon, babe.
"Mommy, wake up na po.""Mommy."Marahan akong napadilat ng marinig ang boses ng anak ko at ang mahinang pagyugyog niya sa akin. Nang magmulat ako ng husto ay kinusot ko muna ang mga mata ko at iniunat ang braso."Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko't sabay yakap sa kaniya at hinilakan siya sa pisngi.Yumakap naman ng mahigpit pabalik si Ace sa akin. Nang humilay siya sa akin ay nakangiti itong bumaba ng higaan at inabot ang kamay ko."Stand up ka na, Mommy. Ready na ang breakfast na'tin." Aniya niya't ayaw akong tigilan sa paghila."Susunod ako anak, mag-aayos lang si mommy." Aniya ko't bumangon dahil mukhang hindi siya naniniwala."We'll wait for you, Mom." Saad pa nito at parang bulang naglaho sa harapan ko.Napabuntong hininga ako at muling nag-unat. Bigla naman akong natauhan nang maalala na nandito nga pala ang ama niya. Kaagad akong napabangon at basta na lang tinali ang buhok ko. Humarap ako sa salamin para suriin ang sarili ko. Maayos naman akong tingnan kahit wala pang hilam
CHAPTER 50"Pumunta ka, Fayra. Aasahan kita sa birthday ni Rian. Kaunting salo salo lang naman ang mayro'n para sa kaniya, at kaunti lang rin ang inimbita ko kaya magiging simple lang ang ganap ngayong taon unlike last year."Nakangiti kong tinanggap ang invitation letter na iniabot ni Rose sa akin. Tinapos ko muna ang paghigop ko sa kape ko bago ko buksan ang card at basahin ang nasa loob no'n."Biruin mo, siyam na taon na pala ang anak mo. Tumatanda ka na Rose, tingin ko kailangan mo nang sundan si Rian." Komento naman ni Lyden.Napagawi ang paningin ko sa kaniya at natawa."Hindi ba't ayaw niya na ngang sundan si Rian. Ito talagang buntis na 'to." Ngiwi ko na ikinatawa nila."Masyado na akong maraming ginagawa. May bakery ako, at may plano pa akong magbukas ng panibago. At isa pa, sino namang bubuntis sa akin? Alam niyo namang ayaw ko na nang lalaki sa buhay ko—""Ay, grabeng pagbabago naman ang ginawa mo sa buhay mo, Rose. Paano ka sa gabi niyan—""Hoy, Lyden. Magpigil ka nga sa b
Mateo's POV"You're not going anywhere, Mateo! I'm warning you! I can do whatever I want if you choose her over me!"I closed my eyes and tried to calm my nerves so that I wouldn't lose control. I'm tired of this. I'm tired of keeping a plan in my mind, but then here it is; my plan for making a bond with my son and his mom is not going to happen anymore. Alam kong pagkatapos nitong biglaang pagsulpot ni Rose sa bahay ni lolo ay mahihirapan na naman akong mapalapit kay Fayra. "What do you think you're doing, Mateo huh?! Tingin mo ba wala akong alam sa gusto mong mangyari?" Punong puno ng galit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, hindi pa siya nakuntento at hinawakan niya pa ako sa polo ko. "I'm tired of this, Rose. I'm tired." Sukong saad ko. Hinawakan ko siya sa pulsuhan niya at unti unting inilayo sa akin. Ang kaninang matapang niyang aura sa akin ay unti unting nawawala at napapalitan ng pagtataka. Naging malikot ang kaniyang mata. Alam kong hindi niya inaasahan ang nar
"Good morning!" Masiglang bungad ni Mateo sa akin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong pa nito na ikinatango ko. Malawak siyang ngumiti sa akin at bago pa man siya makalapit sa akin ay agad ko nang hinarang ang kamay ko sa pagitan naming dalawa. Nawala ang pagkakangiti niya ngunit mabilis namang bumalik iyon."Come here, take your breakfast na." Paghihila nito ng upuan sa akin na pinaunlakan ko naman. "Heavy breakfast ang hinanda ko for us, since puro lugaw ka lang naman kahapon." Saad nito at sinalinan ang plato ko. Isang putahe lang ang nasa mesa. At paborito ko pa ang inihanda niya para sa umagahan. "Paborito mo, right?" Paglalapag nito sa plato ko. Binigyan ko lang siya ng isang tingin at kinuha na ang kutsara't tinidor at inumpisahang tikman ang niluto niya. Ilang beses akong napalunok. Nanunuot sa lalamunan ko ang lasa ng luto niya. Tama ang lasa, masarap. "Does it taste bad?" May pag-aalala sa boses niya. Nagtaas ako ng tingin at umiling. Para naman siyang nakahinga
"Can you please stop looking at me, Mateo. Kanina pa ako napipikon sa 'yo, makakatikim ka na talaga sa 'kin." Pikang sambit ko na ikinangiwi niya naman.Nagpatuloy ito sa pagkain niya at katulad kanina ay unti unti na naman nitong ibinabalik ang paningin niya sa akin.Napapikit ako at nagyuko. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa nakakairita niyang panonood sa akin. Ni hindi ko nga malunok ng maayos kahit lugaw na lang ang kinain ko dahil bigla bigla siyang ngingisi na animo'y nasiraan na ng bait."Pagka-uwi ni Ace, gusto kong tayo namang tatlo ang mag-bonding---""Ayaw ko." Mabilis kong sagot. "Fayra naman.""Bakit kailangang tayo lang tatlo? Kung kasama sila Morgan baka pumayag pa ako." Nagkamot siya sa batok at naglabi. "It's a family bonding, Fayra." Tila nauubusan na siya ng pasensiya sa akin. Kunwaring nagulat naman ako sa kaniya. "Family bonding?" Hindi kunwari makapaniwalang saad ko. Ang tingin na ipinukol niya sa akin ay tingin nang isang naaasar. "Kailan pa?" "Stop play
"You don't need to bring that much, Ace. Just put three shirt and short, then your undergarments." Sita ko kay Ace nang mabalingan ko ito na pinupuno ang pack bag niya. Ngayon siya susunduin ni Mateo para dalhin sa lolo niya. Ilang araw ko ring inisip kung dapat ko ba silang pagbigyan. Ilang araw na rin ang nakakaraan nang magpadala muli ng mensahe ang Don sa amin. Maging ang secretary nito ay nagre-reach out sa amin sa gusto niyang mangyari. Sa huli ay ito. Kinain ko rin lahat ng sinabi ko. Labag man sa kalooban ko na ipasama si Ace, gayong hindi ko naman kaya na mawalay siya sa akin kahit na isang araw ngunit ngayon ay dapat ko munang tiisin. Nagka-usap na rin kami ni Mateo na huwag pabayaan si Ace dahil talagang malilintikan siya sa akin. Tinatawanan pa ako ng lalaking 'yon na para bang nagbibiro ako sa kaniya. Ang kampante niya sa akin, para bang maayos na kaming dalawa. "Mommy," "Yes, anak?" Baling kong muli sa kaniya. "Why don't you want to come with us po?" Ngusong tanong