Ilang beses akong napapikit at maka-ilang ulit ring bumuga ng hangin. Nasa tapat ako ngayon ng building na sinasabi ni Morgan. Ilang araw simula nang mapag-usapan namin ito ay heto na nga ako. Pero parang gusto kong umatras. Napapikit ako. I'm twenty three years freaking old and also soon to be a mother!"Mahaba ang pila ng mga applicant, baka gusto mo nang pumasok?"Wala sa sariling nilingon ko si Morgan na naka-sandal sa kotse niyang nakaparada sa tapat mismo ng building na pag-a-applyan ko.Akmang hahakbang ako palapit sa kaniya ng mag-crossed arm siya. Napahinto ako."Hindi ka na makaka-ulit once you step closer to me, Fayra." Nandoon ang kaseryosohan sa boses niya."I-I'm scared." Pag-aamin ko.Morgan raised his brows. "Of what? Rejections?"I simply nodded. "Should I pull out a string?"I immediately shook my head. That's never going to happen.He chuckled. "Then move now. If you keep on standing here, wala kang makukuhang trabaho."Napatango ako bahagyang hinipo ang tiyan ko. P
"Would you mind if we talk?"Hindi ako makapagsalita. Napatingin ako sa tabi nang kaharap ko ng makita ko si Morgan doon. Punong puno ng iba't ibang reaksyon ang mukha niya at nang magtama ang tingin namin ay napailing ito."A-Ano pong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.Lumingon muna siya kay Morgan. "I came to talk to both of you. Matagal na akong naghahanap ng sagot sa mga tanong ko, and I think this is the right time. Right?"Napayuko ako. Imbes na sumagot ay sunod sunod akong napailing. "Pasensiya na po Don Madeo. Pero hindi po kita mapapagbigyan ngayon. Excuse me po." Aniya ko sabay lakad palagpas sa kaniya.Hindi naman ako nakarinig ng pagtutol mula sa kaniya. Tanging boses lamang ni Morgan na pinagsasabihan ang kaniyang lolo na umalis na muna at kakausapin na lang ako.Naghintay pa ako ng ilang sandali bago ko nakita si Morgan na palabas na sa nang building. Agad niyang pinindot ang susi at ako na ang kusang pumasok sa sasakyan. Mabilis siyang tumungo upang pumasok at pinaand
"Pinayagan pa kitang mag-apply kay Gio, not knowing that you're pregnant. Kailan mo balak sabihin sa akin Fayra? Kapag nanganak ka na? 'Yong tipong nahihirapan ka na, tapos ako walang kaalam alam!"Napayuko ako sa lakas nang pagkakasigaw ni Morgan. Huli ko siyang nakitang ganito ay no'ng nasa Palawan kami at nagka-initan sila ni Mateo. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang aura niyang 'yon. Kinalikot ko ang mga daliri ko. Kumakapa ng tiempo para masabi sa kaniyang ang totoo, pero napapangunahan pa rin ako ng takot. What if mas lalo niyang hindi tanggapin ang reason ko? He's being a big brother to me again. Alam kong hindi siya titigil kakasermon."At ikaw!" Napataas ang tingin ko ng balingan niya si Sébastien na nasa kabilang couch. Nakatayo si Morgan sa harapan namin. Naka-pamaywang ang isa niyang kamay habang ang isa ay naka duro kay Seb. "You know about this and you didn't even come to me and tell me what was happening to Fayra!" Sigaw niya, napakamot ng batok niya si Sébastien.
"Wala siyang alam kaya niya nasasabi ang bagay na 'yon. Hindi siya ang nagdusa sa mga panahong halos hagupitin ako nang katotohanan ni Mateo. Hindi siya ang nakasaksi sa kapangahasan ng apo niya. All this time, hindi ko inaakalang mas matindi ang pagnanasa ni Don Madeo para sa amin. Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw niya kaming bitiwan. Kailangan niyo ang pamilya ko para sa mas mabilis na pag-unlad ng mga proyekto niyo.""F-Fayra---""Paano niya nalaman na nagdadalang tao ako? Ibinalita mo?" Matiim ang titig na ipinukol ko kay Morgan.Mabilis siyang umiling. "I did not. Nangako ako sa 'yo, Fayra. Hindi ko magagawang baliin 'yon." Puno ng kaseryosohan niyang saad.Napahilot ako sa sintido ko. "Ano'ng gagawin ko, Morgan? Kahit pa sabihin ko ang lahat sa lolo mo, mukhang hindi niya ako naiintindihan.""Mukha ring desidido si lolo sa sinabi niya Fayra. But look, hindi ako papayag doon." Abot niya sa kamay ko at pinisil pisil 'yon. "Sa ngayon all we have to do ay sakyan ang sinasabi n
"Fayra, wait!"Napapikit ako sa inis nang marinig na naman ang maka-ilang ulit na pagtawag sa pangalan ko. Hindi ko alam kung nanadya ba talaga ang tadhana sa akin o talagang pagkakataon lang ang lahat ng ito sa buhay ko.Kinuha ko sa bag ko ang phone ko at mabilis na tinawagan si Sébastien para masamahan ako dito sa mall. Nang hindi niya sagutin ay dali dali na lang akong nag-text at umaasang mababa niya din kaagad ito para mapuntahan niya na ako ngayon.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Lumabas ako ng store na pinasukan ko at naghanap kung saan na naman kaya ako puwedeng tumungo para hindi ako makita ng taong ito."Fayra, shit! Ngayon na nga lang kita nakita, tatakbuhan mo pa ako!" Sigaw niya kaya't bahagya ko siyang nilingon. Nag-peace sign ito sa akin at nagmamadaling tinakbo ang pagitan namin."What do you need, Massimo?""Chill, wala akong kailangan sa 'yo. Nakita lang kita at gusto lang kitang kumustahin dahil sa nabalitaan ko but you got over reacted."Nanliit ang mata ko sa
"Where the hell on earth is he?! Kanina pa dapat tayo nabyahe dahil maagang mag-start ang program nila Mira.""Kumalma ka nga Morgan. 'Yong program ba talaga ang ikinababahala mo o ang kaibigan ko na gusto mong makita?" Nakangiwing tanong ko kay Morgan at inabutan siya ng isang basong tubig.He let out a chuckled. "Speaking of your friend, Fayra. She's freaking not answering my damn calls, para naman akong others sa kaniya.""She's probably been busy, Morgan. Alam mo namang maraming pasikot sikot ang buhay ni Lyden and one more thing, bakit naman niya sasagutin ang tawag mo? Wala namang kayong business na dalawa." Mapanuyang saad ko na ikinatigil niya."Your words are getting worst day by day Fayra. Gawa pa rin ba 'yan ng pregnancy mo?"Nagkibit balikat lang ako. Tumayo ako para suriin ang dress ko sa salamin. Maging ang make up ko na very light lang na bumabagay sa suot ko. Napako ang paningin ko sa bump ko. Hindi pa rin siya masyadong halata dahil hindi naman fitted ang dress, medyo
"Siya nga 'yan. Siya 'yong kasabay ko sa pag-a-apply kina Sir, Gio. Isabella ang pangalan na ipinakilala niya sa 'kin, hindi ko alam ang full name pero mukha talaga siyang pamilyar sa akin. Kanina ko lang rin naisip na siya pala 'yong babae na naka-dress na pula noon sa Palawan." Patangu-tangong saad ko kay Sébastien habang parehas naming tinititigan ang mga litratong inabot sa kaniya ng hindi ko kilalang tao ilang minuto na rin ang nakalilipas mula kanina. Habang nagmamaneho si Sébastien palayo sa venue ng graduation ni Mira ay ikinuwento niya na sa akin ang lahat. Ngayon lang din daw ibinigay ang tip sa kaniya. No'ng una ay hindi niya pa alam kung bakit dahil matagal niya naman nang ipinatigil ang pag-i-imbestiga dahil baka magalit ito sa kaniya, kaya laking pagtataka niya nang may magbigay ng impormasyon sa kaniya.Maging sa mga ipinadalang larawan ay nandoon ako. Nakatalikod ngunit halatang halatang ako ang kausap ni Isabella. Maging sa linya ng mga applicant ay may kuha. Napakag
Makalipas ang ilang linggong pamamalagi sa Pilipinas buhat nang graduation ni Mira ay maraming nangyari sa aking paligid. Isa na roon ang madalas na pagkawala ni Sébastien sa tabi ko. Maging si Morgan at Lyden ay madalang ko na lamang nakikita dahil parehas na busy sa kaniya kaniya nilang trabaho. Idagdag pa ang ilang araw kong pag-uumpisa sa pagtratrabaho sa opisina ni Sir, Gio at ang pagkaalam ng pamilya ko tungkol sa aking pagdadalang tao. Ang pinaka-galak na galak ay walang iba kung 'di si Mira na halos maging sa pagtulog namin ay gusto pa akong tabihan. Naging extra protective din sila mommy. Bantay sa sarado ang bawat nakahandang pagkain sa akin. Monitor rin ako 24/7 na hindi ko naman nakasanayan kaya't medyo naiilang ako sa sobrang pag-aalaga nila sa akin. Ayaw pa nga akong patuluyin nila dad sa office nang sabihin kong magtratrabaho na ako. Pinilit ko pa sila at ilang beses na nangakong mag-iingat at sinabing alam rin naman ng boss ko na nagdadalang tao ako kaya't hindi mabigat