Hello, thank you for reading this story! ❤️
"Where the hell on earth is he?! Kanina pa dapat tayo nabyahe dahil maagang mag-start ang program nila Mira.""Kumalma ka nga Morgan. 'Yong program ba talaga ang ikinababahala mo o ang kaibigan ko na gusto mong makita?" Nakangiwing tanong ko kay Morgan at inabutan siya ng isang basong tubig.He let out a chuckled. "Speaking of your friend, Fayra. She's freaking not answering my damn calls, para naman akong others sa kaniya.""She's probably been busy, Morgan. Alam mo namang maraming pasikot sikot ang buhay ni Lyden and one more thing, bakit naman niya sasagutin ang tawag mo? Wala namang kayong business na dalawa." Mapanuyang saad ko na ikinatigil niya."Your words are getting worst day by day Fayra. Gawa pa rin ba 'yan ng pregnancy mo?"Nagkibit balikat lang ako. Tumayo ako para suriin ang dress ko sa salamin. Maging ang make up ko na very light lang na bumabagay sa suot ko. Napako ang paningin ko sa bump ko. Hindi pa rin siya masyadong halata dahil hindi naman fitted ang dress, medyo
"Siya nga 'yan. Siya 'yong kasabay ko sa pag-a-apply kina Sir, Gio. Isabella ang pangalan na ipinakilala niya sa 'kin, hindi ko alam ang full name pero mukha talaga siyang pamilyar sa akin. Kanina ko lang rin naisip na siya pala 'yong babae na naka-dress na pula noon sa Palawan." Patangu-tangong saad ko kay Sébastien habang parehas naming tinititigan ang mga litratong inabot sa kaniya ng hindi ko kilalang tao ilang minuto na rin ang nakalilipas mula kanina. Habang nagmamaneho si Sébastien palayo sa venue ng graduation ni Mira ay ikinuwento niya na sa akin ang lahat. Ngayon lang din daw ibinigay ang tip sa kaniya. No'ng una ay hindi niya pa alam kung bakit dahil matagal niya naman nang ipinatigil ang pag-i-imbestiga dahil baka magalit ito sa kaniya, kaya laking pagtataka niya nang may magbigay ng impormasyon sa kaniya.Maging sa mga ipinadalang larawan ay nandoon ako. Nakatalikod ngunit halatang halatang ako ang kausap ni Isabella. Maging sa linya ng mga applicant ay may kuha. Napakag
Makalipas ang ilang linggong pamamalagi sa Pilipinas buhat nang graduation ni Mira ay maraming nangyari sa aking paligid. Isa na roon ang madalas na pagkawala ni Sébastien sa tabi ko. Maging si Morgan at Lyden ay madalang ko na lamang nakikita dahil parehas na busy sa kaniya kaniya nilang trabaho. Idagdag pa ang ilang araw kong pag-uumpisa sa pagtratrabaho sa opisina ni Sir, Gio at ang pagkaalam ng pamilya ko tungkol sa aking pagdadalang tao. Ang pinaka-galak na galak ay walang iba kung 'di si Mira na halos maging sa pagtulog namin ay gusto pa akong tabihan. Naging extra protective din sila mommy. Bantay sa sarado ang bawat nakahandang pagkain sa akin. Monitor rin ako 24/7 na hindi ko naman nakasanayan kaya't medyo naiilang ako sa sobrang pag-aalaga nila sa akin. Ayaw pa nga akong patuluyin nila dad sa office nang sabihin kong magtratrabaho na ako. Pinilit ko pa sila at ilang beses na nangakong mag-iingat at sinabing alam rin naman ng boss ko na nagdadalang tao ako kaya't hindi mabigat
"Just set an appointment with Mr. Parisi. Maybe tomorrow, if I can work around in his busy schedule." Kibit balikat niya."Ako nang bahala Sir. Even to this day, I can say that he's going to be here if I call his secretary right now." May pagmamalaki sa boses ko.Napataas siya ng kilay. "Well, I'm looking for that, Ms. Just inform me immediately if he's here so I can arrange my proposal." Aniya at patalikod na sana. "And one more thing, I ordered some food earlier, kasama rin ang mga pinaglilihian mo dahil kabilinbilinan 'yon ni Morgan. Ipapadala ko na lang mamaya sa puwesto niyo.""Thank you Sir, Gio." Ngiti ko at pinauna na siyang maglakad.Tumungo naman ako sa puwesto ko. Hindi ko naabutan doon si Isabella. Siguro ay nasa management na naman siya dahil marami ring gawain doon. Agad kong inumpisahan ang aking trabaho. Sinubukan kong sumingit sa kaniyang napaka-busy na schedule ngunit ayaw naman akong gawan ng appointment ora mismo ng kaniyang secretary. Napalabi ako at wala nang iba
"Tumawag 'yong secretary ni Mr. Vejar, i-ibinasura daw ng boss niya 'yong proposal na'tin." Nanginginig ang boses na balita ni Isabella sa akin.Nasapo ko ang aking noo. Ilang araw na naming sinusubukang padalhan ng proposal si Mateo simula no'ng pinaunlakan niya ang tawag ni Sir, Gio. Akala namin ay desidido na talaga siya na i-review ang proposal at contract kaso no'ng ipinadala na namin ay hindi naman daw tiningnan at sinabi pang parang gawa ng isang bata ang presentation. Parang gusto kong sumabog ng marinig ko 'yon.Akala ko ay hindi niya na uulitin iyon ngunit kagaya nang una ay hindi niya ito pinapansin sa ilang beses na pagkakataon na padala kami nang padala, ngunit ngayon naman nagbago ata ang utak, kaso ibinasura naman! Para akong mauubusan ng dugo sa kalokohan niya.Nakakapang-init siya ng ulo.Tumayo ako sa kinauupuan ko at dumiretso ng restroom. Tiningnan ko ang ayos ko sa salamin. Halata na ang eyebags ko sa ilalim ng aking mga mata. Halata rin na napapabayaan ko na ang
"Wala akong dapat i-explain sa 'yo, Massimo. Bakit ba sulpot ka nang sulpot kung saan saan?" Inis kong asik sa kaniya habang naglalakad para hanapin ang sasakyan ni Isabella.Kasalukuyan akong nagtitipa sa phone ko at tinatadtad ng text si Isabella para mabilis kaming magkita at para na rin makalayo sa makulit na taong ito, ngunit masyadong mapaglaro ang tadhana. Kakabasa ko pa lang sa text ni Isabella at sinabing pababa pa lang daw siya dahil may inayos pa siya na importanteng papeles sa may printer."Upo ka po muna, Ms. Fayra." Aniya ng guard na ini-alok pa ang upuan niya sa akin. Magalang akong umiling at nagpatuloy na lang sa kung saan man ako mapunta. Buti na lang talaga at hindi masyadong mainit dito sa may parking dahil widely open ang paligid, hindi katulad ng ibang parking na kulob masyado."Fayra, nagtatanong lang naman ako. I mean, parang nitong nakaraang buwan lang tayo nagkita at hindi ganiyan kalaki ang tiyan mo. Nakakapagtaka—""Ano namang nakakapagtaka dito, Massimo? N
Nakataas ang kilay at punong puno nang pagtataka ang mababakasan sa ekspresyon na lumulukob sa akin ngayon. Halos hindi ko mai-pasok sa utak ko kung ano ba talagang nangyayari. Ang alam ko lang at malinaw sa akin ay ang gusto nang mapirmahan ni Mateo ang proposal ng kompanya ni Sir. Gio.Dumako ang paningin ko kay Sébastien na panay ang pag-ikot ng ballpen sa pagitan ng kaniyang mga daliri. Seryoso ang mukha nitong nakatingin kay Mateo na nakatingin naman sa mga papel na sunod sunod na ibinibigay ni Sir, Gio sa kaniya."Napano 'yan?" Kalabit ni Morgan na tumayo pa mula sa tabi ni Sébastien para lang dumako sa akin at bumulong.Marahan ko siyang siniko na ikina-irap niya naman. Pinanood ko pa siyang pumunta naman kay Isabella, ngumuso ito sa kaniya at marahan siyang itinulak. Para namang bata na nginusuan ni Morgan si Isabella na para bang nalugi.Napano 'yan? Hindi ko alam. Ako pa talaga ang tinanong gayong kapatid niya naman 'yang gustong pumunta dito at mismong nag-alok sa sarili ni
"Walang makakapigil kay Gio when it comes to his company, Lyden. He's willing to do anything and everything for the better benefits he can get from it. Do you understand that?""You are friends, Morgan. Can't you use that to protect Fayra away from your brother?""I wish I could use that, Lyden. If ever I could, sana ginawa ko na bago mo pa sinabi 'yan."Hindi maalis ang paningin ko sa dalawa habang panay naman ang pagngata ko sa manggang ibinibigay ni Sébastien sa akin. Panay ang pagbabalat niya no'n habang ang mata rin ay nasa kanila Morgan at Lyden na nag-aaway kanina pa.Mabilis na dumating kay Lyden ang balita. Siguro nasabi na agad sa kaniya ni Morgan at gano'n na lang ang reaksyon niya at napasugod pa sa bahay."Ang sabihin mo, napatawad mo na 'yang kapatid mo kaya wala ka nang pakialam pa kay Fayra." Mahinang litanya ni Lyden at dumako ang tingin sa akin."Saan naman nanggagaling 'yan, Lyden? You're always making that conclusion na lagi na lang mali." Halata ang pagkainis sa b
Siguro nga dapat munang dinahan dahan muna namin ang lahat. Hindi nagpadalos dalos sa bugso ng damdamin upang hindi kami makagawa ng ubod ng kapusukan. Marami akong natutunan. Natutunan na isa na doon ang pahalagahan ang sarili. Isalba hanggat kaya pa. Dahil sa huli, ikaw lang sa sarili mo ang tutulong mismo sa 'yo. Wala nang iba pa. Hindi ko alam kung kaya ko bang kalimutan pa ang nakaraan na nagturo sa akin maging matatag at tumayo sa sarili kong mga paa. Ngunit hindi na nga ata mawawala sa akin ang nakaraang gusto kong ibaon na ng tuluyan dahil kasama ko na ito hanggang sa ako'y mabawian ng buhay. Cheating is a choice na hindi mo puwedeng sabihin lang na hindi mo sinasadya o kaya natukso ka lang kaya mo nagawa ang isang pagkakamaling iyon. Alam kong walang kapatawaran ang kasalanan iyon. Walang tamang ekplinasyon para makalusot dahil kapalit nang pagkakasalang iyon ay ang hinagpis ng isang taong kinukwestiyon kung ano ang mali at kulang sa kaniya. Akala ko, hanggang doon na lang
Mateo's POV"Ilang araw nang nasa sa 'yo 'yan, bro. Parang wala kang balak na ibigay 'yan kay Fayra."Nag-angat ako ng tingin kay Morgan na kakapasok lang sa opisina ko. Binuksan ko ang drawer at ipinasok ang hawak hawak ko doon. Inabot ko sa kaniya ang mga papeles na tapos ko nang pirmahan kani-kanina lang. "Naghahanap lang ako ng tama panahon. At hindi naman sa wala akong balak. Hindi pa ata handa si Fayra na muling matali sa akin." Malungkot kong saad. Umupo ito sa may couch at pinag-cross ang dalawang binti habang ang paningin ay nasa akin. "Isang taon na kayong nagsasama after mong bumalik. Hindi ka pa rin sigurado kung gusto niya ba o hindi?" Takang tanong niya. Napasandal ako sa upuan ko at napabuntong hininga. "Pakiramdam ko lang naman. May mga times kasi na parang ilang pa rin siya about some things. Maybe because akala niya bumabalik kami sa dati." "That's bad, bro. Don't you think it's a sign?" Napakunot ang noo ko. "A sign of what?" "A sign that you should leave he
"Mateo, ano na naman ba 'to? Ang dami na namang bulaklak." Nakanguso kong wika habang sinusuyod ng tingin ang buong kusina na halos punuin niya na ng mga rosas.Napatigil ito sa pagva-vacuum at gulat na napatingin sa akin."Bakit hindi ka nagsabing dadating ka na pala?" Balik naman nitong tanong sa akin na ikinabuntong hininga ko. Inilagay ko ang shoulder bag ko sa sofa at sinuyod muli ng tingin ang kusina.Nang lingunin ko siya ay nagkamot ulo ito sabay lapit sa akin. Agad niyang pinulupot ang braso niya sa akin at pinupog ako ng halik."Babe, magrereklamo ka na naman eh." Nangingiwing aniya sa akin sabay hubad sa coat ko. Isinampay niya iyon sa balikat niya at hinapit ako paharap sa kaniya. Nangingiti na ito at agad akong kinintilan ng halik. "A-Ay!" Natatawang hawak nito sa noo niya pagkatapos kong pitikin.Inirapan ko siya at marahang itinulak."Nanliligaw ka pa nga lang may pahalik halik ka na. Ayos ka rin eh noh." Asik ko sa kaniya na ikinatawa niya ng husto."Matik 'yon, babe.
"Mommy, wake up na po.""Mommy."Marahan akong napadilat ng marinig ang boses ng anak ko at ang mahinang pagyugyog niya sa akin. Nang magmulat ako ng husto ay kinusot ko muna ang mga mata ko at iniunat ang braso."Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko't sabay yakap sa kaniya at hinilakan siya sa pisngi.Yumakap naman ng mahigpit pabalik si Ace sa akin. Nang humilay siya sa akin ay nakangiti itong bumaba ng higaan at inabot ang kamay ko."Stand up ka na, Mommy. Ready na ang breakfast na'tin." Aniya niya't ayaw akong tigilan sa paghila."Susunod ako anak, mag-aayos lang si mommy." Aniya ko't bumangon dahil mukhang hindi siya naniniwala."We'll wait for you, Mom." Saad pa nito at parang bulang naglaho sa harapan ko.Napabuntong hininga ako at muling nag-unat. Bigla naman akong natauhan nang maalala na nandito nga pala ang ama niya. Kaagad akong napabangon at basta na lang tinali ang buhok ko. Humarap ako sa salamin para suriin ang sarili ko. Maayos naman akong tingnan kahit wala pang hilam
CHAPTER 50"Pumunta ka, Fayra. Aasahan kita sa birthday ni Rian. Kaunting salo salo lang naman ang mayro'n para sa kaniya, at kaunti lang rin ang inimbita ko kaya magiging simple lang ang ganap ngayong taon unlike last year."Nakangiti kong tinanggap ang invitation letter na iniabot ni Rose sa akin. Tinapos ko muna ang paghigop ko sa kape ko bago ko buksan ang card at basahin ang nasa loob no'n."Biruin mo, siyam na taon na pala ang anak mo. Tumatanda ka na Rose, tingin ko kailangan mo nang sundan si Rian." Komento naman ni Lyden.Napagawi ang paningin ko sa kaniya at natawa."Hindi ba't ayaw niya na ngang sundan si Rian. Ito talagang buntis na 'to." Ngiwi ko na ikinatawa nila."Masyado na akong maraming ginagawa. May bakery ako, at may plano pa akong magbukas ng panibago. At isa pa, sino namang bubuntis sa akin? Alam niyo namang ayaw ko na nang lalaki sa buhay ko—""Ay, grabeng pagbabago naman ang ginawa mo sa buhay mo, Rose. Paano ka sa gabi niyan—""Hoy, Lyden. Magpigil ka nga sa b
Mateo's POV"You're not going anywhere, Mateo! I'm warning you! I can do whatever I want if you choose her over me!"I closed my eyes and tried to calm my nerves so that I wouldn't lose control. I'm tired of this. I'm tired of keeping a plan in my mind, but then here it is; my plan for making a bond with my son and his mom is not going to happen anymore. Alam kong pagkatapos nitong biglaang pagsulpot ni Rose sa bahay ni lolo ay mahihirapan na naman akong mapalapit kay Fayra. "What do you think you're doing, Mateo huh?! Tingin mo ba wala akong alam sa gusto mong mangyari?" Punong puno ng galit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, hindi pa siya nakuntento at hinawakan niya pa ako sa polo ko. "I'm tired of this, Rose. I'm tired." Sukong saad ko. Hinawakan ko siya sa pulsuhan niya at unti unting inilayo sa akin. Ang kaninang matapang niyang aura sa akin ay unti unting nawawala at napapalitan ng pagtataka. Naging malikot ang kaniyang mata. Alam kong hindi niya inaasahan ang nar
"Good morning!" Masiglang bungad ni Mateo sa akin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong pa nito na ikinatango ko. Malawak siyang ngumiti sa akin at bago pa man siya makalapit sa akin ay agad ko nang hinarang ang kamay ko sa pagitan naming dalawa. Nawala ang pagkakangiti niya ngunit mabilis namang bumalik iyon."Come here, take your breakfast na." Paghihila nito ng upuan sa akin na pinaunlakan ko naman. "Heavy breakfast ang hinanda ko for us, since puro lugaw ka lang naman kahapon." Saad nito at sinalinan ang plato ko. Isang putahe lang ang nasa mesa. At paborito ko pa ang inihanda niya para sa umagahan. "Paborito mo, right?" Paglalapag nito sa plato ko. Binigyan ko lang siya ng isang tingin at kinuha na ang kutsara't tinidor at inumpisahang tikman ang niluto niya. Ilang beses akong napalunok. Nanunuot sa lalamunan ko ang lasa ng luto niya. Tama ang lasa, masarap. "Does it taste bad?" May pag-aalala sa boses niya. Nagtaas ako ng tingin at umiling. Para naman siyang nakahinga
"Can you please stop looking at me, Mateo. Kanina pa ako napipikon sa 'yo, makakatikim ka na talaga sa 'kin." Pikang sambit ko na ikinangiwi niya naman.Nagpatuloy ito sa pagkain niya at katulad kanina ay unti unti na naman nitong ibinabalik ang paningin niya sa akin.Napapikit ako at nagyuko. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa nakakairita niyang panonood sa akin. Ni hindi ko nga malunok ng maayos kahit lugaw na lang ang kinain ko dahil bigla bigla siyang ngingisi na animo'y nasiraan na ng bait."Pagka-uwi ni Ace, gusto kong tayo namang tatlo ang mag-bonding---""Ayaw ko." Mabilis kong sagot. "Fayra naman.""Bakit kailangang tayo lang tatlo? Kung kasama sila Morgan baka pumayag pa ako." Nagkamot siya sa batok at naglabi. "It's a family bonding, Fayra." Tila nauubusan na siya ng pasensiya sa akin. Kunwaring nagulat naman ako sa kaniya. "Family bonding?" Hindi kunwari makapaniwalang saad ko. Ang tingin na ipinukol niya sa akin ay tingin nang isang naaasar. "Kailan pa?" "Stop play
"You don't need to bring that much, Ace. Just put three shirt and short, then your undergarments." Sita ko kay Ace nang mabalingan ko ito na pinupuno ang pack bag niya. Ngayon siya susunduin ni Mateo para dalhin sa lolo niya. Ilang araw ko ring inisip kung dapat ko ba silang pagbigyan. Ilang araw na rin ang nakakaraan nang magpadala muli ng mensahe ang Don sa amin. Maging ang secretary nito ay nagre-reach out sa amin sa gusto niyang mangyari. Sa huli ay ito. Kinain ko rin lahat ng sinabi ko. Labag man sa kalooban ko na ipasama si Ace, gayong hindi ko naman kaya na mawalay siya sa akin kahit na isang araw ngunit ngayon ay dapat ko munang tiisin. Nagka-usap na rin kami ni Mateo na huwag pabayaan si Ace dahil talagang malilintikan siya sa akin. Tinatawanan pa ako ng lalaking 'yon na para bang nagbibiro ako sa kaniya. Ang kampante niya sa akin, para bang maayos na kaming dalawa. "Mommy," "Yes, anak?" Baling kong muli sa kaniya. "Why don't you want to come with us po?" Ngusong tanong