Hindi ko alam kung paano napunta sa ganito ang sitwasyong kinalalagyan ni Mikea.Sinabi ko naman na gusto kong tumulong pero bakit biglang naging ganito ang paraan na naisip nila?“Sigurado ka ba diyan, Mikea?” tanong ko sa kanya.Pinayagan siya ng kanyang boss na huwag munang pumasok sa araw na ito kaya naman agad siyang nagpunta sa akin para sabihin kung ano ang napag-usapan nila ng kanyang boss na dumalaw din pala sa hospital para sa nanay niya.Hindi lang kami nagpang-abot dahil kinailangan ko ding umuwi agad para kay Millie.“Iyon ang sinabi ni Boss,” sabi niya. “Kailangan kong makahanap ng pansamantalang papalit sa akin bilang secretary niya kung gusto kong mag-leave ng matagal nang hindi nawawala sa akin ang trabahong iyon.”Itinuro ko ang sarili ko. “At ako ang napili mo?”Hindi siya nagdalawang-isip na tumango.Tulad ng napag-usapan nila ng boss niya, pinayagan siyang mag-leave nito hanggang kailan niya gusto at makakabalik siya sa kanyang trabaho nang hindi nawawala ang kany
Kanina pa ako kinakabahan mula nang pumasok kami sa building ng Raiden Car Shop. At mukhang napansin iyon ni Mikea kaya naman bago kami tuluyang dumeretso sa opisina ng kanyang boss ay inilibot muna niya ako sa buong building.At sa totoo lang ay nakaka-amaze ang environment na mayroon dito.Kumpleto kasi sa benefits ang bawat empleyado. Mayroon ding mga entertainment facility dito na pwedeng gamitin ng mga empleyado, pero syempre, they can only use that if they are not on duty.Maliban pa doon, free ang meal nila dito na halos iilang kumpanya lang ang nag-i-implement. At talagang maganda ang pasahod.Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganoon na lang karami ang naghahangad na maging empleyado dito.Kahit kasi iyong mga nasa production ay pinapayagang gamitin ang mga facility dito sa building.“This place is such an ideal workplace for everyone,” sabi ko habang pabalik na kami ni Mikea sa floor kung nasaan ang opisina ng boss niya. “Siguro ay kung nagtatrabaho ako ay pipilitin ko d
Umalis na si Mikea dahil kailangan na niyang sunduin si Millie kaya naman naiwan kaming dalawa ni Enver sa loob ng opisina niya.At halos dalawang oras na nga ang lumipas nang muli kaming magkita ngunit hanggang ngayon ay wala pa ding nangangahas na magsalita sa aming dalawa.Well, on my side, hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko. Ayaw ko ding magsalita ng kung anu-ano at baka mabanggit ko pa sa kanya ang tungkol kay Millie.Hindi naman sa ayaw kong maging parte siya ng buhay ng anak namin. Karapatan pa din niya ang malaman ang tungkol dito pero gusto ko munang malaman kung hindi ba masasaktan ang anak ko kapag ipinagtapat ko na sa kanila ang totoo.Dahil iyon ang isang bagay na hindi ko kakayanin na makita, ang masaktan ang nag-iisang tao na siyang dahilan kung bakit nakayanan kong mabuhay kahit pa labis ang dagok na dinanas ko noon.Sa totoo lang ay gusto kong umatras sa usapang ito. Hindi ko kakayanin na magtrabaho kasama ang lalaking ito pero alam ko na kailangan ni M
“So, you basically need some information about Lancelot Neon,” ani Castiel na ngayon ay hinahalungkat ang kanyang mga gamit. “Hindi ko alam na nagiging greedy na ang lalaking iyan, huh. Alam niya kung gaano kahigpit ang proseso ng Anox para sa mga dealer na gustong magbenta ng sasakyan nila.”“Iyan nga din ang alam ko,” sabi ko. “At hindi ko alam kung paano siya nakakuha ng personal meeting appointment sa may-ari ng Anox.”“Tingin ko ay tinulungan siya ni Dashiel.”Kumunot ang noo ko. “Dashiel? As in Dash the Playboy?”Tumango siya. “When Enver cast aside all of his family’s company and started his own, Dashiel was the only friend that stayed by his side. He even helped that man by investing in his company to make sure that it would stand on its own even when his father tried to intercept its growth,” kwento niya. “So, you could say that even though Dash is a playboy happy-go-lucky bastard, he is still the best friend that Enver could ever ask for.”“Ahm…” I scratched my head. “W-what
“Milan!” Nilapitan ako ni Dashiel at agad na niyakap. “I can’t believe that I will be able to see you here.”Alanganin akong ngumiti kahit ang totoo ay naiilang ako.Well, hindi ako close sa mga kaibigan ni Enver noong nagsasama kami. Nakikihalubilo lang ako sa kanila kapag nasa bahay sila pero maliban doon ay hindi na kami nabigyan ng pagkakataon para makapagharap.Pero ang lalaking ito ay feeling close talaga kaya naiilang ako sa tuwing yayakap siya sa akin kapag bumabati.“It has been a long time, huh?” Kumalas siya ng yakap sa akin. “The last time I heard about you is that you left Enver.”“Yeah,” sagot ko. “Have a seat.” Mukha naman kasing hindi niya ako tatantanan kaya hahayaan ko na siyang magtanong kung ano ang gusto niyang itanong at magkwento. “May kasama ka ba na pumunta dito?”Umiling siya pagkuwa’y naupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko. “I am alone today.”“Oh, great.” Iniabot ko sa kanya ang tablet. “It looks like we will be staying here for a long time so order some
At habang nag-eenjoy kami ni Dashiel sa dessert ng restaurant na ito ay naisipan ko nang mag-order para sa take out na ibibigay ko kay Castiel.Siguradong sa mga oras na ito ay nagta-tyaga lang iyon sa light snacks dahil hindi pa siya makakakain sa dami ng trabaho niya.“You are still not full?” tanong ni Dashiel matapos kong pumili ng ite-take out. “Ang dami na ng nakain mo dito ah.”Natawa ako. “That is not for me,” sabi ko. “It is for Cas. Siya ang nagturo sa akin sa restaurant na ito at ibinigay niya sa akin ang reservation niya dahil marami siyang trabaho.”“Oh.” Tumangu-tango siya at napatitig sa akin na ikinakunot ng noo ko.Para kasing may kahulugan ang titig niyang iyon. Iyong parang may bigla siyang na-realize.“Dash?” tawag ko sa kanya. “May dumi ba ako sa mukha?”Ngumiti siya at umiling. “I just realized the real accomplice of fate.”Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. “What do you mean?”Muli siyang umiling-iling. “Nothing. I was just talking to myself.”“O-okay.” Well,
Enver Andrius’ Pov“I feel like I was living in the past,” mahina kong sabi habang nakatingin kay Milan na abala sa kanyang pakikiusyoso sa mga nagtu-tune up ng makina ng isang sports car. “Hindi mo ba talaga pinlano ito?” Bumaling ako kay Dashiel na nasa tabi ko at nakatingin din kay Milan.“Ilang beses ko bang sasabihin sayo?” aniya. “Hindi ako ang nagplano nito. Ang tanungin mo ay si Castiel dahil siya ang tumawag sa store para mag-place ng reservation at siya din ang nagbigay ng reservation na iyon kay Milan.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Si Casty?”Tumangu-tango siya. “Though, I was thinking that she only gave that reservation to Milan in the hope that she would meet Lancelot there and not me.”Sina Ferry at Castiel lang ang kaibigan ni Milan. At ginawa ng dalawang ito ang lahat upang itago sa akin ang babaeng iyan.Nandoon pa ngang ginamit ni Ferry ang pangangailangan ko ng malaking halaga para maitayo ang Raiden upang siguruhin na hindi ako gagawa ng kahit ano para hanap
“Dash!” Hinila ko si Dashiel papunta sa isang car booth na natanaw ko, hindi kalayuan sa pwesto namin kanina at napangiti ako nang makita ang emblem ng Anox. “Doon tayo.”Nakita kong sumunod naman sa amin si Enver kaya hindi na ako nag-abala pa na hilahin siya.Sa totoo lang ay na-miss ko talaga ang pakiramdam na magpunta sa ganitong lugar.Kapag nagkakaroon ng libreng oras si Enver noon ay sa mga car racing event kami nagde-date dahil iyon ang pareho naming pinagkakasunduan.May mga pagkakataon pa noon na kasama namin sina Ferry at Dashiel na talagang sumasali pa sa racing. Habang si Castiel ang kumukuha ng mga litrato namin.Now that I realize that, everything changed when Enver decided to stay and handle their family business that was only stationed here.Hindi lang ang relasyon namin na nasira nang dahil sa ginawa niya. Maging ang pagkakaibigan namin.Natigilan ako bago pa man kami tuluyang makarating sa booth ng Anox.“Milan?” Tumayo sa harap ko si Dashiel kaya napatingin ako sa
“Matagal pa ba tayo?” tanong ko kina Ferry at Castiel na umaalalay sa akin habang naglalakad. Nakapiring ang mata ko dahil mayroon daw silang surprise para sa akin.Kakagaling ko lang sa magulang ni Amethyst at nakausap ko sila sa maaari naming gawin upang tulungan ito sa sitwasyon na kinakaharap.Kahit kasi sila ay nababahala na din sa kahahantungan ng buhay ng anak kung magpapatuloy lang ito sa pagtatago.Matapos naming mag-usap ay sinundo ako ng dalawang ito at bago pa makarating sa pupuntahan namin ay nilagyan na nila ako ng piring sa mata.“Malapit na tayo kaya relax ka lang diyan,” ani Ferry.“Pero halos isang oras ko nang suot ang blindfold na ito,” reklamo ko. “Bakit ba biglaan niyong naisipan na magbigay ng surprise?”“It is not our idea,” ani Castiel. “May ambag kami pero hindi kami ang pasimuno nito. Ang asawa mo ang nangunguna para sa surprise na ito.”“Biglaan nga eh,” sabi pa ni Ferry. “Kahapon niya lang kami kinausap tungkol dito kaya isang mabilisan na pag-aayos na lang
Kailanman ay hindi ko inaasahan na darating ang ganitong pagkakataon. Kung saan makikita kong masaya kaming lahat, walang halong pagpapanggap at tunay ang bawat ngiti na ibinibigay sa isa’t-isa.After we finished our dinner, we decided to continue our conversation in the living room. Doon na din dinala ang mga wine at beer dahil nagkayayaan ang magkakapatid na mag-inuman na, tutal ay matagal na din silang hindi nagkakasama.Habang ang magulang nila ay abala sa pagpapakita kay Millie ng mga regalo nila.Kami na lang ang narito dahil sinundo na si Ferry ng kanyang asawa, habang si Castiel ay umakyat na sa guest room dahil maaga pa ang kanyang pasok bukas. Dito ko na siya pinatulog dahil marami na din ang wine na kanyang nainom.“What?” ani Enver sa kapatid. “Enish divorced her husband?” Si Enish ang isa pa nilang kapatid na babae na mas bata lang ng isang taon kay Enver. “Why?”“The bastard was having an affair with his cousin,” ani Ethyl. “Kaya wala nang pali-paliwanag at nang malaman
Akala ko ay tatanggihan ni Enver na makipag-usap sa pamilya niya para ayusin ang hidwaan sa pagitan nila. Kaya naman napangiti ako nang dalhin niya ang mga ito sa garden at doon sila nagsimulang mag-usap.Habang kami ni Millie ay tumutulong na sa mga maid para ihanda ang hapag. Nang sa gayon ay makakain na kami pagkatapos nilang mag-usap.“Eh? Seryoso?” sambit ni Ferry matapos ikwento ni Castiel sa kanya ang paghingi ng tawad sa akin ng mga in-laws ko. “Sincere ba?” Bumaling siya sa akin. “Hindi eme lang dahil natatakot na ma-upset ka dahil alam nilang posible mong ipagbawal uli na makalapit sila kay Millie?”“That is the first thing that came to my mind earlier.” Inilapag ko sa harap niya ang isang plato na puno ng slice kiwi at may side sauce na spicy ketchup. Iyon kasi ang pinaglilihian niya. “But it feels like they were sincere. Erwin vouch for that.”“Oh well,” ani Castiel. “It doesn’t really matter now if they were sincere or not. Labis na kahihiyan na ang dinanas sila dahil sa
“Are you even breathing?” Castiel whispered to me while we were looking at the car that stopped in front of our house. “You don’t have to be nervous, right?” I glared at her. “I am not nervous.” Inirapan ko siya. “I am just composing myself to avoid the awkwardness that we might feel later.” I turned my attention to the car when it slowly opened. Lumabas doon ang mag-asawang Don Emil at Madame Venice na todo postura pa. May mga bitbit pa silang maraming paper bag na tingin ko ay naglalaman ng mga laruan na ibibigay nila kay Millie. Enver was the one who got out of the house to greet them. Ferry was staying inside while Castiel and I stood in front of the door, together with Millie who was holding my hand. “If you say so,” she said. “But I didn’t expect that they would also bring two of Enver’s siblings.” We both turned our eyes to the other car that just arrived. At laman ng sasakyang iyon ang dalawa sa nakababatang kapatid ni Enver, sina Ethyl at Erwin. “Mukhang hindi din nila i
Nakakulong ako ngayon sa banyo at nakatitig sa limang pregnancy test kits na pinabili ko kay Castiel.Kanina pa lumabas ang resulta at pare-pareho lang ang lumabas sa limang test na ito. And I am overwhelmed with the emotion I am feeling right now.Nasa plano ko naman talaga na magkaanak pa, kung papayag si Enver. Gusto ko kasi talagang bigyan ng kapatid si Millie. Pero hindi ko inaasahan na ibibigay ito agad sa amin sa panahong hindi namin inaasahan.Yes, I am pregnant. Ang limang test kits na ginamit ko ay pare-parehong nagresulta ng positive.“Milan!” sigaw ni Ferry mula sa labas. “Nandito na ang asawa mo! Nagsumbong agad ang maid mo na kanina ka pa nagkukulong dito sa banyo kaya siguradong susugurin ka na niya.”Kinuha ko ang isang dalawang test kits pagkuwa’y binuksan ang pinto. Eksakto din na kapapasok lang ng kwarto ni Enver at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.“Anong nangyayari dito?” tanong niya. Agad siyang lumapit sa akin ngunit bago pa niya ako mahawakan ay agad ko na
“Mommy!”I slowly opened my eyes and I saw Millie jumping in bed while calling out for me.“Wake up, Mommy! It is already morning.” She stopped jumping when she saw me awake and sat beside me. “Good morning, my beautiful mommy.” She kissed my cheeks. “Daddy is preparing our breakfast. Bangon ka na po.”I smiled and pulled her closer to me. “Let’s sleep more, baby.” I kissed her neck and tickled her side which made her laugh.“Mom! Don’t tickle me!” Sinubukan niyang makawala sa akin ngunit mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi tumawa na lamang. “Mommy! Please stop!”“Hey…”Tinigilan ko ang pagkiliti sa kanya at sabay kaming bumaling sa pinto. Nakita namin doon si Enver na may dalang isang malaking tray na puno ng pagkain kaya naman agad na kaming bumangon at inayos ang kama.“Breakfast in bed for my lovely ladies.” Nilapag niya ang tray sa kama tsaka hinalikan ang noo namin ni Millie. “Dito na tayo kumain at siguradong hindi mo pa gustong bumangon dito.”“
Naging masaya naman ang lahat sa naging company outing. Kaya nang bumalik sa trabaho ay bakas ang kanilang pagiging ganado.Well, hindi na din kasi ganoon ka-hectic ang schedule namin at balik na sa dati ang mga workload kaya relax na ang lahat.Si Mikea na ang nag-aasikaso ng fourt shop at ilan pang errand na kailangan sa labas habang ako naman ang nag-aasikaso ng mga paperworks na kailangan ni Enver.We both decided to switch our jobs so she could learn more things about the industry and everything she needs to learn about Raiden.And it is not really a problem to me. Mas mabuti nga iyon na nagiging flexible siya sa trabaho nya. In this case, kahit na mag-leave ako ay kakayanin niyang hawakan ang lahat ng trabaho bilang sekretarya ni Enver.“You are filing a leave?” kunot-noo na sabi ni Mikea nang makita ang nasa screen ng laptop ko. “I thought you would not be using any of your leave for now?”“I just need to take care of something.” It was just a three-day leave. I promised Enver
After just a couple of minutes, nagpasya na kaming balikan sina Millie. Hindi naman kasi pwedeng magkulong lang kami sa kwarto, lalo na’t kasama namin ang lahat ng empleyado ng Raiden.Agad kaming sinalubong ni Millie nang makita kami. Nagpabuhat pa siya kay Enver at inaya itong maligo sa dagat kaya doon na sila dumeretso habang ako naman ay lumapit kina Ferry at Castiel na nakaupo lang sa sun lounge.“Napag-usapan niyo na?”Naupo ako sa tabi nila. “Just the minor details.” Tumitig ako kay Enver at Millie na naglalaro na sa dagat. “I still can’t tell him everything without getting a headache.” Ibinaling ko sa kanila ang tingin at ngumiti. “Hindi naman niya pinilit pang alamin ang lahat kaya nag-suggest na lang ako na sa inyo na magtanong.”“Oh well,” ani Ferry. “I will be happy to tell him everything I know.”“Sinabihan ka na namin tungkol sa bagay na ito,” sabi ni Castiel. “Pero ikaw itong tumatanggi at nagpipilit na hindi na mahalaga kung malaman man niya o hindi.”“Well, maybe beca
Enver lifted me and laid me down in our bed. Sinabi niyang magpahinga na muna ako at huwag nang bumaba pa. Naibilin naman namin si Millie kina Ferry at siguradong hindi nila iyon pababayaan.At kailangan ko din talagang magpahinga lalo na’t pakiramdam ko kanina ay tuluyan na akong mawawalan ng malay dahil sa sakit ng ulo.“Okay ka na ba talaga?” tanong ni Enver. “We can go to the resort infirmary.”Umiling ako. “Hindi na naman ito tulad ng kanina,” sabi ko. “Pahinga lang ito.”Huminga siya ng malalim at naupo sa gilid ng kama. “I am sorry for bringing it up. I didn’t expect this.”“It is fine,” sabi ko. “Karapatan mo din na malaman iyon dahil parte iyon ng nakaraan ko. Sadyang hindi ko lang kayang sabihin sayo ang lahat dahil nagkakaganito ako tuwing aalalahanin ang detalye ng mga pangyayaring iyon.”“Don’t worry about that, Mi.” Hinaplos niya ang buhok ko. “Just rest.”“If you want, you can ask Ferry or Castiel about it,” suhestiyon ko. “They know every single detail about that incid