I do not come from a poor family. Both of my parents had their own job and they gave me everything I needed. Hindi naman nila napapabayaan ang bills sa bahay at hindi kami nauubusan ng pagkain. At kapag may extra ay ibinibigay nila iyon sa akin para ipunin kung sakali man na may gusto pa akong bilhin para sa sarili ko.But mostly, they only focus on things that are a necessity for our daily lives. They never bother to think of having their own car so they don’t have to commute to their work.Well, because they think that it is just another liability for them and they will only waste money to keep maintaining it.Iyan ang kinalakihan ko.Kaya nang mawala sila at naiwan akong mag-isa, with only enough funds for my college and bills, I also think about what is necessary to spend every money that I have.Hindi ako gumagastos para sa mga bagay na alam kong hindi ko naman kailangan. Kahit na gaano ko pa kagustong makuha ang isang bagay.At nang magsimula akong magkainteres sa mga sasakyan a
“What are you doing here?” tanong ko kay Adze.Prente na siyang nakaupo sa mahabang sofa habang si Lancelot naman ay bumati pa at nakipagkamay kay Enver bago naupo sa tabi nito.“As I said, we are here for your proposal,” walang gana ni Adze.“But—”“You already have it, right?” Inilahad niya ang kamay sa harap ko. “Let me see it.”Nagdadalawang-isip ako kaya bumaling ako kay Lancelot at tumango lamang ito kaya wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at ibinigay sa kanya ang tatlong folder na naglalaman ng mga ideya na siyang gagawin ng Raiden para mabenta ang mga kotseng isu-supply ng Anox sa amin.“Sorry about him being this kind of demanding,” sabi ni Lancelot habang hinahayaan si Adze na basahin ang laman ng folder. “Naka-leave kasi siya sa trabaho niya at hindi sanay na walang ginagawa kaya siya ang umaasikaso ng trabaho ko.”“And you are letting him do that?”Tumango siya at bumaling kay Adze. “What is mine is his so I don’t mind him getting involved in decision-making for
Since Adze already prepared the contract, we started to study everything that they put there.Well, it is not that we don’t trust them. Pormal na kontrata kasi ito na mayroong kaakibat na responsibilidad at malaking pera kaya naman kailangan pa din na alam namin ang nilalaman nito.Besides, advice na din iyon ni Adze sa amin bago sila umalis. Sinabi niya kasing siya ang nag-draft ng contract pero hindi siya sigurado kung nailagay ba ng secretary ni Lancelot ang lahat ng sinabi niya.Kaya natural lang na maglaan kami ng oras para basahin ito ng mabuti bago pirmahan.“What are they going to do if we lost the deal?” tanong ni Art matapos kong ipaliwanag ang temporary partnership ng Raiden at Anox.“Babayaran natin ang twenty percent ng original price ng bawat kotse na hindi natin mabebenta,” sabi ko at pinakita sa kanya ang page kung saan nakasulat ang kondisyon na iyon. “The deal is only ten cars in three months. If we only sold three cars, the twenty percent of total price of the remai
Kasalukuyan akong nandito sa meeting room kasama ang mga department head ng Raiden at abala sila sa pagchi-chismisan tungkol sa deal na pinasok ng kumpanya sa may-ari ng Anox.Karamihan sa kanila ay hindi pabor sa nangyari. They are already thinking that Raiden will get lost in this deal even though they still haven’t heard the report from the strategic department.At lalo pa silang nawalan ng tiwala sa deal na ito nang malaman nila na sa akin nanggaling ang ideya at proposal.Mayroon pa ngang nagsabi na nagpadalos-dalos ako sa pagkilos at hindi man lang kumunsulta sa mga department head. Habang ang iba ay kinukwestyon na ang kredibilidad ko bilang secretary ni Enver gayong hindi naman nila ako kilala at hindi ako dumaan sa tamang proseso para maging empleyado ng Raiden.Naiinis ako pero pinilit kong huwag na lamang pansisin iyon dahil hindi naman ito makakatulong sa sitwasyon namin.Adze and Lancelot believed that we would be able to pull this through. They trust my words even though
Everyone was busy as soon as we started preparing the launch of our new payment method for those people who wanted to buy Raiden’s car.Matapos pirmahan ni Enver ang contract na ginawa ni Adze ay agad ko na iyong dinala sa Anox para hingin naman ang pirma ni Lancelot. At para bang inaasahan na ni Adze ang pagdating ko dahil nang buksan ng secretary ni Lancelot ang pinto ng office nito ay agad ako nitong sinalubong at inilahad ang kamay sa harap ko.“Seriously?” Tinaasan ko siya ng kilay. “May spy ka ba sa opisina namin?” Inabot ko sa kanya ang folder.“Meron.” Sinimulan niyang tingnan ang bawat pahina ng kontrata. “Si Dashiel. Alam mo naman siguro kung gaano kadaldal ang isang iyon.”Napasapo na lang ako ng noo at napailing.Well, updated si Dashiel sa lahat ng nangyayari sa Raiden dahil nga isa siya sa investors. At pinapadalhan ko siya ng report tungkol doon, tulad ng gusto niya.Pero hindi ko naman inaasahan na babanggitin din niya iyon kina Adze.“Don’t think too much about that,
We have been busy with the launch of the project and everyone at Raiden is busy with their work since Enver wanted it all done before the day of the launch.And that also includes me.I was in-charged of getting all the papers we needed for the launch since we are doing it in a public venue. Though, hindi naman naging mahirap ang pagkuha ng permit sa town and city municipal hall.Nagkita kasi kami ni Castiel sa town municipal hall kung saan mayroon siyang ginagawang story na ipi-featured sa magazine niya at ginamit niya iyong pagkakataon para gamitin ang koneksyon niya nang sa gayon ay makakuha agad ako ng permit.So, I came back to the venue before lunch and everyone was still busy preparing.Mukhang nakalimutan na nila ang lunch break dahil wala pa din sa kanila ang nag-o-order ng kani-kanilang pagkain na nagagawa pa nila nitong nakaraan.Agad akong lumapit kay Art nang makita ko siyang kararating lang din. “Saan ka nanggaling?”“Nagkaproblema ang delivery ng Anox sa mga sasakyan na
Nang makarating kami sa labas ng warehouse ng Anox ay agad kong nakita si Enver.Nakaupo siya sa hood ng sasakyan niya habang nakatitig sa hawak niyang cellphone.Bakas pa sa mukha niya ang pagiging problemado kaya agad na akong lumabas sa sasakyan ni Lucien at nilapitan siya.“What happened here?”Agad siyang bumaling sa akin at bakas ang matinding kalungkutan. “I think I messed up.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “What do you mean?”“I think I forgot to inform the city customs about the delivery that Anox will make today,” sabi niya. “It is a standard procedure whenever a car manufacturer will take out their cars in their warehouse to ensure that we are taking the right product.”That procedure will just act as precautions for both parties. May ibang car companies na ginagamit ang mga kotse nila para mag-transport ng illegal na droga at hindi iyon nalalaman ng mga car dealers kaya kapag nagkakaroon ng inspection sa mga checkpoint, ang mga couriers ang higit na naaapektuhan.Kaya
“He messed up?” gulat na sabi ni Ferry mula sa telepono.Matapos ang inspection sa mga product na ilalabas sa warehouse ng Anox, dumating sina Adze at agad na ni-release ang mga iyon kahit pa ang nasa rules ay kinabukasan pa dapat ilalabas ang mga na-inspeksyon na kotse.Pero nadaan naman sa maayos na usapan ang lahat at nang masigurong darating na sa venue ang mga kotse ay pinauwi na ako ni Enver.Sinabihan niya ako na sila na ni Art ang bahala sa iba pang gagawin.Pagod na din naman ako dahil sa dami ng lugar na pinuntahan ko kanina kaya hindi ko na tinanggihan iyon.At nang makauwi ako ay agad kong tinawagan sina Ferry at Castiel para ikwento sa kanila ang mga nangyari kanina.“Yeah,” sabi ko. Naka-video call kaming tatlo dahil nagsisimula na akong magluto para sa hapunan namin ni Millie. “Sobra. Kung hindi ko nga lang nakumbinsi sina Rew na magbigay ng oras para sa inspection ay siguradong nasayang ang lahat ng pinaghirapan namin.”“That is very unlikely to him,” ani Castiel. “He
“Matagal pa ba tayo?” tanong ko kina Ferry at Castiel na umaalalay sa akin habang naglalakad. Nakapiring ang mata ko dahil mayroon daw silang surprise para sa akin.Kakagaling ko lang sa magulang ni Amethyst at nakausap ko sila sa maaari naming gawin upang tulungan ito sa sitwasyon na kinakaharap.Kahit kasi sila ay nababahala na din sa kahahantungan ng buhay ng anak kung magpapatuloy lang ito sa pagtatago.Matapos naming mag-usap ay sinundo ako ng dalawang ito at bago pa makarating sa pupuntahan namin ay nilagyan na nila ako ng piring sa mata.“Malapit na tayo kaya relax ka lang diyan,” ani Ferry.“Pero halos isang oras ko nang suot ang blindfold na ito,” reklamo ko. “Bakit ba biglaan niyong naisipan na magbigay ng surprise?”“It is not our idea,” ani Castiel. “May ambag kami pero hindi kami ang pasimuno nito. Ang asawa mo ang nangunguna para sa surprise na ito.”“Biglaan nga eh,” sabi pa ni Ferry. “Kahapon niya lang kami kinausap tungkol dito kaya isang mabilisan na pag-aayos na lang
Kailanman ay hindi ko inaasahan na darating ang ganitong pagkakataon. Kung saan makikita kong masaya kaming lahat, walang halong pagpapanggap at tunay ang bawat ngiti na ibinibigay sa isa’t-isa.After we finished our dinner, we decided to continue our conversation in the living room. Doon na din dinala ang mga wine at beer dahil nagkayayaan ang magkakapatid na mag-inuman na, tutal ay matagal na din silang hindi nagkakasama.Habang ang magulang nila ay abala sa pagpapakita kay Millie ng mga regalo nila.Kami na lang ang narito dahil sinundo na si Ferry ng kanyang asawa, habang si Castiel ay umakyat na sa guest room dahil maaga pa ang kanyang pasok bukas. Dito ko na siya pinatulog dahil marami na din ang wine na kanyang nainom.“What?” ani Enver sa kapatid. “Enish divorced her husband?” Si Enish ang isa pa nilang kapatid na babae na mas bata lang ng isang taon kay Enver. “Why?”“The bastard was having an affair with his cousin,” ani Ethyl. “Kaya wala nang pali-paliwanag at nang malaman
Akala ko ay tatanggihan ni Enver na makipag-usap sa pamilya niya para ayusin ang hidwaan sa pagitan nila. Kaya naman napangiti ako nang dalhin niya ang mga ito sa garden at doon sila nagsimulang mag-usap.Habang kami ni Millie ay tumutulong na sa mga maid para ihanda ang hapag. Nang sa gayon ay makakain na kami pagkatapos nilang mag-usap.“Eh? Seryoso?” sambit ni Ferry matapos ikwento ni Castiel sa kanya ang paghingi ng tawad sa akin ng mga in-laws ko. “Sincere ba?” Bumaling siya sa akin. “Hindi eme lang dahil natatakot na ma-upset ka dahil alam nilang posible mong ipagbawal uli na makalapit sila kay Millie?”“That is the first thing that came to my mind earlier.” Inilapag ko sa harap niya ang isang plato na puno ng slice kiwi at may side sauce na spicy ketchup. Iyon kasi ang pinaglilihian niya. “But it feels like they were sincere. Erwin vouch for that.”“Oh well,” ani Castiel. “It doesn’t really matter now if they were sincere or not. Labis na kahihiyan na ang dinanas sila dahil sa
“Are you even breathing?” Castiel whispered to me while we were looking at the car that stopped in front of our house. “You don’t have to be nervous, right?” I glared at her. “I am not nervous.” Inirapan ko siya. “I am just composing myself to avoid the awkwardness that we might feel later.” I turned my attention to the car when it slowly opened. Lumabas doon ang mag-asawang Don Emil at Madame Venice na todo postura pa. May mga bitbit pa silang maraming paper bag na tingin ko ay naglalaman ng mga laruan na ibibigay nila kay Millie. Enver was the one who got out of the house to greet them. Ferry was staying inside while Castiel and I stood in front of the door, together with Millie who was holding my hand. “If you say so,” she said. “But I didn’t expect that they would also bring two of Enver’s siblings.” We both turned our eyes to the other car that just arrived. At laman ng sasakyang iyon ang dalawa sa nakababatang kapatid ni Enver, sina Ethyl at Erwin. “Mukhang hindi din nila i
Nakakulong ako ngayon sa banyo at nakatitig sa limang pregnancy test kits na pinabili ko kay Castiel.Kanina pa lumabas ang resulta at pare-pareho lang ang lumabas sa limang test na ito. And I am overwhelmed with the emotion I am feeling right now.Nasa plano ko naman talaga na magkaanak pa, kung papayag si Enver. Gusto ko kasi talagang bigyan ng kapatid si Millie. Pero hindi ko inaasahan na ibibigay ito agad sa amin sa panahong hindi namin inaasahan.Yes, I am pregnant. Ang limang test kits na ginamit ko ay pare-parehong nagresulta ng positive.“Milan!” sigaw ni Ferry mula sa labas. “Nandito na ang asawa mo! Nagsumbong agad ang maid mo na kanina ka pa nagkukulong dito sa banyo kaya siguradong susugurin ka na niya.”Kinuha ko ang isang dalawang test kits pagkuwa’y binuksan ang pinto. Eksakto din na kapapasok lang ng kwarto ni Enver at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.“Anong nangyayari dito?” tanong niya. Agad siyang lumapit sa akin ngunit bago pa niya ako mahawakan ay agad ko na
“Mommy!”I slowly opened my eyes and I saw Millie jumping in bed while calling out for me.“Wake up, Mommy! It is already morning.” She stopped jumping when she saw me awake and sat beside me. “Good morning, my beautiful mommy.” She kissed my cheeks. “Daddy is preparing our breakfast. Bangon ka na po.”I smiled and pulled her closer to me. “Let’s sleep more, baby.” I kissed her neck and tickled her side which made her laugh.“Mom! Don’t tickle me!” Sinubukan niyang makawala sa akin ngunit mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi tumawa na lamang. “Mommy! Please stop!”“Hey…”Tinigilan ko ang pagkiliti sa kanya at sabay kaming bumaling sa pinto. Nakita namin doon si Enver na may dalang isang malaking tray na puno ng pagkain kaya naman agad na kaming bumangon at inayos ang kama.“Breakfast in bed for my lovely ladies.” Nilapag niya ang tray sa kama tsaka hinalikan ang noo namin ni Millie. “Dito na tayo kumain at siguradong hindi mo pa gustong bumangon dito.”“
Naging masaya naman ang lahat sa naging company outing. Kaya nang bumalik sa trabaho ay bakas ang kanilang pagiging ganado.Well, hindi na din kasi ganoon ka-hectic ang schedule namin at balik na sa dati ang mga workload kaya relax na ang lahat.Si Mikea na ang nag-aasikaso ng fourt shop at ilan pang errand na kailangan sa labas habang ako naman ang nag-aasikaso ng mga paperworks na kailangan ni Enver.We both decided to switch our jobs so she could learn more things about the industry and everything she needs to learn about Raiden.And it is not really a problem to me. Mas mabuti nga iyon na nagiging flexible siya sa trabaho nya. In this case, kahit na mag-leave ako ay kakayanin niyang hawakan ang lahat ng trabaho bilang sekretarya ni Enver.“You are filing a leave?” kunot-noo na sabi ni Mikea nang makita ang nasa screen ng laptop ko. “I thought you would not be using any of your leave for now?”“I just need to take care of something.” It was just a three-day leave. I promised Enver
After just a couple of minutes, nagpasya na kaming balikan sina Millie. Hindi naman kasi pwedeng magkulong lang kami sa kwarto, lalo na’t kasama namin ang lahat ng empleyado ng Raiden.Agad kaming sinalubong ni Millie nang makita kami. Nagpabuhat pa siya kay Enver at inaya itong maligo sa dagat kaya doon na sila dumeretso habang ako naman ay lumapit kina Ferry at Castiel na nakaupo lang sa sun lounge.“Napag-usapan niyo na?”Naupo ako sa tabi nila. “Just the minor details.” Tumitig ako kay Enver at Millie na naglalaro na sa dagat. “I still can’t tell him everything without getting a headache.” Ibinaling ko sa kanila ang tingin at ngumiti. “Hindi naman niya pinilit pang alamin ang lahat kaya nag-suggest na lang ako na sa inyo na magtanong.”“Oh well,” ani Ferry. “I will be happy to tell him everything I know.”“Sinabihan ka na namin tungkol sa bagay na ito,” sabi ni Castiel. “Pero ikaw itong tumatanggi at nagpipilit na hindi na mahalaga kung malaman man niya o hindi.”“Well, maybe beca
Enver lifted me and laid me down in our bed. Sinabi niyang magpahinga na muna ako at huwag nang bumaba pa. Naibilin naman namin si Millie kina Ferry at siguradong hindi nila iyon pababayaan.At kailangan ko din talagang magpahinga lalo na’t pakiramdam ko kanina ay tuluyan na akong mawawalan ng malay dahil sa sakit ng ulo.“Okay ka na ba talaga?” tanong ni Enver. “We can go to the resort infirmary.”Umiling ako. “Hindi na naman ito tulad ng kanina,” sabi ko. “Pahinga lang ito.”Huminga siya ng malalim at naupo sa gilid ng kama. “I am sorry for bringing it up. I didn’t expect this.”“It is fine,” sabi ko. “Karapatan mo din na malaman iyon dahil parte iyon ng nakaraan ko. Sadyang hindi ko lang kayang sabihin sayo ang lahat dahil nagkakaganito ako tuwing aalalahanin ang detalye ng mga pangyayaring iyon.”“Don’t worry about that, Mi.” Hinaplos niya ang buhok ko. “Just rest.”“If you want, you can ask Ferry or Castiel about it,” suhestiyon ko. “They know every single detail about that incid