Nang makarating kami sa labas ng warehouse ng Anox ay agad kong nakita si Enver.Nakaupo siya sa hood ng sasakyan niya habang nakatitig sa hawak niyang cellphone.Bakas pa sa mukha niya ang pagiging problemado kaya agad na akong lumabas sa sasakyan ni Lucien at nilapitan siya.“What happened here?”Agad siyang bumaling sa akin at bakas ang matinding kalungkutan. “I think I messed up.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “What do you mean?”“I think I forgot to inform the city customs about the delivery that Anox will make today,” sabi niya. “It is a standard procedure whenever a car manufacturer will take out their cars in their warehouse to ensure that we are taking the right product.”That procedure will just act as precautions for both parties. May ibang car companies na ginagamit ang mga kotse nila para mag-transport ng illegal na droga at hindi iyon nalalaman ng mga car dealers kaya kapag nagkakaroon ng inspection sa mga checkpoint, ang mga couriers ang higit na naaapektuhan.Kaya
“He messed up?” gulat na sabi ni Ferry mula sa telepono.Matapos ang inspection sa mga product na ilalabas sa warehouse ng Anox, dumating sina Adze at agad na ni-release ang mga iyon kahit pa ang nasa rules ay kinabukasan pa dapat ilalabas ang mga na-inspeksyon na kotse.Pero nadaan naman sa maayos na usapan ang lahat at nang masigurong darating na sa venue ang mga kotse ay pinauwi na ako ni Enver.Sinabihan niya ako na sila na ni Art ang bahala sa iba pang gagawin.Pagod na din naman ako dahil sa dami ng lugar na pinuntahan ko kanina kaya hindi ko na tinanggihan iyon.At nang makauwi ako ay agad kong tinawagan sina Ferry at Castiel para ikwento sa kanila ang mga nangyari kanina.“Yeah,” sabi ko. Naka-video call kaming tatlo dahil nagsisimula na akong magluto para sa hapunan namin ni Millie. “Sobra. Kung hindi ko nga lang nakumbinsi sina Rew na magbigay ng oras para sa inspection ay siguradong nasayang ang lahat ng pinaghirapan namin.”“That is very unlikely to him,” ani Castiel. “He
This is it!Na-check ko na ang lahat sa buong venue. Nasa labas na din ang lahat ng bisita. Dumating na din ang mga magko-cover ng event namin. Maging ang mga pagkain na hinanda namin para sa mga bisita.Wala na akong nakaligtaan, lalo na ang mga display namin.Tanging oras na lamang ang hinihintay namin para sa pagsisimula ng event kung saan ilo-launch ng Raiden ang partnership nito sa Anox, ang mga kotse na bago sa display nito at ang bagong method na maaaring gamitin ng mga hindi afford mag-cash para mabili ang pinapangarap nilang sasakyan.“Kinakabahan ako,” sabi ni Art na kanina pa hindi mapakali sa kinatatayuan niya. “Hindi ko akalain na marami ang pupunta ngayon.”“Pinadalhan ko ng invitation ang lahat ng related sa Raiden,” sabi ko sa kanya. “And of course, siniguro ko na maging ang mga executives at investor ay narito dahil may mga television coverage na mangyayari sa event na ito.”“Really?” tanong niya na tinanguan ko.“And Castiel, my friend, said that she will also featur
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang tuluyang matapos ang program na inihanda namin.At kasalukuyang nag-eenjoy ang lahat sa mga inumin at pagkain na inihanda namin habang abala sila sa pagtingin sa mga Anox cars na naka-display sa paligid.Bakas naman sa mukha ng lahat na natuwa sila sa mga bagong achievements ng Raiden, at nakahanda silang ibigay ang buong suporta nila sa Raiden.Nakita ko din ang tuwa sa mata ng mga executives at investors kaya tingin ko ay sa mga susunod na pagkakataon ay hindi ako mahihirapan na magbigay ng ideya sa kanila kung paano pa lalong pagagandahin ang kumpanya.And overall, this is a successful launch.“You are the one behind all of this, right?”Agad akong napalingon sa likod ko at bumungad sa akin ang isa sa mga executives ng Raiden. “Mister Viella.”Nakatitig lang siya sa akin at sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano nga ba haharap sa kanya kaya napaiwas na lang ako ng tingin.“You should greet me first, Milan.” sabi niya kaya
The whole event finally ended.At nang makaalis na ang lahat ng bisita ay doon sinabi ni Enver na magkakaroon kami ng after-party para sa mga empleyado ng Raiden. Bilang pasasalamat sa walang-tigil nilang pagtatrabaho sa loob ng isang linggo at para na rin sa pagse-celebrate ng success ng aming launch.I am aware of this plan kaya naman nakapagpa-reserve na ako sa pinakamalapit na bar sa venue namin. Sinabihan ko na lang sila na pumunta doon at sabihin ang pangalan ko sa may-ari ng bar na siguradong naghihintay na sa amin doon.“You are really a hell of a secretary,” sabi ni Lucien nang tuluyang makapasok sa bar. “Surprise ito ni Sir Enver pero may naihanda ka na agad na venue ahead of time.”“Let’s just say I know how boss like Enver thinks.” Itinulak ko na siya papasok dahil parating na din ang iba pa. Nandito kasi ako sa entrance katabi ng mga bouncer para ma-secure na tanging Raiden employees lang ang makakapasok dito.And of course, ilan sa mga executives na medyo bata-bata pa at
“Hindi pa din ako makapaniwala na mag-asawa pala kayong dalawa,” sabi ni Adze habang nakaturo sa aming dalawa ni Enver.Pinadalhan ko din sila ng invitation para sa event pero maaga pa lang ay nagsabi na si Lancelot na hindi sila makakapunta dahil may personal silang lakad ni Adze kaya naman inanyayahan ko na lang sila sa after-party.At hindi pa man kami nakakarami ng inom ay dumating ang dalawa at sumalo na sa mesa na inookupa namin.Though, maaga nang umalis sina Lucien, Simon at Gavin dahil may mga pasok pa sila kinabukasan. Ilan din sa mga empleyado ay hindi na din nagtagal sa party kaya hindi na puno ang buong bar.“Correction, Adze,” sabi ko. “Ex-husband and wife. We were already divorced and move on from our lives.” Marami-rami na din ang nainom ko kaya kahit ayaw ko ay hindi ko mapigilan na sabihin iyon.“Really?” ani Adze.Tumango ako. “I filed the divorce and let Ferry deliver it at Enver. Siya na din ang nag-finalize noon sa korte.”“Oh.” Tumangu-tango siya. “Ibig bang sab
Sakit ng ulo ang sumalubong sa akin paggising ko ng umaga. At agad akong napabangon nang makitang sa sala na ako nakatulog.“Oh, you are already awake,” sabi ni Millie. Nakatayo siya sa pinto ng kusina at nakasuot ng kanyang apron. “Good morning, Mommy. Breakfast will be serve in ten minutes so please wash your face.”“You cook?”Umiling siya at ilang sandali lang ay lumabas na din si Mikea sa kusina. “She is here with us all night.”Nanlaki ang mga mata ko. “What?”“Maghilamos ka na muna, Milan. Ihahanda ko na ang almusal.”Tumayo na ako at pumasok ng banyo para maghilamos. At doon ko napansin na hindi pa ako nakapagpalit ng damit. Suot ko pa din ang damit na gamit ko mula kahapon.Wala naman akong pasok ngayon kaya matapos maghilamos ay nagpalit na muna ako ng damit na pambahay tsaka lumabas ng banyo.At nakahanda na ang almusal kaya naupo na ako.“So? What happened last night?” tanong ko kay Mikea. “I honestly don’t have any idea what I did when we got home.”“Well, you just slept
“We have a lot of complaints.” Inilapag ni Art ang ilang folder sa harap ko. “And most of them came from our customers.”Hindi na ako nag-abala pang buksan ang mga folder na iyon dahil may ideya na ako kung anong klaseng complain ang sinasabi niya.Hindi na nga din ako nag-abalang tumingin sa kanya at nananatili lang akong nakatingin sa screen ng computer ko.“Ideretso mo na kay Boss iyan,” sabi ko. “At bigyan mo din ng kopya si Lucien.”“You are not going to do anything about it?”Bumuntong hininga ako at bumaling sa kanya. “Alamin muna natin ang opinyon ni Boss at Lucien. Kapag hindi agad sila nakaisip kung paano masosolusyunan iyan, tsaka tayo kikilos, okay?”Well, ayaw ko naman kasi na maging dependent sila sa akin sa lahat ng bagay. Oo, kaya kong patigilin ang mga complain na iyan pero kung ako ang kikilos, hindi iyon makakatulong kay Enver at sa Raiden.They have to think that I am only here for three months. Hindi nila ako pwedeng asahan sa lahat ng bagay.“Oh, right.” Muli niy
“Matagal pa ba tayo?” tanong ko kina Ferry at Castiel na umaalalay sa akin habang naglalakad. Nakapiring ang mata ko dahil mayroon daw silang surprise para sa akin.Kakagaling ko lang sa magulang ni Amethyst at nakausap ko sila sa maaari naming gawin upang tulungan ito sa sitwasyon na kinakaharap.Kahit kasi sila ay nababahala na din sa kahahantungan ng buhay ng anak kung magpapatuloy lang ito sa pagtatago.Matapos naming mag-usap ay sinundo ako ng dalawang ito at bago pa makarating sa pupuntahan namin ay nilagyan na nila ako ng piring sa mata.“Malapit na tayo kaya relax ka lang diyan,” ani Ferry.“Pero halos isang oras ko nang suot ang blindfold na ito,” reklamo ko. “Bakit ba biglaan niyong naisipan na magbigay ng surprise?”“It is not our idea,” ani Castiel. “May ambag kami pero hindi kami ang pasimuno nito. Ang asawa mo ang nangunguna para sa surprise na ito.”“Biglaan nga eh,” sabi pa ni Ferry. “Kahapon niya lang kami kinausap tungkol dito kaya isang mabilisan na pag-aayos na lang
Kailanman ay hindi ko inaasahan na darating ang ganitong pagkakataon. Kung saan makikita kong masaya kaming lahat, walang halong pagpapanggap at tunay ang bawat ngiti na ibinibigay sa isa’t-isa.After we finished our dinner, we decided to continue our conversation in the living room. Doon na din dinala ang mga wine at beer dahil nagkayayaan ang magkakapatid na mag-inuman na, tutal ay matagal na din silang hindi nagkakasama.Habang ang magulang nila ay abala sa pagpapakita kay Millie ng mga regalo nila.Kami na lang ang narito dahil sinundo na si Ferry ng kanyang asawa, habang si Castiel ay umakyat na sa guest room dahil maaga pa ang kanyang pasok bukas. Dito ko na siya pinatulog dahil marami na din ang wine na kanyang nainom.“What?” ani Enver sa kapatid. “Enish divorced her husband?” Si Enish ang isa pa nilang kapatid na babae na mas bata lang ng isang taon kay Enver. “Why?”“The bastard was having an affair with his cousin,” ani Ethyl. “Kaya wala nang pali-paliwanag at nang malaman
Akala ko ay tatanggihan ni Enver na makipag-usap sa pamilya niya para ayusin ang hidwaan sa pagitan nila. Kaya naman napangiti ako nang dalhin niya ang mga ito sa garden at doon sila nagsimulang mag-usap.Habang kami ni Millie ay tumutulong na sa mga maid para ihanda ang hapag. Nang sa gayon ay makakain na kami pagkatapos nilang mag-usap.“Eh? Seryoso?” sambit ni Ferry matapos ikwento ni Castiel sa kanya ang paghingi ng tawad sa akin ng mga in-laws ko. “Sincere ba?” Bumaling siya sa akin. “Hindi eme lang dahil natatakot na ma-upset ka dahil alam nilang posible mong ipagbawal uli na makalapit sila kay Millie?”“That is the first thing that came to my mind earlier.” Inilapag ko sa harap niya ang isang plato na puno ng slice kiwi at may side sauce na spicy ketchup. Iyon kasi ang pinaglilihian niya. “But it feels like they were sincere. Erwin vouch for that.”“Oh well,” ani Castiel. “It doesn’t really matter now if they were sincere or not. Labis na kahihiyan na ang dinanas sila dahil sa
“Are you even breathing?” Castiel whispered to me while we were looking at the car that stopped in front of our house. “You don’t have to be nervous, right?” I glared at her. “I am not nervous.” Inirapan ko siya. “I am just composing myself to avoid the awkwardness that we might feel later.” I turned my attention to the car when it slowly opened. Lumabas doon ang mag-asawang Don Emil at Madame Venice na todo postura pa. May mga bitbit pa silang maraming paper bag na tingin ko ay naglalaman ng mga laruan na ibibigay nila kay Millie. Enver was the one who got out of the house to greet them. Ferry was staying inside while Castiel and I stood in front of the door, together with Millie who was holding my hand. “If you say so,” she said. “But I didn’t expect that they would also bring two of Enver’s siblings.” We both turned our eyes to the other car that just arrived. At laman ng sasakyang iyon ang dalawa sa nakababatang kapatid ni Enver, sina Ethyl at Erwin. “Mukhang hindi din nila i
Nakakulong ako ngayon sa banyo at nakatitig sa limang pregnancy test kits na pinabili ko kay Castiel.Kanina pa lumabas ang resulta at pare-pareho lang ang lumabas sa limang test na ito. And I am overwhelmed with the emotion I am feeling right now.Nasa plano ko naman talaga na magkaanak pa, kung papayag si Enver. Gusto ko kasi talagang bigyan ng kapatid si Millie. Pero hindi ko inaasahan na ibibigay ito agad sa amin sa panahong hindi namin inaasahan.Yes, I am pregnant. Ang limang test kits na ginamit ko ay pare-parehong nagresulta ng positive.“Milan!” sigaw ni Ferry mula sa labas. “Nandito na ang asawa mo! Nagsumbong agad ang maid mo na kanina ka pa nagkukulong dito sa banyo kaya siguradong susugurin ka na niya.”Kinuha ko ang isang dalawang test kits pagkuwa’y binuksan ang pinto. Eksakto din na kapapasok lang ng kwarto ni Enver at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.“Anong nangyayari dito?” tanong niya. Agad siyang lumapit sa akin ngunit bago pa niya ako mahawakan ay agad ko na
“Mommy!”I slowly opened my eyes and I saw Millie jumping in bed while calling out for me.“Wake up, Mommy! It is already morning.” She stopped jumping when she saw me awake and sat beside me. “Good morning, my beautiful mommy.” She kissed my cheeks. “Daddy is preparing our breakfast. Bangon ka na po.”I smiled and pulled her closer to me. “Let’s sleep more, baby.” I kissed her neck and tickled her side which made her laugh.“Mom! Don’t tickle me!” Sinubukan niyang makawala sa akin ngunit mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi tumawa na lamang. “Mommy! Please stop!”“Hey…”Tinigilan ko ang pagkiliti sa kanya at sabay kaming bumaling sa pinto. Nakita namin doon si Enver na may dalang isang malaking tray na puno ng pagkain kaya naman agad na kaming bumangon at inayos ang kama.“Breakfast in bed for my lovely ladies.” Nilapag niya ang tray sa kama tsaka hinalikan ang noo namin ni Millie. “Dito na tayo kumain at siguradong hindi mo pa gustong bumangon dito.”“
Naging masaya naman ang lahat sa naging company outing. Kaya nang bumalik sa trabaho ay bakas ang kanilang pagiging ganado.Well, hindi na din kasi ganoon ka-hectic ang schedule namin at balik na sa dati ang mga workload kaya relax na ang lahat.Si Mikea na ang nag-aasikaso ng fourt shop at ilan pang errand na kailangan sa labas habang ako naman ang nag-aasikaso ng mga paperworks na kailangan ni Enver.We both decided to switch our jobs so she could learn more things about the industry and everything she needs to learn about Raiden.And it is not really a problem to me. Mas mabuti nga iyon na nagiging flexible siya sa trabaho nya. In this case, kahit na mag-leave ako ay kakayanin niyang hawakan ang lahat ng trabaho bilang sekretarya ni Enver.“You are filing a leave?” kunot-noo na sabi ni Mikea nang makita ang nasa screen ng laptop ko. “I thought you would not be using any of your leave for now?”“I just need to take care of something.” It was just a three-day leave. I promised Enver
After just a couple of minutes, nagpasya na kaming balikan sina Millie. Hindi naman kasi pwedeng magkulong lang kami sa kwarto, lalo na’t kasama namin ang lahat ng empleyado ng Raiden.Agad kaming sinalubong ni Millie nang makita kami. Nagpabuhat pa siya kay Enver at inaya itong maligo sa dagat kaya doon na sila dumeretso habang ako naman ay lumapit kina Ferry at Castiel na nakaupo lang sa sun lounge.“Napag-usapan niyo na?”Naupo ako sa tabi nila. “Just the minor details.” Tumitig ako kay Enver at Millie na naglalaro na sa dagat. “I still can’t tell him everything without getting a headache.” Ibinaling ko sa kanila ang tingin at ngumiti. “Hindi naman niya pinilit pang alamin ang lahat kaya nag-suggest na lang ako na sa inyo na magtanong.”“Oh well,” ani Ferry. “I will be happy to tell him everything I know.”“Sinabihan ka na namin tungkol sa bagay na ito,” sabi ni Castiel. “Pero ikaw itong tumatanggi at nagpipilit na hindi na mahalaga kung malaman man niya o hindi.”“Well, maybe beca
Enver lifted me and laid me down in our bed. Sinabi niyang magpahinga na muna ako at huwag nang bumaba pa. Naibilin naman namin si Millie kina Ferry at siguradong hindi nila iyon pababayaan.At kailangan ko din talagang magpahinga lalo na’t pakiramdam ko kanina ay tuluyan na akong mawawalan ng malay dahil sa sakit ng ulo.“Okay ka na ba talaga?” tanong ni Enver. “We can go to the resort infirmary.”Umiling ako. “Hindi na naman ito tulad ng kanina,” sabi ko. “Pahinga lang ito.”Huminga siya ng malalim at naupo sa gilid ng kama. “I am sorry for bringing it up. I didn’t expect this.”“It is fine,” sabi ko. “Karapatan mo din na malaman iyon dahil parte iyon ng nakaraan ko. Sadyang hindi ko lang kayang sabihin sayo ang lahat dahil nagkakaganito ako tuwing aalalahanin ang detalye ng mga pangyayaring iyon.”“Don’t worry about that, Mi.” Hinaplos niya ang buhok ko. “Just rest.”“If you want, you can ask Ferry or Castiel about it,” suhestiyon ko. “They know every single detail about that incid