Sayna’s POV
“Hi, Vince. Buti nakarating ka. Tapos na ba ang trial mo ngayong araw?” salubong ko sa kaibigan.
Ngumiti siya at nilapag ang kanyang suitcase sa gilid ng kanyang upuan. Humilig siya sa armchair.
“Nakasalubong ko ang asawa ko.”
I shrugged, trying hard not to blush in front of him. Ramdam ko pa rin ang init ng katawan ko dahil kanina. Kung hindi lang talaga dumating si Patrick, baka kung saan na kami nakaabot at nakalimutan ko pang may meeting pala ako kay Vince.
“Hindi mo sinagot ang tanong ko.” ngumiwi ako. “Dumalaw lang ‘yon para-”
“Para mangulit.” pagtatapos niya sa sasabihin ko.
I smirked. “Hindi naman ako na
Enver’s POV Inalis ko na sa isipan ko na baka nga kabit ng Daddy ko si Sayna. Pero sa tuwing nakikita ko na nag-aalala siya at iba ang tingin kay Sayna, bumabalik lahat ng galit ko at mas lalo kong gustong agawin sa kanya ang lahat. Inaasahan ko na may importante siyang sasabihin sa aming dalawa, pero hindi ko alam na iyon lang pala. Gumagawa lang siguro siya ng paraan para makasama ang asawa ko. O baka may iba pang dahilan ang pag-uusap na ito dahil alam niyang sa oras na mapikon ako, alam ni Daddy na aalis ako at walang mapaghihinalaan kung maiwanan silang dalawa. “Mr. Clinton, iniisip pa rin talaga ni Enver na may relasyon tayo. Hindi pa rin pala nawawala sa isipan niya ‘yon,” problemadong tinig ni Sayna. Kaya naman hindi ako umalis. Nagtago ako sa likod ng pader at balak pakinggan ang kanilang usapan para malaman ko na kung anong tinatago nila sa akin. “I’m so sorry, Sayna. Pero hindi ko alam kung bakit niya iniisip ‘yon. Malamang sinasabi niya lang ito
Enver’s POV “What?!” napaatras ako sa gulat sabay tingin sa kanyang tiyan. Ngunit wala naman akong pansin na kahit anong umbok sa kanyang tiyan. May puson siya at normal lang naman ‘yon ‘di ba? Humakbang siya papalapit. “Oo, Enver.” may kinuha siya sa bulsa niya. Mas lalong nanlaki ang mata ko sa inabot niyang pregnancy test. “May ebidensya ako…” hinuli ko ang pulsuhan niya at pinasok sa loob ng kotse ko. Walang pwedeng makaalam nito kundi yari naman ako. Tsaka hindi ko alam kung totoo lahat ng ito! “Damn it! Sigurado ka ba? We did it safely. I never fvcked you without a condom and you take a pill. Did you miss it?” hindi ko makapaniwalang tanong. “H-hindi ko alam… pero h-hindi k-ka ba n-naniniwala?” nagsimulang gumaralgal ang kanyang boses at umiyak na siya. Nasapo ko ang noo ko. At hirap siyang tiningnan. “Okay. Let’s say akin nga iyan-” “Iyo ‘to!” inis niyang sigaw. Problemado akong napapikit at tumango. Nang magmulat ako, bin
Sayna’s POV Nagmamadali ako para makapunta sa bahay ni Mr. Clinton. Ngunit nagulat ako nang sabihin niyang alam na ni Enver ang totoo at nakita nitong kasama si Alicia. Malaking gulo ito at hindi ko alam kung bakit damay na naman ako. Simula’t-sapol lahat ng problema ni Enver, wala naman akong kinalaman pero dahil nandito na, hindi ko na rin naman maiiwasan. He’s so handful and he's my husband. Pero resposibilidad ko ba siya kahit peke lang naman ang kasal namin?Ngunit nawala ang iniisip kong iyon nang makita si Enver. Naaabutan kong galit si Enver. Halos mapaatras ako sa sama ng kanyang tingin sa akin nang lumapit ako sa kanila. Hindi ko siya magawang tingnan kaya kay Mr. Clinton ako napatingin. “Hi, my wife. Guess what may anak pala ako?” sarkastiko niyang tinig. If I'm being sarcastic, baka sinabi kong congratulations o kaya nice shot. Pero nakakapaso ang apoy sa kanyang mata. Matindi akong napalunok nang lumapit siya sa akin
Enver’s POVI want more.I want more than just a simple kiss with her but I have to stop. Para lang naman iyon sa palabas.Kita ko ang gulat niya sa sinabi ko. Ano pa ba ang inaasahan niya? Lahat ng ito naman ay para lang sa palabas, walang personalan. Lahat ng kung anong nagkokonekta sa aming dalawa ay tungkol lang naman sa isang arrangement at wala nang iba pero kung magulat siya parang inaasahan pa niyang may iba pa. Wala pa ako sa mood ngayon na makipag-asaranan sa kanya kung iyon ang hinahanap niya.It was fun to be around her even though he pushed me to my limits. Pero hindi mawala ang isipan ko kay Alicia. Hindi ko siya mahal at wala rin akong umuusbong na nararamdaman para sa kanya. Pero paano kung totoong
Sayna’s POV We discussed about the said matter as usual since I got married to his son. Napansin kong nandito na lang ako kapag may problema na naman sa anak ni Mr. Clinton. Nandito na ako sa bahay niya nang nakatanggap ako ng text galing kay Enver na tapos na ang problema. Sobrang bilis ng pangyayari na hindi namin inaasahan na sa ganitong paraan iaanunsyo ni Alicia ang kanyang pagbubuntis. If she got the guts to announced it in public, maybe Enver was right, she's pregnant. Kaya naman hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin niya na naresolba na ang tungkol dito. Paano niyang natapos ang problema eh kung kakasimula pa lang ang pagkalat nito na tila isang apoy? Kahit sabihin na may ginawa si Mr. Clinton para hindi kumalat ang video, nakalabas pa rin ito sa media. At tsaka nasaan ba siya? Paano siyang nakalabas ng hindi nakikita sa dami ng media na nasa labas? Kung wala pang bodyguard kanina na galing kay Mr. Clinton, baka nad
Sayna’s POV Walang kahit anong pag-iisip, mabilis na lumipad ang palad ko sa kanyang pisngi. Hindi pa siya nakakabawi ay muli ko siyang sinampal sa kabila. Kita ko ang pagdungaw ni Mr. Clinton sa pintuan. Sa galit ko hindi ako makapagsalita at dahil na rin sa panginginig ng katawan ko. Iniwan ko siya doon na nakatayo at nilagpasan silang mag-ama. Kahit tinawag ako ni Mr. Clinton wala akong lakas para lumingon. Suot ko pa ang robe pero hindi na ako nag-abala na lumabas at dumeresto sa aking sasakyan. Mabilis ko itong binuhay at pinaharurot papalabas ng property ni Mr. Clinton. Inis kong pinahid ang mga luhang panay ang landas kahit ano pang pigil ko. How dare him think that I’m having sex with his father?! Napakawalang-hiya naman niya. Hindi ba siya kinilabutan sa sinabi niya?!Nakarating ako sa condo ni Andrus. Hindi ko alam kung bakit ako doon pumunta pero dito ako dinala imbes na sa apartment ko kahit wala na doon ang mga gamit ko. Wala na rin akong lakas
Enver’s POV Ngayon lang ata kami nakapag-usap ng walang bangayan. Kasalanan ko rin naman ang lahat. I accused her and hurt her feelings again and again. Mukhang kailangan ko talagang itigil ang kahibangan ko. At hindi ko na iisipin pa ang tungkol kay Papa. Sayna is my wife and that won’t change anything until we divorce. Kaya hanggang akin siya, hindi ko hahayaan na may ibang makalapit. Gusto ko siyang protektahan mula sa akin kahit hindi ko alam kung paano dahil sa tuwing pinagmamasdan ko siya may kung anong nabubuo sa utak ko. I'm physically attracted to her.Am I being a freak possessive man? Hindi ako umuwi nung gabing nakita ko siya sa bahay ni Papa. Hindi lang dahil sa guilty ako sa nasabi ko, natakot ako nang makita ko si Sayna na umiyak. I can’t face her like that and I won’t do something stupid again. Syempre nagalit sa akin si Papa at sinabi niya sa akin ang tunay na nangyari. But the way he cares for her was really different and there’s something, he ju
Sayna's POV Hindi ko alam kung sino ang titingnan ko sa kanilang dalawa. Hindi ko rin alam kung sino ang sasawayin sa kanilang dalawa. Pasimple kong siniko si Enver pero hindi siya natitinag at patuloy pa rin sa pagsasalita. Ayoko ko lang na may masabi na naman siyang pagsisisihan niya tapos susuyuin niya na naman ako. Hindi ko rin alam kung bakit gusto ko ang pagsuyo niya kahit na gusto ko siyang sapakin. “That won’t happen anytime soon. Mukhang tatagal ang paghihintay mo… Atty. Vince.” sinamaan ko na lang ng tingin si Enver kaysa paikutin ko ang mata ko sa kanya. Makapagsalita siya akala mo naman hindi gustong kumawala sa kasal namin. Malamang siya itong kating-kati na makawala sa aming dalawa. Kita ko ang inis ni Vince. Nilapag ko ang bulaklak sa lamesa ko at kaagad na umikot para makalapit sana kay Vince kaya lang hinuli ni Enver ang kamay ko. I gave him a questioning look but he blankly stared at me. Pero inalis ko pa rin ang kamay niya at hindi naman siya
Enver’s POV“Congrats, bro. Hindi ko alam na talagang seryoso ang pagsali mo sa legal racing team,” bati sa akin ni Leo sabay tapik sa aking balikat. I just smirked as I shook my head. “Kailangan ko lang.”“Kailangan ba talaga o sadyang napilitan ka lang dahil kay Sayna?”“Hindi naman sa napilitan pero gusto ko rin talagang gawin para sa kanya… para na rin sa sarili ko.” Ngumuso siya at marahan na tumango. Mukhang hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa kong pag-alis sa grupo niya at lumipat sa legal race.Kung gusto kong magpatuloy sa passion ko at hindi mag-alala sa akin si Sayna, kailangan ko itong gawin kahit na mahirap para sa akin. I don’t know if I would be able to get the thrill I found in my own type of racing before. There’s so much fun and excitement there. Hindi pa naman ako sumusubok ngayon sa legal na race dahil kakasali ko lang kahapon. Naging mabilis lang din ang pagpasok ko dahil sa kilala naman ako.My name brings me privilege.“So, wala na talagang balikan?” he c
Enver's POV (Part II) Nagtiim bagang ako sa sinabi ko. Tuwing naiisip ko na boyfriend ni Sayna si Vince, kumukulo ang dugo ko. Tiningnan niya lahat ng papel. I already emailed him beforehand. Galing din naman ito sa kanya kaya alam niya ang lahat ng tinutukoy. “Gusto ko pang maibestigahan ang tungkol sa buhay ni Vince Poblacion. His personal life. Family life,” pagdidiin ko sa huli kong sinabi. Tumingin siya sa akin na kita kong naintindihan niya agad ang gusto kong malaman bago napatingin siya ulit sa papeles na nilapag ko. Ito naman ay mga college application at ilan pang dokumento kung saan pare-parehiong naroon ang pangalan ni Dad. Mr. Nichael dela Torre read it. Muli pa siyang napatingin sa akin bago niya kinuha ang mga iyon. “It says here that her father is Clinton Ven Servencio. My father is Clinton Ven Servencio…” biglang may kung anong bumara sa aking lalamunan kaya tila napapaos ko itong nasabi. “To be honest, I’m confused. Wala akong kilala na may half brother ako
Enver's POV (Part I) Hindi naman sa nawala ako sa focus sa aking trabaho pero hindi ako mapakali sa nitong mga sumunod na araw. Ayokong maapektuhan ang iilang meeting at projects na hawak ko kaya lang alam kong medyo apektado ito dahil sa nalaman ko. Even seeing my Dad makes me feel uncomfortable, too. Tuwing nagkakasalubong kami sa lobby ay pilit ko rin siyang iniiwasan. Mas nakakapag-isip ako kapag hindi ko siya nakikita pero kasabay nun ay ang pag-iisip ko rin ng kung ano-ano. What I have learned made me a bit distant to him. May mga oras na gusto ko siyang makausap kaya lang mas pinipili ng isipan ko na lumayo muna kay Dad. Alam kong hindi pa naman napapatunayan lahat ng nalaman ko. I don’t know if Vince Poblacion is even my half-brother and a part of me doesn’t believe it but it made me confused and this issue stuck in my head now. I have been looking forward to this day because I will meet the investigator. Magkikita kami sa isang malapit na resto sa office at dahil sa pag
Ngunit malaki ang posibilidad ng sinabi ni Alicia. Something has been off with Vince. He's confident enough to pissed me off. Hindi naman siya mapo-protektahan ng mga Almarez in case na lumaban ako sa kanya. Ito ang nasa isip ko kung bakit malakas ang loob niya na hamunin ako dahil kung totoo ang sinabi ni Alicia, malamang magkapatid kami. At iyon pa ay kung totoo na anak nga siya ni Realyn Mondez - ang dating sekretarya ni Papa na nahuli kong nahalikan niya.Nasapo ko ang noo ko. Sumakit ang ulo ko dahil sa mga nalaman ko at wala man lang naging epekto ang alak sa katawan ko.["Kasama mo si Leo kanina?"]Humilig ako sa headboard at hinilot ang sentido ko. Sayna is my everything and I can't lose her dahil lang sa paghihinala ko kay Vince. Wala siyang alam sa nangyayari sa ginawa ng kaibigan niya at gusto ko siyang protektahan."Yeah. Pero hindi ko na siya kasamang umuwi dahil bigla na lang siyang nawala," sinubukan kong pagaanin ang atmosphere sa usapan naming dalawa. I want to bring
Enver’s POV (Part I) NAGING abala ako sa trabaho at madalang na lang din ang pag-uusap namin ni Sayna kahit pa may nakalaan na kaming oras para makapag-usap. Minsan talaga ay hindi na kinakaya kaya naman lumilipas ang araw na hindi ko man lang naririnig ang kanyang boses. “Bakit tayo nandito?” malakas na tanong ni Leo at luminga sa paligid. Kailangan niyang lakasan ang boses niya para magkarinigan kaming dalawa. Nasa isang bar kami ngayon. Pinaalam ko naman ito kay Sayna at pumayag naman siya na pumunta ako dito at kasama ko naman din si Leo. Wala rin naman akong balak na gumawa ng kalokohan. Kailangan ko lang ng pampainit sa aking lalamunan dahil lamig na lamig na ang katawan ko para sa asawa ko. “Marami lang akong iniisip at gusto ko lang munang umalis sa bahay.” Wala rin naman si Sayna doon. “Bakit naman?” Kinuha niya ang isang beer at nilagok ito bago muling nagsalita. “Alam ba ito ni Sayna? Ayokong madawit sa away mag-asawa.” “Alam niya. Nagpaalam ako.” Tila nakahinga ng m
Enver's POV (Part 2)“Bakit? Hindi ko hahayaan na ginawa niya iyon sa iyo. He’s the mastermind. Makukulong siya at-”“Gusto ko rin iyon, ‘Pa. Gusto ko siyang makita sa loob ng rehas dahil alam kong siya ang mastermind sa aksidente ko.” Hinawi ko ang aking buhok papunta sa likod. “Kanina nung nakita ko siya gusto ko siyang saktan pero hindi pa ngayon. I was bothered that he wasn’t bustling about it. Para may iba pa siyang plano kaya alam ko kung sasabihin natin ngayon makakalusot siya at isa pa, illegal racing iyon, ‘Pa. Malamang nasa isip niya na kahit sabihin natin sa mga pulis, mahihirapan tayong i-justify ang totoo. Lahat pwedeng mangyari sa race.”Tumango si Papa kahit hindi naman niya gusto ang sinabi ko. But somehow he looks pleased and proud. “You grew up, Enver. I’m proud of you.”“This is for Sayna,” maagap kong sagot. Napaayos ng upo si Dad. Sumingkit ang kanyang mata sa akin. “We’re trying to make our relationship work for real, ‘Pa,” dugtong ko pa. Nagulat siya pero mabil
Enver’s POV Nalaman ko lang naman kung nasaan si Sayna dahil sa tracker na nilagay ko sa kanya phone. Nagpatulong ako kay Leo na mailagay ko iyon sa phone ni Sayna dahil nag-alala ako sa safety niya nang sadyain ang pagkabangga sa akin. Buti na lang din at ginawa ko iyon kung hindi ay hindi ko malalaman kung nasaan siya. Labis akong nag-alala nang hindi ko siya makita sa condo ng ilang oras. Doon ko talaga napagtanto na hindi ko na siya kayang mawala sa aking buhay. Wala nang pagdududa sa aking sarili na gusto ko talaga siya. Pero hindi rin talaga nagtagal ang lahat at kailangan niyang umalis para naman kunin ang kanyang ambisyon. Patuloy naman ang communication naming dalawa kahit na magkaiba ang oras. I just want her to know that she’s mine and I’m willing to wait for her. At ang isa ko pang gagawin ngayon ay ang harapin kung sino ang bumangga sa akin. Napatingin ako sa aking wrist watch. Gusto kong matawa dahil nagpa-late na nga ako pero wala pa rin siya dito ngayon. Five mi
Sayna’s POVHINATID ako ni Enver sa airport at hindi ko akalain na labis akong magiging emosyon. Parang gusto ko na lang tuloy umatras at sabihin kay Mr. Clinton na ibalik na lang ako sa dati kong puwesto sa kompanya habang tinuturuan ko si Enver na maging Chairman ng Servencio Group pero hindi ko ginawa. Inisip ko na mawawala lang ang sakripisyo naming dalawa kung hindi namin susubukan ang ganitong relasyon. Pareho man kaming bago ang ganitong set up pero kapag nakayanan namin, alam kong malalagpasan pa namin ang iba pang problema. Pumunta kaagad ako sa suite ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at nakaramdam ako ng kalungkutan na hindi ko inaasahan. Para sa akin masyadong malaki ang suite na ito para sa isang tao at hindi ko na maalala kung kailan ba ako naging mag-isa sa isang kwarto. Inayos ko na rin ang mga gamit ko habang nagmumuni-muni sa bago kong magiging tahanan sa loob ng hindi ko pa alam na panahon. Binagsak ko ang katawan ko sa kama nang matapos ako sa lahat n
Sayna's POV (Part 2)Wala ako sa aking sarili na napangiti. “Sana hinintay mo na lang ako sa condo. Pauwi na rin naman ako.” Ngunit hindi ko iyon naisip maliban ngayong nakita ko siya. Tila wala akong lakas na bumalik dahil alam kong hindi na naman kami magpapansinan at bigo naman ako na pigilan kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Mas lalo akong kumapit ng yakap kay Enver. Binaon ko ang dibdib ko at hinayaan ang aking sarili na umiyak tutal hindi naman siguro mahahalata dahil umuulan. “Please don’t cry.”Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at inangat ito para magtama ang paningin naming dalawa. Pinunasan niya ang luha ko na humalo na sa ulan. “Let’s try.”Napakunot-noo ako. “Anong ibig mong sabihin?” “I’ve changed and I want us together.”“Ilang araw lang naman tayong hindi nagpasinan. Paano mo nasabing-”“I want to try, Sayna. I want this to be real. I wanted what we have to make it real.”Hinanap ko sa mata niya kung totoo ba ang naririnig ko. Nagsasabi man siya ng t