Home / Romance / Saved By The Marriage / Kabanata 3: MARRIAGE

Share

Kabanata 3: MARRIAGE

Author: lainnexx
last update Last Updated: 2022-03-03 18:19:54

Marriage

Sayna’s POV

KAHIT gusto ko sana na gawing sikreto lang ang kasal dahil peke lang naman ito ay hindi ko pwedeng gawin. Kaya nga ako pumayag na magpakasal kay Enver kasi kailangan kong linisin ang pangalan niya. It was just me who can do it. It feels surreal that we will got marry in just few weeks after we got a chance to know each other. Siguro kailangan ko lang kumalma, hayaan na makasal sa kanya at makuha ang promotion ko pagkatapos nito.

Tama. Iyon na lang talaga ang kailangan kong gawin, ang isipin na kapag ginawa ko 'to, matutupad na ang matagal ko nang pinangarap sa buhay.

Kinabukasan, kaagad na pinahanda ni Mr. Clinton ang malaking balita na unang hakbang pa lang sa plano niya. They will release a news about us, the new Chief Executive Officer Sayna Astrid Reyes, and Servencio Prince Enver James Servencio’s wedding.

It’s been four days since I’ve met him and agreed with this. Malamang napilitan lang siya tulad ko na may magkaibang rason. Pinatawag kami ulit ni Mr. Clinton, nandito na ako ngayon sa harap niya.

Bumukas ang pinto, hindi ko inabala ang sarili ko na lumingon kung sino ang pumasok. I just know that it was him, when he stand next to me, tall and proud.

Gumilid ang tingin ko at saktong nagtama ang tingin namin dahil nakatingin din siya sa akin, hinagod ako ng tingin ang kabuuan ko. Hindi ako nagpatalo, sinipat ko rin ang kabuuan niya bago pasimpleng umirap. He indeed a good looking man with his coat and a black pants, with his dark brown shoes, and white button-down inner shirt. Maayos din ang buhok na malayo sa unang beses na nakita ko siya. Pansin ko rin na magkamukha sila ni Mr. Clinton pero hindi sila magkasundo.

Sa gwapo niyang mukha pangit naman ang ugali kaya ‘wag na lang.

“I know nakita niyo na ang article na lumabas, the news running very well,” si Mr. Clinton.

Rinig kong humikab si Enver, kaya muling gumilid ang tingin ko at tamad siyang humilig sa kanyang upuan.

“But of course, there are some tabloids were putting some negative news about it,” dugtong pa ni Mr. Clinton na muling nagpabalik ng tingin ko sa laptop na hinarap niya sa amin.

Pumukaw atensyon ko ang mga headlines.

‘Ms. Sayna Astrid Reyes deserves someone better’

I clicked the arrow button to see more.

“Servencio Prince’s girlfriend is a drug addict, Alicia Magsalang,” malakas na binasa iyon ni Enver na tila natutuwa pa.

‘Reyes' boyfriend is a lawyer.’

‘Servencio’s announcement of marriage is all about publicity’

“Hindi naman nila kailangan na maniwala kasi peke naman talaga.” Komento ni Enver.

Naging masama ang tingin ni Clinton sa kanyang anak.

Tumikhim ako. “Sir, we can just ignore these tabloids. Base sa mga pinanggalingan ng balitang ito, kilala sila bilang mga nagpapakalat ng balita kaya hindi tayo kailangan mabahala,” pormal kong turan.

Marahang tumango si Mr. Clinton, tila nag-isip. At muli ko na namang narinig ang mahinang tawa ni Enver.

Ignore him, Sayna!

“But we can do something to disprove this new,” aniya ni Mr. Clinton bago gumawa ang tingin sa aming dalawa. “Kasal niyo na next week, you have photoshoots, gown fittings, and we can still… insert something… to make the public believes in your relationship. Kung hindi natin ito gagawin, malamang kakalat lang ang iba pang balita tungkol sa inyo. They can make it more shady and I won’t let that happen. This is the only way to clean Enver’s name, and not to attract more intrigues.”

“Like we are going on a date?” si Enver.

Sinulyapan ko siya at may naglalarong ngiti sa kanyang labi.

“Yeah. Pero umayos ka, Enver. Don’t make a scene,” balala ni Mr. Clinton.

At iyon ang ginawa namin, kaya kami nandito sa isang high-end restaurant para simulan ang pagiging couple. Gusto kong masuka pero tiis lang.

Enver opened the door for me. Naghihintay ang valet sa gilid niya, hinihintay kaming makaalis sa sasakyan. Nakalahad ang kamay ni Enver sa akin at may plastic na ngiti. Inismiran ko siya at tinanggap ang kamay niya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang pang-iinsulto sa akin na tawagin akong kabit ng tatay niya. Hindi namin gusto ang isa’t-isa pero kailangan namin itong gawin.

He’s rich and he got everything he wanted. Kung ano man ang dahilan ng pagrerebelde niya malamang sobrang lala para umabot sa ganito.

I’m not interested to know though.

Tuloy-tuloy lang ang pagpapanggap naming dalawa. Tinatanggap ko ang kunwari niyang pagiging gentleman kahit hindi naman bagay sa kanya. There’s always a smirked underneath his moves.

“Please give us some sparkling juice, instead…” turan ko nang makitang naglabas ng wine ang butler.

Nalusaw ang kunwaring ngiti ni Enver.

“Right away, Miss.” Kaagad na umalis ang butler.

“Do you think I’m alcoholic?” kalmado niyang tanong pero banayad na na-insulto siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Binigyan ko siya ng makahulugan na tingin. Tinatanong niya ako? I don’t know but whether he is or not, I think he needs to sober up. I’m not acting as if I am his rehab.

“Keep your voice low, love. Baka may makarinig sa ‘tin. Don’t lose your cool,” I said, winking at him.

He smirked again, slowly nodding his head.

Wala akong problema sa pakikipagbangayan sa kanya pero hindi namin ito pwedeng gawin sa public. Mamaya may mga paparazzi na nanonood sa amin o baka kanina pa meron na pagbaba pa lang namin ng sasakyan. Medyo mahirap ang lahat ng ito sa akin kung hindi makikisama si Enver. Kaya naman sinusubukan kong magkaroon ng maayos na usapan sa kanya para hindi mahalata na peke ang lahat. Pero lagi kaming nauuwi sa bangayan.

“Don’t worry, I’ll be a good boy.” Panunuya niya.

Don’t roll your eyes, Sayna! May nahagit akong kumuha ng picture namin at sa palagay ko naramdaman din iyon ni Enver kaya inabot niya ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti na lang. Para kaming ewan na nag-ngingitian habang kumakain.

“I’m a good catch for you, Sayna,” binitiwan niya ang kamay ko para kunin ang kanyang juice. “Mukhang kilala mo na ako bago pa lang arrangement na ‘to. I think you seduced me that night kasi alam mong anak ako ng boss mo.”

Sinamaan ko siya ng tingin pero pinilit kong umayos. “You might be a good catch but your name is nothing without me," mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya nang sabihin ko 'yon pero nagpatuloy ako. "Kilala nga kita. You’re the Servencio prince. You’re my boss unico hijo, Mr. Enver. You were handsome and a party boy who got detained for an hour because of drug scandal.  And who would miss to know it?”

His face darkened, furious.

“I just know you by your name and your past issues. Hindi ko alam kung anong itsura mo. Mas marami pa akong kailangan na gawin kaysa ang kabisaduhin ang mukha mo.”

“At kasama na sa trabaho mo ang Papa ko?”

I lost my appetite this time. Bakit laging sinasabit niya sa usapan si Mr. Clinton?

“Anong ibig mong sabihin? Talaga bang iniisip mo na kabit ako ng tatay mo? Kung gusto ko nga si Mr.Clinton, sa tingin mo papayag akong magpakasal sa ’yo?” iritable kong tanong sabay tingin sa paligid.

He shrugged, keeping his fake smile. “Who knows? Malay ko ba na kaya ka lang pumayag para matakpan ang relasyon niyo ng kasal natin. Nobody’s gonna know while you’re married with me, you’re fvcking my father.”

Mariin kong kinuyom ang kamay ko na may hawak na bread knife. Kung hindi ko lang naalala kung bakit ko nga ba ito ginagawa at bakit ako nandito, kanina ko pa siya sinampal. Don’t forget your ambition, Sayna! Just deal with him properly.

Pinunasan ko ang labi ng table napkin. “Umalis na tayo dito bago pa tayo makagawa ng eksena.”

Ngumisi siya at tumayo. Lumapit siya sa akin, tumayo na rin ako. Hinuli niya ang kamay ko at pinagsakop ang daliri namin. Gulat ako pero hindi na umalma pa. This is for the show, Sayna.

Ngayong nasa sasakyan na kami, hindi pa rin maalis ang nakakainis na mapanuri niyang tingin.

“Kung hindi ka kabit ng Papa ko, kung ganun pumayag ka dahil may gusto ka sa akin?” he snapped my fingers, his smile widens. “May gusto ka nga siguro sa akin.”

“Shut up, Enver. Huwag kang masyadong mayabang dahil hindi nga kita kilala. Your father and I just got into agreement to clean your name.” iritable kong sagot.

“And you sell off your freedom in exchange of?”

I rolled my eyes at him. “To be on the top of your company. So, kung ano man ang iniisip mo tungkol sa amin ni Mr. Clinton nagkakamali ka. After I clean the messed you made, we can get an annulment.”

“So, your honor is nothing but bullshit?”

“How dare you say that?” I heave a loud sigh, trying to control my anger.

“Huwag kang mag-alala dahil ako pa mismo ang unang mag-fi-file ng annulment nating dalawa. I’ll convince your father to do it as much as possible. Maliit na sakripisyo lang ito sa lahat ng tulong sa akin ni Mr. Clinton at may prinsipyo ako, hindi ko babawiin ang pangako ko sa kanya hanggang sa matapos ang usapan namin. Wala lang sa akin ang kasal kaya hindi mo mamamayalan na tapos na ang lahat.”

Binasa niya ang kanyang labi, naiinis pa rin. Ngunit walang lumabas sa kanyang bibig.

“I hope we are clear now,” pagtatapos ko ng argumentong ito.

Hindi pa rin siya sumagot. Binuhay na ni Enver ang sasakyan para makaalis kami.

The night was overall irritating. Makailang beses ko siyang kinakausap tungkol sa paratang niya pero wala siyang imik, puro pag-igting lang ng panga ang sagot niya. Hindi rin naman ako sanay na pinagpipilitan na magtanong nang magtanong sa taong ayaw naman sumagot. Kaya tumahimik na lang din ako. Hanggang sa makauwi kami ay binalot kami ng katahimikan.

After all of the fake dates, gown fittings, and prenuptial pictures, I stood at the entrance of the door. Walang maghahatid sa akin sa altar dahil wala na namang akong kamag-anak pa. Wala dito ang kaibigan ko na may laban ngayon sa korte. He couldn't miss it plus he don't like to watch this fake event of my life. I don't mind it though. 

Hindi pa rin ako makapaniwala. Lahat mabagal sa paningin ko. Nang bumukas ang pintuan sa harap ko, nagsimula na akong mabagal na lumakad. Hindi ako relihiyosong tao pero sa aking isipan, pinapaubaya ko na sa Kanya ang lahat ng maaaring mangyari.

Habang lumalakad ako, natatakot ako. It’s so scary when you know that no one is here for you. Gusto ko mang tumingin sa likod at tumakbo sa takot pero nag-ugat ang tingin ko sa harap. 

Nilunok ko lahat ng takot at pride ko nang tuluyan na matanaw si Enver sa altar. Pirmi ang mata niyang nakatingin sa bawat hakbang ko papalapit sa kanya.

Seryoso siya at walang bahid ng kahit anong luha ang kanyang mga mata. Of course, he’s a playboy, and heartless man. He couldn’t cry. Peke lang din naman itong lahat. Dahil doon, napawi ang takot ko at napalitan ng ngiti.

Nakatayo siya ngayon doon na tila gusto niya ang hinihintay niya.

Pero sa buong sermonya, binalot ako ng kaba pero matagumpay na ipinakita ko na kaya ko ang pekeng kasal na ‘to. 

Kung may simula, may katapusan…

“I now pronounce you, husband and wife. You may kiss the bride,”

Nang inangat ni Enver ang belo, sumilay ang mapanghamon niyang ngisi. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi na rin, para tanggapin ang hamon niya. Binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi kasabay ng romantikong tugtugin. Tila totoo ang lahat kahit na malaking kasinungalingan.

Hinapit ni Enver ang bewang ko na nagpagulat sa akin. Mas lumaki ang silay ng kanyang ngiti at bago pa ako makabawi ay siniil niya ako ng hal*k. Dilat pa ang mata ko nang humawak ang isa niyang kamay sa panga ko para igayak ang labi ko sa kanya. Nanghina ang katawan ko sa kanyang labi at napapikit na at tumugon na rin. Ramdam ko ang pagngiti niya sa bawat halik. Isn’t this too much for our first kiss?

Kumalas siya sa halik at matamnan akong tinignan, nanghahamon pa rin ang loko.

Pero hindi lang dapat siya ang nag-e-enjoy sa pang-aasar.

I tilted my head as I kissed him. Enver stiffen with every soft kisses I give him. Ako naman ngayon ang nakangiti sa kanyang gulat na reaksyon.

“What’s the matter, my love? Don’t you like my sweet kisses?” mahina kong turan habang malapit pa rin ang mukha sa kanya.

"I like it,"

I smirked. Muli akong lumapit at binigyan siya ng mababaw na h*lik. Nang akma niyang papalalimin ang h*lik ay nilayo ko na ang mukha ko. Naiwang nakaawang ang kanyang labi at namumungay ang mga mata, naghahanap pa ng kasunod. 

"Relax, my love. That was just a kiss," mapang-asar kong turan, nag-iwan ng magandang ngiti sa labi ko ang ekspresyon niya na tila nagpipigil at nananabik.

“Dammit,” he whispered.

Related chapters

  • Saved By The Marriage   Kabanata 4: HONEYMOON

    Enver’s POV PAPA is watching us intently. I’m doing my best to act like I like this marriage with his mistress. Yes. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin na kabit ito ni Papa dahil wala akong tiwala sa sinasabi niya. Walang matinong tao ang tatanggap ng kasal sa hindi naman niya kilala kahit pa may malaki itong kapalit na promotion o kaya naman pumayag siya sa gusto ni Papa para maitago ang relasyon nila. At oo, ipipilit ko ang rason na ‘yon dahil lahat ng nakikilala kong lumalapit kay Papa, gusto siya. Hindi na ako magugulat kung itong si Sayna ay unti-unting kukunin ang loob ko para sabihin na mahal niya si Papa. I’ve seen too many ladies trying to win me just to get my approval to be my step mom. Papa can date any girl he

    Last Updated : 2022-04-08
  • Saved By The Marriage   Kabanata 5.1: CRY

    Sayna’s POV Hindi ko alam ang gagawin ko kagabi nang nakatanggap ako ng mensahe galing sa hindi registered na number. Nakalagay sa text na buntis siya at si Enver ang ama. May kasama pang picture ng pregnancy test. Kaagad ko itong pinaalam kay Mr. Clinton at pina-trace siya kaagad kung kanino ito galing. Kaya naman kanina nung tumawag siya, nalaman ko kung kanino ito galing. Galing ito kay Alicia, iyong tinatanggi niyang girlfriend na kasama niyang nahuli doon sa drug raid. Natapos ang usapan namin ni Mr. Clinton at napagdesisyonan niyang hindi muna ito sabihin kay Enver. If Enver truly like Alicia, then malaki ang posibilidad na akuin niya ang bata at magsama sila. Well, maganda naman iyon at dapat lang na gawin niya. Ang problema lang, hindi pa naman kompirmado ang lahat dahil hindi pa sumasagot si Alicia sa pinadalang mensahe ni Mr. Clinton kaya kapag nalaman ito ni Enver baka gumawa ito ng padalos-dalos na desisyon at baka makipagtanan nga at kapag lumabas it

    Last Updated : 2022-04-08
  • Saved By The Marriage   Kabanata 5.2: CRY

    Napaawang ang labi ko nang kapain ng kanyang daliri ang loob ko. Kita ko ang malaking ngiti sa kanyang labi bago nito hinaplos ang aking hiyas. I closed my eyes, biting my lips as a moaned escape from my lips. Ramdam ko ang matindi kong pamamasa.Inalis niya ang kamay niya sa akin at pinakawalan ako pero parehas na kaming nag-aapoy ang tingin. Nilagay ko ang kamay ko sa kanyang batok at nilapit siya sa akin. I kissed him and he kissed me back, hungrily. Kaagad na gumapang ang kamay niya sa loob ng aking damit. Hinubad niya ang aking short kasabay ng panty. At bago ko pa malaman, nasa loob ko siya at mabilis na gumagalaw.“Tang*na, wala kang condom!” reklamo sabay unggol nang inangat niya ang pang-upo ko.He kissed my neck, burying himself deeper from me. “I’ll damn pull out. Trust me.”Trust you? Pero nakabuntis ka nga ata! Ngunit hindi na ako nakapagreklamo pa dahil kakaibang sensasyon ang nabuhay sa buong sistema ko.Kakaiba ito pero gusto ko rin naman ang init na m

    Last Updated : 2022-04-09
  • Saved By The Marriage   Kabanata 6: WORK

    Enver’s POV Nakauwi na kami ni Sayna. Our last trip was not too good or at least not that bad. Sakto lang, walang masyadong bangayan pero wala ring pansinan. Marahil dahil sa alitan namin dahil sa pagbubukas ko ng topic na kabit siya ng daddy ko. Ano ang magagawa ko? Iyon naman ang pinapakita nila sa akin. They keep it a secret from me. Anong gusto nilang gawin ko magbulag-bulagan? Hindi ba nila alam na walang lihim na hindi nabubunyag? At hindi rin talaga ako titigil na hindi ko malalaman kung anong meron sa kanila! Kaya magugulat na lang sila sa gagawin ko. Maybe trying to get Sayna away from my Dad is a nice idea since we're already married. She's mine. “Ngayon ka na magsisimulang magtrabaho, Enver. I hope na maayos mo ang trabaho mo,” aniya ni Dad, hindi na ako hinintay na makasagot at hinarap niya si Sayna. “Saan mo siyang department nilagay?” “Sa finance. He’ll start to learn the…” sinulyapan niya ako. “...ba

    Last Updated : 2022-04-09
  • Saved By The Marriage   Kabanata 7: ANNULMENT

    Sayna’s POV “Hi, Vince. Buti nakarating ka. Tapos na ba ang trial mo ngayong araw?” salubong ko sa kaibigan. Ngumiti siya at nilapag ang kanyang suitcase sa gilid ng kanyang upuan. Humilig siya sa armchair. “Nakasalubong ko ang asawa ko.” I shrugged, trying hard not to blush in front of him. Ramdam ko pa rin ang init ng katawan ko dahil kanina. Kung hindi lang talaga dumating si Patrick, baka kung saan na kami nakaabot at nakalimutan ko pang may meeting pala ako kay Vince. “Hindi mo sinagot ang tanong ko.” ngumiwi ako. “Dumalaw lang ‘yon para-” “Para mangulit.” pagtatapos niya sa sasabihin ko. I smirked. “Hindi naman ako na

    Last Updated : 2022-04-10
  • Saved By The Marriage   Kabanata 8: PREGNANT

    Enver’s POV Inalis ko na sa isipan ko na baka nga kabit ng Daddy ko si Sayna. Pero sa tuwing nakikita ko na nag-aalala siya at iba ang tingin kay Sayna, bumabalik lahat ng galit ko at mas lalo kong gustong agawin sa kanya ang lahat. Inaasahan ko na may importante siyang sasabihin sa aming dalawa, pero hindi ko alam na iyon lang pala. Gumagawa lang siguro siya ng paraan para makasama ang asawa ko. O baka may iba pang dahilan ang pag-uusap na ito dahil alam niyang sa oras na mapikon ako, alam ni Daddy na aalis ako at walang mapaghihinalaan kung maiwanan silang dalawa. “Mr. Clinton, iniisip pa rin talaga ni Enver na may relasyon tayo. Hindi pa rin pala nawawala sa isipan niya ‘yon,” problemadong tinig ni Sayna. Kaya naman hindi ako umalis. Nagtago ako sa likod ng pader at balak pakinggan ang kanilang usapan para malaman ko na kung anong tinatago nila sa akin. “I’m so sorry, Sayna. Pero hindi ko alam kung bakit niya iniisip ‘yon. Malamang sinasabi niya lang ito

    Last Updated : 2022-04-12
  • Saved By The Marriage   Kabanata 9: REPUTATION

    Enver’s POV “What?!” napaatras ako sa gulat sabay tingin sa kanyang tiyan. Ngunit wala naman akong pansin na kahit anong umbok sa kanyang tiyan. May puson siya at normal lang naman ‘yon ‘di ba? Humakbang siya papalapit. “Oo, Enver.” may kinuha siya sa bulsa niya. Mas lalong nanlaki ang mata ko sa inabot niyang pregnancy test. “May ebidensya ako…” hinuli ko ang pulsuhan niya at pinasok sa loob ng kotse ko. Walang pwedeng makaalam nito kundi yari naman ako. Tsaka hindi ko alam kung totoo lahat ng ito! “Damn it! Sigurado ka ba? We did it safely. I never fvcked you without a condom and you take a pill. Did you miss it?” hindi ko makapaniwalang tanong. “H-hindi ko alam… pero h-hindi k-ka ba n-naniniwala?” nagsimulang gumaralgal ang kanyang boses at umiyak na siya. Nasapo ko ang noo ko. At hirap siyang tiningnan. “Okay. Let’s say akin nga iyan-” “Iyo ‘to!” inis niyang sigaw. Problemado akong napapikit at tumango. Nang magmulat ako, bin

    Last Updated : 2022-04-12
  • Saved By The Marriage   Kabanata 10: SHOW

    Sayna’s POV Nagmamadali ako para makapunta sa bahay ni Mr. Clinton. Ngunit nagulat ako nang sabihin niyang alam na ni Enver ang totoo at nakita nitong kasama si Alicia. Malaking gulo ito at hindi ko alam kung bakit damay na naman ako. Simula’t-sapol lahat ng problema ni Enver, wala naman akong kinalaman pero dahil nandito na, hindi ko na rin naman maiiwasan. He’s so handful and he's my husband. Pero resposibilidad ko ba siya kahit peke lang naman ang kasal namin?Ngunit nawala ang iniisip kong iyon nang makita si Enver. Naaabutan kong galit si Enver. Halos mapaatras ako sa sama ng kanyang tingin sa akin nang lumapit ako sa kanila. Hindi ko siya magawang tingnan kaya kay Mr. Clinton ako napatingin. “Hi, my wife. Guess what may anak pala ako?” sarkastiko niyang tinig. If I'm being sarcastic, baka sinabi kong congratulations o kaya nice shot. Pero nakakapaso ang apoy sa kanyang mata. Matindi akong napalunok nang lumapit siya sa akin

    Last Updated : 2022-04-14

Latest chapter

  • Saved By The Marriage   Kabanata 35: PLAN

    Enver’s POV“Congrats, bro. Hindi ko alam na talagang seryoso ang pagsali mo sa legal racing team,” bati sa akin ni Leo sabay tapik sa aking balikat. I just smirked as I shook my head. “Kailangan ko lang.”“Kailangan ba talaga o sadyang napilitan ka lang dahil kay Sayna?”“Hindi naman sa napilitan pero gusto ko rin talagang gawin para sa kanya… para na rin sa sarili ko.” Ngumuso siya at marahan na tumango. Mukhang hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa kong pag-alis sa grupo niya at lumipat sa legal race.Kung gusto kong magpatuloy sa passion ko at hindi mag-alala sa akin si Sayna, kailangan ko itong gawin kahit na mahirap para sa akin. I don’t know if I would be able to get the thrill I found in my own type of racing before. There’s so much fun and excitement there. Hindi pa naman ako sumusubok ngayon sa legal na race dahil kakasali ko lang kahapon. Naging mabilis lang din ang pagpasok ko dahil sa kilala naman ako.My name brings me privilege.“So, wala na talagang balikan?” he c

  • Saved By The Marriage   Kabanata 34.2: MEETING

    Enver's POV (Part II) Nagtiim bagang ako sa sinabi ko. Tuwing naiisip ko na boyfriend ni Sayna si Vince, kumukulo ang dugo ko. Tiningnan niya lahat ng papel. I already emailed him beforehand. Galing din naman ito sa kanya kaya alam niya ang lahat ng tinutukoy. “Gusto ko pang maibestigahan ang tungkol sa buhay ni Vince Poblacion. His personal life. Family life,” pagdidiin ko sa huli kong sinabi. Tumingin siya sa akin na kita kong naintindihan niya agad ang gusto kong malaman bago napatingin siya ulit sa papeles na nilapag ko. Ito naman ay mga college application at ilan pang dokumento kung saan pare-parehiong naroon ang pangalan ni Dad. Mr. Nichael dela Torre read it. Muli pa siyang napatingin sa akin bago niya kinuha ang mga iyon. “It says here that her father is Clinton Ven Servencio. My father is Clinton Ven Servencio…” biglang may kung anong bumara sa aking lalamunan kaya tila napapaos ko itong nasabi. “To be honest, I’m confused. Wala akong kilala na may half brother ako

  • Saved By The Marriage   Kabanata 34.1: MEETING

    Enver's POV (Part I) Hindi naman sa nawala ako sa focus sa aking trabaho pero hindi ako mapakali sa nitong mga sumunod na araw. Ayokong maapektuhan ang iilang meeting at projects na hawak ko kaya lang alam kong medyo apektado ito dahil sa nalaman ko. Even seeing my Dad makes me feel uncomfortable, too. Tuwing nagkakasalubong kami sa lobby ay pilit ko rin siyang iniiwasan. Mas nakakapag-isip ako kapag hindi ko siya nakikita pero kasabay nun ay ang pag-iisip ko rin ng kung ano-ano. What I have learned made me a bit distant to him. May mga oras na gusto ko siyang makausap kaya lang mas pinipili ng isipan ko na lumayo muna kay Dad. Alam kong hindi pa naman napapatunayan lahat ng nalaman ko. I don’t know if Vince Poblacion is even my half-brother and a part of me doesn’t believe it but it made me confused and this issue stuck in my head now. I have been looking forward to this day because I will meet the investigator. Magkikita kami sa isang malapit na resto sa office at dahil sa pag

  • Saved By The Marriage   Kabanata 33.2: STEP BROTHER

    Ngunit malaki ang posibilidad ng sinabi ni Alicia. Something has been off with Vince. He's confident enough to pissed me off. Hindi naman siya mapo-protektahan ng mga Almarez in case na lumaban ako sa kanya. Ito ang nasa isip ko kung bakit malakas ang loob niya na hamunin ako dahil kung totoo ang sinabi ni Alicia, malamang magkapatid kami. At iyon pa ay kung totoo na anak nga siya ni Realyn Mondez - ang dating sekretarya ni Papa na nahuli kong nahalikan niya.Nasapo ko ang noo ko. Sumakit ang ulo ko dahil sa mga nalaman ko at wala man lang naging epekto ang alak sa katawan ko.["Kasama mo si Leo kanina?"]Humilig ako sa headboard at hinilot ang sentido ko. Sayna is my everything and I can't lose her dahil lang sa paghihinala ko kay Vince. Wala siyang alam sa nangyayari sa ginawa ng kaibigan niya at gusto ko siyang protektahan."Yeah. Pero hindi ko na siya kasamang umuwi dahil bigla na lang siyang nawala," sinubukan kong pagaanin ang atmosphere sa usapan naming dalawa. I want to bring

  • Saved By The Marriage   Kabanata 33.1: STEP BROTHER

    Enver’s POV (Part I) NAGING abala ako sa trabaho at madalang na lang din ang pag-uusap namin ni Sayna kahit pa may nakalaan na kaming oras para makapag-usap. Minsan talaga ay hindi na kinakaya kaya naman lumilipas ang araw na hindi ko man lang naririnig ang kanyang boses. “Bakit tayo nandito?” malakas na tanong ni Leo at luminga sa paligid. Kailangan niyang lakasan ang boses niya para magkarinigan kaming dalawa. Nasa isang bar kami ngayon. Pinaalam ko naman ito kay Sayna at pumayag naman siya na pumunta ako dito at kasama ko naman din si Leo. Wala rin naman akong balak na gumawa ng kalokohan. Kailangan ko lang ng pampainit sa aking lalamunan dahil lamig na lamig na ang katawan ko para sa asawa ko. “Marami lang akong iniisip at gusto ko lang munang umalis sa bahay.” Wala rin naman si Sayna doon. “Bakit naman?” Kinuha niya ang isang beer at nilagok ito bago muling nagsalita. “Alam ba ito ni Sayna? Ayokong madawit sa away mag-asawa.” “Alam niya. Nagpaalam ako.” Tila nakahinga ng m

  • Saved By The Marriage   Kabanata 32.2: THE MASTERMIND

    Enver's POV (Part 2)“Bakit? Hindi ko hahayaan na ginawa niya iyon sa iyo. He’s the mastermind. Makukulong siya at-”“Gusto ko rin iyon, ‘Pa. Gusto ko siyang makita sa loob ng rehas dahil alam kong siya ang mastermind sa aksidente ko.” Hinawi ko ang aking buhok papunta sa likod. “Kanina nung nakita ko siya gusto ko siyang saktan pero hindi pa ngayon. I was bothered that he wasn’t bustling about it. Para may iba pa siyang plano kaya alam ko kung sasabihin natin ngayon makakalusot siya at isa pa, illegal racing iyon, ‘Pa. Malamang nasa isip niya na kahit sabihin natin sa mga pulis, mahihirapan tayong i-justify ang totoo. Lahat pwedeng mangyari sa race.”Tumango si Papa kahit hindi naman niya gusto ang sinabi ko. But somehow he looks pleased and proud. “You grew up, Enver. I’m proud of you.”“This is for Sayna,” maagap kong sagot. Napaayos ng upo si Dad. Sumingkit ang kanyang mata sa akin. “We’re trying to make our relationship work for real, ‘Pa,” dugtong ko pa. Nagulat siya pero mabil

  • Saved By The Marriage   Kabanata 32.1: THE MASTERMIND

    Enver’s POV Nalaman ko lang naman kung nasaan si Sayna dahil sa tracker na nilagay ko sa kanya phone. Nagpatulong ako kay Leo na mailagay ko iyon sa phone ni Sayna dahil nag-alala ako sa safety niya nang sadyain ang pagkabangga sa akin. Buti na lang din at ginawa ko iyon kung hindi ay hindi ko malalaman kung nasaan siya. Labis akong nag-alala nang hindi ko siya makita sa condo ng ilang oras. Doon ko talaga napagtanto na hindi ko na siya kayang mawala sa aking buhay. Wala nang pagdududa sa aking sarili na gusto ko talaga siya. Pero hindi rin talaga nagtagal ang lahat at kailangan niyang umalis para naman kunin ang kanyang ambisyon. Patuloy naman ang communication naming dalawa kahit na magkaiba ang oras. I just want her to know that she’s mine and I’m willing to wait for her. At ang isa ko pang gagawin ngayon ay ang harapin kung sino ang bumangga sa akin. Napatingin ako sa aking wrist watch. Gusto kong matawa dahil nagpa-late na nga ako pero wala pa rin siya dito ngayon. Five mi

  • Saved By The Marriage   Kabanata 31: LONG DISTANCE

    Sayna’s POVHINATID ako ni Enver sa airport at hindi ko akalain na labis akong magiging emosyon. Parang gusto ko na lang tuloy umatras at sabihin kay Mr. Clinton na ibalik na lang ako sa dati kong puwesto sa kompanya habang tinuturuan ko si Enver na maging Chairman ng Servencio Group pero hindi ko ginawa. Inisip ko na mawawala lang ang sakripisyo naming dalawa kung hindi namin susubukan ang ganitong relasyon. Pareho man kaming bago ang ganitong set up pero kapag nakayanan namin, alam kong malalagpasan pa namin ang iba pang problema. Pumunta kaagad ako sa suite ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at nakaramdam ako ng kalungkutan na hindi ko inaasahan. Para sa akin masyadong malaki ang suite na ito para sa isang tao at hindi ko na maalala kung kailan ba ako naging mag-isa sa isang kwarto. Inayos ko na rin ang mga gamit ko habang nagmumuni-muni sa bago kong magiging tahanan sa loob ng hindi ko pa alam na panahon. Binagsak ko ang katawan ko sa kama nang matapos ako sa lahat n

  • Saved By The Marriage   Kabanata 30.2: MAKE IT REAL

    Sayna's POV (Part 2)Wala ako sa aking sarili na napangiti. “Sana hinintay mo na lang ako sa condo. Pauwi na rin naman ako.” Ngunit hindi ko iyon naisip maliban ngayong nakita ko siya. Tila wala akong lakas na bumalik dahil alam kong hindi na naman kami magpapansinan at bigo naman ako na pigilan kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Mas lalo akong kumapit ng yakap kay Enver. Binaon ko ang dibdib ko at hinayaan ang aking sarili na umiyak tutal hindi naman siguro mahahalata dahil umuulan. “Please don’t cry.”Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at inangat ito para magtama ang paningin naming dalawa. Pinunasan niya ang luha ko na humalo na sa ulan. “Let’s try.”Napakunot-noo ako. “Anong ibig mong sabihin?” “I’ve changed and I want us together.”“Ilang araw lang naman tayong hindi nagpasinan. Paano mo nasabing-”“I want to try, Sayna. I want this to be real. I wanted what we have to make it real.”Hinanap ko sa mata niya kung totoo ba ang naririnig ko. Nagsasabi man siya ng t

DMCA.com Protection Status