Nagmamadaling lumabas ng kanyang sasakyan si Romano matapos niyang maiparada iyon sa harap ng isang ospital. Ilang minuto pa lang ay nakita niya na rin ang paghinto ng kotse ng kaibigan niyang si Hendrick sa tabi mismo ng pinagparadahan niya.Hindi na niya hinintay ang kaibigan. Agad na siyang nagpatiuna sa pagpasok sa nasabing establisimiyento habang ito naman ay humabol sa kanyang likuran.Magkasama nga silang dalawa nang makatanggap siya ng tawag mula sa nakababatang kapatid ni Analyn. Ayon kay Anjielyn ay isinugod sa ospital ang kanyang asawa matapos duguin.Halos maramdaman niya pa ang pagkawala ng kulay ng kanyang mukha nang marinig ang ibinalita nito. Kung paano iyon nangyari kay Analyn ay hindi pa niya alam. Sa halip kasing mang-usisa muna ay agad na siyang nagpasyang puntahan ito.And Hendrick decided to come with him. Dahil dala nito ang kotse nang magtungo sa JGCC ay nagmaneho na rin ito mag-isa patungo sa ospital."Kuya Romano..." narinig niyang pagtawag sa kanyang pangala
Halos paliparin ni Romano ang kanyang sasakyan sa uri ng pagmamanehong kanyang ginagawa. May pakiramdam pa siya na halos hindi na sumasayad ang mga gulong iyon sa sementadong kalsada dahil sa mariin niyang pag-apak ng accelerator ng kanyang kotse.He didn't give a damn. Kung makapagmaneho siya ay wari bang wala siyang pakialam sa ibang kasabayan na motorista. Ang tanging nasa isipan niya ngayon ay ang agad na makarating sa bahay ng mga Aguilar at makita ang kanyang asawa.Kahapon nga nang tuluyan niyang maipakulong si Josh Medina. Matapos ng nangyari kay Analyn, lalong-lalo na sa kanilang sana'y magiging anak ay talagang ginawan niya ng paraan para mapagbayad si Medina sa kasalanang nagawa nito.Matapos ng mga nalaman niya mula sa pamilya ni Analyn ay agad niyang tinawagan si Lark. Iniutos niya dito na gumawa ng paraan upang makakuha ng kopya ng CCTV footage ng kahit alin sa mga establisimiyentong malapit sa lugar kung saan sapilitang isinakay ni Josh sa kotse nito ang kanyang asawa.
TWO YEARS LATER:"I can't believe we did it, Analyn. Ang husay mo talaga," nagagalak na saad sa kanya ni Karen na sinegundahan naman ng mga kasamahan nila sa trabaho.Hindi mapigilan ni Analyn ang mapangiti dahil sa sunod-sunod na papuri ng mga ito. Magkakasama nga sila at kasalukuyang magkakaharap sa isang mahabang mesa sa loob ng isang sikat na kainan. They were celebrating the success of their closed deal.Papagabi na iyon at tapos na ang kanilang working hours. Nagkayayaan silang magkakatrabaho na lumabas muna upang ipagdiwang nga ang matagumpay na pagkakakuha nila ng bagong proyekto. Hindi niya tinanggihan ang bagay na iyon at agad ngang sumama sa mga kasamahan niya.Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang dumaan siya sa maituturing niyang pinakamalaking dagok sa kanyang buhay. Mahirap man magsimula ulit ngunit masasabi ni Analyn na kahit papaano ay nakabangon na siya.She left her job as an accountant. Hindi na niya binalikan pa ang dating propesyon at nag-iba na ng linya ng
"Ako ang napagod sa anak mo, ate. Parang hindi nauubusan ng energy sa paglalaro," pagrereklamo ni Anjielyn ngunit may ngiti naman sa mga labi. Bitbit nito ang isa mga laruan ng anak niyang si Ruth. Sa kabila ng mga sinabi nito ay alam naman ni Analyn na masaya pa rin itong bantayan ang pamangkin.Nilingon niya ulit ang kanyang anak habang nakapaskil din ang isang tipid na ngiti sa kanyang mga labi. It has been one year and five months since she gave birth to her daughter... to her and Romano's daughter, si Alessia Ruth.Hindi totoong nakunan siya. Hindi totoong naiwala niya ang kanyang pinagbubuntis noon.Matapos ang muntikang pagkakaaksidente nila ni Josh nang araw na iyon ay labis na pangamba ang kanyang nadama. Dala marahil ng pabalyang pagpapasakay sa kanya ng dati niyang kasintahan sa kotse nito at sa labis na isipin kaya dinugo siya.Kita niya pa ang sindak sa mukha ni Josh nang makita nitong umaagos na ang dugo sa kanyang mga binti. It even took him for how many minutes before
Marahang ipinarada ni Romano ang iminamaneho niyang sasakyan sa harap ng gusaling kinaroroonan ng kanyang sadya. Maluwag ang parking lot sa tapat niyon dahilan para makita niya agad ang babaeng susunduin niya mula roon. Ni hindi na nga niya kinailangan pang bumaba mula sa kanyang kotse sapagkat agad na itong lumapit pagkakita sa kanya.Si Cheryl... ang kababata niyang apo rin ng isa sa mga matatalik na kaibigan ng kanyang Lolo Julio na si Henry Hermosa."You are on time," bungad sa kanya ng dalaga pagkasakay na pagkasakay nito sa may passenger's seat ng kanyang kotse.Hindi agad nakatugon si Romano. Ang mga mata niya kasi ay nakatutok sa establisimiyentong pinanggalingan nito, ang Sparkling Advertising Company."How was your meeting?" usisa niya sa seryosong tinig. Sa sobrang kaseryosohan niyon ay may pakiramdam si Romano na wari ay nagtunog malamig na ang pagkakabigkas niya ng mga salita.And he heard as Cheryl heaved out a deep sigh. Umayos ito sa pagkakaupo sa kanyang tabi bago siy
Ang mga sumunod na araw ay sadyang naging abala para kay Analyn. Dumating nga ang araw na sinimulan na nila ang paggawa ng TV advertisement para sa apparel brand ni Miss Cheryl Hermosa.Kung tutuusin ay hindi na nila sakop ang aspetong iyon. May team din na nakatalaga para sa pagkuha ng nasabing commercial. Ngunit dahil kabilang si Analyn at Karen sa bumuo ng konsepto ng naturang proyekto, panaka-naka pa rin ang ginagawa nilang pagtingin sa ginagawang trabaho ng kanilang mga kasamahan.It was a rush a project. Ayon kasi kay Miss Hermosa ay nais nitong isabay sa paglunsad ng mga bago nitong designs ang paglabas ng TV ads na pinagawa sa kompanyang pinapasukan nila. They did not have a choice but to work doble time just to finish the project.Hindi naman naging mahirap para sa kanila na gawin iyon. Katunayan ay sanay na silang lahat sa overtime kung may kinakailangan tapusin na trabaho. Idagdag pa na magaan kasama ang artistang nakuha ng CFW para gawing endorser ng produkto ng mga ito."
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Romano kay Analyn sa seryosong tinig. Nagsasalita siya habang dahan-dahang humahakbang palapit sa kanyang asawa na ngayon ay natitigilan sa kinatatayuan."I-I... I work here," waring wala sa loob na sambit nito.Analyn was looking at him intently as if she can't believe that he was standing in front of her now. Romano could even feel her trembled as she was staring at his face. Para bang hindi nito alam kung ano ang gagawin ngayong nagkaharap silang dalawa."What I mean is here, Analyn," aniya pa dito na ang tinutukoy ay ang bahaging kinaroroonan nilang dalawa. Patuloy lamang siya sa paghakbang patungo sa kanyang asawa hanggang sa ilang dipa na lang ang layo niya mula dito. Ginagawa niya iyon habang nanatiling nakahinang dito ang kanyang mga mata."Bakit ka lumabas?" patuloy niya pa sa kanyang pagsasalita. "Iniiwasan mo ba ako? After two years of not seeing each other, is that how you approach your husband?"Sukat sa huling tanong niya ay biglang
Analyn's eyes widened as Romano claimed her lips. Hindi siya nakahuma agad sa kanyang kinatatayuan dahil sa ginawa nito. Kasabay din kasi ng paglapat ng mga labi ni Romano sa kanya ay ang biglang pagkilos ng kanyang asawa para maisandal siya sa sasakyan nito.Mas humigpit pa ang paghawak ni Romano sa kanyang baywang kasabay ng mas pagdiin ng mga labi nito sa kanya. Tikom ang bibig ni Analyn at pilit sanang iniiwas ang kanyang mukha mula dito ngunit, sa tuwing ginagawa niya iyon ay mas lalong dumidiin ang pagkakahawak nito sa kanyang batok.At dahil sa ginagawang iyon ni Romano ay hindi maiwasang mabahala ni Analyn. Nasa parking lot lamang sila ng Sparkling Advertising Company. Though, nasa dulong bahagi ang sasakyan ni Romano ay hindi niya pa rin mapigilang isipin na ano mang oras ay maaaring may makakita sa kanilang dalawa.And because of that thought, Analyn gathered all her stregnth and pushed Romano on his chest. Naging dahilan iyon para maputol ang halik na ginagawa sa kanya ni R
Prenteng nakahiga si Romano sa mga pinong buhangin ng dalampasigang kinaroroonan niya. Mag-aala sais na ng hapon at halos nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Nasa resort siya ng kaibigan niyang si Ethan at dahil sa nalalapit niyang paghawak sa kompanya ng kanyang abuelo ay napagpasyahan niya munang magbakasyon. Kailangan niya iyon bago humawak ng isang napakalaking responsibilidad.Nasa parte siya ng resort na halos malayo na sa mga tao. Lampas na iyon sa mga kubong maaaring okupahin ng mga turistang naroon. He intentionally stayed there. Nais niyang mapag-isa upang mapag-isipan kung ano ang dapat gawin sa problemang kinakaharap ng kompanyang pag-aari ng kanyang abuelo.Ngunit ang katahimikang tinatamasa niya nang mga sandaling iyon ay nagambala. Kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya ay mabilis nang nahinto. Iyon ay dahil sa iisang rason--- agad niyang namataan ang isang babaeng marahang humahakbang patungo sa kanya.The woman was walking slowly. Wari bang wala itong pakialam sa pa
"Y-You really love me?" Romano asked her again in disbelief. Mataman itong nakatitig sa kanyang mukha na wari ba ay hindi malaman kung ano pa ang sasabihin."Hindi ka ba naniniwala? What do I need to do for you to---""Kiss me," mabilis nitong sagot sa kanya. "Just kiss me, sweetheart."A soft smile broke her lips. Sa kabila ng mga luha sa kanyang mga mata ay hindi niya mapigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi.Hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang sinabi nito. Sa mabilis na kilos ay tinawid niya ang kaliit na distansiya sa pagitan nilang dalawa. Agad niya ring iniangat ang kanyang dalawang braso at ipinaikot ang mga iyon sa batok ng kanyang asawa.His arms instantly snaked on her waist as her lips claimed his. Sa una ay isang masuyong halik lang ang iginawad niya kay Romano. Waring nananantiya pa ang bawat hagod na ginagawa niya sa mga labi nito.Until, as if became impatient, Romano deepened the kiss. Ito ang unang naging agresibo dahilan para naging mapusok na a
Napabuga ng isang malalim na buntong-hininga si Analyn kasabay ng pagtingala niya sa madilim nang kalangitan. Kasalukuyan siyang nasa may hardin ng bahay ni Romano. Pasado alas-nueve na ng gabi at dahil sa hindi pa dinadalaw ng antok ay nagpasya muna siyang bumaba.Kanina pa tulog si Ruth sa nursery room nito. Kasama nito si Melody na sadyang binilin niya munang samahan ang kanilang anak. Sa loob nga lang ng ilang araw ay natapos ang pagpapaayos ni Romano ng dalawang silid sa ikalawang palapag. May pintong nagkokonekta sa silid nila at nursery room ng kanilang anak.Hindi siya makadama ng antok. Katunayan, hindi mapanatag ang isipan niya. Hanggang nang mga sandaling iyon kasi ay hindi mawala sa kanyang isipan ang mga narinig na sinabi ni Mr. Gracia sa kung sino mang kausap nito sa cell phone.Analyn can't help but to be filled with so much questions. Kanina pa gumugulo sa isipan niya ang tungkol sa bagay na balak ipawalang-bisa ni Mr. Gracia. Bagay iyon na ayon na rin sa matanda ay gu
"Papa!" malakas na sigaw ni Analyn nang makita niya ang ginawa ng kanyang ama.Isang malakas na suntok sa mukha ni Romano ang iginawad ng kanyang Papa Wilfredo. Tulad nga ng sinabi ng kanyang asawa, ang pamilya niya naman ang sinadya nila nang araw na iyon upang makausap.Maaga pa lang ay gumayak na sila papunta sa bahay ng kanyang mga magulang. Romano wanted eveything to be settled between them. After their conversation last night, Romano asked her to give him a chance. At gustong simulan iyon ng kanyang asawa sa pamamagitan ng pag-aayos din ng relasyon nito sa kanyang ama at ina.Ngunit pagkababang-pagkababa pa lamang nila mula sa sasakyan ay agad nang lumapit ang kanyang ama na noon ay kasalukuyang nasa may labas lamang ng bahay. Agad niya pang nakita ang lumarawang galit sa mukha nito nang humakbang patungo kay Romano. Isang suntok nga sa pisngi ang binigay nito sa kanyang asawa.Mabilis niyang nilapitan si Romano. Muntik pa itong sumadsad sa sarili nitong sasakyan dahil sa ginawa
Naging awtomatiko ang pagpikit ng mga mata ni Analyn nang dumampi ang mga labi ni Romano sa kanya. Sa una ay mariin ang halik na iginagawad nito na wari bang intensiyong pahintuin lamang siya sa kanyang pagsasalita.Until the way he kissed her suddenly changed. It became passionate and gentle, dahilan pa nga para madali siyang mapahinuhod na tumugon sa ginagawa nito.Hindi niya alam kung ilang segundo ang namagitang halik sa kanilang dalawa. Mas naging malalim pa kasi iyon nang tuluyan siyang magpaubaya sa pananalakay ng mga labi ni Romano sa kanyang bibig.Tuluyan na nga sana siyang madadarang nang bigla ay matigilan si Analyn. Siya na rin ang pumutol sa kanilang ginagawa. Marahan niyang iniiwas ang kanyang mukha kay Romano sanhi para ang labi nito ay mas dumapo na lamang sa kanyang pisngi. Naputol ang halik na namamagitan sa kanila ng kanyang asawa ngunit nanatiling hawak pa rin nito ang magkabila niyang pisngi."R-Romano, please... baka may makakita sa atin," she said in almost a w
Tuluyang tinapos muna ni Analyn ang pagpapalit ng damit sa kanyang anak bago siya tumayo nang tuwid at binuhat na ito. Lumingon din siya ulit sa taong bigla ay bumungad sa may entrada ng banyong kinaroroonan nilang mag-ina--- si Cheryl Hermosa."Gagamit ka ba ng banyo? We're already done," kaswal niyang sabi sabay akmang hahakbang na sana palabas ng banyo.Ngunit dahil sa nakatayo sa may daraanan niya ang dalaga ay agad ding natigilan si Analyn sa balak niyang pagbalik na sa may sala. Matapang niyang sinalubong ang titig si Cheryl saka nagtanong dito."Do you need anything?" aniya sa seryosong tinig."Kanina ko pa iniisip kung saan kita unang nakita," tugon sa kanya ni Cheryl. "You're from Sparkling Advertising Company, aren't you? I remember seeing you there.""Tama ka. N-Nagtatrabaho ako sa Sparkling," aniya dito. "Is there something wrong with that?""Wala naman," tugon nito sabay kibit ng mga balikat. "I was just... puzzled how you and Romano ended up being married. Matagal ko na
Isang mariing paglunok ang ginawa ni Analyn nang makita niya ang pagpasok ni Cheryl Hermosa sa dining area na kinaroroonan nila. Mayroon itong ubod ng tamis na ngiti sa mga labi habang litaw na litaw ang kaseksihan sa suot na damit.Cheryl was wearing a red dress. Dahil sa kulay niyon ay mas lalong lumitaw ang kaputian ng dalaga. Hapit iyon sa katawan nito kaya kitang-kita din ang kurba ng babae.Tulad ng una niyang pagkakakita dito ay sadyang kahanga-hanga ang pagdala nito ng kasuotan. Hindi na iyon kataka-taka sapagkat base na rin sa propesyon at katayuan sa buhay na mayroon ito, inaasahan na talaga ang galing nito sa pananamit."You are just on time, hija," narinig niyang sambit ng isang matandang lalaki na kung tama ang pagkaalala niya ay ang pinakilala ni Romano bilang Henry, ang matalik na kaibigan ng Lolo Julio ng kanyang asawa."Hi, tita... tito," malambing na saad pa ni Cheryl sabay lapit sa mga magulang ni Romano at kapwa nakipagbeso sa mga ito. Matapos niyon ay binati at ni
Habol pa ni Analyn ang kanyang hininga nang iyakap ni Romano ang isang kamay nito sa kanyang baywang. Hinapit din siya ng kanyang asawa palapit sa katawan nito dahilan para magdikit ang kanilang kahubdan.Naroon pa rin sila sa mahabang sofa at halos ipagkasya ang mga sarili matapos ng mainit na pagtatalik na kanilang pinagsaluhan. It was an earth-shattering moment that Analyn felt like she was still floating. It felt so overwhelming for her that she just noticed some unshed tears from her eyes.Tama si Romano. It has been so long since they made love. Kaytagal na nang huli niyang naramdaman ang ganoong damdamin. Ngunit nakamamangha na sa kabila ng dalawang taong pumagitna sa kanilang mag-asawa ay hindi man lang nagmaliw ang emosyong nadarama niya sa tuwing inaangkin siya ni Romano. Ni hindi iyon nagbago. Kung ano man ang naramdaman niya kanina ay ang siyang nadarama niya rin ng mga unang pagkakataong may namagitan sa kanila.And strange that she missed that emotion... she missed Roman
Agad na napabangon mula sa pagkakahiga si Analyn nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nasa loob na siya ng silid ni Romano sa may ikatlong palapag at katabi niya na si Ruth na kanina niya pa napatulog.Natuon ang kanyang mga mata kay Romano nang tuluyan itong bumungad sa pinakakwarto. His stares darted on her as well as she sat on the bed. Kanina pa nakatulog si Ruth ngunit siya ay hindi man lang naidlip. Sadyang hinihintay niya nga ang pagdating ni Romano sapagkat nais niya itong makausap."Why are you still awake? It's already past ten, Analyn," nagtataka nitong sabi habang naglalakad palapit sa kanya.Tinawid nito ang ilang distansiya sa pagitan nilang dalawa saka inilapag ang pag-aaring cell phone sa ibabaw ng bedside table na nasa may panig niya lamang. Nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanya habang tinatanggal naman ang suot na relo. Katulad ng cell phone, inilapag din iyon ni Romano sa ibabaw ng mesita."Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito ulit."H-Hinihintay kita,