"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Romano kay Analyn sa seryosong tinig. Nagsasalita siya habang dahan-dahang humahakbang palapit sa kanyang asawa na ngayon ay natitigilan sa kinatatayuan."I-I... I work here," waring wala sa loob na sambit nito.Analyn was looking at him intently as if she can't believe that he was standing in front of her now. Romano could even feel her trembled as she was staring at his face. Para bang hindi nito alam kung ano ang gagawin ngayong nagkaharap silang dalawa."What I mean is here, Analyn," aniya pa dito na ang tinutukoy ay ang bahaging kinaroroonan nilang dalawa. Patuloy lamang siya sa paghakbang patungo sa kanyang asawa hanggang sa ilang dipa na lang ang layo niya mula dito. Ginagawa niya iyon habang nanatiling nakahinang dito ang kanyang mga mata."Bakit ka lumabas?" patuloy niya pa sa kanyang pagsasalita. "Iniiwasan mo ba ako? After two years of not seeing each other, is that how you approach your husband?"Sukat sa huling tanong niya ay biglang
Analyn's eyes widened as Romano claimed her lips. Hindi siya nakahuma agad sa kanyang kinatatayuan dahil sa ginawa nito. Kasabay din kasi ng paglapat ng mga labi ni Romano sa kanya ay ang biglang pagkilos ng kanyang asawa para maisandal siya sa sasakyan nito.Mas humigpit pa ang paghawak ni Romano sa kanyang baywang kasabay ng mas pagdiin ng mga labi nito sa kanya. Tikom ang bibig ni Analyn at pilit sanang iniiwas ang kanyang mukha mula dito ngunit, sa tuwing ginagawa niya iyon ay mas lalong dumidiin ang pagkakahawak nito sa kanyang batok.At dahil sa ginagawang iyon ni Romano ay hindi maiwasang mabahala ni Analyn. Nasa parking lot lamang sila ng Sparkling Advertising Company. Though, nasa dulong bahagi ang sasakyan ni Romano ay hindi niya pa rin mapigilang isipin na ano mang oras ay maaaring may makakita sa kanilang dalawa.And because of that thought, Analyn gathered all her stregnth and pushed Romano on his chest. Naging dahilan iyon para maputol ang halik na ginagawa sa kanya ni R
Nakita ni Romano ang sunod-sunod na paglunok ni Analyn. Maya't maya din ang paglingon na ginagawa nito sa kapatid na si Anjielyn na ngayon ay marahang humahakbang na rin patungo sa kinaroroonan nilang mag-asawa."K-Kuya Romano," halos walang tinig na bati sa kanya ng dalaga.Marahan siyang tumango dito bago muling sinulyapan si Analyn. Nasa labas pa rin siya ng bahay ng mga Aguilar. Nabuksan na ni Analyn ang bakal na gate ng mga ito ngunit hindi man lang gumawa ng hakbang ang kanyang asawa upang ayain siya sa loob. Alam niyang ikinabigla nito ang presensiya niya. Ni hindi siya nagpaabiso na darating siya sa araw na iyon.Ngunit hindi niya nais patagalin ang paghihintay. Kahapon nang magkausap sila ni Analyn ay pinahiwatig na niya ang pagnanais na isama ito at iuwi sa kanyang bahay. Bagay iyon na marapat lamang mangyari dahil asawa niya ito.And Romano knew that she was against it. Nauunawaan niya naman iyon. Dalawang taon nga naman siyang hindi nagparamdam dito nang wala man lang kahi
"What do you mean?" tanong ni Romano kay Analyn sa mariin na tinig. Halos makita niya rin ang pagtiim ng bagang nito habang puno ng antisipasyon ang mga matang nakatitig sa kanya.Hindi makuhang sumagot si Analyn. Sa halip na magsalita ay inabot niya si Ruth na ngayon ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Nagpabuhat kay Analyn ang kanyang anak na sa wari niya ay nasisindak pa rin sa presensiya ni Romano. Kahit paslit pa ito ay alam ni Analyn na dama nito ang galit mula sa sariling ama. Idagdag pa na nagtaas din ng tinig si Romano na sadyang nagpadagdag pa sa takot ng kanilang anak.Kinarga niya si Ruth kasabay ng akma sanang paghakbang niya paatras ng kanyang mga paa. But before Analyn could even do that, Romano reached for her left arm and stopped her to move. Dahil sa ginawa nito ay muli niyang naibaba ang kanilang anak sa may gilid ng kama na mas lalong nagpalakas sa pag-iyak nito."Ipaliwanag mo ang lahat sa akin, Analyn," anito sa galit na tinig. "What do you mean na anak mo ang batang
"Stop crying, baby... hush," pag-aalo ni Romano sa kanyang anak habang karga-karga niya ito. Halos igalaw-galaw niya pa ang kanyang katawan upang marahan itong ipaghele.Kasalukuyan silang nasa loob ng kanyang silid, silid na minsan ding inokupa ni Analyn nang tumira ito roon. Pagkagaling niya sa bahay ng mga Aguilar kung saan niya nalamang may anak siya ay doon siya nagpahatid sa empleyado nilang nagmaneho para sa kanya kanina. Sadyang kinuha niya nga si Ruth matapos niyang malamang anak niya ito.He was torn between two emotions as he found out that his and Analyn's child was alive. Una, labis siyang nakadarama ng galak dahil sa kaalaman na buhay ang anak nila ni Analyn at hindi ito totoong nakunan noon. Daig niya pa ang sasabog ang dibdib nang matuklasan niyang may anak na siya.But at the same time, he can't help to feel angry. Nagagalit siya... totoong nagagalit siya.Sa loob ng dalawang taon ay bitbit niya sa kanyang dibdib ang pagdadalamhati dahil sa pag-aakalang nawala ang kan
Matapos sabihin ni Romano kung saan naroon si Ruth ay halos patakbong inakyat ni Analyn ang hagdan upang mapuntahan ang kanilang anak. Ni hindi na nawala ang pag-aalala sa kanyang dibdib mula pa nang kunin nito si Ruth sa kanilang bahay.Tulad ng sinabi ng kanyang asawa, dalawang taon man ang lumipas ay hindi nawala sa kanyang isipan ang pasikot-sikot sa loob ng bahay nito. Dire-diretso nga siya sa paghakbang hanggang sa marating niya ang ikatlong palapag kung saan naroon ang silid ni Romano.Ni hindi na niya nagawa pang magpaalam at basta na lamang iniwan si Romano sa baba. Ang mas nangingibabaw na lamang sa kanya ay ang kagustuhang makita ang kanyang anak. Nasisiguro niyang nanibago ito sa lugar na pinagdalhan dito ng sariling ama. Sa loob ng isang taong mahigit mula nang ipanganak niya ito, sa kanyang pamilya lamang umikot ang buhay ni Ruth. Para dito, estranghero pa si Romano.Pagkarating na pagkarating sa ikatlong palapag ay agad niyang binuksan ang pinto ng silid na sa loob ng i
Mas lumalim ang halik na iginagawad sa kanya ni Romano nang maramdaman nito ang kanyang pagtugon. Mabilis na bumaba ang kanang kamay ng kanyang asawa patungo sa kanyang baywang at doon ay marahan siyang hinapit palapit sa matikas nitong katawan. Ang isang kamay naman ni Romano ay marahang lumipat sa kanyang batok dahilan para mas nagkaroon ito ng tiyansang mahalikan siya nang maayos.Hindi niya pa maunawaan kung bakit naging mabilis ang kanyang naging pagtugon sa halik nito. It was as if longing enveloped her as Romano's lips landed on hers.Hindi niya itatanggi iyon. Sa kabila ng dalawang taong lumipas, iba pa rin ang epekto sa kanya ni Romano. Hindi man gaano kahaba ang itinagal ng pagsasama nila noon ay dito niya lamang naramdaman ang damdamin na kahit kay Josh ay hindi niya naranasan.Naniniwala siyang minahal niya si Josh. Hindi naman siya masasaktan sa panloloko nito kung hindi niya minahal ang dating kasintahan. But the emotion that she felt for her ex-boyfriend was nothing com
"I know you heard what I said, sweetheart. Do I still need to repeat it?" wika ni Romano kay Analyn. May naglalaro pang pilyong ngiti sa kanyang mga labi habang nakatitig sa kanyang asawa."Of course, I have heard you," inis na balik nito sa kanya. "But what do you mean by that? Seperate ang silid ni Ruth?""A nursery room, to be exact," waring balewala niyang sagot dito. "Iisa lang ang silid sa ikatlong palapag. Walang espasyo para gawing nursery room ng anak natin. Alam kong hindi ka naman papapayag na mahiwalay sa iyo si Ruth. So, I decided na dito na lang tayo lahat sa ikalawang palapag. At least, katabi lang natin ang silid ng anak natin.""W-Wait... Wait lang, Romano. I don't get it... Bakit ihihiwalay ang silid ni Ruth? And why are you making a decision without even asking me?""That's why I am telling you now," nakaloloko pa niyang saad."We are not yet done talking about our set-up, Romano. Hindi pa ako tuluyang pumapayag na---""Are we going back to square one again, sweethe
Prenteng nakahiga si Romano sa mga pinong buhangin ng dalampasigang kinaroroonan niya. Mag-aala sais na ng hapon at halos nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Nasa resort siya ng kaibigan niyang si Ethan at dahil sa nalalapit niyang paghawak sa kompanya ng kanyang abuelo ay napagpasyahan niya munang magbakasyon. Kailangan niya iyon bago humawak ng isang napakalaking responsibilidad.Nasa parte siya ng resort na halos malayo na sa mga tao. Lampas na iyon sa mga kubong maaaring okupahin ng mga turistang naroon. He intentionally stayed there. Nais niyang mapag-isa upang mapag-isipan kung ano ang dapat gawin sa problemang kinakaharap ng kompanyang pag-aari ng kanyang abuelo.Ngunit ang katahimikang tinatamasa niya nang mga sandaling iyon ay nagambala. Kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya ay mabilis nang nahinto. Iyon ay dahil sa iisang rason--- agad niyang namataan ang isang babaeng marahang humahakbang patungo sa kanya.The woman was walking slowly. Wari bang wala itong pakialam sa pa
"Y-You really love me?" Romano asked her again in disbelief. Mataman itong nakatitig sa kanyang mukha na wari ba ay hindi malaman kung ano pa ang sasabihin."Hindi ka ba naniniwala? What do I need to do for you to---""Kiss me," mabilis nitong sagot sa kanya. "Just kiss me, sweetheart."A soft smile broke her lips. Sa kabila ng mga luha sa kanyang mga mata ay hindi niya mapigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi.Hindi siya nagdalawang-isip na gawin ang sinabi nito. Sa mabilis na kilos ay tinawid niya ang kaliit na distansiya sa pagitan nilang dalawa. Agad niya ring iniangat ang kanyang dalawang braso at ipinaikot ang mga iyon sa batok ng kanyang asawa.His arms instantly snaked on her waist as her lips claimed his. Sa una ay isang masuyong halik lang ang iginawad niya kay Romano. Waring nananantiya pa ang bawat hagod na ginagawa niya sa mga labi nito.Until, as if became impatient, Romano deepened the kiss. Ito ang unang naging agresibo dahilan para naging mapusok na a
Napabuga ng isang malalim na buntong-hininga si Analyn kasabay ng pagtingala niya sa madilim nang kalangitan. Kasalukuyan siyang nasa may hardin ng bahay ni Romano. Pasado alas-nueve na ng gabi at dahil sa hindi pa dinadalaw ng antok ay nagpasya muna siyang bumaba.Kanina pa tulog si Ruth sa nursery room nito. Kasama nito si Melody na sadyang binilin niya munang samahan ang kanilang anak. Sa loob nga lang ng ilang araw ay natapos ang pagpapaayos ni Romano ng dalawang silid sa ikalawang palapag. May pintong nagkokonekta sa silid nila at nursery room ng kanilang anak.Hindi siya makadama ng antok. Katunayan, hindi mapanatag ang isipan niya. Hanggang nang mga sandaling iyon kasi ay hindi mawala sa kanyang isipan ang mga narinig na sinabi ni Mr. Gracia sa kung sino mang kausap nito sa cell phone.Analyn can't help but to be filled with so much questions. Kanina pa gumugulo sa isipan niya ang tungkol sa bagay na balak ipawalang-bisa ni Mr. Gracia. Bagay iyon na ayon na rin sa matanda ay gu
"Papa!" malakas na sigaw ni Analyn nang makita niya ang ginawa ng kanyang ama.Isang malakas na suntok sa mukha ni Romano ang iginawad ng kanyang Papa Wilfredo. Tulad nga ng sinabi ng kanyang asawa, ang pamilya niya naman ang sinadya nila nang araw na iyon upang makausap.Maaga pa lang ay gumayak na sila papunta sa bahay ng kanyang mga magulang. Romano wanted eveything to be settled between them. After their conversation last night, Romano asked her to give him a chance. At gustong simulan iyon ng kanyang asawa sa pamamagitan ng pag-aayos din ng relasyon nito sa kanyang ama at ina.Ngunit pagkababang-pagkababa pa lamang nila mula sa sasakyan ay agad nang lumapit ang kanyang ama na noon ay kasalukuyang nasa may labas lamang ng bahay. Agad niya pang nakita ang lumarawang galit sa mukha nito nang humakbang patungo kay Romano. Isang suntok nga sa pisngi ang binigay nito sa kanyang asawa.Mabilis niyang nilapitan si Romano. Muntik pa itong sumadsad sa sarili nitong sasakyan dahil sa ginawa
Naging awtomatiko ang pagpikit ng mga mata ni Analyn nang dumampi ang mga labi ni Romano sa kanya. Sa una ay mariin ang halik na iginagawad nito na wari bang intensiyong pahintuin lamang siya sa kanyang pagsasalita.Until the way he kissed her suddenly changed. It became passionate and gentle, dahilan pa nga para madali siyang mapahinuhod na tumugon sa ginagawa nito.Hindi niya alam kung ilang segundo ang namagitang halik sa kanilang dalawa. Mas naging malalim pa kasi iyon nang tuluyan siyang magpaubaya sa pananalakay ng mga labi ni Romano sa kanyang bibig.Tuluyan na nga sana siyang madadarang nang bigla ay matigilan si Analyn. Siya na rin ang pumutol sa kanilang ginagawa. Marahan niyang iniiwas ang kanyang mukha kay Romano sanhi para ang labi nito ay mas dumapo na lamang sa kanyang pisngi. Naputol ang halik na namamagitan sa kanila ng kanyang asawa ngunit nanatiling hawak pa rin nito ang magkabila niyang pisngi."R-Romano, please... baka may makakita sa atin," she said in almost a w
Tuluyang tinapos muna ni Analyn ang pagpapalit ng damit sa kanyang anak bago siya tumayo nang tuwid at binuhat na ito. Lumingon din siya ulit sa taong bigla ay bumungad sa may entrada ng banyong kinaroroonan nilang mag-ina--- si Cheryl Hermosa."Gagamit ka ba ng banyo? We're already done," kaswal niyang sabi sabay akmang hahakbang na sana palabas ng banyo.Ngunit dahil sa nakatayo sa may daraanan niya ang dalaga ay agad ding natigilan si Analyn sa balak niyang pagbalik na sa may sala. Matapang niyang sinalubong ang titig si Cheryl saka nagtanong dito."Do you need anything?" aniya sa seryosong tinig."Kanina ko pa iniisip kung saan kita unang nakita," tugon sa kanya ni Cheryl. "You're from Sparkling Advertising Company, aren't you? I remember seeing you there.""Tama ka. N-Nagtatrabaho ako sa Sparkling," aniya dito. "Is there something wrong with that?""Wala naman," tugon nito sabay kibit ng mga balikat. "I was just... puzzled how you and Romano ended up being married. Matagal ko na
Isang mariing paglunok ang ginawa ni Analyn nang makita niya ang pagpasok ni Cheryl Hermosa sa dining area na kinaroroonan nila. Mayroon itong ubod ng tamis na ngiti sa mga labi habang litaw na litaw ang kaseksihan sa suot na damit.Cheryl was wearing a red dress. Dahil sa kulay niyon ay mas lalong lumitaw ang kaputian ng dalaga. Hapit iyon sa katawan nito kaya kitang-kita din ang kurba ng babae.Tulad ng una niyang pagkakakita dito ay sadyang kahanga-hanga ang pagdala nito ng kasuotan. Hindi na iyon kataka-taka sapagkat base na rin sa propesyon at katayuan sa buhay na mayroon ito, inaasahan na talaga ang galing nito sa pananamit."You are just on time, hija," narinig niyang sambit ng isang matandang lalaki na kung tama ang pagkaalala niya ay ang pinakilala ni Romano bilang Henry, ang matalik na kaibigan ng Lolo Julio ng kanyang asawa."Hi, tita... tito," malambing na saad pa ni Cheryl sabay lapit sa mga magulang ni Romano at kapwa nakipagbeso sa mga ito. Matapos niyon ay binati at ni
Habol pa ni Analyn ang kanyang hininga nang iyakap ni Romano ang isang kamay nito sa kanyang baywang. Hinapit din siya ng kanyang asawa palapit sa katawan nito dahilan para magdikit ang kanilang kahubdan.Naroon pa rin sila sa mahabang sofa at halos ipagkasya ang mga sarili matapos ng mainit na pagtatalik na kanilang pinagsaluhan. It was an earth-shattering moment that Analyn felt like she was still floating. It felt so overwhelming for her that she just noticed some unshed tears from her eyes.Tama si Romano. It has been so long since they made love. Kaytagal na nang huli niyang naramdaman ang ganoong damdamin. Ngunit nakamamangha na sa kabila ng dalawang taong pumagitna sa kanilang mag-asawa ay hindi man lang nagmaliw ang emosyong nadarama niya sa tuwing inaangkin siya ni Romano. Ni hindi iyon nagbago. Kung ano man ang naramdaman niya kanina ay ang siyang nadarama niya rin ng mga unang pagkakataong may namagitan sa kanila.And strange that she missed that emotion... she missed Roman
Agad na napabangon mula sa pagkakahiga si Analyn nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nasa loob na siya ng silid ni Romano sa may ikatlong palapag at katabi niya na si Ruth na kanina niya pa napatulog.Natuon ang kanyang mga mata kay Romano nang tuluyan itong bumungad sa pinakakwarto. His stares darted on her as well as she sat on the bed. Kanina pa nakatulog si Ruth ngunit siya ay hindi man lang naidlip. Sadyang hinihintay niya nga ang pagdating ni Romano sapagkat nais niya itong makausap."Why are you still awake? It's already past ten, Analyn," nagtataka nitong sabi habang naglalakad palapit sa kanya.Tinawid nito ang ilang distansiya sa pagitan nilang dalawa saka inilapag ang pag-aaring cell phone sa ibabaw ng bedside table na nasa may panig niya lamang. Nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanya habang tinatanggal naman ang suot na relo. Katulad ng cell phone, inilapag din iyon ni Romano sa ibabaw ng mesita."Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito ulit."H-Hinihintay kita,