Pagdating namin sa palapag ay halos naunang maglakad itong si Kyle. Nagtataka tuloy ako ngayon. Kung bakit siya nandito, at kung bakit siya nagmamadali.
Baka pupuntahan niya si Jacob?
Teka.
Kilala ba niya si Jacob?
Kung kilala niya nga, bakit hindi niya hinatid si Kyro do'n mismo sa bahay nila? Bakit kailangan niya pa akong sundan para lang maihatid si Kyro?
Agad nitong pinihit ang mga doorknob ng pinto. Hindi na ako nagsayang ng oras at agad na hinawakan ang kanyang braso gamit ang isa kong kamay.
"Kyle, sino bang hinahanap mo?" tanong ko dahilan para mapalingon siya. "Baka makulong ka sa ginagawa mo, trespassing ka!" dagdag ko.
Napahinga ito ng malalim. "Kilala mo ba 'yung sekretarya ni Mr.Perez?" tanong nito na tila ba nagtitimpi. Namumula na ang tainga niya na nagdadagdag sa kanyang kagwapuhan. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin.
Teka, sekretarya ba kamo?
Sa pagkakatanda ko ay si Aileen pa lang
Hindi ko maibuka ang bibig ko. Muli ko na namang maramdaman ang estrangherong pakiramdam na 'to. Kinakabahan na naman ako sa hindi ko malaman na dahilan.Nasa loob kami ngayon ng sasakyan ni Jacob at papunta kami sa isang restaurant para maglunch. Nasa kabilang sasakyan ang sekretarya niyang si Aileen kasama ang asawa nitong si Kyle.Nakakalungkot isipin na hindi na ako madidiligan ni Kyle. Kailangan ko 'yong tanggapin. Masama kasing magpadilig sa hose na may iba ng dinidiligan. Masasaktan lang ako kapag umasa pa ako. Isa pa kaibigan naman na ang turing ko kay Aileen kahit pa kanina lang kami nagkakilala.Hindi ko alam sa aking sarili pero ramdam ko ang pagod sa hindi ko malaman na dahilan. Naging mahaba ang araw na 'to at sigurado akong pahinga lang ang katapat nito.Tulog na sa tabi ko si Kyro. Nakahiga ito habang nakakandong ang ulo nito sa mga hita ko."Nag-salita na ba ulit yung anak
Halos hindi ako makapagsalita buong byahe. Ni hindi ko na nga nakuha ang sukli kay manong. Alas singko na ng hapon at bida na naman ang mga batang naglalaro sa park. Kulay kahel na ang kalangitan. Kanina pa dapat ako nakauwi pero inabot ako ng ilang oras sa pagtambay. Hindi ko namalayan ang takbo ng orasan.Nanood ako ng movie mag-isa sa mall para naman maalis sa aking isipan ang mga sinabi ni Aileen. Pero pagkatapos ng pinanood ko ay tila ba walang nagbago, patuloy akong ginugulo ng mga salitang binigkas niya. Patuloy nitong binulabog ang katawang lupa ko."Mel!"Dalawang hakbang nalamang mula sa bahay ngunit agad akong napatigil sa paglalakad. Lumingon ako sa aking gilid at nakita ko si Aling Wency at ang mga dabarkads niyang tsismosa sa harap ng tindahan. Mukhang may tsismisan session na naman na magaganap.Wala akong nagawa kung hindi ang pumunta sa kanila. Maaga pa naman kaya keri ko pang makipagkwent
Mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi ko namalayan ang ginawa niyang paghila sa'kin. Basta ang alam ko lang ay nasa loob na ako ng sasakyan niya ngayon. Hindi ako makatingin sa kanya. Nasa labas lamang nakatuon ang aking atensyon. Tinatahak namin ngayon ang madilim na kalsada. May pag-ambon sa labas dahilan para magkaroon ng mga butil ang bintana. Hindi ko alam kung bakit pero muli na naman akong nakaramdam nang pagkailang. Yung tipong natatakot ako sa mga ikikilos ko sa kanyang harapan. Hindi ko maibuka ang mga bibig ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan."Bakit na sa bar ka? It's already 8, gabing gabi na para sa katulad mo." Pinasadahan ako nito ng tingin. Dahilan para mapalunok ako."S-Sir, pangit po yata kung umaga ako pupunta," sagot ko.Halos mapangiwi ito at maya maya lang ay muli akong tinignan. Kahit na nasa labas ang aking atensyon ay ramdam ko pa rin ang kanyang pagkunot."Wag mo'kong sinasagot
Halos mandilim ang paningin ko nang makita ang paglisan ni Jacob. Agad siyang sinakay sa sasakyan at ang nakakainis pa ay hinabilin lang niya ako sa kaibigan niyang si Marcus. Hindi man lang ako sinabay. Matapos ko siyang alagaan? Gano'n lang igaganti niya? Pwe.Dumagdag pa sa pagkairita ko ay yung pagkakalingkis sa katawan ni Rebecca. Itong higad na 'to. Mukhang kulang na naman sa kamot."Nay, maraming salamat po pala ulit sa pagpapatuloy niyo," ani ko bago yumuko.Napayakap ako sa aking sarili. Papaangat pa lang ang araw at medyo malamig pa rin sa balat ang simoy ng hangin."Wala 'yon, buti na lang at hindi kayo napano nung mga mangangaso. Hayaan mo, iho, itatawag ko yun sa itaas para maaksyunan kaagad. Nang hindi kayo naiistorbo sa camping niyo," sagot nito."Maraming salamat po ulit."Tuluyan kaming nagpaalam kay nanay. Gusto ko pa sana magstay para makilala ang
Maingay. Masyadong maingay. Halos dumagundong ang silid dahil sa tugtog. Masyado ring madilim at ang tanging liwanag lang na makikita mo ay ang ilaw sa dance floor.Pagpasok namin ni Aileen sa bar ay ito agad ang bumungad sa amin. Pamilyar ang mga taong nasa loob. Mga kaibigan at kakilala ni Cyril at Nicko.Pagsara ng pintuan ay siyang pag-iwas ko sa papalapit na kutsilyo. Tanging ulo ko lamang ang ginalaw ko para maiwasan 'yon. Pagbaling ko sa kanan ay agad na bumungad sa akin ang nakangisi kong kapatid."Bitch, akala ko matatamaan ka na. Akalain mong hindi ka kinakalawang?" Natawa ito sa tanong niya.Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Nice to see you again, my dear Kuya," ani nito."Asan ang kapatid mong best actor ang galawan?" tanong ko nang bumitaw ito sa yakap."Nasa sofa, nagmumukmok," sagot nito at bumaling kay Aileen. "Gosh! Aileeeen!" sigaw ni
Tila ako napako sa madilim na pasilyo. Nasa harapan ako ng isang itim na pinto. Nakauwang na ito at naamoy ko na ang kakaibang amoy na nagdadagdag sa init ng aking katawan.Wala akong magawa dahil nakatitig lamang ako kay Jacob habang nakikipagsigawan siya sa waiter.Hindi ko alam pero ngayon ko lang siya nakitang galit. Nakakatakot. Masyado siyang nakakatakot.Napaiktad ako nang dumapo ang kanyang mata sa aking pwesto.Bigla akong nanlamig. Pero tila ba nag-iinit ang aking katawan sa titig na 'yon. Masyado akong kinakabahan pero nananaig sa akin ang mainit na pakiramdam.Nanginig ang aking tuhod nang mabilis itong nagtungo sa aking direksyon. Nakakunot ang noo nito at halos magpantay na ang kilay."Hindi ba't sinabi kong pumasok ka sa loob?" agad na sigaw nito.Hindi ako nakagalaw sa aking kinakatayuan. Masyado akong natakot sa sigaw niyang 'yon.
Pagdilat ng aking mata ay agad na sumilay sa akin ang hindi pamilyar na kisame. Bahagya akong napapikit dahil sa liwanag na nagmumula sa chandelier na nakasabit do'n.Masyado rin malambot ang kama na hinihigaan ko. Amoy lemon ang kwarto na syang nagbibigay ginhawa sa aking paghinga.Wala akong ideya. Hindi ko alam kung nasaan ako. Feeling ko pagod na pagod ako kahit na kakagaling ko lang sa pagtulog.Akma akong tatayo ngunit agad kong naramdaman ang sakit ng aking pwetan. Napadaing ako do'n at halos kumawala ang isang impit na sigaw sa aking bibig. Ang sakit. Napakasakit.Tinaas ko ang malambot na kumot. Tinignan ko ang aking kabuan. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong pareho at hindi nagbago ang aking suot na damit.Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Itim na cabinet na mayroong gintong lining. Itim na pintura na siyang nagpapadilim sa kwarto. May study table at may computer din sa gilid ng kama. Sa kabilang
Pagmulat ng aking mata ay ramdam ko na kaagad ang mabigat na bagay na nakapatong sa aking tyan. Patay ang ilaw. Tanging sinag lang ng araw ang bumubuhay sa loob ng kwarto.Napapikit pa ako ng mariin bago lumingon sa aking gilid. Bahagya pa akong nagulat nang makita ko ang nakauwang na labi ni Jacob. Napakaamo ng kanyang mukha habang nakapikit. Tila ba isang anghel na hinulog sa lupa. Pero agad nawala ang paghanga ko nang maalal ko ang ginawa niya sa akin kagabi.Nagsimula na naman akong mainis at mairita. Feeling ko ay nababoy ako. Tila ba nandiri ako sa aking sarili. Hinayaan kong maulit ang bagay na alam kong pagsisisihan ko sa huli. Siya ang pumatay kay mama at ate. Kaya hindi ko maatim na naulit ang bagay na 'yon.Agad kong inalis ang kamay ni Jacob sa aking tyan. Nahirapan pa ako dahil sa bigat no'n. Nang tuluyan ko itong maalis ay akma sana akong tatayo ngunit agad akong napahinto nang maramdaman ko na naman an
JACOB PEREZ"Son? Where are you?" That is the exact words that I heard to my father a years ago. Rinig ko pa ang malalim nitong paghinga. Na tila ba takot na takot at kinakabahan."School," simpleng sagot ko.Napatingin pa ako sa mga estudyanteng nakakasalubong ko sa hallway. They keep on staring at me and as usual, I always put my devilish smirk. "Come here, track my phone. Son, please, do your best to come here on time," aniya bago patayin ang tawag. And that is my go signal. Nagmadali akong naglakad at pumunta s
"A-Ano pang kailangan mong sabihin, Rebecca? Alam kong meron pa," ani ko na nagtitimpi.Para akong naduduwal. Hindi ako mapakali sa kung ano man ang maririnig ko. Para akong isang bata na nag-aabang ng candy.Napailing siya bago magsalita. "Mel. . . Jacob is planning to kill you. Kaya ngayon pa lang lumayo ka na."Natawa ako ng mahina sa mga narinig ko. Papatayin niya ako? Sana noon pa. Pero may kung ano sa dibdib ko na tila ba nasaktan dahil sa kirot na narinig ko."Hindi ka ba nagtataka? In a short periodof time ay naging mabait siya sa'yo. Nakapasok ka sa bahay nila kahit na full security ang bahay. Hindi ka pa hinanapan ng resume or tinanong ang back ground mo."Hindi ko magawang maniwala. Umaasa ako na nagbibiro lang siya pero napakaseryoso ng mukha niya. Tila ba hindi mabibiro."Alam kong hindi ka manini
"Mel, may gagawin ka ba mamaya? Let's have a bake session. I will teach the both of you the basics recipe na alam ko." Nagtaas baba ang kilay nito. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. "Di ba may pasok ka?" Nagkibit balikat lang ito. "I already did the things that I need to do for today. Natapos ko na lahat kahapon," sagot niya."Ok, sige."Nakita ko kung paano magliwanag ang mukha ng mag-ama. Oo nga pala. Hindi nga pala noon masyadong naaasikaso ni Jacob ang anak niya. Ito lang ang ilan sa mga pagkakataon na makakapagbonding sila. At ang mas nakakaloka ay kasama pa talaga ako.Matapos kumain ay tinuruan ko muna si Kyro. Nakatingin lang sa amin si Jacob na tila ba tuwang tuwa na makita ang anak niya na nakangiti. Kahit naman sino ay mapapangiti kay Kyro. Bibo ito sa akin ewan ko lang sa kaniya. Naalala ko tuloy yung sinigawan ni
"Wow, anong meron at ang saya mo?" bungad sa 'kin ni Cyril pagbaba niya ng sasakyan niya.Nakat-shirt itong itim. Nakakagulat dahil mas makinis siya sa personal. Medyo pangit kasi ang kapatid kong ito lalo na kapag nagvivideo call kami. Para siyang isang hapones sa itsura niya dahil sa singkit niyang mata. Nakakapagtaka dahil hindi niya kasama si Ryan.Nasa labas ako ngayon ng mansyon ni Jacob. Nasa kusina siya at magluluto raw siya ng kung ano para sa movie marathon mamaya. Ewan, pero kinilig ako kanina. Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko at napakagaan na ng pakiramdam ko."Wala naman," sagot ko at kinuha ang isang paperbag sa kamay niya.Napangisi siya sa sagot ko. Tinignan niya ang kabuuan ko na tila ba sinusuri ang bawat detalye."Umuwi ka nang hindi nagsasabi tapos maabutan kitang nakangiti? Sagutin mo nga ako kuya..."Muli siyang ngumisi at sinundot pa ang tagilira
"Hey," bati nito. Hindi ko siya nilingon hanggang sa maramdaman ko ang pag-upo nito sa aking tabi. "You look unfamiliar. You must be new here." Tumango ako. Ngayon lang naman kasi talaga ako napadpad dito. "You--." Inangat ko ang daliri ko at tinapat sa kanyang bibig. "Wag mo na lang akong kausapin kung mag-eenglish ka." Napairap ako na siya namang kinatawa niya. Tinaas nito ang dalawang kamay. "Ok, fine." Tumawa pa ito ng bahagya bago umorder sa lalaking nag-aalog ng kung ano sa aming harapan. "Margarita, please.""I'm the--." Muli itong napatigil dahil sa aking pagharap. "Ok, hmm s-sorry.." Muli itong natawa. "Marcus Peralta, you can me Marcus."Mukhang galing ibang bansa ang isang to. At mukhang siya ang nawawalang tatay ng mga estudyante ko. Siya siguro si daddy pig. Mga englishero. Sasakit niyo sa ulo
"Let's go." Tumingin ito sa kanyang relo. "It's already 7:30, late na tayo Ky. Napakabagal naman kasing kumilos ng teacher mo," ani ng demonyo bago lumabas ng bahay. "Teacher your face," bulong ko na siyang tinawanan ni Kyro. "I'm asking you! Where is your father! Tell me!" Maririnig din ang pag hikbi. Si Kyro. Nilagpasan ko ang maid at nakita si Rebecca na nakaduro kay Kyro na ngayon ay humihikbi na."Answer me!" muling sigaw nito.Hindi ko maiwasang mapairap. Bobo pala tong manananggal na 'to. Alam nang hindi nagsasalita yung bata tapos sisigawan pa."Hoy! Anong karapatan mong sigawan si Kyro?" tanong ko at dahan dahang naglakad papunta sa kanya.Nakita ako ni Kyro kaya dali dali siyang pumunta sa akin. Nagtago ito sa aking likuran."Ikaw na naman? What are yo
"Hey," bati ko rito.Ngunit hindi ito natinag. Para akong hangin dahil nanatili pa rin siyang nakatingin sa bintana. Bahagya kong ginulo ang buhok nito, "Kyro," mahinang usal ko.Dahan dahan itong lumingon sa akin. Muli ko na namang nasilayan ang maamo nitong mukha. Napakainosente. Malayong malayo sa kanyang ama.Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi. "Get your coloring book and coloring materials na," masuyong saad ko. Tumango naman ito. Ilang sandali lang ay kinuha na nito sa kanyang bag ang kanyang mga gamit. Hindi ko mapigilang matuwa. "Vey good!" Nang makita ko itong busy sa pag-aayos ng kanyang gagamitin ay tumayo ako. Maglalakad na sana ako pabalik sa aking upuan nang maramdaman ko ang paghawak ng maliit niyang kamay sa laylayan ng aking damit.Hi
"Magcucut ka na naman ng class?" tanong sa akin ni Cyril. Nadaanan ko ang room niya at mukhang nahuli pa ako ng wala sa oras."May nakalimutan lang ako sa bahay. Babalik din naman ako kaagad," sagot ko na kinunotan niya ng noo."Totoo? Baka mamaya hindi kita makita, ah! Alalahanin mong aabangan ka ni mama mamayang uwian!" sigaw niya na nagpairap sa akin."Oo na, oo na! Letse," sagot ko bago tuluyang umalis.Bumaba ako ng building. Nang makahanap ako ng tiyempo ay kaagad akong lumabas ng campus. Nakakatamad kasi sa room. Masyado akong uugatin do'n. Mas mabuti pang mag mall. Mas marami pa akong makikita. Inubos ko ang oras ko sa pamimili. Ang daming sale ngayon kaya paniguradong mauubos ang pera ko. Madami na akong bitbit na paper bag sa dalawa kong kamay. Kulang pa. Kulang na kulang pa an
Kung may gusto man akong maalalang pangyayari sa nakaraan ko, hinding hindi ako magdadalawang isip na kunin ang pagkakataon na 'yon.Palabas na ako ng apartment ko kaya naman agad akong sinalubong ng malamig na hangin.Nakakainis. Gusto ko talagang maalala ang past ko. Masyado kasing pormal ang buhay ko ngayon. Para bang hindi ganito yung nakasanayan ko dati. Parang napakalayo ss dati kong buhay.Gusto kong may maalala kahit kaunti man lang. Siguradong ako ang may pinaka magandang karanasan noon. Marami siguro akong masasayang memorya na paniguradong ikatutuwa ko."Last week pa 'yon! Puro ka trabaho! Kapag ikaw tumandang dalaga!"Itong si Cyril. Paano ako tatadang dalaga, eh, marami ngang afam ang umaaligid sa akin. Kahit saan ako magpunta merong lumalapit. Kahit saan ako tumingin may nahuhuli akong nakatingin sa akin. Sa ganda kong 'to? Hello?Pero kahit ma