Share

Chapter 172

Lumipas ang isang buwan ay hindi pa rin bumabalik si Kent Axel at wala pa ring balita sa kaniya. Naapektuhan ng pagkawala niya ang ugali ko, hindi ko batid ngunit mas naging masungit at mailap ako.

Naninibago ang lahat at kumalat ang balita na wala na kaming dalawa kung kaya't pag nakakarinig ako ng usapan tungkol sa amin natatagpuan ko na lang yung sarili kong umiinom.

Muling dumaan ang buwan at hindi ko na namalayan na inabot na pala ng limang buwan mula ng umalis siya, panay ako trabaho, aral, puyat halos ang tulog ko sa isang araw ay dalawa o tatlong oras na lang.

"Doc operation po, scheduled at 10:30 PM." Tinanguan ko lang ang nurse na nagbalita sa akin kung kaya't kinuha ko na ang scrub ko at nagpalit.

"Doc another operation po, scheduled after your 10:30 PM operation." Muli ay tango lang ang ibinigay ko at tsaka ko na inabot ang stethoscope at sinuot sa leeg ko tahimik lang akong lumabas.

"Gavin," bati ko ng makasalubong siya.

"Doc, you look like a cute panda already." Ngumisi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status