Ayoko mang aminin pero nasasaktan ako. Noon pa man lapitin na talaga ako ng sakit. Alam ko na ito eh, nararamdaman ko na pero in denial pa rin ako. Napakalaki kong tanga. Hindi na ako natuto. Ayaw niya nga kasi sa 'yo Sky bakit mo ba pinagpipilitan ang sarili mo?!Gusto ko pa sanang umiyak pero bigla akong napaatras ng biglang iangat ni Apolinario ang mukha ko at bigla niya akong pinatakan ng halik sa labi. Sa sobrang pagkagulat ko at naitulak ko siya. "Anong ginagawa mo?" Gulat kong tanong sa kanya sabay punas ng labi ko. "H-huh? Why?" Mahinahon niyang tanong sa akin na mukhang nagulat din. "Don't you like it?" "What!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Anong don't you like it ang sinasabi mo Apolinario? Bakit mo ako hinalikan?""A-ayaw mo ba? I thought we understand each other. I though you like me t—""Stop."Lumagpas ang tingin ko sa unahan. Nagpang-abot ang tingin namin ni Hunter agad niyang iniwas ang tingin sa akin at naglakad paalis kasama si Miss Glenda."What's
"Ate Sky ang ganda mo!""Ate Sky may Kuya ako!""Ate Sky pumayag ka na na ligawan kita.""Ate Sky..."Kaliwat kanan ang tumatawag sa akin. Kita ko talaga ang pagkamangha nila sa mukha ko. First time nila akong nakita na hindi Jolina Magdangal mahirap version ako. "Ang ganda ganda mo talaga Ate. Pwede kang pambato sa Miss Universe.""Oo midget division." Sagot ko sa kanila. "Alam niyo namang kulang ako sa height eh. Ano yung heels ko parang kadang sa taas?""Wala nang height limit ngayon Ate kaya pwedeng pwede ka na doon."Ang iingay nila pero masaya akong nakisabay sa kanila. Ang liligalig na mga bata. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanila nung kabataan ko pa. May short program daw kanina kasama ang parents ni Prudencio pero after nun inuman na. Kaya heto ang iingay na nila. Ang iba nagsisimula nang sumayaw sa gitna. Pinili kong maupo sa pinakadulong party ng malaking hall. Nakasunod pa rin sa akin si Irene. Si Prudencio ay nagpaalam na puntahan muna ang mga pinsan niya. May
Doc RN and I are dancing playfully until I am the one who surrendered. Kailangan kung huminto saglit dahil mukhang napaltosan ako sa sobrang kakulitan namin ni Doc. Hindi kasi ito nakuntento sa simpleng sayaw lang maypa dirty dancing pang nalalaman. Yun tuloy kailangan kong balansehin ang katawan ko para hindi ako matumba. Ganunpaman sobrang enjoy ako sa pakipagsabayan sa trip niya. Doc RN is really fun to be with. Feeling close at feeling ko din matagal na kaming magkakilala. Sobrang kulit niya at sarap kasama. Ilan din sa mga kaklase ko ang nakipagsayaw sa amin. Pati ang mga ito ay enjoy din sa pakikipagkulitan kay Doc RN. Sabagay sino ang hindi mag-e-enjoy kung gwapo na nga, mabait at kwela pa yung kasama mo. Hindi ka talaga maiilang sa kanya dahil wala itong kayabangan sa katawan. "Ate Sky shot!" Kakatapos ko lang sa dalawang shot na inabot sa akin ni Gregorio at Ernesto, andito na naman si Irene. May inabot itong isang shot glass sa akin. Lasing na ito at inalalayan na la
Bubuhatin niya na sana ako pero malakas kong tinampal ang kamay niya."Hey! Wag ka nga! Loko ka talaga RN!" Kahit lasing na nagawa ko pa itong tingalain. Ganunpaman sa liit ko hindi ko pa rin makita ang pagmumukha niya kahit sa peripheral view ko lang kasi matangkad ito. Pero kung si RN to bakit iba na ang amoy ng pabango niya? Amoy johnsons baby poweder na may halong mint at alak. And sheyt na malagkit! Bakit parang pamilyar ang init ng katawan nito sa akin, pati yung paghaplos at ang amoy na yun? Amoy yun ni—NOOOOOOOO! Umiling ako.NO! No way!Wag assuming Sky!Pero teka klaruhin nga nating kung sino ba talaga itong assuming na nasa likuran ko? Bakit niya ako hinihila palapit sa kanya? Kung makahila mukhang pag-aari niya ako ah! Lintek lang ha!Sino sa mga kaklase ko ang nagkalakas loob na hawakan ako ng ganito? At saan na si Doc RN? Bakit hanggang ngayon di pa siya nakabalik? Sabi niya sa akin kanina siyang bahala sa akin kapag nalasing na ako.Tsaka itong mga kaklase ko bakit n
"Ibalik mo ako Hunter ano ba! " Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko pero binalik niya din ito at lalo pa akong hinapit palapit sa kanya. Nandito na kami ngayon sa parking area. Hindi niya talaga ako binaba hanggang sa makarating kami dito. Medyo madilim sa parteng ito at kaming dalawa lang ang nandito ngayon. "Bakit ka ba nandito ha? Anong ginagawa mo dito? Doon ka nga sa babae mo! Wag mo akong guluhin." Tinulak ko siya sa dibdib pero hindi man lang ito natinag. Lalo niya lang pinirmi ang kamay sa bewang ko para hindi ako matumba. "Ano ba!? Umalis ka na nga!" Sinubukan ko siyang tabigin para makadaan ako pero hindi kulang ang lakas ko. Para itong bato sa sobrang tigas. Wala din akong ganung lakas dahil sa kalasingan ko. Katunayan kung bitawan niya ako ngayon baka mawalan pa ako ng balanse. Pero syempre panindigan ko ang pagmamatigas ko. Nagpapasuyo ako diba?"Alis na sabi! Ibalik mo na ako sa loob. Shoooo!" Pantataboy ko sa kanya inabot ko pa ang ilong niya at mah
"Oh? Why not? You said ex-crush mo na ako. Meaning I can reply to them na.""I said no!" Parang bata kong maktol." NO! N.O!"Ano ba talaga Sky? Pati ako naguguluhan sa yo eh! Sigaw ng maldita kong utak! Pero sa totoo lang gulong gulo na din ako. Gusto ko ang bumigay pero gusto ko ring magpa bebe. "Then tell me why?""Basta I said no! Bawal kang magreply sa kanila. Subukan mo lang at malilintikan ka sa akin."Pesteng puso 'to traydor!"Okay baby." Nakangiti niyang sagot sa akin. Hinawi ang buhok na hinangin sa mukha ko at muli niya akong pinatakan ng halik sa noo. "Ex-crush na ba talaga ako ng baby love ko?" Malumanay niyang tanong sa akin at parang bata naman akong tumango sa kanya. Pagtingin ko sa kanya malawak ang ngiting nakapaskil sa labi nito. "Okay ex-crush, I miss you. I miss my baby love na ex-crush na ako so much.""Don't you dare make fun of me! I'm telling the truth!" Napapa-ingles na ako. "You hear me right? Narinig mo naman siguro ang sinabi ko sa loob kanina diba? Ex
Everything happened so fast. The next thing I know is that I am sharing bed again with Hunter. Both of us were dancing in the rhythm that only the two of us can hear and feel. I was so tired and exhausted but at the same time I can't deny the happiness I feel inside.I know some of you will judge me dahil sobrang rupok ko pero ganun talaga eh. Kahit ako, kinukwestiyon din ang sarili ko bakit pagdating sa kanya ang dali ko lang bumigay. Kahit anong kontra ng isip ko nanaig pa rin kung ano ang nararamdaman ng puso ko. Hindi ko talaga nako- kontrol ang sarili ko pagdating sa kanya. Kahit anong pigil ko, nadadala niya pa rin ako. Nawawala ako sa huwisyo kapag siya ang kaharap ko.Alam kong ang tanga ko sa part na kahit ilang beses niya na akong sinaktan gusto ko pa rin siya. Gustong gusto ko talaga siya. Akala ko wala na akong nararamadaman para sa kanya pero meron pa pala. Hindi pa rin nawawala ang pagkagusto ko sa kanya. I don't know why but I really like him. I can't explain what I
I gave him my all. Mabilis akong bumigay. Kaya ngayon walang ibang sisisihin kundi ang sarili ko. Kahit masakit ang aking katawan pinilit kong tumayo at linisan ang sarili ko. Wala ang sakit na ito kumpara sa nararamdamang sakit ng puso ko. Gusto kong magawala. Gusto kong basagin lahat ng bagay na nakikita ko pero narealize ko wala pala akong pera pambayad. Baka ang ending kulungan pa ang bagsak ko. Mahirap na diba? Nasaktan na nga ako at nainsulto, makukulong pa ako. Yun ang mas masaklap! Kapag nakulong ako, sino na lang ang mag-aalaga sa lola ko? Paano na ang pag-aaral ko. Buang! Hindi ko pwedeng isakripisyo yun dahil lang niloko niya ako. Kahit na nasasaktan na utak pa rin ang pinagana ko. Kahit ngayon man lang. Hindi pwedeng unahin ko ang galit at baka makulong pa ako 'pag nagwala ako dito. At kapag nanagyari yun, malalaman nina Lola ang nangyari sa akin. Baka ako pa ang magiging dahilan para matrigger ang sakit niya. Kahit ngayon man lang maging wais ako. Umiiyak ako habang
Ito ang last part ng epilogue ng ating pinaka bunsong Blue Eyed Maligno.Sana may napulot kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. Maraming salamat sa suporta ninyong lahat.See you in my next story, Avangers!Life is short always choose to be happy!Labyu! Amping mong tanan! :)_________________________I'll do everything to win Harriet back. That I promised. "Why didn't you tell me?" Para akong batang nanghihinang umupo sa gitna ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtanim ng sama ng loob kay Thunder na hindi niya sinabi sa akin kung nasaan si Harriet o hindi. I mean, not directly na hindi niya pinaalam sa akin kasi madalas ko naman silang naririnig ng mga kapatid ko na nag-uusap tungkol kay Harriet. Pero hindi na ako naniniwala dahil palagi na lang kasi nila akong niloloko. "You're so slow, until now hindi mo pa rin alam na para kay Sky ang mga ginagawa mo?" Kuya Ford said laughing. Mukhang tuwang-tuwa pa ito na naisahan nila ako. "Haayyy kalooy man sa ba
Ginawa ko ang sana ay matagal ko nang ginawa, ang magtrabaho bilang professor sa university kung saan pumapasok si Harriet. I am now Harriet's professor and through this way hindi na siya makakatakas sa akin. Hindi siya pwedeng mapunta sa iba. I waited for her for five years, I respected Lola Val's request but I can't let her slipped away this time. Until now I am still smiling every time I remember the first day she saw me in their class. My Baby is so cute. She still didn't change. The way she dress, she talks, she acts, she's still the same Harriet I knew before. Masayahin at palakaibigan pa rin ito. Almost all her classmates are her friends. And when I say all, that includes the boys at doon ako naiirita. Dahil mabuti sana kung nakikipagkaibigan lang sa kanya, yung iba nalaman kong pinopormahan din pala siya. "You are crazy you know that?" I looked at my brother who is staring at me as I prepared all the materials needed for my class. "Will you just support me? I'm not the o
"I thought you don't want to go out today why are you dressed up like that?"I looked at my twin who's here in my room now annoying me again. Katatapos ko lang magbihis dahil lalabas ako ngayon. Pero hindi ko sasabihin kung saan ako pupunta dahil alam kong pagchi-chismisan na naman nila ako ng iba ko pang mga kuya. Lalo na si Kuya Ford na sobrang chismoso. Gusto atang masagap lahat ng balita tungkol sa aming mga kapatid niya. Ang nakakainis pa kapag may nabalitaan ito pino-post sa gc. Hindi na lang sarilinin, gusto pa talaga magpabida. Ang now I noticed that Thunder is becoming like him too. Kunwari lang ito walang pakialam pero ang totoo he is lowkey chismoso too. "Where are you going?" O diba kasasabi ko lang. "Wala! Dito sa lang sa hacienda. I just want to have a breath of fresh air and away from you."Malakas itong tumawa dahil sa sinabi ko. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuhan ko pagkatapos nanunukso itong tumingin sa akin. "Oh, I know. You are going somewhere. I knew it
"Don't play with grandpa, if you get caught he will disown you."I looked at my twin brother frowning kasi totoo ang sinabi niya. Kung bakit kasi hindi na lang siya ang magma-manage ng business na gustong ipamana sa amin ng lolo namin? Siya ang mas matanda sa aming dalawa ah."I'm not playing." I said with creased forehead but he just shrugged his shoulder like he already knew what I was thinking."What?" I scoffed, getting more annoyed. "You are my twin Hunter Cole. I know what's running in your head that's why I am warning you. "Warning you. As if naman may maitutulong ang warning niya sa problema ko ngayon. Si Lolo kasi pinapahirapan pa ako. I don't know where did he get that idea that a CEO should be married. Is that a kind of practice to make sure that CEO is leading a company better? Like, what's his basis?I don't know what he is up to. Does he want to have grand children? Or he just want me to settle down.This marriage thing is the reason why my grandfather is giving me a h
Once again, another story has reached an end. This is the sixth installment of my Sandoval Series. 5/7 completed.Thank you so much AVAngers for being with me in Sky and Hunter's journey! Salamat sa iyakan at tawanan, sa mga tampuhan at walang sawang pagsuporta nyo sa akin.Thank you for the votes, comments and for sharing my stories. Most of all, thank you for being patient with me and for not leaving me wherever I go. I wouldn't reach this far if not all because of you and I will be forever grateful for that.Maraming, maraming salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa akin. Sana may nakuha kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. See you in my next story..Another series will be posted soon.Labyu all mga Langga! Amping mong tanan sa kanunay. Life is short always choose to be happy. God Bless us all!_____________________________Pagkapasok pa lang nami ni Hunter sa mansion ng mga Sandoval, bumungad agad sa amin ang isang napaka gandang tanawin. Si Senyor Gideon at
"Siraulo ka kasing gago ka! Kung sana sinabi mo na lang kaagad hindi yung nagda-drama ka pa! Ngayon anong gagawim mo hinamatay yan si Sky! Malilintikan ka talaga kay Derick siraulo ka!"Nagising ako dahil sa mahihinang bulungan ng mga tao sa paligid. Unti-unti kong dinilat ang mga mata at agad bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng mga anak ko. "Mummy, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Chase. Maliit akong tumango at inilibot ang tingin sa paligid. Nandito sa silid ibang mga kapatid ni Hunter pero ang mga Kuya Brutes ko ay wala. Nadako ang mga mata ko pinaka sulok dahil sa dalawang taong nagbabangayan doon, si Kuya Calyx at RN. Na agad din lumapit sa akin nang mapansing gising na ako. Pero teka bakit nga ba ako nawalan ng malay? Oh shit!Muling binundol ng kaba ang aking dibdib nang maalala kung bakit ako hinimatay. Si Hunter. "Si Hunter. N-nasaan si Hunter?" Kinakabahan kong tanong. Nagsimula na akong magpanic. Pakiramdam ko nanginginig angaking kalamnan at naninikip
"I am Thunder and Hunter's grandfather." An old man entered the room and introduce himself to me. Nandito ako ngayon sa isang silid naghihintay ng update. Ang mga bata ay naka'y Kuya Derick. Pinasama ko muna sa kanya para malibang saglit. Kanina pa kasi nag-iiyakan ang dalawa lalo na si Cyrene. After nitong tawagin ang Daddy niya hindi na ito muling nagsalita pa. Tahimik lang itong umiiyak. Hindi pa ri nagigising si Hunter. Pero kanina nung kinausap siya ng kambal gumalaw ang daliri niya. Saglit lang din. Kaso nagbeep ang monitor niya kaya pinalabas muna kami ng mga doktor. Kanina pa ako naghihintay ng update mula sa mga doktor niya. Pero hanggang ngayon wala pa rin. Binalik ko ang tingin sa matanda. Malamlam ang mga nitong nakatingin sa akin. Tumayo ako para magbigay galang sa kanya. Pagkatapos tinuro ko ang bakanteng upuan na nasa tapat ko. Umupo ito doon."It's been so long that I wanted to meet you. I am Benjamin Wintle."Benjamin Wintle. His name is familiar. Oh, right. Si
"Ayaw mo talaga? O sige bahala ka! Yung chance na hinihingi mo sa akin, binabawi ko na. Ngayon pa lang maghahanap na ako ng bagong daddy ng mga bata." Ngunit napahinto ako sa pag-iyak dahil nakita kong parang gumalaw ang daliri niya. Tinitigan ko ito, hinintay na gumalaw ulit pero hindi na nangyari. Namamalik mata lang ata ako hanggang sa muli na naman akong umiyak. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko para magising siya. Pero kahit anong diskarte ang gagawin ko, in-emotional black mail ko na, kinonsenya, binantaan pero wala pa rin. Hindi pa rin ito nagigising. Para na akong baliw na kung ano-ano na lang ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko habang hawak ang kamay ni Hunter. Bakit ba kasi kailangang mangyari 'to? Bakit sakit pa sa puso? Dapat sakit lang sa tiyan! O di kaya yung mga mumurahing sakit lang at mas madaling pagalingin. "Hunter, ano ba! Gumising ka na kasi! Ipapabugbbog na talaga kita kay Kuya Derick! Hindi lang isang kuya ang bubugbo
I'm hypocrite if I would say that I'm not affected. Dahil sa totoo lang sobrang apektado ako na hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Galit ako kay Hunter pero hindi ko maipagkailang nag-aalala ako sa kanya. Hindi dahil sa ama siya ng mga anak ko kundi yun talaga ang nararamdaman ko. Hindi maawat ang mga luha ko sa pag-uunahan sa aking pisngi. I feel guilty being hard to him. I should have listened to him even if I'm mad. Kahit malaki ang kasalanan niya sa akin, hindi naman siya masamang tao diba? Kanina pa ako umiiyak. Hindi mapigil ang mga luha ko habang nasa byahe kami papuntang ospital. Sinama ko na ang mga bata dahil pati ang mga ito ay nag-iiyakan na rin. I didn't tell kids about what happened but it's so obvious that they know that I am crying because of their father. Kahit na labis ang sakit na pinaranas sa akin noon ni Hunter masakit pa rin sa akin na dumating kami sa ganitong sitwasyon. Hindi niya dapat pinarusahan ang sarili niya. Hindi sana umabot sa ganito. Pa