"Ibalik mo ako Hunter ano ba! " Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko pero binalik niya din ito at lalo pa akong hinapit palapit sa kanya. Nandito na kami ngayon sa parking area. Hindi niya talaga ako binaba hanggang sa makarating kami dito. Medyo madilim sa parteng ito at kaming dalawa lang ang nandito ngayon. "Bakit ka ba nandito ha? Anong ginagawa mo dito? Doon ka nga sa babae mo! Wag mo akong guluhin." Tinulak ko siya sa dibdib pero hindi man lang ito natinag. Lalo niya lang pinirmi ang kamay sa bewang ko para hindi ako matumba. "Ano ba!? Umalis ka na nga!" Sinubukan ko siyang tabigin para makadaan ako pero hindi kulang ang lakas ko. Para itong bato sa sobrang tigas. Wala din akong ganung lakas dahil sa kalasingan ko. Katunayan kung bitawan niya ako ngayon baka mawalan pa ako ng balanse. Pero syempre panindigan ko ang pagmamatigas ko. Nagpapasuyo ako diba?"Alis na sabi! Ibalik mo na ako sa loob. Shoooo!" Pantataboy ko sa kanya inabot ko pa ang ilong niya at mah
"Oh? Why not? You said ex-crush mo na ako. Meaning I can reply to them na.""I said no!" Parang bata kong maktol." NO! N.O!"Ano ba talaga Sky? Pati ako naguguluhan sa yo eh! Sigaw ng maldita kong utak! Pero sa totoo lang gulong gulo na din ako. Gusto ko ang bumigay pero gusto ko ring magpa bebe. "Then tell me why?""Basta I said no! Bawal kang magreply sa kanila. Subukan mo lang at malilintikan ka sa akin."Pesteng puso 'to traydor!"Okay baby." Nakangiti niyang sagot sa akin. Hinawi ang buhok na hinangin sa mukha ko at muli niya akong pinatakan ng halik sa noo. "Ex-crush na ba talaga ako ng baby love ko?" Malumanay niyang tanong sa akin at parang bata naman akong tumango sa kanya. Pagtingin ko sa kanya malawak ang ngiting nakapaskil sa labi nito. "Okay ex-crush, I miss you. I miss my baby love na ex-crush na ako so much.""Don't you dare make fun of me! I'm telling the truth!" Napapa-ingles na ako. "You hear me right? Narinig mo naman siguro ang sinabi ko sa loob kanina diba? Ex
Everything happened so fast. The next thing I know is that I am sharing bed again with Hunter. Both of us were dancing in the rhythm that only the two of us can hear and feel. I was so tired and exhausted but at the same time I can't deny the happiness I feel inside.I know some of you will judge me dahil sobrang rupok ko pero ganun talaga eh. Kahit ako, kinukwestiyon din ang sarili ko bakit pagdating sa kanya ang dali ko lang bumigay. Kahit anong kontra ng isip ko nanaig pa rin kung ano ang nararamdaman ng puso ko. Hindi ko talaga nako- kontrol ang sarili ko pagdating sa kanya. Kahit anong pigil ko, nadadala niya pa rin ako. Nawawala ako sa huwisyo kapag siya ang kaharap ko.Alam kong ang tanga ko sa part na kahit ilang beses niya na akong sinaktan gusto ko pa rin siya. Gustong gusto ko talaga siya. Akala ko wala na akong nararamadaman para sa kanya pero meron pa pala. Hindi pa rin nawawala ang pagkagusto ko sa kanya. I don't know why but I really like him. I can't explain what I
I gave him my all. Mabilis akong bumigay. Kaya ngayon walang ibang sisisihin kundi ang sarili ko. Kahit masakit ang aking katawan pinilit kong tumayo at linisan ang sarili ko. Wala ang sakit na ito kumpara sa nararamdamang sakit ng puso ko. Gusto kong magawala. Gusto kong basagin lahat ng bagay na nakikita ko pero narealize ko wala pala akong pera pambayad. Baka ang ending kulungan pa ang bagsak ko. Mahirap na diba? Nasaktan na nga ako at nainsulto, makukulong pa ako. Yun ang mas masaklap! Kapag nakulong ako, sino na lang ang mag-aalaga sa lola ko? Paano na ang pag-aaral ko. Buang! Hindi ko pwedeng isakripisyo yun dahil lang niloko niya ako. Kahit na nasasaktan na utak pa rin ang pinagana ko. Kahit ngayon man lang. Hindi pwedeng unahin ko ang galit at baka makulong pa ako 'pag nagwala ako dito. At kapag nanagyari yun, malalaman nina Lola ang nangyari sa akin. Baka ako pa ang magiging dahilan para matrigger ang sakit niya. Kahit ngayon man lang maging wais ako. Umiiyak ako habang
Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba ito o totoo ang sinabi niya. Ang kaninang seryoso niyang anyo ay napalitan na, naging palakaibigan na ang mukha nito ngayon. Patawa tawa pa ito sa dalawa niyang kasama. Hindi sila nag-uusap pero mukhang nagkakaintindihan naman. "Ibon, pakisabi sa mga tauhan na sunduin kami sa harapan." Utos ni Gardo sa lalaking may tattoo na ibon sa leeg. Simpleng tango lang ang sagot nito pagkatapos narinig kong may kausap na sa cellphone niya. Tahimik kaming naglakad apat papasok sa elevator. Silang tatlo ay nag-uusap sa pamamagitan ng mga nila. Ako naman ay hindi alam kung ano ang sasabihin kaya mas pinili ko na lang ang tumahimik. Pagkababa namin sa ground floor maraming nakatingin sa amin, karamihan doon ay mga kababaihan. Mga babaeng lantarang nagpapansin sa kanila pero hindi man lang nila ito tinapunan ng tingin. In fairness sa kanilang tatlo, mga gwapo ito. Mukhang masusungit tingnan pero malakas ang dating. "I'll go ahead, Montenegro." "Me too." Sa
"She's too young for you Dude." Agad na nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko ang nang-iintrigang si William na sinabayan pa ng tawa ng gagong si Villegas.Here they are again! Ang aga pa nambubwesit na naman.Binaling ko ang tingin sa ungas at tama nga ang hinala ko dahil nakangisi ang mga gago habang nakatingin sa akin at pasimple pa silang nagbubulong-bulungan ni Villegas."Don't start Guerrero, it's too early." Masungit kong sabi sa kanya pero nagkibit balikat pa si gago at lalong ngumisi sa akin.Bakit ba kasi sinama pa ni Vin Derick ang mga gagong to dito ngayon sa hacienda Valderama? Lalo na itong si Guerrero.Ayos lang naman sana kapag andito si gago kasi masaya ang tropa yun nga lang sobrang intrigero, chismoso, s****p at hindi lang yun napaka-ingay pa. Kung ano-ano lang kasi ang pumapasok sa utak ni gago. Daig pa ang babae sa katabilan"Kanina ka pa dyan nakatingin sa batang babae, kala mo hindi namin napapansin?" He said, raising his cup of coffee. Lalo pang ginanahan si ga
"Fifty Million, leave my son."Those are the words that keeps repeating in my mind for how many days now. I was flabbergasted, astonished and beyond surprised. Akala ko sa mga palabas lang sa tv ko ito makikita pero kahit pala sa totoong buhay nangyayari rin. At sa buhay ko pa talaga. Senyora Elizabeth with her toads, the congressman's daughter/fiancée and the lawyer/ acting girlfriend of Hunter Cole, came to me and offer me that price para lang layuan ang lalaki. Wala man lang piniling lugar at oras. Hindi man lang nila nirespeto ang nararamdaman ko kahit alam nila na nasa kritikal na kondisyon ang lola ko. Hindi lang isang beses nila akong pinuntahan kundi madami. Durog na nga ako lalo pa nila akong dinurog. Sobrang gulo na ng utak ko, hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin pero nandito sila para lalo akong guluhin. Pwede naman sanang sila sila na lang ang mag-usap. Tutal dalawa naman yung pinagpipilian niya. Hindi ko nga alam kung bakit sinasali pa nila ako sa usapan. I'
It's been two weeks, simula nang umuwi ako dito sa Davao. Si Kuya Gaden ang nagbook ng flight ko pauwi. Siya na din ang nag-asikaso ng lahat para maisingit ako. Hindi ko alam kung paano niya ginawa yun pero pagdating namin sa airport may staff na sumalubong sa akin doon. Gusto pa nga sana niya akong ihatid dito pero tumanggi na ako. Sobra na ang pang-aabala ko sa kanya. Nakiusap lang ako na kung anoman yung nangyari sa amin na lang. Diretso akong ospital. Ang sabi ni Lotlot sa akin nung dumating ako ay may tumawag daw kay Lola nung araw na yun. Hindi niya daw alam kung ano ang sinabi nung tumawag sa kanya pero bigla na lang daw itong natumba sa inuupuan niya. Mabuti na lang at napansin agad ni Lotlot at naisugod nila sa ospital.Kritikal ang kondisyon ni Lola ng ilang araw pero ngayon ay gising na siya ngunit kailangan pa rin obserbahan. Ang sabi ng doktor mabuti na lang at naisugod agad si Lola sa ospital. Inatake si Lola ng hypertension mabuti na lang at naagapan.Ilang gabi na ako
Ito ang last part ng epilogue ng ating pinaka bunsong Blue Eyed Maligno.Sana may napulot kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. Maraming salamat sa suporta ninyong lahat.See you in my next story, Avangers!Life is short always choose to be happy!Labyu! Amping mong tanan! :)_________________________I'll do everything to win Harriet back. That I promised. "Why didn't you tell me?" Para akong batang nanghihinang umupo sa gitna ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtanim ng sama ng loob kay Thunder na hindi niya sinabi sa akin kung nasaan si Harriet o hindi. I mean, not directly na hindi niya pinaalam sa akin kasi madalas ko naman silang naririnig ng mga kapatid ko na nag-uusap tungkol kay Harriet. Pero hindi na ako naniniwala dahil palagi na lang kasi nila akong niloloko. "You're so slow, until now hindi mo pa rin alam na para kay Sky ang mga ginagawa mo?" Kuya Ford said laughing. Mukhang tuwang-tuwa pa ito na naisahan nila ako. "Haayyy kalooy man sa ba
Ginawa ko ang sana ay matagal ko nang ginawa, ang magtrabaho bilang professor sa university kung saan pumapasok si Harriet. I am now Harriet's professor and through this way hindi na siya makakatakas sa akin. Hindi siya pwedeng mapunta sa iba. I waited for her for five years, I respected Lola Val's request but I can't let her slipped away this time. Until now I am still smiling every time I remember the first day she saw me in their class. My Baby is so cute. She still didn't change. The way she dress, she talks, she acts, she's still the same Harriet I knew before. Masayahin at palakaibigan pa rin ito. Almost all her classmates are her friends. And when I say all, that includes the boys at doon ako naiirita. Dahil mabuti sana kung nakikipagkaibigan lang sa kanya, yung iba nalaman kong pinopormahan din pala siya. "You are crazy you know that?" I looked at my brother who is staring at me as I prepared all the materials needed for my class. "Will you just support me? I'm not the o
"I thought you don't want to go out today why are you dressed up like that?"I looked at my twin who's here in my room now annoying me again. Katatapos ko lang magbihis dahil lalabas ako ngayon. Pero hindi ko sasabihin kung saan ako pupunta dahil alam kong pagchi-chismisan na naman nila ako ng iba ko pang mga kuya. Lalo na si Kuya Ford na sobrang chismoso. Gusto atang masagap lahat ng balita tungkol sa aming mga kapatid niya. Ang nakakainis pa kapag may nabalitaan ito pino-post sa gc. Hindi na lang sarilinin, gusto pa talaga magpabida. Ang now I noticed that Thunder is becoming like him too. Kunwari lang ito walang pakialam pero ang totoo he is lowkey chismoso too. "Where are you going?" O diba kasasabi ko lang. "Wala! Dito sa lang sa hacienda. I just want to have a breath of fresh air and away from you."Malakas itong tumawa dahil sa sinabi ko. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuhan ko pagkatapos nanunukso itong tumingin sa akin. "Oh, I know. You are going somewhere. I knew it
"Don't play with grandpa, if you get caught he will disown you."I looked at my twin brother frowning kasi totoo ang sinabi niya. Kung bakit kasi hindi na lang siya ang magma-manage ng business na gustong ipamana sa amin ng lolo namin? Siya ang mas matanda sa aming dalawa ah."I'm not playing." I said with creased forehead but he just shrugged his shoulder like he already knew what I was thinking."What?" I scoffed, getting more annoyed. "You are my twin Hunter Cole. I know what's running in your head that's why I am warning you. "Warning you. As if naman may maitutulong ang warning niya sa problema ko ngayon. Si Lolo kasi pinapahirapan pa ako. I don't know where did he get that idea that a CEO should be married. Is that a kind of practice to make sure that CEO is leading a company better? Like, what's his basis?I don't know what he is up to. Does he want to have grand children? Or he just want me to settle down.This marriage thing is the reason why my grandfather is giving me a h
Once again, another story has reached an end. This is the sixth installment of my Sandoval Series. 5/7 completed.Thank you so much AVAngers for being with me in Sky and Hunter's journey! Salamat sa iyakan at tawanan, sa mga tampuhan at walang sawang pagsuporta nyo sa akin.Thank you for the votes, comments and for sharing my stories. Most of all, thank you for being patient with me and for not leaving me wherever I go. I wouldn't reach this far if not all because of you and I will be forever grateful for that.Maraming, maraming salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa akin. Sana may nakuha kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. See you in my next story..Another series will be posted soon.Labyu all mga Langga! Amping mong tanan sa kanunay. Life is short always choose to be happy. God Bless us all!_____________________________Pagkapasok pa lang nami ni Hunter sa mansion ng mga Sandoval, bumungad agad sa amin ang isang napaka gandang tanawin. Si Senyor Gideon at
"Siraulo ka kasing gago ka! Kung sana sinabi mo na lang kaagad hindi yung nagda-drama ka pa! Ngayon anong gagawim mo hinamatay yan si Sky! Malilintikan ka talaga kay Derick siraulo ka!"Nagising ako dahil sa mahihinang bulungan ng mga tao sa paligid. Unti-unti kong dinilat ang mga mata at agad bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng mga anak ko. "Mummy, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Chase. Maliit akong tumango at inilibot ang tingin sa paligid. Nandito sa silid ibang mga kapatid ni Hunter pero ang mga Kuya Brutes ko ay wala. Nadako ang mga mata ko pinaka sulok dahil sa dalawang taong nagbabangayan doon, si Kuya Calyx at RN. Na agad din lumapit sa akin nang mapansing gising na ako. Pero teka bakit nga ba ako nawalan ng malay? Oh shit!Muling binundol ng kaba ang aking dibdib nang maalala kung bakit ako hinimatay. Si Hunter. "Si Hunter. N-nasaan si Hunter?" Kinakabahan kong tanong. Nagsimula na akong magpanic. Pakiramdam ko nanginginig angaking kalamnan at naninikip
"I am Thunder and Hunter's grandfather." An old man entered the room and introduce himself to me. Nandito ako ngayon sa isang silid naghihintay ng update. Ang mga bata ay naka'y Kuya Derick. Pinasama ko muna sa kanya para malibang saglit. Kanina pa kasi nag-iiyakan ang dalawa lalo na si Cyrene. After nitong tawagin ang Daddy niya hindi na ito muling nagsalita pa. Tahimik lang itong umiiyak. Hindi pa ri nagigising si Hunter. Pero kanina nung kinausap siya ng kambal gumalaw ang daliri niya. Saglit lang din. Kaso nagbeep ang monitor niya kaya pinalabas muna kami ng mga doktor. Kanina pa ako naghihintay ng update mula sa mga doktor niya. Pero hanggang ngayon wala pa rin. Binalik ko ang tingin sa matanda. Malamlam ang mga nitong nakatingin sa akin. Tumayo ako para magbigay galang sa kanya. Pagkatapos tinuro ko ang bakanteng upuan na nasa tapat ko. Umupo ito doon."It's been so long that I wanted to meet you. I am Benjamin Wintle."Benjamin Wintle. His name is familiar. Oh, right. Si
"Ayaw mo talaga? O sige bahala ka! Yung chance na hinihingi mo sa akin, binabawi ko na. Ngayon pa lang maghahanap na ako ng bagong daddy ng mga bata." Ngunit napahinto ako sa pag-iyak dahil nakita kong parang gumalaw ang daliri niya. Tinitigan ko ito, hinintay na gumalaw ulit pero hindi na nangyari. Namamalik mata lang ata ako hanggang sa muli na naman akong umiyak. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko para magising siya. Pero kahit anong diskarte ang gagawin ko, in-emotional black mail ko na, kinonsenya, binantaan pero wala pa rin. Hindi pa rin ito nagigising. Para na akong baliw na kung ano-ano na lang ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko habang hawak ang kamay ni Hunter. Bakit ba kasi kailangang mangyari 'to? Bakit sakit pa sa puso? Dapat sakit lang sa tiyan! O di kaya yung mga mumurahing sakit lang at mas madaling pagalingin. "Hunter, ano ba! Gumising ka na kasi! Ipapabugbbog na talaga kita kay Kuya Derick! Hindi lang isang kuya ang bubugbo
I'm hypocrite if I would say that I'm not affected. Dahil sa totoo lang sobrang apektado ako na hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Galit ako kay Hunter pero hindi ko maipagkailang nag-aalala ako sa kanya. Hindi dahil sa ama siya ng mga anak ko kundi yun talaga ang nararamdaman ko. Hindi maawat ang mga luha ko sa pag-uunahan sa aking pisngi. I feel guilty being hard to him. I should have listened to him even if I'm mad. Kahit malaki ang kasalanan niya sa akin, hindi naman siya masamang tao diba? Kanina pa ako umiiyak. Hindi mapigil ang mga luha ko habang nasa byahe kami papuntang ospital. Sinama ko na ang mga bata dahil pati ang mga ito ay nag-iiyakan na rin. I didn't tell kids about what happened but it's so obvious that they know that I am crying because of their father. Kahit na labis ang sakit na pinaranas sa akin noon ni Hunter masakit pa rin sa akin na dumating kami sa ganitong sitwasyon. Hindi niya dapat pinarusahan ang sarili niya. Hindi sana umabot sa ganito. Pa