Naalimpungatan ako dahil sa ugong ng sasakyan. Pagsilip ko sa bintana nakita ko ang sasakyan ni Apolinario na papaalis. Nakita ko din si Hunter na naglalakad pabalik. Hindi ko alam kung nag-usap ba sila ni Paul pero mukhang galit si Hunter. Magkasalubong ang mga kilay nito. Sa sobrang pagod ko sa bakbakan namin kanina hindi ko namalayan na nakatulog ako. Hindi lang isang beses naulit ang nangyari sa amin. Maraming beses at di ko mabilang. Halos lahat ng posisyon nagawa namin. May mini tour pa kami sa maliit niyang kubo. At mas masaklap nasira namin ang kama. Kung hindi pa siguro ako nagreklamo na mahapdi na ang kikiyum ko hindi pa titigil ang bebeluvs ko. Balak ata akong lumpuhin. Wala itong kapuguran. Rounds after rounds ang labanan. At sa bawat round parang lalong itong lumalakas. Napangiti ako ng maalala ang nangyari sa amin kanina. I didn't plan all these but I can't believe that I gave in that fast. Sabi ko pa dati na ibibigay ko lang ang sarili ko sa taong mapapangasawa ko pe
"Juskong bata ka, ba't di ka tumawag para masundo ka namin?" Hindi magkandugaga si Lola Val sa pagpunas sa akin. Basang-basa ang buong katawan ko sa ulan at nanginginig ako sa sobrang lamig. Si Lotlot bagamat tahimik dama ko ang mga matang nakamasid sa akin. Madilim na ang paligid, hindi ko alam kung ilang oras ako nanatili sa kakahuyan sa loob ng hacienda ng mga Sandoval. Sobrang takot ko sa kulog at kidlat. Sa bawat hakbang ko pakiramdam ko matatamaan ako. Mabuti na lang may nakita akong malaking puno at doon ako sumiksik. Matagal bago humupa ang ulan kaya naabutan ako ng gabi. Nung medyo humupa na ito saka pa ako muling tumakbo at dahil hindi ko alam kung saan ako dadaaan natagalan bago ako nakalabas. Para akong batang umiiyak at humihingi ng tulong pero walang nakakarinig sa akin. Kinain ng malakas ng buhos ng ulan ang boses ko. Mabuti na lang at nahanap ko ang daan. Mabuti na lang at nakauwi ako. "Saan ka ba nanggaling? Anong nangyari sa 'yo ba't ka nagpaulan? Sabi mo do
"Si Senyorito Thunder na apo," Sabi ni Lola Val ng mapansing nakatingin ako sa lalaki. Oh ang kakambal niya pala. Muntik pa akong magkamali, akala ko siya. Assuming ka Sky? Bakit sa tingin mo ba susuyuin ka niya? Asa ka girl. Nagkakape ang lalaki. May puto maya at baso ng kape sa harapan niya. Gaya ng kakambal niya malaki din ang pangangatawan nito. May suot itong sombrero at parehas sila ng style manamit kaya napagkamalan ko. Nabaling ang tingin ko sa upuang nasa tabi niya dahil may isang basket ng prutas itong nakapatong doon. Siguro naramdaman nito na may nakatingin sa kanya kaya nabaling ang tingin nito sa amin. Bagamat pormal ang mukha nito nakita ko ang pagtango niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Tinapos nito ang kape niya bago ito tumayo. Kinuha niya ang isang basket ng prutas at naglakad papunta sa amin. "Hi, Miss, good morning!" Pormal na bati nito sa akin. Maliit pa itong ngumiti pero hindi ko magawang gantihan ang ngiti niya. "I'm here to ask if you are feeling
"Girlfriend? What the fuck?" Masungit na tumingin sa akin si Hunter pero tinaasan ko din siya ng kilay. Ano naman ngayon kung angkinin akong girlfriend ni Kuya Derick? "Pakpakin ko yang tapay mo malalaman mo! Oo girl friend ko itong si bebe girl. Bakit may angal ka?" Hinila pa ako ni Kuya Derick palapit sa kanya. "Harriet!" Halos hindi na maitsura ang mukha ni Hunter. Magkasalubong na ang mga kilay niya at umiigting na ang panga. Mariin ding nakakuyom ang mga kamao niya. Na kulang na lang ay manuntok ito. Nakakaagaw pansin na kami. Ang mga tauhang pumapasok ay napapalingon na, yung iba ay huminto na para makaiusyuso. Ang mga gwardya nila ay lumapit na sa amin pero si Kuya Derick hindi ko man lang nakitaan kahit kaunting takot. Kahit na wala ito sa teritoryo niya. "Kuya..." Mahina kong tawag kay Kuya Derick. "Akala siguro ng ungas na 'to aatrasan ko siya. Kahit magsama pa sila ng mga kapatid niya pagbubuhulin ko sila." Palabang sabi ni Kuya. Pagtingin ko kay Hunter humakbang na
Kita ko kung paano namutla ang tatlong babae. Agad tumungo ang dalawa at nag-iwas ng tingin. Ang isa ay nagmamakaawa pang tumingin sa akin. Nilipat ko ang tingin kay Hunter, nagtatanong ang mga mata niya pero hindi ako sumagot. Wala akong balak magsumbong dahil ayoko nang gulo. Ako kasi ang klase ng tao na hindi palaaway, hindi rin ako yung taong naghahanap ng kakampi. Laban ko ay akin lang. Kapag inunahan ako at naagrabyado na, hindi rin ako umaatras. I always follow the golden rule. Do not do unto others what you don't want others do unto you. Pero kapag ganitong petty fights lang, sisiw lang ito sa akin. No big deal. Hangga't maari umiiwas talaga ako sa gulo. Ayoko ng gulo, ang hirap makipag-away. Masakit sa dibdib, mabigat sa kalooban. Gusto ko happy happy lang. Lola Valeria raised me to be a happy kid. Wala akong time para sa negativity sa buhay. Lumaki akong masiyahing bata at yun ang gusto ko hanggang sa tumanda ako. "Afternoon break, kumain muna kayo." Dumating ang tagapa
"Si Senyora Elizabeth ba yung kausap mo, Sky? Bakit hindi kayo pumasok dito?"Papasok na sana ako ng bahay ng masalubong ko si Lola Valeria. Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko inaasahan na makita niya kami. Hindi ko rin inaasahan na puntahan ako dito ng ginang. Nagwawalis ako ng bakuran kanina ng tinawagan ako ni Kuya Buboy. Nagulat pa ako dahil tumawag siya pero sabi niya lumabas daw muna ako saglit at gusto akong kausapin ni Senyora. Wala akong ideya kung anong pag-uusapan namin. First time ko din makita si Senyora Elizabeth nang malapitan. "Opo La." Tipid kong sagot kay Lola. .Wala akong balak sabihin kay Lola o ninuman kung ano ang napag-usapan namin ng ginang. Yun din ang kabilin bilinan sa akin ni Senyora Elizabeth. "May tinanong lang sa akin si Senyora." Pasimple kong nilingon ko ang papaalis na sasakyan ni Senyora Elizabeth bago humarap kay Lola.Hindi sumagot si Lola pero kita ko sa mga mata niya ang nanunukat nitong tingin sa akin. "Bakit malungkot ka? Bakit namu
"Sky! Si Lola!"Nagulat ako dahil biglaang pagsigaw ng pinsan ko. Pagpunta ko sa silid ni Lola, hawak na ni Lola ang dibdib niya at nahihirapang huminga. "Anong nangyari, Lot." Bagamat kinakabahan ay pinilit ko ang sariling kumalma. "La, kumalma ka muna ha? Punta tayong ospital." Hindi ito sumagot pero maliit na tumango sa akin. Tinulungan ko si Lotlot na alalayan si Lola palabas. Mabuti na lang din at may tricycle na nakatambay sa labas mabilis kaming nakaalis. Hindi lang ito unang beses nangyari sa linggong ito. Martes pa lang pabalik balik na kami sa ospital. Byernes pa lang ngayon pero babalik na naman kami ulit. Nangyari, ito simula nung dumating ang survey team ng taga kapitolyo para sa road widening na gagawin. Alam kong dinamdam ni Lola ang mga nangyayari kahit hindi nita ito sabihin sa amin. Mapapaalis daw kasi kami kapag natuloy ang project. Malaking porsyento ng lote namin ang makukuha kapag nagsimula na. Hindi ako maalam pagdating sa mga road right of way pero sabi ng
"Akala ko ba nagkakamabutihan na kayo nung manok panabong na yun, ano itong nababalitaan kong engagement nila ng anak ni Congressman?"Nagloading ang utak ko. Kanina pa ako kinakausap o mas maiging pinapagalitan ni Kuya Derick pero hindi ako sumasagot sa kanya. Kanina pa ito badtrip. "Lintek na Sandoval na yun ah! Akala mo kung sinong gwapo. Sino sya sa tingin niya para paglaruan ka? Anong akala niya gwapo siya? Wow ha!"Hindi ko alam kung bakit nasabi yun ni Kuya Derick pero base sa mukha nito mukhang may alam ito tungkol sa amin ni Hunter. "Mga feeling gwapo talaga ang mga ungas na yan. Feeling habulin ng mga babae. Akala mo kung sinong artistahin at modelo kung makaasta mukha namang mga kulugo. Pwe!"Malakas itong nagmura. "Alin ang nakagwapo sa kanila? Yung kulay asul nilang mga mata? Pucha!" Nag-angat ako ng tingin at sumulyap sa kanya. Hindi ko alam kung maiiyak ako o hindi sa pinakita niya. Alam ko naman kasi na sinasabi niya lang ito para pagaanin ang loob ko. "Anong naka
Ito ang last part ng epilogue ng ating pinaka bunsong Blue Eyed Maligno.Sana may napulot kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. Maraming salamat sa suporta ninyong lahat.See you in my next story, Avangers!Life is short always choose to be happy!Labyu! Amping mong tanan! :)_________________________I'll do everything to win Harriet back. That I promised. "Why didn't you tell me?" Para akong batang nanghihinang umupo sa gitna ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtanim ng sama ng loob kay Thunder na hindi niya sinabi sa akin kung nasaan si Harriet o hindi. I mean, not directly na hindi niya pinaalam sa akin kasi madalas ko naman silang naririnig ng mga kapatid ko na nag-uusap tungkol kay Harriet. Pero hindi na ako naniniwala dahil palagi na lang kasi nila akong niloloko. "You're so slow, until now hindi mo pa rin alam na para kay Sky ang mga ginagawa mo?" Kuya Ford said laughing. Mukhang tuwang-tuwa pa ito na naisahan nila ako. "Haayyy kalooy man sa ba
Ginawa ko ang sana ay matagal ko nang ginawa, ang magtrabaho bilang professor sa university kung saan pumapasok si Harriet. I am now Harriet's professor and through this way hindi na siya makakatakas sa akin. Hindi siya pwedeng mapunta sa iba. I waited for her for five years, I respected Lola Val's request but I can't let her slipped away this time. Until now I am still smiling every time I remember the first day she saw me in their class. My Baby is so cute. She still didn't change. The way she dress, she talks, she acts, she's still the same Harriet I knew before. Masayahin at palakaibigan pa rin ito. Almost all her classmates are her friends. And when I say all, that includes the boys at doon ako naiirita. Dahil mabuti sana kung nakikipagkaibigan lang sa kanya, yung iba nalaman kong pinopormahan din pala siya. "You are crazy you know that?" I looked at my brother who is staring at me as I prepared all the materials needed for my class. "Will you just support me? I'm not the o
"I thought you don't want to go out today why are you dressed up like that?"I looked at my twin who's here in my room now annoying me again. Katatapos ko lang magbihis dahil lalabas ako ngayon. Pero hindi ko sasabihin kung saan ako pupunta dahil alam kong pagchi-chismisan na naman nila ako ng iba ko pang mga kuya. Lalo na si Kuya Ford na sobrang chismoso. Gusto atang masagap lahat ng balita tungkol sa aming mga kapatid niya. Ang nakakainis pa kapag may nabalitaan ito pino-post sa gc. Hindi na lang sarilinin, gusto pa talaga magpabida. Ang now I noticed that Thunder is becoming like him too. Kunwari lang ito walang pakialam pero ang totoo he is lowkey chismoso too. "Where are you going?" O diba kasasabi ko lang. "Wala! Dito sa lang sa hacienda. I just want to have a breath of fresh air and away from you."Malakas itong tumawa dahil sa sinabi ko. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuhan ko pagkatapos nanunukso itong tumingin sa akin. "Oh, I know. You are going somewhere. I knew it
"Don't play with grandpa, if you get caught he will disown you."I looked at my twin brother frowning kasi totoo ang sinabi niya. Kung bakit kasi hindi na lang siya ang magma-manage ng business na gustong ipamana sa amin ng lolo namin? Siya ang mas matanda sa aming dalawa ah."I'm not playing." I said with creased forehead but he just shrugged his shoulder like he already knew what I was thinking."What?" I scoffed, getting more annoyed. "You are my twin Hunter Cole. I know what's running in your head that's why I am warning you. "Warning you. As if naman may maitutulong ang warning niya sa problema ko ngayon. Si Lolo kasi pinapahirapan pa ako. I don't know where did he get that idea that a CEO should be married. Is that a kind of practice to make sure that CEO is leading a company better? Like, what's his basis?I don't know what he is up to. Does he want to have grand children? Or he just want me to settle down.This marriage thing is the reason why my grandfather is giving me a h
Once again, another story has reached an end. This is the sixth installment of my Sandoval Series. 5/7 completed.Thank you so much AVAngers for being with me in Sky and Hunter's journey! Salamat sa iyakan at tawanan, sa mga tampuhan at walang sawang pagsuporta nyo sa akin.Thank you for the votes, comments and for sharing my stories. Most of all, thank you for being patient with me and for not leaving me wherever I go. I wouldn't reach this far if not all because of you and I will be forever grateful for that.Maraming, maraming salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa akin. Sana may nakuha kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. See you in my next story..Another series will be posted soon.Labyu all mga Langga! Amping mong tanan sa kanunay. Life is short always choose to be happy. God Bless us all!_____________________________Pagkapasok pa lang nami ni Hunter sa mansion ng mga Sandoval, bumungad agad sa amin ang isang napaka gandang tanawin. Si Senyor Gideon at
"Siraulo ka kasing gago ka! Kung sana sinabi mo na lang kaagad hindi yung nagda-drama ka pa! Ngayon anong gagawim mo hinamatay yan si Sky! Malilintikan ka talaga kay Derick siraulo ka!"Nagising ako dahil sa mahihinang bulungan ng mga tao sa paligid. Unti-unti kong dinilat ang mga mata at agad bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng mga anak ko. "Mummy, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Chase. Maliit akong tumango at inilibot ang tingin sa paligid. Nandito sa silid ibang mga kapatid ni Hunter pero ang mga Kuya Brutes ko ay wala. Nadako ang mga mata ko pinaka sulok dahil sa dalawang taong nagbabangayan doon, si Kuya Calyx at RN. Na agad din lumapit sa akin nang mapansing gising na ako. Pero teka bakit nga ba ako nawalan ng malay? Oh shit!Muling binundol ng kaba ang aking dibdib nang maalala kung bakit ako hinimatay. Si Hunter. "Si Hunter. N-nasaan si Hunter?" Kinakabahan kong tanong. Nagsimula na akong magpanic. Pakiramdam ko nanginginig angaking kalamnan at naninikip
"I am Thunder and Hunter's grandfather." An old man entered the room and introduce himself to me. Nandito ako ngayon sa isang silid naghihintay ng update. Ang mga bata ay naka'y Kuya Derick. Pinasama ko muna sa kanya para malibang saglit. Kanina pa kasi nag-iiyakan ang dalawa lalo na si Cyrene. After nitong tawagin ang Daddy niya hindi na ito muling nagsalita pa. Tahimik lang itong umiiyak. Hindi pa ri nagigising si Hunter. Pero kanina nung kinausap siya ng kambal gumalaw ang daliri niya. Saglit lang din. Kaso nagbeep ang monitor niya kaya pinalabas muna kami ng mga doktor. Kanina pa ako naghihintay ng update mula sa mga doktor niya. Pero hanggang ngayon wala pa rin. Binalik ko ang tingin sa matanda. Malamlam ang mga nitong nakatingin sa akin. Tumayo ako para magbigay galang sa kanya. Pagkatapos tinuro ko ang bakanteng upuan na nasa tapat ko. Umupo ito doon."It's been so long that I wanted to meet you. I am Benjamin Wintle."Benjamin Wintle. His name is familiar. Oh, right. Si
"Ayaw mo talaga? O sige bahala ka! Yung chance na hinihingi mo sa akin, binabawi ko na. Ngayon pa lang maghahanap na ako ng bagong daddy ng mga bata." Ngunit napahinto ako sa pag-iyak dahil nakita kong parang gumalaw ang daliri niya. Tinitigan ko ito, hinintay na gumalaw ulit pero hindi na nangyari. Namamalik mata lang ata ako hanggang sa muli na naman akong umiyak. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko para magising siya. Pero kahit anong diskarte ang gagawin ko, in-emotional black mail ko na, kinonsenya, binantaan pero wala pa rin. Hindi pa rin ito nagigising. Para na akong baliw na kung ano-ano na lang ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko habang hawak ang kamay ni Hunter. Bakit ba kasi kailangang mangyari 'to? Bakit sakit pa sa puso? Dapat sakit lang sa tiyan! O di kaya yung mga mumurahing sakit lang at mas madaling pagalingin. "Hunter, ano ba! Gumising ka na kasi! Ipapabugbbog na talaga kita kay Kuya Derick! Hindi lang isang kuya ang bubugbo
I'm hypocrite if I would say that I'm not affected. Dahil sa totoo lang sobrang apektado ako na hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Galit ako kay Hunter pero hindi ko maipagkailang nag-aalala ako sa kanya. Hindi dahil sa ama siya ng mga anak ko kundi yun talaga ang nararamdaman ko. Hindi maawat ang mga luha ko sa pag-uunahan sa aking pisngi. I feel guilty being hard to him. I should have listened to him even if I'm mad. Kahit malaki ang kasalanan niya sa akin, hindi naman siya masamang tao diba? Kanina pa ako umiiyak. Hindi mapigil ang mga luha ko habang nasa byahe kami papuntang ospital. Sinama ko na ang mga bata dahil pati ang mga ito ay nag-iiyakan na rin. I didn't tell kids about what happened but it's so obvious that they know that I am crying because of their father. Kahit na labis ang sakit na pinaranas sa akin noon ni Hunter masakit pa rin sa akin na dumating kami sa ganitong sitwasyon. Hindi niya dapat pinarusahan ang sarili niya. Hindi sana umabot sa ganito. Pa