Wala na...
Ang babaeng pinakamamahal ko ay wala na sa akin. Itinulak ko siya palayo sa akin. Sinira ko ang sarili ko para iligtas siya sa kapahamakan. Dapat masaya ako para sa kaniya dahil hindi niya na kailangan pang mamatay para sa kapakanan ko.
Dapat masaya ako...
Ligtas na siya...Ligtas na si Seira...Dapat masaya ako...Dapat masaya ako...Dapat...
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?! Bakit nasasaktan ako?! Bakit ako pa?!!!
Nagdugo ang kamao ko nang sapakin ko ang pader sa parking lot. Nandito pa rin ako sa puwesto ko. Kung saan ako iniwan ni Seira.
Para akong mababaliw sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Gusto kong maging manhid dahil sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin pagnagpatuloy pa ito.
Muli kong sinuntok ang pader na gawa sa bato. Hindi ko man lang magawang wasakin ang pader pero ang puso ko durog na durog na sa sobrang sakit.
"Aaaaahhhhhhh!!!" Para akong batang sumisigaw sa sakit.
"Break na kami ni Hyujin." Natahimik silang dalawa dahil sa sinabi ko. Si Noella ay tila hindi pa napo-proseso sa utak ang sinabi ko. Kabaligtaran naman kay Jinx na seryoso lang na nakatitig sa akin."Ano?!!!" sigaw na tanong ni Noella na gulat na guat. Napatayo pa siya at agad na lumapit sa akin. "Break na kayo? Paano? I mean, bakit? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Noella."Mahabang kwento. Sa susunod ko na lang sasabihin," rason ko."Kahit gaano pa 'yan kahaba, handa akong makinig. Sabihin mo sa akin, anong nangyari? Bakit kayo nag-break? Humanda talaga sa akin yang Hyujin na yan!" pagbabanta niya."Noella, hayaan mo muna siyang magpahinga. Sasabihin niya naman kapag handa na siya, 'di ba?" tumango naman ako sa sinabi ni Jinx. Sa ngayon hindi pa talaga ako handang pag-usapan ang tungkol doon."Hmp! Sige! Basta sabihin mo agad sa akin ah. Tatamaan talaga sa akin ang Hy
"Hyujin!" Sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko pagkakita nila sa akin. Inaya ko sila kanina para uminom dito sa usual place namin. Ito ang pinakakilalang bar dito sa lugar namin dahil puro mayayaman ang tumatambay at umiinom dito. Nakipag fist bump ako sa kanila bago umupo sa tabi ni Gavin."Ilang araw ka lang na hindi nagpakita sa amin tapos ganiyan na agad ang itsura mo. What the fuck are you doing to yourself?" tanong ni Karrius na medyo natawa pa. Sinang ayunan naman siya ng iba pa naming kaibigan.Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. "Fuck off!" sabi ko bago tinungga ang alak sa ibabaw ng mesa."Woah! Easy, Dude. Baka ikaw na naman ang unang malasing niyan," natatawang puna ni Leyo."Kaya nga ako pumunta dito, para malasing. Bakit, akala niyo ba pumunta ako dito para sa inyo? Ulul! Dream on!" natatawa kong biro at saka muling tumagay."Ouch! Ganiyan ka ba sa amin, p
"Ikaw ang nakipag-break?!!" sabay-sabay ulit nilang tanong. Mga gulat na gulat sa sinabi ko. Nagkatinginan pa ang mga loko para siguraduhin na tama sila ng pagkakarinig."Hyujin, maysakit ka ba?" tanong ni Gavin na sinapo pa ang noo at leeg ko. Nilayo ko naman ang sarili ko sa kaniya."Stop it. Wala akong sakit. I have my reasons," sabi ko saka muling tumungga ng alak."What the hell. Does it mean the 'One Night Stand Devil' is back?" makahulugang tanong sa akin ni Xavier."Devil your ass."Anong nangyari? Bakit kayo naghiwalay? I'm sure it's not a simple lover's quarel since you are the on who broke up with her," tanong ni Leyo. Hindi ko alam kung dapat ko bang iopen sa kanila ang problemang kinakaharap ko ngayon. Knowing na madaldal ang mga kupal na 'to at family matters ang pag-uusapan."Don't mind it. I already have a plan to make her mine again," paninig
"Seira!""Noella, anong ginagawa mo dito? Gabing-gabi na nambubulabog ka pa," sermon ko sa kaniya. Nagtaka pa ako lalo dahil may dala siyang box ng pizza."Pish! Hindi ba halata?" Inangat niya ang dalang pizza, ipinapahiwatig ang gusto niyang ipaalam. Napakunot na lang ang noo ko dahil hindi ko malaman kung ano ang gusto niyang sabihin. "Mag-o-overnight ako dito!" masaya niyang anunsiyo. Napairap na lang ako at nag-cross arms dahil sa naisip niya."Ano na naman ang naisipan mo at gusto mo mag-overnight dito, aber?" tanong ko at sumandal pa sa gate ng bahay namin. Inirapan niya naman ako at saka siya pumasok. Hindi na nag-abalang sagutin ang tanong ko."Aisht! Tigil-tigilan mo na nga ang kakatanong! Papasukin mo na ako. Ang tagal mo magbukas ng gate, kanina pa ako dito sa labas!" Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay kahit hindi ko pa naman siya pinapapasok. Napanganga na lang ako dahil sa kakap
"What?!" Napatayo ako dahil sa gulat ng marinig ko ang sinabi niya. Para akong sinampal nang katotohanan na hindi na maayos pa ang gusot na ito. Pinaglaruan at ginamit niya lang talaga ako! Walang hiya siya!Napahilamos siya nang mukha ng makita ang reaksiyon ko. "Hays, sabi na nga ba eh!" sabi niya at saka tumingin sa akin."A-Anong ibig mong sabihin? Anong sabi na nga ba?" tanong ko na gumulat sa sinabi inya. Halata sa mukha niya ang kaba dahil sa tanong ko. "Noella, may alam ka ba dito?" nang uusig kong tanong.Saglit siyang natigilan, tila tinitimbang ang bawat salitang sasabihin. Kabado siyang napalunok habang hindi mapakali ang mga matang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa baso. Kilala ko si Noella, ilang taon ko na siyang kaibigan. Alam ko kung kailan siya masaya, malungkot, kinakabahan o may itinatagong lihim."Ah, kasi Seira... Ang totoo niyan m-matagal ng may kumakalat na balita tungkol
"Hyujin! Hyujin!" paulit-ulit na tawag sa akin ni Daddy habang kumakatok sa pinto ng kuwarto ko.Labag sa loob na napabangon ako at tinungo ang pinto ng kuwarto. "Ano 'yun?" naiinis kong tanong dahil sa naabala kong tulog. Hindi ko na matandaan kung anong oras ako nakauwi kagabi at kung paano ako nakauwi. Ang huling naaalala ko ay nakikipagkuwentuhan ako sa mga kaibigan ko."Mag-ayos ka. May pupuntahan tayo," maotoridad niyang utos sa akin."Per-- hayst! Oo na, maliligo lang ako." aangal pa sana ako dahil kulang pa ang tulog ko pero bigla kong naalala na wala nga pala ako sa posisyon. Hawak niya nga pala ako sa leeg kaya nagawa kong sundin ang utos niya kahit labag sa loob ko.Sinara ko ang pinto at saka ako muling bumalik sa kama. Dumapa ako sa kama at saka ako huminga ng malalim bago ako muling bumangon at nagtungo sa c.r para maligo. Hindi ko alam kung bakit napapadalas ang pag-uwi dito ni Daddy.
Marami ang nagulat sa biglaan kong pag-aayos. Marami ang nagsabi na ang laki raw ng ipinagbago ko, from make up to my outfit. Masyado raw kasi akong conservative sa mga damit dati. Aside from that, natuto na rin akong maglagay ng lipstick at eyebrow. Nagpagupit din ako, ang mahaba kong buhok ay pinagupitan ko hanggang balikat. Masaya ako sa kinalabasan ng pag-aayos ko, pero hindi ko magawang maging tuluyang masaya.Parang may kulang...Isang linggo na ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Hyujin. Wala na akong balita sa kaniya bukod sa isang linggo na siyang hindi pumapasok sa mga klase niya. Madalas ay sumasagi pa rin sa isip ko kung ano ang nangyari sa kanya, may sakit ba siya, kamusta na ba siya o kung bakit hindi siya pumapasok. Pero pinagsisisihan ko rin sa huli kapag naaalala ko kung ano ang ginawa niya sa akin.Hindi ko pa tuluyang masabi na naka move-on na ako sa kanya dahil aminin ko man o hindi, nasasaktan
"You have the most stupid idea," sagot ni Faye pagkatapos ko sabihin sa kaniya ang mga plano ko. "Sa tingin mo ba kakailanganin ko pa ang tulong mo kung ganiyan lang kadali ang solusyon? Tss! Sinasayang mo lang ang oras ko dito. Kung hindi ka maka-isip ng magandang solusyon, then be ready to be my groom. After all, I live knowing that one day they will force me to marry someone I don't even love at the first place. Matagal ko na 'yong itinatak sa isip ko at matagal ko na ring tinanggap sa sarili ko. Because I'm a princess without a prince." Tumayo siya at nagsimula nang maglakad palabas ng starbucks.Natulala ako dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko akalain na ganito pinalaki ang isang Faye Alonzo. Para siyang isang pag-aari na matagal na iningatan upang pagkakitaan. At least ako, nagawa ko pa ang mga gusto kong gawin. Nagawa kong pumasok sa isang relasyon na gusto ko. At naranasan kong mangarap na magkapamilya sa babaeng mahal ko. Hindi katulad niya na sa bawat m
Pag-uwi namin ni Seira sa bahay ay nandoon na sina Daddy. Nasa siya kasama si tita at mukhang kararating lang dahil nakakalat pa ang kanilang mga maleta sa sala.Nang makita kami ni Dad ay agad itong lumapit sa akin. Narinig ko pa ang pagsigaw ni tita sa pangalan ni Daddy bago tumama ang palad nito sa aking pisngi. Halos mawalan ako ng balanse dahil doon."Oh God! Hyujin!" agad na sigaw ni Seira. Hinawakan niya ako sa braso upang alalayan ako. Tumutulo na ang luha niya pero nakatulala lang ako kay daddy."W-Wha--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumigaw siya."Walang hiya ka! Wala kang kuwentang anak!" sigaw niya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.Nagulat kaming lahat sa ginawa niya. Si tita Janice ay umiiyak habang hawak-hawak ang braso ni daddy at pinipigilan ito."Wei! Tama na! H'wag mo silang sisihin!" Awat ni tita kay daddy.
Alam ko na may masamang ugali si Faye pero hindi ko alam na mas malala pa pala siya sa iniisip ko.Pagkatapos ibigay ni Seira sa akin ang isang folder ng documents na galing daw kay Jinx ay agad ko rin iyong binuksan. Kahit galit ako sa kaniya dahil may gusto siya kay Seira ay hindi ko pa rin maipagkakaila na naging mabait siya kay Seira bilang kaibigan. Besides, aalis na siya kaya hindi ko na kailangan pang mamroblema sa kaniya.Nang buksan ko ang folder ay agad akong nainis ng makita ko ang laman no'n. Napaka gago lang talaga ni Faye Alonzo. Wala akong pake alam kahit babae pa siya. Napaka walang hiya niyang tao. Hindi ko maisip na aabot siya sa ganitong bagay. Balak niya pa akong gamitin.Kaya pala gustong-gusto niyang makipag-sex sa akin. Ginamit niya pa ang mga magulang niya para lang sa plano niya.Noong linggo ay hinanda ko na ang mga plano ko para ngayong lunes.
Sabado na ngayon at mamayang gabi ay susunduin na ako ni Jinx dito sa bahay. Naiinis pa rin si Hyujin dahil makikipag-date ako kahit pa nagkasundo na kami tungkol dito noong nakaraan. Kapalit ng pakikipag-date ko ay ang kundisyong gustong-gusto ng mokong. Halos sa mga nakalipas na araw ay lagi niya akong pinapagod. Sa bawat oras at bawat lugar na walang tao ay sinasamantala niya. Wala naman akong magawa dahil lagi niyang ginagamit sa akin ang pagbabanta na hindi siya papayag sa date namin ni Jinx. Oportunista talaga.Pero ngayon galit pa rin siya pagkatapos niya ako ilang beses pagurin. Pagkatapos niya ilang beses maka-score. Ang sarap lang pumutol ng mahabang saging.Hinatak niya ako patungo sa kuwarto niya kahit kausap ko pa si manang sa sala kanina. Ang paalam niya kaya manang ay may importante raw siyang sasabihin sa akin. Alam ko ang pinaplano niya. Kanina ko pa siya nakikita na nakatitig sa akin habang na nonood daw siya
Kaninang umaga ay nakatanggap ako ng text galing kay Faye na magkita raw kami sa school field. Bukod sa problema namin sa arrange marriage ay hindi ko na lang kung ano pa ang dapat naming pag-usapan. Mas maganda kung may na isip na siyang paraan para hindi matuloy ang kasal para hindi na ako mamroblema. Gustong-gusto ko na rin sabihin sa lahat na akin lang si Seira.Kaninang umaga ay sinundo ng mokong si Seira sa bahay. Sabay daw silang papasok. Wala akong nagawa kahit gustong-gusto ko nang sapakin ang gagong 'yun. Kailangan naming magpanggap ni Seira hanggat maaari. Ayoko rin naman na mabulilyaso ang mga plano namin dahil siguradong delikado na naman si Seira pagnalaman ni daddy ang tungkol sa relasyon namin."Hyujin, saan ang punta mo ngayon?" Inakbayan ako ni Xavier habang nagliiligpit ako ng mga gamit ko. Nilingon ko naman siya ng mapansin ko ang masigla niyang boses. Mukhang nakapag-usap na sila ni Finnral.
Habang kumakain kami ni Hyujin ay nagpaalam si manang na aalis lang siya saglit at mamimili kasama ang isang kasambahay. Nagpatuloy kami sa pagkain pagkaalis ni manang sa kusina.Napag-usapan na namin ni Hyujin ang tungkol sa nakatakdang date namin ni Jinx sa darating na sabado. Ilang beses siyang umangal pero napapayag ko rin siya sa huli. Pero may isang kundisyon siya na nagpapasakit ng ulo ko ngayon.Nakatitig siya sa akin habang kumakain kami. Tumayo siya at saka isinara at inilock ang pinto ng kusina. Nang bumalik siya sa kaniyang upuan ay prente itong umupo habang titig na titig sa akin.Ibinalik ko naman sa kaniya ang titig niya at saka siya tinaasan ng kilay. "Then?" tanong ko habang nasa aking labi pa ang kutsara ko.Ngumiti siya bago bumaba ang tingin patungo sa aking mga labi. Hindi na rin ako umangal ng lumapit ang mukha niya at mapusok akong halikan sa labi. Ito ang kundisy
Sabay kaming umuwi ni Hyujin tulad ng napag-usapan namin. Gusto kong sabihin sa kaniya na inaya ako ni Jinx na mag-date this weekend pero hindi ko nagawang makapagsalita habang nasa byahe kanina at hanggang ngayon na nandito na kami sa bahay. Alam ko kasi na magagalit siya. Pero mas okay na rin ang ganito dahil hindi kami mahahalata. Kapag lagi kaming nasa bahay dalawa ay maraming magtataka.Nang makarating kami sa bahay ay saka lang ako kinausap ni Hyujin bago kami bumaba ng sasakyan niya. "Ang tahimik mo ah. May sakit ka ba?" kunot noong tanopng niya."Ah, wala. Napagod lang siguro ako kanina," sagot ko na lang at saka ako bumaba ng sasakyan.Pagpasok namin sa loob ay na daanan namin si manang na naglilinis. Agad niya kaming binati at ganon din ang ginawa namin. Nagpaalam muna kami na magbibihis kaya agad na rin kaming nagtungo sa mga kuwarto namin.Pagpasok ko sa kuwarto ay agad na a
Nagkasundo kami ni Hyujin na hindi muna namin sasabihin kahit kanino at kahit sa mga kaibigan namin ang trungkol sa relasyon namin. Na nagkabalikan na kami. Bali hanggat hindi pa namin na aayos ang problema namin ay hindi muna kami magpapansinan sa public place. Sabay kaming papasok at sabay kaming uuwi at iyon ay dahil 'yun ang gusto ng mga magulang namin, which is partly true.Noong una ay umangal pa siya dahil naiinis siya kapag may ibang lalaki na lumalapit sa akin. Mas galit siya kay Jinx dahil nililigawa ako ng kaibigan ko. Pero wala rin siyang nagawa dahil sinabi ko na kung gusto niyang ibalandra namin ang relasyon namin sa iba ay mag-isip na siya ng plano.Bukod sa public places ay kasama rin dito sa loob ng bahay. Dahil ayokong kung ano ang isipin ng mga katulong at lalong-lalo na si manang. Ang alam pa naman nito ay may girlfriend na si Hyujin at iyon ay ang babae na dinala niya sa bahay.Sinabiha
Nang magising ako ay gising na rin si Hyujin. Nakatitig siya sa akin habang nakangiti ang mga labi."Good morning," bati niya sa akin kaya agad akong napabangon."Anong oras na?" agad kong tanong."One AM. Why? You have a date?" taas kilay niyang tanong.Kinunutan ko naman siya ng noo at saka ako muling bumalik sa pagkakahiga. "No. Tamang hinala ka masyado." Tumingala ako sa kaniya upang makita ko ang mukha niya. Seryoso ang kaniyang ekspresyon kaya hinalikan ko siya sa labi. Isang mabilis na halik lang.Mukhang hindi naman siya nakuntento kaya muli niyang inilapat ang kaniyang labi sa aking labi. Nagsalo kami sa isang masarap na halik. Halos mawalan kami ng hininga ng maghiwalay ang aming mga labi."Fvck! I miss this," pahayag niya habang hinihimas ang aking labi gamit ang kaniyang hinlalaki. "I miss you.""I miss you too,"
"Hyujin, kailangan natin mag-usap." Nakasunod lang ako sa likod niya habang naglalakad siya patungo sa kuwarto niya.Pagkatapos niyang ihatid sa labas ng bahay ang bago niyang girlfriend ay agad ko siyang nilapitan pero nilagpasan niya lang ako at tinalikuran. Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya ako ni lilingon. Ang cold treatment niya sa akin ay mas lumala."Wala na tayong dapat pang pag-usapan," sagot niya ng hindi ako ni lilingon. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto niya at saka siya pumasok sa loob. Sumunod naman ako at saka ko isinara ang pinto."May dapat tayong pag-usapan. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?" tanong ko habang nakatalikod siya sa akin.Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago siya lumingon sa akin. May ngisi sa kaniyang mga labi. "Talagang sinundan mo ako hanggang dito? Hindi ka ba natatakot sa kaya kong gawin?" taas kilay niyang tanong.&nbs