Nang magmulat muli ang mga mata ko ay nakita kong nilalamon na nang apoy ang buong bahay, sinubukan kong tumayo kahit nanghihina, narinig kong tinatawag nila ang pangalan ni Zhelle. Nakita kong tumakbo siya sa loob nang bahay habang sinisigaw ang pangalan ni Kevin.
"Zhelle! No!" sinubukan kong tumakbo pero naharang ako ni Vico"Ano ba Vico bitawan mo ako!" binuhos ko ang natitira kong lakas para makabitaw kay Vico."Leigh stop! Hindi ka pwedeng pumasok sa loob, masyado nang malakas ang apoy" pigil sakin ni Vico"No! hindi natin pwedeng hayaan nalang sila sa loob, kelangan natin iligtas si Zhelle at Kevin" hindi ko alam kung paano pero nakawala ako sa pagkakayakap sakin ni Vico at hindi ko sinayang ang pagkakataon na yun para makatakbo at makapasok sa bahay na nilalamon na ng apoy. Narinig ko pang mga boses nila na tinatawag ang pangalan ko pero nakapasok na ko sa loob."Hoy Leigh, ano bang nangyayari sayo bigla ka natulala diyan?" naZhelle's POV"Kaya nga mag-iimbestiga tayo, aalamin natin kung sino nasa likod nito"Papasok na ako sa bahay ni Vico nang marinig ko ang boses niya at pawang pinag-uusapan nila ang nangyayari na pagkawala ng mga kaibigan namin. Nasa tapat na ako ng pinto at akmang bubuksan iyon ay napahinto ako sa sunod na narinig ko."Pero paano kung malaman nila na pinaghihinalaan natin sila" alam kong boses iyon ni Louie, hindi muna ako tuluyang pumasok at nagantay nang sasabihin ng kausap niya."Kelangan natin mag-ingat, dapat hindi malaman ni Annie o ni Zhelle na iimbestigahan natin sila"Nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko, hindi ko napigilan kaya't pumasok na ako."Ako? Iimbestigahan niyo?" tanong ko sa kanilaNakita ko kung paano sila nagulat nang makita ako."Zhelle?" sabay-sabay na banggit nila sa pangalan ko.Hindi ko alam kung anong dapat sabihin, naramdaman ko nalang na pumatak ang mga luha g
"Po? Kidnapping? Hindi po talaga kidnapping ang nangyari sa mga kaibigan ko" tila nagulat siya sa aking mga sinabi at nagtaka."Anong ibig mong sabihin Ms. Saavedra?" taking tanong niya.Ngayon parang nalilinawan na ako sa mga nangyayari na totoo nga ang hinala ko kung bakit hindi alam ng mga pulis ang nangyayari sa amin, mukhang wala silang binanggit tungkol sa video natatanggap namin.Nagdalawang isip ako kung tama ba ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong dahilan nila bakit itinago nila ito sa mga pulis."Ms. Saavedra! What do you mean na hindi nga kidnapping ang nangyari sa mga kaibigan niyo? May alam ka ba sa mga nangyayari?" tanong niya sa akin"Ah-h k-kasi po..""Kung makakatulong ito sa imbestigasyon, kelangan mong sabihin sa akin"Tama nga siguro siya, makakatulong iyon para malaman namin kung sinong gumagawa nito.Nilakasan ko ang loob ko na ipakita sa kanya ang mga video na natanggap namin pa
Chief Diego POV "Sir!" saludo at bati sakin ng isang pulis na pumasok sa Investigation Room. "Sir ito na po yung mga data na ni-request niyo po" sabay abot sa akin ng isang folder. "Salamat Officer Dela Rosa!" Sumaludo siya muli at lumabas na.Binuklat ko ang folder na naglalaman ng biography ng siyam9 na magkakaibigan, na ngayon ay misteryosong nawawala ang ilan sa kanila. Isa ito sa mga hinahawakan kong kaso, dahil sa mga imbestigasyon at mga interview ko sa mga ito ay nagkakaron ako ng hinala, kaya inutos kong kunin ang mga data tungkol sa mga ito. Binuklat ko rin ang isang folder na naglalaman naman ng mga data about sa kaso ng pagkamatay ni Kevin Francisco at pagkatrapped nito sa nasusunog na bahay. Alam kong tapos na at sarado na ang Investigation about dito, ngunit napag-alaman kong may involvement din ang mga magkakaibigan sa kasong iyon kaya muli ko itong pinag-aaralan. Una palang sila na
Vico's Point of view Halos nilibot ko na lahat nang lugar na pwedeng puntahan ni Zhelle pero wala akong nakita kahit anino man lang niya. Naghiwahiwalay kami sa pag-asang madali namin mahahanap si Zhelle. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makareceive ako mga text message mula sa kanya. Where are you? Nandito ako sa bahay niyo I want to talk to you, wag mo na muna sabihin sa kanila, ikaw lang gusto ko makausap Nang mabasa ko yun ay agad ko siyang tinawagan pero nakapatay na ang phone niya. Nagtaka ako kung bakit ako lang ang gusto niya makausap, pero isinantabi ko muna yun dahil ang mahalaga ay ayos na siya. Nagmadali ako bumalik sa bahay, gaya nang hiling niya ay hindi ko pinaalam kanino man na magkikita kami sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay tinanong ko ang mga kasambahay namin kung dumating na si Zhelle pero wala pa daw. Tiningnan ko muli ang text message niya para makasigur
Leigh's POV Sa ilang oras na paghahanap isang message ang aking natanggap, mula kay Zhelle. Leigh I'm here at the coffeeShop, puntahan mo ako dito, and please don't tell anyone ikaw lang gusto ko makausap. Dali-dali akong pumunta sa Coffeeshop at gaya nang sinabi niya wala ako pinagsabihan. Pagkarating ko dun nilibot nang mga mata ko ang bawat sulok nang Coffeeshop pero wala akong nakitang bakas ni Zhelle doon kaya nagtaka ako at nagtanong sa mga tauhan kung nakita nilang pumunta si Zhelle doon pero wala. Ilang saglit pa ay nakareceived ako nang tawag mula kay Vico "Hello Leigh, nasaan ka?" tanong niya sa kabilang linya "Nandito ako sa Coffeeshop, hinahanap ko pa rin si Zhelle, nasaan ka ba?" sagot ko "Nasa bahay ako, nagtext kasi si Zhelle na pumunta daw siya sa bahay, gusto niya daw ako makausap pero pagdating ko wala naman siya dito" sa narinig ko ay parang may maling nangyayari "W
Ilang oras kami naghintay sa bahay ni Vico pero walang dumating na Zhelle at Jerry, sinubukan namin ulit tawagan ang phone niya pero patay na ito at walang sumasagot, hanggang sa makareceived kami pareparehas nang isang katakot-takot na mensahe gamit ang numero ni Zhelle na nagtext sa amin kanina, ngayon malinaw na sa amin kung sino ang nagpadala nang mga mensahe sa amin ito ay para lituhin kaming lahat. Siya ang kumuha nang phone ni Zhelle. This time, ipinadala na niya s amin ang pang-apat na video, at ang biktima niya ay walang iba kundi si Zhelle, pero hindi pa doon natapos ang kabigla-biglang balita nang muli na naman siyang magpadala nang mensahe. Isang text message na nagsasabing... -Pagsinuswerte ka nga naman, it's like hitting two birds with one stone., at kasunod noon ay isang picture message nang bote na nakatapat na ito sa larawan ni Jerry.- Ngayon sa isang iglap hindi lang isa ang nakuha niya kundi dalawa, pero kung si Zhelle lang talaga a
Chief Diego POV "Anong estado nang pinapagawa ko sayo?" tanong ko sa tauhan kong inutusan ko, para sundan si Zhelle Saavedra Tinawagan ko siya para humingi nang progress sa pinagagawa ko sa kanya. "Sir, sorry Sir di ko na siya nasundan, nung huling kita ko sa kanya nakakulong pa siya sa presinto kaso di ko naabutan ng piyansahan siya nang kaibigan niya" sagot nito sakin "Ano? Hanapin mo ulit siya, hindi pwedeng mawala sa paningin mo si Saavedra, hindi maganda ang kutob ko sa kanya kaya kailangan mo siya imbestigahan" "Yes, Sir!" pagkasabi niya nun ay pinatay ko na ang tawag. Kinuha ko sa ibabaw ng table ko ang mga folders na naglalaman ng mga data ni Zhelle Saavedra. Matapos imbestigahan si Zhelle Saavedra, napag-alaman kong siya pala ang dating kasintahan ni Kevin Francisco, na nasunog at namatay sa loob mismo ng bahay ng mga Saavedra, at sa kagustuhan nitong mailigtas ang kasintahan ay muntik narin ito
Louie's POV "Kuya? Kumusta na nga pala, may balita na ba sa pagkawala nina ate Abby, kuya Sam at kuya Yosep?" biglang tanong sa akin nang kapatid kong si Sab habang nasa hapag-kainan kami at nagbebreakfast. Hindi pa niya alam na pati si Jerry at Zhelle ay nawawala na din. "Ahm wala pa din kaming balita sa kanila" sagot ko sa kanya "Kuya natatakot ako para sayo, isa-isang nawawala ang mga kaibigan mo ng hindi natin alam ang dahilan, paano kung... isang araw mawala ka din? Umalis na lang kaya tayo ng Pilipinas?" alalang sabi niya sa akin "Wag kang mag-alala Sab, walang mangyayaring masama sa akin, tsaka sa ngayon hindi ko pwedeng iwan ang mga kaibigan ko, kailangan namin ang isa't isa" muling sagot ko sa kanya "Pero Kuya-" hindi niya na naituloy nang lumapit sa amin ang aming maid "Sir Louie, pasensya na po, ibibigay ko lang po ito, para po ata sa inyo, naglilinis po ako kanina sa labas nang baha
Annie’s POV Bago ko pihitin ang seradura ng pinto ay makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung tama ba ang desisyon at plano na gagawin ko. Nang makita ko ang natitirang oras sa relo ko ay pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang gumugulo sa isip ko, hindi dapat ako mag-aksaya ng oras, kailangan kong doblehin ang kilos ko, lalo na at hindi ko kakayanin mag-isa na mailigtas silang lahat. Bahala na, yun na lang ang tanging nasabi ko nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Pagkabukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang ang isang taong nagpupumilit makalabas sa loob ng aquarium, sinusubukan nitong basagin ang malapad na salaming nakapalibot dito sa pamamagitan nang pagbangga nito nang kanyang katawan sa tila rehas na pinakukulungan nito, hindi pa man ganun kadami ang tubig sa loob ay kita sa kilos niya ang kagustuhang makaalis doon. Agad naman niyang napansin ang presensya ko. Nang magtama ang kanyang mata sa mga mata ko ay nakita ko na sumilay doon ang pag-asang may
"Pakawalan mo ko dito!!! Ano ba!!!" sigaw ko sa kanya, ngunit hindi niya parin ako pinansin. Nakatutok siyang maigi sa monitor ng laptop niya. "Hey! Take a look at them! Parang sabik na sabik na silang malaman kung sinong unang ililigtas mo." Ngayon ay nakaharap naman siya sa akin. "Ang malaking katanungan, sino nga ba sa kanila ang mas mahalaga para kay Annie??!!" Kitang-kita ko sa mga mukha niya ang excitement sa pagkakasabi niya nun. "Sisiguraduhin ko maililigtas ko sila lahat, gagawin ko lahat para mabuhay kami at makawala dito, makawala sa kabaliwan mo!" "Ssshhh, stop talking nonsense! Hahaha Paano mo nga naman magagawa yun kung nandito ka at walang magawa para mailigtas ang sarili!" Pinupuno na talaga ako nang babaeng ito. Hindi ko pa rin alam kong bakit gustong gusto niya ako pahirapan, kung bakit naging kasalanan ko ang kasalanan ng nanay ko sa pamilya niya, kung kasalanan ngang matatawag iyon. "Sige na nga, wag
"Say hello to your f*ck*ng friends!!!" Pagkasabi niya nun ay iniharap niya sa akin ang screen ng hawak niyang portable laptop. Kung hindi ako nagkakamali ay kuha iyon sa sa iba't-ibang CCTV cameras, napansin kong pamilyar ang mga lugar na iyon, at ng bigla kong napagtanto..., napanganga ako sa nakita ko, silang ngang lahat ang nasa video, at nabigla ako sa sitwasyon nilang lahat, bumuhos na lahat ng emosyon sa akin, tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. "Hayop ka Leigh! Anong balak mong gawin sa kanila??" Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko dahil sa halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Ang sitwasyon nila ang lubhang nakabahala sa akin, sa obserbasyon ko sa video na pinakita niya sa akin nasa magkakaibang silid sila at tama ako na pamilyar ako sa lugar dahil nadito parin sila sa abandonadong bahay nina Zhelle na kinaroroonan din namin ni Leigh, pero ang kaibahan namin ng sitwasyon ay kung ako nakatali parin sa kinauupuan
Annie's POV --------------------------------------"Mommy! Wag mo ko iwan! Please, Mommy!" Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari ngunit alam kong ang pagalis na ito ni Mommy ay sigurado akong matagal na siyang hindi makababalik, hindi katulad nang aking nakasanayang pagalis niya araw araw ngunit nakakasama ko naman siya lagi pagsapit nang gabi. "Umalis ka na! Wag na wag ka na magpapakita sakin kahit kelan!!" nakakarinding sigaw ng Daddy ko kay Mommy. "Mommy, sasama ako sayo!!!" niyakap ko lang siya nang mahigpit gusto kong sumama sa kanya, ngunit gusto ko ding kasama si Daddy. "Annie! Go to your room now!" utos sakin ni Daddy ngunit hindi parin ako kumakawala sa Mommy ko. Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan, kita ko ang mga luha sa mga mata niya na lalong nagpaiyak sa akin. "Baby! Makinig ka kay Daddy! Go to your room na, don't worry, babalik si Mommy ha! Babalikan ka ni Mommy!" pag-aalo niya sa akin. "Per
Chief Diego POV "Ayon sa imbestigasyon at mga ibedensyang nakalap alam na kung sino ang suspek sa nangyayaring series of kidnapping sa isang groupo nang magkakaibigan." Panimula ko sa isinasagawa naming pagpupulong, tinipon ko ang aking mga tauhan para sa isasagawa naming operasyon para mahanap na ang nawawalang magkakaibigan at para hulihin ang suspek sa pangyayari. Nandito kami ngayon sa loob ng isang silid kung saan ay pinatawag ko lahat ng mga maaaring makatulong sa isasagawa naming operasyon. Lumapit ako sa malaking screen na nasa harapan, nag-flash doon ang mga mukha ng siyam na magkakaibigan. "Sila ang magkakaibigan nasasangkot sa series of kidnapping, si Abby Jimenez ang kauna-unahang nawala, sinundan ito ni Yosep Deguzman, Jay Sam Toledo, samantalang magkasabay namang nawala sina Jerry Ramirez at Zhelle Saavedra, at nito lang nakaraan ay naireport na nawawala na din si Annie Mendez. Sa magkakaibigan silang tatlo na
Annie's POV ...at present Lahat kami nabigla sa lahat ng mga sinabi niya, hindi makapaniwala na pinagplanuhan lahat ni Leigh pati ang pakikipagkaibigan sa amin. Ngunit sa mga rebelasyong narinig namin ay ako ang lubos na naaapektuhan, ako ang dapat sisihin kung bakit pati mga kaibigan ko ay nadamay sa galit niya sa Nanay ko. "Leigh, kung ano man ang nagawa ng Mommy ko sa pamilya mo, ako na humihingi ng tawad, ako nalang pagbayarin mo, hindi mo na kailangan idamay pa sila" pagmamakaawa ko sa kanya. "Ahahahaha, Annie! Teka lang ha! Hindi nalang basta tungkol 'to sa kasalanan ng Mommy mo sa amin, nalilimutan mo na ba ang pagkawala ni Kevin dahil din sa inyo, dahil sa inyong lahat!!!" "Kaya kung may dapat magbayad, hindi lang ikaw Annie, lahat kayo!!!" Unang pagkakataon na makita ko si Leigh sa ganoong kalagayan, na nakakasindak at punong puno ng poot at galit ang nararamdaman. Ibang-iba sa pagkakakilala
Annie's Abduction"Leigh! Pati ba naman ikaw, naniniwala na kaya kong gawin yun?"Tanong kay Leigh ng kinamumuhian nitong tao. Gustuhin niya mang ibuhos ang galit nito sa kanya araw araw tuwing nakikita niya ito pero pilit parin niyang pinipigilan para sa mas malaking plano. Mas malaking plano na sinisigurado niyang hindi nito malilimutan hanggang sa huling hininga nito."Bakit hindi ba Annie? Tsaka pwede a tigilan mo na ang pagpapanggap mo dahil hindi na kami naniniwala sa-" naputol ang sasabihin niya nang may lumabas sa bahay na isang babae at tawagin nito si Annie."Maam Annie! Si Madam Zenny po!" tawag sa kanya nang isang babae.Nakaramdam ito nang paninindig balahibo nang marinig niya ang pangalang iyon. Iisa lamang ang kilala niyang nagmamay-ari ng ganong pangalan at ito ang taong ayaw na niyang maalala at makita pa.Sana mali, sana mali ang narinig ko. Sabi niya sa kanyang isip.Sa kabi
Zhelle's and Jerry's AbductionTuwing mapagtatagumpayan nila na makuha ang kanilang mga biktima, ay hinahayaan niya si Zhelle na ang magdala noon sa kanilang hideout. Iniingatan niya ang sarili na hindi makita o makilala nino man sa mga ito.Mas mabuti nang si Zhelle lang ang kamuhian nila, tsaka na niya ilalantad ang sarili pag natapos na ang kanyang plano.Nang muling magkita ang dalawa ay nagusap na sila ng susunod na plano."Ano nang susunod na plano natin Leigh?"Hindi pa niya nasasagot ito sa tanong nito ay nag ring na ang kanyang phone. Sinagot naman niya ito agad."Hello, Leigh nagtext ba sayo si Sam kung nasaan siya? Tinawagan kasi ako nang Mommy niya di pa daw umuuwi, Nagalitan ata ng Daddy niya kanina, umalis daw sa office at hanggang ngayon hindi pa daw umuuwi, hindi kaya, nakuha na din siya?""Diyos ko, wag naman sana! Natanung mo na ba sila baka alam nila kung nasaan si Sam, Si Annie,
Sam’s Abduction "Ahm guys pwede bang mauna na ako sa inyo? Pinapapunta kasi ako ni Daddy sa office." paaalam ni Sam Nagkatinginan si Leigh at Zhelle. May binuo na muli silang plano. "Samahan na kita, sabay na ako sayo, parehas lang naman way natin pauwi, nagmamadali din kasi ako may kailangan lang ako gawin, Kung okay lang naman sayo" tanong ni Annie "Sige, No Problem! tara! Guys' sorry ha, baka masabon na naman ako ni Daddy pag hindi ako nakarating" "Sige, basta mag-iingat kayo ha!" paalala ni Leigh ngunit sa loob niya ay magandang pagkakataon na ito para magawa ang susunod na plano. Nang makaalis si Annie at Sam, sinundan nila ito. Mula sa pagbaba ni Annie, pag-dating ni Sam sa opisina ng daddy nito at paglabas nito doon. “Bakit ba hindi nalang si Annie ang kunin natin!” tanong ni Zhelle sa kasama“Hindi pa sa ngayon, may plano ako para sa kanya, pagkinuha natin si Sam, maaaring isipin nila na s