Pagdating ni Vena sa bahay nila ay kaagad siyang dumiretso sa kaniyang silid upang mag- empake. Oo nga at pina- delay nila ang flight ni Maxene pero syempre ay kailangan niyang tumakas mula sa Daddy niya. Naisip nga niya na ilang pares lamang ng damit ang idadala niya at doon na lamang siya bibili ng damit niya para hindi siya mahirapan sa pagbibitbit.Isa pa ay para hindi magtaka ang kaniyang ama kung bakit saan siya pupunta. Habang pauwi pa lamang siya kanina ay naplano na niya kaagad ang mga gagawin niya pagdating niya. Sinabi niya rin sa mga ito na bilisan nila ang paghahanda nila ng mga gamit dahili gusto niya ay aalis sila kaagad.Baka mamaya kasi ay pigilan na naman siya ng kaniyang ama sa plano niya. Abala siya sa pamimili kung anong damit ang mga dadalhin niya nang bigla na lamang siyang nakarinig ng marahang pagkatapok sa kaniyang pinto. Ini- lock niya iyon para hindi makapasok ang sinuman at makita nila ang ginagawa niyang pag- iimpake.“Sino yan?” tanong niya habang namimi
“What?!” malakas ang naging boses ng ama ni Vena dahil sa kaniyang narinig.Nasa harap sila ng hapag kainan ng mga oras na iyon at kaharap niya ang mga anak niyang lalaki. Sa hapag lang sila talaga nkukumpleto ngunit madalas ay may kulang sa kanila lagi at katulad ngayon, si Vena ang wala. Pinapatawag niya ito sa kaniyang silid upang tawagin at kumain na ngunit sinabi ng isa sa mga kaharap niya na wala daw ito roon dahil umalis daw ito ng bansa.Hindi pa man siya nakakapag- umpisang kumain ay tila ba nawalan na siya kaagad ng gana dahil sa narinig niya. Napahilot na lamang siya sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon dahil sa inis. Wala na talaga itong ginawa sa buhay nito kundi magliwaliw. “Ilang beses ko siyang pinapatawag para pumunta sa akin at may importante akong sasabihin sa kaniya pero hindi siya nagpupunta at ngayon nasa ibang bansa na siya?” hindi makapaniwalang bulalas niya na may kasama pang pag- iling.“Parang hindi mo naman kilala ang anak niyong iyon Daddy.” komento na
Napabuga ng hangin si Vena at pagkatapos ay tinanggal niya ng kaniyang suot na shades. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang makarating sila doon at wala silang ginawa kundi ang mamasyal na sagot niya syempre. Hindi naman ikahihirap ng pamilya niya gagastos siya ng ilang daang libo o ng ilang milyon pa dahil mayaman naman sila at masasabi niyang sobra- sobra ang pera nila.Bago siya umalis ng bansa ay ininform niya lang ang isa sa mga kapatid niya na aalis siya ng bansa para kung sakaling hanapin man siya ng kaniyang ama ay alam ng mga ito kung nasaan siya. Isa pa ay tyaka lang niya sinabi sa mga ito na aalis siya ay noong nakasakay na siya mismo sa eroplano bago ito mag- take off para hindi na siya mapigilan pa ng mga ito at simula ng araw na iyon ay hindi niya pa binubuhay ang cellphone niya dahil ayaw niyang tawagan siya ng tawagan ng kaniyang ama.Kilalang- kilala na niya ito at alam na alam na niya ang ugali nito lalo na at sa ibang bansa na siya pumunta. Kung sa bahay lang
Biglang nanlaki ang mga mata ni Vena dahil sa kaniyang narinig. Una pa lang pala ay alam na nito kung bakit siya sumama doon pagkatapos ay hinayaan siya nitong sumama kahit wala naman pala doon si Andrei. Unti- unting napakuyom ang mga kamay niya dahil sa labis na inis.Nag- aksaya lang pala siya ng oras sa pagpunta doon at wala naman pala doon ang gusto niyang makita sana. Sinamaan niya ito ng tingin. Unti- unti naman umarko ang isang ngisi sa mga labi nito.“Alam ko namang siya lang ang pinunta mo rito.” natatawang sabi nito at pagkatapos ay napailing. “He’s busy as of the moment. Hindi nga namin siya napilit na isama e.” sabi nito sa kaniya.Kitang- kita naman niya ang pagkalito sa mukha ng babae na nag- aasikaso sa mga dalawang bata na naroon.“Asshole.” iyon na lamanga ng nasabi niya at pagkatapos ay inis na tumabi rito.Natawa lang naman ito dahil sa naging reaksiyon niya. Wala siyang nagawa ng mga oras na iyon kundi ang mapabuntung- hininga na lamang. Akala pa naman niya ay mak
Hindi namalayan ni Vena na napasarap na pala ang kwentuhan nila ni Adrianne kaya nang mapansin niya na sobrang tagal na pala niya doon ay nagpaalam na siya. Ayaw pa nga sana siya nitong payagan na umalis dahil hindi pa sila nakakapagkwentuhan ng sobrang tagal ngunit nagpaalam na talaga siya dahil baka mamaya ay hinahanap na pala siya ng mga kaibigan niya.Wala na rin naman itong nagawa kundi ang payagan siyang umalis dahil pinilit niya talaga ito. Mabuti na lamang at tulog na ng mga oras na iyon si Gwen dahil kung gising lamang daw ito ay panguradong nag- iiyak ito. Ang lalaking kinaiinisan niya naman ay wala doon dahil abala sila na nag- uusap ni Zake kaya hindi na rin siya nakapagpaalam sa mga ito.Pagkalabas niya nga sa yate ay kaagad siyang luminga- linga sa kaniyang paligid at pagkatapos ay naglakad- lakad upang hanapin ang mga ito. O kaya ay babalik na lamang siya sa kung nasaan siya kanina. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang nakabalik sa kung nasaan siya kanina ngunit w
Ilang minuto na ang nakalipas nang matapos ang tawag ngunit nananatili pa ring nakatitig siya sa kaniyang cellphone. Tila nanginginig ito. Nang mga oras na iyon ay hindi niya alam kung ano nga ba ang kaniyang mararamdaman. Tila siya nae- excite na kinakabahan na medyo nalilito dahil paano nangyari iyon?Bakit bigla- bigla na lamang siyang ikakasal at kay Andrei pa? Paano nangyari iyon? Sa mga oras na iyon ay wala pa siyang clue kung paano nangyari iyon. Bigla naman siyang napaisip. Hindi kaya pinuntahan siya sa bahay nila at na- realize nito na siya ang mahal nito at pagakatapos ay hiningi na nito kaagad ang kamay niya sa kaniyang Daddy?Ganun kaya? Dahil sa kaniyang naisip ay hindi niya maiwasan ang hindi kiligin. Hindi kaya biglang nagbago ang ihip ng hangin? Sa mga oras na iyon ay tila nakaramdam siya ng matinding kagustuhan na umuwi ng Pilipinas. Hindi na siya mag- aaksaya pa ng oras na manatili doon dahil baka mamaya ay muli pang magbago ang isip ng mahal niyang Andrei.—--------
Isang katok ang narinig ni Vena. kagigising niya lang ng mga oras na iyon at nakahiga pa siya sa kaniyang kama. Madilim na rin sa labas dahil naiwan niyang bukas ang bintana niya kanina at hindi niya na nagawang isara. Napatagal pala ang tulog niya ng hindi niya inaasahan, marahil ay sa sobrang pagod talaga niya.Nang mga oras din na iyon ay ramdam na niya ang pagkalam ng sikmura niya. Hindi rin kasi siya gaanong nakakain ng maayos sa kaniyang byahe kanina. Akmang magsasalita pa lamang sana siya nang bigla na lamang bumukas ang pinto at inuluwa nito si Ceazar.Nakasuot pa ito ng long- sleeve na nakatupi hanggang sa siko nito at halatang- halata na halos kagagaling lamang nito sa opisina. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kaniya? Napatitig siya rito at inantay na magsalita ito. Pagkatapos nitong isara ang pinto ay sumandali ito doon at pagkatapos ay ibinulsa ang kaniyang mga kamay.“We will having a dinner tonight with the Samaniego family.” sabi nito habang nakatitig sa kaniya.Pag
Eksaktong alas syete ng gabi nang bumaba si Vena sa kanilang sala. Hindi na niya hinintay pa na tawagin siya mula sa kaniyang silid at siya na mismo ang nagkusa upang bumaba. Gusto niya na pagpasok na pagpasok pa lamang ni Andrei sa bahay nila ay makita na nito kaagad ang kagandahan niya.Nas kalagitnaan na siya ng hagdan pababa nang biglang sabay- sabay na naglingunan ang mga kapatid niya sa kaniya na nasa sala at harap- harap na nakaupo. Kumpleto ang mga ito mula sa paborito niyang Kuya ang panganay hanggang kay Ceazar. Ang kanilang ama ay naroon din.Kitang- kita sa mga mata ng mga ito ang paghanga habang natingin sa kaniya. Sino ba naman ang hindi hahanga e sobrang ganda niya.Napangisi siya ng makita ang mga itsura ng mga ito pagkakita sa kaniya at halatang gulat na gulat sa suot niya. Ang kaniyang ama ang unang nagsalita.“Kung ganiyan lagi ang sinusuot mo.” komento nito sa kaniya.Napaingos naman siya at pagkatapos ay pinahaba niya ang kaniyang nguso. Paano ba naman ay nakasuo