EIGHTY ONE
NAGISING siya na tuyong - tuyo ang lalamunan niya. Hindi niya alam kung bakit ngunit nasisiguro niyang kailangan niya ng tubig sa mga oras na iyon. Kailangan niyang uminom dahil uhaw na uhaw siya.
Halos wala ng tubig ang kanyang bibig ng mga oras ns iyon. Ala una na pala ng madaling araw ng linungin niya ang kanyang wall clock na nakasabit sa dingding ng kanyang silid.
Napilitan siyang bumangon at tumayo mula sa kanyang kama. Hindi niya alam kung bakit natuyuan ang kanyang bibig parang ngayon lamang nangyari sa kanya iyon at hindi niya alam kung bakit.
EIGHTY TWONAGISING siya na nasa loob na siya muli ng kanyang silid ngunit ang iponagkaiba lang ay nakakadena na naman muli ang mga kamay niya kung saan wala na naman siyang laya at hindi na naman siya makaalis mula doon.Pinilit niyang hugutin ang kanyang mga kamay mula doon ngunit hindi niya nagawa. Tanging pamumula lamang ng kanyang pulsuhan ang nakuha niya at pagkatapos ay naramdaman niya ang sakit ng kanyang kamay.Niyuko niya ang kanyang sarili. Bakas pa rin doon ang mga dugo na sa malamang ay nakuha niya iyon noong niyakap niya ang kanyang ama noong pagkatapos nitong bariliin nito.
EIGHTY THREEPAGKATAPOS niyang maligo ay nagmadali na siyang lumabas dahil kanina pa katok ng katok ang babaeng isa na nasa loob ng silid na iyon. Hindi niya maiwasan ang mainis dahil rito, hindi niya pa naman sanay yung inaapura siya.Ilang saglit pa ay lumabas na siya sa loob ng kanyang banyo. Hindi niya na naiwasan ang umirap sa babaeng nasa harap niya ng mga oras na iyon dahil malamang ay ito ang taong katok ng katok sa kanya kani - kanina lang.Agad siyang pinaupo ng mga ito sa harap ng salamin at hindi niya malaman kung bakit. Basta na lamang siyang pinapikit ng isa sa mga ito dahil ito ang nagsisilbing make up artist niya kuno.Hinayaan na lamang niya ang mga ito na gawin kung ano ang mga bagay na gu
EIGHTY FOURPAGKATAPOS niyang sabihin iyon ay agad sila pareho nakarinig ng mga putok at ilang mga pagsabog. Halos yumanig ang buong bahay dahil sa mga pagsabog na nagaganap sa paligid nila.Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya sa mga oras na iyon. Ilang saglit pa ay mas tumindi lamang ang naririnig nilang mga putok ng baril at hindi niya alam kung ano na nga ba ang nangyayari sa labas. Ano na kaya ang dahilan kung bakit may mga putok ng baril silang naririnig sino kaya ang mga ito?Sila Zake na kaya iyon?Nakaramdam siya ng tuwa ng mga oras na iyon. Ilang saglit pa ay may pumasok sa loob ng silid kung saan agad na kinalagan ang kadena na nakalagay sa mga kamay ni Sheena. Samantalang siya ay iniwan ng mga mga ito na naroon."Tanggalin niyo din ang kadena niya." Utos nito sa isang lalaki na nagtanggal sa kadena nito ngunit umiling ang lalaki at p
EIGHTY FIVEAGAD na naglakad si Zake upang suntukin ito. Wala na itong pakialam sa nakatutok na baril sa kanya at hindi na nagpigil na naglakad papunta kay Nick.Naging mabilis ang mga kilos ni Zake habang naglakad palapit dito at hindi naman naiputok ni Nick ang baril kaagad. Hindi nito inakala na maliksi ang kilos nito at pagkatapos ay mabilis na itong nakalapit dito. Agad niya lumihis at lumayo sa mga ito dahil baka madamay pa siya. Alam niya namang kayang - kaya ito ni Zake dahil nakikita naman niyang mas malaki ang katawan ni Zake kaya rito.Hindi na siya nakiaalam pa at hinayaan na lamang niya ito na nakipag suntukan dito. Kitang - kita niya ang galit sa mga mata ni Zake habang sinusuntok ito. Hindi biro ang mawalan ng magulang at ngayon ay alam niya na ngayon kung ano nga ba ang pakiramdam ng mawalan ng magulang. Naiintindihan niya ang galit na nararamdam
EPILOGUE Sa buhay talaga ng tao ay maraming pagsubok ang dumarating, pagsubok na susubok talaga sayo kung dapat nga ba na magpatuloy ka pa sa iyong buhay. Napabuntung - hininga si Addie habang nakatitig sa dalawang nitso na nasa harap niya ng mga oras na iyon. May mga luhang sumungaw sa kanyang mga mata at hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili na hindi mapaiyak sa mga oras na iyon. Its been 2 years since that day. Napapikit siya nang muli na namang bumalik sa kanyang isip ang mga alaalang nananatili sa kanyang puso.
Andrei Samaniego is Vena's man of her dreams. Good looking and talented man with a brilliant mind.But the thing is, he doesn't even give a damn with her beauty. It doesn't affect him.Pero as a Silvestre's unica hija ay lumaki siyang spoiled at nakukuha lahat ng gusto niya so hindi siya sumuko. Ginawa niya ang lahat para magpapansin dito at ang malala pa ay nagtapat siya rito sa madaming tao kung saan ay tinanggihan siya nito ngunit hindi siya sumuko.Araw- araw niya pa rin itong pinupuntahan at nagpapansin rito at umaasa na isang araw ay magustuhan na siya nito ngunit gumuho ang mundo niya ng bigla na lamang niyang nalaman na ikakasal na pala ito na dahilan para magpaguho ng mundo niya.She left without a word, umaasa na sa kaniyang paglayo ay makakalimutan na niya ito. Subalit, sadyang mapaglaro ang tadhana at isang linggo lamang pagkatapos niyang umalis ay ipinatawag siyang muli ng kaniyang ama dahil ang kasal daw nila ni Andrei ay nakatakda na.Ito kaya ang magiging simula ng pag
Umaalingaw- ngaw ang malakas na music sa loob ng bar. Halos hindi na magkarinigan ang mga nasa loob kung hindi magsisigawan. Ang iba ay nagsasayaw sa dance floor at ang iba naman ay may ginagawa ng kababalaghan sa madilim na bahagi ng bar na iyon. Siya ang nag- aya sa mga kaibigan niya na mag bar sila pero siya yung hindi nag- eenjoy. Sino ba naman ang mag- eenjoy kung siya lang ang walang partner. Kanina pa nga siya kinakantyawan ni Samantha na makipagkilala na sa mga boys pero hindi niya pinakinggan. Well, marami na rin naman ang napansin niyang nakatingin sa kaniya pero kahit isa ay wala pa siyang nakitang type niya. Hindi naman siya basta- bastang pumapatol sa mga lalaki no. May ilang lalaki na rin ang lumapit sa kaniya pero wala talaga. Hindi niya trip ang mga nakikita niya at nakailang cocktail na rin siya pero matino pa naman ang utak niya. Kaya lang, ang isa niyang kaibigan ay kanina pa nasa gitna ng dance floor at ilang lalaki na ang nakasayaw. Ewan niya ba sa kaibigan ni
Napapahilot si Andrei sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon habang nakatingin sa monitor ng kaniyang computer kung saan ay paulit- ulit pa niyang binasa ang nakasulat doon. Sumasakit na rin ang kaniyang ulo dahil pilit niyang inaanalisa ang mga iyon. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nababasa. Paano nangyari ang bagay na iyon? Wala siyang kaide- ideya sa mga pangyayaring ganuon at hindi niya talaga inaasahan iyon. Nagulantang na lamang siya dahil nagpatawag ng board meeting ang isa sa investor ng kompanya ng kaniyang ama kung saan ay dumalo siya t doon nga niya nalaman ang lahat. Lumong- lumo siya dahil sa nalaman niya mgunit wala na siyang magawa pa. Ang kompanyang pinaghirapan ng kaniyang ama ng mahigit labin- limang taon ay malapit ng mawala sa kanila. Ang 85 percent share holder kasi ay ibang tao na at hindi niya alam kung sino ito dahil nakatago ang pagkakakilanlan nito. Ang 5 percent ay kay Mr. Delgado na plano na ring ibenta ito sa kaniya ngunit wala siyang perang malaki
AGAD NA lumayo muna si Finn kina Zake para nga sagutin ang tawag ni Beatrice ang kanyang girlfriend. Hindi niya akalain na tatawag ito ng mga oras na iyon. Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang magsalita ay narinig na niya ang tinig ni Beatrice sa kabilang linya. “Baby, will you come pick me up at the airport later?” malambing na tanong nito sa kaniya.Ilang sandali pa nga ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya bigla nang ma-realize niya ang sinabi nito, sunduin? Sa airport? Bakit? Uuwi na ba ito ng bansa? Hindi ba at ang sabi nito ay mga next month pa ito uuwi? Bakit parang napaaga yata? “Baby, are you still there?” muli nitong tanong sa kaniya nang hindi niya magawang sumagot sa tanong nito.“Ah, yes. Bakit parang napaaga yata ang uwi mo? Akala ko ba next month pa?” hindi niya naiwasang itanong dito dahil sa gulat na rin niya.Sa kabilang banda ay napanguso naman si Beatrice nang marinig niya ang sinabi ni Finn. “hindi ka ba masaya baby na umuwi na ako? Hindi mo ba
Mabilis pa sa alas kwatro na nakauwi si Maxene sa bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok niya agad doon ay agad ipina-lock ang gate at takot na takot na pumasok sa loob.Kaagad niyang hinanap ang kanyang mga anak na noon ay naglalaro pala sa silid sa itaas. Nang makita siya ni Dorie na pumasok ay bahagya itong nagulat. “Maam, na-nandito na po kayo kaagad? Hindi po ba at halos kaalis niyo lang?” tanong nito sa kaniya na puno ng pagtataka.Sinulyapan niya naman ito at pagkatapos ay tinanguan. “Oo, may nangyari kasi. At gusto ko sana Dorie na i-empake mo na ngayon din ang mga gamit ng dalawa. Aalis na ulit tayo ngayon din.” sabi niya rito.Kung kanina ay pagtataka lamang ang mababanaag sa mukha ni Dorie nang mga oras na iyon ay napalitan ito ng matinding pagkagulat. Nakita niyang ibinuka nito ang bibig at pagkatapos ay isinara, marahil ay gusto nitong magtanong ngunit hindi na lamang nito itinuloy iyon at pagkatapos ay tumango sa kaniya at nagpaalam.Agad naman siyang lumapit sa kanyang mg
Hinalikan ni Maxene ang kanyang dalawang anak at pagkatapos ay nilingon niya si Dorie. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?” sabi niya rito. Mabilsi naman itong tumango sa kaniya. “Opo, maam makakaasa po kayo na aalagaan ko po sila.” sagot nito sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siya tumango at pagkatapos ay tumayo at lumabas na nang pinto at pagkatapos ay dumiretso na siya sa may labas kung saan ay nakaabang na ang kotseng sasakyan. Iyon pa lang ang pangalawang araw niya na dumating sa bansa. Sa katunayan nga ay wala sana siyang planong umuwi ng Pinas kung hindi nga lang ikakasal si Vena kaya napilitan siyang umuwi para dumalo. Isa pa ay halos ilang taon na rin naman silang hindi nagkikita nito kaya madami rin naman silang kailangang pagkwentuhan. Kaya lang, nung nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe ay bigla na lamang nagkaroon ng traffic jam kaya halos dalawang oras siyang na-stuck sa traffic. Idagdag pa na lowbat na pala ang kanyang cellphone kaya hindi siya makatawag sa kan
NAPANGITI si Vena nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin. Halata rin sa kanyang mukha ang saya niya dahil sa araw na iyon ay muli silang ikakasal ni Andrei pero ngayon ay sa simbahan na kung saan ay dadalo ang lahat ng kaibigan at mga kakilala nila hindi katulad noong una nilang kasal na wala man lang silang kabisi-bisita. Habang nakatitig siya sa kanyang sarili ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil parang kailan lang ay hinahabol niya lamang si Andrei ngunit ngayon ay ikakasal na sila sa pangalawang pagkakataon. Idagdag pa na mayroon na rin silang anak ngayon na isang buwang gulang pa lamang. Walang salitang makakapaglarawan ng kasiyahang nararamdaman niya sa mga oras na iyon pero ganun pa man ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot. Ikakasal siya pero hindi man lang nakita ng kanyang Kuya Vin kung gaano siya kasaya na natagpuan na niya ang lalaking mamahalin at magmamahal sa kaniya. Noong panahong malaman niya na wala na ang Kuya Vin niya at hindi na nakita pa a
ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.
“What? Wala sila sa loob? Walang tao sa loob?” takang-takang tanong ni Finn sa kanila ni Luke.Napakuyom lamang ang mga kamay niya at pagkatapos ay hindi siya nakasagot. “That’s impossible.” dagdag pa nito. Napakaimposible nga naman talaga na wala sila doon at ayon pa kay Luke ay puro pader na raw iyon at wala man lang kabinta-bintana sa loob kaya wala silang posibleng lalabasan.Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay dahil sa matinding galit.“Baka wala talaga sila sa loob?” tanong naman ni Thirdy pero napailing siya.“Imposible iyon dahil narinig namin na kausap lang ni CAthy kanina si Ceazar bago kami umatake.” sagot naman niya rito.Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila nang bigla na lamang basagin ni Finn iyon.“Kung puro pader na angdalawang kwarto na pinasok mo, wala silang ibang lalabasan kung hindi ang isang hidden door.” sabi nito.“Pero malabo din iyon. Wala akong nakitang kahina-hinalang siwang sa mga pader isa pa ay sementado ang mga iyon.” mabilis nama
“Ano?!” malakas na sigaw ni Ceazar dahil sa isinigaw ng tauhan niya. Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad niyang binitawan si Cathy na ng mga oras na iyon ay wala ng malay dahil sa sakal niya. Mabilis na isinara ng kanyang mga tauhan ang pinto at siya naman ay kaagad na tumakbo sa kanyang kwarto at upang kuhanin ang baril niya. Shit! Mura niya sa kanyang isip habang nag-aapura. Mabilis niyang hinanap ang susi ng silid ni Vena at pumasok doo at naabutan niya itong tulog sa kama. Hindi na siya nag-aksaya pa ang oras at mabilis na binuhat ito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ginawa niya kanina. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay ito naman ang may kasalanan. Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at ini-lock iyon at pagkatapos ay inilapag s