Share

Chapter 70

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2022-02-23 09:49:31

SEVENTY

BUMABA siya sa kanilang kusina pagkatapos niyang maligo. Wala siyang naabutang tao doon nang bumaba na siya kaya kumain na lamang siyang mag - isa. Hindi pa nga pala siya kumain kagabi, isa pa ay kailangan niyang kumain ng kumain upang makabawi siya ng lakas niya..

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaharap sa hapag, kahit hindi na siya kumakain ay nanatili lamang siya doong nakaupo at nakatitig sa kawalan habang nakasandal sa upuan ng inuupuan niya.

Hindi na niya alam kung ano ang dapat niya pang isipin ng mga oras na iyon. Gusto na niyang iwasan si Nick pero paano niya iyon gagawin? Paano niya sasabihin dito na wala na kahit isang katiting siyang pagtingin dito na nabaling na niya lahat ang kanyang pagmamahal kay Zake ng mga oras na iyon.

Hindi niya din ala

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Victoria Amata
thank you please unlock
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 71

    SEVENTY ONENANGHIHINA siyang naglakad paupo pabalik sa kanilang kusina, muli siyang naupo sa inupuan niya kanina. Nanginginig pa ang mga tuhod niya ng mga oras na iyon dahil sa takot na hindi niya naman alam kung bakit niya naramdaman.Agad namang lumapit sa kanya ang kanyang Daddy at tiningnan siya kung may masama na bang nangyari sa kanya.Puno ng pag - aalala ang mukha nito ng mga oras na iyon. Napaiwas siya ng tingin dito at tumingin sa ibang direksiyon. "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?" Sunod - sunod ng tanong nito sa kanya. Isang iling lang ang naging sagot niya rito, hind

    Last Updated : 2022-02-24
  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 72

    SEVENTY TWOPASADO alas sais na nang lingunin niya ang wall clock na nakasabit sa dingding niya. Napalingon din siya sa labas ng kanyang bintana kung saan iniwan niya talaga iyong bukas ng mga oras na iyon.Naglalaban na ang dilim at liwanag ng mga oras na iyon at halos mas nananaig na ang kadiliman kaya malapit ng tuluyan na magdilim ang buong labas dahil gabi na.Hindi niya pa rin maintindihan ang lahat ng mga nangyayari sa mga oras na iyon. Agad siyang tumayo kanina at umalis sa harap ng lamesa pagkatapos nilang mag - usap ng kanyang ama upang i - empake lahat ng gamit niya. Napakadami niyang gamit at mga damit ngunit pinili lamang niya ang kanyang mga dinala na inilagay niya sa kanyang maleta.Akala niya ay nagbibiro lamang ang kanyang ama sa sinabi nitong pag - iimpake dahil kanina noong pumasok siya sa kanyang silid at nahiga sa kanya

    Last Updated : 2022-02-25
  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 73

    SEVENTY THREETUMAWA ito dahil sa pagsigaw niya. Tawa ng tila isang baliw.Napapikit ng mariin ang kanyang ama na tila hinihintay nito na kalabitin na nito ang gatilyo ng baril na nakatutok na sa ulo nito. Ang kanyang ina ay napaiyak ng malakas dahil sa matinding takot.Muli siyang nagpumiglas na makadaan sa mula sa mga lalaking nasa harap niya na pumipigil sa kanya ngunit sadyang malakas talaga ang mga ito at hindi siya makadaan.Wala siyang magawa kundi ang umiyak at sumigaw."P

    Last Updated : 2022-02-25
  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 74

    SEVENTY FOURHINILA siya nito hanggang sa labas at hindi na siya nakaangal pa. Nagpahila na lamang siya, gusto niya mang hilahin ang kanyang kamay na hawak - hawak nito habang naglalakad sila ay hindi niya nagawa dahil mahigpit ang pagkakahawak nito doon.Sumalubong sa kanya sa kanilang paglabas ang nagkumpol kumpol na sasakyan sa kanilang harapan na nasisiguro niyang sinakyan ng mga tauhan nito. Hindi niya alam kung bakit ganito na ito ngayon ngunit hindi naman niya makuha ang magtanong rito.Tila ba wala siyang lakas na tanungin ito at isa pa ay parang hindi pa iyon ang tamang oras para tanungin niya ito dahil parang ang gulo - hulo pa ng sitwasyon at isa pa ay parang hindi pa ito makakausap ng maayos.Inakay s

    Last Updated : 2022-02-25
  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 75

    SEVENTY FIVENAGISING siya na maliwanag na ang buo niyang paligid at mataas na rin ang sikat ng araw. Nagmulat siya ng kanyang mga mata, isang hindi pamilyar na silid ang kinamulatan ng mga mata niya. Hindi iyon ang silid niya at hindi rin iyon ang silid ng mga magulang niya.Ilang beses siyang kumurap bago nag - sink in lahat ng nangyari sa kanyang utak. Doon niya pa lamang naalala ang lahat ng nangyari kagabi. Ang tanging natatandaan niya lang ay ang pagtakip ni Nick ng panyo sa kanyang ilong kung saan iyon na ang naging dahilan ng pagkawala ng malay niya. Hindi niya alam kung ano na ang mga sumunod na nangyari pagkatapos nun at kung nasaan na siya sa mga oras na iyon.Agad siyang nag - inat na. Ng

    Last Updated : 2022-02-26
  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 76

    SEVENTY SIXHINDI niya napansin na napatagal na pala siya sa kanyang banyo. Wala naman siyang gjnawa kundi ang tumunganga lamang doon at hindi niya na napansin na inubos na pala niya ang mahigit kalahating oras na nasa loob nito.Kung hindi pa siya kinatok ni Nick ay hindi niya pa maiisip na lumabas na dahil na rin sa pagsigaw nito sa labas ng pinto kaya naalarma na siya dahil mukhang galit na ito.Nagmamadali siyang lumabas sa banyo at nabuksan niya ito na nakapameywang sa harap ng pinto at nagsasalubong ang mga kilay. Hindi na din magana ang mukha nito dahil mukhang inis na inis na.

    Last Updated : 2022-02-27
  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 77

    SEVENTY SEVENMAGHAPON siyang hindi lumabas ng kanyang silid dahil hindi naman talaga siya makalabas dahil sa kadena na nasa mga kamay niya. Oras - oras ay may pumapasok sa kanyang silid upang i - check siya kung nagugutom o naiihi ba siya.Kanina niya pa tinatanong ang babaeng labas masok sa kanyang silid ngunit wala siyang sagot na nakukuha rito. Tanging tingin lamang ang sagot nito sa kanya at tila ito walang naririnig.Madilim na ng mga oras na iyon at katatapos niyang kumain ng gabihan. Mahaba ang kadenang nasa kamay niya kaya may laya naman ang mga kamay niya na gumalaw at sumubo ng kanyang pagkain at hindi na niya kailangan p

    Last Updated : 2022-02-28
  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 78

    SEVENTY EIGHTTULALA siyang nakatitig sa kisame ng kanyang silid habang panay pa rin ang pagtulo ng mga luha niya. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagbagsak nito.Katatapos lamang siyang babuyin ni Nick, katatapos lamang nitong makaraos mula sa init ng katawan nito ng mga oras na iyon. Gusto niyang sampalin ito ngunit hindi niya iyon magawa. Nanatili ito sa tabi niya at pagkatapos ay tinanggal na nito ang panyo sa kanyang bibig."Kung sana hindi kana nanlalaban ay hindi na kita kailangan pang ikadena." Narinig niyang sabi nito. Nabaling ang tingin niya rito at pagkatapos ay sinalubong ang mga mata nito.&nbs

    Last Updated : 2022-02-28

Latest chapter

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 16

    HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 15

    HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 14

    NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 13

    ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 12

    “So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 11

    “ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo at

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 10

    “AYOS ka lang ba?” muli niyang narinig na tanong nito at sa sumunod na sandali ay nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hawakan sa magkabila niyang balikat. Hinawakan din nito ang kanyang baba dahilan para magtama muli ang mga mata nito. Ang kanyang dibdib ay malakas pa rin ang pagtibok at natatakot siya na baka marinig nito iyon.Umawang ang kanyang bibig ngunit walang salita ang lumabas mula doon. Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang baba ay nagdulot ng libo-libong boltaheng kuryente na kumalat sa buong katawan at pagkatao niya. Hindi siya makagalaw o ni matanggal ang kamay nito. Hindi niya rin maiiwas ang kanyang mga mata mula sa mata nito na para ba siyang hini-hipnotismo. Kapag tumagal pa siya sa harap nito ay baka kung ano na ang mangyari. Wala na siyang kontrol sa sarili niya dahil paulit-ulit niya namang sinasabihan ang isip niya na igalaw na ang kanyang mga paa ngunit wala iyong epekto.SA KABILANG banda ay napalunok si Finn habang nakatitig sa nakaawang nitong labi.

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 9

    PAGKATAPOS NIYA LANG KUMAIN ay nagulat siya nang magsalita si Dorie habang inililigpit ang kanilang pinagkainang dalawa. “Siya nga pala ma’am Maxene, ibinilin ni sir Finn na pumunta ka raw sa study room pagkagising na pagkagising mo at may sasabihin daw siya sayo.” sabi nito.Nang marinig niya na naman ang pangalan ng lalaki ay hindi niya mapigilan na mapahinga ng marahas. Paano niya haharapin ang lalaking iyon mag-isa? Kaya niya ba na harapin ito pagkatapos ng lahat? Paano kung lamunin siya nito ng buhay dahil sa galit nito sa kaniya o paano kung sampalin siya nito?“Ma’am Maxene…” muling tawag sa kaniya ni Dorie na ikinabalik ng isip niya. “Okay lang ba kayo?” dagdag nitong tanong nang makita niyang para siyang wala sa sarili niya.Pinilit niya namang tumango rito. “Oo, ayos lang ako Dorie. Huwag mo akong alalahanin.” sabi niya at pilit pang ngumiti para kahit papano ay mabawasan ang pag-aalala nito sa kaniya dahil kahit na hindi nito sabihin na nag-aalala ito ay kitang-kita niya iy

  • SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|   Chapter 8

    PAGKATAPOS MAKIPAG- usap ni Maxene sa lalaking ama ng kanyang mga anak ay dumiretso siya sa silid na ibinigay para sa kaniya ng lalaki. Hindi na siya nito pinayagan pang umalis at sinabi na doon na muna sila titirang tatlo ng mga anak niya hanggang sa hindi pa nito naisasaayos ang lahat. Alam niya na wala na siyang takas pa mula rito kaya pumayag na lang siya. Pakiramdam niya ay lambot na lambot ang katawan niya at pagod na pagod siya kaya nahiga na lang siya at hindi niya namamalayan ay bigla na lang siyang nakatulog kaagad.Nang magising siya ay medyo madilim na ang silid at ang malamlam na ilaw na lang ang nakasindi sa tabi ng kama. Napakusot siya ng kanyang mga mata at napatanong sa kanyang isip bigla kung anong oras na ba at kung gaano na siya katagal na nakatulog.Ilang sandali pa ay tumayo na siya sa kama upang lumabas ng silid para rin hanapin ang kanyang mga anak kung nasaan na ang mga ito. Paglabas niya ay tahimik na sa buong kabahayan at dahil doon ay hindi niya maiwasang m

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status