SIXTY SIX
NAKASANDAL siya sa huling upuan ng kotse habang nakatingin sa daan. Dapat ay masaya siya na nakawala na mula sa pagkakakulong niya sa piling nito. Kung noon siguro noong bago pa lamang siya nitong nabihag ay matutuwa sana siya ng sobra, ngunit ngayon ay iba na.
Habang papalayo siya mula sa bahay kung saan siya nanatili ng ilang araw kasama ang lalaking alam niyang mahal na mahal niya ay tila unti - unting namamatay ang katawan niya. Tila nawawalan na siya ng pakiramdam ng mga oras na iyon dahil sa sakit na nararamdaman niya.
Wala siyang ibang inisip noon kung hindi ang makatakas sa piling nito, pero ngayon na unti unti na siyang naka
SIXTY SEVENISANG mahinang pagyugyog sa balikat niya ang nagpagising sa kanya. Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay si Nick mula ang bumungad sa kanyang mga mata.Agad siya nitong nginitian at pagkatapos ay hinalikan siya nito sa kanyang noo. Wala siyang naging reaksiyon ng mga oras na iyon at hinayaan na lamang ito.Pagkatapos ay inalalayan na siya nito na lumabas ng sasakyan. Pagkalabas nila ng sasakyan ay nakita niyang nakatayo sa harap ng bahay ang kanyang Mommy at Daddy. Agad na tumakbo ang mga ito ng makita siya upang yakapin. Napakatagal ng panahon na hindi sila nagkita.Mahigpit ang naging pagyakap ng mga ito sa kanya ngunit nanatili lamang siya na tila estatwa habang yakap - yakap siya n
SIXTY EIGHTPATULOY pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha sa mga oras na iyon. Agad niyang isinara ang pinto pagkatapos niyang makapasok sa loob ng silid.Sumandal siya sa pinto at patuloy sa pag - iyak. Durog na durog ang kanyang puso sa mga oras na iyon. Wala na siya sa tabi ni Zake at parang wala ng silbi ang buhay niya ng mga oras na iyon.Naipaikot niya ang kanyang tingin sa loob ng kanyang silid, wala pa ring nagbago doon. Wala siyang gamit na natanggal ang pinagkaiba lang ay ang mga bagong kobre kama ng kanyang kama dahil bago na ito.Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil tila naninikip ito. Parang nahihirapan siyang makahingaBakit sa dami ng tao sa mundo ay bakit kailangan pa na siya ang makaranas ng l
SIXTY NINEMATAAS na ang sikat ng araw ng magising siya. Kung hindi pa nga pumasok sa loob ng kanyang silid ang sikat ng araw at matamaan ang mukha niya ay paniguradong hindi pa siya magigising ng mga oras na iyon.Naitaas niya ang kanyang kamay upang takpan ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Pagkatapos ay bumangon na siya, nag - inat siya at itinaas ang dalawang kamay. Ang kalahati ng kanyang katawan ay nakakumot pa lamang ng mga oras na iyon.Napalingon siya sa bintana ng kanyang silid, mataas na nga talaga ang sikat ng araw. Mukhang napahaba ng husto ang kanyang tulog. Hindi niya alam kung anong oras siya natulog kagabi dahil sa pag - iyak. Hindi niya kase mapigil ang sarili na isipin ang mga bagay - bagay kaya hindi niya rin maiwasan ang masaktan pa.
SEVENTYBUMABA siya sa kanilang kusina pagkatapos niyang maligo. Wala siyang naabutang tao doon nang bumaba na siya kaya kumain na lamang siyang mag - isa. Hindi pa nga pala siya kumain kagabi, isa pa ay kailangan niyang kumain ng kumain upang makabawi siya ng lakas niya..Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaharap sa hapag, kahit hindi na siya kumakain ay nanatili lamang siya doong nakaupo at nakatitig sa kawalan habang nakasandal sa upuan ng inuupuan niya.Hindi na niya alam kung ano ang dapat niya pang isipin ng mga oras na iyon. Gusto na niyang iwasan si Nick pero paano niya iyon gagawin? Paano niya sasabihin dito na wala na kahit isang katiting siyang pagtingin dito na nabaling na niya lahat ang kanyang pagmamahal kay Zake ng mga oras na iyon.Hindi niya din ala
SEVENTY ONENANGHIHINA siyang naglakad paupo pabalik sa kanilang kusina, muli siyang naupo sa inupuan niya kanina. Nanginginig pa ang mga tuhod niya ng mga oras na iyon dahil sa takot na hindi niya naman alam kung bakit niya naramdaman.Agad namang lumapit sa kanya ang kanyang Daddy at tiningnan siya kung may masama na bang nangyari sa kanya.Puno ng pag - aalala ang mukha nito ng mga oras na iyon. Napaiwas siya ng tingin dito at tumingin sa ibang direksiyon. "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?" Sunod - sunod ng tanong nito sa kanya. Isang iling lang ang naging sagot niya rito, hind
SEVENTY TWOPASADO alas sais na nang lingunin niya ang wall clock na nakasabit sa dingding niya. Napalingon din siya sa labas ng kanyang bintana kung saan iniwan niya talaga iyong bukas ng mga oras na iyon.Naglalaban na ang dilim at liwanag ng mga oras na iyon at halos mas nananaig na ang kadiliman kaya malapit ng tuluyan na magdilim ang buong labas dahil gabi na.Hindi niya pa rin maintindihan ang lahat ng mga nangyayari sa mga oras na iyon. Agad siyang tumayo kanina at umalis sa harap ng lamesa pagkatapos nilang mag - usap ng kanyang ama upang i - empake lahat ng gamit niya. Napakadami niyang gamit at mga damit ngunit pinili lamang niya ang kanyang mga dinala na inilagay niya sa kanyang maleta.Akala niya ay nagbibiro lamang ang kanyang ama sa sinabi nitong pag - iimpake dahil kanina noong pumasok siya sa kanyang silid at nahiga sa kanya
SEVENTY THREETUMAWA ito dahil sa pagsigaw niya. Tawa ng tila isang baliw.Napapikit ng mariin ang kanyang ama na tila hinihintay nito na kalabitin na nito ang gatilyo ng baril na nakatutok na sa ulo nito. Ang kanyang ina ay napaiyak ng malakas dahil sa matinding takot.Muli siyang nagpumiglas na makadaan sa mula sa mga lalaking nasa harap niya na pumipigil sa kanya ngunit sadyang malakas talaga ang mga ito at hindi siya makadaan.Wala siyang magawa kundi ang umiyak at sumigaw."P
SEVENTY FOURHINILA siya nito hanggang sa labas at hindi na siya nakaangal pa. Nagpahila na lamang siya, gusto niya mang hilahin ang kanyang kamay na hawak - hawak nito habang naglalakad sila ay hindi niya nagawa dahil mahigpit ang pagkakahawak nito doon.Sumalubong sa kanya sa kanilang paglabas ang nagkumpol kumpol na sasakyan sa kanilang harapan na nasisiguro niyang sinakyan ng mga tauhan nito. Hindi niya alam kung bakit ganito na ito ngayon ngunit hindi naman niya makuha ang magtanong rito.Tila ba wala siyang lakas na tanungin ito at isa pa ay parang hindi pa iyon ang tamang oras para tanungin niya ito dahil parang ang gulo - hulo pa ng sitwasyon at isa pa ay parang hindi pa ito makakausap ng maayos.Inakay s
NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an
ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na
“So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton
“ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo a
“AYOS ka lang ba?” muli niyang narinig na tanong nito at sa sumunod na sandali ay nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hawakan sa magkabila niyang balikat. Hinawakan din nito ang kanyang baba dahilan para magtama muli ang mga mata nito. Ang kanyang dibdib ay malakas pa rin ang pagtibok at natatakot siya na baka marinig nito iyon.Umawang ang kanyang bibig ngunit walang salita ang lumabas mula doon. Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang baba ay nagdulot ng libo-libong boltaheng kuryente na kumalat sa buong katawan at pagkatao niya. Hindi siya makagalaw o ni matanggal ang kamay nito. Hindi niya rin maiiwas ang kanyang mga mata mula sa mata nito na para ba siyang hini-hipnotismo. Kapag tumagal pa siya sa harap nito ay baka kung ano na ang mangyari. Wala na siyang kontrol sa sarili niya dahil paulit-ulit niya namang sinasabihan ang isip niya na igalaw na ang kanyang mga paa ngunit wala iyong epekto.SA KABILANG banda ay napalunok si Finn habang nakatitig sa nakaawang nitong labi.
PAGKATAPOS NIYA LANG KUMAIN ay nagulat siya nang magsalita si Dorie habang inililigpit ang kanilang pinagkainang dalawa. “Siya nga pala ma’am Maxene, ibinilin ni sir Finn na pumunta ka raw sa study room pagkagising na pagkagising mo at may sasabihin daw siya sayo.” sabi nito.Nang marinig niya na naman ang pangalan ng lalaki ay hindi niya mapigilan na mapahinga ng marahas. Paano niya haharapin ang lalaking iyon mag-isa? Kaya niya ba na harapin ito pagkatapos ng lahat? Paano kung lamunin siya nito ng buhay dahil sa galit nito sa kaniya o paano kung sampalin siya nito?“Ma’am Maxene…” muling tawag sa kaniya ni Dorie na ikinabalik ng isip niya. “Okay lang ba kayo?” dagdag nitong tanong nang makita niyang para siyang wala sa sarili niya.Pinilit niya namang tumango rito. “Oo, ayos lang ako Dorie. Huwag mo akong alalahanin.” sabi niya at pilit pang ngumiti para kahit papano ay mabawasan ang pag-aalala nito sa kaniya dahil kahit na hindi nito sabihin na nag-aalala ito ay kitang-kita niya iy
PAGKATAPOS MAKIPAG- usap ni Maxene sa lalaking ama ng kanyang mga anak ay dumiretso siya sa silid na ibinigay para sa kaniya ng lalaki. Hindi na siya nito pinayagan pang umalis at sinabi na doon na muna sila titirang tatlo ng mga anak niya hanggang sa hindi pa nito naisasaayos ang lahat. Alam niya na wala na siyang takas pa mula rito kaya pumayag na lang siya. Pakiramdam niya ay lambot na lambot ang katawan niya at pagod na pagod siya kaya nahiga na lang siya at hindi niya namamalayan ay bigla na lang siyang nakatulog kaagad.Nang magising siya ay medyo madilim na ang silid at ang malamlam na ilaw na lang ang nakasindi sa tabi ng kama. Napakusot siya ng kanyang mga mata at napatanong sa kanyang isip bigla kung anong oras na ba at kung gaano na siya katagal na nakatulog.Ilang sandali pa ay tumayo na siya sa kama upang lumabas ng silid para rin hanapin ang kanyang mga anak kung nasaan na ang mga ito. Paglabas niya ay tahimik na sa buong kabahayan at dahil doon ay hindi niya maiwasang m
NAGNGINGITNGIT sa galit si Beatrice habang naglalakad palabas ng bahay ni Finn. hindi niya lubos akalain na ganung klaseng bagay ang sasalubong sa kaniya lalo pa at napakasaya niya kanina habang nakasakay siya ng eroplano at napagplanuhan na pa nga niya ang mga sasabihin niya kay Finn ngunit nasira ang lahat ng iyon nang makita niya ang babaeng kasama nito kasama ang dalawang bata na kamukhang-kamukha ni Finn kaya sigurado nga siya na anak nito ang dalawang bata ngunit ang hindi niya lubos maintindihan ay kung paano nangyari iyon.Ang isa pang napansin niya ay mukhang tuliro ang babae at parang hindi rin makapaniwala sa nangyari. Napansin niya rin ang mga bagahe na dala ng kasama nitong babae at sa porma ng mga ito ay parang kadarating lang din ng mga ito sa airport kasama niya. Hindi kaya tinaguan siya ng babae at nahuli siya ni Finn? Hindi siya sigurado kung ano ang nangyari kaya hindi niya rin masagot ang sarili niyang katanungan.Ngunit ganun pa man ay galit siya dahil nabulilyaso
NANGINGINIG ANG mga kamay at hindi mapakali ang mga paa ni Maxene habang nakaupo sila sa sala ng bahay ng lalaki. Hindi na siya nito hinayaan pa na makaalis kanina at talaga kinarga nito ang dalawa niyang anak at tumalikod mula sa kaniya. Wala na siyang nagawa pa kundi ang sundan na lang ito habang tumutulo ang luha.Bago sila umalis sa airport ay may isang babae itong sinundo doon at sa mukha pa lang ng babae nang makita sila nito ay napuno na kaagad ng pagkamuhi ang mga mata dahilan para malaman niya kaagad kung sino ito sa buhay ng lalaki idagdag pa na hinalikan nito kanina ang lalaki sa labi.Napakabilis ng pangyayari at ngayon ay nasa bahay na sila nito. Hindi ito nag-aksaya ng panahon at mabilis nitong isinakay ang dalawa niyang anak sa kotse nito kasama siya. Si Dorie ay nasa kabilang kotse dala nito ang kanilang mga bagahe. Sa totoo lang ay kanina pa siya na-aawkwardan sa paligid ngunit wala siyang magawa.Ang kanyang mga anak ng mga oras na iyon ay nasa pangangalaga ni Dorie