Ramdam na ramdam niya ang pag - iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Hindi niya alam pero nasasaktan siya, nasasaktan siya dahil kahit anong turo pa ang gawin niya sa kanyang puso na ginagamit lamang siya nito para sa personal nitong pangangailangan ay alam niya sa sarili niya na minamahal niya pa rin ito sa pagdaan ng mga araw.
Hindi niya na magawang supilin pa ang kanyang nararamdaman.
Kasabay ng pagbaba ng mukha nito at paglapat ng mga labi nito sa kanyang mga labi ay ang pagbagsak ng luha niya sa kanyang mga mata. Hindi niya na naitago ang nararamdaman niyang sakit dahil sa mga nalalaman niya.
Pilit niyang pinigil ang sarili na itulak ito palayo sa kanya, wala siyang karapatang magreklamo dahil unang - una ay kasalanan ng mga magulang
FORTY EIGHTNAGISING siya na nasa hindi siya pamilyar na silid. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay ang navy blue na pintura ang agad na bumungad sa kanyang mga mata alam niya kung kaninong silid siya naroroon ng mga oras na iyon dahil ilang beses na siya nitong dinala sa silid na ito.Agad siyang napalingon sa kanyang tabi, wala na ito roon at halatang kanina pa ito bumangon. Napabuntung hininga na lamang siya. Hindi niya maintindihan ito kung bakit siya nito pinapatulog sa loob ng silid nito. Bumangon na siya at aalis na sana mula sa kama ng bigla na lamang siyang makarinig ng isang putok. Putok na nasisiguro niyang galing sa isang baril dahil hindi naman siya ganun ka ignorante sa tunog ng baril dahil nag - aral rin siya noon kung paa ang bumaril dahil sa
FORTY NINEISANG malawak na lupain ang binabaan ng sinasakyan niyang helicopter. Hindi niya nakita ang mga dinaanan nila dahil umupo sa magkabila niyang gilid ang mga tauhan ni Zake na nagbantay sa kanya.Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng kaunting inis dahil dito. Hanggang sa pagsakay helicopter ay hindi man lang siya binigyan ng kalayaan ng mga ito.Hindi din niya alam kung pinabantayan talaga siya nito o ibinilin na sadyang umupo ang mga ito sa dalawang magkabilang side niya upang hindi niya makita ang mga dadaanan nila.Napabuntung hininga na lamang siya ng lumapag ang eroplano sa malawak na damuhan.&n
FIFTYBIGLANG napamulat ang kanyang mga mata ng isang imahe ang lumabas mula sa kanyang isip at muling napatitig sa larawang nasa harap niya ng mga oras na iyon. Kamukha niya nga ito, magkahawig na magkahawig sila at sa malamang ay ito nga ang ina ni Zake.Hindi niya napansin na napatagal na pala siya sa pagtitig sa larawan at nang lingunin niya ang babaeng sinusundan niya kanina ay nakatayo ito malapit sa hagdan at halatang iritado na dahil sa tagal niya.Bigla siyang napalakad ng mabilis at lumapit na rito, napayuko na lamang siya dahil hindi niya alam kung paano pakitunguhan ito.
FIFTY ONENAGISING siya na mabigat ang pakiramdam, hindi niya alam pero parang sobrang bigat ng pakiramdam niya na halos ayaw pang maimulat ng kanyang mga mata. Pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa silid pa rin siya, iginala niya ang kanyang mga mata sa buong silid na ngayon ay may kurtina na ang binata at sa tabi niya ay may mga paper bag na kahit hindi niya buksan at isa - isahin ang mga iyon ay nasisiguro niyang mga damit ang lamang n'yon.Napalingon siya sa bintana, umiihip ang hangin rito na dumadampi sa kanyang balat, muli siyang napapapikit at napatanong sa kanyang sarili kung hanggang kailan nanaman siya mananatili sa lugar na iyon.Ilang saglit
FIFTY TWOHINDI pa rin siya lumalabas ng kanyang silid hanggang sa mga oras na iyon, ni ang bumaba para kumain ay hindi niya ginawa dahil hindi niya alam pero ayaw niyang bumaba dahil pakiramdam niya ay hindi talaga siya welcome sa bahay na iyon dahil sa mga titig ng mga taong naroroon.Ang bawat kilos niya ay pinapanuod at sinusundan ng mga ilang pares na mata at hindi niya alam kung paano gumalaw ng maayos sa lugar na iyon. Pakiramdam niya ay tila siya sinasakal at nawawalan siya ng hininga dahil sa mga titig ng mga taong nakapaligid sa kanya.Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid kaya nabaling ang kanyang tingin rito. Bumungad doon ang babaeng nakasimangot at halatang iritado ng mga oras na iyon
FIFTY THREEPAGBUKAS niya ng pinto ng banyo ay agad na napakunot ang noo niya dahil madilim naman ngunit nakakarinig siya ng lagaslas ng tubig. Hindi pa naman niya binubuksan ang tubig at isa pa ay ni hindi niya pa nga binubuksan ang switch ng ilaw sa kanyang banyo.Sa kanyang pagtataka ay agad niyang hinanap ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto ng banyo upang lumiwanag ang loob nito, napakunot pa lalo ang kanyang noo dahil nakita niya na hindi naman nakasindi ang kanyang tubig sa kanyang banyo ngunit patuloy pa rin ang naririnig niyang paglagaslas ng tubig.Lumapit siya at pilit niyang hinahanap kung saan nagmumula ang naririnig niyang lagaslas ng tubig, lumapit siya sa bandang bowl niya at tila palakas
FIFTY FOURNAGISING siya na hindi niya maipaliwanag ang kanyang pakiramdam. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam niya.Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog kagabi at kung anong oras na umalis si Zake sa tabi niya. Ramdam na ramdam niya ang pananakit ng katawan niya, sigurado siya na ilang oras lamang ang naging tulog niya dahil pakiramdam niya ay katutulog niya lamang.Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang matulog pa sana ngunit hindi na siya inaantok pa, gising na gising na ang diwa niya.Muli siyang napamulat ng kanyang mga mata at napatanong sa kanyang saril
FIFTY FIVENAPAANGAT ang kanyang kilay habang nakatingin dito. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito at kung saan nito napulot ang sinasabi nito ng mga oras na iyon.Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito ngunit hindi niya matandaan na nakita na niya ito sa tanang buhay niya, nasisiguro niya na ngayon niya lamang ito nakita kaya imposible naman ang sinasabi nito sa kanya."Sinabi lang nila sa akin iyon," nakangising saad nito at pagkatapos ay napailing.Napakunot naman ang kanyang noo dahil sa sinabi nito. Sino naman sana ang nagsabi nito sa kanya at paano naman sana nakaksigurado ang source nito na spoiled brat nga siya?Well, una sa lahat ay hindi naman talaga siya spoiled brat. Sadyang mahal na mahal lang talaga siya ng kanyang mga magulang kaya halos lahat ng gusto niya ay ibinibigay n
Mabilis pa sa alas kwatro na nakauwi si Maxene sa bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok niya agad doon ay agad ipina-lock ang gate at takot na takot na pumasok sa loob.Kaagad niyang hinanap ang kanyang mga anak na noon ay naglalaro pala sa silid sa itaas. Nang makita siya ni Dorie na pumasok ay bahagya itong nagulat. “Maam, na-nandito na po kayo kaagad? Hindi po ba at halos kaalis niyo lang?” tanong nito sa kaniya na puno ng pagtataka.Sinulyapan niya naman ito at pagkatapos ay tinanguan. “Oo, may nangyari kasi. At gusto ko sana Dorie na i-empake mo na ngayon din ang mga gamit ng dalawa. Aalis na ulit tayo ngayon din.” sabi niya rito.Kung kanina ay pagtataka lamang ang mababanaag sa mukha ni Dorie nang mga oras na iyon ay napalitan ito ng matinding pagkagulat. Nakita niyang ibinuka nito ang bibig at pagkatapos ay isinara, marahil ay gusto nitong magtanong ngunit hindi na lamang nito itinuloy iyon at pagkatapos ay tumango sa kaniya at nagpaalam.Agad naman siyang lumapit sa kanyang mg
Hinalikan ni Maxene ang kanyang dalawang anak at pagkatapos ay nilingon niya si Dorie. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?” sabi niya rito. Mabilsi naman itong tumango sa kaniya. “Opo, maam makakaasa po kayo na aalagaan ko po sila.” sagot nito sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siya tumango at pagkatapos ay tumayo at lumabas na nang pinto at pagkatapos ay dumiretso na siya sa may labas kung saan ay nakaabang na ang kotseng sasakyan. Iyon pa lang ang pangalawang araw niya na dumating sa bansa. Sa katunayan nga ay wala sana siyang planong umuwi ng Pinas kung hindi nga lang ikakasal si Vena kaya napilitan siyang umuwi para dumalo. Isa pa ay halos ilang taon na rin naman silang hindi nagkikita nito kaya madami rin naman silang kailangang pagkwentuhan. Kaya lang, nung nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe ay bigla na lamang nagkaroon ng traffic jam kaya halos dalawang oras siyang na-stuck sa traffic. Idagdag pa na lowbat na pala ang kanyang cellphone kaya hindi siya makatawag sa kan
NAPANGITI si Vena nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin. Halata rin sa kanyang mukha ang saya niya dahil sa araw na iyon ay muli silang ikakasal ni Andrei pero ngayon ay sa simbahan na kung saan ay dadalo ang lahat ng kaibigan at mga kakilala nila hindi katulad noong una nilang kasal na wala man lang silang kabisi-bisita. Habang nakatitig siya sa kanyang sarili ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil parang kailan lang ay hinahabol niya lamang si Andrei ngunit ngayon ay ikakasal na sila sa pangalawang pagkakataon. Idagdag pa na mayroon na rin silang anak ngayon na isang buwang gulang pa lamang. Walang salitang makakapaglarawan ng kasiyahang nararamdaman niya sa mga oras na iyon pero ganun pa man ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot. Ikakasal siya pero hindi man lang nakita ng kanyang Kuya Vin kung gaano siya kasaya na natagpuan na niya ang lalaking mamahalin at magmamahal sa kaniya. Noong panahong malaman niya na wala na ang Kuya Vin niya at hindi na nakita pa a
ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.
“What? Wala sila sa loob? Walang tao sa loob?” takang-takang tanong ni Finn sa kanila ni Luke.Napakuyom lamang ang mga kamay niya at pagkatapos ay hindi siya nakasagot. “That’s impossible.” dagdag pa nito. Napakaimposible nga naman talaga na wala sila doon at ayon pa kay Luke ay puro pader na raw iyon at wala man lang kabinta-bintana sa loob kaya wala silang posibleng lalabasan.Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay dahil sa matinding galit.“Baka wala talaga sila sa loob?” tanong naman ni Thirdy pero napailing siya.“Imposible iyon dahil narinig namin na kausap lang ni CAthy kanina si Ceazar bago kami umatake.” sagot naman niya rito.Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila nang bigla na lamang basagin ni Finn iyon.“Kung puro pader na angdalawang kwarto na pinasok mo, wala silang ibang lalabasan kung hindi ang isang hidden door.” sabi nito.“Pero malabo din iyon. Wala akong nakitang kahina-hinalang siwang sa mga pader isa pa ay sementado ang mga iyon.” mabilis nama
“Ano?!” malakas na sigaw ni Ceazar dahil sa isinigaw ng tauhan niya. Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad niyang binitawan si Cathy na ng mga oras na iyon ay wala ng malay dahil sa sakal niya. Mabilis na isinara ng kanyang mga tauhan ang pinto at siya naman ay kaagad na tumakbo sa kanyang kwarto at upang kuhanin ang baril niya. Shit! Mura niya sa kanyang isip habang nag-aapura. Mabilis niyang hinanap ang susi ng silid ni Vena at pumasok doo at naabutan niya itong tulog sa kama. Hindi na siya nag-aksaya pa ang oras at mabilis na binuhat ito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ginawa niya kanina. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay ito naman ang may kasalanan. Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at ini-lock iyon at pagkatapos ay inilapag s
Halos ala-una na nga ng madaling araw nang makarating sina Andrei kung saan di umano itinago ni Ceazar si Vena. Medyo sa malayo sila pumwesto dahil baka mapansin ng mga tauhan ni Ceazar na may mga tao ngunit ang buong lugar ay pinalibutan na nila.Tanging si Cathy lamang ang lumapit sa mismong lugar dahil nga kilala naman siya ng mga tauhan ni Ceazar. Isa pa ay nakiusap ito na baka pwede raw na kausapin niya muna ito bago sila gumawa ng hakbang at may dala-dala itong maliit na chip para marinig nila ang magiging usapan nila.Kahit papano ay ayaw pa rin nitong masaktan si Ceazar sa kabila ng mga sakit na ibinigay at ang pagtalikod nito sa kanilang dalawa ng nagpanggap na si Vin. Kapag hindi ito pumayag na makipagkooperasyon ito ay tyaka sila gagawa ng hakbang. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at tumitig sa kadiliman na nasa kanilang harapan.…Napalunok si Cathy nang maiparada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng pinagtataguan ni Ceazar. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hin