Nakaupo kami ni Indigo sa harap ng munting entablado. Nanonood sa mga batang umaarte habang kumakain ng popcorn na binili niya kanina. Magkahalong matamis at maalat ito. Masarap naman siya kaso ay dumidikit sa dulo ng ngipin. Sinulyapan ko si Indigo na seryosong nanonood.
''Ganoon na ba ako kagwapo?'' Natulala ako sa sinabi niya. Humarap na lang uli ako sa entablado at sumubo ng popcorn na matamis. Nakita ko ang ginawa niyang pag-ngiti. Nakakahiya tuloy.
Namangha naman ako sa mga batang umaarte lalo na sa batang babae na nakasuot ng kunwaring buntot ng sirena.
Kung ganoon ay naiintindihan ko na kung sino at kung bakit naging Atargatis ang naging pangalan nitong lugar. Base sa ginawang pagtatanghal ng mga bata, si Atargatis ay isang napakaganda at makapangyarihang Catalonan na umibig sa isang mortal na taga-pastol. Dahil sa pagiging mortal nito'y hindi niya nakayanan ang banal na pakikipag-isa at namatay.
Dahil sa pagkawala ng sinta ay nawalan siya ng ganang mabuhay kahit pa nagdadalaang tao na ito sa kanilang anak. Matapos siyang manganak ng isang sanggol na babae sa dalampasigan ay pinangalan niya itong Semiramis. Ngunit sa hindi inaasahan ay winaksan niya ang kayang buhay sapamamagitan ng pagtilapon ng sarili sa dagat.
Ang mga Diyos ay hindi siya hinayaang mamatay, bagkus ay ginawa siyang isang sirena dahil na rin sa kanyang kagandahan. Kung kaya't, hindi lamang siya naging isang sirena kundi ang Diyosa ng karagatan.
Ang sumunod namang ibinahagi ng mga bata ay kung bakit naging Atargatis ang naging pangalan ng lugar. Noong sinaunang panahon naman daw ay napakatumal ng mga isda sa lugar na ito, wala ring mga malalaking sasakyang pandagat ang nag-aangkat ng mga produkto rito. Hanggang sa makakita ang isang doktor ng sirena. Ipinamalita niya ito sa buong bayan ngunit pinagtawanan lamang siya at walang naniwala.
Dahil dito'y sinarili na lamang niya ang katotohanan. Naging magkaibigan sila hanggang sa umibig ang sirena sa doktor. Dagat at lupa man ang naging pagitan nila'y walang nakapigil sa kanilang dalawa.
Tinulungan ng sirena ang lugar na ito. Naging masagana sa lamang-dagat ang lugar at umunlad ang pakikipagkalakaran. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nawala ang sirena't hindi na muling nakita.
Kaya naisip ng doktor na ipangalan sa sirenang iyon ay Atargatis. At dahil sa labis na pasasalamat niya sa ginawa nitong pagtulong mapaunlad ang lugar ay isinunod sa kanya ang pangalan nito.
At doon na nagtapos ang kwento't pagtatanghal. Nagpalakpakan kaming manonood. Napakagandang kwento.
''Napakaganda, hindi ako nagsisising sumama.'' sagot ko naman. Heto na naman ang kakaibang pakiramdam ko, mukhang nagugustuhan ko na rito sa lupa kahit na sandali pa lamang ako rito.
Aalis na sana kami nang may biglang humila sa braso ko. Muntik na akong matumba dahil sa ginawa nito. Nakarating kami sa may harap ng tindahan ng mga sapatos. Tiningnan ko siya ngunit mata lang nakita ko. Nakatakip ng itim na panyo ang bibig at ilong nito.
"Ale! Saan niyo dadalhin si Melodia?'' tanong ni Indigo.
''Anong kailagan mo sa akin? Sino ka?'' Nagtataka akong tanong sa kanya.
''Alam kong isa kang sirena.'' Bulong niya. Nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi. Paano niya nalaman?
''Nawala ang iyong buntot dahil sa katigasan ng iyong ulo. Pero huwag kang mag-alala hindi rin naman iyon magtatagal, babalik din sa iyo ito.'' Dagdag pa niya. Nakakapagtaka ang mga sinasabi niya. Parang ang dami niyang alam tungkol sa mga sirena.
''Sa oras na mangyari iyon ay bumalik ka na sa dagat at huwag ng babalik pa sa lugar na ito. Ang katulad mo'y hindi nababagay rito!'' Pagdidiin niya habang nakatingin ng direcho sa mga mata ko. Hindi ko nagawang magsalita pa. Nalilito ako sa mga sinabi niya. Hindi nagtagal ay binitiwan na niya ang braso ko.
''Halika na Melodia.'' Hinawakan ni Indigo ang kaliwang braso ko kaya't napalingon ako sa kaniya. Ngumiti lang ako at tumango. Nilingon ko na uli ang babae pero bigla na lang siyang nawala.
''Okay ka lang ba? Kilala mo ba ang ale na iyon?'' Tinapik ni Indigo ang balikat ko.
''Ayos naman ako, hindi ko siya kilala napagkamalan niya lang daw akong kakilala.'' Pagsisinungaling ko sa kanya.
▪
Ginabi na kami nang makarating sa kanyang bahay. Ang bahay niya'y gawa sa kahoy. May duyan sa may veranda at tumba-tumbang upuan malapit sa pintong gawa sa salamin. Naririnig ko ang alon ng dagat kahit pa nasa sentro kami ng bayan.
Pagpasok namin sa loob ay pinaupo niya muna ako sa malambot na mahabang upuan. Habang siya'y nagpunta sa kusina at kumuha ng maiinom naming dalawa.
''May naalala ka na ba kung bakit ka nasa bangka ko kagabi?'' Pagsisimulang tanong ni Indigo. Tinanong na niya sa akin iyan kanina pero wala akong naisagot.
''A-Ang naalala ko lang ay may apat na lalaking dumukot sa akin, pagkatapos ay gusto nila akong pagsamantalahan pero may humampas sa ulo ko kaya hindi ko na alam pa ang nangyari. Pag-gising ko ay wala na sila at ikaw na nga ang nakita ko.'' Pagsisinungaling ko uli.
Nanginig ng kaunti ang kamay ko habang hawak ko ang isang baso ng tubig. Sana nga lang ay hindi niya nahalata.
''Kung ganoon ay isa kang turistang napagtripan ng mga lokong iyon. Alam mo bang pagmamay-ari ko ang maliit na bangkang pinagsakyan sa iyo? May nakalilok na Flemming sa gilid noon. Mabuti na lang may nakakita kaya agad kong hinatak.'' Medyo seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin habang kinakausap ako.
Nagdududa ba siya? Anong gagawin ko?
''A-Ano, Indigo ang totoo niyan kasi, kakalipat ko lang dito sa Atargatis noong isang araw. Lahat ng mga gamit ko ay hinagis ng mga lalaking iyon sa dagat para raw walang ebidensiya sa gagawin nila. Pagkatapos noon ay-''
''If that's the case, kargo na kita simula ngayon Melodia.'' Biglang umaliwalas ang mukha niya. Hindi ko na nga naituloy ang sasabihin ko dahil sa sinabi niya.
''P-Pero-''
''Sshh, simula ngayon ako na ang bahala sa iyo.'' Ngumiti siya sa akin nang malapad. Pati ang mga mata niya ay tila ngumiti rin.
''Salamat.''
▪
Limang araw ang nagdaan simula noong nakilala ko si Indigo. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang wala ako ngayon sa napakagandang lugar na ito. Napapangiti tuloy ako ng walang dahilan. Napakaganda ng gising ko.
Tumagilid ako pakanan at niyakap na lang ang malambot na unan. Napakaganda rin ng bahay kung saan ako namamalagi ngayon. Pagmamay-ari rin ito ni Indigo at tinatawag niya itong bunkhouse.
Nakaharap ako ngayon sa kulay pink na kurtina. Sa kanan ko ay isang bintanang maliit at sa kaliwa ay pink na kurtinang harang para raw may privacy ang sabi ni Indigo. Double deck kasi itong kama. Kulay puti ang gilid nito at may nakaukit na mga bulaklak. May hagdan sa gilid para sa taas na higaan. May kurtina rin itong kulay asul.
Hinawi ko ang kurtina ng bintana at binuksan ito. Kitang-kita ko mula rito ang maliit na tulay malapit sa dagat. Napatingin ako sa maaliwalas na kalangitan, parang humalik sa akin ang malamig na hangin sa aking balat at sa tahimik na dagat ay nakaradam ako ng isang masamang panahon na paparating.
▪
PIC-A SEAFOODS. Pangalan ng seafoods house ni Indigo. Katabi lang nito ang bunkhouse na tinutuluyan ko. Ang daanan nito'y gawa sa matibay na mga kahoy. Ang ilalim nito'y tubig dagat. Nasa tapat ako seafoods house, nahihiya akong pumasok dahil wala akong dalang regalo para sa kanya.
''HAPPY BIRTHDAY!" Narinig ko ang masayang bati ng mga bisita sa kanya. Kaarawan kasi ni Indigo ngayon at imbitado ako. Ibinigay niya sa akin ang mga hindi na ginagamit na mga lumang damit at sapatos ng kanyang mga kapatid para may gamitin ako. Napakabait niya. Mabuti na lang pala ay siya ang nakakita sa akin noong araw.
Suot ko ang isang bestidang kulay pink. Bulaklakin ito at may ruffles ang laylayan. Napansin kong mahilig ang mga kababaihang taga-lupa sa mga ganitong disenyo. Itim na doll shoes na may ribbon naman ang sapin ko sa paa. Napakakomportable sa pakiramdam.
Nag-init ang mukha ko nang makita siyang lumabas sa salaming pinto. Tumunog ang mga kabibeng nakasabit doon noong lumabas siya. Nakasuot siya ng kulay puting polo shirt
na kulay itim ang kweliyo.Nakasuot siya ng pang-ibabang kulay gray na hanggang tuhod niya at kulay abo. Medyo hapit din ito sa kanya. Mas lalo tuloy siyang nagmukhang matangkad. Kulay puti rin ang suot niyang sapatos. Mas lalo pa siyang gumwapo.
Kung nakikita ko siguro ang mga mata malamang ito ay nagnining-ning na.
''Halika na Melodia, huwag ka ng mahiya akong bahala sa iyo.'' Hinawakan niya ako sa balikat at inakay papasok sa loob.
''Eh kasi Indigo, wala akong regalo sa 'yo nakakahiya.'' Bulong ko sa kanya.
''It's your presence that counts, love.'' Nginitian niya ako at kinindatan. Kumabog naman ang dibdib ko sa ginawa niya.
Nilibot ko ang paningin ko sa lugar, maraming mga sanga ng niyog dito sa loob na nagsisilbing dekorasyon.Maraming makukulay na lobo ang nakasabit pabaliktad sa kisame. Maraming mga bisita karamihan ay babae. Nakatingin sila sa direksyon ko. Gusto ko sana silang ngitian kaso nakataas ang mga kilay ng ilan.
Napatungo na lang tuloy ako. Tama bang nandito ako ngayon?
''Thank you for coming guys!'' sabi niya. ''Gusto ko rin ipakilala sa inyo ang isang espesyal na babaeng kasama ko ngayon.'' Ako ba ang tinutukoy niya? Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya.
''Meet Melodia, my special friend.'' Pinisil niya ang balikat ko.
''K-Kumusta kayo.'' Ngumiti ako sa kanila.
''Nice meeting you hija, kay ganda-ganda mo naman.'' Nilapitan ako ng isang babae na medyo matanda na. Maikli ang itim niyang buhok na hanggang balikat. Kulay pula ang kanyang labi at namumula rin ang pisngi. Idinampi niya ang pisngi sa kanang pisngi ko. Para saan ba ang sign na iyon?
Lumapit din ang dalawang babae.
''Melodia, meet my sisters. Ate Violet.'' Itinuro niya ang babaeng nakapusod ng mataas na medyo magulo. Maganda ang hubog ng kanyang katawan.
Nakasuot siya ng kulay itim at hapit na damit na mataas ng kaunti sa kanyang tuhod. Mataas din ang suot niyang sapatos na may tali't nakapulupot sa kanyang mapayat na binti. Nakapameywang siya't tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
''And Ate Tangerine.'' Itinuro naman niya ang katabing babae ng Ate Violet niya. Ang buhok niya'y lagpas balikat. Kay ganda naman ng magkahalong kulay abo, verde at pink na kulay ng buhok niya.
Nakasuot siya ng pantalong maraming butas. Kita rin ang maputi niyang tyan dahil sa ikli ng pantaas niya. Puting sapatos rin ang suot niya. Nakaekis ang kanyang mga braso at nakataas ang kilay.
Napalunok ako dahil mukha silang masungit.
''Hey, is that my dress?'' Itinuro ng Ate Violet niya ang suot kong damit. Nanlaki pa ang mata niya na parang gulat na gulat.
''Ate, actually-''
''Bagay sa iyo! Oh my gosh, perfect fit!'' Hindi na naituloy ni Indigo ang sasabihin dahil sa nagsalita na agad ang kanyang ate. Napapalakpak pa siya ng tatlong beses.
Nilapitan niya ako at tinapik ang kamay ng kapatid na nasa balikat ko, ngayon ay siya naman ang umaakay sa akin palayo kay Indigo.
''Ang galing mong pumili bunso.'' Narinig kong sabi ng Ate Tangerine niya pagkatapos ay sumunod sa amin.
''Mga ate! Please, ingatan niyo si Melodia, mamahalin ko pa siya!''
▪▪▪🌸
Inabot na ng gabi ang pagdiriwang ng kaarawan ni Indigo. Matagal ko ring nakasama ang nga kapatid niya na akala ko'y masusungit, ngunit nagkamali ako. Palatawa sila at makuwento. Si Violet na laging bukang-bibig ang trabaho bilang isang photographer. Si Tangerine naman na laging bukang-bibig ang lalaking crush niya at ang trabaho niya bilang event organizer.Sa pagsapit nga ng gabi ay mayroon silang sinabit na malaking bola sa gitna ng kisame. Madilim ang paligid, tanging maliliit na ilaw lang ng bolang iyon ang umiikot sa paligid. Mayroon ring kumakantang banda sa maliit na entabldo. May mga bisitang nag-iinuman sa kabilang mesa, ang ilan naman ay sinasabayan ang indak ng musika.? Can't swim so I took a boat, to an island so remoteOnly Johnny Depp has ever been to it beforeBeauty in the water, angel on the beach
Bigla na lang akong hinalikan ng mariin ng kung sino. Pagkatapos ay kumalas din siya agad. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng mga mata niyang hugis pusa, naniningkit at matalim. Wala siyang damit pang-itaas, may kaliskis ang kanyang balikat at may tengang palikpik. Napatingin ako sa kanya bandang ibaba. May mahaba siyang asul na buntot. Naibuka ko ang aking bibig at napabuga nang pasukin ng tubig ang lalamunan ko. ''Nagkita rin tayo, Melodia.'' sabi niya.''Nagustuhan mo ba ang paraan ko para magkita tayo?'' Dagdag pa niya. Napakaseryoso ng kanyang mukha at parang walang balak na ako'y paalisin.Hanggang sa naramdaman ko na lang ang
Natigilan ako sa sinabi ng lalaki sa harap ko na nagkaroon muli ng buntot. Maging ako ay walang maintindihan sa mga nangyayari, ang gulo... sobrang gulo. Napasabunot tuloy ako sa buhok ko habang pinagmamasdan ang buntot niyang gumagalaw. ''Hindi sinabi ni Sachiel na tutubuan pa rin ako ng buntot kapag nabasa ang mga paa ko, lintek na buhay 'to!'' Nasuntok niya ang tubig, pero dahil sa hindi naman iyon matigas na bagay ay lumikha iyon ng malakas na tunog. Halos umangat ang balikat ko dahil sa gulat.''Ako si Maron, Maron Mauve.'' Natigilan ako't napatingin sa kan'ya. Nagpakilala siya sa akin nang hindi ko inaasahan at sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, may kung anong kumukurot sa puso ko dahil sa kan'ya.
Nakatayo kami ni Maron sa harap ng kulay berdeng gate. May kaunting sanga at halamang nakapulupot dito. Hindi ko matanaw ang loob dahil sa mataas ito pero nakauwang naman ang maliit na pinto sa gate. Matataas ang mga puno sa paligid sa loob na may mgailang ibon na nagsisiliparan. Hindi ko makita ang langit dahil sa mayabong na mga sanga noto. Hindi ko man alam ang pangalan ng mga puno pero hitik sa bungang prutas na kulay dilaw. 'Ano kaya 'yon?'''Bakit hindi pa tayo pumasok sa loob?'' tanong ko kay Maron na nakapamulsa lang at walang imik. Nakatingin lang siya sa gate na parang may malalim na iniisip.Kinalabit ko siya. ''Maron,'' tawag ko uli sa kan'ya.
Gabi na, madilim na rin dito sa attic na sabi nga no'ng lalaki kanina. Nakadungaw naman ako sa bintanang maliit, nakatungtong ako sa upuan para makita ko ang labas. Meron namang ilaw sa tapat nitong bintana pero hindi gano'n kaliwanag. Sumasayaw ang mga sanga ng puno sa labas dahil sa ihip ng hangin. Paisa-isa na ring nagpapakita ang mga bituin sa kalangitan. Ang buwan, oo ang buwan. Muntik ko ng makalimutan ang kabilugan nito. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Nag-aalala ako kung anong mangyayari sa isang sirenang nasa lupa kapag bilog ang buwan. ''Maron, ano 'yong mahabang pader do'n? Nakikita ko kasi ang hampas ng dagat.'' Napalingon ako sa kan'ya na karga ang alaga niyang pusa.''Seawall ang tawag do'n, pang-harang sa dagat. Pinoprotektah
Suot ko ngayong araw ang unipormeng kinuha namin sa Kraken's Tailoring. Kahit na kumakabog ng malakas ang puso ko ay kailangan ko pa ring humarap sa mga taong mamaya lang ay pupunta rito. Nakaupo man ako rito sa harap ng counter at may hawak na tray ay pasulpot-sulpot sa isip ko ang nangyari no'ng gabing 'yon.''Bakit basang-basa kayo? Anong ginawa n'yong dalawa?'' Napalingon kami nang magtanong si Indigo.''Nag-night swimming?'' Patanong na sagot naman ni Maron.''Talaga?'' Nakakaloko namang sabi ni Indigo. Namulsa siya at ngumiti. Ang ngiti niyang isang side lang n
▪THIRD PERSON'S POV▪Eksaktong ala sais ng gabi nagsimula ang Miss Atargatis. Maraming tao ang dumalo sa center town plaza. Medyo makulimlim ang ulap sa langit na kahit gabi ay kita pa rin ang mga ito. Nakabukas ang maraming ilaw na nakakabit sa gilid ng dome. May hugis tao naman na akala mo nagsasayaw, dahil lang pala 'yon sa hanging nagpapagalaw rito. Nakasisilaw ang mga maliliit na ilaw galing sa disco ball sa gitna ng stage at may pa-bubbles pa malapit sa limang baitang na hagdan. May makukulit namang mga bata ang lumalapit do'n at pinuputok ang mga bula.''Ten candidates ang maglalaban-laban para sa korona, sash at trophy bilang, Miss Atargatis! Plus... promotion ng establishment na inirerepresent!'' Confident na confident na sabi ng MC. Taas noo siyang nakatayo ro'
▪ THIRD PERSON'S POV ▪Halos nakahandusay na si Maron sa sahig. Naghahabol ng hininga't halos magpakita na ang mga kaliskis niya sa braso. Humaba na rin ang mga kuko niya sa kamay at nagkulay gold na rin ang mga mata. Hindi na nito namalayan ang pagtulo ng laway dahil sa nararamdaman. Samantalang si Melodia, patuloy pa rin sa pagkanta. Inuulit ang bawat letra ng kanta. Itinaas niya ang kaliwang kamay na parang may inaabot sa kalangitan. Mayamaya ay biglang sumulpot ang alagang pusa ni Maron na si Reeta. Hindi malaman kong saan galing. Nasa stage ito't patakbong lumapit sa legs ni Melodia. Ikinuskos nito ang malambot na balahibo, ang buntot nitong mahaba ay umaangkla pa sa binti ng dalaga. Ikinukuskos din nito ang gilid ng whiskers pero
In TPPOV Noong matapos ang insidente na kinasangkutan nina Melodia at Maron nang gabi ng Miss Atargatis ay may hindi sila nalamang pangyayari. Isa kasing misteryosong taong nakasuot ng itim na sapatos ang huminto sa dalawang nagkikislapang bagay sa sahig malapit sa stage. Hindi niya alintana ang walang tigil na pagbuhos ng ulan at ang ingay sa paligid nang lumuhod siya tsaka pinulot ang mga bagay na 'yon. Sa palad niya ito nilagay at pinagmasdan. Tatlong segundo matapos niya 'yong tingnan ay ikinuyom niya ang palad tsaka nagpakita naman ang mapuputi niyang ngipin sa ginawang pagngiti. ⚫Ilang araw rin ang lumipas, sa isang
Ilang araw na ba ang nakalipas simula noong dumating si Velvet? Palagi siyang nasa anino naming tatlo. Napansin kong wala na siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti, lapitan si Maron at makipagkulitan sa kanya. Madalas din niyang panoorin ang ginagawang pagta-tattoo nito. Siguro mga limang beses na kong nahuli ni Pinky na nakabusangot na hindi ko rin maiwasan.Kung anong lapit niya kay Maron ay siya namang iwas niya kay Indigo. Kung magkakasalubong sila ay tatalikod si Velvet o di kaya ay babalik kung saan siya galing. Kahit makipagkamay ay hindi niya nagawa. Maging ang tingnan siya sa mata.Simula nang dumating siya hindi na mapalagay ang isip ko, may kung ano sa babaeng 'yon. Parang may itinatagong sikreto. Isa nga lang ba siyang turista?Ngayon, nakatitig lang ako sa likod niya habang naglalangoy kaming dalawa. Nasa unahan ko siya kaya kitang kita kung paano hawiin ng tubig ang kanyang buhok.Tiniti
⚫MELODIA'S POV⚫Nakatingala lamang ako sa kalangitan, sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay tila may pumipigil dito. Ang pagtakip ng ulap sa buwan ang naging dahilan para bumalik ako sa sarili. Nakatingin lamang ako sa madla, kyng paanong para silang nahipnotismo sa aking ginawa. Napakaraming may pusong puno ng kasakiman. Ilang segundo rin siguro ang tinagal nang pagtitig ko sa paigid nang may narinig akong sumigaw na babae.Sampung segundo ay mawawala na ang amoy ng mga puso nila at babalik na uli sa dati ang oras na parang panandaliang huminto. Unang nahagip ng aking mata si Maron. Binitiwan ko ang mic saka tumakbo pababa. Dinaanan lamang ng mga mata ko si Indigo na nakangiti sa kawalan. 'Pasensiya ka