Bigla na lang akong hinalikan ng mariin ng kung sino. Pagkatapos ay kumalas din siya agad. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng mga mata niyang hugis pusa, naniningkit at matalim. Wala siyang damit pang-itaas, may kaliskis ang kanyang balikat at may tengang palikpik.
Napatingin ako sa kanya bandang ibaba. May mahaba siyang asul na buntot. Naibuka ko ang aking bibig at napabuga nang pasukin ng tubig ang lalamunan ko.
''Nagkita rin tayo, Melodia.'' sabi niya.
''Nagustuhan mo ba ang paraan ko para magkita tayo?'' Dagdag pa niya. Napakaseryoso ng kanyang mukha at parang walang balak na ako'y paalisin.
Hanggang sa naramdaman ko na lang ang paninigas ng aking mga binti. Nagdikit sila at unti-unting humuhulas na parang binabalatan ng tubig. Pagkatapos ay may hugis na pumoporma rito.
Humuhulas rin naman ang buntot ng lalaking humalik sa akin. Ang anyo niyang sireno ay nawala na at nalipat muli sa akin. Tinititigan ko lang siya habang ang suot kong floral dress ay mas lalong humihigpit sa aking balat dahil sa pagkakabasa nito.
''I-Ikaw iyong lalaking niligtas ko!'' sabi ko sa kanya. Namumukhaan ko na siya.
''Mabuti at naaalala mo pa.'' sabi niya.
''Pero paanong-'' Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maalala ko si Indigo. Agad akong tumalikod sa lalaki. Kailangan kong pakalmahin ang dagat kaya naman naglangoy ako upang umahon sa tubig.
Itinaas ko ang aking kamay, at huminga ng malalim. Tiningnan ko ang mga naglalakihang alon. Dama ko sa aking mukha ang mga butil ng malakas na ulan pati ang malamig na hanging tumatangay sa mahaba kong buhok.
🎶 Listen to my song, raging sea so strong,
sweet lullaby for you to calm, so now I can go home,
Sea creatures big and small, swimming all along.
Their way to you is hard for them,
your waves are there for too long then,
So listen now my raging sea,
calm now for you to see, this wonderful sight I see
I truly love the way it be.🎶
Unti-unting lumiliit hanggang sa muling pumanatag. Ang makapal na ulap naman sa kalangitan, kasama ang mga nangangalit na kidlat at kulog ay kasabay ding nawala. Muli kong nasilayan ang buwan pati mga tala.
''Indigo!'' Tawag ko sa kaniya baka sakaling marinig niya.
Sumisid akong muli baka naman ay naitangay siya ng malakas na alon kanina. At sa wakas! Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Indigo, wala na siyang malay. Agad akong lumapit sa kanya, hinawakan ko siya sa kanyang palapulsuhan at hinatak. Pero may pumipigil kaya't hindi ko siya mahila.
Tiningan ko kung ano iyong pumipigil sa kaniya't nakita ko nga ang nakapulupot sa kaliwang paa niya. Mahaba at makapal na halamang dagat. Pinahaba ko agad ang aking mga kuko para maputol ko iyon.
Nagmadali akong hilahin siya pagkatapos. Sa paglangoy ko paitaas ay nakita ko naman ang lalaking iniligtas ko noon. Unti-unti na siyang pumapailalim, walang kahit na anong saplot at walang malay.
Napakagat ako sa aking labi. Hindi na ako nag-dalawang isip pang balikan din siya. Hinawakan ko naman siya sa kaliwang palapulsuhan. Muli ay nakikita ko na ang amoy ng kanilang mga puso. Parehong kulay asul na dyamente at bahag-hari ang nasa paligid ko ngayon habang naglalangoy paitaas.
▪
Isinampa ko silang dalawa sa basang semento ng daungan malapit sa malaking parola. Narinig ko ang pag-ubo ng lalaking niligtas ko. Gumalaw siya para punasan ang bibig na may tubig na lumabas. Pagkatapos ay para niyang hinahabol ang pag-hinga. Binalingan ko si Indigo na wala pa ring malay.
''Indigo!'' Tinapik ko ang pisngi niya pero hindi siya nagigising. Anong gagawin ko?
''Indigo, gising! Ligtas ka na, narito na tayo sa Atargatis.'' Muli ko siyang tinapik. Gagawin ko ba uli? Paano kung maging sireno rin siya.
''Kung hindi ko gagawin iyon ay baka huli na.'' Bulong ko.
Napapikit ako. Nakapagdesisyon na ako. Nilapit ko ang aking mukha sa kanya-
''Sira ka ba.'' Nahinto tuloy ako pagkatapos ay tiningnan ang nagsalita.
''Kung hahalikan mo siya, gagawin mo lang din siyang sireno gaya ng ginawa mo sa akin.'' Seryosong sabi ng lalaki na ngayon ay nakaupo na.
''Wala na akong pagpipilian pa! Hindi ka dapat mamatay, ang katulad niyong-''
''Tama na!'' sabi niya kaya hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Bahagya siyang tumayo at lumapit kay Indigo. Pagkatapos ay inilapat niya ang palad sa may dibdib nito habang nakaunat ang mga braso. Nagsimula na nga siyang diinan ang pagtulak sa dibdib ni Indigo.
Ilang minuto rin niya iyong ginawa. Muntikan na akong mawalan ng pag-asa nang umubo siya at inilabas ang maraming tubig na nainom niya. Napangiti ako.
''Tago! bilisan mo! Patuyuin mo na ang buntot mo para magkapaa ka uli," sabi ng lalaki.
''Pero hindi-''
''Hindi mo ba alam ang kapangyarihan mong painitin ang mga bagay?'' sabi niya uli kaya hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko. Tinitigan ko siya na sumisenyas na umalis ako't magtago. Agad ko siyang sinunod nang maalala kong nasa anyong sirena pa ako. Baka makita ako ni Indigo at matakot siya.
Nagtago ako sa may parola nang masiguro kong walang tao. Sinilip ko naman sila, bumagon na si Indigo na nakahawak sa kaniyang ulo.
Sumampa ako sa daungan, gumapang din para mai-angat ko ang aking buntot. Sumandal ako sa mainit na pader ng parola. Itinapat ko ang aking mga palad sa aking butot at inisip ang sinabi ng lalaki tungkol sa kakayahan naming magpainit ng mga bagay.
Nanlaki ang mata ko nang bigla itong umusok. Humuhulas na muli ang aking butot, pagkatapos ay naging mga paa na. Lahat ng mga pagkakakilanlan ko bilang sirena ay wala na.
''Pare, nakita mo ba iyong kasama kong babae?'' Narinig kong tanong ni Indigo. Tumayo na ako lumabas sa pinagtataguan ko.
''Indigo!'' Tawag ko sa kaniya. Lumingon ang dalawa. Tumayo si Indigo at sinalubong ako.
''Melodia!'' Kasabay noon ang pagyakap niya sa akin. Halos buhatin niya ako sa higpit ng yakap niya ay hindi ako nakahinga agad. Hanggang dibdib lang naman niya ako kung kaya't nagawa niya akong mabuhat.
''May masakit ba sa iyo? Okay ka lang ba? Gusto mo pumunta tayo sa doktor?'' Mga tanong niya habang yakap ako. Umiiling lang ako, imbis na ako dapat ang nag-aalala sa kaniya ay ako pa ang iniisp niya.
''Ehem!'' Kumalas siya sa pagkakayakap at sabay naming tiningan ang lalaking kunwari ay umubo.
''Pwede bang mamaya na iyang lambingan niyo? Kumusta naman ako rito, nilalamig na ako pati si manoy!'' sabi niya pagkatapos ay niyakap ang sarili.
Hinubad ni Indigo ang polo shirt niya pagkatapos ay inabot niya sa lalaking hindi ko pa alam ang pangalan. Itinapis niya ang damit sa may beywang niya at muling tumingin sa akin... nang matalim.
Inakay na ako ni Indigo, babalik na kami sa restaurant niya para magpakita sa pamilya niya at ipaalam na buhay kami. Sa paglalakad namin ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang anino ng isang nilalang.
Alam kong sa amin siya nakatingin kahit na hindi ko nakikita ang kaniyang mukha dahil sa madilim na paligid, ang hood ng kaniyang kasuotan naman ang madali kong natandaan.
▪
''Hijo! Nagmadali talaga akong magpunta nang malaman kong nasa dagat ka pa ng biglang umulan at magwala ang dagat!'' Nakayakap sa kanya ang isang lalaking nakaputing kasuotan.
Halata na medyo matanda na siya dahil sa kulubot ng kaniyang noo at sa gilid ng kaniyang mata. Magkasing-tangkad lang din sila ni Indigo. Hindi ko maipagkakaila, nakuha niya ang matangis na ilong ng ama.
''Dad, akala ko ba busy ka sa clinic mo?'' Kumalas sa pagkakayakap ang matandang lalaki.
''Hindi naman iyon mahalaga mas mahalaga ka anak.'' Tapik nito sa balikat ni Indigo sabay baling ng kaniyang tingin sa akin. Napayuko ako.
''Ah, Dad si Melodia my special friend. And Melodia, this is my dad, isa siyang veterinarian.'' Pagpapakilala niya sa akin.
''K-Kumusta po.'' Nahihiya kong sabi.
''Hindi ko akalaing may kaibigan kang mas gaganda pa kaysa kay Velvet. Remember when you said that Velvet was the most beautiful girl here in town?'' Nakangiting sabi ng matanda. Hindi naman sumagot si Indigo sa sinabi ng kan'yang tatay. Ngumuso lang siya at napakamot sa batok.
''Kumusta Melodia, nice meeting you and... nice name. Parang Melody in english.'' Natatawa niyang sabi.
''Dad, joke ba iyon? Kasi hindi nakakatawa.'' Sabat ni Indigo pagkatapos ay inakbayan ako.
''At dad, wala akong sinabi na si Velvet ang pinakamaganda noon.'' Pareho silang natawa sa kanilang usapang hindi ko maintindihan.
Bigla namang sumagi sa isip ko ang lalaki kanina na ngayon ay tumutuloy sa bunkhouse na tinitirhan ko.
Maghahating-gabi na nang sabay kaming makabalik ni Indigo sa bunkhouse para tingnan ang lalaki. Pagbukas ko ng pinto ay madilim na paligid ang sumalubong sa amin. At isang malakas na ingay ang bumubulahaw sa loob ng bahay. Parang tunog ng isang barko.
''Barko ba iyon?'' Napakunoot ako ng noo nang tanungin ko ang aking kasama.
''Hindi, hilik lang iyon.'' Kinapa ni Indigo ang switch ng ilaw. Narinig ko ang pagtunog nito kasabay nang pagliwanag ng paligid.
Natutulog na pala ang lalaki sa itaas ng kama ko. Pero bahagya siyang gumalaw nang iurong ko ang upuan kung saan inilagay ni Indigo ang bag na puno ng lumang damit ni Indigo.
''Ahoy!'' Bati niya saka bumangon.
''Sorry nakatulog ako, napagod lang talaga ako.'' sabi niya habang pupungas-pungas ng mata.
''Ayos lang pare, siya nga pala may dala kaming mga damit na pwede mong magamit.''
''Nag-abala pa kayo pero, salamat.'' sabi niya sabay talon pababa mula sa taas ng kama. Nakatapis na siya ng kumot ngayon, binuksan niya ang bag at humugot ng damit at mga pang-ibaba.
''Punta lang ako sa banyo.'' Pagpapaalam niya. Humihikab pa siya habang naglalakad. Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya lumalabas kaya naman kinatok na ni Indigo ang pinto.
''Pare, ayos ka lang ba r'yan?'' Idinikit ni Indigo ang tenga sa pinto.
''Ayos lang, pero pwede bang pakitawag si Melodia?'' sabi niya. Nagtaka tuloy ako kung bakit niya ako kailangan. Napatingin rin si Indigi sa akin. Labis siyang nagtataka base sa ekspresyon niyang nakataas ang isang kilay.
''Wait, bakit si Melodia ang kailangan mo? Pwede naman ako?'' sabi uli ni Indigo na ngayon ay nakasandal na sa pader.
''Eh kasi Indigo, nakasabay ko siya sa barko noong papunta ako rito sa Atargatis, noong bago mo ako makita. Kaya naman naging kaibigan ko na rin siya.'' Pagpapalusot ko. Sana ay maniwala siya, hindi pa naman ako magaling umarte.
''Ganoon ba? Pero... hay sige na nga.'' Napakamot siya ng ulo pagkatapos ay kinatok uli ang pinto ng banyo.
''Pare, siguraduhin mong wala kang gagawing masama sa kanya ha? Magbabantay ako rito.'' Tiningan niya ako pagkatapos ay umalis na sa may pinto.
Humakbang na ako palapit sa banyo. Hinawakan ko ang doorknob. Pinihit ko ito at hindi nakalock. Agad akong pumasok sa loob. Naipit pa ang dulo ng damit ko kaya kinailangan kong hilahin ito.
Nanlaki ang mata ko nang sa pagpasok ko ay makita ko ang lalaki na nakahiga sa bathtub na halos umapaw ang tubig dahil sa... naging sireno uli siya!
''Akala ko ay wala na ang pagiging sireno ko dahil naibalik ko na sa iyo ang buntot mo! Hinalikan na kita kanina. Ang sabi ni Sachiel ay kailangan lang kitang halikan para maibalik sa iyo ang buntot mo! Iyon pala...'' nahinto siya sa pagsasalita.
''Si Sachiel ang anghel ng karagatan, nakita mo siya?'' Para akong nakakakita ng puso sa paligid nang marinig ang pangalan ni Sachiel.
''Oo, at mas lalo lang gumulo ang sitwasyon ngayon!''
▪▪▪🌸
Natigilan ako sa sinabi ng lalaki sa harap ko na nagkaroon muli ng buntot. Maging ako ay walang maintindihan sa mga nangyayari, ang gulo... sobrang gulo. Napasabunot tuloy ako sa buhok ko habang pinagmamasdan ang buntot niyang gumagalaw. ''Hindi sinabi ni Sachiel na tutubuan pa rin ako ng buntot kapag nabasa ang mga paa ko, lintek na buhay 'to!'' Nasuntok niya ang tubig, pero dahil sa hindi naman iyon matigas na bagay ay lumikha iyon ng malakas na tunog. Halos umangat ang balikat ko dahil sa gulat.''Ako si Maron, Maron Mauve.'' Natigilan ako't napatingin sa kan'ya. Nagpakilala siya sa akin nang hindi ko inaasahan at sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, may kung anong kumukurot sa puso ko dahil sa kan'ya.
Nakatayo kami ni Maron sa harap ng kulay berdeng gate. May kaunting sanga at halamang nakapulupot dito. Hindi ko matanaw ang loob dahil sa mataas ito pero nakauwang naman ang maliit na pinto sa gate. Matataas ang mga puno sa paligid sa loob na may mgailang ibon na nagsisiliparan. Hindi ko makita ang langit dahil sa mayabong na mga sanga noto. Hindi ko man alam ang pangalan ng mga puno pero hitik sa bungang prutas na kulay dilaw. 'Ano kaya 'yon?'''Bakit hindi pa tayo pumasok sa loob?'' tanong ko kay Maron na nakapamulsa lang at walang imik. Nakatingin lang siya sa gate na parang may malalim na iniisip.Kinalabit ko siya. ''Maron,'' tawag ko uli sa kan'ya.
Gabi na, madilim na rin dito sa attic na sabi nga no'ng lalaki kanina. Nakadungaw naman ako sa bintanang maliit, nakatungtong ako sa upuan para makita ko ang labas. Meron namang ilaw sa tapat nitong bintana pero hindi gano'n kaliwanag. Sumasayaw ang mga sanga ng puno sa labas dahil sa ihip ng hangin. Paisa-isa na ring nagpapakita ang mga bituin sa kalangitan. Ang buwan, oo ang buwan. Muntik ko ng makalimutan ang kabilugan nito. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Nag-aalala ako kung anong mangyayari sa isang sirenang nasa lupa kapag bilog ang buwan. ''Maron, ano 'yong mahabang pader do'n? Nakikita ko kasi ang hampas ng dagat.'' Napalingon ako sa kan'ya na karga ang alaga niyang pusa.''Seawall ang tawag do'n, pang-harang sa dagat. Pinoprotektah
Suot ko ngayong araw ang unipormeng kinuha namin sa Kraken's Tailoring. Kahit na kumakabog ng malakas ang puso ko ay kailangan ko pa ring humarap sa mga taong mamaya lang ay pupunta rito. Nakaupo man ako rito sa harap ng counter at may hawak na tray ay pasulpot-sulpot sa isip ko ang nangyari no'ng gabing 'yon.''Bakit basang-basa kayo? Anong ginawa n'yong dalawa?'' Napalingon kami nang magtanong si Indigo.''Nag-night swimming?'' Patanong na sagot naman ni Maron.''Talaga?'' Nakakaloko namang sabi ni Indigo. Namulsa siya at ngumiti. Ang ngiti niyang isang side lang n
▪THIRD PERSON'S POV▪Eksaktong ala sais ng gabi nagsimula ang Miss Atargatis. Maraming tao ang dumalo sa center town plaza. Medyo makulimlim ang ulap sa langit na kahit gabi ay kita pa rin ang mga ito. Nakabukas ang maraming ilaw na nakakabit sa gilid ng dome. May hugis tao naman na akala mo nagsasayaw, dahil lang pala 'yon sa hanging nagpapagalaw rito. Nakasisilaw ang mga maliliit na ilaw galing sa disco ball sa gitna ng stage at may pa-bubbles pa malapit sa limang baitang na hagdan. May makukulit namang mga bata ang lumalapit do'n at pinuputok ang mga bula.''Ten candidates ang maglalaban-laban para sa korona, sash at trophy bilang, Miss Atargatis! Plus... promotion ng establishment na inirerepresent!'' Confident na confident na sabi ng MC. Taas noo siyang nakatayo ro'
▪ THIRD PERSON'S POV ▪Halos nakahandusay na si Maron sa sahig. Naghahabol ng hininga't halos magpakita na ang mga kaliskis niya sa braso. Humaba na rin ang mga kuko niya sa kamay at nagkulay gold na rin ang mga mata. Hindi na nito namalayan ang pagtulo ng laway dahil sa nararamdaman. Samantalang si Melodia, patuloy pa rin sa pagkanta. Inuulit ang bawat letra ng kanta. Itinaas niya ang kaliwang kamay na parang may inaabot sa kalangitan. Mayamaya ay biglang sumulpot ang alagang pusa ni Maron na si Reeta. Hindi malaman kong saan galing. Nasa stage ito't patakbong lumapit sa legs ni Melodia. Ikinuskos nito ang malambot na balahibo, ang buntot nitong mahaba ay umaangkla pa sa binti ng dalaga. Ikinukuskos din nito ang gilid ng whiskers pero
⚫MELODIA'S POV⚫Nakatingala lamang ako sa kalangitan, sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay tila may pumipigil dito. Ang pagtakip ng ulap sa buwan ang naging dahilan para bumalik ako sa sarili. Nakatingin lamang ako sa madla, kyng paanong para silang nahipnotismo sa aking ginawa. Napakaraming may pusong puno ng kasakiman. Ilang segundo rin siguro ang tinagal nang pagtitig ko sa paigid nang may narinig akong sumigaw na babae.Sampung segundo ay mawawala na ang amoy ng mga puso nila at babalik na uli sa dati ang oras na parang panandaliang huminto. Unang nahagip ng aking mata si Maron. Binitiwan ko ang mic saka tumakbo pababa. Dinaanan lamang ng mga mata ko si Indigo na nakangiti sa kawalan. 'Pasensiya ka
Ilang araw na ba ang nakalipas simula noong dumating si Velvet? Palagi siyang nasa anino naming tatlo. Napansin kong wala na siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti, lapitan si Maron at makipagkulitan sa kanya. Madalas din niyang panoorin ang ginagawang pagta-tattoo nito. Siguro mga limang beses na kong nahuli ni Pinky na nakabusangot na hindi ko rin maiwasan.Kung anong lapit niya kay Maron ay siya namang iwas niya kay Indigo. Kung magkakasalubong sila ay tatalikod si Velvet o di kaya ay babalik kung saan siya galing. Kahit makipagkamay ay hindi niya nagawa. Maging ang tingnan siya sa mata.Simula nang dumating siya hindi na mapalagay ang isip ko, may kung ano sa babaeng 'yon. Parang may itinatagong sikreto. Isa nga lang ba siyang turista?Ngayon, nakatitig lang ako sa likod niya habang naglalangoy kaming dalawa. Nasa unahan ko siya kaya kitang kita kung paano hawiin ng tubig ang kanyang buhok.Tiniti
In TPPOV Noong matapos ang insidente na kinasangkutan nina Melodia at Maron nang gabi ng Miss Atargatis ay may hindi sila nalamang pangyayari. Isa kasing misteryosong taong nakasuot ng itim na sapatos ang huminto sa dalawang nagkikislapang bagay sa sahig malapit sa stage. Hindi niya alintana ang walang tigil na pagbuhos ng ulan at ang ingay sa paligid nang lumuhod siya tsaka pinulot ang mga bagay na 'yon. Sa palad niya ito nilagay at pinagmasdan. Tatlong segundo matapos niya 'yong tingnan ay ikinuyom niya ang palad tsaka nagpakita naman ang mapuputi niyang ngipin sa ginawang pagngiti. ⚫Ilang araw rin ang lumipas, sa isang