MADILIM na ang langit nang magising si Sabina. Nagpanic siya nang marealize na nasa loob pa rin siya ng itim na pick up. Pagbaba niya ay halos masamid siya sa laway niya dahil nasa ibang bahay na siya. Hindi niya alam kung saang lugar ito ngunit very modern ang bahay at malalaki rin ang mga bahay na katabi niyon.
Dito siguro nakatira ang may ari ng pick up na ito? Curious na pinihit niya ang door knob, sakto namang bumukas iyon. Pumasok siya sa loob ng bahay at nag-usyuso hanggang makarating siya sa kusina. Napalunok siya nang makitang punong-puno ng pagkain ang fridge. Napapatakam na siya kaya hindi na siya nakapagpigil pa, kumuha sya ng isang mansanas at ilang piraso ng grapes. Nginangasab niya iyon habang iginagala ang paningin sa malaking bahay. Feeling niya ay lalaki ang may ari ng bahay base sa disenyo nito na napaka-masculine. Pati mga paintings ay hindi gaanong makulay.
Nagtago siya sa ilalim ng mesa nang may marinig na mga yabag mula sa taas paibaba. Pinagpapawisan pati ang mga kili-kili niya sa kaba. Nagtungo iyon sa kusina at binuksan ang fridge. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya, ang sigurado lang niya, napaka-seksi nito at napakatangkad rin. Balbon rin ito, mistulang foreigner. Kagat labi siya habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw nito, kasabay ng pagdarasal n asana ay hindi siya nito mapansin sa pinagtataguan niya.
Kumuha lang ito ng isang mansanas at maiinom saka muling pumaitaas. Nagmamadali siyang lumabas sa pinagtataguan nang matiyak na hindi na nito maririnig ang ingay na gagawin niya. Binuksan niyang muli ang fridge at kumuha ng coke na nasa lata. Ilang Segundo lang yata niyang tinungga iyon. Masyadong maraming ganap sa buhay niya ngayon kaya sobrang stress siya. Kapag ganitong stress ay wala siyang gustong gawin kundi kumain ng kumain kaya ginalaw na rin niya ang chocolate cookies na nakita niya. Nang mabusog ay dahan-dahan siyang naglakad paakyat. Gusto niyang makita ang mukha ng lalaki. The curiousity in her strikes again. Besides, gusto niyang malaman kung anong kinalaman nito sa buhay ng mag-inang iyon, bakit nasa loob ng bakuran nila ang pick up nito.
Tatlo ang kuwarto sa itaas. Nagtago siya sa ilalim ng piano nang bumukas ang isang pinto at lumabas duon ang lalaki. Bumaba itong muli. Mabilis siyang pumasok sa loob ng nakabukas na pinto.
Ang laki ng kuwarto, at ang bango-bango. Ang lambot rin ng kama. Muli niyang narinig ang mga yabag nito kaya dali-dali siyang nagtago sa ilalim ng kama. Mula duon ay sinisilip niya ang next nitong gagawin. Namilog ang kanyang mga mata nang makita niyang hinubad nito ang suot na sando at shorts, pati briefs saka pumasok sa loob ng banyo.
Ang ganda ng katawan nito. Likod pa lang nito, ulam na. Mas lalo tuloy siyang naintrigang makita ang kabuuan nito. Para kasing pamilyar sa kanya ang tindig na iyon ng lalaki. Hah, bakit naman napakatagal nitong maligo? Thirty minutes na yata siyang naghihintay duon. Mabuti na lang at buhay ang aircon, kahit nakadapa ay komportable naman siya.
Pagkatapos ng matagal na paghihintay, sa wakas ay lumabas rin ito ng banyo. Muntikan pa siyang mapatili ng hubo’t hubad itong naglakad sa loob ng kuwarto. May malaki itong dragon tattoo sa dibdib at parang hinulma ni Michael Angelo ang katawan nito, perfect. Napalunok siya nang mapatitig sa sandata nito. Fisrt time niyang makakita ng actual na ari ng isang lalaki. Armalite yata iyon. Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib niya.
Maya-maya ay napakurap siya nang mapagmasdang mabuti ang mukha nito.
Ang lalaking nakita niya sa coffee shop ang nagmamay-ari ng armalite na iyon! God, sinong mag-aakalang makikita niya itong muli after six months, at sa ganito pang pagkakataon?
Muli niyang naalala ang box na ipinatago nito sa kanya. Ano bang meron sa box na iyon? At saan na ng aba niya iyon nailagay
ANG LAYO ng tinatakbo ng utak niya habang nakahiga siya sa ilalim ng kama. Sino baa ng lalaking ito at ano ang ginagawa nito sa bahay nila? Imposible namang ito ang ipinagmamalaking fiancé ni Christine? Hindi naman sa nagmamaganda siyang masyado pero paanong nakakuha ng ganun kagwapong boyfriend ang babaeng iyon? Parang di bagay si Christine sa kaguwapuhang ito ng binata. At ano bang laman ng box na ipinatago nito sa kanya? Ni hindi niya nagawang check man lamang. Engagement ring kaya iyon? Baka ng araw na iyon, nakatakda itong mag-propose sa bruhang iyon kaso’y nagkaroon ng barilan kaya di na natuloy? Baka alam nitong step-sister niya si Christine kaya sa kanya nito iyon ipinatago? Pero nakakapgduda talaga. Ni wala pang nababanggit na boyfriend man lang ang malditang step-sister niya ng mga panahong iyon. Kilala niya si Christine, pihadong ito ang bukambibig nito kung ‘nung mga panahong iyon ay boyfriend na ito ng lalaki. Hmm, baka naman
HINDI KUMIBO SI JEFFREY. Hindi niya kailangang ipaliwanag sa estrangherang babae kung bakit kailangan niyang pakasalan si Christine. Ngunit kung may ibang paraan lang ay hindi naman niya ito gagawin. Kahit naman madali lang sa kanyang hiwalayan ito, ayaw pa rin naman niyang maiksal sa isang babaeng hindi naman niya talagang mahal. Ngunit kailangan niyang magsakripisyo alang-alang sa grupo. Tumayo siya at kumuha ng tubig sa fridge dahil parang nagtitindigan ang balahibo niya iniisip pa lamang niya ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib ng dalaga. God, hirap na hirap na siyang magpanggap! Hindi naman biro ang mga tantrums ni Christine kapag gusto nitong magpa-cute sa kanya. Kung makikita lang sana niyang muli ang babaeng pinagbigyan niya ng usb. Nakailang beses na siyang bumalik sa coffee shop na pinagtratrabahuhan nito ngunit wala naman siyang nakuhang information nito sa manager. Ni walang larawan ng babae. Ni wala itong resume dahil walk in
INI-ON ni Jeffrey ang password sa kanyang pintuan para masiguradong hindi siya matatakasan ng babae habang natutulog siya. “Bakit ba ayaw mo pa kong pauwiin?” Mangiyak-ngiyak ng tanong nito sa kanya. “I told you, napapagod na kong mag-drive,” aniya sa babae, “Bukas na lang ng umaga kita ihahatid. For the meantime, magpahinga ka na muna sa kabilang kuwarto,” akmang tatalikuran na niya ito nang may maalalang sabihin, “May alarm ang pintuan palabas ng bahay. Once sinubukan mong ihack ang password, mag-aalarm ito,” sabi niyang ipinakita dito ang nakasuksok na baril sa bulsa, “Alam mo na siguro ang kasunod na mangyayari,” nagbabantang sabi niya rito saka pumasok na sa kanyang kuwarto. Padarag siyang nahiga sa kama. Hindi siya mapakali. Ilang lingo na lang ay nakatakda na siyang ikasal kay Christine. Kung sana ay may paraan pa para makawala siya sa shotgun wedding na iyon. Kung mahahanap lang sana niya ang babaeng iyon, wala siyang proble
NATARANTA SI JEFFREY. Hindi niya akalaing ganito kalakas umiyak ang babaeng ito. “Miss?” “Ano, bakit hindi mo pa iputok yang baril mo para matapos na ang paghihirap ko!” Singhal nito sa kanya, “Iputok mo na!” Siya naman ang napikon, “Kapag hindi ka tumigil dyan talagang ipuputok ko nga saiyo ito!” Sigaw niya rito. Natahimik ito. Humihikbing tumingala ito sa kanya, “Gaano ba kahalaga saiyo iyong box na iyon?” Parang batang tanong nito sa kanya. “Mahalagang mahalaga. Nakasalalay ang buhay ko dun!” “Iyong phone ko rin,” sabi nitong muling napaluha, “Nakasalalay ang kinabukasan ko dun.” “Ke bata-bata mo pa, napakamalilimutin mo na!” inis na sabi niya rito, “Hindi mo ba matandaan talaga kung san mo nilagay?” “Sa dami ng iniisip ko, wala na kong matandaan.” Napahinga siya ng malalim. “Okay, pagtulungan nating hanapin ang phone mo at ang box na iyon. Ano ba kasing nandun sa phone mo? Sex sca
“SAN ka ba nanggaling na bata ka? Kagabi pa kami nag-aalala saiyo, ni hindi ka man lang nagpasabing uumagahin ka ng uwi,” Sita ni Vicky sa kanya nang makauwi siya. “Pasensya na po, Tita Vicky, may inasikaso lang ako. Saka nawawala ang cellphone ko kaya di ko na po kayo natawagan,” nahihiyang sabi niya dito. Ayaw na niyang ikwento pa rito ang mga detalye sa nadiskubre niya dahil ayaw na niyang madamay pa ito sa mga problema niya. Iyong pagkupkop sa kanya ng mga ito ay malaking bagay na para sa kanya. “Ganun ba? Gamitin mo muna iyong pinaglumaang cellphone ni Marcus para naman may magamit ka. Sa panahon ngayon, napakaimportanteng may dala ka palang cellphone.”Anang babae sa kanya, “O siya, magpalit ka na muna ng damit at mukhang kung saang lugar ka napasabak, nangingitim na ‘yang suot mong tshirt.” Napakamot siya sa ulo, “Salamat po.” Sabi niyang pumasok na sa kwarto ni Leanne at hinanap sa kanyang mga gamit ang box na hinahanap ng lalaki. Nguni
WALA PANG TEN MINUTES na tumatakbo ang sasakyan ni Jefferey ay inihinto na niya iyon sa isang tabi saka bumaba at pumunta sa likuran ng sasakyan. Napailing siya nang makitang muli dun ang babae. Pero bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na ito, “Kailangan kong mahanap iyong phone ko,” nakikiusap ang tonong sabi nito sa kanya, “Tulungan mo kong mahanap iyon, tutulungan kitang mahanap iyong nawawala mong box.” Kondisyon nito sa kanya. Napaisip siya saka nagbuga ng hangin, “Okay. Basta siguraduhin mong maiibalik mo sakin ang box.” Ang totoo ay nakita na niya kanina ang phone nito. Ngunit titiyakin muna niyang mapapabalik sa kanya ang usb niya bago niya ibigay dito ang phone nito. Nang makarating sa bahay ay hinayaan niya itong hanapin ang nawawalang phone nito sa kusina. Actually, itinago na niya iyon sa isang safe na lugar. Hindi niya alam kung anong meron sa phone nito at masyado itong pursigido na makita iyon. Marahil ay mga nude photos? Pinamulaha
“TOTOO BA, may trabaho na ko? Ganun-ganun lang iyon, walang kahirap-hirap?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang nakaupo sa kusina ng bahay ni Jeffrey. Maya-maya ay tumunog ang tiyan niya. Hindi naman siguro magagalit ang lalaking iyon kung mangingialam na siya sa kusina. Tsinek niya kung ano ang pwede niyang lutuin. Pwede siyang gumawal ng tinola since marami namang gulay sa ref. Naiiling na inilabas niya ang manok sa freezer at carrots, luya at sayote sa chiller. Bumibili ng gulay, hindi naman lulutuin, nailing na tinanggal niya ang mga gulay na malapit ng mabulok. Pwede pa niyang isahog ang ilan duon. Iyong iba ay hindi na talaga pwede kaya itinapon na lamang niya. Nagsaing na rin siya. 7:30 ng gabi ay tapos na siyang magluto. Kakain na sana siya nang maisipan niyang katukin sa kwarto nito si Jeffrey para makapaghapunan man lang ito bago ito matulog. “What?” Tila inis na tanong nito sa kanya. “Nagluto ako ng
“SAIYO ITO?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sabina nang pasakayin siya nito sa isang magarang Rolls Royce, “Gano ka ba kayaman?” Manghang-manghang sabi niya habang tsinetsek ang loob ng sasakyan. Naupo si Jeffrey sa driver’s seat at sinimulang paandarin ang sasakyan. Bahagya siyang napaismid nang maalala si Christine. Bukod sa guwapo na, napakayaman pa kaya tiyak na hindi na talaga ito papakawalan pa ng babalung babae na iyo Tahimik lang si Jeffrey habang nagmamaneho. Naisip niyang magtratrabaho siya bilang sekretarya nito and yet hindi man lamang naiisipang itanong ang pangalan niya. Bahagya niya itong nilingon, napaka-seryoso ng mukha nito. Guwapo ngunit suplado. Very typical na ugali ng mga mayayamang napapanood niya sa mga tv programs. Maya-maya ay huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang mall, dinukot nito ang wallet nito at kumuha ng cash duon, “Bumili ka ng bagong phone, kakailanganin mo ‘yan bilang secretary ko.” sabi nitong iniabot ang lilibu
GINULAT NILA ang lahat sa anunsyo nilang magpapakasal na sila ngayong daratng na buwan. Masayang-masaya sina Arlene at Vivian para sa kanila. Ganuon rin naman si Von na tinanggap na ang pagkatalo at umaasang magiging masaya ang pagsasama nila ni Jeffrey. Excited din sina Erica at David kaya naman kaagad na nagset ng dinner para sa kanilang apat. “Hindi ako makapaniwalang magkaibigan pa pala ang mga boylet natin,” natatawang sabi ni Erica sa kanya habang nakamasid kina David at Jeffrey na umiinom ng wine sa isang sulok para icelebrate ang naglalapit nilang kasal, “Sinong mag-aakala nito?” Napangiti siya. Masaya siyang nabalik muli sa dati ang friendship nilang dalawa ni Erica. “Gustong-gusto talaga kitang maging hipag kaya ang sama-sama ng loob ko ng binasted mo si Kuya Enzo,” pagtatapat pa ni Erica sa kanya, “Pero tama ka, di naman pwedeng turuan ang puso. Sadyang may mga nakalaan para sa tin na bigla na lang darating sa buhay nati
“IBANG KLASE RIN ANG BOSS MO,” napapailing na sabi ni Von sa driver ni Jeffrey na nakita niyang naninigarilyo sa may gate. “Pasensya na, nagmamahal lang si Boss,” sabi nito sa kanya. Napaismid siya. Matagal na siyang nagmamahal pero hindi siya naging ganito kaswerte na gaya ng Jeffrey na iyon. Ewan ba niya kay Sabina kung bakit kahit yata paulit-ulit itong magkamali ay palagi itong nakahandang magpatawad. “Come on, alam naman nating maraming babae ang boss mo,” patuyang sabi niya sa lalaki. “Diyan ka nagkakamali. Kilala ko si Boss, minsanan lang magmamahal iyon. Alam ko kung ano iyong mga pinagdaanan nya sa buhay kaya wala kang karapatang husgahan sya base lang sa kung ano ang nakikita mo,” matiim na sabi sa kanya ng lalaki na halatang anumang oras ay handang makipagpatayan para lamang sa amo nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Ang totoo ay nasasaktan lamang naman siya. Ang tagal niyang umasa at nag
“P-PERO NATAUHAN AKO,” halos paanas lamang na sabi niya. Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. “OMG, kaya naman pala inis na inis saiyo si Von,” napapailing na sabi ni Arlene sa kanya saka napangiti, “Masarap ba?” Siniko ni Vivian si Arlene, “Ayan ka na naman sa kalibugan mo, Tumigil ka nga!” nakairap na sabi nito sa babae saka muling bumaling sa kanya, “Sabina, sana naman this time matuto ka na. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng ibang tao. Hindi sa lahat ng babagay eh bigay ka lang ng bigay,” Payo nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Alam niyang nagmamalasakit lamang ang mga ito dahil nakita ng mga ito kung paano siya nahirapan nuon. “Mabuti pa magpahinga ka na muna, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, okay?” Sabi ni Arlene sa kanya. “Salamat,” aniya sa mga kaibigan, “Salamat dahil tinutulungan nyong maging magaan ang buhay ko.”NAKITA NI ROWENA si Jeffrey na um
AYAW NI JEFFREY SIRAIN ang espesyal na araw ni David kung kaya’t maaga na lamang siyang nagpaalam sa lalaki. Masama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Sabina. Sabagay ay hindi naman niya ito masisisi dahil matindi naman talaga ang naging atraso niya rito. Pero hindi na ba talaga siya nito maaring bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Bumalik na siya sa Maynila at pinili na lamang mapag-isa sa kayang suite. Siguro ay kailangan niya ang tulong ni Geraldine para ito mismo ang magpaliwanag kay Sabina tungkol sa kanila. At para na rin malaman nito na sa nakalipas na panahon ay wala namang ibang umukupa sa puso niya kundi ito lamang. At totoo sa loob niya nang sabihin niya rito na mahal niya ito. Malungkot siyang nahiga sa kama habang paulit-ulit na nanunuot sa kanya ang magandang mukha ni Sabina. Kulang na lang ay lumuhod siya rito kanina para lang magsumamo na patawarin
ARAW NG LINGGO. Madaling araw pa lamang ay gising na si Sabina bilang paghahanda sa kasal ng kaibigan niyang si Erica at ang multi-billionare na mapapagasawa nitong si David Wharton. Siya kasi ang maid of honor ng kaibigan kung kaya’t maaga siyang gumising para ihanda ang kanyang susuoting magenta pink gown. Mabuti na lamang at nagpresinta si Von na sunduin siya. Sa Tagaytay gaganapin ang wedding, one hour drive from Laguna kasama ng ang ilang minutong traffic lalo na kapag araw ng Linggo. Kaya sabi ni Von ay magprepare siya ng maaga para maaga siya nitong susunduin. Siya na rin lang ang magme-make up sa sarili niya tutal naman ay very light lang ang ilalagay niya sa mukha dahil summer naman ngayon. Saka di naman talaga siya mahilig maglagay ng kung anu-anong burluloy sa mukha. Si baby Bean ay iiwanan muna niya sa pangangalaga nina Arlene at Vivian. Sanay naman na ang bata sa mga ito. Gusto ng asana ni Von ay isama niya ang kanyang anak sa wedd
“PASENSYA ka na Sabina kung may pagkamarites ako. Gusto ko lang naman kasing maging masaya ka kaya ipinaalam ko saiyo ang tungkol kay Jeffrey. Kung gusto mo syang makita, dito lang sya naka-check in sa hotel namin.” “Salamat, Rowena pero wag na wag mo na sanang mababanggit pa sa kanya ang tungkol sa amin ng bata,” aniya sa kanyang pinsan. “Pero hindi ba karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata?” Tanong ni Rowena sa kanya. “Please Rowena. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng magkaron pa ng kaugnayan sa kanya,” pigil ang inis na sabi niya sa babae. “Pasensya na, akala ko kasi matutuwa ka sa ibabalita ko,” sabi nito sa kanya, “Pramis, hinding-hindi kita babanggitin sa kanya.” “Salamat.” Pagkatapos ng pakikipag-usap sa pinsan ay hinarap niya sina Arlene at Vivian na halatang curious na curious sa ibabalita niya. “What?” Taas ang kilay na tanong niya sa mga ito.
“ANG CUTE-CUTE naman ni baby Bean,” tuwang-tuwang sabi ni Arlene, kinuha nito sa kanya ang bata, “Di ako makapaniwalang mag-iisang taon na sya. Parang kelan lang,” sabi pa nito sa kanya. Ngumiti siya. Isang taon na ang matuling lumipas at sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Arlene, Von at Vivian ay nakapag-set up sila ng isang coffee shop sa Laguna kung saan ay dito na rin niya piniling manirahan habang ang bahay naman niya sa Cubao ay naisipan niyang parentahan na lamang. Balak nga sana niya nuong una ay ipagbili iyon ngunit napagtanto niyang di pala niya kayang pakawalan ang mga magagandang alaalang kalakip ng bahay na iyon bagama’t marami ring masasakit na memories ang bahay na iyon sa kanya. Mas matimbang pa rin ang mga magagandang alaalang nabuo sa tahanang iyon habang siya ay lumalaki. So far ay successful naman ang kanilang coffee shop dito sa Laguna at nagplaplano na silang magput up ng isa pang shop nila sa karatig bayan.
HINDI MAKAPANIWALA SI VON nang pasyalan siya nito sa bahay at ipagtapat niya ang totoong kalagayan niya rito. Disappointed itong malaman na nagdadalang tao siya at the same time ay nag-aalala ito lalo na nang ipagtapat niya ang tungkol sa kanila ni Jeffrey. “Sabi ko na nga ba may something sa inyo ng lalaking iyon. Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya, hindi ko na kaagad siya gusto,” nailing na sabi nito sa kanya saka tiningnan siya ng matiim, “Talaga bang wala kang balak ipaalam sa kanya ang lagay mo?” Umiling siya. “Para ano pa?” “Bakit hindi mo sya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? I know, medyo confusing ang statement ko considering di ko gusto ang lalaking iyon. Pero syempre, iyong kapakanan mo pa rin at kaligayahan mo ang iniisip ko. Kahit masakit para sakin, kung sa kanya ka magiging maligaya, okay lang. Kaya kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong bigyan mo sya ng chance na magpaliwanag.” “Magpali
“I AM ONE MONTH PREGNANT?” Waring hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang tinitingnan ang result ng naging eksamenasyon sa kanya ng doctor. “Mabuti na lang safe ang baby mo. Kaya iwasan mo na sana ang stress at magfocus ka sa nandyan sa matris mo,” sabi ni Enzo na bakas ang matinding pag-aalala sa kanya, “Ano nga palang plano mo? Ipapaalam mo ba sa kanya?” Umiling siya. Simula sa araw na ito ay tinatapos na niya ang anumang ugnayan niya kay Jeffrey. Tama na ang kahibangan. Napaisip siya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa bagong kaganapan na ito sa buhay niya. May pait sa mga labing napangiti siya. Sa isang iglap ay nakabuo kaagad ng dalawang bata si Jeffrey. O baka nga hindi lang sila dalawang binuntis nito. Hindi na siya magtataka kung may mababalitaan siyang isa pang naghahabol dito. “Sabagay, kayang-kaya mo namang buhayin