NATARANTA SI JEFFREY. Hindi niya akalaing ganito kalakas umiyak ang babaeng ito. “Miss?” “Ano, bakit hindi mo pa iputok yang baril mo para matapos na ang paghihirap ko!” Singhal nito sa kanya, “Iputok mo na!” Siya naman ang napikon, “Kapag hindi ka tumigil dyan talagang ipuputok ko nga saiyo ito!” Sigaw niya rito. Natahimik ito. Humihikbing tumingala ito sa kanya, “Gaano ba kahalaga saiyo iyong box na iyon?” Parang batang tanong nito sa kanya. “Mahalagang mahalaga. Nakasalalay ang buhay ko dun!” “Iyong phone ko rin,” sabi nitong muling napaluha, “Nakasalalay ang kinabukasan ko dun.” “Ke bata-bata mo pa, napakamalilimutin mo na!” inis na sabi niya rito, “Hindi mo ba matandaan talaga kung san mo nilagay?” “Sa dami ng iniisip ko, wala na kong matandaan.” Napahinga siya ng malalim. “Okay, pagtulungan nating hanapin ang phone mo at ang box na iyon. Ano ba kasing nandun sa phone mo? Sex sca
“SAN ka ba nanggaling na bata ka? Kagabi pa kami nag-aalala saiyo, ni hindi ka man lang nagpasabing uumagahin ka ng uwi,” Sita ni Vicky sa kanya nang makauwi siya. “Pasensya na po, Tita Vicky, may inasikaso lang ako. Saka nawawala ang cellphone ko kaya di ko na po kayo natawagan,” nahihiyang sabi niya dito. Ayaw na niyang ikwento pa rito ang mga detalye sa nadiskubre niya dahil ayaw na niyang madamay pa ito sa mga problema niya. Iyong pagkupkop sa kanya ng mga ito ay malaking bagay na para sa kanya. “Ganun ba? Gamitin mo muna iyong pinaglumaang cellphone ni Marcus para naman may magamit ka. Sa panahon ngayon, napakaimportanteng may dala ka palang cellphone.”Anang babae sa kanya, “O siya, magpalit ka na muna ng damit at mukhang kung saang lugar ka napasabak, nangingitim na ‘yang suot mong tshirt.” Napakamot siya sa ulo, “Salamat po.” Sabi niyang pumasok na sa kwarto ni Leanne at hinanap sa kanyang mga gamit ang box na hinahanap ng lalaki. Nguni
WALA PANG TEN MINUTES na tumatakbo ang sasakyan ni Jefferey ay inihinto na niya iyon sa isang tabi saka bumaba at pumunta sa likuran ng sasakyan. Napailing siya nang makitang muli dun ang babae. Pero bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na ito, “Kailangan kong mahanap iyong phone ko,” nakikiusap ang tonong sabi nito sa kanya, “Tulungan mo kong mahanap iyon, tutulungan kitang mahanap iyong nawawala mong box.” Kondisyon nito sa kanya. Napaisip siya saka nagbuga ng hangin, “Okay. Basta siguraduhin mong maiibalik mo sakin ang box.” Ang totoo ay nakita na niya kanina ang phone nito. Ngunit titiyakin muna niyang mapapabalik sa kanya ang usb niya bago niya ibigay dito ang phone nito. Nang makarating sa bahay ay hinayaan niya itong hanapin ang nawawalang phone nito sa kusina. Actually, itinago na niya iyon sa isang safe na lugar. Hindi niya alam kung anong meron sa phone nito at masyado itong pursigido na makita iyon. Marahil ay mga nude photos? Pinamulaha
“TOTOO BA, may trabaho na ko? Ganun-ganun lang iyon, walang kahirap-hirap?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang nakaupo sa kusina ng bahay ni Jeffrey. Maya-maya ay tumunog ang tiyan niya. Hindi naman siguro magagalit ang lalaking iyon kung mangingialam na siya sa kusina. Tsinek niya kung ano ang pwede niyang lutuin. Pwede siyang gumawal ng tinola since marami namang gulay sa ref. Naiiling na inilabas niya ang manok sa freezer at carrots, luya at sayote sa chiller. Bumibili ng gulay, hindi naman lulutuin, nailing na tinanggal niya ang mga gulay na malapit ng mabulok. Pwede pa niyang isahog ang ilan duon. Iyong iba ay hindi na talaga pwede kaya itinapon na lamang niya. Nagsaing na rin siya. 7:30 ng gabi ay tapos na siyang magluto. Kakain na sana siya nang maisipan niyang katukin sa kwarto nito si Jeffrey para makapaghapunan man lang ito bago ito matulog. “What?” Tila inis na tanong nito sa kanya. “Nagluto ako ng
“SAIYO ITO?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sabina nang pasakayin siya nito sa isang magarang Rolls Royce, “Gano ka ba kayaman?” Manghang-manghang sabi niya habang tsinetsek ang loob ng sasakyan. Naupo si Jeffrey sa driver’s seat at sinimulang paandarin ang sasakyan. Bahagya siyang napaismid nang maalala si Christine. Bukod sa guwapo na, napakayaman pa kaya tiyak na hindi na talaga ito papakawalan pa ng babalung babae na iyo Tahimik lang si Jeffrey habang nagmamaneho. Naisip niyang magtratrabaho siya bilang sekretarya nito and yet hindi man lamang naiisipang itanong ang pangalan niya. Bahagya niya itong nilingon, napaka-seryoso ng mukha nito. Guwapo ngunit suplado. Very typical na ugali ng mga mayayamang napapanood niya sa mga tv programs. Maya-maya ay huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang mall, dinukot nito ang wallet nito at kumuha ng cash duon, “Bumili ka ng bagong phone, kakailanganin mo ‘yan bilang secretary ko.” sabi nitong iniabot ang lilibu
“SINO ba iyong babaeng sumampal saiyo kanina?” Bahagya lang siya nitong nilingon saka ibinalik muli ang atensyon sa pagmamaneho, “Mukhang galit na galit ah? Sino bang pinaasa mong lalaki?” Bahagya pa itong napangisi. Naasar na bumaling siya dito. Kahit mayayaman maritess rin eh. Napahawak siya sa seat belt na nakasuot sa bewang niya, “Wala akong pinaasang kahit na sino. Masyado lang silang nag-assume na. . .teka nga, bakit ba nakikitsismis ka pa?” iritadong sabi niya nang marealize na hindi niya kailangang magpaliwanag dito. Nagibit balikat ito, “I’m just curious. Ilang taon ka na nga ba?” “Twenty two. Actually birthday ko ‘nung unang araw ko sa coffee shop. ‘nung nagyari iyong gulo at pinatago mo iyong maliit na box na iyon. . .” sabi niya rito, “Ilang beses kasi akong nahinto sa pag-aaral ‘nung nagkasakit si Mommy kaya late na ko nakapag-college. At mukhang mas matatagalan pa bago ko maka-graduate,” bigla ay naikwento niya rito.
HECK, napahilamos sa kanyang mukha si Jeffrey, ilang araw na lang ang nalalabi. Kailangan nang mabalik sa kanya ang usb or else mapipilitan siyang pakasalan si Christine. Waring shotgun wedding ang nangyayaring ito sa kanya. Sabagay, madali na lamang naman para sa kanya na makipag-annul dito matapos niyang makuha ang totoong pakay niya. But damn, iniisip pa lamang niyang ihaharap niya sa dambana ang babaeng ni minsan man ay hindi naman niya minahal, parang bumabaligtad na ang sikmura niya. But he has to do this to protect his people at maisakatuparan ang kanyang mga plano. “Were here. Bumaba ka na, pumunta ka sa 28th floor. Sa office kamo ni Mr. Jeffrey Mondragon. Alam na ng HR ang tungkol saiyo. Tutulungan ka na rin nilang gumawa ng resume mo. Considered as hired ka na dahil ako mismo nagrekomenda saiyo. Tawagan mo ko kapag tapos ka na sa resume mo para maihatid na ulit kita pabalik sa tinutuluyan mo.” “Hindi pa ako magtratrabaho?”
MAY kung anong pumilantik sa dibdib ni Sabina nang pagdating ni Jeffrey. Pakiramdam niya ay mas lalo itong pagwapo ng pagwapo kada minute. Iyong totoo, ano ba talaga ang nakita nito kay Christine? Hindi naman sa panglalait pero mukha lang talaga itong alalay ng binata. O masyado lang siyang asar sa kanyang step-sister kaya ang pangit ng tingin niya rito? Sabagay, sabi nga beauty is in the eyes of the beholder. Baka naman sa paningin ni Jeffrey ay napakaganda nito. Saka love is blind nga raw, hindi ba? Well, hindi siya sure duon dahil di pa naman niya nararanasang mainlab. At sa nangyayaring ito sa buhay niya, mas mabuti na nga lang sigurong huwag na muna siyang mainlab. Maraming mas mahalagang bagay ang kailangan niyang ayusin sa ngayon. Ang priority niya ay ang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama. “Halika, ipapakita ko muna saiyo ang opisina ko para alam mo kung san ka pupunta bukas,” anito nang makalapit na sa kanya. Tumayo siya para s
GINULAT NILA ang lahat sa anunsyo nilang magpapakasal na sila ngayong daratng na buwan. Masayang-masaya sina Arlene at Vivian para sa kanila. Ganuon rin naman si Von na tinanggap na ang pagkatalo at umaasang magiging masaya ang pagsasama nila ni Jeffrey. Excited din sina Erica at David kaya naman kaagad na nagset ng dinner para sa kanilang apat. “Hindi ako makapaniwalang magkaibigan pa pala ang mga boylet natin,” natatawang sabi ni Erica sa kanya habang nakamasid kina David at Jeffrey na umiinom ng wine sa isang sulok para icelebrate ang naglalapit nilang kasal, “Sinong mag-aakala nito?” Napangiti siya. Masaya siyang nabalik muli sa dati ang friendship nilang dalawa ni Erica. “Gustong-gusto talaga kitang maging hipag kaya ang sama-sama ng loob ko ng binasted mo si Kuya Enzo,” pagtatapat pa ni Erica sa kanya, “Pero tama ka, di naman pwedeng turuan ang puso. Sadyang may mga nakalaan para sa tin na bigla na lang darating sa buhay nati
“IBANG KLASE RIN ANG BOSS MO,” napapailing na sabi ni Von sa driver ni Jeffrey na nakita niyang naninigarilyo sa may gate. “Pasensya na, nagmamahal lang si Boss,” sabi nito sa kanya. Napaismid siya. Matagal na siyang nagmamahal pero hindi siya naging ganito kaswerte na gaya ng Jeffrey na iyon. Ewan ba niya kay Sabina kung bakit kahit yata paulit-ulit itong magkamali ay palagi itong nakahandang magpatawad. “Come on, alam naman nating maraming babae ang boss mo,” patuyang sabi niya sa lalaki. “Diyan ka nagkakamali. Kilala ko si Boss, minsanan lang magmamahal iyon. Alam ko kung ano iyong mga pinagdaanan nya sa buhay kaya wala kang karapatang husgahan sya base lang sa kung ano ang nakikita mo,” matiim na sabi sa kanya ng lalaki na halatang anumang oras ay handang makipagpatayan para lamang sa amo nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Ang totoo ay nasasaktan lamang naman siya. Ang tagal niyang umasa at nag
“P-PERO NATAUHAN AKO,” halos paanas lamang na sabi niya. Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. “OMG, kaya naman pala inis na inis saiyo si Von,” napapailing na sabi ni Arlene sa kanya saka napangiti, “Masarap ba?” Siniko ni Vivian si Arlene, “Ayan ka na naman sa kalibugan mo, Tumigil ka nga!” nakairap na sabi nito sa babae saka muling bumaling sa kanya, “Sabina, sana naman this time matuto ka na. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng ibang tao. Hindi sa lahat ng babagay eh bigay ka lang ng bigay,” Payo nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Alam niyang nagmamalasakit lamang ang mga ito dahil nakita ng mga ito kung paano siya nahirapan nuon. “Mabuti pa magpahinga ka na muna, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, okay?” Sabi ni Arlene sa kanya. “Salamat,” aniya sa mga kaibigan, “Salamat dahil tinutulungan nyong maging magaan ang buhay ko.”NAKITA NI ROWENA si Jeffrey na um
AYAW NI JEFFREY SIRAIN ang espesyal na araw ni David kung kaya’t maaga na lamang siyang nagpaalam sa lalaki. Masama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Sabina. Sabagay ay hindi naman niya ito masisisi dahil matindi naman talaga ang naging atraso niya rito. Pero hindi na ba talaga siya nito maaring bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Bumalik na siya sa Maynila at pinili na lamang mapag-isa sa kayang suite. Siguro ay kailangan niya ang tulong ni Geraldine para ito mismo ang magpaliwanag kay Sabina tungkol sa kanila. At para na rin malaman nito na sa nakalipas na panahon ay wala namang ibang umukupa sa puso niya kundi ito lamang. At totoo sa loob niya nang sabihin niya rito na mahal niya ito. Malungkot siyang nahiga sa kama habang paulit-ulit na nanunuot sa kanya ang magandang mukha ni Sabina. Kulang na lang ay lumuhod siya rito kanina para lang magsumamo na patawarin
ARAW NG LINGGO. Madaling araw pa lamang ay gising na si Sabina bilang paghahanda sa kasal ng kaibigan niyang si Erica at ang multi-billionare na mapapagasawa nitong si David Wharton. Siya kasi ang maid of honor ng kaibigan kung kaya’t maaga siyang gumising para ihanda ang kanyang susuoting magenta pink gown. Mabuti na lamang at nagpresinta si Von na sunduin siya. Sa Tagaytay gaganapin ang wedding, one hour drive from Laguna kasama ng ang ilang minutong traffic lalo na kapag araw ng Linggo. Kaya sabi ni Von ay magprepare siya ng maaga para maaga siya nitong susunduin. Siya na rin lang ang magme-make up sa sarili niya tutal naman ay very light lang ang ilalagay niya sa mukha dahil summer naman ngayon. Saka di naman talaga siya mahilig maglagay ng kung anu-anong burluloy sa mukha. Si baby Bean ay iiwanan muna niya sa pangangalaga nina Arlene at Vivian. Sanay naman na ang bata sa mga ito. Gusto ng asana ni Von ay isama niya ang kanyang anak sa wedd
“PASENSYA ka na Sabina kung may pagkamarites ako. Gusto ko lang naman kasing maging masaya ka kaya ipinaalam ko saiyo ang tungkol kay Jeffrey. Kung gusto mo syang makita, dito lang sya naka-check in sa hotel namin.” “Salamat, Rowena pero wag na wag mo na sanang mababanggit pa sa kanya ang tungkol sa amin ng bata,” aniya sa kanyang pinsan. “Pero hindi ba karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata?” Tanong ni Rowena sa kanya. “Please Rowena. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng magkaron pa ng kaugnayan sa kanya,” pigil ang inis na sabi niya sa babae. “Pasensya na, akala ko kasi matutuwa ka sa ibabalita ko,” sabi nito sa kanya, “Pramis, hinding-hindi kita babanggitin sa kanya.” “Salamat.” Pagkatapos ng pakikipag-usap sa pinsan ay hinarap niya sina Arlene at Vivian na halatang curious na curious sa ibabalita niya. “What?” Taas ang kilay na tanong niya sa mga ito.
“ANG CUTE-CUTE naman ni baby Bean,” tuwang-tuwang sabi ni Arlene, kinuha nito sa kanya ang bata, “Di ako makapaniwalang mag-iisang taon na sya. Parang kelan lang,” sabi pa nito sa kanya. Ngumiti siya. Isang taon na ang matuling lumipas at sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Arlene, Von at Vivian ay nakapag-set up sila ng isang coffee shop sa Laguna kung saan ay dito na rin niya piniling manirahan habang ang bahay naman niya sa Cubao ay naisipan niyang parentahan na lamang. Balak nga sana niya nuong una ay ipagbili iyon ngunit napagtanto niyang di pala niya kayang pakawalan ang mga magagandang alaalang kalakip ng bahay na iyon bagama’t marami ring masasakit na memories ang bahay na iyon sa kanya. Mas matimbang pa rin ang mga magagandang alaalang nabuo sa tahanang iyon habang siya ay lumalaki. So far ay successful naman ang kanilang coffee shop dito sa Laguna at nagplaplano na silang magput up ng isa pang shop nila sa karatig bayan.
HINDI MAKAPANIWALA SI VON nang pasyalan siya nito sa bahay at ipagtapat niya ang totoong kalagayan niya rito. Disappointed itong malaman na nagdadalang tao siya at the same time ay nag-aalala ito lalo na nang ipagtapat niya ang tungkol sa kanila ni Jeffrey. “Sabi ko na nga ba may something sa inyo ng lalaking iyon. Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya, hindi ko na kaagad siya gusto,” nailing na sabi nito sa kanya saka tiningnan siya ng matiim, “Talaga bang wala kang balak ipaalam sa kanya ang lagay mo?” Umiling siya. “Para ano pa?” “Bakit hindi mo sya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? I know, medyo confusing ang statement ko considering di ko gusto ang lalaking iyon. Pero syempre, iyong kapakanan mo pa rin at kaligayahan mo ang iniisip ko. Kahit masakit para sakin, kung sa kanya ka magiging maligaya, okay lang. Kaya kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong bigyan mo sya ng chance na magpaliwanag.” “Magpali
“I AM ONE MONTH PREGNANT?” Waring hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang tinitingnan ang result ng naging eksamenasyon sa kanya ng doctor. “Mabuti na lang safe ang baby mo. Kaya iwasan mo na sana ang stress at magfocus ka sa nandyan sa matris mo,” sabi ni Enzo na bakas ang matinding pag-aalala sa kanya, “Ano nga palang plano mo? Ipapaalam mo ba sa kanya?” Umiling siya. Simula sa araw na ito ay tinatapos na niya ang anumang ugnayan niya kay Jeffrey. Tama na ang kahibangan. Napaisip siya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa bagong kaganapan na ito sa buhay niya. May pait sa mga labing napangiti siya. Sa isang iglap ay nakabuo kaagad ng dalawang bata si Jeffrey. O baka nga hindi lang sila dalawang binuntis nito. Hindi na siya magtataka kung may mababalitaan siyang isa pang naghahabol dito. “Sabagay, kayang-kaya mo namang buhayin