Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2024-12-18 14:10:10

Kinaumagahan, maagang nagising si Paula, punong-puno ng excitement at kaba. Ito na ang simula ng kanyang plano. Una niyang araw bilang secretary ni Akihiro Conjuangco—ang lalaki na kailangang maakit niya para mapigilan ang kasal nito kay Amara. Determinado si Paula, at alam niyang bawat kilos niya ay kailangang kalkulado.

Pagkatapos niyang maligo, mabilis siyang bumalik sa kwarto, kung saan naghihintay si Amara na may dalang tray ng kape.

“Good morning, futurer charmer,” biro ni Amara habang inaabot ang kape. “Handa ka na bang akitin ang boss mo?”

Tumawa si Paula. “Bakit parang ang bastos ng tunog?” sagot niya, pero bakas sa mukha niya ang confidence. “I’m ready. Ano, tulungan mo na ako sa pagaayos.”

“Of course! Eto na ang glam squad mo, girl,” sagot ni Amara sabay abot ng isang sleek black pencil dress na may slit sa gilid. Pinili nila ito kagabi—isang damit na sapat ang pagka-professional pero may halong subtle seduction.

Habang tinutulungan siya ni Amara, naglagay si Paula ng makeup na simple pero nakakakuha ng pansin. Pinili niya ang natural-looking foundation, soft smokey eye, at isang deep red lipstick na perfect para magmukhang confident at fierce. Nang matapos na siya, tinignan siya ni Amara mula ulo hanggang paa.

“Girl, hindi ka secretary ngayon. Para kang CEO!” biro ni Amara pero halata sa mata niya ang pagkamangha. “Akihiro won’t even know what hit him.”

Ngumiti si Paula, pinaikot ang buhok niya sa likod at inayos ang high heels. “Perfect. Kaya ko ‘to.”

Bago siya umalis, kinuha niya ang bag na maingat niyang inihanda kagabi. Naglalaman ito ng mga basic office supplies at props na magagamit niya upang mas makuha ang atensyon ni Akihiro.

Pumara lang siya ng taxi, hindi naman mapigilan ni Paula ang kabang unti-unting bumalot sa kanya. Mabilis ang tibok ng puso niya habang tinitignan ang lumalapit na gusali ng Conjuangco Company. Ito ang headquarters ng isa sa pinakamalaking korporasyon sa bansa.

Bago bumaba, sinulyapan niya ang sarili sa maliit na salamin. Sapat na ang makeup niya—hindi masyadong loud, pero sapat para makuha ang atensyon kahit sa simpleng tingin. 

Pumasok si Paula sa building na may taas-noo, kahit na medyo kinakabahan siya sa loob. Suot niya ang damit na pinili nila ni Amara, at bawat hakbang niya ay sinadyang mag-project ng confidence. Alam niya na ang mga mata ng tao ay natural na napupunta sa mga taong may self-assured na aura, kaya iyon ang kanyang iniiwasang mawala.

“Good morning, ma’am!” bati ng guard sa kanya, na halata ring napatingin sa kanyang kabuuan.

Ngumiti si Paula at tumango. “Good morning po,” sagot niya ng maikli pero magalang. Alam niyang hindi siya dapat masyadong magtagal sa maliliit na usapan; ang goal niya ay nasa taas ng building na ito.

Pagdating niya sa opisina, sinalubong siya ng assistant ng HR para ihatid siya sa opisina ni Akihiro. “Mr. Conjuangco will see you in his office in five minutes. Please be ready,” sabi ng assistant.

Tumango si Paula at umupo muna sa isang maliit na waiting area. Huminga siya ng malalim at inalala ang lahat ng plano nila ni Amara. Ang unang impression ang pinakaimportante, at kailangang ipakita niyang confident siya pero approachable.

Pagpasok niya sa opisina ni Akihiro, agad siyang sinalubong ng malamig at matalim na tingin ng boss niya. Nakaupo ito sa harap ng isang malaking desk, hawak ang isang fountain pen, at mukhang abala sa pagbabasa ng mga papeles. Halos hindi nito itinaas ang ulo para tignan siya, pero naramdaman niya ang presensya nito na parang nagpapalapit ng hangin sa kwarto.

“Miss Paula,” sabi ni Akihiro, malamig at diretso, hindi man lang tumingin nang buo sa kanya.

“Yes, Mr. Conjuangco,” sagot ni Paula, dahan-dahang lumapit habang pinapanatili ang posture niya. Sinadyang idiretso niya ang likod at panatilihing confident ang dating niya. Sa bawat hakbang, ramdam niya ang bigat ng tingin ni Akihiro nang itinaas nito ang ulo mula sa mga papeles.

Napatingin ito nang bahagya sa kanya. Kita sa mukha nito ang pagkabigla—isang micro-expression na agad nitong naitago. Pero hindi iyon nakalampas kay Paula. Nakuha niya ang atensyon nito, at iyon ang unang tagumpay niya.

“You’re early,” sabi ni Akihiro habang tinuturo ang upuan sa harap ng desk niya. “I like punctuality.”

Ngumiti si Paula at umupo nang maingat. “It’s my first day, sir. I want to make a good impression.”

Tumango si Akihiro. “Let’s hope you can keep it up. My expectations are high.” Habang nagsasalita ito, pinagmamasdan siya, tila ini-evaluate ang bawat kilos niya.

Napansin ni Paula ang malalim na boses ni Akihiro at ang paraan nito ng pagsasalita—mabilis, diretso, at walang emosyon. Pero alam niya na kailangan niyang mabasag ang pader nito. Kaya’t sinimulan niyang ilabas ang kanyang charm.

“I understand, sir,” sagot ni Paula na may hint ng confidence. “I thrive under pressure.”

Sandaling natahimik si Akihiro bago tumango. “Good. You’ll need that attitude. You can start by organizing the files on my desk. I hate clutter.”

Tumayo si Paula at dahan-dahang nilapitan ang desk nito, sinadyang maglakad nang may grace. Habang inaayos ang mga papeles, naramdaman niya ang mga mata ni Akihiro na nakatingin sa kanya, sinusuri ang bawat kilos niya. Sa loob-loob niya, alam niyang nakuha niya ang interes nito, kahit hindi pa ito umaamin.

“Anything else, sir?” tanong ni Paula habang nag-aayos.

“Nothing for now,” sagot ni Akihiro, pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. “Let’s see how you handle today’s tasks.”

Habang lumalabas si Paula ng opisina, napangiti siya nang bahagya. Ang unang hakbang ay nagawa na niya. Alam niyang hindi madaling akitin ang isang lalaking katulad ni Akihiro Conjuangco, pero sa tingin niya, nasa tamang direksyon ang plano niya. 

Pagkatapos ng pakikipag-usap kay Akihiro Conjuangco, bumalik si Paula sa kanyang sariling desk na inilaan para sa kanya sa labas ng opisina ng boss. Habang inaayos niya ang mga gamit niya, naramdaman niyang ang adrenaline ng unang pakikisalamuha nila ay unti-unting napapalitan ng excitement at kaunting kaba para sa mga susunod na mangyayari. Ngunit hindi siya puwedeng magpahinga. Hindi pa tapos ang araw, at kailangan niyang ipakita ang kanyang pagiging resourceful at dedicated.

Habang abala siya sa pag-aayos ng mga gamit, napansin niyang wala pang laman ang coffee maker sa pantry sa kaliwa ng opisina. “Hmm, maybe this is my chance,” bulong niya sa sarili. Agad siyang tumayo, kinuha ang kape mula sa maliit na cabinet sa tabi ng pantry, at nagpasya nang magtimpla ng kape para kay Akihiro bilang isang gesture ng pagiging proactive. Pero hindi pa siya nakakapagsimula nang biglang bumukas ang pinto ng pantry, at pumasok ang isang babae na nakasuot ng puting blouse at floral pencil skirt.

“Hi there! Ikaw si Paula, ‘di ba?” tanong ng babae na may malaki at nakakahawang ngiti sa mukha. “Ako si Bela, taga-Marketing. Bagong secretary ka ni Mr. Conjuangco?”

Ngumiti si Paula at iniabot ang kamay niya. “Yes, ako nga. Nice to meet you, Bela.”

Masigla namang inabot ni Bela ang kamay niya, sabay sabing, “Oh my gosh, finally! Napaka-intimidating kasi ni Mr. Conjuangco kaya konti lang ang tumatagal sa posisyon mo. Pero huwag kang mag-alala, mukhang kaya mo naman. By the way, kailangan mo ng tulong dito?” Itinuro nito ang coffee maker.

Tumawa si Paula nang bahagya. “Salamat, pero kaya ko naman. First day ko pa lang, pero gusto ko nang magsimula sa simple things tulad nito.”

“Ganun ba? Nakakatuwa ka naman. Pero heads up lang, Paula, hindi mahilig sa sugar ang boss natin. Black coffee lang talaga ang gusto niya. Trust me, natutunan ko ‘yan sa maling paraan nung minsang inutusan niya ako noon,” sabi ni Bela habang nagtatawa.

Pinakinggan ni Paula ang payo ni Bela habang tinimpla ang kape. “Salamat sa tip. Mukhang marami ka nang alam tungkol kay Mr. Conjuangco, ah.”

“Oo naman! Kahit hindi kami masyadong close, napapansin ko na gusto niya ng mga taong hindi masyadong clingy. Gusto niya straightforward pero maayos kausap. Medyo suplado siya sa umpisa, pero... may soft side din yata kahit papaano,” sabi ni Bela na parang nagbibiro pero halata ang katotohanan sa mga sinabi nito.

Natuwa si Paula sa pagiging jolly ni Bela. Napagtanto niyang maganda itong kaibiganin, hindi lang dahil sa mabait ito, kundi dahil mukhang marami itong alam tungkol sa dynamics ng opisina. Maaaring magamit niya ang mga impormasyon sa hinaharap.

“Salamat ulit, Bela,” sabi ni Paula matapos tapusin ang paggawa ng kape. “I really appreciate this.”

“Ay, walang anuman! Basta tandaan mo, kung gusto mong mag-unwind or mag-chika, lapit ka lang sa amin sa Marketing Department. Kami ang pinaka-chill na grupo dito!”

Tumawa si Paula at tumango. “Noted. Salamat ulit.”

Pagkalabas ni Bela sa pantry, huminga nang malalim si Paula habang hawak ang tray na may tasa ng kape. Inayos niya ang sarili, tiniyak na matibay ang pagkakahawak niya sa tray, at naglakad pabalik sa opisina ni Akihiro. Ang bawat hakbang niya ay may halong kaba at excitement, pero hindi niya pinapakita ito.

Pagpasok niya sa opisina, abala pa rin si Akihiro sa pagbabasa ng mga papeles. Wala itong itinaas na ulo kahit marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto. Kaya naman dahan-dahan niyang inilapag ang tray sa maliit na coffee table sa gilid ng desk nito.

“Sir, here’s your coffee,” sabi ni Paula, malumanay pero may confidence sa tono.

Tumingin si Akihiro, bahagyang tinaas ang isang kilay. “I didn’t ask for coffee.”

Ngumiti si Paula, hindi nagpapatinag. “I know, sir. Gusto ko lang pong ipakita na proactive ako. I hope it meets your standards.”

Kinuha ni Akihiro ang tasa at uminom nang hindi nagsasalita. Ilang sandali itong tahimik, tila ini-evaluate hindi lang ang kape kundi pati na rin ang kilos ni Paula.

“Not bad,” sabi nito pagkatapos ng unang lagok. Tumingin ito kay Paula at tumango nang bahagya. “You can go back to your desk now. I’ll call you if I need anything.”

“Noted, sir,” sagot ni Paula bago siya maingat na lumabas ng opisina.

Pagbalik niya sa desk, hindi niya napigilan ang ngiti. Alam niyang maliit na tagumpay lamang ito, pero para sa kanya, bawat maliit na hakbang ay mahalaga sa kanyang plano.

Habang inaayos niya ang mga papeles sa desk, dumaan ulit si Bela. “O, kamusta? Naibigay mo ba ‘yung coffee?” tanong nito, bakas ang curiosity sa mukha.

“Oo, okay naman. Mukhang nagustuhan niya,” sagot ni Paula, na hindi maitago ang kasiyahan.

“Good job! Kapag gano’n, tuloy-tuloy mo lang. Pero eto ang tip ko ulit—huwag kang masyadong eager. Boss mo siya, hindi mo kailangang laging mag-offer. Let him ask for things. Lalaki ang ego nun,” biro ni Bela sabay tawa.

Napatawa rin si Paula. Alam niyang may punto si Bela, pero may sarili siyang diskarte. “Noted ulit. Salamat sa tips.”

“Mukhang magiging exciting ang office na ‘to ngayon. Good luck, Paula!” sabi ni Bela bago ito tuluyang umalis.

Related chapters

  • SEDUCING THE CEO   Chapter 1

    Sa loob ng apartment ni Amara, nakaupo si Paula habang isa-isang sinusuri ang mga papeles na kakailanganin niya para sa paghahanap ng trabaho. Isang independent woman si Paula Louise Ocampo, tatlong buwan na siyang nakatira pansamantala sa apartment ng kaibigan ngunit hanggang ngayon, palamunin pa rin siya nito. Bagaman bihira lang umuwi si Amara, siya ang tumutustos sa lahat ng pangangailangan ni Paula.Hiniling lang naman ni Paula na magkaroon ng pagkakataong makapagsimula ulit. Dating pangarap niya ang maging accountant, ngunit hindi siya sinuportahan ng kanyang mga magulang kaya’t naglayas siya noong 21 years old siya. Nagtrabaho siya bilang call center agent sa gabi habang nag-aaral sa umaga. Kahit anong sikap, tila hindi umayon ang kapalaran.Nasa ikalawang taon na siya sa kursong Accountancy nang masangkot siya sa isang gulo sa paaralan—hindi naman siya kasali, pero nadamay siya. Ang insidenteng iyon ay nagresulta sa kanyang pagka-dropout at pagkawala ng scholarship. Napilitan

    Last Updated : 2024-12-17
  • SEDUCING THE CEO   Chapter 2

    Lumabas si Paula mula sa HR office na may malaking ngiti sa mukha. Hindi siya makapaniwala—sa wakas, mukhang nagbubunga na ang lahat ng pinaghirapan niya. Hawak-hawak niya ang schedule at budget na nakuha niya, at ramdam na ramdam niya ang excitement sa buong katawan. Parang ang sarap na magtagumpay, at parang ang lahat ay papunta na sa tamang direksyon. Ang mga plano nila ay may patutunguhan.She hurriedly waved down a taxi, her heart racing with the thoughts of the upcoming days. The wind ruffled her hair as she stared out the window, thinking of the steps ahead. She would make sure Akihiro Conjuangco fell for her, and Amara’s life would change. In the end, everything would fall into place. All it took was a little charm and a lot of careful planning.Pagdating sa apartment ni Amara, hindi na siya nag-abala pang kumatok—diretso siyang pumasok at agad niyang niyakap si Amara, na nagulat sa biglaang pagdating ng kaibigan.“Paula! Oh my gosh!” masayang sigaw ni Amara, tapos bigla siyan

    Last Updated : 2024-12-18

Latest chapter

  • SEDUCING THE CEO   Chapter 3

    Kinaumagahan, maagang nagising si Paula, punong-puno ng excitement at kaba. Ito na ang simula ng kanyang plano. Una niyang araw bilang secretary ni Akihiro Conjuangco—ang lalaki na kailangang maakit niya para mapigilan ang kasal nito kay Amara. Determinado si Paula, at alam niyang bawat kilos niya ay kailangang kalkulado.Pagkatapos niyang maligo, mabilis siyang bumalik sa kwarto, kung saan naghihintay si Amara na may dalang tray ng kape.“Good morning, futurer charmer,” biro ni Amara habang inaabot ang kape. “Handa ka na bang akitin ang boss mo?”Tumawa si Paula. “Bakit parang ang bastos ng tunog?” sagot niya, pero bakas sa mukha niya ang confidence. “I’m ready. Ano, tulungan mo na ako sa pagaayos.”“Of course! Eto na ang glam squad mo, girl,” sagot ni Amara sabay abot ng isang sleek black pencil dress na may slit sa gilid. Pinili nila ito kagabi—isang damit na sapat ang pagka-professional pero may halong subtle seduction.Habang tinutulungan siya ni Amara, naglagay si Paula ng makeu

  • SEDUCING THE CEO   Chapter 2

    Lumabas si Paula mula sa HR office na may malaking ngiti sa mukha. Hindi siya makapaniwala—sa wakas, mukhang nagbubunga na ang lahat ng pinaghirapan niya. Hawak-hawak niya ang schedule at budget na nakuha niya, at ramdam na ramdam niya ang excitement sa buong katawan. Parang ang sarap na magtagumpay, at parang ang lahat ay papunta na sa tamang direksyon. Ang mga plano nila ay may patutunguhan.She hurriedly waved down a taxi, her heart racing with the thoughts of the upcoming days. The wind ruffled her hair as she stared out the window, thinking of the steps ahead. She would make sure Akihiro Conjuangco fell for her, and Amara’s life would change. In the end, everything would fall into place. All it took was a little charm and a lot of careful planning.Pagdating sa apartment ni Amara, hindi na siya nag-abala pang kumatok—diretso siyang pumasok at agad niyang niyakap si Amara, na nagulat sa biglaang pagdating ng kaibigan.“Paula! Oh my gosh!” masayang sigaw ni Amara, tapos bigla siyan

  • SEDUCING THE CEO   Chapter 1

    Sa loob ng apartment ni Amara, nakaupo si Paula habang isa-isang sinusuri ang mga papeles na kakailanganin niya para sa paghahanap ng trabaho. Isang independent woman si Paula Louise Ocampo, tatlong buwan na siyang nakatira pansamantala sa apartment ng kaibigan ngunit hanggang ngayon, palamunin pa rin siya nito. Bagaman bihira lang umuwi si Amara, siya ang tumutustos sa lahat ng pangangailangan ni Paula.Hiniling lang naman ni Paula na magkaroon ng pagkakataong makapagsimula ulit. Dating pangarap niya ang maging accountant, ngunit hindi siya sinuportahan ng kanyang mga magulang kaya’t naglayas siya noong 21 years old siya. Nagtrabaho siya bilang call center agent sa gabi habang nag-aaral sa umaga. Kahit anong sikap, tila hindi umayon ang kapalaran.Nasa ikalawang taon na siya sa kursong Accountancy nang masangkot siya sa isang gulo sa paaralan—hindi naman siya kasali, pero nadamay siya. Ang insidenteng iyon ay nagresulta sa kanyang pagka-dropout at pagkawala ng scholarship. Napilitan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status