Lorelei “Ate, nariyan ka ba sa loob?” katamtaman kong sigaw habang kumakatok ako sa pinto. Walang tugon galing kay Ate Marrianne. Ngunit nagtiyaga akong katukin siya baka tulog lang ito sa mga oras na ‘yon.Inulit ko ang pagkatok. Medyo nilakasan ko na ngayon, para sure na mabubulahaw ko ang mahimbing niyang pagtulog.Tsaka ko na iisipin ang galit nito kung sakaling pagalitan niya ako, ang importante nagtagumpay akong gisingin siya. Pananghalian na rin naman okay lang na bumangon na ito sa kama or lumabas ng silid niya. Mamaya lang aakyat sigurado si Mommy, upang tawagin kami sa pananghalian.Hindi nga ako nagkamali ng hula, dahil ang masungit na Ate Mayang ang bumungad sa akin pagbukas ng doorknob.“Pambihira ka bunso. Ang sarap ng tulog ko pero grabeng istorbo ka,” reklamo nito nakahalukipkip ng pagbuksan niya ako ng pinto.Napangiti ako. “Ehehe, Ate. Sorry naman. Meron lang sana akong itatanong sa ‘yo na tayong dalawa lang ang nag-uusap.”“Ano ba ang iyong sasabihin, bunso? Just a
LoreleiNagtatawanan kami ni Ate Marrianne ng meron kumatok sa pinto kaya parang temang na nagkatawanan kami. “Ate ako na ang sisilip,” pagsaway ko sa kanya ng akma siyang babangon sa pagkakahiga.“Sure bunso, ikaw naman ang nakaupo siya sulong sis,” she softly chuckled.Nakangiti ang isa sa kasambahay na si Ate Dedeng, ang napagbuksan ko sa labas.“Ma'am Lorelei, tawag na kayo ni Mommy n'yo. Nasa dining area na sila ni Sir Rowan, inaantay kayo ni ma'am Marrianne.”“Sige po Ate Dedeng. Salamat po,”“Daddy,” nakangiti kong pagbati rito pagdating namin ni Ate Mayang, sa dining area. Tanghalian na kasi hindi namin namalayan ang oras ni Ate. Kung hindi pa kami pinatawag ni Mommy, baka sa mga oras na ito nag-uusap pa rin kami ni Ate Mayang.Saktong nasa k'warto pa kask ako ni Ate Mayang, nagkwekwentuhan pa kami kung ano-ano lang simula kasi kanina hindi na ako pinalabas sa kanyang silid.Niyakap ko pa si Daddy, sa kanyang likuran. Inabot niya naman ang buhok ko para lang guluhin niya ito.
Lorelei Nakangiti akong bumangon upang gumayak patungo sa condo unit ni Matthias. Ang gaan ng pakiramdam ko at pakanta-kanta pa akong nagtungo ng banyo at mabilis na naligo.Wala akong ganang kumain. Kahit nga bread lang sana kaya nga lang hinahanap ng tiyan ko ay kape.Tama lang kasi seven pa ngayon ng umaga. Makakarating ako patungo sa condo unit ni Matthias, siguro mga alas otso. Doon na lang ako maga-almusal sabay kami ng binata.Hindi na ako gano'ng nagbihis ng magarang damit. Jumpsuit na denim maong at hinayaang nakalugay ang buhok ko.Pagdating ko sa labas ng condo building. Nakakuha agad ako ng taxi. Nagpahaitd sa BGC kung saan naroon ang condo unit ni Matthias.One time na akong nakapunta rito kasama si Mommy Cole, kaya nakilala ako ng duty guwardiya, pinapasok agad ako. Nagtataka ako ng marinig ko ang sinabi ng apat na g’wardya sa lobby nagbubulungan.Para naman hindi sila aware sa kanilang kwentuhan na malakas akala hindi iyon makaabot sa aking tainga.“Iba rin talaga ang
Lorelei “Babe gusto kitang makausap. Please naman, kausapin mo naman ako. Alam kong galit ka ngayon, dahil sa naabutan mo, but please, babe. Believe me. Bago ako matulog kagabi wala si Gretchen, dito sa condo unit ko. Mas gusto kong magalit ka sa akin kaysa ganiyan na tahimik ka. Saktan mo ako tatanggapin ko basta kausapin mo lang ako,” pakiusap ni Matthias, sa akin ngunit nanatili akong bingi.May kumatok sa pinto. I'm sure si Lolo ‘uon dahil si Daddy, hindi pa lumalabas. Pinanonood kami ni Matthias. Kanina pa si Gretchen, nauna sinunod ang utos ni Dad, pero itong Matthias, sadyang matigas ang ulo kanina pa napra-praning eh, wala akong ganang kausapin siya. Sobra akong naiirita sa itsura niya lalo na may pasabunot ito s kanyang buhok. Naiirita akong tingnan siya.Pagkatapos ng katok sa pinto bumukas iyon. I didn't guess wrong dahil sumungaw si Lolo, na madilim ang mukha nito pareho kaming binigyan ng malamig na tingin ni Matthias.“Talaga bang balak mo kaming pag-antay sa labas ni G
Lorelei Nagpatuloy ako sa aking trabaho kahit may time na gusto kong sumuko. Mabuti na lang pumayag naman ang manager ng kausapin ko, upang hindi ako mag-duty ng nightship dahil sa kalagayan ko.Ewan ko ba sa gabi talaga ako nagsusuka kaya istorbo talaga sa trabaho kung panggabi ako. Maya't maya kasi nakatambay ako sa lababo.Naisip ko ulit si Matthias kahit na pilit ko siyang kalimutan. I'm just wondering why Matthias' wedding date was postponed. But that's not important anymore. Ayaw ko na rin silang isipin pa.Kahit sila Mommy may tampo ako hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin. Mas nag-focus ako sa baby ko, sa pinagbubuntis ko. Ayaw kong magpaka stress sa kanila kung kinalimutan nila ako, wala akong magagawa roon. They used to be my parents, and that will always be in my heart.“Hoy! Sipag mo naman,” ani ni Regina, nang five minutes na lang pero nasa harapan pa ako ng oven may inaantay na maluto. Makalat din ang p'westo ko. Ten minutes kasi pwede na kaming mag-ayos at maglin
LoreleiPaglabas namin ni Regina sa entrance ng hotel doon ako sobrang napasibi. I thought I was brave enough to face him. Na kaya ko siyang ignorahin ngunit hindi pala.Bumaba si Darvin sa kotse nito at lumapit sa amin ngunit naka suot ito ng shade at sumbrero upang ‘di makaagaw ng atensyon lalo na’t nasa public place kami. May iilan din kasi mga paroo't parito mga guest sa hotel. Nagi-ingat lang si Darvin na dumugin ng mga tao.“Lorelei, what happened?” aniya ng nasa harap na namin siya ni Regina.Si Regina ang sumagot dahil patuloy akong mahinang umiiyak nang nakayuko.“Iyong Matthias niya. Aba'y sadista talaga ang gagong lalaking ‘yon, sarap basagin ang bayag noon. Naisip pa talagang dumalaw rito at ewan anong pakay, bakit naisip kumain sa dami namang lugar na p'wedeng puntahan dito pa sa hotel nagpunta.“G-girl s-sorry umiyak ulit ako,” wika ko kay Regina.“Nah! Palagi naman kapag tungkol d’yan sa Matthias mo,” irap nito sa akin. “Ang hudas na ‘yon gusto lang i-display ang Gretch
Lorelei Two years later…“Anak sure ka bang hindi ka mahihirapan na dala ang apo ko sa iyong biyahe? Kung maayos nga lang ang paningin ko, sasamahan na kita total kaya naman ng pinsan mong si Eleazar dito, dahil narito naman si Lola Emerita mo,”Tinutukoy ni Tatay na Lola, ay bunsong kapatid ng mama niya dito sa Samar. Dito kami nanirahan simula ng umalis kami ng Palanza. Biyuda na kasi si Lola Emerita, at nasa Maynila ang tatlo nitong anak lahat may mga trabaho na. Pero ang dalawa ay may asawa na isa na lang ang dalaga. Kapag pasko hanggang bagong taon ay umuuwi ang mga anak ni Lola Emerita na si Tita Quennie, Tita Kylie at Tita Mhaey.Parang kailan lang dalawang taon na ang nakalipas ngunit parang kahapon lang nangyari ang lahat. May anak na akong mahigit isang taon, si Zanelle.Zanelle Era Lazaro.Hindi ginagamit ng anak ko ang apelyido ni Matthias, dahil hindi naman kami kasal. Maging surname ko matagal ko ng pinalitan. Tipid akong ngumiti. Kung muling magko-krus ang landas namin
Lorelei “Zanelle, anak ‘wag akyat baba baka magalit sa kabilang upuan,” saway ko sa anak kong natutuwa sa ginagawang pabalik-balik sa pag-akyat baba sa katabi kong bakanteng upuan.“Mama, Zael weh be kayeful,” aniya sa akin. Napatampal ako sa aking noo. Ayan naman po ang energetic kong anak hindi talaga mapakali.Sinubukan ko pa hawakan sa laylayan ng damit niya subalit tinatanggal lang ang kamay ko. Nakabantay na lang ako baka kasi magkamali ng pagbaba baka malaglag sa upuan.“Ma'am pasensya na po sa istorbo,” wika ko na lang sa may-edad na babaeng katabi ng upuan na pinaglalaruan ni Zanelle.“Walang problema Hija. Gano'n talaga ang mga bata malikot at makulit,” aniya.“Sobra po,” nakangiti kong sagot sa kaniya.“Ilang taon na ba siya?” tanong din ng may-edad na babae.“Fifteen months po,” wika ko.“Isang taon pa mahigit pero ang bilis ng maglakad ano, hija? Tsaka madaldal na,”“Opo. Nasanay sa province hindi pa siya nag birthday ng isang taon, naglalakad na siya,”“Kaya pala. Lalo n
MatthiasIt's been 3 years, simula ng ikinasal kami ni Lorelei, sa Sanctuary Hotel pero feeling ko noong isang Linggo lang nangyari ‘yon.Araw-araw kasi mas lalo kong minahal ang mabait kong asawa. Oo minsan may away kami ngunit inaayos agad namin ‘yon. Nag-uusap agad kami at gumagawa ng maganda solusyon. Ngunit ang away lang naman namin ay simpleng hindi lang pagkakaunawaan bilang buhay mag-asawa.Ayaw kasi rin namin patatagalin kung sino sa aming dalawa ang may tampo kailangan solve agad hindi pinaabot kinabukasan.If I look back to the past, when Lorelei was Mommy's daughter, it seemed impossible for us to be together. She can never be mine because everyone believes we are siblings.Marami na nga kaming sinuong na pagsubok. But thankful kay God, kasi nalampasan namin ang pinagdaanang unos, at sa kung may darating man na matinding problema kaya naman namin ‘yon lampasan. Ngayon pa ba na may mga anak na kami at mas mahal namin ang isa't isa.Lalo pa nga naging matibay ang aming pagsas
LoreleiAfter four months…“Uh? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dalawa at alam ko may trabaho pa kayo ngayon?” kunot ang noo ko pareho ko silang tiningnan.“Besh…punta tayo ngayon sa Sanctuary Hotel and resort n'yo,” wika ni Ricky at Regina. Pumasok agad sa loob ng condo hindi ko pa man naaya pumasok. Tsk, ang weird ng mga bestfriend ko.“Lorelei! Tara minsan lang magyaya–”“Ha? Walang kasama si Zanelle, besh, si Tatay kasi nagpaalam maaga pa pumunta sa kaibigan niya.”“Edi isama natin,” wika nilang dalawa.“Paano? Wala si Mang Raul, baka hindi pumayag si Matthias. Pinagmaneho kasi siya patungo raw sa Sanctuary, may asikasuhin.”“Pak na pak? Sakto malilibre tayo ng asawa mo sa entrance ng beach,” palatak ng dalawa.“Sure kayo? Malayo ang Zambales pagod din mag-drive,” paliwanag ko sa kanila.“Girl Scout itong mga BFF mo, may driver akong kasama. Grabe kasi besh, ang init gusto naming mag-swimming,” magpanabay na saad nila.Pumayag ako OA pa ang dalawa nag-apir pa ng sumang-ay
Lorelei“Babe, it's not obvious that you're the excited one,” tudyo ng asawa ko dahil kanina ko pa ito minamadali ng magbihis.Ngayon nasa labas na kami ng pinto sa kwarto ni Tatay. Ngayon araw na kasi ang birthday nito at ang pangako kong sorpresa sa kanya.Bitbit ni Matthias ang ginawa kong vanilla cake, na pinagtatalunan pa namin ‘to, kasi nga suggestion nito paglabas na ni Tatay ng silid niya ngunit mahigpit akong tumutol.Eh, bakit ba? Gusto kong ito agad ang bubungad pag gising ni Tatay ngayong umaga sobrang pakialamero lang itong asawa ko pero nasunod din naman.“Ako ang napapagod sa'yo, Misis. Kasi kagabi ka pa isip nang isip kung anong pagkain ang iluluto mo at hanggang umaga ala-sais pa lang maingay ka na,” wika ulit ni Matthias.Natawa na lang ako sa kaniya.“Hindi ko naman itatangi kasi totoo naman na excited ako kaya ‘wag ka ng komontra, Mister. Para happy tayong dalawa,” wika ko sa kanya kinaangat ng sulok ng taas ng labi niya.“Bakit may mali ba sa sinabi ko?” ulit kong
Lorelei“Mang Raul, sa Pasig po ulit tayo. Sa Manggahan po sa dating apartment na pinuntahan natin ng dalawang beses,” magalang kong sabi rito.“Sige Lorelei," wika ni Mang Raul. "Mabuti na lang pinayagan ka ng asawa mo," mahina itong tumawa tila ba may naalala."Bakit po?" nangiti na rin ako."Noong una, nagalit sa akin iyon at pumayag daw akong ipagmaneho ka rito sa Pasig.”“Inaway ko po masyadong maarte. Ayon wala siyang nagawa,”Masayang humalakhak si Mang Raul.“Kaya pala nakasimangot na lang ng sabihin ko paalis tayo,” natatawa pa wika ni Mang Raul.Kasama ko rin si Ricky at Regina, full support itong dalawa kong bestfriend. Dumating na kasi ang isa ko pang Ate na galing pa ng Province pumayag na mag-usap kami.Sakto lang dahil nangako tutulungan daw ako mapapayag ang panganay naming kapatid.Dalawang Linggo ko rin ito kinumbinsi na pumayag. Kasi grabeng sungit noong una. Mabuti talaga mabilis nalusaw ang kasungitan nito ng mai-kwento ko rito kung gaano pangarap ni Tatay, na mak
Lorelei“Lo!”“Lolo…” napahagulgol ako nang tuluyan itong sumuko nasa sasakyan pa lang kami.Sa ospital dapat ang punta ng ambulance ngunit sa St. Martin funeral home napunta.Busy na si Matthias na tawagan sila Mommy at Lola. Ako tahimik lang habang pinagmamasdan ko ang payapang tulog na si Lolo.Humahangos sila Mommy at Lola Liza maging si Kuya Mattheus at si ate Mayang namumula ang mata katulad kay Daddy.Hinanap ko si Zanelle kila Mommy kasi hindi nila kasama.“Si Rina ang kasama nasa bahay, ‘nak,” wika ni Mommy.“Eh, si Tatay po Mhie?”“Nasa mansyon pa anak. Gusto nga umuwi sa condo n'yo kaya lang sabi ng Dad n'yo, sa bahay muna kasi nandito pa kayo wala siyang kasama roon,”Nilapitan ko si Lola, sa harapan ng Lolo Ronald. Tahimik ito umiiyak sa harapan ng tila tulog lang na si Lolo.“Lola, ayos lang po ba kayo?” ani ko nginitian siya at tumabi ako rito ng tayo hinaplos ang likuran niya.“Apo,” hikbi nito kaya kinabig ko upang yakapin at hinayaan itong umiyak habang yakap ko.“Nag
LoreleiWedding day…Tapos na akong mag-ayos, si Zanelle na ngayon ang binibihisan ko. Twiny kami ng suot na dress ng anak ko kaya hindi ko mapigil mangiti at nanggigil sa cuteness overload nito.“Ang pretty naman ng Zanelle ko,” I giggled. Magkabilang pisngi niya pinanggigilan kong hinalikan.“Itaw lin po Mama, same po Zael, pletty,” aniya niyakap ako sa leeg, tapos ulit-ulit na hinahalikan ako sa pisngi. Iyon ang naabutan ng ka papasok na si Matthias.Tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin nito napapangiti ako tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Daddy!” nilapitan ni Zanelle ang ama. “Wow…wapo Daddy ni Zael,” wika nito akala mo matanda na kung nagsalita.“Ikaw din anak ang ganda-ganda,” sagot ni Matthias.“Hehehe opo Daddy, same Mama to danda,” sagot pa nito sa ama.“Sobra! Same kayo ni Mama mo ang pinakamaganda para sa Daddy.”“Babe, tapos ka na?” saad ni Matthias.“Patapos na. Mauna na kayo lumabas ni Zanelle, dadaanan ko pa si Tatay.”“Nauna na, babe kasama nila Mommy,”“Ay hind
Lorelei“Tay!” masaya kung sigaw sabay tinakbo ko ang pinto upang salubungin si Tatay, kasama na siya ni Matthias at si Kuya Mattheus na seryoso.Hindi kasama si Eleazar, kasi may pasok pa sa school ngunit susunod daw kapag naka graduate na payag naman si Tita Candy. Isa pa ayaw na ni Eleazar. Mag-transfer. Kung nakatapos na raw luluwas ng Maynila.Dito na kami nakatira ni Zanelle sa condo unit ni Matthias. Pag-alis kahapon, iniwan naman ang susi sa condo niya bago kami iwanan sa bahay nila Mommy.Nakangiti si Tatay kahit hindi niya ako nakikita. Mahigpit ko itong niyakap. Larawan pareho naming mukha ng saya. I looked at Matthias.“Thank you,” I uttered.Inalalayan ko si Tatay patungo sa sala at pinaupo. Pinagmasdan ko ito baka napagod sa biyahe ngunit mukhang maaliwalas naman ang bukas ng mukha nito.“Tatay ayos lang po ba ang naging biyahe n'yo?” wika ko.“Oo naman ‘nak, ngunit mahinang tumawa. Aba'y nagmamadali itong katipan mo dahil nga kasal n'yo na bukas, ginawa lang pasyalan an
Lorelei“Mommy,” nakanguso kong sabi. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kasi kanina pa ako nito tinutukso kung saan daw ako natulog kahit alam niyang magkasama kaming dumating ni Matthias.“Halika ka nga rito anak,” wika nito hinila ako upang mayakap niya.Napangiti ako at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Niyakap ko si Mommy Cole ng husto.“Salamat naman nagkabalikan na kayo ni Matthias. Ako ang unang masaya para sa inyong dalawa ‘nak. Mapapanatag na ako kaso mabubuo na rin ang pamilya n'yo ni Matthias,” aniya.“Mhie, susunduin ko lang po pala si Zanelle ha? Diba nagpaalam na si Matthias kanina umalis agad?” “Bukas na kayo umuwi hija,” sagot nito.“Inantay po kasi ako nila Ricky at Regina, Mommy.”“Ganoon ba? Sige, binilin pala ni Matthias, ihatid daw kayo ni Mang Raul,”“Opo Mhie, kaka tawag lang din ulit sa akin akala naman nakakalimot ako.”“Siya sige na baka abutin kayo ng gabi. Naroon ang anak mo sa silid ng ate Mayang mo,”“Sige po tatawagin ko na lang Mommy,” paalam ko sabay
Lorelei“Ang lamig!” tili ko kahit ako'y nakapikit.Gusto kong may mayakap kaso alam ko, wala ang anak ko. Mamaya pa 'yon ibablik nila Mommy kasi hapon pa ang flight namin ni Zanelle.Iniisip ko nasa k'warto ako ni Regina. Nakangiti pa ako kinapa ko ang tabi ko upang hilahin ang gamit na unan ni Zanelle, upang iyon ang yapusin.Gusto kong yakapin upang maibsan ang ginaw. Maybe it rained last night, so it was cold. Electric fan lang naman ang gamit namin ni Zanelle, sa silid na bigay ni Regina, pero dinaig pa ngayon ang naka aircon.Mahigpit kong niyakap ang unan at sinubsob ko pa ang aking mukha dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Matthias.Sandali...natigilan ako...hanggang dito ba naman sa silid ni Regina, ginugulo ako ng hudas na si Matthias?Ganito talaga ang amoy ng lalaking 'yon hindi ako maaaring magkamali. Letse pati ba naman sa pagtulog ko, ang lalaking ‘yon sumasagi sa isip ko?Pero paano naman mapupunta ang unan ni Matthias sa silid namin ni Zanelle? Grabe na ba a