LoreleiNagising ang diwa ko ngunit nanatili pa rin akong nakapikit ng umikot ang mabangong after bath perfume ni Matthias, sa buong k'warto ko. Napangiti ako tila kay lapit lang niya sa akin dahil nanunuot sa ‘king ilong ang natural niyang amoy humalo sa favorite niyang mens perfume. Lihim akong suminghot. Napakabango talaga nito, kahit hindi maligo ng isang Linggo. Gumalaw ako ngunit may mabigat na bagay ang nakadagan sa ibabaw ko.Shit anong oras na kaya? Nang sumagi sa isip ko na nasa ibang bahay na ako at may trabahong nag-aantay sa akin. Napabalikwas ako ng bangon subalit muling bumalik dahil may malaking lalaki nasa ibabaw ko pinanonood ang pagtulog ko.Arghh nasa ibabaw ko pala si Matthias, kaya pala mabigat dahil sa tukmol kong boyfriend.“Hi sleeping beauty. Akala ko ayaw mo pa gumising hahalikan na sana kita baka iyon ang kailangan mo,”Dahil wala pa ako sa huwisyo para pansinin siya, nakipag titigan lang muna ako sa kanya kinukusot ko pa ang aking mata.Nabungaran kong bag
Lorelei“Matthias, sa Bel Air Makati tayo ha? Doon ang hotel na papasukan ko,” bigay instruction ko kay Matthias, nang malapit na kami sa kotse niya.Nagsalubong ang kilay niya pinasadahan ako ng tingin at pinagbuksan niya ako ng pinto bago ito sumakay. Akala ko hindi na sasagot pero bago niya patakbuhin ang sports car niya, sumagot muna sa akin.“I know,” He said softly at pagkatapos hindi na nagsalita. Napatampal ako sa noo ko baka galit ang Matthias n'yo, ‘di ko kasi sa kaniya sinabi ano bang aasahan ko, magagalit talaga sa akin ang boyfriend kong bipolar.Humarap ako sa kaniya upang mag-sorry. Hindi na kasi ako nabigyan ng pagkakataon na kausapin siya masyadong busy ng mga nakaraang araw sa kaniyang office. Pabor din naman sa akin, dahil ito ang numero unong tutol na mag-work ako.Bakit daw hindi ako sa kumpanya na lang pumasok, kahit naman daw iba ang tinapos ko maari naman ako sa office.Tumikhim ako kaya mabilis niya akong nilingon. Mabilis lang talaga dahil muli sa unahan ang a
LoreleiKabado ako nang marating ko ang kitchen, ng Manila Luxury hotel. Gosh ang laki ng hotel na ito parang mall lang, at ang mga staff sa kitchen lahat ay busy parang may oras na hinahabol paroo't parito sa kusina.Kilala ko naman ang magiging partner kong chef, si Sir Corpuz. Mukha rin mabait kaya hindi ako nag-aalala. Pero paano ang ibang kasamahan namin? Pero wag naman sana.Tumikhim ako upang mapansin nila ako. Nagtagumpay naman ako at lahat sila sa akin lumingon. Tatlo kasi ang Chef na duty. Ang yaman ng hotel, meron anim na Chef, bukod pa sa assistant alam ko anim din kami. Kung wala raw ang chef kami ang humalili. Ang dishwasher ay apat.“Good morning po Sir Corpuz,” yumuko ako sa kanya at masayang ngumiti. Busy ito magbigay ng instructions sa lahat ng tao sa kusina. Bukod kasi chef si Sir Corpuz, siya ang head sa kitchen.Na-briefing kasi ako kahapon ng HR nilibot sa buong kitchen at pinakilala kay Sir Corpuz, at sinabihan siyang papasok ako ngayon.“Ikaw pala Lorelei. Hali
MatthiasFvcking sh-t! Excited pa naman ako sa pagsundo kay Lorelei, tapos malalaman ko lang ayaw pa niyang umuwi. Before I go home to my condo, I plan to invite her to eat outside. Iyon nga dapat ang balak ko, kaya nga lang napurnada dahil niyaya raw siya ng kaibigan niyang si Darvin, dammit! Buhay pa pala 'yong tukmol na 'yon. I'm sure late na kami nito makakauwi sa condo niya dahil pumayag siya sa paanyaya nito.I insist ko na lang, sa kaniya ako matutulog mamayang pag-uwi namin. Para akong baliw na ngumiti ng maisip na makakasama ko siya mamaya sa pagtulog. Mas pabor ‘yon sa akin. Mas gusto ko naman talaga kasama na ang dalaga sa bahay. Kaya nga lang ayaw talaga nitong pumayag. Ginagalang ko rin ang desisyon niya dahil ayaw ko naman dumating sa point na nasasakal ko na pala siya dahil sa pagiging possessive ko. Handa akong mag-antay kahit minsan nakakatampo na ang ginagawa niya sa akin.Napilitan akong bumaba ng sasakyan ko at pumasok sa hotel, even though gusto ko ng umuwi ng cond
Lorelei“Hello Darvin, papunta na ako r’yan sa pavilion. Andyan ka na ba?” wika ko sa kaibigan ko sa kabila linya.“Hi Lorelei, sa lobby ng patungo pavilion puntahan kita and I will wait for you there,” aniya.“Uhm, Darvin, may dalawa akong kasama Okay lang ba sa'yo?”“Oo naman, I'm on my way there, where are you?”Mukhang nag-start na ang birthday party kasi maingay ang sound system naririnig ko sa phone ni Darvin.“Patungo na kami r’yan,” saad ko sa kanya.“Ok, narito na ko waiting sa inyo.”“Tara na nag-antay na raw si Darvin, doon sa lobby,” wika ko sa dalawa na sa akin na pala nakatingin.“Bakit?” taas kilay ko usisa sa kanila.“Halika ka na Lorelei, dali,” tili ni Regina, ngunit tumigil din ng napagtanto ng may kasama kami. Napatampal pa sa noo tumingin kay Matthias.“EHehehe, pasensya ka na Matthias, hindi ko lang mapigilan ang naramdaman excited. Makikita ko kasi ng personal si Darvin Dy,” aniya.Nagparinig si Matthias.“Wala naman pagkakaiba sa personal ng kumag na iyon. Kung
LoreleiIsang Linggo na ang nakalipas hindi pa kami nagkita ni Matthias, simula ng guesting ni Darvin, at galing kami ni Matthias doon hotel. Naging busy na ang binata sa trabaho. Nag te-text at tumatawag naman siya sa akin. Minsan may food delivery pa kapag tanghalian, subalit hindi pa kami nagkita simula ng gabing halos magdamag niya akong inangkin.Miss ko na siya kaya nga lang nahihiya akong pumunta sa condo unit niya at maging sa office nito. Kinukumusta ko naman kung okay na ang problema sa Sanctuary Hotel and Resort. Maayos naman daw. Marami lang itong problema sa ngayon.Wala akong pasok ngayon patungo ako sa tirahan ng Tatay ko. Mabuti nahingi ko kay Matthias, ang address ng umaga bago siya umalis ng condo ko. Sasamahan ako ni Ricky, nag-chat na magkita na lang kami sa Edsa Taft.Kahit na hindi kami nagkikita ni Matthias, ina-update ko pa rin ito sa mga pinupuntahan ko, at ganun din ito sa akin. Katulad na lang ngayon. Patungo ako sa Tatay ko. Nagpaalam ako sa kanya dahil kas
LoreleiLihim akong napalunok ng unti-unting humarap ang lalaking tinawag ng binatilyo, na Tatay. Hindi ko namalayan nag-unahan malaglag ang mainit kong luha sa aking mata. Nag-iwas ako ng tingin at Mabilis ko iyon palihim na pinahid ng aking kamay, pagkatapos ay kinurap-kurap ko ang mata ko upang mapigilan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha sa aking pisngi. Tiipid akong ngumiti at pinagmasdan ang Tatay ko. Nakatingin sa akin ngunit bakit tagusan lang tila walang ningning ang kaniyang mata.Kumunot ang noo ko at itatanong sana sa binatilyo ang katanungan sa isipan ko ngunit naunahan niya akong magsalita kaya sandaling naantala ang aking itatanong sa kaniya.“Tatay, may naghahanap po sa inyo. Magandang babae po,” narinig ko ang binatilyo na nagsabi.Nanatili akong nakatitig kay Tatay, Pinag-aralan ang buo niyang itsura. Payat ito, ngunit hindi maipagkakaila may itsura ito noong kabataan niya.“Anak, ano raw nag pangalan niya? Kasing ganda kaya ng Ate mo?” masaya ito ng banggitin ang ‘
Tatay Fernan POV “Nadine, mahal na mahal kita handa kitang ipaglaban sabihin mo lang,” nagsusumamo na pakiusap ko sa kanya.“No! Ang namagitan sa atin ay init lamang ng ating katawan. Oo karelasyon kita pero hanggang doon lang ‘yon. Ayaw kong guluhin nag asawa mo, naintindihan mo ba iyon Fernan?!” sigaw din niya.Gusto kasi nito makipagkalas sa akin ngunit mahigpit akong tumutol.“Dammit! Nakikinig ka ba?! I said I love you, sinabi kong hindi ko mahal ang asawa ko. Please ‘wag muna naman ako iwasan, I love you, naririnig mo ba iyon hmm?”“Ha? Paano mo iyan nasabi sandali pa lamang tayo magkakilala. C'mon Fernan, kusang loob ko naman binigay ang sarili ko sa'yo kaya wala kang pananangutan sa akin,”“Sa asawa mo na lang ituon ang pagmamahal na sinasabi mo dahil deserve niya ang mahalin–”“Fuck! Makinig ka nga muna. Napilitan lang ako magpakasal sa kanya dahil nakalimot kami may nangyari sa amin bago ang aming graduation at nagbunga iyon. Pero noon pa man sira na ang aming pagsasama dah
MatthiasIt's been 3 years, simula ng ikinasal kami ni Lorelei, sa Sanctuary Hotel pero feeling ko noong isang Linggo lang nangyari ‘yon.Araw-araw kasi mas lalo kong minahal ang mabait kong asawa. Oo minsan may away kami ngunit inaayos agad namin ‘yon. Nag-uusap agad kami at gumagawa ng maganda solusyon. Ngunit ang away lang naman namin ay simpleng hindi lang pagkakaunawaan bilang buhay mag-asawa.Ayaw kasi rin namin patatagalin kung sino sa aming dalawa ang may tampo kailangan solve agad hindi pinaabot kinabukasan.If I look back to the past, when Lorelei was Mommy's daughter, it seemed impossible for us to be together. She can never be mine because everyone believes we are siblings.Marami na nga kaming sinuong na pagsubok. But thankful kay God, kasi nalampasan namin ang pinagdaanang unos, at sa kung may darating man na matinding problema kaya naman namin ‘yon lampasan. Ngayon pa ba na may mga anak na kami at mas mahal namin ang isa't isa.Lalo pa nga naging matibay ang aming pagsas
LoreleiAfter four months…“Uh? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dalawa at alam ko may trabaho pa kayo ngayon?” kunot ang noo ko pareho ko silang tiningnan.“Besh…punta tayo ngayon sa Sanctuary Hotel and resort n'yo,” wika ni Ricky at Regina. Pumasok agad sa loob ng condo hindi ko pa man naaya pumasok. Tsk, ang weird ng mga bestfriend ko.“Lorelei! Tara minsan lang magyaya–”“Ha? Walang kasama si Zanelle, besh, si Tatay kasi nagpaalam maaga pa pumunta sa kaibigan niya.”“Edi isama natin,” wika nilang dalawa.“Paano? Wala si Mang Raul, baka hindi pumayag si Matthias. Pinagmaneho kasi siya patungo raw sa Sanctuary, may asikasuhin.”“Pak na pak? Sakto malilibre tayo ng asawa mo sa entrance ng beach,” palatak ng dalawa.“Sure kayo? Malayo ang Zambales pagod din mag-drive,” paliwanag ko sa kanila.“Girl Scout itong mga BFF mo, may driver akong kasama. Grabe kasi besh, ang init gusto naming mag-swimming,” magpanabay na saad nila.Pumayag ako OA pa ang dalawa nag-apir pa ng sumang-ay
Lorelei“Babe, it's not obvious that you're the excited one,” tudyo ng asawa ko dahil kanina ko pa ito minamadali ng magbihis.Ngayon nasa labas na kami ng pinto sa kwarto ni Tatay. Ngayon araw na kasi ang birthday nito at ang pangako kong sorpresa sa kanya.Bitbit ni Matthias ang ginawa kong vanilla cake, na pinagtatalunan pa namin ‘to, kasi nga suggestion nito paglabas na ni Tatay ng silid niya ngunit mahigpit akong tumutol.Eh, bakit ba? Gusto kong ito agad ang bubungad pag gising ni Tatay ngayong umaga sobrang pakialamero lang itong asawa ko pero nasunod din naman.“Ako ang napapagod sa'yo, Misis. Kasi kagabi ka pa isip nang isip kung anong pagkain ang iluluto mo at hanggang umaga ala-sais pa lang maingay ka na,” wika ulit ni Matthias.Natawa na lang ako sa kaniya.“Hindi ko naman itatangi kasi totoo naman na excited ako kaya ‘wag ka ng komontra, Mister. Para happy tayong dalawa,” wika ko sa kanya kinaangat ng sulok ng taas ng labi niya.“Bakit may mali ba sa sinabi ko?” ulit kong
Lorelei“Mang Raul, sa Pasig po ulit tayo. Sa Manggahan po sa dating apartment na pinuntahan natin ng dalawang beses,” magalang kong sabi rito.“Sige Lorelei," wika ni Mang Raul. "Mabuti na lang pinayagan ka ng asawa mo," mahina itong tumawa tila ba may naalala."Bakit po?" nangiti na rin ako."Noong una, nagalit sa akin iyon at pumayag daw akong ipagmaneho ka rito sa Pasig.”“Inaway ko po masyadong maarte. Ayon wala siyang nagawa,”Masayang humalakhak si Mang Raul.“Kaya pala nakasimangot na lang ng sabihin ko paalis tayo,” natatawa pa wika ni Mang Raul.Kasama ko rin si Ricky at Regina, full support itong dalawa kong bestfriend. Dumating na kasi ang isa ko pang Ate na galing pa ng Province pumayag na mag-usap kami.Sakto lang dahil nangako tutulungan daw ako mapapayag ang panganay naming kapatid.Dalawang Linggo ko rin ito kinumbinsi na pumayag. Kasi grabeng sungit noong una. Mabuti talaga mabilis nalusaw ang kasungitan nito ng mai-kwento ko rito kung gaano pangarap ni Tatay, na mak
Lorelei“Lo!”“Lolo…” napahagulgol ako nang tuluyan itong sumuko nasa sasakyan pa lang kami.Sa ospital dapat ang punta ng ambulance ngunit sa St. Martin funeral home napunta.Busy na si Matthias na tawagan sila Mommy at Lola. Ako tahimik lang habang pinagmamasdan ko ang payapang tulog na si Lolo.Humahangos sila Mommy at Lola Liza maging si Kuya Mattheus at si ate Mayang namumula ang mata katulad kay Daddy.Hinanap ko si Zanelle kila Mommy kasi hindi nila kasama.“Si Rina ang kasama nasa bahay, ‘nak,” wika ni Mommy.“Eh, si Tatay po Mhie?”“Nasa mansyon pa anak. Gusto nga umuwi sa condo n'yo kaya lang sabi ng Dad n'yo, sa bahay muna kasi nandito pa kayo wala siyang kasama roon,”Nilapitan ko si Lola, sa harapan ng Lolo Ronald. Tahimik ito umiiyak sa harapan ng tila tulog lang na si Lolo.“Lola, ayos lang po ba kayo?” ani ko nginitian siya at tumabi ako rito ng tayo hinaplos ang likuran niya.“Apo,” hikbi nito kaya kinabig ko upang yakapin at hinayaan itong umiyak habang yakap ko.“Nag
LoreleiWedding day…Tapos na akong mag-ayos, si Zanelle na ngayon ang binibihisan ko. Twiny kami ng suot na dress ng anak ko kaya hindi ko mapigil mangiti at nanggigil sa cuteness overload nito.“Ang pretty naman ng Zanelle ko,” I giggled. Magkabilang pisngi niya pinanggigilan kong hinalikan.“Itaw lin po Mama, same po Zael, pletty,” aniya niyakap ako sa leeg, tapos ulit-ulit na hinahalikan ako sa pisngi. Iyon ang naabutan ng ka papasok na si Matthias.Tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin nito napapangiti ako tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Daddy!” nilapitan ni Zanelle ang ama. “Wow…wapo Daddy ni Zael,” wika nito akala mo matanda na kung nagsalita.“Ikaw din anak ang ganda-ganda,” sagot ni Matthias.“Hehehe opo Daddy, same Mama to danda,” sagot pa nito sa ama.“Sobra! Same kayo ni Mama mo ang pinakamaganda para sa Daddy.”“Babe, tapos ka na?” saad ni Matthias.“Patapos na. Mauna na kayo lumabas ni Zanelle, dadaanan ko pa si Tatay.”“Nauna na, babe kasama nila Mommy,”“Ay hind
Lorelei“Tay!” masaya kung sigaw sabay tinakbo ko ang pinto upang salubungin si Tatay, kasama na siya ni Matthias at si Kuya Mattheus na seryoso.Hindi kasama si Eleazar, kasi may pasok pa sa school ngunit susunod daw kapag naka graduate na payag naman si Tita Candy. Isa pa ayaw na ni Eleazar. Mag-transfer. Kung nakatapos na raw luluwas ng Maynila.Dito na kami nakatira ni Zanelle sa condo unit ni Matthias. Pag-alis kahapon, iniwan naman ang susi sa condo niya bago kami iwanan sa bahay nila Mommy.Nakangiti si Tatay kahit hindi niya ako nakikita. Mahigpit ko itong niyakap. Larawan pareho naming mukha ng saya. I looked at Matthias.“Thank you,” I uttered.Inalalayan ko si Tatay patungo sa sala at pinaupo. Pinagmasdan ko ito baka napagod sa biyahe ngunit mukhang maaliwalas naman ang bukas ng mukha nito.“Tatay ayos lang po ba ang naging biyahe n'yo?” wika ko.“Oo naman ‘nak, ngunit mahinang tumawa. Aba'y nagmamadali itong katipan mo dahil nga kasal n'yo na bukas, ginawa lang pasyalan an
Lorelei“Mommy,” nakanguso kong sabi. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kasi kanina pa ako nito tinutukso kung saan daw ako natulog kahit alam niyang magkasama kaming dumating ni Matthias.“Halika ka nga rito anak,” wika nito hinila ako upang mayakap niya.Napangiti ako at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Niyakap ko si Mommy Cole ng husto.“Salamat naman nagkabalikan na kayo ni Matthias. Ako ang unang masaya para sa inyong dalawa ‘nak. Mapapanatag na ako kaso mabubuo na rin ang pamilya n'yo ni Matthias,” aniya.“Mhie, susunduin ko lang po pala si Zanelle ha? Diba nagpaalam na si Matthias kanina umalis agad?” “Bukas na kayo umuwi hija,” sagot nito.“Inantay po kasi ako nila Ricky at Regina, Mommy.”“Ganoon ba? Sige, binilin pala ni Matthias, ihatid daw kayo ni Mang Raul,”“Opo Mhie, kaka tawag lang din ulit sa akin akala naman nakakalimot ako.”“Siya sige na baka abutin kayo ng gabi. Naroon ang anak mo sa silid ng ate Mayang mo,”“Sige po tatawagin ko na lang Mommy,” paalam ko sabay
Lorelei“Ang lamig!” tili ko kahit ako'y nakapikit.Gusto kong may mayakap kaso alam ko, wala ang anak ko. Mamaya pa 'yon ibablik nila Mommy kasi hapon pa ang flight namin ni Zanelle.Iniisip ko nasa k'warto ako ni Regina. Nakangiti pa ako kinapa ko ang tabi ko upang hilahin ang gamit na unan ni Zanelle, upang iyon ang yapusin.Gusto kong yakapin upang maibsan ang ginaw. Maybe it rained last night, so it was cold. Electric fan lang naman ang gamit namin ni Zanelle, sa silid na bigay ni Regina, pero dinaig pa ngayon ang naka aircon.Mahigpit kong niyakap ang unan at sinubsob ko pa ang aking mukha dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Matthias.Sandali...natigilan ako...hanggang dito ba naman sa silid ni Regina, ginugulo ako ng hudas na si Matthias?Ganito talaga ang amoy ng lalaking 'yon hindi ako maaaring magkamali. Letse pati ba naman sa pagtulog ko, ang lalaking ‘yon sumasagi sa isip ko?Pero paano naman mapupunta ang unan ni Matthias sa silid namin ni Zanelle? Grabe na ba a