Lorelei“Ayyy….bongga ka best!” ingay ng kaibigan kong si Ricky nang magkita kami sa Megamall. Ako ang nakiusap sa kaniya na magkita kami dahil nga gusto ko itong makausap tungkol sa sorpresa ko kay, Matthias.Sabado kasi ngayon p'wede kaming magtagal mamasyal. May time pa para mag-shopping. Subalit ng ayain ko si Ricky, ayaw naman dahil daw tight siya sa budget ngayon. Ang ending dito kami tambay sa restaurant, sakto rin naman matagal pa ang order dumating kaya chika-chika muna kami ni Ricky.“So payag ka na Ricky, please…overnight tayo sa Batangas, sa rest house n'yo,” pakiusap ko pa sa kanya. "Friday night naman hindi tayo makaka-absent sa school at finals na rin next, next week, babalik tayo ng Sunday morning." Pakiusap ko pa sa kaniya. “Alam mo ikaw sarap mong kalbuhin. Respeto naman sa akin, best. Gagawin mo pa akong taga score niyo ni fafa Matthias, sa date n'yo. Kung gusto mo surprise mo na lang siya ng isang dinner with candlelight sa Isang restaurant. ‘wag doon sa Batangas,
Lorelei“Nakauwi na pala kayo, anak?” pagdating namin ni Matthias, galing sa Mega mall. Akala ko nga wala ng gising sa bahay, dahil alas diyes na iyon ng gabi, ngunit nagulat ako ng nasa sala si Mommy, tila inaantay talagang dumating ako.Nauna akong bumaba kay Matthias, dahil kanina pa ako bahing nang bahing sa buong biyahe. Na-guilty nga ito dahil niyaya pa akong mag-ikot ikot sa mall, kaya ngayon daw mukhang sisipunin pa yata ako. Panay rin nagluluha na ang mata ko, at medyo garalgal na ang boses ko.“Hi, Mommy, kong sexy at kasing ganda ko,” ani ko pa rito.She giggled. Masaya ang bukas ng mukha nito lumakad patungo sa akin. I stopped near the long sofo kung saan siya nakaupo dahil tumayo agad ito ng makita ako upang lumapit sa akin.Humakbang akong nakangiti palapit sa kaniya upang magmano. I also kissed her cheek and hugged her. Katulad sa dati kong ginagawa kapag naglalambing ako sa kaniya, noong paslit pa ako.Pinagmasdan ako ni Mommy, wala naman akong nakikitang ibang pagtata
LoreleiPaglabas ko ng pinto sa k'warto ko, ay natanaw ko si Mommy nakangiti sa akin. Napalunok ako dahil kalalabas lang ngayon ni Matthias. Nagpang abot kaya silang dalawa? I asked myself nervously."M-mommy,” bulong ko pagkakita rito.Alanganin akong ngumiti tinanong ko si Mommy kung sa akin ba ito patungo. “Mom, sa k'warto ko po kayo pupunta?” pinilit kong maging kaswal ang boses ko ng tinanong ko siya.“Oo sana anak, kumustahin lang sana kita kung ayos na ang pakiramdam mo? Magaling ka na ba? Bakit bumangon ka na Lorelei, ayos ka na ba anak?” sunod-sunod na tanong nito sa akin.Lihim akong napalunok ng pinagmasdan niya ako. Tila ba masusi niya akong pinag-aaralan sa klase ng tingin ni Mommy sa akin. Woah! Sana naman wala itong mapansin.“Ehemm…” tikhim ko na may kasamang bungisngis, upang makuha ang atensyon niyang patuloy pa rin akong pinagmasdan."Anak may sasabihin ka?” aniya.“Mommy, lumabas po ako para sa hapunan kaya po ako bumangon. Masakit din kasi sa likuran panay lang an
Lorelei“Mommy, how many times do I have to tell you that I don't have a girlfriend?” laban ni Matthias.“Oh, eh bakit ikaw ang sumagot si Marrianne ang tinatanong ko?” humarap si Mommy rito nakahalukipkip.“Kasi Mhie, ayaw sumagot ni, Ate Mayang,” aniya sa Mommy. Gosh bigla akong na-pressure sa usapan nila. Sumingit si Ate. “Mhie, nahalata ko lang po. Ahehe kasi dati ay bugnutin ‘yan diba? Kaya nasabi kong in love dahil marunong ng ngumiti si Matthias, ngayon,” palusot ni Ate.Tila naman nakumbinsi ni Ate, si Mommy. Matagal nga lang ito palipat lipat ng tingin sa dalawa. Kapagkuwan ay ngumiti rin kalaunan. “Ikaw talaga Marrianne, kung ano anong napapansin. At ikaw naman Matthias, bawasan ang pagiging playboy. Kung noon sa kambal mo lang ako kunsimido dahil sa daming babaeng nadidikit sa pangalan niya. Jusko ngayon ay dalawa na kayo. Magugulat na lang ako marami na pala akong apo na hindi ko nakikilala,” animo stress na saad ni Mommy."Paano nga Mommy, kung meron?" ani ni Matthias.
LoreleiPagkatapos ng pagsunog ng kilay sa wakas tapos na rin ang finals namin. Hindi ko na rin narinig ang balita kay Lolo at sa kagustuhan nito na ipagkasundo si Matthias kay Gretchen. Ngayon ay nagpapa pirma na lamang ako ng clearance ko. Waiting na lang din kami sa graduation at ranking ng mga honors student bawat course.Mag-isa lamang ako naiwan mag papirma dahil maagang umuwi ang dalawa kong kaibigan na classmate ko. Bukas na lang daw nila tatapusin dahil may mga importante lakad. Ako kasi gusto kong tapusin na ngayon at ng wala na akong isipin pa at p'wede na rin akong hindi pumasok kung gustuhin ko. Babalik lang ako next week for rehearsal ng graduation namin.Paliko na sana ako galing sa dean's office dahil tapos na ako sa lahat magpapirma ngunit natanaw kong humahangos si Justine, sa hindi kalayuan sa akin na papalapit kung nasaan ako.Alam kong patungo ito rito dahil malayo pa lamang ay kinawayan ako. Wala naman din akong nakikitang kasabay kong maglakad. So I guess ako ng
Lorelei“Tama na nga ‘yan Matthias!” matigas ang boses na bulong ko sa kaniya.Gusto pa nito makipag-away kay Justine.Nang tuluyan na kaming makalayo kay Justine, walang babala na kinurot ko ito sa kaniya tagiliran ni Matthias. Masyadong mainitin ang ulo talagang papatulan pa si Justine, na walang kamalay malay na boyfriend ko siya.Hindi naman magka lakas loob si Justine, na manligaw kung alam na meron na akong boyfriend. Dahil kailan lang nito na itanong sa akin kung meron akong manliligaw or kasintahan na sagot ko sa kanya ay wala. Noon naman din niya naitanong ng hindi pa kami official ni Matthias.Alam ko nasa akin ang mali dahil gusto kong manatili lihim ang relasyon ko kay Matthias. Wala pa akong tapang. Takot pa ako sa mga possible na mangyayari. Marami akong what ifs na itinatanong sa isip ko ngunit ang totoo na konsensya na ako sa paglilihim kay Mom at Dad.“Babe, bakit mo ba ako iniiwas doon sa lalaking ‘yon? Oo nga pala about sa sinasabi ng ungas mong classmate. Bawal kan
Lorelei“Gagi! Talagang ginawa n'yo pa akong scorer na malandi ka. Ano tapos na ba kayong mag pakasawa ng tamis sa Burnham park? At dito naman kayo sa hotel naghahasik ng asukal,” talak ng bestfriend kong si Ricky.Hindi ko siya pinansin kun'di humiga lang ako sa kama niya nakangiti rito. Dalawang magkatabi ang hotel na kinuha namin. Bukas din naman ay babalik agad kami ng Maynila ng umaga. Ngayong gabi lang kami matulog dito dahil nga overnight lang talaga ang paalam ko kay Mommy.“Iba talaga kapag inlove ang isang Lorelei, dahil walang nakakatawa pero nakangisi,” muling nitong sabi.“Shhh…’wag ka nga maingay, beks. Nasa CR lang si Matthias, kaya kinatok kita rito,”“Ha? Anong connection kung nasa shower room si Fafa Matthias? Gusto mo bang pasukin ko si jowa mo sa at sabayan kong maligo? Ikaw rin?” exaggerated na sabi nito.Mahina akong natawa. “Ikaw talaga puro kalokohan. Pinuntahan lang kita dahil hindi pa tayo nakapag usap ng maayos, besh. Umupo ako pagkatapos ay humawak sa braso
Lorelei“Pasok po Mommy,”“Akala ko anak tulog ka pa,” wika nito.Pinauna ko si Mommy, lumakad nasa likuran niya ako nakasunod sa kaniya.Sa kama ko ito lumapit agad umupo nakaharap sa akin, pinagmamasdan ang lakad ko papalapit sa kaniya. Alanganin akong ngumiti dahil sa lalim ni Mommy, kung nakatitig para bang may gusto itong alamin tungkol sa akin na hindi lang masabi sabi.Paano kaya kung nagkataon na kanina pa ito pumunta rito, ‘di nagtaka ito na wala ako sa k'warto ko. Hindi rin nila iisipin na umalis ako dahil kabisado ni Mommy, kapag may lakad ako, nagpapaalam ako sa kaniya.Kampante naman ako hindi nito masilip ang leeg ko dahil turtle neck iyong blouse ko. Nag-aalala kasi ako baka meron itong mapansin sa akin. Pasaway kasi si Matthias, nag-iwan ng kiss mark sa leeg ko mabuti at isa lang ‘yon. Ganito tuloy ang suot kong blouse.“Mommy, ano nga po pala ang sadya n'yo?” iyon agad ang tanong ko nang nakarating ako sa kama umupo sa tabi niya.“Hinahanap ka ni Dad mo, hindi ka kasi
MatthiasIt's been 3 years, simula ng ikinasal kami ni Lorelei, sa Sanctuary Hotel pero feeling ko noong isang Linggo lang nangyari ‘yon.Araw-araw kasi mas lalo kong minahal ang mabait kong asawa. Oo minsan may away kami ngunit inaayos agad namin ‘yon. Nag-uusap agad kami at gumagawa ng maganda solusyon. Ngunit ang away lang naman namin ay simpleng hindi lang pagkakaunawaan bilang buhay mag-asawa.Ayaw kasi rin namin patatagalin kung sino sa aming dalawa ang may tampo kailangan solve agad hindi pinaabot kinabukasan.If I look back to the past, when Lorelei was Mommy's daughter, it seemed impossible for us to be together. She can never be mine because everyone believes we are siblings.Marami na nga kaming sinuong na pagsubok. But thankful kay God, kasi nalampasan namin ang pinagdaanang unos, at sa kung may darating man na matinding problema kaya naman namin ‘yon lampasan. Ngayon pa ba na may mga anak na kami at mas mahal namin ang isa't isa.Lalo pa nga naging matibay ang aming pagsas
LoreleiAfter four months…“Uh? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dalawa at alam ko may trabaho pa kayo ngayon?” kunot ang noo ko pareho ko silang tiningnan.“Besh…punta tayo ngayon sa Sanctuary Hotel and resort n'yo,” wika ni Ricky at Regina. Pumasok agad sa loob ng condo hindi ko pa man naaya pumasok. Tsk, ang weird ng mga bestfriend ko.“Lorelei! Tara minsan lang magyaya–”“Ha? Walang kasama si Zanelle, besh, si Tatay kasi nagpaalam maaga pa pumunta sa kaibigan niya.”“Edi isama natin,” wika nilang dalawa.“Paano? Wala si Mang Raul, baka hindi pumayag si Matthias. Pinagmaneho kasi siya patungo raw sa Sanctuary, may asikasuhin.”“Pak na pak? Sakto malilibre tayo ng asawa mo sa entrance ng beach,” palatak ng dalawa.“Sure kayo? Malayo ang Zambales pagod din mag-drive,” paliwanag ko sa kanila.“Girl Scout itong mga BFF mo, may driver akong kasama. Grabe kasi besh, ang init gusto naming mag-swimming,” magpanabay na saad nila.Pumayag ako OA pa ang dalawa nag-apir pa ng sumang-ay
Lorelei“Babe, it's not obvious that you're the excited one,” tudyo ng asawa ko dahil kanina ko pa ito minamadali ng magbihis.Ngayon nasa labas na kami ng pinto sa kwarto ni Tatay. Ngayon araw na kasi ang birthday nito at ang pangako kong sorpresa sa kanya.Bitbit ni Matthias ang ginawa kong vanilla cake, na pinagtatalunan pa namin ‘to, kasi nga suggestion nito paglabas na ni Tatay ng silid niya ngunit mahigpit akong tumutol.Eh, bakit ba? Gusto kong ito agad ang bubungad pag gising ni Tatay ngayong umaga sobrang pakialamero lang itong asawa ko pero nasunod din naman.“Ako ang napapagod sa'yo, Misis. Kasi kagabi ka pa isip nang isip kung anong pagkain ang iluluto mo at hanggang umaga ala-sais pa lang maingay ka na,” wika ulit ni Matthias.Natawa na lang ako sa kaniya.“Hindi ko naman itatangi kasi totoo naman na excited ako kaya ‘wag ka ng komontra, Mister. Para happy tayong dalawa,” wika ko sa kanya kinaangat ng sulok ng taas ng labi niya.“Bakit may mali ba sa sinabi ko?” ulit kong
Lorelei“Mang Raul, sa Pasig po ulit tayo. Sa Manggahan po sa dating apartment na pinuntahan natin ng dalawang beses,” magalang kong sabi rito.“Sige Lorelei," wika ni Mang Raul. "Mabuti na lang pinayagan ka ng asawa mo," mahina itong tumawa tila ba may naalala."Bakit po?" nangiti na rin ako."Noong una, nagalit sa akin iyon at pumayag daw akong ipagmaneho ka rito sa Pasig.”“Inaway ko po masyadong maarte. Ayon wala siyang nagawa,”Masayang humalakhak si Mang Raul.“Kaya pala nakasimangot na lang ng sabihin ko paalis tayo,” natatawa pa wika ni Mang Raul.Kasama ko rin si Ricky at Regina, full support itong dalawa kong bestfriend. Dumating na kasi ang isa ko pang Ate na galing pa ng Province pumayag na mag-usap kami.Sakto lang dahil nangako tutulungan daw ako mapapayag ang panganay naming kapatid.Dalawang Linggo ko rin ito kinumbinsi na pumayag. Kasi grabeng sungit noong una. Mabuti talaga mabilis nalusaw ang kasungitan nito ng mai-kwento ko rito kung gaano pangarap ni Tatay, na mak
Lorelei“Lo!”“Lolo…” napahagulgol ako nang tuluyan itong sumuko nasa sasakyan pa lang kami.Sa ospital dapat ang punta ng ambulance ngunit sa St. Martin funeral home napunta.Busy na si Matthias na tawagan sila Mommy at Lola. Ako tahimik lang habang pinagmamasdan ko ang payapang tulog na si Lolo.Humahangos sila Mommy at Lola Liza maging si Kuya Mattheus at si ate Mayang namumula ang mata katulad kay Daddy.Hinanap ko si Zanelle kila Mommy kasi hindi nila kasama.“Si Rina ang kasama nasa bahay, ‘nak,” wika ni Mommy.“Eh, si Tatay po Mhie?”“Nasa mansyon pa anak. Gusto nga umuwi sa condo n'yo kaya lang sabi ng Dad n'yo, sa bahay muna kasi nandito pa kayo wala siyang kasama roon,”Nilapitan ko si Lola, sa harapan ng Lolo Ronald. Tahimik ito umiiyak sa harapan ng tila tulog lang na si Lolo.“Lola, ayos lang po ba kayo?” ani ko nginitian siya at tumabi ako rito ng tayo hinaplos ang likuran niya.“Apo,” hikbi nito kaya kinabig ko upang yakapin at hinayaan itong umiyak habang yakap ko.“Nag
LoreleiWedding day…Tapos na akong mag-ayos, si Zanelle na ngayon ang binibihisan ko. Twiny kami ng suot na dress ng anak ko kaya hindi ko mapigil mangiti at nanggigil sa cuteness overload nito.“Ang pretty naman ng Zanelle ko,” I giggled. Magkabilang pisngi niya pinanggigilan kong hinalikan.“Itaw lin po Mama, same po Zael, pletty,” aniya niyakap ako sa leeg, tapos ulit-ulit na hinahalikan ako sa pisngi. Iyon ang naabutan ng ka papasok na si Matthias.Tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin nito napapangiti ako tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Daddy!” nilapitan ni Zanelle ang ama. “Wow…wapo Daddy ni Zael,” wika nito akala mo matanda na kung nagsalita.“Ikaw din anak ang ganda-ganda,” sagot ni Matthias.“Hehehe opo Daddy, same Mama to danda,” sagot pa nito sa ama.“Sobra! Same kayo ni Mama mo ang pinakamaganda para sa Daddy.”“Babe, tapos ka na?” saad ni Matthias.“Patapos na. Mauna na kayo lumabas ni Zanelle, dadaanan ko pa si Tatay.”“Nauna na, babe kasama nila Mommy,”“Ay hind
Lorelei“Tay!” masaya kung sigaw sabay tinakbo ko ang pinto upang salubungin si Tatay, kasama na siya ni Matthias at si Kuya Mattheus na seryoso.Hindi kasama si Eleazar, kasi may pasok pa sa school ngunit susunod daw kapag naka graduate na payag naman si Tita Candy. Isa pa ayaw na ni Eleazar. Mag-transfer. Kung nakatapos na raw luluwas ng Maynila.Dito na kami nakatira ni Zanelle sa condo unit ni Matthias. Pag-alis kahapon, iniwan naman ang susi sa condo niya bago kami iwanan sa bahay nila Mommy.Nakangiti si Tatay kahit hindi niya ako nakikita. Mahigpit ko itong niyakap. Larawan pareho naming mukha ng saya. I looked at Matthias.“Thank you,” I uttered.Inalalayan ko si Tatay patungo sa sala at pinaupo. Pinagmasdan ko ito baka napagod sa biyahe ngunit mukhang maaliwalas naman ang bukas ng mukha nito.“Tatay ayos lang po ba ang naging biyahe n'yo?” wika ko.“Oo naman ‘nak, ngunit mahinang tumawa. Aba'y nagmamadali itong katipan mo dahil nga kasal n'yo na bukas, ginawa lang pasyalan an
Lorelei“Mommy,” nakanguso kong sabi. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kasi kanina pa ako nito tinutukso kung saan daw ako natulog kahit alam niyang magkasama kaming dumating ni Matthias.“Halika ka nga rito anak,” wika nito hinila ako upang mayakap niya.Napangiti ako at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Niyakap ko si Mommy Cole ng husto.“Salamat naman nagkabalikan na kayo ni Matthias. Ako ang unang masaya para sa inyong dalawa ‘nak. Mapapanatag na ako kaso mabubuo na rin ang pamilya n'yo ni Matthias,” aniya.“Mhie, susunduin ko lang po pala si Zanelle ha? Diba nagpaalam na si Matthias kanina umalis agad?” “Bukas na kayo umuwi hija,” sagot nito.“Inantay po kasi ako nila Ricky at Regina, Mommy.”“Ganoon ba? Sige, binilin pala ni Matthias, ihatid daw kayo ni Mang Raul,”“Opo Mhie, kaka tawag lang din ulit sa akin akala naman nakakalimot ako.”“Siya sige na baka abutin kayo ng gabi. Naroon ang anak mo sa silid ng ate Mayang mo,”“Sige po tatawagin ko na lang Mommy,” paalam ko sabay
Lorelei“Ang lamig!” tili ko kahit ako'y nakapikit.Gusto kong may mayakap kaso alam ko, wala ang anak ko. Mamaya pa 'yon ibablik nila Mommy kasi hapon pa ang flight namin ni Zanelle.Iniisip ko nasa k'warto ako ni Regina. Nakangiti pa ako kinapa ko ang tabi ko upang hilahin ang gamit na unan ni Zanelle, upang iyon ang yapusin.Gusto kong yakapin upang maibsan ang ginaw. Maybe it rained last night, so it was cold. Electric fan lang naman ang gamit namin ni Zanelle, sa silid na bigay ni Regina, pero dinaig pa ngayon ang naka aircon.Mahigpit kong niyakap ang unan at sinubsob ko pa ang aking mukha dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Matthias.Sandali...natigilan ako...hanggang dito ba naman sa silid ni Regina, ginugulo ako ng hudas na si Matthias?Ganito talaga ang amoy ng lalaking 'yon hindi ako maaaring magkamali. Letse pati ba naman sa pagtulog ko, ang lalaking ‘yon sumasagi sa isip ko?Pero paano naman mapupunta ang unan ni Matthias sa silid namin ni Zanelle? Grabe na ba a