••••••••••“BAKIT? Bakit ka nagpapaliwanag sa...akin?”Hindi alam ni Knives kung ano ang isasagot sa babae. Sa buong buhay niya, hindi siya nagpapaliwanag sa mga tao tungkol sa mga bagay-bagay at sa mga desisyong ginagawa niya. Pero hindi maintindihan ni Knives ang kanyang sarili kung bakit 'di niya kayang makita na malungkot si Lalaine habang pinagmamasdan niya ito.“Maybe because...I want to sleep with you?” sagot naman ni Knives sa tanong na iyon ni Lalaine.Tila tinutusok ng maliliit na karayom ang dibdib ni Lalaine ng mga sandaling iyon. Ano pa ba nga ang aasahan niya rito? Laruan lang naman talaga ang tingin nito sa kan'ya at hindi bilang isang babae.“Ah gano'n ba?” ani Lalaine saka tumayo at humarap sa lalaki. “K-Kumain ka na ba? W-Wala kasi akong pagkain ngayon. Hindi ako nagluto,” ani Lalaine sa lalaki na pilit nilalabanan ang sakit ng puso na nararamdaman.“Then cook for me,” kaswal na sagot naman ni Knives saka pinag-ekis ang mahahabang binti at matamang tumingin kay Lala
••••••• NANG mga sumunod na araw, hindi na muling hinanap pa ni Knives si Lalaine. Na para bang bigla itong nabura sa kan'yang mundo. Katulad ng dati, pagkatapos ng trabaho ay dumidiretso si Lalaine sa kanyang apartment para mag-review. Inuubos lang niya ang kanyang oras sa pag-aaral at hindi na siya nag-iisip pa ng kung anu-ano. Biyernes, ginabi ng uwi si Lalaine dahil pinag-overtime siya sa trabaho. Alas-nuebe na ng gabi iyon at wala na siyang masakyang bus pauwi, kaya naman napilitan siyang sumakay ng bullet train. Nang dumating ang tren ay kaagad na sumakay si Lalaine subalit isang lalaki na nakasumbrero ng itim ang bumangga sa kan'ya. Mabilis naman itong humingi ng sorry kaya ngumiti na lang si Lalaine bilang sagot at dumiretso sa bakanteng upuan. Hindi maintindihan ni Lalaine kung bakit, pero habang nakaupo ay siya pakiramdam niya ay may taong nakatingin sa kan'ya mula sa malayo. Nang lumingon naman siya, wala naman siyang nakitang ibang kahina-hinala. Binalewala na lan
“HELLO? Ito po ang Metro Manila Police District...”Matapos kausapin ni Knives ang pulis na sumagot ng tawag niya sa number ni Lalaine ay binalingan niya ang kanyang secretary na kasalukuyang nakaupo sa passenger's seat.“Lumabas ka na ng sasakyan, Secretary Miller,” utos ni Knives.“S-Sir?” nagtatakang tanong naman ni Liam habang nakalingon sa kanyang boss.“May pupuntahan lang ako.”Napakamot naman sa ulo si Liam dahil sa sinabi ng kanyang boss. “Pero paano si Ms. Ramos? It's not a good idea to keep her waiting, Sir.”“Go and give her a gift,” maikling turan ni Knives sa kaharap.“P-Pero paano naman po ang daddy ninyo, Sir?...” nag-aalalang tanong pa ni Liam.Ilang beses ng ni-reject ng kanyang boss ang pakikipagkita kay Ms. Ramos dahil sa trabaho. Pero binigyan ng ultimatum ng daddy nito si Mr. Dawson at kailangan nitong sundin iyon. Sa oras na malaman iyon ni Mr. Kennedy, hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa matanda.“Don't worry about it. Ako na ang bahala kay daddy.”———
“IF YOU hadn't made the mistake of calling me, I wouldn't have known that you were calling that Elijah your husband. How long will you play with me, Lalaine Aragon? Do you enjoy hurting and fooling me?”Kunot-noong napatitig si Lalaine sa lalaki, at saka mabilis na kinuha ang cellphone niyang nakapatong sa side table at tiningnan ang call history. At natutop ni Lalaine ang kanyang bibig nang makita na si Knives nga ang matawagan n'ya kanina.“H-Hindi ko 'yon sinasadya. Hindi ko alam na nag-connect sa'yo ang tawag. Nagkunwari lang akong may kausap dahil sinusundan ako ng hayop na lalaking 'yon kanina,” pangangatwiran ni Lalaine sa lalaki. “N-Nagbigay na ako mg statement sa pulis at iyan din ang sinabi ko. Kung gusto mo i-check mo pa,” ani Lalaine na napaupo sa kama at napaiyak.Pagkatapos ng buong magdamag na takot na takot siya, ngayon ay ang galit naman nito ang hinaharap niya kaya pakiramdam ni Lalaine ay bigla siyang sumabog. Malakas siyang umiyak na parang ilog na walang tigil sa
NAKATULOG na ng mahimbing si Lalaine bago pa niya marinig ang sagot ni Knives. Sumulyap muna siya sa babaeng natutulog saka dinampot ang cellphone na nakapatong sa center table at tiningnan kung sino ang tumawag kanina.Tumayo siya at nagsuot nang damit nang nakitang ang daddy niya ang tumatawag kanina. Bago pa siya tuluyang lumabas ng kwarto ni Lalaine ay nilingon pa niya ito na payapang natutulog habang mahigpit na hawak ang comforter.Maingat na lumapit si Knives sa babae at yumuko saka marahang pinisil ang pisngi nito. “As you wish. Kaya maging mabait ka lang at 'wag magsisinungaling sa'kin,” bulong niya.Matapos sabihin iyon ay sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi ni Knives, saka tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto at umalis sa Dawson Residence. Sa kalaliman ng gabi, binabagtas ng itim na Bugatti ang kalsada patungo sa kanilang mansyon.Si Kennedy Dawson na gising pa sa mga oras na iyon at nagtsa-tsaa ay kalmadong nakaupo sa sala at hinihintay ang pagdating ng kanyang anak.Ilang
“MAKIPAG-HIWALAY ka sa boyfriend mo. Bibigyan kita ng three days,” ani Chairman Henry saka tumayo na ay kumuha ng panyo sa bulsa upang ipahid ang daliri na nanlalagkit. Matapos niyon ay tumalikod na ito na parang walang nangyari.Ngunit bago pa tuluyang makaalis ang lalaki ay buong tapang na nagsalita si Abby. “'Di ako makikipaghiwalay kay Jake!”Nilingon ng chairman si Abby at saka ngumisi. “What did you say?” asik nito sa babae.“Ang sabi ko hindi ako makikipaghiwalay sa boyfriend ko!” matapang sa turan ni Abby. “Chairman, 'di ba nagkasundo na tayo na hahayaan mo na kami ni Jake? Kapag hindi mo kami pinakawalan, ilalabas ko ang baho mo?” pagbabanta pa ni Abby.“Really? Do you think anyone would believe someone like you? Go on! Do what you want. Hindi naman ako nagmamadali kaya bibigyan kita ng panahon na makapag-isip,” puno ng panunuyang wika ng chairman at saka nakapamulsang tumalikod na at lumabas sa lounge.Samantala, nang makita naman ni Lalaine na sa wakas ay nagbukas na rin a
MATAPOS ang mainit na pagtatalík ni Knives at Lalaine ay mabilis na nakatulog ang lalaki. Hindi nito hinayaan na umalis si Lalaine sa kanyang tabi, at sa halip ay magkayap ang dalawa sa malambot na king size mattress.Pero hindi makatulog si Lalaine sa tabi ng lalaki dahil na rin sa dami ng kanyang iniisip. Nagtangka siyang bumangon ngunit dahil mahigpit ang pagkakayapos sa kan'ya ni Knives kaya halos hindi n'ya maigalaw ang katawan.Pagal na ang katawan niya at ubos na rin ang kanyang lakas dahil sa namagitan sa kanila ni Knives. Kaya sa halip na pumalag sa pagkakayakap nito ay nagpaubaya na lang si Lalaine. Buong magdamag na hindi nakatulog ng maayos si Lalaine at kaunting kaluskos o liwanag lang ay nagigising na kaagad siya.Sa kalagitnaan ng nag-aagaw antok na ulirat ni Lalaine, nagising siya nang marinig na tumunog ang cellphone ni Knives na nakapatong sa side table. Kaagad namang nagising si Knives at inabot ang cellphone para sagutin nang hindi man lang inaalam kung sino ang
NAPANSIN naman ni Elijah na tila buo na ang pasya ni Lalaine na huwag sumama sa kan'ya sa research institute, palihim na nagkuyom ang kanyang mga kamao. But soon he apologized and smiled at the woman. “I'm sorry, Lalaine. Masyado lang siguro akong umasa na madadala natin si Luke sa institute. It's okay if you don't want to. Luke is being well cared for at the rehabilitation center. But I still won't stop finding a better treatment institute for your brother,” saad ni Elijah.“Okay, maraming salamat, Kuya Elijah.” Matapos magpaalam sa lalaki ay dumiretso na rin si Lalaine sa kanyamg apartment para magpahinga. Masyadong marami ang nangyari ng araw na iyon kaya pakiramdam niya ay pagod na pagod ang kanyang puso at isipan.Samantala, nang tumalikod si Lalaine ay sinundan ito ng nanlilisik na mga mata ni Elijah. At ang mga ugat nito sa kamay at sentido ay nag-iigtingan dahil sa matinding galit.Ang biglang pakikialam ni Knives ay ginulo ang lahat ng kanyang mga plano. Pero mabuti na lan
••••••“BITIWAN mo ako, Elijah...” ani Lalaine na sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ito tinawag na kuya. Sinadya iyon ni Lalaine para mapaniwala n'ya ang lalaki, at isipin nitong nagseselos sa pakikig-usap nito kay Madam Faye.Nang marinig iyon ay kumabog naman ang dibdib ni Elijah lalo pa't kitang-kita n'ya sa mukha ng babae na nasasaktan ito at nagseselos dahil sa pagdating ni Faye sa eksena.“Ipahahatid na kita kay Lu Sy. Kumain ka at magpahinga. I just have business to discuss with this bitch,” nakangiting saad naman ni Elijah.“S-Sige...” sagot ni Lalaine saka inalalayan siyang tumayo ni Lu Sy.Parang gustong manakbo ni Lalaine ng mga sandaling iyon dahil sa labis na pandidiri at pagkasuklam sa lalaki pero dahil hindi pa magaling ang kanyang paa kaya mabilis na lang siyang naglakad kahit masakit iyon makalayo lang sa baliw na si Elijah.“About business, huh?” nanunuyang saad naman ni Faye nang tuluyang makaalis si Lalaine. Bakit, Flynn? Natatakot ka bang makita kung paano tay
“ISA iyan sa mga parusa para sa mga babaeng tumatakas sa lugar na ito. Hindi lang 'yon, bubuhusan ka rin ng asido sa mukha sa oras na mahuli ka...”Nangingilabot si Lalaine habang pinakikinggan ang mga sinasabing iyon ni Elijah. Hindi rin n'ya makayanang tingnan ang babaeng nasa loob ng salaming kwarto na pinagpapasa-pasahan ng maraming kalalakihan kaya inalis niya ang paningin dito.“Sa tingin mo, tatagal ka kaya sa lugar na 'to na wala ang tulong ko?” nakangising tanong pa ni Elijah. Kasabay niyon, isang loud speaker ang biglang tumunog at nangilabot si Lalaine nang marinig mula sa speaker na iyon ang nakakadurog pusong iyak at pagmamakaawa ng babaeng nasa salamin.Awtomatikong nanginig ang buong katawan ni Lalaine dahil sa narinig. Mabilis niyang tinakpan ng dalawang palad ang kanyang tenga subalit ang atungal ng babae mula sa kwarto ay para bang nanonood sa kanyang kaibutiran.Uminit ang sulok ng mga mata ni Lalaine habang nakapikit. Ang sakit-sakit ng kanyang puso dahil sa matind
•••••“I'M NOT crazy, Lalaine. I would have liked to wait for you to get better before I did this, but you're making me angry. Kaya kung ako sa'yo, mag-behave ka lang para hindi ka na masaktan pa...” “Ayaw ko! Hayop ka! 'Wag mo akong hawakan, nakakadiri ka!” sigaw ni Lalaine habang patuloy na nagpupumiglas. Pero dahil may sugat siya ay nanghihina pa kaya halos hindi naman iyon nararamdaman ng lalaki.Napangisi naman si Elijah habang patuloy na tinatanggal ang pagkakabutones ng suot ni Lalaine. “Kung 'di mo ako gusto, sino ang gusto mo? Si Knives Dawson?” puno ng pang-uuyam na tanong nito. “'Wag ka nang umasa. His first love and fiancé is back. You have no place in his life anymore, Lalaine...”Biglang nagbago ang reaksyon ng mukha ni Lalaine ng mga sandaling iyon.Samantala, tuluyan na ngang natanggal lahat ng demonyong si Elijah ang pagkakabutones ng damit ni Lalaine. Tumambad sa kan'ya ang maputi at makinis na balat ng dalaga. And even though it was covered with a white shirt as an
DAHAN-DAHANG iminulat ni Lalaine ang mga mata. Ang kisame na nasasabitan ng magarbong chandelier ay unti-unting naging malinaw sa paningin ni Lalaine. Puno ng karangyaan ang malaking bahay na iyon na unang beses lang na makita ni Lalaine simula nang mapunta siya sa Chína.Malayong-malayo iyon sa maliit at madilim na kwarto kung saan siya nakakulong noon, kaya alam niyang nasa ibang lugar siya sa pagkakataong iyon.Nagtangkang bumangon si Lalaine gamit ang isang kamay, subalit dahil nakalimutan niyang may malubhang sugat pala siya sa kaliwang paa ay malakas siyang mapadaing nang mapuwersa iyon.“Miss...” isang maputing babae na mukhang Chinese. Lumapit ito kay Lalaine ay maliksi siyang inalalayan. “Yóuyú shāngshì yánzhòng, nín hái bùnéng dòng (Hindi ka pa p'wedeng gumalaw dahil malubha ang sugat mo),” anang babae na hindi naman naintindihan ni Lalaine.Iwinasiwas ni Lalaine ang kamay saka alanganing ngumiti. “I don't understand Mandarin. Please just speak English,” pakiusap ni Lalaine
AT the CEO's Office.Nakatayo sa harapan ng French window si Knives at masamang ang mukha dahil sa ibinalita ng kanyang secretary. “What the fúck did you say?!” “Ms. Lalaine has lost contact,” pag-uulit ni Liam. “Ang huling nai-trace sa kan'ya ng team ay bumili siya ng ticket sa bus pauwi sa Tierra Nevada. Pagkatapos no'n, wala nang balita sa kan'ya, Sir.”Mariing naikuyom ni Knives ang mga kamao at halos magdikit na ang makakapal na kilay dahil sa pagkakakunot ng noo. “How about her mother? May balita ba kayo sa kan'ya?”Umiling naman si Liam. “According to the team, Mrs. Aragon has not been seen since she left Tierra Nevada. And no one knows where she is when we ask around to those who know her.”Nagdilim ang anyo ni Knives ng mga sandaling iyon, at hindi n'ya maipaliwanag kung bakit pero umahon ang pag-aalala sa kanyang dibdib. May nangyari kayang masama sa babae? O nagtago lang ito para mapigilan ang kanilang annulment?“Just keep searching. Find her no matter what.”“Alright, Si
“WELL, dahil sinubukan niyong tumakas, kailangan niyo itong pagbayaran...”Naikuyom ni Lalaine ang mga kamao habang galit na galit na nakatingin kay Elijah. “Gusto lang n'yang makauwi mula sa impiyernong lugar na 'to! Anong masama roon?!” umiiyak pa ring sagot ni Lalaine.“That's the problem, she wanted to go home so I killed her,” kaswal namang sagot ni Elijah na kung umasta ay para bang pumatay lang ng hayop. “Let's go, I need to treat your wound,” anyaya pa ng lalaki saka umastang aakayin pa si Lalaine.Pero sa halip na sumunod, Wala sa sariling hinablot ni Lalaine ang baril ng lalaki na nakasukbit sa baywang nito saka itinutok iyon kay Elijah.“Hindi ako sasama sa'yo!” sigaw ni Lalaine habang nanginginig ang kamay na may hawak ng baril. Humakbang siya paatras kay Elijah pero dahil malala ang sugat niya sa kaliwang paa kaya muli rin siyang natumba sa sementadong kalsada.Gumasgas ang kamay ni Lalaine sa mabatong kalsada nang itukod niya iyon, pero nanatili sa kanyang kamay ang mahi
PINAGMASDAN ni Lalaine ang masuyo at gwapong mukha ng lalaki. Maging mapuputi nitong ngipin ay kitang-kita kahit sa pinakamadilim pa yatang kapaligiran.Ang truck nito na may simbolo na isa ito opisyal sa lugar na pinaggalingan niya at ang red name tag na nakasukbit sa dibdib nito ay sumisimbulo kung ano ang katauhan ng lalaki nakatayo sa kanyang harapan. Hindi maaaring magkamali si Lalaine. Base sa itsura nito at lahat ng mga nakita niya, si Elijah...ay isa sa miyembro ng apat na taong nagpapatakbo ng impiyernong iyon...Ito ang taong hindi nakilala o nakita ni Veronica dahil madalang lang itong magpakita sa mga naroon, at tanging si Madam Faye at Madison lang ang nakakaalam sa tunay na katauhan ni Elijah Montenegro o kilala bilang “Flynn” sa lugar na iyon.Ito ang taong halos isamba na ni Lalaine dahil sa kabutihang loob...Ito ang lalaking pinagkatiwalaan ni Lalaine higit kaninuman...Ito ang taong mistulang anghel na bumaba sa langit at tinulungan at ginamot ang mga taong may saki
NAGKATINGINAN si Lalaine at Veronica sa isa't-isa. Si Veronica ang taong bumaril kay Madison. Kaninang madaling-araw, habang mahimbing na natutulog ang mga bantay ay palihim na pumuslit si Veronica sa kwarto ni Lalaine dala ang isang Calibre 45 na matagal na niyang itinatago. Ang baril na iyon ay nadampot n'ya nang minsang may patayin si Boss M na isa sa mga tauhan nito.Ang unang hakbang ng kanilang plano ay tiyempuhan si Madison na mag-isang gumagawa ng kahayupan sa live sex show. At pagkatapos niyon ay lalansiin ito ni Lalaine papasok sa kanyang kwarto at doon naman kikilos si Veronica para barilin ang lalaki.Nangislap ang mga mata ni Veronica. Nagkaroon siya ng pag-asa na makakatakas sa impiyernong iyon dahil successful ang unang hakbang ng kanilang plano— ang mapatay ang demonyong si Madison.Mabilis na dinampot ni Lalaine ang red name tag na nakasukbit sa baywang ni Madison dahil iyon ang gagamitin nilang gate pass para makalabas sa mga security doors. Mahalaga ang bagay na iyo
“ALAM mo ba kung bakit ganito ang mukha ko? Dahil nang una akong mapunta rito, katulad mo rin ako na gustong tumakas. Pero nahuli ako ni Madam Faye, bilang parusa ay binuhusan n'ya ng asido ang mukha ko...”Naaalala pa ni Veronica— ang piping doktor kung gaano kasakit ang ginawang iyon sa kan'ya ng demonyong si Faye nang minsan magtangka siyang tumakas. Iyon bang pakiramdam na sinusunog ka ng buhay at naaamoy mo pa ang sarili mong laman na naluluto.At alam ni Faye na isa si Veronica sa magaling na medical students sa kolehiyo kung saan ang nag-aaral ang babae. Kaya sa halip na patayin ay binuhusan lang nito ng asido ang mukha niya at nilagyan nito ng proteksyon ang mga mata niya nang sa gayon ay hindi madamay sa pagkasunog at mapakinabagan pa siya.Pagkatapos ng pangyayaring iyon na bumago sa buhay ni Veronica, tuluyan na niyang kinalimutan ang ideya ng pagtakas sa mala-impyernong lugar na iyon para na rin sa ikabubutu niya.Matapos malaman ang salaysay ng babaeng pipi ay matamang p