Masayang kumain ang mga bisita nila Quinette at Klyde, ang daming nakain ni Randell dahil hindi siya nag-sasawa sa luto ni Quinette na Adobong baboy. Ganon din si doktor Jandro na nasarapan sa luto ni Quinette."Nanay sino po ang nanalo sa contest natin ahh...???" Bibing tanong ni Klyde at ngumiti pa sa kanyang ina."Tumigil ka nga anak, nasarapan lang sila sa luto ni nanay Quin kaya maraming nakain si Tatay Randell at doktor Jandro." Paliwanag ni Quinette sa kanyang makulit na anak."Ehemmm... Ako ang nanalo baby, nakita mo nakailang sandok ako ng kanin..." Ani ni Doktor Jandro at ngumiti."Ako kaya ang panalo, mapakanin at ulam nakailang sandok ako. Umuwe ka na nga Mr. Castro nakikain ka na nga, gusto pang makitulog rito ahhh..." Inis na sabi ni Randell sa doktor at sinamaan ito ng tingin."Ano naman sayo ahh, bahay mo ba ito ah Mr. Gomez ??? at sa pagkakatanda ko parang ako ang may-ari ng apartment na ito..." Mayabang na sabi ng doktor kay Randell."Ahh talaga po,... kayo ang may-a
Nagising nang madaling araw si Randell dahil nakaramdam siya ng uhaw, at bumangon siya agad. Mahimbing na natutulog pa rin ang kanyang mag ina, kaya kinumutan niya ito ng maayos. Bumaba na lamang siya at kumuha nang maiinom na tubig. Nang muli siyang umakyat sa kanilang silid ay gisng na si Quinette, niyakap niya ang kanyang asawa ng mahigpit at hinagkan ang no nito."Ang aga mo yata nagising ahh...???" nagtatakang tanong ni Quinette."Bigla kasi akong nauhaw kaya bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig." Sagot ni Randell sa kanyang asawa."Ahh okey... tara na mahal ko matulog pa tayo..." Nakangiting aya ni Quinette."Halika na... Inaantok pa din ako, tulog pa rin ba si kulit...???" Pagsang- ayon ni Randell at inakbayan si Quinette."Oo mahimbing pa rin ang tulog, pasensiya ka na sa mga nangyari kanina." Nakayukong sabi ni Quinette sa asawa."Ayan ka na naman, diba sabi ko wag mo sanayin sarili mo na palagi ka na lang humihingi ng pasensiya. Kasi masasanay ang mga abusadong tao n
Hinatid muna ni Randell si Klyde sa nursery school nito kasama si Quinette. Bago siya pumasok sa kanyang opisina, Pagpasok palang niya sa loob ay agad niyang nakita ang kanyang daddy at si Andrea. Sinalubong siya ng yakap ni Andrea at hinalikan ang kanyang labi. Sa kanyang gulat ay natulak niya si Andrea at sinamaan niya ito ng tingin."Good morning anak... Nakangiting bati ni Don Miguel at inakbayan ang kanyang anak dahil alam niya hindi na maganda ang umaga nito."Baby ko... kanina ka pa namin hinihintay ni Daddy Miguel." Maarteng sabi ni Andrea at kumapit sa mga braso ni Randell."Huwag mo ako tawagin sa ganyang enderment wala tayong relasyon. Nakakasira ng umaga..." Nakasimangot na sabi ni Randell na naningkit ang mga mata at sinamaan din ng tingin ang kanyang ama. Naupo na siya sa kanyang swivel chair at tinawagan si Quinette sa kanyang telepono at sinadya niyang iloud speaker ang audio."Mahal ko nandito na ako sa opisina... kadarating ko lang, kumusta si Klyde diyan sa school n
Minadaling tapusin ni Randell ang mga pending niyang trabaho maging ang pakikipag- meeting niya sa kanyang mga kliyente. Pinasundan niya si Andrea isa sa kanyang tauhan, dahil alam niyang may hindi magandang gagawin ang kanyang ex- fiance. Huling report nito ay nasa school nito ni Klyde si Andrea at nagsend ito ng pictures nang dalawa na nag-uusap. Kaya sobra ang pag-aalala niya para sa kanyang asawa, dahil alam niyang puro kasinungalingan ang sasabihin ni Andrea kay Quinette. At hindi din sigurado si Randell kung maniniwala ba ang kanyang asawa.Pagkarating niya sa school ng kanyang anak ay wala na ang kanyang mag-ina kaya agad na siyang nagpunta sa apartment ng mga ito. Naabutan niya si Quinette na nasa kusina at abala sa paghahanda ng mga lulutuin nito para sa kanilang hapunan. Napansin niya agad na namumugto ang mga mata nito kaya agad niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit mula sa likuran nito."Mahal ko nag-alala ako, wala na kayo sa school ni Klyde." Bulong ni Randell at
Excited na pumasok sila Klyde at Rhiane sa silid ni Quinette dahil ibinalita sa kanila ni Randell na nagdadalang-tao si Quinette. Sobrang saya nila dahil may panibago na naman silang baby na kagigiliwan, kaya nagtatakbong pumasok si Klyde sa silid ng kanyang nanay Quin."Nanay Quin...! magaling ka na po...???" Bungad ni Klyde ,yumakap sa kanyang nanay Quin ng mahigpit at humalik sa pisngi nito."Beshie... congratulations...! ingatan mo sarili mo para sa bago nating baby, at sana baby girl na siya." Masayang bati ni Rhiane sa kanyang bestfriend at yumakap din kay Quinette. "Salamat beshie... may panibago ka na naman kagigiliwan at lalamutakin..." Masayang sagot ni Quinette sa kanyang bestfriend."Congrats din sayo Randell for baby number two, sana baby girl na para may barbie na tayo." Masayang bati ni Rhiane."Tatay at nanay congrats po... ang saya ko po kasi tinupad niyo po wish ko na magkaroon po ng kapatid." Masayang sabi ni Klyde at yumakap sa mga magulang niya."Huwag ka na masy
Maaga ulit gumising si Randell para asikasuhin ang almusal nila. Ayaw niya na muna pakilusin si Quinette dahil maselan ang pagbubuntis nito. Tatawagan niya mamaya si Andrea at pagsasabihan na tigilan na niya ang kanyang asawa. Naiinis na din sa kanyang ex-girlfriend dahil sinasabi nito na buntis din ito at siya ang ama ng dinadala nito. Gusto lang niya ng tahimik at masayang buhay, hindi niya kayang iwan ang kanyang asawa lalo pa at madagdagan na naman sila ng isang anghel. Kaya iingatan niya si Quinette lalo na ang pinabubuntis nito na pinangalanan na niya Rain Qiara kahit hindi pa sila sigurado sa gender nito. Nagluto an siya ulit ng kanilang almusal, pinatimpla din niya ng gatas sila Quinette at Klyde. Nang matapos na siya ay muli siyang umakyat sa kanilang silid para gisingin ang kanyang mag-ina. Gising na si Quinette at inihahanda nito ang mga damit ni Klyde, agad niya naman itong niyakap ng mahigpit at h******n ang mga labi. " Good morning mahal ko..." Bulong niya kay Quinette
Nasa park ng school si Quinette at doon hinihintay matapos ang klase ng kanyang anak. Nang tumawag si Randell sa kanya. "Hello mahal ko... kamusta ka diyan...???" Tanong ni RANDELL SA KABILANG LINYA."Okey lang mahal ko... nandito ako sa park ng school, naghihintay sa anak natin." Sagot ni Quinette."Mag-iingat ka mahal ko ahh...lalo na ang baby natin love you..." Pag- alala na sabi ni Randell."Oo naman mahal ko... ikaw din ahh." Malambing na sa sagot ni Quinette." Sige maha l ko, may mga tatapusin lang ako dito sa opisina... bye." Paalam ni Randell.May biglaang panauhin si Randell sa kanyang opisina at kasama pa ang assistant nito na kasing arte nang kanyang amo."Hi My Baby... mukhang hindi ka talaga papatibag ahh. Gusto mo talaga na magkasubukan tayo." Nakataas na kilay ni Andrea kay Randell habang nagsasalita."hmmm... Mabuti naman at ikaw na ang pumunta dito. Dahil gusto talaga kitang makausap." Seryosong sabi ni Randell."Talaga... Hiwalayan mo na si Quinette kung ayaw mong
Sinampal ng malakas ni Quinette si Andrea dahil napupuno na siya at nauubos na ang pasensiya rito. Nagsawa na siyang intindihin at pagpasensiyahan ang dalaga. "Ang kapal ng mukha mo na sampalin ako...! malandi ka!!!" Galit na sigaw ni Andrea. "Malandi???.. Sino ba ang nang-iwan ng boyfriend nang may makilala na mas mayaman at nalaman na bilyonaryo ang bagong karelasyon hahh..??? May karapatan ako sa lalaking hinahabol mo dahil kasal kami at may mga anak na kami, baka gusto mong ikaw ang kasuhan ko kakahabol at pang- gugulo sa amin ng asawa ko." Matapang na sabi ni ni Quinette at tinaasan pa ng kilay si Andrea. "Ang tapang naman ng naka-one night stand lang at nabuntis ng isang gabi ng mayamang lalaki kaya hindi na bumutaw kay Randell.!" Pang-iinsulto ni Andrea at nginisihan si Quinette. "Matapang talaga ako, kailangan ko matutong lumaban para sa pamilya na meron kami ni Randell. Hindi katulad ng iba diyan nag-pabutis sa ibang lalaki tapos ipapaako sa ibang lalaki. Nakakaawa ka nam