Dahan-dahan na bumangon si Quinette, mahimbing pa rin na natutulog si Randell. Kailangan niya bumangon ng maaga para makaluto siya ng almusal. At ihahatid din niya si Klyde sa school. Nagluto na lamang siya ng sinangag, nagprito siya ng hotdog,bacon at itlog. Sinilip niya ang kwarto ng kanyang bestfriend pero muhang nakaalis na ito ng maaga. Muli siyang bumalik sa kanyang silid para kunin ang kanyang towel at mga damit. Hinanda na din niya ang mga gamit ng kanyang anak para sa pagpasok nito sa eskwelahan. Habang siya ay abala sa pag-aasikaso sa mga gagamitin ng kanyang anak. Nakamasid lamang sa kanya si Randell na kunwaring natutulog. Napangiti si Randell dahil masarap sa kanyang pakiramdam na may pamilya kang uuwian. Asawa na mag-aasikaso sa umaga, at sa gabi naman ay pagsasaluhan niyo ang gabing malamig. Pero hindi si Quinette ang gusto niya na mapangasawa. Dahil gusto niya lamang ang katawan ng dalaga, yun lang ang kanyang habol. Kung mag-aasawa man siya gusto niya yung tunay ang
Dumating na ang araw ng operasyon ni Quindell.Ngunit sa hindi inaasahan ay nagka-mild stroke ang Don. At na-confine ito. Mabuti na lamang at iisa lang ang ospital ng bata. Si Quinette ang nakatoka na magbantay kay Don Miguel, bumuti na din naman ang pakiramdam nito. Si Klyde naman ay tapos na ang mga laboratory test, naka-schedule na ag operasyaon ng kanyang anak. Kaya nakiusap siya kay Jenna na sana ay dumating ito ng maaga sa ospital bago. Kaarawan ngayon ng kanyang anak kaya nais niya na sorpresahin ito ng paborito niya carrot cake at si laruan na si iron man. Hindi din siya mapakali habang nakaupo sa tabi ni Don Miguel. Nanalangin din siya na tuluyan ng bumuti ang kalagayan ng matanda at sana maging ang operasyon ni Klyde ay maging maganda ang resulta. Si Randell naman ay hindi makapaniwala sa hawak niyang resulta ng DNA test. Anak niya si Klyde pero hindi niya malubos maisip kung bakit nagsinungaling sa kanya si Quinette. Bakit ayaw nito na malaman niya na anak niya ang bata. Na
Naging matagumpaya ng operasyon ni Klyde... Sobrang saya ni Quinette at Randell, napayakap pa si Quinette sa binata, nagpasalamat din siya sa binata. "Maraming salamat po sir Randell, at bnigyan niyo ng pagkkataon na maoperahan ang nak ko." Bulong ni Quinette na naiiyak. "Gagawin ko yun syempre para sa anak ko." Seryosong sabi ni Randell at hinagkana na alamanga ng noo ni Quinette. Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin kay Quinette na na alam na niyang anak niya si Klyde. Nakikiramdam lang siya sa mga mangyayari pa at niyakap na lamang ng mahigpit ito,sobrang saya niya na maayos ang operasyon ng kanyang anak. Sa ngayon gusto niya lang makasama ang kanyang anak at sulitin ang mga araw habang nagpapagaling sa operasyon. "Madami tayong dapat pag-usapan Quinette..." Seryosong sabi ni Randell sa dalaga. "Huh???... ano po yun sir" Nagtatakang tanong ni Quinette. "Wala ka pa rin bang sasabihin at at aaminin sa akin ahh...???" Kunot ang noong tanong pa rin ni Randell. "Wala po sir
Matapos ang matagumpay na operasyon ni Klyde, nagpaimbestiga si Randell kung sino ang tunay na ama ng bata. Nalaamn ng binata na siya ang ama ni Klyde. Nagpakuha siya ng abogado para makuha ang custody ng kanyang anak na matagal itinago ni Quinette sa kanya. Sobrang sama ng loob ni Randell dahil ilang beses niya niyang pinaamin ang dalaga pero nagmatigas itong ilihim sa kanya ang katotohanan. Nagmakaawa sa kanya ang dalaga pero hindi na siya pumayag na tumira pa si Klyde sa kanya. Nagpapagaling pa rin si Klyde, kaya pumapayag siya na dalawin pa rin ni Quinette ang kanyang anak at minsan kasama nito si Doctor Jandro. "Anak kamusta na ang pakiramdam mo???" Naiiyak na tanong ni Quinette sa kanyang anak. "Okey na po ako nanay Quin, malakas na po ako. " Masiglang sabi ni Klyde. "Mabuti naman anak kong superhero..." masayang sabi din ni Doctor Jandro. "Opo Daddy Jandro, malakas na po ako kaya pwede ko na po iligtas ang buong earth..." Masigla pa rin sabi ng batang bibo. Samantalang si
Nagdesisyon si Randell na ipagpatuloy ang pagpagamot kay Klyde sa america. Matapos na tuluyan makarecover si Don Miguel ay kinausap niya ang kanyang Daddy tungkol sa kalagayan ng kanyang anak. Kukunin na niya kay Quinette si Klyde dahil mas may kakayahan siya na ibigay ang mga kailangan ng bata. Pero napakabata pa ni Klyde at nasanay ito sa kalinga ng kaniyang ina, hindi rin pwede na sumama ang loob ng bata dahil makakaapekto ito sa sakit sa puso ng kanyang anak. Ipinasyal niya ito ngayon sa mall na pagmamay-ari niya at ibinili ito ng mga bagong damit, maging mga laruan. Nagbonding sila nagtatay, samanatalang si Quinette ay nakatanaw lang sa malayo. "Tatay bagay po ito kay nanay Quinette." Pagpili ni Klyde sa isang bestida na floral ang design at inaabot kay Randell. Marahil na miss na ng bata ang nanay nito kaya napatingin sa mga bestida. "Hmmm... Oo nga, Sige bilhin natin." Pagsang-ayon ni Randell. "Tatay bakit po kaya hindi ako kinakamusta ni nanay Quinette??? May iba na po ba
Nagising si Quinette dahil masama ang kanyang panaginip at pawis na pawis siya. Pagdilat niya ay nakita ni si Randell sa tabi niya, mahimbing ang tulog nito. Paghawak niya sa kanyang noo ay may towel, inalagaan ba siya ng binata. Tinitigan niya ito pinagmasdan ang mukha nito, napakagwapo ng binata pero alam niya paggising ito ay napakasuplado. Pero alam niya mabait din naman ito, mali lang sila ng pagkakilala sa isa't- isa. Hindi siya nagsisi nang ibigay niya ang kanyang pagkababae noon at nagbunga pa ng isang Klyde. Pero paano kung ilayo na niya ng tuluyan ang kanyang anak...Yun ang laging tanong niya sa kanyang sarili, dahil alam ni Quinette na hindi sila nababagay ng binata. Nakatitig lamang siya sa mukha nito nang gumalaw ito at gumising, pagkadilat ni Randell ay agad pumikt si Quinette para magkunwaring tulog pa rin. Muling sinalat ni Randell ang noo niya upang tingnan kung mainit pa rin siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Quinette, tipong hindi na siya makahinga. Nang inali
Makalipas ang anim na buwan ay muling bumalik sila Randell, Quinette at ang anak nila na si Quindell Klyde. Magaling na ang kanilanga anak dahil maayos naman ang naging operasyon nito sa puso. Sinalubong sila nila Rhiane at Doctor Jandro sa airport. Napasimangot naman si Randell ng matanaw ang doktor dahil manliligaw ito ni Quinette. "Baby Klyde ko..." Sigaw ni Rhiane. "Mommyninang..." Sigaw din ni Klyde at yumakap ng mahigpit sa kanyang mommyninang. "Klyde anak kamusta ka naman... ang aming superhero..." Masayang sabi ni Doctor Jandro. "Daddy Jandro.. Magaling at strong na po ako..." Nakangising sabi ng bibong bata. "Mabuti naman anak, namiss kita pati na din si Nanay Quin mo." Malambing na sabi ng doktor at nginitian si Quinette. Sinamaan naman ng tingin ni Randell ang doktor,sa inis niya ay nauna ng naglakad ang binata. Bago sila umuwe sa mansyon ay dumaan muna sila sa isang restaurant at kumain sila kasama sila doctor Jandro at Rhiane. Masaya silang kumain, maliban kay Rande
Nakabihis na silang tatlo, nagulat si Quinette na iisa lang ang kulay ng kanilang damit. Naka-family t-shirt silang tatlo. Ang nakaprint sa knyang damit ay 'THE QUEEN'... Kay Randell naman ay 'THE KING' at Klyde naman ay 'THE PRINCE' sa likod naman ng suot nila at naka-print ay 'GOMEZ FAMILY'. Natatawa na knikilig si Randell ng makita na suot nilang tatlo ang pinagawa niyang family nyang family t-shirt. Sobrang saya ni Randell ito ang talaga ang pinangarap niya, ang masayang pamilya kasama ang kanyang anak at si Quinette na nagpapatibok ng kanyang puso. S a sobrang kilig at saya ng binata ay hinalikan niya sa pisngi ang kanyang mag-ina at niyakap ang dalawa. "Oh diba bagay sa atin ang mga damit...!" Masayang sabi ni Randell at masayang tumawa. "Oo nga po tatay, san po ba tayo pupunta???" Pagtatakang tanong ni Klyde. "Pagkatapos mo magpaenroll, mamasyal tayo sa amusement park." Masiglang sagot ni Randell sa anak. "Aabsent ka na naman ba sa trabaho mo sir Randell...???" Nag-aalalan
Mabilis na lumipas ang ang mga araw at isang taon na kaarawan ngayon, ng anak nila Randell at Quinette na si Quiara Rain. Ginanap lamang ang selebrasyon sa pool ng mga Gomez, Pool Party ang napili nila mag- asawa. Magaling na din ang kanilang anak, naoperahan na ang butas nito sa puso kaya napakasaya nila mag- asawa. Nanganak na din ang bestfriend ni Quinette na si Rhiane at lalaki ang baby nila Atty. Carl Suarez. Nag- engaged na din ang abogado kay Rhiane kaya malapit na din ikasal ang mga ito. Mag- uumpisa na ang pool party kaya mabilis na binihisan ni Quinette ang kanyang mga anak. Si Randell aman ay inasikaso ang kanilang mga bisita."Mahal ko... Marami na tayong bisita, ready na ba ang ating birthday princes...?" Masayang tanong ni Randell sa kanyang asawa."Oo mahal ko, inaayos ko a lang ang gown ni Quiara Rain... Tingnan mo ang ganda ng little mermaid natin..." NAkangiting sabi ni Quinette." Oo nga... mana talaga kay tatay nuh..." Paglalambing na sabi ni Randell."Hmmp... Wala
Bago pumunta ng ospital sila Randell at Quinette at pumunta muna sila sa presinto para kamustahin ang kaso laban kila Andrea at doktor Jandro dahil sa pag- dukot sakanilang anak. Gusto din nilang maka- usap na mag- asawa si Andrea. Pero nakiusap si Quinette na gusto niya munang makausap mag- isa si Andrea. Kaya nandito siya para hintayin ito. Nang makalapit ito sa lamesa at kinauupuan ay nakatitig lamang ito sa kanya at halatang hindi masaya sa pagdalaw niya."Kamusta na Andrea... nagulat ka ba nandito ako para bisitahin ka. May dala ako sayong pasaalubong, huwag kang mag- alala walang lason yan at wala akong balak na maging katulad mo na masamang tao." Mataray na sabi ni Quinette."Anong problema mo...??? Bakit nagpunta ka poa rito, naiirita lang ako sa mukha mong mang- aagaw ng fiance." Pang- iinsulto ni Andrea sa kanya."Ehhemm... Hanggang ngayon hindi ka pa rin pala maka- move on ahh... Ako ang pinakasalan at inanaka , dalawa na nga eh at muntik mo pang patayin ang isa naming anak
Ngayon araw na makakalabas ng ospital si Randell, pero si baby Quiara Rain ay mako- confine pa rin nang isang linggo dahil lumalaki ang puso ng sanggol. Kaya dapat pang obserbahan ng mga doktor, malungkot man na balita. Hindi pa rin nawawalan nang pag- asa na gagaling din ang kanilang anak. One month old na ito bukas kaya sa ospital na lamang sila magsese- celebrate at ipinalipat na nila sa private room kaya maninitil pa rin sila sa ospital hanggang sa gumaling ang kanilang anak. "Masaya ako mahal ko na magaling ka na at maayos na ang kalagayan mo. Pero malungkot pa rin dahil hindi pa rin okey ang anak natin na si baby Quiara Rain." Malungkot at naiiyak na sabi ni Quinette sa kanyang asawa."Mahal ko Quinette... ngayon pa ba tayo mawawalan ng pag- asa, kinaya natin na bawiin siya kay Andrea at mailigtas. Ang diyos lang ang nakakaalam kung kailan tayo dapat sumuko, ipaparamdam niya sa atin yun. Pero sa ngayon hangga't pinag- kakatiwala niya sa atin si baby Quiara Rain. Alagaan natin si
Napaluhod sa harap ng kama, at habang yakap ni Quinette ang bangkay ng kanyang asawa."Mahal ko...! Randell... nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan diba...??? Mahal na mahal kita Randell, paano na ako mabubuhay nang wala ka mahal ko...! Isama mo na din ako..." Sigaw ni Quinette habang humahaguhol ng iyak."Misis... maaari bang tumabi ka muna, sino ba ang iniiyakan mo diyan ah. Di ba asawa mo si Randell Gomez." Pagtatakang tanong ng doktor kay Quinette."Opo... diba siya po itong nakabalot sa kumot na puti dok...???" Pag -tatakang tanong ni Quinette sa doktor at nagkasalubong pa ang kanyang mga kilay."Mahal ko..., Quinette buhay pa ako, lumipat na ako ng private room kaya iba na ang pasyente diyan kinuha ko lang itong naiwan ko na celphone." Pagtatakang tanong ni Randell sa asawa pero natatawa na kinikilig siya sa mga sinabi nito, dahil narinig niya lahat. Kaya naman tumayo na siya kahit nahihirapan siyang humakbang at niyakap ang kanyang asawa na naka- salampak sa sahig."Akala k
Nagpunta na sila Rhiane at Quinette sa nursery room para dalawin at makita ang kanyang anak na si Quiara Rain. Sobra siyang nasasabik dahil magiging una nilang pagkikita mag- ina, nasasabik siyang mahawakan at mayakap ang kanyang sanggol na nawalay sa kanya ng dahil sa kasamaan ni Andrea. Smilip muna sila labas ng pintuan. Itinuro sa kanya ni Rhiane ang kanyang anak, at bumilis ang tibok ng kanyang puso, ito na ba ang lukso ng dugo na sinasabi nila. Nilapitan na nila ito at mahimbing na natutulog ang sanggol, pero bahagyang dumilat ang mga mata. Marahil naramdaman nito na nasa tabi siya na kanyang nanay. Umiyak ito ng napaka- lakas. "Baby Quiara Rain... nandito na si nanay Quinette mo. Napaka- ganda at puti mo anak ko." Naiiyak na sambit ni Quinette sa kanyang anak. Umiyak ng malakas ang sanggol kaya nataranta sila ni Rhiane."Naku... beshie naramdaman niya sigiro na nadito ang kanyang mommy kaya umiyak ng malakas si baby Quiara para buhatin mo." Saad ni Rhiane kaya binuhat nito si b
Napaupo na lamang sa silya si Quinette dahil nanghina ang kanyang mga tuhod nang marinig ang sinabi ng doktor na kailangan maoperahan si Randell dahil nasa delikado itong sitwasyon."Mrs. Gomez... Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan muna natin siya masalinan ng dugo bago maumpisahan ang kanyanmg operasyon." Paliwanag ng doktor kay Quinette."Ako po pwede ako mag- donat ng dugo sa kaibigan ko dok." Pagpresinta ni Atty. Carl Suarez."Sige papapuntahin ko ang isang nurse dito para madala kayo sa lab at matest muna ang mga blood donors bago mag- donate ng dugo sa pasyente." Sagot ng doktor."Ako din po willing mag- donate." Saad ni Rhiane."Mauuna na ako hija..." Paalam ng doktor kay Quinette."Beshie... huwag ka na malungkot at masyadong mag- alala diyan. Kailangan siya operahan para matanggal ang bala sa kanyang dibdib at kami na bahala mag- donate ng dugo sa kanya." Paliwanag ni Rhiane at niyakap muli ang kanyang bestfriend."Oo nga Quinette kailangan mong lakasan ang lo
Pinigilan ni Quinette si Andrea na sundan si Rhiane para kunin ang kanyang anak, hinayaan niya na maunang makalabas ang kanyang bestfriend at sa sobrang galit niya hindi niya napigilan na sabunutan si Andrea para matulungan din si nurse Mae."Beshie sige na iligtas mo ang anak ko...! Ako na ang bahala rito..." Sigaw ni Quinette."Sige beshie...!" Sagot ni Rhiane at mabilis nang naglakad buhat ang sanggol para makalabas sa airport. Hindi na siya muli pang lumingon sa mga ito at ang tanging nasa isip niya ay mailayo kay Andrea ang sanggol. Kaya lakad at takbo ang kanyang ginawa makapunta lang parking lot. Nang makalayo na si Rhiane ay tinulungan ni Quinette si nurse Mae para makatakas din kay Andrea. Hinila niya ang buhok nito at pinagtulungan nila na sabunutan."Tumakas ka na nurse Mae... Sundan mo si Rhiane." Utos ni Quinette at humarap kay Andrea." Ikaw na malandi ka...! Dapat sayo mamatay! Mang- aagaw ka..." Galit na sigaw ni Andrea kay Quinette."Wala akong inagaw sayo!... Hindi
Nasa biyahe na sila Randell at Quinette nang mag- message sa kanya si Atty. Carl Suarez para ibalita na tatakas si Andrea at dala ang kanilang anak. Papunta na ang mga ito sa airport kasama si Nurse Mae pero nahuli ni Andrea na nagreport ang dalaga sa mga police kaya kinuha nito ang celphone. Tinilungan si Andrea nang daddy nito na muling makatakas. Kaya imbes na uuwe sila sa kanilang mansiyon ay dumerecho siya sa airport. Kaya nagtataka naman si Quinette dahil naiba ang kanilang dinaan kaya nagtanong ito sa kanyang asawa kung saan sila puputa."Mahal ko... Saan tayo pupunta bakit nag- iba ka nag daan ahh..???" Pag- tatakang tanong ni Quinette kay Randell. "Kailangan natin dumerecho sa airport mahal ko. Nag text saa akin si Carl at tatakas daw si Andrea dala ang anak natin. Kaya kailangan antin siya maabutan para mabawi si baby Quiara Rain." Seryosong sagot sa kanya ni Randell."Napaka- sama talaga niya, hindi na siya naaawa sa anak natin, wala naman kasalanan sa kanya ang baby nati
Hindi na muna umuwe ng mansiyon sila Randell at Quinette. Gusto ni Randell na makapag -usap sila ni Quinette nang sarilinan tungkol sa isyu ni doktor Jandro. Ayaw niyang lumaki pa ito magkaroon sila ng samaan ng loob mag- asawa. Dinala niya ito sa isang beach sa cavite, gusto niyang maglakad- lakad na hawak ang kamay ng asawa. "Dito na muna tayo, gusto ko maglakad- lakad sa dalampasigan. Para mapag- usapan na din natin ang tungkol sa mga sinabi ni Jandro sayo." Saad ni Randell sa kanyang asawa at bumaba ng kanyang kotse at pinag- buksan ng pinto ang kanyang asawa.Wala naman imik si Quinette at sumunod lamang siya gusto ng kanyang asawa. Hinawakan ni Randell ng mahigpit ang kanyang kamay at naglakad na sila papunta sa dalampasigan. Nang mapagod sila paglalakad ay inaya siya ni Randell na maupo na muna sila habang pinapanood ang alon ng dagat."Maupo na muna tayo mahal ko..." Ani ni Randell sa kanyang asawa."Sige.. mahal ko..." Pagsang- ayon ni Quinette.Tahimik lang silang nakating