LAXUS TIMOTHY FERRER"Umayos ka Mildred, ikaw ang nauna ikaw din ang sumugod sa kanya." wika ng Daddy ni Mildred sa kanya.Lahat kami imbitado sa grand launching ng bagong collection ni Cierra. Pag labas namin ng hotel room kung saan gaganapin ang grand launching hinayaan ko na kumapit sa braso ko si Mildred."Kapag sinubukan ng babaeng yun na akitin na naman si Laxus hindi ako magdadalawang isip dad, trust me. " pagbabanta nito.Nilapit ko ang bibig ko sa teinga nito at nag salita. " Isa pa, alam mo may kalalagyan ka." pag babanta ko dito sa pamamagitan ng pag bulong ko dito.Nilingon ako nito ng may takot sa mga mata nito. Saktong pag pasok namin ay agad pumukaw sa aking paningin ko ang kasamang lalaki ng dati kong asawa.Mag isa ito at kausap ang sekretarya ni Cierra, lumingon ito sa amin ng tumingin ang kausap nitong babae sa amin.Ngunit mabilis naman nitong binawi din. "Babe, siya yung lalaki na nakita natin diba? Siya din ang bumastos sa akin." bulong ni Mildred sa akin.Hindi n
CIERRA RAVEN FIORNang matapos ang gabi nag pasalamat ako sa pag dalo nila. Hanggang isa isa na nag uuwian ang mga bisita, umupo muna ako sa sasakyan ni Trevor habang naka taas ang bubong nito.Mabuti at maganda ang gabi at hindi maulan, "Pagod?" tanong nito sa akin at inabot sa akin ang cup of hot chocolate.Tumango ako at kinuha ko ito. "Yeah, but worth it naman. Thanks for this.." pasasalamat ko at sumimsim ako ng mainit na chocolate."Maliit na bagay, natatawa nga ako event mo ito po parang ako din yung nag ka event. Willing sila mag invest sa kumpanya ko." wika nito habang naka ngiti.Naka sandal ito, nandito na kami sa parking nagpapahinga. Masakit na din kasi ang paa ko dahil sa heels."Ano ka ba ayos lang yun, saka mukhang gustong gusto nila talaga mag invest. Ahmm Trevor.." sagot ko dito at tawag ko sa pangalan nito."Hmm? May gusto ka ba?" tanong nito sa akin."Ano kaya sa tingin mo mag tayo kana rin dito sa Pilipinas ng Company mo or branch man lang.." suhistsyon ko dito.N
LAXUS TIMOTHY FERRERNakita ko na kasama ni Trevor ang kambal, habang nasa mall ang mga ito at bumibili ng stuffed toy. "Sino ang kasama niyang bata?" tanong ni Ashton."Hindi kaya anak nila ni Cierra? " tanong ni Walsh, na kina inis ko." Pwede dahil tatlong taon din itong nawala. Ang ganda ng twins.." wika ni Ashton."Hindi ako naniniwala na may anak si Cierra, maliban kung may anak ang lalaki na yan?" sagot ko..Hindi ako papayag na may anak si Cierra sa lalaking yan, nang humarap ang isa sa kambal doon ko namukhaan ang batang babae."Teka," putol ko at mas pinagmasdan ang batang ito."Bakit bro?" tanong ni Walsh sa akin."I already saw that girl, noong pumunta ako sa kumpanya ni Cierra kasama nila yung Yaya nila. And then kasama niya yung kambal din niya." wika ko at turo ko.Agad nag katingnan ang dalawa at mag sasalita na sana si Ashton ng may tumawag sa akin. "What now Mildred?" irita kong tanong.Nakita ko na binuhat ng Trevor ang kambal na tuwang tuwa sa bagong stuffed toy ni
CASSANDRA TIFFANY FERRERNasa harapan na ako ng malaking gate ng bahay ni ate Cierra. Pinayagan ako ni ate Cierra na dito matulog muna.Ayoko kasi sa bahay masyado silang magulo, Pinindot ko ang doorbell ng bumukas ang gate kusa."Pumasok kana, walang guard ngayon kaya walang mag bubukas sayo d'yan." narinig kong wika ni ate Cierra sa speaker.Natuwa ako kahit nag bago si ate andun parin yung pagiging malambing niya.Pumasok na ako agad at nag sara naman din ang gate ng kusa, nag lakad ako sa malawak na daan nila dito, hanggang makarating ako sa main door.Bubuksan ko pa lang ng bumukas ito at doon ko nakita ang kambal na batang babae. "Welcome to our home!" sabay na wika ng dalawang bata.Nanlaki ang mata ko sa mga ito identical twins sila. " Oh Tilly, Heather papasukin niyo ang bisita natin." utos ni ate Cierra sa kambal.Sa gulat ko hinayaan ko silang hilahin ako papasok sa loob ng magandang bahay na ito."Mommy why she's look like that? Is she scared?" narinig kong tanong maliit n
LAXUS TIMOTHY FERRERNaikuyom ko ang kamao ko ng kinagabihan ay nakatanggap ako ng letter na hindi ako maaaring lumapit sa dating asawa ko."Ibang klase talaga kapag mayaman, nagawa agad niya ito ng mabilisan?" tanong ni Walsh habang nakasilip sa sulat."Tumigil kana kasi pare, ayaw na nga kasi sa'yo ipipilit mo pa?" tanong ni Walsh sakin habang naka ngisi.Umupo ako at ang salita. "Makukuha ko kung anong gusto, iimbestigahan ko ang tungkol sa kambal na yun. Kapag nalaman kong anak ni Cierra yun, ibig sabihin nabuhay ang anak namin at hindi talaga siya nakunan." pag mamatigas ko.Umiling si Walsh bago sumagot. "Ikaw ang bahala tutal mukhang totoo ang sinasabi ng ex wife mo, na gusto mo na tinatapakan ang pagkalalaki mo." wika nito at inumin ang pina handa kong alak sa sekretarya ko."Bakit hindi mo na lang ako suportahan sa gusto ko o tulungan mo ako mapalapit sa dati kong asawa?" pagtatanong ko dito.Tumawa lang ito bago mag salita, "Kung noon baka oo pa pero ngayon? Nah, kaya mo na
THIRD PERSON POV"TULONG !! TULUNGAN NINYO AKO PARANG AWA NIYO NA !!" pagmamakaawa ng sigaw ng binata sa loob ng basement.Ngumisi ang lalaki at nag salita, "Tigil na bata walang makaka rinig sayo dito, " wika ng lalaking may hawak na sigarilyo."Ano ba ang kailangan ninyo?" lakas loob na tanong ng binata.Yumuko ang lalaki at tiningnan ito ng may ngisi sa labi, "Uuwi ka din sainyo, ngunit isa ng malamig na bangkay. Yun kasi ang utos ni Boss Bustamante." sagot nito.Nanlaki ang mata ng binata. "Si-si VP?" tanong ng binata."Hoy gag* ka, bakit mo sinabi ang pangalan ni Boss!?" tanong ng lalaking kasama nito."Tsk. Walang makakaalam, una tatapusin din naman natin ito," sagot ng lalaki.Magsasalita pa lang ang binata ng bumagsak ang pinto ng basement na kina lingon ng tatlong tao sa loob. "Subukan niyo saktan ang taong 'yan, tapos kayo sa'kin!" banta ni Agent Freyah Knoxville."Sino ka!?" tanong ng dalawang lalaki at tinutukan ng dalawang ito si Freyah ng b*ril.Ngunit lumabas si Trevor
CIERRA RAVEN FIORMAKALIPAS ANG TATLONG ARAW nalaman namin na may sakit na depression si Cassie. Hindi naman nila malaman saan ito nagsimula, kapag tinatanong ko naman ito ay hindi ito nagsasalita.Kaya pala nag iba ang ugali ng batang ito. Ang pagka kilala ko sa batang ito ay masigla masayahin, likas na ang pagiging maldita nitong ugali.Nalaman ko din na may trauma ang bata, naapektuhan narin ang grades nito. Hinawakan ko ang kamay nito at nginitian ito. " Cassie, hindi ko alam paano ka nagkaroon ng sakit na 'yun. Pero gusto ko malaman mo na nandito lang ako, pwede mo sakin sabihin pero gusto ko yung kusa mong sasabihin.." mahinahon kong wika dito.Tumango nito at pumatak ang luha nito, "Ate, natakot po ako kasi noong nangyari po sa inyo ni kuya Laxus." wika nito.Na pinag taka ko. "Kung ano man ang nangyari sa amin ng kuya mo, labas ka doon Cassie naiintindihan mo ba? Huwag mo dalhin ang bigat at konsensya okay? Nakikiusap ako sa'yo." pakiusap ko dito at pinunasan ko ang luha nito.
MILDRED ANDERSONNaisipan ko mag tungo sa bahay na pinagawa ni Laxus 3 years ago. Ang alam ko sabi nito na balak niya dito tumira kapag bumukod na ito."Good morning ma'am, wala po si Sir Laxus dito nasa kabilang mansion." wika ng guard kaya ngumiti ako.Mukhang hindi pa ito nasabihan ni Laxus ng tungkol sa pag atras nito sa kasal. "Well pinapunta niya ako dito, pwede ba ako pumasok?" tanong ko dito.Agad agad nito binuksan ang gate at pina pasok ako. "Sorry Ma'am, sige po tuloy na po kayo sa loob!" paghingi nito ng tawad.Ngumiti ako at nag lakad na ako sa malawak na daan patungo sa main door. Saktong bukas ito kaya pumasok na lang ako. "Manang, na saan ang susi ni Laxus sa kanyang kwarto? May pinapakuha siya sa akin." tanong ko at pagsisinungaling ko, habang nililibot ang buong bahay ng aking mga mata.Buong akala ni Laxus hindi ko alam kung saan niya itinayo ang bahay niya, yun ang hindi niya alam. "Ito po Ma'am." sagot ni Manang na hindi ko na inalam ang pangalan.Wala naman akong
CIERRA RAVEN FIOR - YOUNGMATAPOS ang kaarawan ng mga bata ay nag si balikan na kaming lahat. Ngayon ay hinahanda na namin ang pagkain para sa aming Noche Buena.Tama kayo lumipas na ang ilang araw matapos ang kaarawan ng kambal. Hindi ko na idi-detagle ang buong nangyari. Naging masaya ang lahat ng araw na 'yun. "Dalian niyo malapit na mag alas dose at magbubukas na tayo ng regalo!" Pag mamadali ni Mama na kina taranta naman namin.Dahil limang minuto na lang ay 25 na ng December. Nang mailagay ko ang handa namin sa mesa ay agad kami nag hintay ng tamang oras.Ang mga bata ang mas higit na excited, naka ngiti lang ako habang pinapanood ang mga bata na nauna pang kumain. Hindi ko naman sila pwede gutumim dahil mga bata 'yan.Tumabi ako sa fiancée ko, sa nagdaan na araw lahat ng gusto namin sa kasal ay nagawa na namin. Nakausap na namin sa aming kinuha na organizer kahit ang catering, wala na kaming po-problemahin dito.Kung kailan ang kasal? Ay sa araw mismo ng kaarawan ko. January 6,
CIERRA RAVEN FIORKINAUMAGAHAN HINATID KO LANG SILA MAMA sa labas ng gate kasama ang mga bata. Kahit si Cassie at sila Manang, Yaya ay kasama na.Kumaway ako hanggang mawala na sila sa paningin ko, ngumiti lang ako at pumasok na ako ng gate. "Hon?" tawag ko kay Trevor na nag presinta na mag hugas ng plato."Yes?" sagot nito sa akin."May cash ka ba? Ibibigay ko lang sa naka duty mamaya na guard. Saka ang pinamili natin para sa kanila sa Christmas and new years eve.." tanong ko dito ng maka lapit ako dito.Sakto naman na tapos na ito mag hugas. "Yeah, nag abot din si Daddy kanina. Ibigay ko daw sa mga guards natin, and the grocery." sagot nito habang nagpupunas ng kamay."Ano kaya papuntahin na lang natin dito?" tanong ko dito. Tiningnan naman ako nito habang sumisimsim ng kape."Pwede Honey, para personal nila makuha." sagot nito, ngumiti ako at tumango.Lumapit ako sa may TV kung saan nakalagay ang telepono namin, agad kong tinawagan ang line sa guard house."Hello ma'am?" sagot ng i
CIERRA RAVEN FIORTATLONG LINGGO ANG LUMIPAS, ito ako ngayon nasa harapan ng Columbarium kung saan nakalagak ang abo ni Laxus.Hawak ko ang bulaklak na kulay puti, pinasok ko ito sa loob may maliit itong pinto. "Patawad kung kailangan humantong sa ganito, hindi man kayo nag ka ayos ni Cassie. Pangako aalagaan ko si Cassie at gagabayan ko siya hanggang kaya na niya ang sarili niya." pagka usap ko dito."Alam ko, hindi ka masaya dahil sa nangyari at alam ko naririnig mo ako. Laxus pakawalan mo na ang sarili mo sa galit at bigat. Patawad dahil hindi ko magawang mahalin ka ulit, mahal ko ang sarili ko Laxus, sana matanggap mo na 'yun. Noong minahal kita nakalimutan ko ang sarili ko." wika ko.Huminga ako ng malalim. "Sa ginawa ko na 'yun, parang ako na rin ang pumat*y sa sarili ko. Laxus, walang may gusto na mangyari ito ngunit nag matigas ka." wika ko.Huminga ako ng malalim at nag salita. "Hindi ako nandito para isumbat sa'yo ang nangyari. Gusto ko lang marinig mo ako, Laxus gabayan mo
CIERRA RAVEN FIORSame hospital ang pinag dalhan kay Agent Trevor at kay Laxus.Nasa loob ako ng isang kwarto kung saan ginagamot ang mga sugat ko habang nasa harap ko si Agent Venus. "Kamusta si Trevor? May balita ka ba? How's the operation?" sunod sunod na tanong ko kay Agent Venus.Bumuntong hininga na ito, "Still ongoing ang operation. Don't worry dumating kami on time, isang malaking pasasalamat na lang din namin na tumulong ang mga tauhan ni Flame sa atin. Hindi nila tayo iniwan, pero umalis agad sila ng maihatid na si Trevor dito." mahabang paliwanag nito.Nakagat ko ang ibabang labi ko ng ibaon ulit ang karayom sa likod ko. Naka dapa ako habang tinatahi ang sugat ko sa likod."Mabuti kung ganun, paano si Laxus?" tanong ko dito, humawak ako ng mahigpit sa unan."Nasa isa pa siyang operating room, ang sabi kailangan na putulin ang dalawang hita niya, kung hindi kakainin ito ng mga bacteria galing sa bakal." paliwanag nito muli."And kapag hindi niya kinaya mamat*y siya.." dugton
CIERRA RAVEN FIOR"Itigil mo ang sasakyan Laxus! May anak ako at may pamilya pa ako! " sigaw ko dito, tumingin ako sa daan dahil lalong binilisan nito ang takbo."No! Hindi ako papayag na maging masaya kayo ng hay*p na lalaking 'yun! Walang magiging masaya!" sigaw nito."Laxus! Makakaya ba ng konsensya mo alisan ng ina ang mga anak ko?! Maliit pa ang mga anak ko!" sigaw na tanong ko dito.Nang kumabig ito pakaliwa, kumapit ako ng mahigpit sa hawakan at sa seat belt na nakalagay sa akin. Pumikit pa ako ng diin at nag dasal.D'yos ko panginoon, 'wag niyo po ako pabayaan may anak pa ako.."Still no! Wala akong pakialam sa mga anak mo!" sagot nito, dahil doon napa dila ako at sa galit ko sa narinig ko.Malakas kong tinadyakan ito sa tagiliran na kina bitaw nito sa manibela. "Wala kang puso! Walang hiya ka!" sigaw ko dito, inalis ko ang seat belt ko at lumuhod ako sa upuan ko at pinag susuntok ito sa mukha."Wala kang karapatan bawiin ang buhay ko o kunin ang buhay ko dahil lang sa gusto m
TREVOR YOUNGTulad ng sinabi sa amin, gabi ililipat si Laxus ng kulungan, lahat ng police at sundalo naka deploy ngayon."Hindi ba talaga kayo sasama sa parada?" tanong ni Agent John."Hindi, tapos na ang trabaho namin mula dito kaya hindi na kami sasali d'yan." pagsisinungaling ko.Sinabi ko sa kanila na si Cierra ay busy sa bahay, ngunit ang totoo ay naka abang lang si Cierra sa hindi kalayuan.Napa tingin ako kay Agent willis, nakatitig lang ito sa lalaking nakatali ng kadena at naka posas pa.Napa tingin ako sa kulungan kung saan nakalagay ang pekeng si Laxus. Kung totoo nga na lalabas posible si Laxus ngayon?Sino ang dapat kong tapusin? Si Laxus o ang pekeng ito.Naka kulong ito sa isang bakal na heras at nakatali ang mga katawan at kamay upang hindi ito maka takbo.Ang suot nito sa leeg ni isang beses hindi man lang umilaw. Nag search ako sa bagay na ito, kapag gamit ito kailangan umiilaw ito.Yun kasi ang paraan para malaman na naka activate ito sa kung sino man ang gagamit. M
CIERRA RAVEN FIORHabang inoobserbahan ko ang kilos ni Laxus sa loob ng kulungan, ni isang beses hindi ito nag salita.Kagabe nag usap pa kami ni Trevor tungkol sa taong ito. Pinag usapan namin kapag hindi pa ito nag salita at nakita namin na may electric choker pa rin ito. Maniniwala na kami na hindi ito si Laxus.Kung tama si Flame ginagawa ito ni Laxus para huwag na kami mag hinala.Kung tutuusin hindi ko alam kung saan si Laxus ngayon kahit si Mildred. Kung totoo na si Laxus ay nasa paligid lang.Pero hindi mawala sa isip ko na nagsasabi ng totoo si Flame. Ni isang beses hindi pa ito nag sinungaling."Sabihin mo sa akin na saan si Mildred?" tanong ko dito. Umupo pa ako para maka pantay ko ito.Ngunit yumuko lang ito and he avoid eye to eye contact. "Sabihin mo sa akin na saan ang totoong Laxus?" bulong kong tanong dito na kina tingin sa akin nito.His eyes is shaking na parang nahuli mo siya sa isang bagay na hindi naman dapat siya ang nandun.Ngumisi ako at nag salita. "Alam kong
THIRD PERSON POVTatlong araw simula ng gumulong ang kaso laban kay Laxus Ferrer. Naka yuko ito habang naka posas ang mga kamay sa kanyang likod.He not able to talk or defense himself, makikita sa gilid si Cierra na hindi gusto ang nagiging takbo ng usapan sa loob ng court.Hanggang ilatag na ang lahat ng evidence na nakuha ng mga police at ang sa mga Agent. Kahit pa ang binigay sa kanila ng batang si Flame.Para kaso Cierra hindi ito maka tarungan. "Pakiramdam ko minamadali nila ang hatol kay Laxus." bulong ni Cierra sa kanyang Fiancé."Yan din ang naiisip ko, sa tatlong araw hindi nila pinag salita si Laxus kahit man lang tanungin ito kung ginawa nga ba niya ang lahat ng inaakusa sa kanya." pagsang-ayon ng fiance nito kay Cierra.Nanatiling nakaupo si Laxus wala itong kahit anong reaction sa mukha hanggang, maramdaman ni Cierra ang kanyang cellphone dahil nag vibrate ito.Dahil injured ang braso nito at nasa kanan niya ang cellphone kaya hindi niya ito makuha. "Hon, paki kuha naman
CIERRA RAVEN FIOR Napa tayo ako ng marinig namin ang pag alarm ng mga serenela sa buong Maynila. "Anong nangyayari?!" tanong ko."May pagtaas ng tubig sa dagat patungo sa kalapit na pantalan!" sigaw ni Agent Phoenix.Kinuha ko ang helmet ko at tumakbo palabas. "Kailangan masabihan na ang mga tao na lumikas doon! Wala bang tsunami?" tanong ko habang sumasakay ako sa motor ko.Nang paandarin ko ito ay mabilis akong umalis sa headquarters. "Wala, kagagawan ito ng bomba na tinanim sa ilalim ng tulay! Mag ingat kayo!" paalala ni Agent Phoenix."Sino may gawa nito?" tanong ko at mas binilisan ko pa, kung itatanong kung nasaan si Trevor? Kasama siya sa operation ngayon."Si Laxus." yun lang, uminit na ang ulo ko. Wala talagang pagbabago ang gag*ng yun!Mas binilisan ko pa ang pag mamaneho hanggang nakita ko nag takbuhan na ang mga vendor sa gilid ng pantalan.Nang pababa na ako sa motor ko nakita ko si Flame at ang dalawang kasama nito, "Pakay din ni Flame si Laxus.." pag bibigay ko ng info