CIERRA RAVEN FIORMAKALIPAS ANG TATLONG ARAW nalaman namin na may sakit na depression si Cassie. Hindi naman nila malaman saan ito nagsimula, kapag tinatanong ko naman ito ay hindi ito nagsasalita.Kaya pala nag iba ang ugali ng batang ito. Ang pagka kilala ko sa batang ito ay masigla masayahin, likas na ang pagiging maldita nitong ugali.Nalaman ko din na may trauma ang bata, naapektuhan narin ang grades nito. Hinawakan ko ang kamay nito at nginitian ito. " Cassie, hindi ko alam paano ka nagkaroon ng sakit na 'yun. Pero gusto ko malaman mo na nandito lang ako, pwede mo sakin sabihin pero gusto ko yung kusa mong sasabihin.." mahinahon kong wika dito.Tumango nito at pumatak ang luha nito, "Ate, natakot po ako kasi noong nangyari po sa inyo ni kuya Laxus." wika nito.Na pinag taka ko. "Kung ano man ang nangyari sa amin ng kuya mo, labas ka doon Cassie naiintindihan mo ba? Huwag mo dalhin ang bigat at konsensya okay? Nakikiusap ako sa'yo." pakiusap ko dito at pinunasan ko ang luha nito.
MILDRED ANDERSONNaisipan ko mag tungo sa bahay na pinagawa ni Laxus 3 years ago. Ang alam ko sabi nito na balak niya dito tumira kapag bumukod na ito."Good morning ma'am, wala po si Sir Laxus dito nasa kabilang mansion." wika ng guard kaya ngumiti ako.Mukhang hindi pa ito nasabihan ni Laxus ng tungkol sa pag atras nito sa kasal. "Well pinapunta niya ako dito, pwede ba ako pumasok?" tanong ko dito.Agad agad nito binuksan ang gate at pina pasok ako. "Sorry Ma'am, sige po tuloy na po kayo sa loob!" paghingi nito ng tawad.Ngumiti ako at nag lakad na ako sa malawak na daan patungo sa main door. Saktong bukas ito kaya pumasok na lang ako. "Manang, na saan ang susi ni Laxus sa kanyang kwarto? May pinapakuha siya sa akin." tanong ko at pagsisinungaling ko, habang nililibot ang buong bahay ng aking mga mata.Buong akala ni Laxus hindi ko alam kung saan niya itinayo ang bahay niya, yun ang hindi niya alam. "Ito po Ma'am." sagot ni Manang na hindi ko na inalam ang pangalan.Wala naman akong
LAXUS TIMOTHY FERRERTatlong araw simula ng mangyari ang pang iinsulto sa akin ng Trevor Young na ‘yun. Kausap ko ngayong ang tauhan ko, "Boss. Kilala namin itong lalaking ito." wika ng tauhan ko.Dahil doon napa taas ang kilay ko, "Paano niyo na kilala ito?" tanong ko dito."Tama Boss, isa po siyang Agent kabilang sa secret agent na tinatawag nila na ' Bishop ' magaling ang taong ito. Lagi nga po ito may kasama na babaeng Agent din." mahabang paliwanag nito.Dahil doon naka kuha ako ng ideya paano ko malalaman kung sino ang Trevor na ito, at ganun na lang kalakas ang loob nito para banggain ako."Gusto ko alamin ninyo ang tungkol sa agent na yan. Bukas ko kailangan." utos ko.Nakita ko ang gulat sa mukha ng mga ito ngunit..."Sige po Boss gagawin po namin agad." sagot nito. Tumango lang ako at hinilot ang sentido ko, "Ngayon na alam ko na ang sikreto mo, humanda ka sa akin. Ayaw na ayaw ni Cierra sa mga taong nag lilihim sa kanya, tingnan lang natin kung hindi ka niya kamuhian." mala
CIERRA RAVEN FIOR"Pwede ba? Utang na loob! Lubayan mo na ako, ikaw ang magiging dahilan ng pag ka sira ng pangalan ko! " gigil kong pakiusap dito.Tinabig ko ang kamay nito at mabilis akong nag lakad palabas ng Cafe na ‘yun, dahil marami ng taong naka tingin sa amin.Nang maka labas ako hindi ko alam na sumunod pa ito sa akin hanggang parking lot. "Cierra, I'm doing this for you bakit ba hindi ka na lang lumayo sa lalaking ‘yun. Concern lang ako." wika nito at humarang pa sa daanan ko.Tiningnan ko ito ng malamig. "Your doing this for me? No para lang sa sarili mo, gusto mo amuhin ako para makuha mo ako muli. Hindi ako tanga at hindi rin ako bulag! Pwede ba kung hindi mo kaya ako respetuhin, respetuhin mo naman ang Fiancé mo!" pag tataas ko ng boses dito."Wala na kami hindi ko na itutuloy ang kasal.." wika nito na kina tawa ko kasabay ng aking pag palakpak."Great! Just great! Lalo mo lang pinatunayan sa akin kung gaano ka ka walang kwentang lalaki! Matapos mo gamitin at pag sawaan
CIERRA RAVEN FIOR Tatlong araw matapos ang pag uusap namin ni Laxus at ang nangyaring hostages taking. Naging maingay ang tungkol dito.Ngayon naman ako ay napa hilot sa sentido ko habang pinapanood ang live interview ni Laxus tungkol sa pag cancel nito sa kasal nila ni Mildred.Ako na naman ang ginamit na escaping plan ng lokong ito. Napa iling ako hanggang may kumatok sa pinto ng aking opisina. "Pasok.." wika ko at hininaan ko ang volume ng pinapanood ko.Pumasok si Luna na may pag aalala sa mukha nito. "Ma'am, Mr. Laxus Ferrer is dragging your name down, Ma'am. Marami nagsasabi na ikaw ang dahilan bakit hindi matutuloy ang kasal!" pag aalala nito.Ngumiti ako at nag salita. "Tumawag ka Luna ka sa sikat na si Arnold yung sa showbiz chika, mag papa interview ako at sabihin mo na ako mismo kamo ang may gusto at gagawin ito sa mismong bahay ko." utos ko dito.Nanlaki ang mata nito sa gulat. "Ibig sabihin..." wika nitoTumango ako bago mag salita. "Magsasalita na ako tungkol sa isyu na
CIERRA RAVEN FIOR Hindi na ako nagulat ng kinaumagahan ay nakita ko sa tv na walang kinalaman si Laxus sa nangyari sa isang bar.Sumubo ako ng hotdog habang nanonood ng tv ang mga anak ko naman ay kinakain ang kanilang broccoli. "Ito pa anak.." wika ko at binigyan ko pa ito ng gulay.Gusto nila ng gulay sa agahan kaya naman wala na ako magawa kundi mag luto. Si Trevor naman hindi ko alam saan ito nag punta, pero tingin ko nag jogging ito dahil kumpleto naman ang sasakyan."Mommy? Where's Tito Ninong po?" tanong ng anak kong si Tilly."Nag jogging siguro anak." sagot ko at hinalikan ko ang cheek nito."Mommy titira ko po ito ha?" tanong ng anak kong si Heather.Nakita ko paano nito inayos ang pagkain sa mesa. "Okay, mommy will take care of." sagot ko na lang at tumango naman ang kambal ng sabay.Ngumiti ako at hinayaan ang mga bata na ubusin nito ang kanilang mga gatas. Habang nagliligpit ako narinig ko ang mga bata na nag sisigaw. "Tito Ninong!" sabay na tawag ng anak sa kanilang Tit
The continuation..-CIERRA RAVEN FIOR 5 minutes ang break, ako naman ay nanatiling naka upo, hanggang napansin ko naka tayo si Trevor sa balcony ng movie room. Sumenyas ito na tulog na ang mga bata, kaya tumango na lang ako bilang tugon.Hanggang. "Okay live tayo in 5, 4, 3, 2 and 1.." wika ni Direct kaya umayos ako ng upo.Sa akin nakatutok ang camera kaya naman ngumiti ako, "Ngayon ay nag babalik tayo syempre nandito parin si Miss Fior." Naka ngiti nitong wika at umupo ito muli sa pang isahang upuan na hinanda namin."Mabalik tayo sa usapan, totoo bang pinopormahan ka ni Mr. Ferrer? Anong masasabi mo na ikaw "Daw" ang dahilan ng hindi daw matutuloy ang kasal sa pagitan ng mga Ferrer at Anderson?" tanong nito sa akin.Nag kibit balikat ako bago sumagot. "Yung sinasabi ni Mr. Laxus Ferrer, hanggang salita lang yun. Yun ang gusto niya gawin, pero yung sa kasal nila wala akong alam doon, pero isa lang ang sigurado ako, matutuloy ang kasal nila hindi man sa publiko pero matutuloy.." pu
CIERRA RAVEN FIORNaalimpungatan ako ng maramdaman ko na may narinig akong sasakyan. Bumangon ako at doon ko nakita na alas dose na ng madaling araw."Sino naman ang lalabas ng ganitong oras?" tanong ko. Hanggang tumayo ako at binuksan sliding window ng kwarto ko. Nakita ko ang sasakyan ni Trevor na naka alis na."Haist hating gabi saka naisipan gumala?" tanong ko at umiling.Hindi ko na iniisip kung para saan at umalis si Trevor, sigurado akong gigimik lang siya. Tumabi muli ako sa mga anak ko at natulog muli.NANG MAG UMAGA pag baba ko napansin ko na wala pa rin ang sasakyan ni Trevor. "Manang Gloria, umuwi na ba si Trevor?" tanong ko kay Manang habang nag hahanda ito ng agahan."Po? Hindi po Ma'am wala po d'yan yung sasakyan niya." sagot nito."Ganun ba? Alas dose umalis yun kanina, nagtungo siguro club or bar." pag ku-kwento ko."Baka po ma'am nalasing at hindi naka uwi agad?" tanong ni Yaya Elsa. Tumango na lang ako at hindi na umimik pa.Impossible kilala ko si Trevor hindi bast
CIERRA RAVEN FIOR - YOUNGMATAPOS ang kaarawan ng mga bata ay nag si balikan na kaming lahat. Ngayon ay hinahanda na namin ang pagkain para sa aming Noche Buena.Tama kayo lumipas na ang ilang araw matapos ang kaarawan ng kambal. Hindi ko na idi-detagle ang buong nangyari. Naging masaya ang lahat ng araw na 'yun. "Dalian niyo malapit na mag alas dose at magbubukas na tayo ng regalo!" Pag mamadali ni Mama na kina taranta naman namin.Dahil limang minuto na lang ay 25 na ng December. Nang mailagay ko ang handa namin sa mesa ay agad kami nag hintay ng tamang oras.Ang mga bata ang mas higit na excited, naka ngiti lang ako habang pinapanood ang mga bata na nauna pang kumain. Hindi ko naman sila pwede gutumim dahil mga bata 'yan.Tumabi ako sa fiancée ko, sa nagdaan na araw lahat ng gusto namin sa kasal ay nagawa na namin. Nakausap na namin sa aming kinuha na organizer kahit ang catering, wala na kaming po-problemahin dito.Kung kailan ang kasal? Ay sa araw mismo ng kaarawan ko. January 6,
CIERRA RAVEN FIORKINAUMAGAHAN HINATID KO LANG SILA MAMA sa labas ng gate kasama ang mga bata. Kahit si Cassie at sila Manang, Yaya ay kasama na.Kumaway ako hanggang mawala na sila sa paningin ko, ngumiti lang ako at pumasok na ako ng gate. "Hon?" tawag ko kay Trevor na nag presinta na mag hugas ng plato."Yes?" sagot nito sa akin."May cash ka ba? Ibibigay ko lang sa naka duty mamaya na guard. Saka ang pinamili natin para sa kanila sa Christmas and new years eve.." tanong ko dito ng maka lapit ako dito.Sakto naman na tapos na ito mag hugas. "Yeah, nag abot din si Daddy kanina. Ibigay ko daw sa mga guards natin, and the grocery." sagot nito habang nagpupunas ng kamay."Ano kaya papuntahin na lang natin dito?" tanong ko dito. Tiningnan naman ako nito habang sumisimsim ng kape."Pwede Honey, para personal nila makuha." sagot nito, ngumiti ako at tumango.Lumapit ako sa may TV kung saan nakalagay ang telepono namin, agad kong tinawagan ang line sa guard house."Hello ma'am?" sagot ng i
CIERRA RAVEN FIORTATLONG LINGGO ANG LUMIPAS, ito ako ngayon nasa harapan ng Columbarium kung saan nakalagak ang abo ni Laxus.Hawak ko ang bulaklak na kulay puti, pinasok ko ito sa loob may maliit itong pinto. "Patawad kung kailangan humantong sa ganito, hindi man kayo nag ka ayos ni Cassie. Pangako aalagaan ko si Cassie at gagabayan ko siya hanggang kaya na niya ang sarili niya." pagka usap ko dito."Alam ko, hindi ka masaya dahil sa nangyari at alam ko naririnig mo ako. Laxus pakawalan mo na ang sarili mo sa galit at bigat. Patawad dahil hindi ko magawang mahalin ka ulit, mahal ko ang sarili ko Laxus, sana matanggap mo na 'yun. Noong minahal kita nakalimutan ko ang sarili ko." wika ko.Huminga ako ng malalim. "Sa ginawa ko na 'yun, parang ako na rin ang pumat*y sa sarili ko. Laxus, walang may gusto na mangyari ito ngunit nag matigas ka." wika ko.Huminga ako ng malalim at nag salita. "Hindi ako nandito para isumbat sa'yo ang nangyari. Gusto ko lang marinig mo ako, Laxus gabayan mo
CIERRA RAVEN FIORSame hospital ang pinag dalhan kay Agent Trevor at kay Laxus.Nasa loob ako ng isang kwarto kung saan ginagamot ang mga sugat ko habang nasa harap ko si Agent Venus. "Kamusta si Trevor? May balita ka ba? How's the operation?" sunod sunod na tanong ko kay Agent Venus.Bumuntong hininga na ito, "Still ongoing ang operation. Don't worry dumating kami on time, isang malaking pasasalamat na lang din namin na tumulong ang mga tauhan ni Flame sa atin. Hindi nila tayo iniwan, pero umalis agad sila ng maihatid na si Trevor dito." mahabang paliwanag nito.Nakagat ko ang ibabang labi ko ng ibaon ulit ang karayom sa likod ko. Naka dapa ako habang tinatahi ang sugat ko sa likod."Mabuti kung ganun, paano si Laxus?" tanong ko dito, humawak ako ng mahigpit sa unan."Nasa isa pa siyang operating room, ang sabi kailangan na putulin ang dalawang hita niya, kung hindi kakainin ito ng mga bacteria galing sa bakal." paliwanag nito muli."And kapag hindi niya kinaya mamat*y siya.." dugton
CIERRA RAVEN FIOR"Itigil mo ang sasakyan Laxus! May anak ako at may pamilya pa ako! " sigaw ko dito, tumingin ako sa daan dahil lalong binilisan nito ang takbo."No! Hindi ako papayag na maging masaya kayo ng hay*p na lalaking 'yun! Walang magiging masaya!" sigaw nito."Laxus! Makakaya ba ng konsensya mo alisan ng ina ang mga anak ko?! Maliit pa ang mga anak ko!" sigaw na tanong ko dito.Nang kumabig ito pakaliwa, kumapit ako ng mahigpit sa hawakan at sa seat belt na nakalagay sa akin. Pumikit pa ako ng diin at nag dasal.D'yos ko panginoon, 'wag niyo po ako pabayaan may anak pa ako.."Still no! Wala akong pakialam sa mga anak mo!" sagot nito, dahil doon napa dila ako at sa galit ko sa narinig ko.Malakas kong tinadyakan ito sa tagiliran na kina bitaw nito sa manibela. "Wala kang puso! Walang hiya ka!" sigaw ko dito, inalis ko ang seat belt ko at lumuhod ako sa upuan ko at pinag susuntok ito sa mukha."Wala kang karapatan bawiin ang buhay ko o kunin ang buhay ko dahil lang sa gusto m
TREVOR YOUNGTulad ng sinabi sa amin, gabi ililipat si Laxus ng kulungan, lahat ng police at sundalo naka deploy ngayon."Hindi ba talaga kayo sasama sa parada?" tanong ni Agent John."Hindi, tapos na ang trabaho namin mula dito kaya hindi na kami sasali d'yan." pagsisinungaling ko.Sinabi ko sa kanila na si Cierra ay busy sa bahay, ngunit ang totoo ay naka abang lang si Cierra sa hindi kalayuan.Napa tingin ako kay Agent willis, nakatitig lang ito sa lalaking nakatali ng kadena at naka posas pa.Napa tingin ako sa kulungan kung saan nakalagay ang pekeng si Laxus. Kung totoo nga na lalabas posible si Laxus ngayon?Sino ang dapat kong tapusin? Si Laxus o ang pekeng ito.Naka kulong ito sa isang bakal na heras at nakatali ang mga katawan at kamay upang hindi ito maka takbo.Ang suot nito sa leeg ni isang beses hindi man lang umilaw. Nag search ako sa bagay na ito, kapag gamit ito kailangan umiilaw ito.Yun kasi ang paraan para malaman na naka activate ito sa kung sino man ang gagamit. M
CIERRA RAVEN FIORHabang inoobserbahan ko ang kilos ni Laxus sa loob ng kulungan, ni isang beses hindi ito nag salita.Kagabe nag usap pa kami ni Trevor tungkol sa taong ito. Pinag usapan namin kapag hindi pa ito nag salita at nakita namin na may electric choker pa rin ito. Maniniwala na kami na hindi ito si Laxus.Kung tama si Flame ginagawa ito ni Laxus para huwag na kami mag hinala.Kung tutuusin hindi ko alam kung saan si Laxus ngayon kahit si Mildred. Kung totoo na si Laxus ay nasa paligid lang.Pero hindi mawala sa isip ko na nagsasabi ng totoo si Flame. Ni isang beses hindi pa ito nag sinungaling."Sabihin mo sa akin na saan si Mildred?" tanong ko dito. Umupo pa ako para maka pantay ko ito.Ngunit yumuko lang ito and he avoid eye to eye contact. "Sabihin mo sa akin na saan ang totoong Laxus?" bulong kong tanong dito na kina tingin sa akin nito.His eyes is shaking na parang nahuli mo siya sa isang bagay na hindi naman dapat siya ang nandun.Ngumisi ako at nag salita. "Alam kong
THIRD PERSON POVTatlong araw simula ng gumulong ang kaso laban kay Laxus Ferrer. Naka yuko ito habang naka posas ang mga kamay sa kanyang likod.He not able to talk or defense himself, makikita sa gilid si Cierra na hindi gusto ang nagiging takbo ng usapan sa loob ng court.Hanggang ilatag na ang lahat ng evidence na nakuha ng mga police at ang sa mga Agent. Kahit pa ang binigay sa kanila ng batang si Flame.Para kaso Cierra hindi ito maka tarungan. "Pakiramdam ko minamadali nila ang hatol kay Laxus." bulong ni Cierra sa kanyang Fiancé."Yan din ang naiisip ko, sa tatlong araw hindi nila pinag salita si Laxus kahit man lang tanungin ito kung ginawa nga ba niya ang lahat ng inaakusa sa kanya." pagsang-ayon ng fiance nito kay Cierra.Nanatiling nakaupo si Laxus wala itong kahit anong reaction sa mukha hanggang, maramdaman ni Cierra ang kanyang cellphone dahil nag vibrate ito.Dahil injured ang braso nito at nasa kanan niya ang cellphone kaya hindi niya ito makuha. "Hon, paki kuha naman
CIERRA RAVEN FIOR Napa tayo ako ng marinig namin ang pag alarm ng mga serenela sa buong Maynila. "Anong nangyayari?!" tanong ko."May pagtaas ng tubig sa dagat patungo sa kalapit na pantalan!" sigaw ni Agent Phoenix.Kinuha ko ang helmet ko at tumakbo palabas. "Kailangan masabihan na ang mga tao na lumikas doon! Wala bang tsunami?" tanong ko habang sumasakay ako sa motor ko.Nang paandarin ko ito ay mabilis akong umalis sa headquarters. "Wala, kagagawan ito ng bomba na tinanim sa ilalim ng tulay! Mag ingat kayo!" paalala ni Agent Phoenix."Sino may gawa nito?" tanong ko at mas binilisan ko pa, kung itatanong kung nasaan si Trevor? Kasama siya sa operation ngayon."Si Laxus." yun lang, uminit na ang ulo ko. Wala talagang pagbabago ang gag*ng yun!Mas binilisan ko pa ang pag mamaneho hanggang nakita ko nag takbuhan na ang mga vendor sa gilid ng pantalan.Nang pababa na ako sa motor ko nakita ko si Flame at ang dalawang kasama nito, "Pakay din ni Flame si Laxus.." pag bibigay ko ng info