CIERRA RAVEN FIOR Hindi na ako nagulat ng kinaumagahan ay nakita ko sa tv na walang kinalaman si Laxus sa nangyari sa isang bar.Sumubo ako ng hotdog habang nanonood ng tv ang mga anak ko naman ay kinakain ang kanilang broccoli. "Ito pa anak.." wika ko at binigyan ko pa ito ng gulay.Gusto nila ng gulay sa agahan kaya naman wala na ako magawa kundi mag luto. Si Trevor naman hindi ko alam saan ito nag punta, pero tingin ko nag jogging ito dahil kumpleto naman ang sasakyan."Mommy? Where's Tito Ninong po?" tanong ng anak kong si Tilly."Nag jogging siguro anak." sagot ko at hinalikan ko ang cheek nito."Mommy titira ko po ito ha?" tanong ng anak kong si Heather.Nakita ko paano nito inayos ang pagkain sa mesa. "Okay, mommy will take care of." sagot ko na lang at tumango naman ang kambal ng sabay.Ngumiti ako at hinayaan ang mga bata na ubusin nito ang kanilang mga gatas. Habang nagliligpit ako narinig ko ang mga bata na nag sisigaw. "Tito Ninong!" sabay na tawag ng anak sa kanilang Tit
The continuation..-CIERRA RAVEN FIOR 5 minutes ang break, ako naman ay nanatiling naka upo, hanggang napansin ko naka tayo si Trevor sa balcony ng movie room. Sumenyas ito na tulog na ang mga bata, kaya tumango na lang ako bilang tugon.Hanggang. "Okay live tayo in 5, 4, 3, 2 and 1.." wika ni Direct kaya umayos ako ng upo.Sa akin nakatutok ang camera kaya naman ngumiti ako, "Ngayon ay nag babalik tayo syempre nandito parin si Miss Fior." Naka ngiti nitong wika at umupo ito muli sa pang isahang upuan na hinanda namin."Mabalik tayo sa usapan, totoo bang pinopormahan ka ni Mr. Ferrer? Anong masasabi mo na ikaw "Daw" ang dahilan ng hindi daw matutuloy ang kasal sa pagitan ng mga Ferrer at Anderson?" tanong nito sa akin.Nag kibit balikat ako bago sumagot. "Yung sinasabi ni Mr. Laxus Ferrer, hanggang salita lang yun. Yun ang gusto niya gawin, pero yung sa kasal nila wala akong alam doon, pero isa lang ang sigurado ako, matutuloy ang kasal nila hindi man sa publiko pero matutuloy.." pu
CIERRA RAVEN FIORNaalimpungatan ako ng maramdaman ko na may narinig akong sasakyan. Bumangon ako at doon ko nakita na alas dose na ng madaling araw."Sino naman ang lalabas ng ganitong oras?" tanong ko. Hanggang tumayo ako at binuksan sliding window ng kwarto ko. Nakita ko ang sasakyan ni Trevor na naka alis na."Haist hating gabi saka naisipan gumala?" tanong ko at umiling.Hindi ko na iniisip kung para saan at umalis si Trevor, sigurado akong gigimik lang siya. Tumabi muli ako sa mga anak ko at natulog muli.NANG MAG UMAGA pag baba ko napansin ko na wala pa rin ang sasakyan ni Trevor. "Manang Gloria, umuwi na ba si Trevor?" tanong ko kay Manang habang nag hahanda ito ng agahan."Po? Hindi po Ma'am wala po d'yan yung sasakyan niya." sagot nito."Ganun ba? Alas dose umalis yun kanina, nagtungo siguro club or bar." pag ku-kwento ko."Baka po ma'am nalasing at hindi naka uwi agad?" tanong ni Yaya Elsa. Tumango na lang ako at hindi na umimik pa.Impossible kilala ko si Trevor hindi bast
CIERRA RAVEN FIOR Hindi ko na sinama ang mga bata sa pagpunta sa hospital para maiwasan ang komplikasyon sa paligid. Bumaba ako ng sasakyan ko ng makarating ako ng parking ng nili-patan na hospital ni Trevor.Habang si Laxus alam ko naka takas na naman siya, mas mainam na maka takas siya dahil mag haharap pa kami bilang si Freyah. "Miss na saan ang room ni Trevor Young? Friend niya ako." tanong ko sa nurse na nakaupo sa information desk."Name po ma'am?" tanong nito pabalik."Cierra Fior." sagot ko. Agad nito hinanap ang pangalan ko sa listahan na dadalaw.Ngumiti ito at tumingin sa akin. "Gising na po ang pasyente, nasa room 205 po siya ma'am." sagot nito.Ngumiti ako at nag pasalamat dito, nag paalam naman ako at mabilis tumungo sa elevator saktong kabubukas lang nito. Mabilis akong sumakay at pinindot ang number 2.Ngayon ko lang napansin na may naka sabay pala akong dalawang babae, na tingin ko ay may pasyente din itong dadalawin dahil sa mga buhat nilang gamit at mukhang pagka
CIERRA RAVEN FIOR"Kunin mo na ako ate, ayoko na sila makasama pa. Sinaktan ako ni Mommy." humikbi nitong sumbong sa akin.Napa buntong hininga na lang ako at umiling. "Malala na talaga ang pamilya mo. Kaso Cassie hindi ko pwede gawin ‘yan, pwede ka tumira sa akin if you want pero ang kunin ka like custody Cassie malaking gulo yan." sagot ko dito.Nakita ko naman na nalungkot ito kaya niyakap ko ito agad. "Sige kakausapin ko ang abugado ko kung magagawan namin ito ng paraan. Cassie kapag ito nilaban namin pwede nila palabasin na dinidisplina ka lang nila." muling wika ko .Tumango ito at niyakap ako ng mahigpit. "Sa bahay ka na lang muna manatili hanggang okay na, okay ba?" tanong ko dito.Pinunasan ko ang luha nito na kina tango niya, nginitian ko ito.Napaka walang kwentang kapatid ni Laxus hindi man lang niya intindihin muna ang bunso niyang kapatid. Kahit siguro ay pangangamusta ay hindi ata nito magawa.LAXUS TIMOTHY FERRER"Mom could you please stop nagging? Ano ba naman kasi gin
LAXUS TIMOTHY FERRERHabang nag lalaro ako nakita ko na bumukas ang pinto na kina gulat ko kung sino ang pumasok dito."Why she's here?" tanong ni Mildred na naka tingin ng masama kay Cierra. Pinakita nito ang invitation card sa lalaki at pumasok na ito."I don't know, maybe inimbitahan din siya para mag laro?" patanong kong sagot dito na kina taas ng isang kilay nito.MAKALIPAS ANG ISANG ORAS napansin ko na nawala si Cierra sa loob ng casino at doon ako nag taka. "Mildred, comfort room lang ako babalik ako agad." paalam ko dito.Tinawag pa ako nito ngunit hindi ko na ito pinansin pa, hanggang makarating ako sa backstage at doon ko nakita si Cierra na parang may sinisilip.Nilapitan ko ito at hinawakan ang braso nito ng "An----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng ambahan ako ng suntok nito na kina laki ng mata ko."God Mr. Ferrer! Pwede ba sa susunod huwag ka ng gugulat?!" tanong nito sa'kin at umalis sa harapan ko.Agad kong hinabol ito at hinawakan ko ito sa braso. "Ano ba kasi gi
LAXUS TIMOTHY FERRER Tinutukan ko ng b*ril ang tauhan ko ng sabihin nitong wala ang armas na binili ko. "Paano ito nangyari sabihin mo!" utos ko dito.Napaka aga nilang sabihin sa akin ang balitang ito. Lumuhod ito at tinaas ang kanyang dalawang kamay. "Boss hindi ko po alam, kahit po kami nagulat na y-yan po ang laman! Maawa po kayo!" sagot at pagmamakaawa nito."Sinabi ko sa inyo na bantayan at alagaan niyo ang bagay na ‘yun!? Tapos ito pa ang malalaman ko!" sigaw ko dito.Mag sasalita pa lang ito ng paulanan ko ng bala ang ulo nito ng limang beses. Humandusay ang katawan nito at naligo sa sarili niyang dugo. "Itapon ninyo ang katawan niyan." malamig kong utos at binigay ko ang b*ril ko sa kanang kamay ko at umalis na ako."Kiko, alamin mo kung ang janitor na naka salubong natin kagabe. May hinala ako na siya ang nakakuha ng briefcase!" utos ko sa tao ko."Opo gagawin ko po agad." sagot nito at yumuko sa harap ko.Umalis na ako at hindi na nag salita pa. Malaman ko lang kung sino y
CIERRA RAVEN FIOR Pag gising ko nakarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto ko, i mean sa ibaba."Sakit ng ulo ko.." daing ko habang bumabangon. Nilingon ko muna ang oras at doon ko nakita na alas siyete na ng umaga.Mabuti at wala akong pasok ngayon, "Mommyyyyyyy!!" malakas at mahabang sigaw ng anak kong si Heather..Agad kong tumayo sa kama ko at tumakbo palabas. "Heather what happ---- Mama?!" gulat kong tanong ng makita ko si Mama na naka tayo buhat ang anak kong si Tilly."Mamita is here po, she surprised us po!" wika ng anak kong si Heather, binuhat ko naman ito para matakpan ang hinaharap ko, dahil wala naman akong suot na panloob."Mama akala ko po sa sunod na linggo ka pa uuwi? Welcome back ma!" naka ngiti kong bati at tanong ko dito.Agad akong sinimangutan nito. "Mukhang ayaw mo ako dito ah? Sige uuwi na lang ako ulit!" pag mamaktol nito.Natawa naman ako at saktong kagigising lang ni Trevor. "Ma naman, parang ewan halika ka na at ihahatid ka namin sa magiging kwarto mo dito.
CIERRA RAVEN FIOR - YOUNGMATAPOS ang kaarawan ng mga bata ay nag si balikan na kaming lahat. Ngayon ay hinahanda na namin ang pagkain para sa aming Noche Buena.Tama kayo lumipas na ang ilang araw matapos ang kaarawan ng kambal. Hindi ko na idi-detagle ang buong nangyari. Naging masaya ang lahat ng araw na 'yun. "Dalian niyo malapit na mag alas dose at magbubukas na tayo ng regalo!" Pag mamadali ni Mama na kina taranta naman namin.Dahil limang minuto na lang ay 25 na ng December. Nang mailagay ko ang handa namin sa mesa ay agad kami nag hintay ng tamang oras.Ang mga bata ang mas higit na excited, naka ngiti lang ako habang pinapanood ang mga bata na nauna pang kumain. Hindi ko naman sila pwede gutumim dahil mga bata 'yan.Tumabi ako sa fiancée ko, sa nagdaan na araw lahat ng gusto namin sa kasal ay nagawa na namin. Nakausap na namin sa aming kinuha na organizer kahit ang catering, wala na kaming po-problemahin dito.Kung kailan ang kasal? Ay sa araw mismo ng kaarawan ko. January 6,
CIERRA RAVEN FIORKINAUMAGAHAN HINATID KO LANG SILA MAMA sa labas ng gate kasama ang mga bata. Kahit si Cassie at sila Manang, Yaya ay kasama na.Kumaway ako hanggang mawala na sila sa paningin ko, ngumiti lang ako at pumasok na ako ng gate. "Hon?" tawag ko kay Trevor na nag presinta na mag hugas ng plato."Yes?" sagot nito sa akin."May cash ka ba? Ibibigay ko lang sa naka duty mamaya na guard. Saka ang pinamili natin para sa kanila sa Christmas and new years eve.." tanong ko dito ng maka lapit ako dito.Sakto naman na tapos na ito mag hugas. "Yeah, nag abot din si Daddy kanina. Ibigay ko daw sa mga guards natin, and the grocery." sagot nito habang nagpupunas ng kamay."Ano kaya papuntahin na lang natin dito?" tanong ko dito. Tiningnan naman ako nito habang sumisimsim ng kape."Pwede Honey, para personal nila makuha." sagot nito, ngumiti ako at tumango.Lumapit ako sa may TV kung saan nakalagay ang telepono namin, agad kong tinawagan ang line sa guard house."Hello ma'am?" sagot ng i
CIERRA RAVEN FIORTATLONG LINGGO ANG LUMIPAS, ito ako ngayon nasa harapan ng Columbarium kung saan nakalagak ang abo ni Laxus.Hawak ko ang bulaklak na kulay puti, pinasok ko ito sa loob may maliit itong pinto. "Patawad kung kailangan humantong sa ganito, hindi man kayo nag ka ayos ni Cassie. Pangako aalagaan ko si Cassie at gagabayan ko siya hanggang kaya na niya ang sarili niya." pagka usap ko dito."Alam ko, hindi ka masaya dahil sa nangyari at alam ko naririnig mo ako. Laxus pakawalan mo na ang sarili mo sa galit at bigat. Patawad dahil hindi ko magawang mahalin ka ulit, mahal ko ang sarili ko Laxus, sana matanggap mo na 'yun. Noong minahal kita nakalimutan ko ang sarili ko." wika ko.Huminga ako ng malalim. "Sa ginawa ko na 'yun, parang ako na rin ang pumat*y sa sarili ko. Laxus, walang may gusto na mangyari ito ngunit nag matigas ka." wika ko.Huminga ako ng malalim at nag salita. "Hindi ako nandito para isumbat sa'yo ang nangyari. Gusto ko lang marinig mo ako, Laxus gabayan mo
CIERRA RAVEN FIORSame hospital ang pinag dalhan kay Agent Trevor at kay Laxus.Nasa loob ako ng isang kwarto kung saan ginagamot ang mga sugat ko habang nasa harap ko si Agent Venus. "Kamusta si Trevor? May balita ka ba? How's the operation?" sunod sunod na tanong ko kay Agent Venus.Bumuntong hininga na ito, "Still ongoing ang operation. Don't worry dumating kami on time, isang malaking pasasalamat na lang din namin na tumulong ang mga tauhan ni Flame sa atin. Hindi nila tayo iniwan, pero umalis agad sila ng maihatid na si Trevor dito." mahabang paliwanag nito.Nakagat ko ang ibabang labi ko ng ibaon ulit ang karayom sa likod ko. Naka dapa ako habang tinatahi ang sugat ko sa likod."Mabuti kung ganun, paano si Laxus?" tanong ko dito, humawak ako ng mahigpit sa unan."Nasa isa pa siyang operating room, ang sabi kailangan na putulin ang dalawang hita niya, kung hindi kakainin ito ng mga bacteria galing sa bakal." paliwanag nito muli."And kapag hindi niya kinaya mamat*y siya.." dugton
CIERRA RAVEN FIOR"Itigil mo ang sasakyan Laxus! May anak ako at may pamilya pa ako! " sigaw ko dito, tumingin ako sa daan dahil lalong binilisan nito ang takbo."No! Hindi ako papayag na maging masaya kayo ng hay*p na lalaking 'yun! Walang magiging masaya!" sigaw nito."Laxus! Makakaya ba ng konsensya mo alisan ng ina ang mga anak ko?! Maliit pa ang mga anak ko!" sigaw na tanong ko dito.Nang kumabig ito pakaliwa, kumapit ako ng mahigpit sa hawakan at sa seat belt na nakalagay sa akin. Pumikit pa ako ng diin at nag dasal.D'yos ko panginoon, 'wag niyo po ako pabayaan may anak pa ako.."Still no! Wala akong pakialam sa mga anak mo!" sagot nito, dahil doon napa dila ako at sa galit ko sa narinig ko.Malakas kong tinadyakan ito sa tagiliran na kina bitaw nito sa manibela. "Wala kang puso! Walang hiya ka!" sigaw ko dito, inalis ko ang seat belt ko at lumuhod ako sa upuan ko at pinag susuntok ito sa mukha."Wala kang karapatan bawiin ang buhay ko o kunin ang buhay ko dahil lang sa gusto m
TREVOR YOUNGTulad ng sinabi sa amin, gabi ililipat si Laxus ng kulungan, lahat ng police at sundalo naka deploy ngayon."Hindi ba talaga kayo sasama sa parada?" tanong ni Agent John."Hindi, tapos na ang trabaho namin mula dito kaya hindi na kami sasali d'yan." pagsisinungaling ko.Sinabi ko sa kanila na si Cierra ay busy sa bahay, ngunit ang totoo ay naka abang lang si Cierra sa hindi kalayuan.Napa tingin ako kay Agent willis, nakatitig lang ito sa lalaking nakatali ng kadena at naka posas pa.Napa tingin ako sa kulungan kung saan nakalagay ang pekeng si Laxus. Kung totoo nga na lalabas posible si Laxus ngayon?Sino ang dapat kong tapusin? Si Laxus o ang pekeng ito.Naka kulong ito sa isang bakal na heras at nakatali ang mga katawan at kamay upang hindi ito maka takbo.Ang suot nito sa leeg ni isang beses hindi man lang umilaw. Nag search ako sa bagay na ito, kapag gamit ito kailangan umiilaw ito.Yun kasi ang paraan para malaman na naka activate ito sa kung sino man ang gagamit. M
CIERRA RAVEN FIORHabang inoobserbahan ko ang kilos ni Laxus sa loob ng kulungan, ni isang beses hindi ito nag salita.Kagabe nag usap pa kami ni Trevor tungkol sa taong ito. Pinag usapan namin kapag hindi pa ito nag salita at nakita namin na may electric choker pa rin ito. Maniniwala na kami na hindi ito si Laxus.Kung tama si Flame ginagawa ito ni Laxus para huwag na kami mag hinala.Kung tutuusin hindi ko alam kung saan si Laxus ngayon kahit si Mildred. Kung totoo na si Laxus ay nasa paligid lang.Pero hindi mawala sa isip ko na nagsasabi ng totoo si Flame. Ni isang beses hindi pa ito nag sinungaling."Sabihin mo sa akin na saan si Mildred?" tanong ko dito. Umupo pa ako para maka pantay ko ito.Ngunit yumuko lang ito and he avoid eye to eye contact. "Sabihin mo sa akin na saan ang totoong Laxus?" bulong kong tanong dito na kina tingin sa akin nito.His eyes is shaking na parang nahuli mo siya sa isang bagay na hindi naman dapat siya ang nandun.Ngumisi ako at nag salita. "Alam kong
THIRD PERSON POVTatlong araw simula ng gumulong ang kaso laban kay Laxus Ferrer. Naka yuko ito habang naka posas ang mga kamay sa kanyang likod.He not able to talk or defense himself, makikita sa gilid si Cierra na hindi gusto ang nagiging takbo ng usapan sa loob ng court.Hanggang ilatag na ang lahat ng evidence na nakuha ng mga police at ang sa mga Agent. Kahit pa ang binigay sa kanila ng batang si Flame.Para kaso Cierra hindi ito maka tarungan. "Pakiramdam ko minamadali nila ang hatol kay Laxus." bulong ni Cierra sa kanyang Fiancé."Yan din ang naiisip ko, sa tatlong araw hindi nila pinag salita si Laxus kahit man lang tanungin ito kung ginawa nga ba niya ang lahat ng inaakusa sa kanya." pagsang-ayon ng fiance nito kay Cierra.Nanatiling nakaupo si Laxus wala itong kahit anong reaction sa mukha hanggang, maramdaman ni Cierra ang kanyang cellphone dahil nag vibrate ito.Dahil injured ang braso nito at nasa kanan niya ang cellphone kaya hindi niya ito makuha. "Hon, paki kuha naman
CIERRA RAVEN FIOR Napa tayo ako ng marinig namin ang pag alarm ng mga serenela sa buong Maynila. "Anong nangyayari?!" tanong ko."May pagtaas ng tubig sa dagat patungo sa kalapit na pantalan!" sigaw ni Agent Phoenix.Kinuha ko ang helmet ko at tumakbo palabas. "Kailangan masabihan na ang mga tao na lumikas doon! Wala bang tsunami?" tanong ko habang sumasakay ako sa motor ko.Nang paandarin ko ito ay mabilis akong umalis sa headquarters. "Wala, kagagawan ito ng bomba na tinanim sa ilalim ng tulay! Mag ingat kayo!" paalala ni Agent Phoenix."Sino may gawa nito?" tanong ko at mas binilisan ko pa, kung itatanong kung nasaan si Trevor? Kasama siya sa operation ngayon."Si Laxus." yun lang, uminit na ang ulo ko. Wala talagang pagbabago ang gag*ng yun!Mas binilisan ko pa ang pag mamaneho hanggang nakita ko nag takbuhan na ang mga vendor sa gilid ng pantalan.Nang pababa na ako sa motor ko nakita ko si Flame at ang dalawang kasama nito, "Pakay din ni Flame si Laxus.." pag bibigay ko ng info