RoseNakailang higit na ako ng hininga habang kinakabahan ako sa seremonyang ito. Until now, I am still in doubts and I don’t think that this wedding is a good idea for both of us. Bagamat naaayos na namin ang lahat, gusto ko pa rin ituloy. Mahaba-haba nga lang ang explanation ni Ethan sa akin pagkatapos ng kasal na ito.“Ang ganda mo, Rosas!” masayang sabi sa akin ni Ayesha.Nasa loob kami ng bride’s room habang naghihintay na lang sa oras. Tapos na akong ayusan ng mga kinuha naming make-up artist. Nakagayak na rin ang mga kaibigan kong nasa paligid ko na sina Tamara at Ayesha. Magkasundong-magkasundo naman ang dalawa na ngayon lang din naman nagkita at nagkasama.I wore the most expensive wedding gown that was made in Italy. It has a scoop and sweetheart neckline, full-length long-sleeve laces, and a backless type of dress. May mga diamonds din ang damit dahilan kaya naging mahal ito. Ayon kay Ethan, tradisyon pala sa pamilya nila na may diamonds ang wedding dress at iisang sikat na
Ethan“Congratulations!”Iyan ang narinig ko mula sa mga kaibigan ko matapos ang selebrasyon ng kasal namin ni Rose. Ang iba na nagsibalik na sa kanilang kaniya-kaniyang kwarto, ang iba naman ay nag-enjoy sa perks na ibinigay ko sa kanila. They can use all they want from the amenities I have here in my resort. Malapit ng sumapit ang alas-syete ng gabi at heto kaming natira na lang sa reception area habang si Rose naman at ang mga kaibigan niya ang kasama. Sinamahan pa rin ako ng mga kaibigan kong ito hanggang sa oras na ito pati na rin sina Alexius at Vlad na bukas na lang babalik sa kanilang mga lugar.“So, sino na ang susunod na isuko ang bandera ng pagkabinata nila?” tanong ni Alexius sa mga naroon na hindi pa nagsipag-asawa.“Baka si Alonzo. Tutal siya itong nakasalo ng garter mula kay Ethan,” panimula na naman ni Winston. “And guess what? Is it destiny that Bea also received the wedding bouquet? Baka sign na ito na kailangan niyo ulit magpakasal na dalawa.”Kinuha ni Alonzo ang
Rose Mas lalo akong nanlumo nang malaman kong napakalaki pala talagang halaga ang involve kaya nagkainteres ang mga magnanakaw dahilan kung kaya binawian ang tatay. Ang hindi ko lang matanggap ngayon ay ang binayaran ni Ethan ang batas para lang itago ang lahat sa amin. “Ano pa ang totoo bukod sa binayaran mo ang batas, Ethan? Noong nalaman mong anak ako ni Ismael Borja at inalok mo akong maging babae mo kapalit ng insurance ng tatay ko, kasama rin ba iyon sa plano mo?” Halos naninikip na ang dibdib ko sa katotohanang ito na harap-harapan ko ngayong nalaman. “Nakaplano na rin ba ang lahat hanggang sa isuko ko sa iyo ang sarili ko? Hanggang sa makuha mo ang gusto mo? How about this wedding? Is this a part of your game?” Nang mga oras na ito ay wala na akong pakialam kung marinig pa ni Alonzo ang tungkol sa aming dalawa ni Ethan. Ang mahalaga sa akin ngayon ay maliwanagan ako once and for all. Ethan took a deep sigh and stared at me. Maya-maya lang ay nag-umpisa na naman siya sa paliw
RoseNamumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak habang nakatitig sa kisame. Mula nang malaman kong wala na ang baby ko, labis ko na itong ikinalungkot. Nadamay siya sa emosyon ko na hindi ko napigilan. Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko man lang siya naisip nang mga oras na nagkaroon kami ng matinding diskusyunan ni Ethan.Masakit. Sobrang sakit. Walang pagsidlan ang pagdadalamhati ko ngayon dahil wala na ang isang dahilan kung bakit pinili ko pa rin si Ethan at pakasalan siya sa kabila ng mga dapat kong malaman. I felt selfish. Hindi ko man lang binigyan ng halaga ang baby namin na dapat sana sa oras na hindi ko pa alam ang totoo, sasabihin ko na sana sa kaniyang nagdadalangtao ako.Muli na naman akong nagpahid ng aking mga luha na namalayan ko na lang na dumaloy sa aking mga pisngi. This time, hindi ko pa kayang harapin ang lalaking isa sa dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa apat na sulok ng kwartong ito. Hindi ko pa kayang makita siya at baka maging dahilan na ito ng break
RoseTahimik lang akong nakaupo habang hinihintay namin ng nanay si Ethan. Inaayos lang niyang bayaran ang bills sa hospital sa cashier. After that incident, hindi na nila ako nakakausap nang maayos. Sino ba naman ang hindi? Matapos akong makunan at mawala sa akin ang pinakamamahal kong baby, magiging masaya pa ba ako?“Anak, may gusto ka pa ba? Sabihin mo lang sa nanay ha,” wika ng aking ina na tinanguan ko na lang bilang pagtugon.Ilang saglit pa ay nakita na namin ng nanay ko si Ethan na papalapit at mukhang tapos na niyang asikasuhin ang bills namin.“I’m done. Let’s go,” yaya niya. Inilahad niya ang kamay niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin.Tumayo lang ako na para bang hindi siya nakikita at dire-diretso lang naglakad palabas ng hospital. Mabilis naman akong sinundan ni Ethan at hinawakan ang aking braso upang alalayan. Hindi naman ako tumutol dahil sa bukod na pagod pa ako, pagod na rin ang utak ko. Sa labas naman ay nakaabang na si Mang Roberto at nakahanda na rin ang sas
EthanTatlong-araw makalipas akong tawagan ni Tristan, nagpasya na silang tumungo sa isla. Naibigay na rin nila ang ilang detalye tungkol sa kanilang pagparito at heto ako ngayon na kasama ko ang ilang bodyguard na sinadya pa namin mag-hire ni Alonzo. Kailangan namin ito upang protektahan ang mga mahal ko sa buhay.Ang mga magulang ko naman ay bumalik na rin ng Italy at kahit pinipilit nila kaming sumunod, hindi pa rin ako pumayag. Marami akong dapat tapusin bago sumunod sa kanila at magbakasyon. Hindi rin maaaring umalis si Rose ng bansa dahil nagpapagaling pa siya. Nasa airport na kami nang mga oras na ito at inaabangan ko ang kanilang pagdating. Ilang sandali pa ay nakikita ko na sila mula pa sa landing area.Nakikita ko na si Tristan kasama ang dalawa pa na hindi naman niya nabanggit kong sino. But the way he takes care of the woman, there’s something in them. Napuna ko rin ang lalaking kahit may edad na ay matikas pa rin ang pangangatawanan. Ayon kay Tristan, doktor siya na nagta
RoseTinatahak namin ni Ethan ang daan pauwi habang hinihintay ko ang kaniyang paliwanag subalit sa paglalakad namin ay nahalata kong ibang daan na ang tinatahak namin.“Love, saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya. “Hindi na ito ang daanan pauwing bahay.”Hinapit niya ang baywang ko na halos magkadikit na ang aming mga katawan. “You’ll see,” bulong niya.“Ha? Saan ba talaga tayo pupunta?” muli kong tanong. Sa tantiya ko ay malayo na kami sa dalampasigan at sa bahagi kong saan ang crowd.Maliwanag naman ang paligid kaya nakikita ko pa na parte ito ng resort pero medyo malayo-layo na rin ng kaunti. Ito rin ang unang beses na nakatuntong ako sa parte na ito ng resort ni Ethan.“Do you want to know what my game was earlier, right? I must pretend we are not husband and wife, Rose,” seryoso niyang sabi.“Bakit? May problema ba?” Bahagya pa akong tumingala upang makita ko ang reaksiyon ng mukha ng asawa ko na ngayon ay seryoso na.“That woman is Gette and his boyfriend Tristan. Matagal ko
Ethan I’ve been yawning for a while now while I am inviting my friend Tristan and Tito Jeron in my place. Kasama ko rin ang pinsan kong si Alonzo habang nasa garden kami kaharap ng malawak na karagatan. Nakaupo kami habang nasa gitna ang bilugang mesa na may isang bote ng hard drinks at mga pagkain. Naroon din si Mang Roberto na nag-aassist kay Tito Jeron na nag-iihaw ng sariwa at matatabang isda. Alas-kwatro na ako nakatulog dahil nga sa ginawa namin kagabi ng asawa ko. Napuyat tuloy ako sa hamon niyang magdamag kaming magpapaligaya sa isa’t isa. I can’t help myself but to smile. Yakap-yakap ko nga ang angry bird na bigay sa akin ng asawa ko habang nakasandal ang ulo ko sa inuupuan ko. And then I remember I can it ten times but I can’t. We only did it for three times. Kailangan ko na yata ng praktis. I have been done this before, maybe I fucked women for pleasure not unless my wife came in. “What’s that smile for, Ethan?” tanong ni Alonzo sa akin na tila napuna ang pasimple kong p
RosePaika-ika na akong naglakad sa garden isang umaga para sa morning exercise ko. Kabuwanan ko na at mababa na rin ang hulma ng tiyan ko. Suot ko lamang ay maternity dress na kulay puti at isang pares ng flat na tsinelas. Nakahawak ang kanang kamay ko sa balakang ko habang ang isang kamay ko naman ay ang rechargeable fan. Naiinitan ako kahit na malamig naman ang simoy ng hangin sa paligid at nasasamyo ko ang amoy isla.Siyam na buwan na rin ang lumipas at ang pinakaasam-asam naming sandaling mailuwal ko ang baby namin ni Ethan, siya rin buwan na kabado ako. Alam kong hindi niya ako iniwan sa mga oras na kailangan ko siya at nagpapasalamat ako roon. Sa totoo lang ay napakaswerte ko kay Ethan dahil bukod na nagbago na siya sa temper niya, spoiled wife pa ako at ang mga kapatid ko.“Ate Rose, ang laki na pala talaga ng tiyan mo na parang bola. Parang puputok na, ate,” wika naman ng kapatid kong si Raprap na nasa bilugang mesa at nakaupo rin.Nanood siya ng video sa ipad niyang hawak at
RoseMaaga kaming lumuwas ng Maynila kasama ang asawa ko at sina Alonzo at Bea. Masayang-masaya naman ako dahil nagkaroon din ng oras na magkasama ang dalawa at partidang tahimik lang sila pareho habang nasa biyahe. Wala akong naririnig na bangayan nila bagay na ikinatuwa ko naman. Si Ethan naman na todo ang pang-iingat sa akin, pati na rin sa pagkain ko. Maya’t maya lang ang tanong sa akin kung may gusto akong kainin o inumin.Mula nang manggaling kami sa ob-gyne doctor ko kasama siya, hindi na siya mapakali. Sobrang excited na niya at nagpaplano na nga siya ng pag-aayos ng magiging kwarto ng baby. Nabanggit din niyang siya pa mismo ang magkukumpuni ng crib at magdedesenyo. Marami na siyang mga plano kaya hinayaan ko na lang. Ganoon siguro kapag sabik na sabik magkaroon ng anak. Kahit naman ako ay nasasabik na rin.“Matulog ka muna, love. I will wake you up when we will be there,” malambing na wika ni Ethan sa akin habang hinihimas ang puson ko.“Gusto kong makita ang dadaanan natin,
Rose“What did you say?” muling tanong ng asawa ko na bakas sa kaniyang mukha ang sinabi ko.“I-I’m pregnant, love,” marahan kong sabi.“Rose…” Hinawakan niya ang kamay ko habang dama ko ang kaunting panginginig ng kaniyang kamay. Naramdaman ko rin na biglang lumamig ang palad niya at tila kinakabahan. “Is this true? No joke?”Kitang-kita ko sa mga mata ng asawa ko ang tila naluluha ngunit may kasiyahang kasama. Sumilay din ang ngiti sa labi niya pero halatang pigil lang din at nais pa na kumpirmahin ang sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit saka ako napangiti. Balak ko sanang sorpresahin siya sa naging resulta ng pregnancy test ko pero nasabi ko na.“Oo,” mahinahon kong tugon. “Nag-test ako at lumabas sa test iyong positive. Hindi pa ako nakapagpatingin sa doktor kasi gusto kong samahan mo ako. Kaya mister…” Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay niya at sinakop ang kaniyang pisngi. “Huwag ka ng mag-a-angry bird. Magiging tatay ka na.”“Oh, Rose!” Bigla na lang niya ako
EthanTwo hours after I called my wife, I called Gerald. I confronted him. Noong inirekomenda siya ni Alonzo sa akin, I asked him about his personal life. Tinanong ko rin kung kilala niya ang asawa ko pero ang sabi niya ay hindi. Taga-rito siya sa amin pero wala siyang ideya tungkol sa asawa ko at hetong nalaman ko na magkababata pala sila. Sa lahat ng ayoko ay ang magsinungaling sa akin.I want the best security for my wife and her family. Ayokong mangyari na naman ang tungkol sa kaguluhan noon. Gusto kong maging aware sa paligid namin kaya hindi ko napigilan na sabihin ang salitang ‘sesante’ na siya. Kung ano ang binitawan kong salita sa asawa ko, ginawa ko rin sa kaniya. Noong una, nabigla si Gerald sa nalaman ko. Inaalam ko sa kaniya kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang buong katotohanan. At ang mas kinaiinit pa ng dugo ko, may isang bagay siyang inamin sa akin.“Sir Ethan, I’m sorry. Wala talaga akong masamang intensiyon sa asawa mo. Noong malaman ko ang nilalaman ng kontrata
Rose“Huh?!” Nagulat ako sa sinabing iyon ng asawa ko. “Teka lang, Ethan. Tama ba ang narinig ko? Sesante na iyong bodyguard ko? B-Bakit naman? Anong nagawa niyang kasalanan?” sunod-sunod kong tanong.Hinintay kong sumagot si Ethan sa kabilang linya. Maya-maya lang ay narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga. Nagtataka ako sa kaniya na noong isang araw lang ay ipinaliwanag pa niya na kailangan may sarili akong bodyguard para raw sa safety ko. But then again, heto siya at tinatanggal na niya sa serbisyo si Gerald na wala man lang matibay na rason. “Why didn’t you tell me about him? He’s your childhood friend,” mariin niyang sabi.“Ha? P-Paano mo nalaman iyon? Sinabi ba ni Gerald sa iyo?”“Nope. I found it on my own. Now, tell me, my wife. May balak ka ba talagang sabihin sa akin ang totoo na magkababata pala kayo?” May halong kakaiba sa boses niya bagay na ipinagtataka ko.“Ethan, maniwala ka sa akin. Hindi ko namukhaan si Gerald noong una mo kaming pinakilala sa isa’t isa. Oo
EthanHindi agad sumagot si Winston sa tanong ko at tila nag-iisip pa siya. I don’t want to force him and tell me this sudden emotion of him. Malay ko bang pinagtitripan lang pala ako ng lokong ito subalit habang lumalaon ay lalo siyang sumeryoso kaya naghintay pa ako.“Just wait for my love story. Kapag sigurado na ako, saka ko na lang sasabihin kung sino.”“Wow. Walang clue?”Sa lahat ng magkakaibigan, si Winston ang hindi pa nababalitang nasaktan sa babae, may matinong girlfriend o kaya ay ipinakilala sa amin. Kaya imposibleng magkakaganito siya nang dahil lang din sa isang babae. I really doubt it.“Clueless.”Napapangiti na lang akong muling inubos ang kape ko. Maya-maya ay tumingin ako sa pambisig kong relo. “It’s lunchbreak. I told Lorenzo I will go to his place. Do you want to join our lunch meeting on his condo? May dala rin akong pasalubong kay Tamara.”“Buti pa si Tamara may pasalubong. Nasaan na iyong sa akin?” Agad siyang tumayo habang tila batang nagmaktol na wala man la
Rose“Wala ka na bang naiwan? Are you sure na kasya na itong maliit na hand luggage for three days?” tanong ko sa asawa ko habang nakatitig ako sa mamahaling hand cary luggage niya na kulay itim.Ngayon ang araw na aalis si Ethan patungong Maynila upang asikasuhin ang iba pa niyang negosyo. Bilang asawa, ako na ang nag-ayos ng mga gamit niya at hinayaan naman niya akong gawin iyon. May tiwala naman siya sa taste ko sa mga dapat niyang suotin pero hindi pa rin ako kuntento na iilan lang ang dadalhin niya. Though I know that he has a lot of clothes left in his condo.Pinagtuunan na niya ako ng pansin matapos niyang may kausap sa kabilang linya ng kaniyang cell phone. “Yeah. I have clothes enough in my place and don’t worry about it, Love.” Lumapit siya sa akin at hinawakan sa magkabilang balikat. “I’m get going. Naghihintay na sa akin si Mang Roberto at baka mahuli ako sa flight ko.” Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. “Behave, Love. I will call you and I will be there. Ikaw na ang bah
Ethan“Thank you, everyone,” pamamaalam ko sa mga tauhan ko at sa ibang mga nag-asikaso sa seguridad ng aking resort. Nagpaalam na rin ako kay Alonzo na noon ay abala rin sa ibang bagay.“Sir Ethan,” tawag naman ni Mang Roberto sa akin.Sinulyapan ko naman siya na noon ay naglakad na patungo sa akin. Katatapos lang namin magbigay ng mga dapat gawin para sa kaayusan ng resort. Sa ngayon ay iilang mga empleyado pa lang ang pinapayagan ko at wala munang mga guests ang nandito. Kanselado lahat ng mga reservations at hanggang sa maging maayos na ang lahat, saka ko lang bubuksan ito para sa mga guests na naunsyami ang bakasyon.“Nais ko lang ipaalam sa iyo na maraming mga guests ang umalma kahit na binigyan naman natin sila ng mga options at freebies habang kanselado ang kanilang reservation. Ano ang plano mo rito?” bungad niyang tanong sa akin.“Let them be. Karapatan nila iyon at kung may mga masabi man sila tungkol sa resort, ginawa naman natin ang tama. Ibinigay natin sa kanila lahat ng
Rose“Nay!”“Rose!”Mahigpit na niyakap ko ang aking ina nang kinabukasan ay nakauwi na sila kasama ng dalawa kong kapatid at si Nana Claudia. Ilang araw ko rin silang hindi nakasama nang dahil sa nangyari dito sa resort.“Kumusta kayo?” tanong ko matapos kong kumalas sa pagkakayakap sa aking ina. Sobrang nag-aalala rin ako sa kalagayan nila lalo na noong sinabi ni Klarisse na sa isang iglap lang ay magagawa na niya ang hindi maganda sa mga ito.“Ayos lang naman kami, Rose. I-Ikaw? Ayos ka lang ba? Nabalitaan namin na kinidnap ka raw at si Bea. Hindi ka naman napano?” tanong din ng aking ina na may halong labis na pag-alala.Tumango ako. “A-Ayos lang ako, ‘Nay. Medyo trauma nga lang ang nangyari sa amin ni Bea dahil kay Klarisse at kay Kent na…na ngayon ay wala na rin sila. Huwag niyo na isipin iyon at baka maging alalahanin niyo pa. Ang mahalaga ay nakuha na rin natin ang hustisya para kay tatay.”“Hindi mo maalis sa akin ang mag-alala lalo na noong nabanggit ni Roberto na hindi maga