Ethan
“Everyone, please, puwesto na po,” muling wika ng wedding coordinator.
Lahat kami ay pinayuhan nang pumunta sa kani-kaniyang puwesto. Ang mga kasama sa wedding entourage ay pumila na kasama ako. Kami naman ni Hendrick ang nasa harapan kasama si Lorenzo dahil kami ang kaniyang mga best man samantalang sina Winston at Sergio ay parte din ng entourage bilang mga groomsmen.
Napatayo na kami nang tuwid habang pumailanlang na ang isang romantikong awitin, hudyat ng pagsisimula ng seremonya. Si Hendrick ang nauunang maglalakad habang sinundan ko naman. The wedding singer has begun to sing the wedding song.
Nasa kalagitnaan na kami nang biglang matigilan si Hendrick. Ang mga mata niya ay nakatuon sa babaeng kumakanta sa kaliwanag panig ng makeshift altar. Ako naman na nasundan ang kaniyang tingin at dama kong may kakaiba sa kaniya.
“Come on, Rick, move,” marahang saad ko sa kaniya. Nakatingin na rin sa amin ang ibang
Rose “Anong ibig mong sabihin?” muli kong tanong sa kaniya. “Kung wala kang matinong sasabihin, matulog ka na lang.” Akma ko na sanang ibababa ang tawag niya pero pinigilan niya ako. “Wait!” pigil niya sa kabilang linya. “I am not done yet, girl. Tutal nakausap na kita. I will tell you the truth about your father.” Bigla akong natigilan. “Anong tungkol sa tatay ko? May alam ka ba?” Biglang nagtahip ang kaba sa aking dibdib nang marinig ang tungkol sa tatay ko. “Of course! Actually, matagal ko ng alam ito, girl. Ethan knew about it too. Didn’t he tell you? Well, he didn’t want you to know about it. Si Ethan lang naman ang puno’t dulo kaya nauwi sa malamig na bangkay ang tatay mo.” “Tell me the truth!” mariing utos ko sa kaniya. “U-Utang na loob sabihin mo sa akin ang totoo!” Humalakhak si Klarisse sa kabilang linya na tila ba wala ng bukas. “Hey! Don’t be so demanding, girl. You know, Ethan was the one who tried your father’s loyalty. Si Ismael ay candidate for promotion that time
EthanTatlong-araw bago ang magaganap na pag-iisang dibdib namin ni Rose pero may napupuna na ako sa kaniya. Nahuhuli ko siyang may malalim na iniisip pero sinabihan ko rin naman siyang magpahinga na lang muna. My parents and some of my relatives are here. They helped me for the wedding preparation and seems that all of my staff are then busy. Balak ko sa araw ng kasal namin ay exclusive ang beach resort para masolo namin ang momentum.Nasa garden kami kasama ang pamilya ko at si Rose. Kanina pa sila nag-uusap tungkol sa plano namin pagkatapos ng kasal. Hinayaan ko na lang din si Rose na maka-bonding ang mga magulang ko na bumiyahe pa mula Italy para lang sa kasal ko. And they are proud of my soon-to-be wife.“Rose, after your wedding, do you want to go with us to Italy? I mean, just for a while and spend your honeymoon too.” Bumaling ang mommy ko sa akin. “What do you think, hijo? That’s a good idea, right?”Subalit bago pa man ako sumagot ay si Rose na ang tumugon.“Baka ho busy si
Ethan“Did you bring the documents?” I asked my cousin Alonzo.Ang tinutukoy ko ang mga ebidensiya at ibang mga papeles na magpapatunay na wala akong kinalaman sa nangyari trahedya ilang buwan na ang nakararaan. Sa tuwing naiisip ko ang tungkol doon, maraming bumabagabag sa isipan ko. But now, nakakahinga na ako. “Yes,” seryoso namang tugon niya.Nasa pool side kami at matapos siyang makapagtanghalian ay niyaya ko siya na magpahangin na muna. Nasa kabilang garden naman ang mga magulang ko at mamaya na lang siya magpapakita sa mga ito. Pagsasabihan na naman siya ng mommy tungkol sa divorce nito bagay na kumalat na pala sa buong angkan namin.“Good.”“Mapapanatag ka na niyan. Did she know about it?”Umiling ako. “Nope.”“Then why you’re taking so long to tell her the truth, Ethan? What are you waiting for? Iyong malaman niya ang totoo tungkol sa bagay na iyon at sa ibang tao pa?” Napapailing-iling na lang siya saka niya sinalinan ang mga baso namin ng inumin. “You’re too slow, Tan.”“
“Ayesha!!”“Rosas!!”Tuwang-tuwa kami ni Ayesha sa isa’t isa nang makarating siya sa resort kasama si Winston. Siya ang magiging maid of honor ko dahil bukod kay Tamara na hindi ko na pwedeng maging maid of honor, si Ayesha ang napili ko. Magkasama lang sila ng boss niyang saksakan daw ng kasungitan sa kaniya pero para sa akin ay ang cool lang ni Winston. Panay ngiti nga lang siya sa akin at panay biro na rin. Ibang-iba sa kwento ni Ayesha na kabaliktaran naman ang ugali.“Mabuti naman at nakarating ka rito. Akala ko iindyanin mo na kami,” sabi ko habang naglalakad kami patungo sa tutuluyan niya. Ako na rin ang nag-ayos ng tutuluyan niya sa hotel.“Pwede ba iyon? Kasal mo ito, girl. Hindi ako pwedeng missing in action, ‘no!” eksaherada niyang kwento.Bahagya akong napangiti habang hawak-hawak siya sa braso. “Magtatampo talaga ako sa iyo kapag gagawin mo iyon. Siyangapala, kumusta naman ang biyahe niyo ng boss mo? Hindi ka naman niya sinungitan sa buong biyahe mo rito?”“Sort of. Ganoo
RoseNakailang higit na ako ng hininga habang kinakabahan ako sa seremonyang ito. Until now, I am still in doubts and I don’t think that this wedding is a good idea for both of us. Bagamat naaayos na namin ang lahat, gusto ko pa rin ituloy. Mahaba-haba nga lang ang explanation ni Ethan sa akin pagkatapos ng kasal na ito.“Ang ganda mo, Rosas!” masayang sabi sa akin ni Ayesha.Nasa loob kami ng bride’s room habang naghihintay na lang sa oras. Tapos na akong ayusan ng mga kinuha naming make-up artist. Nakagayak na rin ang mga kaibigan kong nasa paligid ko na sina Tamara at Ayesha. Magkasundong-magkasundo naman ang dalawa na ngayon lang din naman nagkita at nagkasama.I wore the most expensive wedding gown that was made in Italy. It has a scoop and sweetheart neckline, full-length long-sleeve laces, and a backless type of dress. May mga diamonds din ang damit dahilan kaya naging mahal ito. Ayon kay Ethan, tradisyon pala sa pamilya nila na may diamonds ang wedding dress at iisang sikat na
Ethan“Congratulations!”Iyan ang narinig ko mula sa mga kaibigan ko matapos ang selebrasyon ng kasal namin ni Rose. Ang iba na nagsibalik na sa kanilang kaniya-kaniyang kwarto, ang iba naman ay nag-enjoy sa perks na ibinigay ko sa kanila. They can use all they want from the amenities I have here in my resort. Malapit ng sumapit ang alas-syete ng gabi at heto kaming natira na lang sa reception area habang si Rose naman at ang mga kaibigan niya ang kasama. Sinamahan pa rin ako ng mga kaibigan kong ito hanggang sa oras na ito pati na rin sina Alexius at Vlad na bukas na lang babalik sa kanilang mga lugar.“So, sino na ang susunod na isuko ang bandera ng pagkabinata nila?” tanong ni Alexius sa mga naroon na hindi pa nagsipag-asawa.“Baka si Alonzo. Tutal siya itong nakasalo ng garter mula kay Ethan,” panimula na naman ni Winston. “And guess what? Is it destiny that Bea also received the wedding bouquet? Baka sign na ito na kailangan niyo ulit magpakasal na dalawa.”Kinuha ni Alonzo ang
Rose Mas lalo akong nanlumo nang malaman kong napakalaki pala talagang halaga ang involve kaya nagkainteres ang mga magnanakaw dahilan kung kaya binawian ang tatay. Ang hindi ko lang matanggap ngayon ay ang binayaran ni Ethan ang batas para lang itago ang lahat sa amin. “Ano pa ang totoo bukod sa binayaran mo ang batas, Ethan? Noong nalaman mong anak ako ni Ismael Borja at inalok mo akong maging babae mo kapalit ng insurance ng tatay ko, kasama rin ba iyon sa plano mo?” Halos naninikip na ang dibdib ko sa katotohanang ito na harap-harapan ko ngayong nalaman. “Nakaplano na rin ba ang lahat hanggang sa isuko ko sa iyo ang sarili ko? Hanggang sa makuha mo ang gusto mo? How about this wedding? Is this a part of your game?” Nang mga oras na ito ay wala na akong pakialam kung marinig pa ni Alonzo ang tungkol sa aming dalawa ni Ethan. Ang mahalaga sa akin ngayon ay maliwanagan ako once and for all. Ethan took a deep sigh and stared at me. Maya-maya lang ay nag-umpisa na naman siya sa paliw
RoseNamumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak habang nakatitig sa kisame. Mula nang malaman kong wala na ang baby ko, labis ko na itong ikinalungkot. Nadamay siya sa emosyon ko na hindi ko napigilan. Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko man lang siya naisip nang mga oras na nagkaroon kami ng matinding diskusyunan ni Ethan.Masakit. Sobrang sakit. Walang pagsidlan ang pagdadalamhati ko ngayon dahil wala na ang isang dahilan kung bakit pinili ko pa rin si Ethan at pakasalan siya sa kabila ng mga dapat kong malaman. I felt selfish. Hindi ko man lang binigyan ng halaga ang baby namin na dapat sana sa oras na hindi ko pa alam ang totoo, sasabihin ko na sana sa kaniyang nagdadalangtao ako.Muli na naman akong nagpahid ng aking mga luha na namalayan ko na lang na dumaloy sa aking mga pisngi. This time, hindi ko pa kayang harapin ang lalaking isa sa dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa apat na sulok ng kwartong ito. Hindi ko pa kayang makita siya at baka maging dahilan na ito ng break
RosePaika-ika na akong naglakad sa garden isang umaga para sa morning exercise ko. Kabuwanan ko na at mababa na rin ang hulma ng tiyan ko. Suot ko lamang ay maternity dress na kulay puti at isang pares ng flat na tsinelas. Nakahawak ang kanang kamay ko sa balakang ko habang ang isang kamay ko naman ay ang rechargeable fan. Naiinitan ako kahit na malamig naman ang simoy ng hangin sa paligid at nasasamyo ko ang amoy isla.Siyam na buwan na rin ang lumipas at ang pinakaasam-asam naming sandaling mailuwal ko ang baby namin ni Ethan, siya rin buwan na kabado ako. Alam kong hindi niya ako iniwan sa mga oras na kailangan ko siya at nagpapasalamat ako roon. Sa totoo lang ay napakaswerte ko kay Ethan dahil bukod na nagbago na siya sa temper niya, spoiled wife pa ako at ang mga kapatid ko.“Ate Rose, ang laki na pala talaga ng tiyan mo na parang bola. Parang puputok na, ate,” wika naman ng kapatid kong si Raprap na nasa bilugang mesa at nakaupo rin.Nanood siya ng video sa ipad niyang hawak at
RoseMaaga kaming lumuwas ng Maynila kasama ang asawa ko at sina Alonzo at Bea. Masayang-masaya naman ako dahil nagkaroon din ng oras na magkasama ang dalawa at partidang tahimik lang sila pareho habang nasa biyahe. Wala akong naririnig na bangayan nila bagay na ikinatuwa ko naman. Si Ethan naman na todo ang pang-iingat sa akin, pati na rin sa pagkain ko. Maya’t maya lang ang tanong sa akin kung may gusto akong kainin o inumin.Mula nang manggaling kami sa ob-gyne doctor ko kasama siya, hindi na siya mapakali. Sobrang excited na niya at nagpaplano na nga siya ng pag-aayos ng magiging kwarto ng baby. Nabanggit din niyang siya pa mismo ang magkukumpuni ng crib at magdedesenyo. Marami na siyang mga plano kaya hinayaan ko na lang. Ganoon siguro kapag sabik na sabik magkaroon ng anak. Kahit naman ako ay nasasabik na rin.“Matulog ka muna, love. I will wake you up when we will be there,” malambing na wika ni Ethan sa akin habang hinihimas ang puson ko.“Gusto kong makita ang dadaanan natin,
Rose“What did you say?” muling tanong ng asawa ko na bakas sa kaniyang mukha ang sinabi ko.“I-I’m pregnant, love,” marahan kong sabi.“Rose…” Hinawakan niya ang kamay ko habang dama ko ang kaunting panginginig ng kaniyang kamay. Naramdaman ko rin na biglang lumamig ang palad niya at tila kinakabahan. “Is this true? No joke?”Kitang-kita ko sa mga mata ng asawa ko ang tila naluluha ngunit may kasiyahang kasama. Sumilay din ang ngiti sa labi niya pero halatang pigil lang din at nais pa na kumpirmahin ang sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit saka ako napangiti. Balak ko sanang sorpresahin siya sa naging resulta ng pregnancy test ko pero nasabi ko na.“Oo,” mahinahon kong tugon. “Nag-test ako at lumabas sa test iyong positive. Hindi pa ako nakapagpatingin sa doktor kasi gusto kong samahan mo ako. Kaya mister…” Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay niya at sinakop ang kaniyang pisngi. “Huwag ka ng mag-a-angry bird. Magiging tatay ka na.”“Oh, Rose!” Bigla na lang niya ako
EthanTwo hours after I called my wife, I called Gerald. I confronted him. Noong inirekomenda siya ni Alonzo sa akin, I asked him about his personal life. Tinanong ko rin kung kilala niya ang asawa ko pero ang sabi niya ay hindi. Taga-rito siya sa amin pero wala siyang ideya tungkol sa asawa ko at hetong nalaman ko na magkababata pala sila. Sa lahat ng ayoko ay ang magsinungaling sa akin.I want the best security for my wife and her family. Ayokong mangyari na naman ang tungkol sa kaguluhan noon. Gusto kong maging aware sa paligid namin kaya hindi ko napigilan na sabihin ang salitang ‘sesante’ na siya. Kung ano ang binitawan kong salita sa asawa ko, ginawa ko rin sa kaniya. Noong una, nabigla si Gerald sa nalaman ko. Inaalam ko sa kaniya kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang buong katotohanan. At ang mas kinaiinit pa ng dugo ko, may isang bagay siyang inamin sa akin.“Sir Ethan, I’m sorry. Wala talaga akong masamang intensiyon sa asawa mo. Noong malaman ko ang nilalaman ng kontrata
Rose“Huh?!” Nagulat ako sa sinabing iyon ng asawa ko. “Teka lang, Ethan. Tama ba ang narinig ko? Sesante na iyong bodyguard ko? B-Bakit naman? Anong nagawa niyang kasalanan?” sunod-sunod kong tanong.Hinintay kong sumagot si Ethan sa kabilang linya. Maya-maya lang ay narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga. Nagtataka ako sa kaniya na noong isang araw lang ay ipinaliwanag pa niya na kailangan may sarili akong bodyguard para raw sa safety ko. But then again, heto siya at tinatanggal na niya sa serbisyo si Gerald na wala man lang matibay na rason. “Why didn’t you tell me about him? He’s your childhood friend,” mariin niyang sabi.“Ha? P-Paano mo nalaman iyon? Sinabi ba ni Gerald sa iyo?”“Nope. I found it on my own. Now, tell me, my wife. May balak ka ba talagang sabihin sa akin ang totoo na magkababata pala kayo?” May halong kakaiba sa boses niya bagay na ipinagtataka ko.“Ethan, maniwala ka sa akin. Hindi ko namukhaan si Gerald noong una mo kaming pinakilala sa isa’t isa. Oo
EthanHindi agad sumagot si Winston sa tanong ko at tila nag-iisip pa siya. I don’t want to force him and tell me this sudden emotion of him. Malay ko bang pinagtitripan lang pala ako ng lokong ito subalit habang lumalaon ay lalo siyang sumeryoso kaya naghintay pa ako.“Just wait for my love story. Kapag sigurado na ako, saka ko na lang sasabihin kung sino.”“Wow. Walang clue?”Sa lahat ng magkakaibigan, si Winston ang hindi pa nababalitang nasaktan sa babae, may matinong girlfriend o kaya ay ipinakilala sa amin. Kaya imposibleng magkakaganito siya nang dahil lang din sa isang babae. I really doubt it.“Clueless.”Napapangiti na lang akong muling inubos ang kape ko. Maya-maya ay tumingin ako sa pambisig kong relo. “It’s lunchbreak. I told Lorenzo I will go to his place. Do you want to join our lunch meeting on his condo? May dala rin akong pasalubong kay Tamara.”“Buti pa si Tamara may pasalubong. Nasaan na iyong sa akin?” Agad siyang tumayo habang tila batang nagmaktol na wala man la
Rose“Wala ka na bang naiwan? Are you sure na kasya na itong maliit na hand luggage for three days?” tanong ko sa asawa ko habang nakatitig ako sa mamahaling hand cary luggage niya na kulay itim.Ngayon ang araw na aalis si Ethan patungong Maynila upang asikasuhin ang iba pa niyang negosyo. Bilang asawa, ako na ang nag-ayos ng mga gamit niya at hinayaan naman niya akong gawin iyon. May tiwala naman siya sa taste ko sa mga dapat niyang suotin pero hindi pa rin ako kuntento na iilan lang ang dadalhin niya. Though I know that he has a lot of clothes left in his condo.Pinagtuunan na niya ako ng pansin matapos niyang may kausap sa kabilang linya ng kaniyang cell phone. “Yeah. I have clothes enough in my place and don’t worry about it, Love.” Lumapit siya sa akin at hinawakan sa magkabilang balikat. “I’m get going. Naghihintay na sa akin si Mang Roberto at baka mahuli ako sa flight ko.” Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. “Behave, Love. I will call you and I will be there. Ikaw na ang bah
Ethan“Thank you, everyone,” pamamaalam ko sa mga tauhan ko at sa ibang mga nag-asikaso sa seguridad ng aking resort. Nagpaalam na rin ako kay Alonzo na noon ay abala rin sa ibang bagay.“Sir Ethan,” tawag naman ni Mang Roberto sa akin.Sinulyapan ko naman siya na noon ay naglakad na patungo sa akin. Katatapos lang namin magbigay ng mga dapat gawin para sa kaayusan ng resort. Sa ngayon ay iilang mga empleyado pa lang ang pinapayagan ko at wala munang mga guests ang nandito. Kanselado lahat ng mga reservations at hanggang sa maging maayos na ang lahat, saka ko lang bubuksan ito para sa mga guests na naunsyami ang bakasyon.“Nais ko lang ipaalam sa iyo na maraming mga guests ang umalma kahit na binigyan naman natin sila ng mga options at freebies habang kanselado ang kanilang reservation. Ano ang plano mo rito?” bungad niyang tanong sa akin.“Let them be. Karapatan nila iyon at kung may mga masabi man sila tungkol sa resort, ginawa naman natin ang tama. Ibinigay natin sa kanila lahat ng
Rose“Nay!”“Rose!”Mahigpit na niyakap ko ang aking ina nang kinabukasan ay nakauwi na sila kasama ng dalawa kong kapatid at si Nana Claudia. Ilang araw ko rin silang hindi nakasama nang dahil sa nangyari dito sa resort.“Kumusta kayo?” tanong ko matapos kong kumalas sa pagkakayakap sa aking ina. Sobrang nag-aalala rin ako sa kalagayan nila lalo na noong sinabi ni Klarisse na sa isang iglap lang ay magagawa na niya ang hindi maganda sa mga ito.“Ayos lang naman kami, Rose. I-Ikaw? Ayos ka lang ba? Nabalitaan namin na kinidnap ka raw at si Bea. Hindi ka naman napano?” tanong din ng aking ina na may halong labis na pag-alala.Tumango ako. “A-Ayos lang ako, ‘Nay. Medyo trauma nga lang ang nangyari sa amin ni Bea dahil kay Klarisse at kay Kent na…na ngayon ay wala na rin sila. Huwag niyo na isipin iyon at baka maging alalahanin niyo pa. Ang mahalaga ay nakuha na rin natin ang hustisya para kay tatay.”“Hindi mo maalis sa akin ang mag-alala lalo na noong nabanggit ni Roberto na hindi maga