Share

Pulang Kahon

Author: Kneekaa
last update Last Updated: 2021-10-11 11:58:44

“Mario, maaari mo bang bagalan ang pagmamaneho? Para kang hinahabol ng aso diyan ah, di naman ako nagmamadali,” saad ni Arthur sa driver niya habang tinatahak nila ang daan papunta sa ospital kung saan naka confine ang kaibigan niyang si Miguel na naaksidente kamakailan lamang.

“Sir, mukhang may sumusunod po sa atin eh. Kanina pa po sa kabilang bayan bumubuntot ang sasakyang iyan. Kinakabahan po ako, sir.” Bakas sa mukha nito ang pag aalala habang kausap ang amo.

“Wala naman akong kaaway, Mario. Imposibleng may magtatangkang kitilin ang aking buhay.” Napuno pa rin ng takot si Arthur matapos sabihin ang mga katagang iyon kay Mario. Alam niya sa kanyang sarili na isang malaking pagkakamali ang kanyang nagawa ilang taon na ang nakakaraan pero imposibleng manganib ang kanyang buhay dahil doon.

Sinusundan pa rin sila ng pulang SUV nang mapadako ang kanilang tingin sa side mirror ng kotse. Hindi nila maaninag kung sino ang nagmamaneho sapagkat tinted ito pero sa loob-loob ni Arthur ay babae ang nagmamaneho dahil mabagal at halatang maingat ang pagmamaneho nito.

“Sir, mahigit dalawang oras na po tayong sinusundan ng kotseng iyan. Talagang nababahala na po ako. Ito ang unang beses na nangyari ito. Tumawag na po tayo ng back up.” Nanginginig na ang boses ni Mario pati na rin mga kamay na nakahawak sa manobela.

“Masyado mong binabahala ang iyong sarili, Mario. Naka day off lahat ng bodyguards ko kaya huwag na muna natin silang abalahin. Ipagpatuloy mo lang ang pagmamaneho at aabot din tayo sa ating destinasyon.” Pagkokonsola ni Arthur sa kanyang butihing driver.

Nasa intersection na sila papunta sa bayan ng Luisa nang humarurot bigla ang pulang SUV. Hindi na nila makita ang sasakyan sa kanilang unahan.

“Akala ko pa naman babae ang driver, e parang mahilig pala sa karera ang nagmamaneho nun, Sir.” Saad ni Mario na halatang nawala na ang bigat sa dibdib.

“Sabi ko naman sa iyo, eh. Natiyempuhan lang na kapareho natin ng destinasyon ang may ari nun. Ang bilis mo naming kasing ma highblood,” natatawang sabi ni Arthur.

Natigilan na lamang silang dalawa nang makitang naka park ang pulang SUV at sa di kalayuan ay may nakahandusay sa daan. Tumigil na muna sila para siguraduhin iyon. Magubat ang parteng iyon nang Luisa kaya inakala nilang nasagasaan lang na hayop.

Bumukas bigla ang pintuan ng kabilang sasakyan at lumabas ang isang taong naka itim na bonnet kung saan natatabunan ang mukha nito. Naglabas ito nang baril at tinutok sa sasakyan nila. Akma na sanang papaandarin ni Mario ang sasakyan ngunit di man lang ito makausad kahit konti.

“Oh, shit! Mario, hawakan mo ito,” sambit ni Arthur habang pilit na ipinahahawak niya kay Mario ang handgun na kinuha niya mula sa compartment nang kotse.

“Sir, di po ako marunong  gumamit nito. Pagdadrive lang po ang alam kong gawin,” natatarantang sabi ng pobre habang hawak pa din ang manobela sa kabilang kamay.

“Please, save yourself. Mukhang planado na ang lahat na nangyayari ngayon.” Giit ni Arthur bago binunot ang isa pang handgun na nasa likuran niya na sya namang ikinalaki ng mata ni Mario.

Nakarinig sila nang isa pang putok nang baril bago gumewang ang kotse. Binaril nang taong naka bonnet ang dalawang gulong sa unahan ng sasakyan kung saan lulan ang dalawa. Nakatayo lamang ito sa labas habang hawak ang baril na ginamit, wariy naghihintay ito sa labas ng mabibiktima.

“Sir, ano na po ang gagawin natin? Mukhang wala pang dumadaan na ibang sasakyan na pwede nating hingan ng tulong,” magkahalong pawis at luha ang tumatagtak sa mukha ni Mario habang sinasambit ang mga katagang iyon.

“Di na tayo mabubuhay kung tatawag pa tayo nang pulis dahil malayo pa ito sa sentro ng Luisa. Ako ang unang lalabas Mario, pagkarinig mo nang unang putok ay lumabas ka sa kabilang pinto nitong sasakyan at magmadali kang pumasok sa gubat. Humingi ka nang tulong sa mga taga rito. Alam kong may iilang bahay malapit dito. Naiintindihan mo ba ako?” buong loob na tanong ni Arthur sa kasama.

“Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari sa mga hakbang na ating gagawin, Sir. Pero susundin ko po ang lahat na iyong sinabi.” Sagot ni Mario habang mahigpit na hawak ang baril.

“Maraming salamat, Mario. At huwag kang mag aatubiling magpaputok pag kailangan,” dagdag niya bago binuksan ang pinto at itinutok ang baril sa taong nagdala nang takot sa kanila.

“Ano ba ang atraso ko sa iyo at inilalagay mo ang buhay namin sa panganib?”, lakas-loob na tanong ni Arthur sa kaharap na ang baril ay nakatutok din sa kanya.

Walang narinig ni isang salita si Arthur sa kaharap. Ilang minuto silang nagtitigan bago umalingawngaw ang dalawang malakas na putok nang baril. Alisto namang lumabas si Mario at mabilis na tumakbo papasok sa gubat.

Matagal na tinitigan ng taong naka bonnet ang wala nang buhay na katawan ni Arthur bago inilagay sa tabi nito ang isang pulang kahon.

Puno ng kaba ang dibdib ni Lucienne nang ipatawag siya nang kanyang tiyuhin habang naka confine pa rin sa hospital. Papasok pa lang siya sa kwartong nakalaan para rito nang masalubong niya ang kanyang Auntie Francine na halatang balisa.

“How is he? Is everything fine?” agad niyang tanong sa tiyahin.

“Ask him yourself,” sagot nito pagkatapos siyang tiningnan nito nang mariin.

She just ignored her and went inside para kumustahin ang tiyuhin.

“Uncle, are you okay? What happened?” sunod-sunod na tanong niya na bakas ang pag aalala sa boses.

“Yes, I’m fine. Something just happened to Arthur, do you remember him?” he asked while looking at me.

“Of course, I do remember him. He is one of your closest friends, right? And I do recall na he attended my 6th birthday dahil kasosyo siya ni daddy sa negosyo noon. Am I right, Uncle?” tanong ko pabalik sa kanya.

“Yes, he is. He died on his way here, iha.” Saad nito na halatang may lungkot sa mata pati na rin sa tinig.

I can see where this is coming from. Arthur and Uncle Miguel were best of friends since their younger days and he shared to me once when he visited me in US na they even treat each other as brothers.

“I’m so sorry to hear that, Uncle. What happened? How did he die?” I asked after grabbing a chair to sit beside the hospital bed he is lying on.

“He was actually on his way here to pay me a visit. Nang malaman niya ang nangyari sa akin ay ipinakansel niya ang kanyang mga meetings and events just to see if I am okay. You know how close we are to each other at alam kong di niya maaatim na di tingnan ang aking kalagayan ng personal. But when he almost reaches the city…” nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata di pa man niya natatapos ang sasabihin.

“So it was a car accident, uncle?” I don’t know if it is right to ask him for further details about Arthur’s death but it just slips on my tongue.

“He was murdered. He was shot twice, one in the chest and one in the head which killed him instantly. Napakahayop nang gumawa nito sa kanya, I’ll make sure that his killer will pay this with his own life.” I can feel the pain by the tone on his voice.

“Uncle, I know how painful it is for you. But please, don’t stress yourself too much about this for now. Hindi pa po kayo magaling. How can you avenge his death if you’re ill? Di po ba? So take a lot of rest for now, Uncle.” I told him with assurance.

“Maraming salamat, iha ha? I’m really thankful na nakauwi ka na. I’m growing old, Lucy. No one cares for me genuinely as how you do. Ikaw na lamang ang kadugo na naiwan sa akin. Kung meron lang sana akong anak…” he paused and stares at me with tears in his eyes.

I totally don’t know what to feel. It’s a mixed emotion that I can’t contain pero pinipigilan ko pa rin not to worry him more.

“Uncle, don’t think too much for now. Take a rest and we’ll talk about that once makalabas kana nang hospital,” I gave him a smile of assurance after saying those words.

He just gave me back a smile. It is a genuine yet a sad one.

“Ano po ba ang masasabi niyo sa mga natuklasang ilegal na gawain nang iyong namayapang asawa?” direktang tanong nang isang reporter sa maybahay ni Arthur nang makalabas ito sa ospital na pinagdalhan kay Arthur.

Napaiyak na lamang ang ginang sa kahihiyan at pagdadalamhati. Kasabay na pagkawala ng kanyang asawa ay ang pagkasiwalat nang mga ilegal na gawain nito kagaya lamang nang pagpapatakbo ng mga ilegal na clubs sa bansa at pangunguna sa pag iimport ng mga ipinagbabawal na gamot.

Sumasang ayon ang karamihan na ang tao sa likod nang pagpaslang ay may matinding galit kay Arthur at halatang eksperto sapagkat kahit na nag iwan ito nang pulang kahon na naglalaman nang mga litratong nagpapatunay sa mga ilegal na gawain nito ay hindi man lang ma identify ng mga imbestigador ang katauhan nito dahil wala man lang ni isang fingerprint na naiwan sa crime scene maliban sa biktima.

Related chapters

  • Ruthless Red   Muling Pagkikita

    Eksaktong tumunog ang phone ko nang makarating ako sa parking lot ng bahay. It’s been a busy and long day for me since nagrehearse kami buong araw kasama ang kapwa ko models sa agency for an upcoming event.“Hi. Yeah. Kakarating ko lang sa bahay? Why? Is there something wrong?” tanong ko kay Raine na nasa kabilang linya.“I invited the girls for a night out later at 8. And you still have four hours to rest, dear. I’ll be expecting your presence and I’ll come and get you anyway if you won’t come. I’ll send you the address. Ciao!” pagmamadaling sabi nito sa kabilang linya na halatang excited bago tinapos ang tawag.I just shook my head after placing my phone in my handbag. Ang hirap talagang humindi sa katulad ni Raine.“Miguel, naririnig mo ba ang sarili mo? He do have a connection with us. Paano kung tayo naman ang targetin nang mamamatay tao na iyon? Aren’t you scared losing your life?&rdq

    Last Updated : 2021-10-12
  • Ruthless Red   A Nightmare

    "No! You can't do anything without my approval. Hindi ko mapapayagang gawin mo ang mga pinaplano kong mga hakbang sa pamamagitan ng dahas", I can sense the tense sa pagitan ni daddy at ng kausap niya sa telepono bago ito ibinaba at ibinalik ang pokus sa pagmamaneho."Mahal, maaari bang huminahon ka muna? You're driving for Pete's sake! And we have Lucy here with us. Wag mong iparinig sa anak mo kung gaano kagulo ang pulitika", the calmness of my mom's voice was still there kahit na alam kong nagpapanic na siya.“Pasensya kana, mahal. Nakakainit lang talaga ng ulo ang mga kapartido ko sa paparating na eleksyon. They are trying to gain victory in just a snap of their finger. At hindi ako papayag na may mga inosenteng madamay sa plano nila”, dagdag nang aking ama.Hindi man maintindihan ng musmos kong isip ang pinag uusapan nila ay alam kong may kaaway si daddy.Madilim na ang langit nang sumilip ako sa bintana ng sasakyan. Lulan kami ng bagong b

    Last Updated : 2021-09-30
  • Ruthless Red   Plotted Accident

    “I really don’t like her from the start. Kahit nung bata pa sya and you know my reason, Miguel.” I can feel the hatred in her tone.I’m overhearing their conversation since nasa kabilang kwarto lang ako for God’s sake.“What happened in the past is a bare memory na, Francine. I can’t pull the time back and correct what I’ve done before. Can we just forget it? Parang awa mo na, huwag na nating ungkatin pa ang nangyari noon. You’ll just suffer at sasaktan mo lang ang sarili mo kung patuloy mo pa ring babalikan iyon”, mahinang sagot ni Uncle.“What you did with that woman is horrible! How dare you ask me to forget your betrayal?” matapang na sambit ng kanyang asawa.I’m trying to guess who they are referring to but I can’t think of anyone na naging kabit ni Uncle. He was a good man after all. I even never saw him laid his eyes to any woman with affection, except for a c

    Last Updated : 2021-10-04

Latest chapter

  • Ruthless Red   Pulang Kahon

    “Mario, maaari mo bang bagalan ang pagmamaneho? Para kang hinahabol ng aso diyan ah, di naman ako nagmamadali,” saad ni Arthur sa driver niya habang tinatahak nila ang daan papunta sa ospital kung saan naka confine ang kaibigan niyang si Miguel na naaksidente kamakailan lamang.“Sir, mukhang may sumusunod po sa atin eh. Kanina pa po sa kabilang bayan bumubuntot ang sasakyang iyan. Kinakabahan po ako, sir.” Bakas sa mukha nito ang pag aalala habang kausap ang amo.“Wala naman akong kaaway, Mario. Imposibleng may magtatangkang kitilin ang aking buhay.” Napuno pa rin ng takot si Arthur matapos sabihin ang mga katagang iyon kay Mario. Alam niya sa kanyang sarili na isang malaking pagkakamali ang kanyang nagawa ilang taon na ang nakakaraan pero imposibleng manganib ang kanyang buhay dahil doon.Sinusundan pa rin sila ng pulang SUV nang mapadako ang kanilang tingin sa side mirror ng kotse. Hindi nila maaninag kung sino ang nagmamane

  • Ruthless Red   Plotted Accident

    “I really don’t like her from the start. Kahit nung bata pa sya and you know my reason, Miguel.” I can feel the hatred in her tone.I’m overhearing their conversation since nasa kabilang kwarto lang ako for God’s sake.“What happened in the past is a bare memory na, Francine. I can’t pull the time back and correct what I’ve done before. Can we just forget it? Parang awa mo na, huwag na nating ungkatin pa ang nangyari noon. You’ll just suffer at sasaktan mo lang ang sarili mo kung patuloy mo pa ring babalikan iyon”, mahinang sagot ni Uncle.“What you did with that woman is horrible! How dare you ask me to forget your betrayal?” matapang na sambit ng kanyang asawa.I’m trying to guess who they are referring to but I can’t think of anyone na naging kabit ni Uncle. He was a good man after all. I even never saw him laid his eyes to any woman with affection, except for a c

  • Ruthless Red   A Nightmare

    "No! You can't do anything without my approval. Hindi ko mapapayagang gawin mo ang mga pinaplano kong mga hakbang sa pamamagitan ng dahas", I can sense the tense sa pagitan ni daddy at ng kausap niya sa telepono bago ito ibinaba at ibinalik ang pokus sa pagmamaneho."Mahal, maaari bang huminahon ka muna? You're driving for Pete's sake! And we have Lucy here with us. Wag mong iparinig sa anak mo kung gaano kagulo ang pulitika", the calmness of my mom's voice was still there kahit na alam kong nagpapanic na siya.“Pasensya kana, mahal. Nakakainit lang talaga ng ulo ang mga kapartido ko sa paparating na eleksyon. They are trying to gain victory in just a snap of their finger. At hindi ako papayag na may mga inosenteng madamay sa plano nila”, dagdag nang aking ama.Hindi man maintindihan ng musmos kong isip ang pinag uusapan nila ay alam kong may kaaway si daddy.Madilim na ang langit nang sumilip ako sa bintana ng sasakyan. Lulan kami ng bagong b

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status