“Cheeese~” sabay-sabay na wika ng triplets, malapad ang kanilang mga ngiti habang sila ay nakatingin kay Ellaine na may hawak na camera na nakatutok sa kanila para sila kuhanan ng litrato. Pare-pareho rin silang may hawak na mga makukulay na cotton candy na mas malaki pa sa mga mukha nila.
“Wow~ Ang cute talaga ng mga babies ko~” masayang puri ni Ellaine sa kanila. Totoo naman ang sinasabi niya. Halso mukhang silang mga mamahaling cute chibi dolls na gawa sa porcelain. There’s a natural blush of health on their cheeks and happy twinkles in their eyes.
Kung kasama nila si Georgia ngayon, siguradong dalawa silang hindi magkakandamayaw na makuhanan ng mga litrato ang mga bata, pero puwede ring baka atakihin ito sa puso kapag nakita ang sobrang dami ng mga matatamis na snacks at kung anu-ano pang junk foods ang kinain ng mg
Inuna man ni Aubrey ang pagpapakasarap, hindi naman niya nalimutan ang bagay na bumabagabag sa kanya simula nang makita niya ang batang lalaki na kamukha ni Garreth, gayundin ang babae na tumawag dito.Ngayong mas nakapag-isip-isip na siya nang maayos ay medyo may pag-aalinlangan na siyang nararamdaman. Hindi kaya at nagkakamali lamang siya ng iniisip?Hindi naman niya natitigan nang maiigi ang babae para mamukhaa ito nang mas maayos pero… Mas mabuti na siguro ang manigurado siya.Kinuha niya ang cellphone na ipinatong niya sa bedside table. Marahan siyang tumayo mula sa kama upang hindi magising ang katabi niyang kasalukuyang natutulog at kapareho niyang wala ring kahit na isang saplot sa katawan. Nagsuot siya ng bathrobe na may monogram pa ng logo ng hotel at saka lumabas ng kuwarto at naupo sa mahaba
Tulad ng inaasahan nina Ellaine at Georgia, pagdating ng umaga, bago pa man maihain ang kanilang breakfast, nag-uunahan na ang mga triplets na ikuwento sa kanilang Tita Georgia ang lahat ng ginawa nila sa nangyaring gala at bonding nilang mag-iina nang nakaraang araw. Lahat yata ng nakita nila, naranasan, nasakyang mga rides, at mga kinaing pagkain ay nabanggit nila. Kung may nakalimutan man ang isa ay may isa rin naman sa kanila ang magpapaalala nito.“The girafffes were this tall,” wika pa ni Raze na iminumestra pa kung gaano katangkad ang nakita nilang giraffe sa binisita nilang zoo. “There were lions and tigers! And we saw penguins!”“And bunnies,” simpleng sabad ni Cas bago kumagat sa breakfast waffle niya.Sa tatlong mga bata, si Raze ang pinaka-nag-enjoy sa paglilibot nila
Mariing napamasahe si Garreth sa kanyang noo dahil sa yamot kay Aubrey. Muli niyang naitanong sa sarili kung bakit niya naging kaibigan si Aubrey– pinakamatalik pa nga– gayong kadalasan ay hindi niya masakyan nang ayos ang mga nagiging trip nito. Hindi nga niya mawari kung paanong hindi ito nauubusan ng ideya sa mga kakaibang pakulo nito.Tulad ngayon.“Aubrey,” may inis sa kanyang tinig na hindi alintana ng kausap niya sa kabilang linya, “hindi ko alam kung saan mo nakuha ang balitang iyan pero nasisiguro ko sa’yo na wala iyang katotohanan. If I’m already a father, I’d know.”Napahagalpak ng tawa si Aubrey. Para bang nakarinig ito ng isang joke na ito lamang ang nakakaintindi ng punchline. Nailayo ni Garreth ang cellphone niya sa kanyang tainga halos matul
Wala sa mga balak ni Aubrey na bumisita sa Little Sunflower Preschool Center kalahating oras bago ang nakatakdang oras ng labasan ng Kinder class pero hindi niya napigilan ang matinding kuryosidad na higit pang makilala ang 90% niyang sigurado na mga anak ng kanyang matalik na kaibigan.Marami naman na siyang ibang mga kamag-anak, kapamilya, mga kaibigan, at mga kakilala na mayroon na ring mga kani-kaniyang anak. Dinaluhan pa nga niya ang ilan sa mga binyag ng mga ito, pero karamihan sa tunay na mga malalapit sa kanya ay katulad din niyang hindi pa nagsasawa sa bachelor lifestyle kung kaya’t bihira lamang siyang makasalamuha ng mga bata.Ang tanging karanasan niya lamang sa mga ito ay ang panoorin sila at magkomento ng “Cute”, “Kamukha mo”, “Manang-mana sa ina/ama”, at ilan pang mga ganoong katulad na salita, at kung mi
“Papa Bear is very fat~ very fat~” Hindi mapigilan ni Raze na mapakanta habang isinusuot ang bear ears headband at bear paw gloves para makumpleto ang costume niya para sa music class group performance nilang tatlong magkakapatid.Pinaghandaan nila itong mabuti. Ilang beses pa silang nagpraktis sa tulong ng Mama nila. At ang Tita Georgia naman nila ang siyang nagprepara ng kanilang costume na gagamitin.Si Anjie na siyang pinakamatanda ng ilang oras sa kanilang tatlo ay siya namang tinutulungan ang pinakabunso nilang si Cas na maisuot din nang maayos ang mga sarili nitong bears paw gloves. Nakaantabay sa kanila ang isa sa dalawang classroom assistants ng section nila upang masigurong hindi nila kailangan ng tulong. Nang makita nitong tapos na sila ay malumanay itong nagtanong, “Are you guys ready? Not fe
Kahit na may designated driver na siyang maghahatid-sundo sa mga anak niya sa kanilang pagpasok sa eskwelahan, ugali pa rin ni Ellaine na sorpresahin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsundo sa kanila pagkatapos ng kanilang klase upang ilabas sila para kumain o manood ng sine o ano pang puwedeng pagkaabalahan nila nang sama-sama.Nang araw na iyon ay day off ng dalawang nanny ng mga bata kaya siya ang nakatokang sumundo sa mga ito na hindi naman problema sa kanya dahil flexible naman ang oras niya.Nasa loob siya ng nakaparadang kotse sa tapat ng preschool center kasama ang driver at tahimik na naghihintay sa paglabas ng triplets ngunit sa hindi malamang dahilan ay naisipan niyang puntahan ang mga ito sa loob ng kanilang school upang doon mismo sunduin.Nagpaalam siya sa driver at saka ipinakita ang isang ID sa nagbab
Daig pa ni Ellaine ang binuhusan ng isang timba ng nagyeyelong tubig habang unti-unti siyang pinangingibabawan ng panic na ibayo niyang pinipigil. She has already found peace and happiness. She has adapted to a life she was completely unprepared for and overcame the difficulties that her previous situation brought upon her.Mahaba ang limang taon… but at the same time, it was also very short. Hindi pa sapat ang tagal niyon. Wala pa ngang limang taong gulang ang mga bata. Halos nagsisimula pa lamang sila sa kanilang buhay para lamang maging chess pieces ng isang hindi nakikitang puwersang nagpapalakad sa mundong iyon para lang masunod ang itinakda nitong kasaysayan.Now more than ever, mas lalong hindi niya nais na masangkot sa bagyong idudulot ng main plotline. She wants none of it.Nagtiim ang kanyang bagang
Nakatayo si Matteo sa harap ng floor-to-ceiling na bintana ng hotel suite na siyang meeting place nila ng isang crime syndicate head na nag-imbita sa kanya upang mag-usap at subukang magkasundo sa isang negosyo na maaaring pagsaluhan ng kanilang dalawang grupo.Medyo public at madalas dayuhin ng mga tao ang venue na napili ng crime syndicate head kaysa sa kanyang nakasanayan. Kabilang ito sa isang commercial at entertainment zone kung kaya’t kumpol-kumpol ang mga grupo ng tao na nagkalat sa lugal. Masyado tuloy maraming mga mata ang nakakita sa kanyang pagdating. Makapal nga ang mukha niya pero mariing itinatak ng ama sa kanyang isipan ang kahalagahan ng pag-iingat at ng paniniguro na walang maiiwang witness kung gagawa siya ng medyo hindi legal at naaayon sa batas.Medyo na-turn off tuloy siyang gawing isang business partner ang nag-imbita sa kanya dahil