Late na nakatulog si Ellaine nang nakaraang gabi subalit maaga pa lang ay kinatok na ang pintuan ng kanyang kuwarto. Pumasok ang isa sa mga househelp na katiwala ng madrasta at ginising siya.
“Sabi po ng Daddy niyo ay kailangan niyo na raw pong mag-asikaso dahil maaga raw po kayong aalis. Parating na daw po yung makeup artist,” wika pa nito sa kanya bago siya nito iniwan.
Wala tuloy nagawa si Ellaine kundi ang bumangon na kahit na malakas pa rin ang tawag ng kanyang kama sa kanya. Mabilis siyang nag-ayos para maging presentable man lang subalit bago siya matapos ay muling bumalik ang househelp na nanggising sa kanya na may dalang bath set na may scents at dried petals pa. Meron ding bubble bath, special shampo, pati na rin body wash at lotion.
Napataas ang kanyang kilay nang makita iyon.
Wala pa sa kasagsagan ang handaan ngunit marami-ramin na rin ang mga taong naroroon. Napaisip si Ellaine habang umiikot ang tingin sa buong lugar. Late nga kayang dumarating ang mga pinakimportanteng panauhin sa mga piging na katulad nito? Medyo interesante siyang malaman.Tahimik lang siyang nakasunod sa likod ng stepbrother niya na hindi man lang naapektuhan ng atmospera ng lugar. Nasa unahan ang kanyang ama at madrasta habang sila’y iginigiya ng isang usherette. Alice, who went for a demure princess look with her soft wavy curls and crown hairband to match her pink dress, was playing the shy type. Yumuko siya para walang makakita sa kanyang eye roll nang masulyapan ito.Dinala sila ng usherette sa isang may katandaang lalaki na tila inaalo ang isang nagtatampong babae na higit na mas bata rito. Akala ni Ellaine noong una ay mag-ama ang dalawa, ngunit a
Magulo ang isip ni Ellaine. Hindi niya alam kung paniniwalaan ba ang sinabi ni Mrs. Whitehall. Bakit naman ito magsisinungaling sa kanya gayong hindi naman sila magkakilala at wala itong mahihita kung gagawin nito iyon.Sa umpisa pa lang ay iniisip na niya kung ano ang dahilan kung bakit pinauwi siya ng ama. Ayon sa mga alaala ng Original Owner ay hindi naman nito ugaling gawin iyon. Kaya naghinala na agad siya na nais na makamit at kailangan ang partisipasyon niya, pumayag man siya o hindi.“Your family is probably selling you off to some dirty old man.”Isa nga iyong malaking posibilidad. Hindi ba’t halos ganoon din ang dapat na mangyari sa kanya sa orihinal na plotline? Ang naging kaibahan lang ay ng kanyang kasalukuyang sitwasyon ay may direct involvement na ang kanyang ama
“Your lips are so luscious. They could definitely be put to good use.”Umigtad ang palad ni Ellaine at sinampal ito nang malakas. Hindi na siya nakatiis sa mga pinagsasasabi nito– mga magagarang salita na may itinatagong nakakasuka at mabahong kahulugan.Nabigla ang ilang nasa malapit sa kanila sa kanyang ginawa.Marami ang napatingin sa kanila ngunit wala na siyang pakialam.Halos umaapoy ang mga mata nitong nakatuon sa kanya, habang hawak ng isa nitong kamay ang pisnging nasampal. “You b*tch! Why did you do that?!”“B*tch na kung b*tch. And you– you’re a PIG! Nakakadiri ka. Ke dami-daming tao rito tapos yung pangalawang ulo-- “ malakas na napasinghap an
Baldwin. Nang marinig niya ang apelyidong iyon ay alam na niya kung sino ito. Nabanggit rin kasi ang character na ito sa TPW novel, pero ang first appearance nito ay sa future chapters pa. Kaya medyo nagtataka rin si Ellaine kung bakit onstage na agad ito gayong hindi pa naman nagsisimula ang main plot. Epekto ba iyon ng pagdating niya sa mundong iyon, o sadyang nasa tamang lugar na ito ay hindi niya alam dahil sa hindi naman ito nabanggit sa nobela? Hindi siya sigurado.Merryll Baldwin is a wealthy tycoon whose family runs a luxury jewelry brand, Ensemble, that is famous around the world and can even rival those luxury jewerlry brands that had been established long ago. His family owns a couple of gemstone mines that rake in millions, even billions, of profits.M
‘Huhuhuuuu! Bakit ba nangyayari sa’kin ang ganito?’ tanong ni Ellaine sa sarili habang tumatakbo, ang mga kamay ay hawak ang kumpol ng tela ng mahaba niyang damit, at tinatakasan ang mga humahabol sa kanya.Imposible siyang makatakbo nang mabilis kung nakatakong siya kaya una palang ay hinubad na niya iyon ay tinapon pa sa mga humahabol sa kanya. Dahil doon ay kahit papaano ay nagawa niyang ungusan kahit papaano ang mga ito. Ngunit hindi iyon magtatagal.Halata namang highly-trained ang mga ito kaya hindi magtatagal ay maaabutan rin nila siya. Dahil lang sa ilang minuto niyang headway sa mga ito.Kumaliwa siya sa isang pasilyo, kung saan ilang mga nakauniporme ng hotel na iyon ang kanyang nakasalubong. Hindi niya sinubukang humingi n
Nagulat si Ellaine sa narinig. Hindi niya akalain na maliban sa Villain ay naroroon rin sa hotel na iyon ang half-brother nito, si Matteo D’Aquila– ang Third Male Lead!Whoa! Anong feng shui ang umiiral nang gabing iyon at nagtipon-tipon sa isang lugar ang tatlo sa limang male lead candidates ng Heroine?Napasulyap siya kay Aubrey, ang babaerong Fourth Male Lead, at sa Villain, na maliban sa pagiging villain ay ang siya ring Fifth Male Lead na pinakahuling na-in love sa Heroine at hindi natanggap na hindi siya ang pinili kaya pinagbuntunan ng galit ang pinaka-main Male Lead.Medyo nae-excite siya. Gusto niyang makita kung ano ang hitsura ni Matteo. Siguradong guwapo rin ito at makalaglag-panty ang charm. Ebidensya na sina Aubrey at ang Villain na nasa harap niya.
“Fancy seeing you here, Brother.”Nang-uuyam ang ngiting itinugon dito ni Garreth. “Mabuti naman at naisipan mo na ring lumabas sa pinagtataguan mong lungga.”“At s’yempre, nandito rin kami.” singit ni Aubrey na nasa likod ni Garreth. Iyon nga lang ay walang pumansin dito. Hinatak ito ni Zachary paatras para hindi ito masali sa away ng magkapatid.Halos kapareho ng bilang nina Garreth ang bilang ng kasamang tauhan ng kanyang kapatid. Wala naman siyang balak na paabutin sa dahas ang engkwentro nilang ito pero hindi siya sigurado kung pareho ba sila ng iniisip ng kapatid na ito sa ama. Masyado kasi itong nagpapadala sa emosyon at padalos-dalos sa mga kilos nito. Hindi nga niya akalaing makakaya nitong mamuno ng sarili nitong grupo.
Tumigil si Ellaine sa pagtakbo nang makitang walang humahabol sa kanya. Medyo hindi komportable ang kanyang mga paa sa suot na heels na hindi masyadong akma ang sukat sa kanya. Napatingin siya sa mga iyon.Ibinigay sa kanya ni Martin ang nakakahong pares na iyon bago sila makarating sa private lounge bar. Maliban sa hindi saktong sukat, ang kulay nito ay bagay ipareha sa kanyang suot na evening dress.Kumplikado ang kanyang nararamdaman.Alam niyang nanggaling iyon sa Villain. Napansin pala nito na wala siyang suot na panyapak. Hindi naman magkukusa si Martin kung hindi ito ang nag-utos dito.Napabuntong-hininga siya. Magaling ang pagkakadisenyo ng Author sa personality nito dahil kahit na ito pa ang main antagonist sa nobela ay may mga simpleng kabutihan pa
Malabo ang mga alaala ni Ellaine ng mga nangyari nang makaraang gabi pagkatapos niyang ikulong ang sarili sa loob ng banyo. But when she opened her eyes, she wasn't surprised when she saw Garreth's face beside hers on the pillow. Getting almost assaulted was not a pleasant experience. She hated how she allowed herself to get in that kind of situation where she's completely helpless and dependent on somebody else to save her. Not a good feeling at all. Ang nakakainis pa ay hindi man lang niya nagamit ang mga self-defense techniques na pinag-aralan niya. Catherine was able to gain the upper hand on her because she wasn't that wary of her yet.At isa pa, mayroon itong System na siyang nagsisilbing cheat slash goldfinger nito.Sandaling natigilan si Ellaine nang maalala si Catherine at ang System. Ilang segundo bago bumalik sa kanyang memorya ang nagyari sa CR kung saan ay kinuryente siya ni Catherine. Sigurado si Ellaine na dahil iyon sa kakayahan ng System. Marahil ay may iba itong
R18//Some scenes are not suitable for minors. ***Halos mabaliw si Garreth sa kakahanap kay Ellaine nang malaman nyang nawawala ito. Hindi niya akalaing makakaramdam siya ng ganoon katinding emosyon dahil lamang sa pag-aalala na baka may kung ano nang nangyari ditong masama. Ginamit niya ang kanyang impluwensiya, koneksyon, at kapangyarihan para ipasarado ang buong venue upang masigurong walang makakalabas sa lugar. Ang sabi ng staff na nagbabantay sa lobby at parking kot ay wala pang umaalis na bisita kaya ang ibig lang nitong sabihin ay basa paligid lamang si Ellaine. Kinapalan na niya ang mukha at nanghiram ng tauhan mula sa mga kakilala niyang naroroon para halughugin maging ang kasuluk-sulukan ng buong lugar. Marami ang nainis at nayamot dahil sa abalang idinulot niya.Pagkatapos ng masinsinan at mabilisang imbestigasyon ay nakakuha rin sila ng impormasyon na nakapagturo sa kanila ng kinalalagyan ni Ellaine.Isang cleaner ang nakapagsabi na kakaiba ang ikinikilos ng isa sa mga
Nagising na lamang si Ellaine na nakahiga na siya sa isang malambot na kama sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Dama pa niya ang panghihina ng kanyang kalamnan dahil sa pagkuryente sa kanya ni Catherine– ang pekeng heroine! “Letsugas ka, Catherine! Lintik lang ang walang ganti!” inis na pinaghahampas ni Ellaine ang unan sa tabi niya. Natigilan siya. Catherine wouldn’t cause her to faint just so she could let her sleep in a soft bed. May balak ang bruhilda! Naalerto si Ellaine. Kung hindi siya nahanap ng kanyang mga bodyguard, maaaring si Catherine ang nagdala sa kanya sa silid na iyon. Sa tingin niya ay wala itong magandang balalk para sa kanya. Ang silid na kasalukuyan niyang kinalalagyan… hindi maganda ang kutob niya. Pinilit niyang bumangon kahit na hinang-hina siya. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon. She was able to get out of bed but the moment her feet landed on the floor, it was like all her strength was sucked out of her. She fell to her knees by the side of t
Nasa isang charity function si Ellaine. Wala sana siyang bapak na daluhan ang event na iyon subalit nakiusap sa kanya ang organizer na kahit magpakita lang daw siya kahit na kalahating oras lang sa mismong venue at magpakuha ng ilang litrato sa press ay sapat na. Malaki na ang maitutulong ng kanyang pangalan para makahakot ng atensyon mula sa media at sa mga possible donors.Pumayag si Ellaine dahil nagpasabi rin sa kanya ang assistant ni Garreth na dadalo rin ito sa nasabing event.Si Garreth agad ang unang hinagilap ng mga mata ni Ellaine nang makarating siya sa venue. Hindi niya ito nakita sa ballroom area, gayundin ang assistant nito. She looked for a comfort room so she can have some time to herself.Mag-isa lang siya sa comfort room. Tatawagan niya dapat si Garreth para tanungin kung nasaan ito subalit nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Catherine.Kumunot ang noo ni Ellaine nang makita ito. What a small world. Hindi niya inaasahang makikita niya it
“Bakit kailangan kong maparusahan gayong wala naman akong kasalanan? Sila mismo ang lumapit sa’kin. At isa pa, bayad ang transaksyong iyon. Mas mahal pa nga iyon kaysa sa mga dati kong pinupuntahang lugar na may ganoon ring serbisyo. Nakuha namin pareho ang gusto namin. Masuwerte pa nga sila sa akin at medyo normal ang s*xual appetites ko kaysa sa iba na mas extreme ang gusto.”Napangiwi ang karamihan nang marinig ang walang kuwentang pahayag na ito ng pangalawang Tito ni Garreth. Mababakas ni Garreth mula sa mukha ng kanyang pinsan na nagpigil lamang ito nang sobra upang hindi nito maibulalas ang pandidiri sa kamag-anak nilang ito. Nakakasuka na related sila ganitong klase ng tao. Sa huli ay hindi rin ito nakatiis at nagkomento ng, “Tito, Your s*xual appetite isn’t exactly “normal”. You like f*cking teens, barely legal college students. Bukod sa labag sa batas, napaka-immoral pa.”Ngumisi ito. “Kung immoral lang din ang pag-uusapan, sa tingin ko ay mas pasok doon ang isang katulad m
Tahimik ang ancestral house ng Randall Family. Bahagyang nanibago si Garreth sa katahimikan niyon dahill nasanay siyang umuuwi roon sa tuwing may espesyal na okasyon kung kailan madalas ay nagre-reunion ang kanilang angkan. Walang anumang okasyon nang araw na iyon. His grandfather had contacted Garreth and asked him to go back to their ancestral house so he could visit him. Batid ni Garreth na hindi tatanggapin ng kanyang lolo ang isang negatibong sagot kaya nanatili siyang tahimik hanggang sa ipahayag nitong hihintayin siya nito.May ideya na si Garreth kung bakit siya pinauuwi ng kanyang lolo. May kinalaman iyon sa mga kasong kinasasangkutan ng kanyang mga kamag-anak– ng kanyang Tito at pinsan. Mapang-uyam ang ekspresyon ni Garreth. When he was a child, Garret used to look up to his grandfather. The old Randall patriarch was a force to be reckoned with in the business world. Everybody in their caste both look up to him in fear and admiration. He made a formidable figure to his op
Inis na inis si Catherine. She had revealed herself to the Villain! Hindi niya alam kung paano nangyari iyon. She was trying her best to let him fall under her spell pero tulad ng naunang dalawang beses ay pumalpak na naman ang produkto ng System.Si Garreth…She hates him! Ang lakas ng loob nitong pagsalitaan siya. Akala ba nito ay makakaligtas ito? Matteo and Janes have already decided. They wanted his seat. Hindi ito mananalo laban sa kanila, lalo pa at pati si Arturo ay nangakong tutulungan silang makuha ang RanCorp.[Mission to conquer World's Villain… Result: Failed.]Hindi makapaniwala si Catherine sa narinig na announcement na iyon mula sa System. "System! Anong ibig sabihin nito?!" taranta niyang tanong.[Ayon sa analysis ng Main System, wala nang pag-asa na makuha mo ang favorability points galing sa Villain dahil naunos mo na ang tatlong pagkakataon na puwede mong gawin iyon.]"Tatlong pagkakataon? Anong ibig mong sabihing tatlong pagkakataon? Wala namang ganoon sa mga na
“Garreth!” Hindi napigilan ni Garreth ang pagkunot ng kanyang noo nang marinign ang tinig na iyon na tumawag sa kanya. Aakto sana siyang hindi iyon narinig at magpapatuloy sa paglalakad. Subalit hindi agad bumukas ang pinto ng elevator kaya naabutan din siya nito.“Garreth,” malamyos ang tinig na tawag sa kanya ni Catherine Alavarado.Halos mapangiwi siya sa sobrang tamis ng boses nito sa pagtawag sa kanyang pangalan. Kahit ang Assistant niya ay napatingin na sa kanya nang may pagdududa sa mukha nito. Alam naman ng lahat na may asawa at anak na siya subalit heto at may isang babae pa ang naghahabol sa kanya. Tila nakaligtaan ng mga ito na ang babaeng ito na “humahabol” sa kanya ay may asawa na rin at matagal nang kasal.“Please call me “Mr. Randall” since our relationship is purely business,” matiim na wika ni Garreth kay Catherine nang wala na siyang magawa kundi ang lingunin ito at kausapin. Nilakasan pa niya ang pagbigkas sa mga salitang “purely business” para marinig ng kanyang
“It’s Daddy again~” Masayang itinuro ni Raze ang screen ng TV kung saan nakabalandra ang mukha at pangalan at posisyon ni Garreth. Ang mukha nito ang laman ng headlines sa karamihan ng mga locak channels. Nagsipaglapitan ang iba pang mga kapatid nito para makita nang masinsinan ang ama na ilang araw na rin nilang hindi nakikita o nakakausap sa personal maliban na lamang sa ilang maiikling tawag nito para magsabi ng “Good night” sa mga bata. Ramdam ni Ellaine kung gaano nami-miss ng mga ito ang kanilang ama. Ilang beses nila itong hinahanap sa isang araw. Napabuntong-hininga siya bago malumanay na sinaway ang mga bata, “Huwag masyadong lumapit sa TV. Your eyesight’s going to get bad.” “Okay, Mommy~” Simula ng mga suliraning kinakaharap ng RanCorp ay mas lalong dumalang ang pagkikita nila sa personal ni Garreth gayundin ng mga bata. Kung ano namang idinalang nilang makita ito sa personal ay ganoon naman nila kadalas makita ito na laman ng mga balita sa TV at pahayagan. Pagkatapos