Magulo ang isip ni Ellaine. Hindi niya alam kung paniniwalaan ba ang sinabi ni Mrs. Whitehall. Bakit naman ito magsisinungaling sa kanya gayong hindi naman sila magkakilala at wala itong mahihita kung gagawin nito iyon.
Sa umpisa pa lang ay iniisip na niya kung ano ang dahilan kung bakit pinauwi siya ng ama. Ayon sa mga alaala ng Original Owner ay hindi naman nito ugaling gawin iyon. Kaya naghinala na agad siya na nais na makamit at kailangan ang partisipasyon niya, pumayag man siya o hindi.
“Your family is probably selling you off to some dirty old man.”
Isa nga iyong malaking posibilidad. Hindi ba’t halos ganoon din ang dapat na mangyari sa kanya sa orihinal na plotline? Ang naging kaibahan lang ay ng kanyang kasalukuyang sitwasyon ay may direct involvement na ang kanyang ama
“Your lips are so luscious. They could definitely be put to good use.”Umigtad ang palad ni Ellaine at sinampal ito nang malakas. Hindi na siya nakatiis sa mga pinagsasasabi nito– mga magagarang salita na may itinatagong nakakasuka at mabahong kahulugan.Nabigla ang ilang nasa malapit sa kanila sa kanyang ginawa.Marami ang napatingin sa kanila ngunit wala na siyang pakialam.Halos umaapoy ang mga mata nitong nakatuon sa kanya, habang hawak ng isa nitong kamay ang pisnging nasampal. “You b*tch! Why did you do that?!”“B*tch na kung b*tch. And you– you’re a PIG! Nakakadiri ka. Ke dami-daming tao rito tapos yung pangalawang ulo-- “ malakas na napasinghap an
Baldwin. Nang marinig niya ang apelyidong iyon ay alam na niya kung sino ito. Nabanggit rin kasi ang character na ito sa TPW novel, pero ang first appearance nito ay sa future chapters pa. Kaya medyo nagtataka rin si Ellaine kung bakit onstage na agad ito gayong hindi pa naman nagsisimula ang main plot. Epekto ba iyon ng pagdating niya sa mundong iyon, o sadyang nasa tamang lugar na ito ay hindi niya alam dahil sa hindi naman ito nabanggit sa nobela? Hindi siya sigurado.Merryll Baldwin is a wealthy tycoon whose family runs a luxury jewelry brand, Ensemble, that is famous around the world and can even rival those luxury jewerlry brands that had been established long ago. His family owns a couple of gemstone mines that rake in millions, even billions, of profits.M
‘Huhuhuuuu! Bakit ba nangyayari sa’kin ang ganito?’ tanong ni Ellaine sa sarili habang tumatakbo, ang mga kamay ay hawak ang kumpol ng tela ng mahaba niyang damit, at tinatakasan ang mga humahabol sa kanya.Imposible siyang makatakbo nang mabilis kung nakatakong siya kaya una palang ay hinubad na niya iyon ay tinapon pa sa mga humahabol sa kanya. Dahil doon ay kahit papaano ay nagawa niyang ungusan kahit papaano ang mga ito. Ngunit hindi iyon magtatagal.Halata namang highly-trained ang mga ito kaya hindi magtatagal ay maaabutan rin nila siya. Dahil lang sa ilang minuto niyang headway sa mga ito.Kumaliwa siya sa isang pasilyo, kung saan ilang mga nakauniporme ng hotel na iyon ang kanyang nakasalubong. Hindi niya sinubukang humingi n
Nagulat si Ellaine sa narinig. Hindi niya akalain na maliban sa Villain ay naroroon rin sa hotel na iyon ang half-brother nito, si Matteo D’Aquila– ang Third Male Lead!Whoa! Anong feng shui ang umiiral nang gabing iyon at nagtipon-tipon sa isang lugar ang tatlo sa limang male lead candidates ng Heroine?Napasulyap siya kay Aubrey, ang babaerong Fourth Male Lead, at sa Villain, na maliban sa pagiging villain ay ang siya ring Fifth Male Lead na pinakahuling na-in love sa Heroine at hindi natanggap na hindi siya ang pinili kaya pinagbuntunan ng galit ang pinaka-main Male Lead.Medyo nae-excite siya. Gusto niyang makita kung ano ang hitsura ni Matteo. Siguradong guwapo rin ito at makalaglag-panty ang charm. Ebidensya na sina Aubrey at ang Villain na nasa harap niya.
“Fancy seeing you here, Brother.”Nang-uuyam ang ngiting itinugon dito ni Garreth. “Mabuti naman at naisipan mo na ring lumabas sa pinagtataguan mong lungga.”“At s’yempre, nandito rin kami.” singit ni Aubrey na nasa likod ni Garreth. Iyon nga lang ay walang pumansin dito. Hinatak ito ni Zachary paatras para hindi ito masali sa away ng magkapatid.Halos kapareho ng bilang nina Garreth ang bilang ng kasamang tauhan ng kanyang kapatid. Wala naman siyang balak na paabutin sa dahas ang engkwentro nilang ito pero hindi siya sigurado kung pareho ba sila ng iniisip ng kapatid na ito sa ama. Masyado kasi itong nagpapadala sa emosyon at padalos-dalos sa mga kilos nito. Hindi nga niya akalaing makakaya nitong mamuno ng sarili nitong grupo.
Tumigil si Ellaine sa pagtakbo nang makitang walang humahabol sa kanya. Medyo hindi komportable ang kanyang mga paa sa suot na heels na hindi masyadong akma ang sukat sa kanya. Napatingin siya sa mga iyon.Ibinigay sa kanya ni Martin ang nakakahong pares na iyon bago sila makarating sa private lounge bar. Maliban sa hindi saktong sukat, ang kulay nito ay bagay ipareha sa kanyang suot na evening dress.Kumplikado ang kanyang nararamdaman.Alam niyang nanggaling iyon sa Villain. Napansin pala nito na wala siyang suot na panyapak. Hindi naman magkukusa si Martin kung hindi ito ang nag-utos dito.Napabuntong-hininga siya. Magaling ang pagkakadisenyo ng Author sa personality nito dahil kahit na ito pa ang main antagonist sa nobela ay may mga simpleng kabutihan pa
“Something that I can do? Or something that you want me to do, while you stay at the side and reap the benefits.”“Do you… know?” hindi siguradong tanong ni Lexie kay Ellaine.“Know what?” maang-maangan nitong balik-tanong.Mainitin ang ulo ni Lexie at hindi marunong magtimpi.Nairita siya dahil sa pagpapa-mysterious effect ni Ellaine. Noon pa man ay hindi na niya ito gusto. Sigurado siyang hindi na nito naaalala ang kanilang kabataan, pero schoolmates na sila noong sila’y nasa elementary pa lamang.Ellaine used to be known as their school&rs
Ayan na naman ang salitang iyan na una niyang narinig mula kay Edgar– responsibilidad.Responsibilidad niya.Puro sila sabi ng sabi na tungkulin niyang tuparin ang kanyang responsibilidad sa pamilya nila pero sila mismo ay hindi naman nagawa nang maayos ang responsibilidad nila sa Original Owner.“Ano ang gusto mong gawin ko, Dad?” diretsahang tanong ni Ellaine sa ama.“We… want you to get to know a few people– to develop reliable contacts. Makatutulong din naman ito sa’yo when you become an artist. That’s what you wanted right? Knowing a lot of connections will help you sell your works better, reach a wider audience.”“Develop reliable contacts? Iyon lang?&rd