Share

178

“I just can’t accept it!” Bumuntong-hininga si Aubrey. “Why does she have to be married? Why does she have to have a husband? Where does it leave room for me in her life?”

Kinalma ni Garreth ang sarili. Kalahating oras na siyang nakikinig sa mga hinanankit ni Aubrey sa buhay at malapit nang masaid ang kanyang pasensiya dahil paulit-ulit lang ang sinasabi nito. Noong una ay nagagawa pa niya itong intindihin subalit habang tumatagal at nagpapatong-patong ang mga trabahong hindi pa niya natatapos ay nagsisimula nang uminit ang ulo niya.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya kinunsinti si Aubrey na magkaroon ng habit na bisitahin ang kanyang opisina sa gitna ng trabaho para lamang aksayahin ang kanyang oras sa mga bagay na sa tingin niya ay wala namang kakuwenta-kuwenta.

Lihim siyang napabuntong-hininga. Sa tagal ng kanilang pinagsamahan, batid niyang ang tanging sanhi ng pagkabalisa nito ay walang iba kundi problema sa babae. Kahit noon pa man ay iyon lang ang dinaramdam ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status