Share

168

Tahimik na pinanood ni Ellaine ang iba’t ibang eksenang kasalukuyang nagaganap sa kanyang paligid. Nakakasilaw ang kinang ng lugar at ng okasyong iyon. Ilang mga sikat na artista na napanood niya sa TV, at ilang mga kilalang personalidad na madalas na laman ng mga balita at pahayagan ang nakita niyang may kanya-kanyang kinabibilangang mga kumpol at mga sariling grupo.

Ang pumapailanlang na musika… Ang mga bulungan, halakhak, at mga usapan… Ang marangyang okasyon… Si Garreth sa ilalim ng mga ilaw…

Nasa gitna siya niyon subalit para bang nasa labas lamang siya ng niyon at hindi nabibilang sa nagaganap na kasiyahan. Pakiramdam niya ay may isang linyang siyang naghihiwalay sa kanya sa karamihan.

Umiling-iling si Ellaine para pawiin ang pakiramdam na iyon.

Isa-sang nagsipagdatingan ang mga panauhin. Ang kanilang bawat kilos at galaw ay nagpapakita na sa tanan ng kanilang inilagi sa mundo ay hindi sila kailanman nakaranas ng matinding paghihirap.

Nakaramdam ng kaunting inggit si Ellaine
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status