Share

171

Hindi rin nakatiis si Ellaine at nilapitan sina Garreth kahit na medyo iritado siya sa sarili dahil pakiramdam niya ay umaasta siyang isang stalkerish girlfriend o kaya naman ay parang isang jealous wife. Sa huli ay hindi niya napigilan ang sarili. Inisip na lang niyang dahil sa kuryosidad kaya siya lumapit sa kanila, kahit na ang totoo ay kanina pa tila may pumipintig na ugat na ugat sa kanyang sentido dahil nakita niyang palapit na nang palapit si Catherine kay Garreth.

Mula sa kinatatayuan niya na hindi naman gaanong kalayuan sa mga ito, wala na halos distansya sa pagitan ng dalawa. Nakikita niyang may sinasabi si Catherine kay Garreth na siyang nagpakunot sa noo nito. Nakita rin niyang pasimpleng dumantay ang isang palad ni Catherine sa braso ni Garreth.

Medyo masakit sa mata tingnan kaya mabibigat ang hakbang niyang lumapit sa mga ito. Kinontrol pa niya ang kanyang bawat hakbang para hindi siya magmukhang may susugudin.

“... Matteo told me that he looks up to you as his older br
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status