Share

159

Catherine Martinez– iyon na ang pangalan niya at pagkakakilanlan. ang kanyang bagong katauhan sa kanyang ikalawang buhay. Ilang araw rin ang lumipas bago siya nasanay sa pangalan na iyon. Ang bansag na siyang ipinagkaloob sa kanya ng kanyang mga magulang ay ibinaon na niya sa limot bilang pagyakap sa kanyang panibagong buhay.

Paminsan-minsan, may mga pagkakataon pa rin na nakakaligtaan niyang iba na ang kanyang pagkatao. Nariyang hindi niya namamalayang tinatawag na pala siya ng iba gamit ang kanyang bagong pangalan ngunit hindi siya agad nakakasagot. Akala tuloy ng karamihan sa mga nakakakilala sa kanya ay absentminded siya. 

Sa nakaraan niyang buhay, ang may-ari ng pangalang iyon ay kanya lamang tinitingala mula sa malayo, hinahangaan at siya ring kinaiinggitan at labis na pinagseselosan. Ang buhay na mayroon ito… ngayon ay hawak na niya ito

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status