Home / Romance / Runaway / Chapter 1

Share

Chapter 1

Author: Esereth
last update Last Updated: 2021-10-24 14:54:50

Tatlong taon. 

Tatlong taon na ang nakalipas matapos ang aming paghihiwalay nang wala man lang maayos na pagpapaalam at malinaw na dahilan. Masakit man ngunit kailangan pa ring bumangon lalo na't para sa anak ko—sa anak namin, si Beatrisse. Yes, I named her after me—derived from my second name. Si Bea ang naging kalakasan ko noong mga panahong lugmok na lugmok ako. 'Yong mga panahong iniwan niya ako nang walang dahilan. 

Sinubukan kong mag-move on, kalimutan siya na tila walang nangyari ngunit mahirap. Daig ko pa ang natengga sa mabigat na trapiko sa EDSA. Sobrang hirap kalimutan 'yong taong minahal mo nang sobra. Iyong taong ipinagdasal mo sa Diyos. Iyong taong ibinigay mo ang lahat. Iyong taong kung saan nakikita mo na ang kinabukasan mo sa kanya.

Ang hirap lamang pakawalan ng taong iyon.

Nasa may lobby kami ng Montajo General Hospital, naghihintay sa paglabas ng mga beteranong doktor na sina Dr. Weasley Montajo, ang medical director ng ospital na ito, Dr. Nathan Reyes, ang Father of Neurology, at si Dr. Jay Sevilla. 

Wala akong masyadong alam tungkol sa buhay ni Dr. Sevilla. Basta ang alam ko lang ay isa siyang pediatrician. Nakilala lamang siya dahil sa sunod-sunod niyang successful operations. Ang isa sa mga greatest achievement niya ay ang kaso ng conjoined twins na magkadikit ang d****b kamakailan lamang.

Naging 50-50 ang chance ng kambal. Maaaring isa sa kanila ang mamatay o mabuhay kung ipagpapatuloy ang operasyon. Ito na ata ang pinakamahirap at pinaka delikado na kasong hinawakan ni Dr. Sevilla. Kaso mukhang sisiw lang sa kanya dahil naging matagumpay ang operasyon at parehong nabuhay ang mga bata. 

Dahil din doon, naging matunog ang kanyang pangalan. Ngunit ayaw na ayaw niyang magpaunlak ng panayam. Masyadong pribado ang buhay niya kaya walang nakakaalam ng tunay niyang katauhan. Isa siyang misteryo ngayon sa mga mata ng madla. Hindi ko alam kung anong rason niya, o anong pakulo ito, pero there is something in him that made me more curious about him.

May girlfriend na kaya siya? Asawa?

“Girl, palabas na sila.” Naputol ang aking pagmumuni-muni nang kalabitin ako ni Isabelle, katrabaho ko't college friend. 

Actually, magkaklase kami noong college. Dahil hindi na kami mapaghiwalay pa, napag-desisyunan namin, kasama si Maegan, na sa iisang kompanya na lamang kami magtrabaho and luckily, tatlo kaming natanggap.

Inihanda ko na ang mga gagamitin ko gaya ng recorder, camera, at steno notebook. Syempre, hindi lang naman dapat sa recorder aasa. Sulat sulat din 'pag may time. At isa pa, dapat maraming back up plans. Para kapag nag fail si plan A, may plan B pa at marami pang plano.

Gano'n dapat tayo kahanda, mga mamsh.

Excited kaming nagsipasukan sa loob ng conference room. Bukod sa importante ang pag-uusapan, ay ito rin ang kauna-unahang beses na makikita on national television si Dr. Sevilla.

In-imagine ko na nga kung anong hitsura niya e. Hay naku, malamang gwapo 'yon!

Bawat upuan ay may nakalagay nang pangalan ng mga media and newspaper company and organization. Ibig sabihin ay ito ang mga imbitadong press na maaaring mag-cover ng press conference na ito. Nakita na namin ang pangalan ng Manila Daily Times na nakapaskil sa monoblock. Lima kasi kaming ipinadala para sa araw na 'to—ako, si Isabelle, Maegan, Beverly, at Simon, na siyang kukuha ng video.

Magkakatabi kaming lima. Kilig na kilig na tumili itong si Beverly sa oras na makaupo kami. Halatang sa aming apat, excluding Simon, ay siya ang pinaka-excited.

“Kinikilig ako! Makikita ko na ang crush kong si Dr. Sevilla.” Nagpapapadyak si Beverly na animo’y may kiti-kiti sa katawan. Tinaasan lang siya ng kilay ni Isabelle. Ewan ko ba rito sa babaeng ito. Sa simula’t sapul ay talagang mainit na ang ulo niya kay Beverly. Mabait naman siya. Siguro ay may ugali lang siya na hindi nais ni Isabelle.

“Crush ka ba?” Pangbabara ni Isabelle kay Beverly. 

Hindi na lang sumagot si Beverly at inirapan niya si Isabelle.  Sinuway ko si Isabelle at baka kung saan pa mapunta ang kanilang away.

Lumabas na si Dr. Weasley Montajo, ang medical director ng MGH. Ang ama ni Dr. Montajo, the late Dr. Enrico Montajo, ang siyang founder ng ospital na ito na itinatag taong 1980. Ang pamilya Montajo ang isa sa mga prominenteng pamilya ng mga doktor dito sa Pilipinas. Mula sa ninuno, hanggang sa kasalukuyang henerasyon, sa mga anak ni Dr. Weasley ay dala-dala na nila ang pagiging doktor.

Malapad ang ngiti ng doktor at nakuha pa nitong kumaway nang humarap siya sa aming mga press. Isa pang kinagigiliwan ng lahat kay Dr. Montajo ay pagiging jolly nito. Sa tuwing nagpapa-press conference siya ay hindi nawawalan ng tawanan at syempre, 'di rin papahuli ang kanyang pa-free lunch.

Paglabas ni Dr. Montajo ay sumunod naman sa kanya si Dr. Nathan Reyes, isa sa pinakatanyag at pinakamagaling na neurosurgeon. Halos lahat ata ng mga medicine student ay iniidolo siya dahil sa kanyang angking galing at sa kanyang libro na talaga nga namang ginagamit sa mga med school.

Isang tao na lamang ang hinihintay ngunit mukhang wala pa siya kaya kinuha ni Dr. Montajo ang mikropono sa kanyang harapan. Tinapik niya muna ito upang i-test kung may tunog ba.

“Good morning, ladies and gentlemen. I would like to apologize that Dr. Sevilla won't be able to join us because of some circumstances. Thank you.” Pagkatapos niyang mag-anunsyo ay napansin ko ang pagkairitang ekspresyon sa kanyang mukha pati ang paghaba nito. Marahil siguro ay dahil sa biglaang pag-alis at hindi pagdalo ni Dr. Sevilla sa press conference na ito.

Nalungkot ang lahat dahil sa balitang iyon dahil siya nga naman talaga ang ipinunta ng nakararami rito. Umani ng samu’t saring reaksyon ang anunsiyong iyon at kabilang na si Beverly na narinig kong nagreklamo kesyo sana hindi na lang daw siya sumama gayong 'di rin naman niya pala makikita ang kanyang 'crush.' Napailing na lang ako.

Pero sa totoo lang, nalungkot din ako. Gusto ko rin talaga siyang makita dahil sobrang na-cu-curious ako sa kanyang pagkakakilanlan.

Sa kabila ng hindi pagdalo ni Dr. Sevilla ay mas piniling ipagpatuloy ang press conference. Ika nga, the show must go on. Tatlong oras din ang itinagal nito at katatapos lamang ngayon. Bukod sa mahirap mag-transcribe, ay pahirapan na naman sa paghahanap ng magandang anggulo, kung anong papatok at bebenta sa takilya. Dahil tapos na ay pinalabas na kami upang makakain sapagkat nagpa-catering pala sila. 

Perks of being a journalist, I guess.

Humahaba na ang pila kaya pumila na kami. Sino ba naman kasing hindi magugutom sa tatlong oras na puro salita lamang, ‘di ba? Panay lang ang kuwento ni Beverly at wala rin naman akong balak pakinggan ito dahil paulit-ulit lang naman. Wala na siyang ibang bukambibig kundi si Dr. Sevilla. Kaya't heto ay nagbabangayan na naman sina Isabelle, na kahit kailan ay mainit ang dugo parati kay Beverly.

“Feelingera ka na naman girl, ha? Naku, nakamamatay 'yan.” Tinaasan siya ng kilay ni Beverly saka inirapan. Napailing na lang ako. Si Isabelle talaga, laging mainit ang ulo kay Beverly may ginagawa man ito o wala. 

Napahinto ako saglit, at hindi ko na rin naintindihan ang kanilang usapan, nang may nakita akong isang pigura ng tao sa loob ng conference room. Napaka-pamilyar nito sa akin ngunit hindi ko maalala kung sino. Napatingin ako sa pila na mukhang malayo-layo pa naman kami kaya nagpaalam muna ako sa aking mga kasama.

“Guys. CR lang muna ako, ha? I-reserve ninyo na lang ako ng pila.” Tumango lamang sila pagkatapos ay umalis na ako.

Pumunta ako sa direksyon papuntang banyo upang hindi nila mahalata. Mabuti na lamang ay papunta rin iyon sa conference room.

Nang masiguro kong hindi na nila ako abot-tanaw ay dahan-dahan akong pumasok sa loob at nakita kong may kausap si Dr. Montajo. Hindi ko nga lang makita ang mukha sapagkat nakatalikod ito.

Pinasadahan ko ng tingin mula ulo hanggang paa at pinakatitigang mabuti. Likod pa lamang ay alam ko nang gwapo si Dr. Sevilla. Matikas na pangangatawan at biceps niyang hapit na hapit sa manggas ng kanyang damit. 

Na-realize ko ang kagagahang ginagawa ko ngayon kaya agad kong inayos ang sarili ko. Am I simping over him? Kulang na lang ata maglaway ako e. Luminga-linga ako kung may nakakita ba ng ginawa ko at mabuti naman ay wala. Mahiya ka naman, self!

Nagtago lang ako sa likod ng pintuan para hindi nila ako makita at tinakpan ang aking bibig upang hindi ako makalikha ng ingay. Minabuti kong makinig sa kanilang usapan.

“What's wrong with you, Jay? Bakit hindi ka man lang nagsabi agad? Alam mo namang napaka-importante ng press conference na ito.” I gasped in silence, realizing that it was Dr. Jay Sevilla. Yes, si Dr. Sevilla ang kinakausap ngayon ni Dr. Montajo at mukhang seryoso ang usapan nila base sa ekspresyon ng mukha nito. Pinagpatuloy ko ang pakikinig at sumilip ako ng kaunti sa kanila.

Napabuntong-hininga si Dr. Sevilla. “I'm sorry, Dr. Montajo. I'm just not ready for this. Please give me more time.”

“Damn, Sevilla. I have already given you so much time! Ano pa bang gusto mo, ha?!”

Hindi nakasagot si Dr. Sevilla. I felt pity for him all of a sudden. I'm sure he has reasons why he chose not to attend the conference. And whatever reason it is, I understand him.

Akala ko may pag-uusapan pa ang dalawang doktor nang magpaalam na siya kay Dr. Montajo at tumalikod na. Agad naman akong nagtago at umalis sa kinaroonan ko sa takot na baka mahuli ako.

Dumeretso ako patungong CR at doon nagtago sa likod ng hamba. Sumilip ako at nakita kong papalabas na ng conference room si Dr. Sevilla. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maaninag ko na ang kanyang mga mata. Napaka pamilyar nito ngunit hindi ko lang maalala.

This is it, pancit! Makikita ko na ang mukha ng misteryosong si Dr. Sevilla. At hindi ko na palalampasin pa ito...

“Girl excuse me. 'Wag ka ngang humarang sa daan.” Nasira ang pag-aabang ko nang dakdakan ako ng babaeng kaharap ko. Napatingin ako sa aking kinatatayuan at tama nga. Nakaharang nga ako. Nginitian ko na lang siya at humingi ng pasensya. Pero inirapan lang niya ako.

Umismid ako. Akala mo kung sinong maganda.

Bumalik ako sa pagmamasid ngunit sa kasamaang palad ay nawala na si Dr. Sevilla sa aking paningin. Napamura tuloy ako.

I cursed under my breath. Gusto ko man sisihin ang babaeng iyon ngunit wala Wala na akong oras pa. Kumaripas ako ng takbo palabas. Wala na akong pakialam kung may mabangga man ako. Basta ang importante ay maabutan ko si Dr. Sevilla! 

Nagliwanag ang mukha ko nang maabutan ko si Dr. Sevilla palabas ng lobby. Nakatalikod pa rin ito dahil nga naglalakad siya nang maramdaman kong may humablot sa siko ko kaya’t napalingon ako.

“Pamela! Saan ka pupunta? Bakit parang nagmamadali ka?” Paglingon ko, si Maegan pala. May dala-dala siyang plato na may lamang napakaraming pagkain na akala mo'y hindi na pinapakain.

“Ah... E-Eh...” Napahinto ako. Teka, ano ba sasabihin ko rito? Mahirap din kasing mauto ang isang 'to e. Kaya kailangan talaga ay pag-isipan nang mabuti.

Aha! Alam ko na.

“A-Ah, sis. Kailangan ko nang umalis. Kasi tumawag sa akin si Mama at nagpapasundo si Bea. Sige, sis. Alis na ako, bye!” tuloy-tuloy kong sabi. Magsasalita pa sana si Maegan ngunit agad na akong tumalikod at mabilis na umalis.

Nang makalabas ako ay agad hinagilap ng aking mga mata si Dr. Sevilla. Mabuti lang ay kahit may astigmatism ako, nakita ko siya agad. Papasok na ito sa kanyang itim na kotse.

Naisip kong kuhanan na lang siya ng picture para may proof ako na nakita ko na ang kanyang mukha ngunit sa taranta ko ay nahirapan akong mahanap ang aking cellphone. Nang makuha ko na, ay saka namang nakasakay na ito sa kanyang kotse. Hindi ko na tuloy makita ang kanyang mukha dahil heavily tinted ang kotse.

“Sh*t! Sh*t!” inis akong napamura at nagpapa-padyak. Mabilis kong tinungo ang aking kotse. Good thing is, dinala ko ito. Kaninang umaga ay hindi na dapat pa ako magdadala ng kotse ngunit dahil bukod sa maii-stuck ako sa traffic, expect ko na mapupuno ang parking ngunit pinilit ako ni Mama. At buti na lang ay nakinig ako sa aking ina.

Sinundan ko ang papaalis na kotse ni Dr. Sevilla. Hindi ko alam kung saan siya pupunta basta ang mahalaga ay maabutan ko siya. Kung saan-saan din siya dumaan. 

Pakiramdam ko tuloy ay natunugan na niyang may sumusunod sa kanya kaya minabuti kong layuan ang distansya para hindi rin siya makahalata. Huminto ang kanyang sasakyan sa isang condominium. Sa tingin ko ay dito siya tumutuloy ngayon. Tumabi ako kung saan safe at hindi ma-to-towing ang kotse ko. Mahirap na at baka hindi ko na 'to mabawi pa.

Sinigurado ko munang nakapasok na siya nang tuluyan upang 'di niya mapansin na nakasunod ako. Agad kong kinuha ang bag ko saka lumabas ng kotse.

Napa-sign of the cross ako. Jusko. This is it! Sana naman ay maging successful itong pinaggaga-gawa ko. Lumapit ako sa may reception area.

“Good morning! May I know kung saan ang unit ni Dr. Sevilla? U-Uhm, I'm friend of him.” I did all my best. Pakapalan na 'to ng mukha. Hindi ko alam kung na-convince ko ba 'yong receptionist e. Pero sige. Push na lang natin ito.

Mukha namang nakumbinse ko ang receptionist dahil sinabi rin niya sa akin sa huli ang unit number ni Dr. Sevilla. I also surrendered my identification card at pumirma sa logbook. Pagkatapos niyon ay nagkukumahog akong dumeretso patungong elevator.

Sa ikatlong palapag lamang ang kanyang unit pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na sa loob ng elevator. Na-diagnose din kasi ako noon na may claustrophobia kung kaya sa t'wing mag-isa lang ako sa mga closed room ay bumibilis ang tibok ng aking puso, at tila kinakapos ng hininga.

Natapos din ang aking pagdurusa sa loob ng elevator na 'yon. Sa susunod nga ay maghahagdan na lang talaga ako. Naabutan ko pa si Dr. Sevilla na naglalakad patungo sa kanyang unit. Pero napahinto ito at lumingon. Sa kaba ko ay agad akong nagtago sa may fire exit.

Sh*t. Nakita kaya niya ako?

Ngayon nagsisisi na ako kung bakit ko pa siya sinundan hanggang dito sa kanyang condo. Mukha tuloy akong stalker! Ang gaga mo talaga, Pamela!

Huminga ako nang malalim at saka ibinuga ito. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Nang maging okay na ako, sumilip ako upang tignan kung nandoon pa ba siya. Nang masiguro kong wala na si Dr. Sevilla ay lumabas na ako mula sa aking pinagtataguan.

Nakahinga ako ng maluwag. Muntik na ako doon ah. Naku, 'pag nagkataon ay malalagot talaga ako sa doktor na 'yon. Hahakbang na sana ako papunta sa kanyang unit nang mayroon akong maramdamang mainit na hininga sa aking batok na nagbigay ng kilabot sa akin.

“Who are you! What are you doing here? And are you stalking me?”

Related chapters

  • Runaway   Chapter 2

    “Saan ka nagpunta kahapon?” Iyan agad ang bumungad sa akin pagkapasok ko pa lang ng opisina. Inilapag ko muna ang bag ko sa aking table at saka nilingon si Isabelle. “Huh?” Tila lutang na lutang ako’t walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid. Tinaasan niya ako ng kilay. “Anong huh? Bigla ka na lang nawala. Sabi mo, mag-c-cr ka lang pero 'di ka na bumalik.” Napakagat ako sa ibabang parte ng aking labi nang maalala ko ang nangyari kahapon. Sinundan ko lang naman hanggang condo si Dr. Sevilla at muntikan pa niya akong mahuli! Akala ko nga ay katapusan ko na. Mabuti na lang at nag-ring ang kanyang cellphone, nakipag-usap saglit, at saka umalis. Umiwas ako ng tingin kay Isabelle. Hindi niya pwedeng malaman na sinundan ko si Dr. Sevilla at sigurado akong magugulantang siya. Nakatingin pa rin siya sa akin, hinihintay ang aking sasabihin nang kalabitin ako ni Beverly. Gulat akong napalingon sa kanya. “Jusko naman, Bev. Aatakihin ako sa'yo!”

    Last Updated : 2021-10-24
  • Runaway   Chapter 3

    Sandali kong isinantabi ang agam-agam kong posibleng nagkita ang mag-ama kahapon at maaaring iisa lang si Dr. Sevilla at si Jack dahil masyado akong focused ngayon sa pangangalap pa ng mga impormasyon ukol sa diumanong korapsyon na nagaganap sa MGH. Sa ngayon, naghihintay pa kami ng update mula sa whistleblower kung kailan siya maglalantad. Hindi kasi namin siya basta-basta pwedeng pilitin na magpakita dahil nakasalalay rito ang kanyang kaligtasan. Subalit nangangamba pa rin ako na pupwedeng maghinala si Janelle na anak ko si Bea sa kanyang kuya lalo nang tawagin ako nitong mommy. Tiim-bagang lamang akong nakatingin sa aking monitor at tanging tipa mula sa keyboard ang naglilikha ng ingay. Kakaunti lamang ang lumabas na resulta matapos akong magsaliksik ng impormasyon doon. I kept on scrolling, hoping that I would see more information. Napunta na ako sa ikalimang pahina at saka lang may isang news article ang nakapukaw ng atensyon ko. It was dated las

    Last Updated : 2021-11-08
  • Runaway   Chapter 4

    Sa edad na labing-anim, wala naman talaga akong alam sa pag-ibig. Pero dahil sa pakikinig ng mga iba’t ibang kuwento ng karanasan ng mga kaibigan ko, kahit papaano, naipapasilip nito sa akin kung ano nga bang pakiramdam ng in a relationship—iyong makaramdam ka ng pagmamahal sa isang tao. At this age also, I just discovered they called “dating apps.” Believe it or not, sa aming limang magkakaibigan, ako ang pinaka-late bloomer. They have already experienced the things that the teens like me are supposed to try and enjoy. Habang ako, ito, nasa gilid lamang na parang isang patatas. "Oh my gosh, mga be!" Impit na tili ni Shayne. Nagtataka pa 'kaming tumingin sa kanya habang abalang gumagawa ako ng aming research sa aking laptop, kasama si Mari, na siyang leader namin. At nandito kami sa bahay nila,

    Last Updated : 2021-11-16
  • Runaway   Chapter 5

    Humahangos akong papasok ng school clinic nina Bea. Mabilis siyang hinagilap ng aking mga mata at nakahinga naman ako nang maluwag nang maabutan kong gising ang anak ko. Katabi niya ang kanyang homeroom adviser na si Teacher Faith at magkausap sila.Napansin ni Teacher Faith ang aking presensya kaya agad siyang tumayo sa kanyang kinuupuan to give way for me. Lumawak ang ngiti ng aking anak at agad kong sinalubong ng yakap at halik nang makalapit ako sa kanya."How's my baby girl? May masakit pa ba sa'yo?" I asked her. I also check her temperature at sinipat-sipat ko ang kanyang leeg at noo. Baka may lagnat pa ngunit nasa normal na ang kanyang temperatura."I'm fine, Mommy. Look, I'm strong!" Then she poses like a strong man. She showed me her muscles na ikinatawa ko naman. My baby girl never fails to amuse me. She is my ray of sunshine kaya kahit gaano kapagod at stressful ang araw ko, makita ko lang ang anak ko, nawawala lahat ng iyon.The school doctor

    Last Updated : 2021-11-22
  • Runaway   Chapter 6

    Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon habang ang mga tao sa’king paligid ay nagkakagulo—may nagsisigawan, nag-iiyakan habang humihingi ng tulong, at nagtatakbuhan. Natauhan lang ako nang may makabangga sa akin. Nanginginig akong lumakad papalapit sa katawan hindi pa nakikilalang tao—nakasuot ng black na hoodie.I just then realized who he was—the whistleblower that I was supposed to meet! Napsinghap ako’t napatakip ng bibig. My knees started to get jelly and my tears were swelling up. This was my first time seeing a lifeless body. Never din naman akong napunta sa ibang beat katulad ng patayan kaya natural lang na ang maging initial reaction ko ay matakot.Naalala kong sumabak din ako sa first aid training noong college ako kaya nang mahimasmasan ako ay agad kong nilapitan ang walang malay na katawan ng whistleblower habang naliligo sa sarili niyang dugo. Pinaalis ko rin ang mga taong nakapalibot sa kanya at pinakita ang ID k

    Last Updated : 2021-11-30
  • Runaway   Chapter 7

    Bago magsimula ang aking klase ay inimbitahan ako ni Jack na kumain sa labas. Hindi naman ako nagdalawang-isip pa sapagkat gutom na ako’t mamayang ala una pa ang klase ko. Dinala ko siya sa isang kainan kung saan nagbebenta ng mga masasarap na siomai.Sa totoo lang, first time ko lang makakakain dito dahil hindi ko pa gaanong nalilibot ang palibot ng university. At saka narinig ko lang naman ang kainan na iyon sa mga kaklase ko dahil panay ang banggit nila rito na kesyo masarap daw kaya naisipan kong dalhin si Jack para mahusgahan niya kung tama nga ba ang mga testimoniyang iyon.Pero sabi naman ni Jack, nakakain na raw siya rito nang mag-enroll siya. Napabusangot ako nang malaman iyon. Nakakahiya lang na ako ‘tong taga-Maynila hindi makakain-kain sa mga kainan dito malapit sa university samantalang siya na taga-probinsiya ay naunahan pa ako? Nasaan ang hustisya?Medyo puno ang kainan sapagkat lunch time. Buti na lang, pagkarating namin may umalis ag

    Last Updated : 2021-11-30
  • Runaway   Chapter 8

    I have never been so traumatized like this before. Until now, I still picture Dennis’ face in my head—yes, Dennis was his name—a gunshot wound on his head, and his body showered in a pool of blood. Dennis Nacion. Nalaman ko ‘yon during the police’s investigation. The good thing was Dennis brought his bag and he had his government ID with him kaya nalaman ko ang kanyang pagkakakilanlan. Habang nasa ambulansya kami kahapon papuntang ospital ay may nakita akong maliit na papel na hawak-hawak ni Dennis. Kunot-noo kong kinuha iyon. Binuksan ko ang lukot na papel May nakasulat doon na combination of numbers and letters ngunit hindi ko naman ma-gets kung anong ibig sabihin at para saan iyon. M6-nt2-5O Bakit may hawak-hawak na papel si Dennis na may nakasulat na gano’n? Anong ibig niyang iparating? Hindi kaya may kinalaman ito sa MGH corruption issue? Itinago ko muna ang papel na iyon sa aking wallet habang di ko pa nadidisku

    Last Updated : 2021-12-02
  • Runaway   Chapter 9

    The butterflies in my stomach couldn’t stop bursting in joy the moment I heard those words from the woman I still loved all these years. It was like music to my ears that I would love to be on repeat all day and all night. “Let’s start again. I’ll let you explain everything.” I was awed on that day, and I couldn't believe that despite the pain I had caused to her three years ago, she would give me another chance to explain my side. To be honest, hindi ko naman talaga ginustong iwanan noon si Pamela sa araw mismo ng kasal namin. Damn, God knows that I had waited for that day to come; it was the day I was excitingly looking forward to—Pamela to become my wife and the mother of my children, to become Mrs. Martin finally. It’s just that… I have my reasons that I couldn’t tell because I don’t want to put my loved ones’ lives at risk. I only did what I thought was the best for them. But today, I am determined and ready to tell my side. Wala na akon

    Last Updated : 2021-12-24

Latest chapter

  • Runaway   Chapter 19

    Napagod na napagod ako nitong nakaraang linggo. Buong linggo kaming nagtulungan nina Jericho at Jack para makabuo ng impormasyon tungkol sa mga alegasyon ng korapsyon. Nagsimula ako ng araw na puno ng pag-asa, ngunit matapos ang mahahabang oras ng pagtatrabaho, parang gusto ko na lang humiga at kalimutan ang lahat. Sa wakas, natapos ko rin ang mga kinakailangang dokumento at huminga ng malalim, nagpasalamat na hindi na kailangang mag-isip pa ng ibang bagay sa mga susunod na oras.Kaya nang tumawag si Jericho, nagulat ako. “Pamela,” sabi niya sa kabilang linya, “gusto mo bang lumabas?” Nakaramdam ako ng kakaibang kilig, pero hindi na ito kaila sa akin. Matagal nang vocal si Jericho tungkol sa nararamdaman niya sa akin, at sa totoo lang, hindi ko naman siya tinatanggihan. Kaya't sumang-ayon ako, at sa loob ng ilang minuto, nasa sasakyan na ako papuntang street food market.Nang makababa ako, isang alon ng nostalgia ang bumalot sa akin. Agad kong naalala ang si Jack nung college. Sa tu

  • Runaway   Chapter 18

    Paskuhan is just around the corner, and everyone is gushing about their date while I, just giving them a cold stare including Andre and Maegan. Well, sila lang naman ang magka-date for Paskuhan.At kahit hindi nila sabihin, alam kong may namamagitan na sa kanila. Duh, obvious naman sa mga mata nila. Gaya ng sabi ko, mapangmasid ako at konting galaw lamang ng mga tao, o ultimong maliliit na detalye tungkol sa kanila ay napapansin ko.Nasa KFC kami ngayon nakatambay dahil mahaba-haba ang vacant namin. Hinihintay ko ‘yung dalawa dahil sila ang nag-order ng lunch namin. Nagpalibre na lang din ako dahil wala akong ganang ilabas ang wallet ko.Hanggang ngayon ay galit pa rin ako kay Jack. Ni hindi man lang siya nag-sorry sa akin. Grabe, napakagaling niya at nagagawa niyang matiis ako? Pwes, hindi ako papatalo at kaya ko rin siyang tiisin. Bahala siya, hindi ako ang lalapit sa kanya. Manigas siya.Pero sino nga ba ako para suyuin niya? E hindi naman kami mag-jowa!“Ang haba na naman ng mukha

  • Runaway   Chapter 17

    Wala nang mas gugulo pa sa buhay ko the moment that a certain Josiah Zamora from College of Accountancy entered to my life all of a sudden. At isa pa, feeling ko ang ganda-ganda ko. Isa lang naman siya sa mga crush ng bayan sa kanilang department. We were taking a break—a one-hour vacant before our —when my phone suddenly vibrates. Agad ko naman itong kinuha mula sa bulsa ko. Nagsalubong ang kilay ko nang isang hindi rehistradong numero ang tumatawag sa akin. Like what I’ve said, hindi ako mahilig sa tawag lalo na kapag mula sa isang taong ‘di ko kilala at wala sa contacts ko. Kaya much better kung magpapakilala muna through text. Although my hands were shaking due to my anxiety, I still managed to answer the call. “H-Hello? Who’s this?” My voice was also cracking and my hands still trembling. Kinakapos din ang hininga ko dahil sa bilis ng tibok ng aking puso. “Hi, Pamela. Good to hear about you after a week.” My heart fluctuated as I hear his deep and well-modulated voice. Pamilya

  • Runaway   Author's Note

    Hello, everyone! Sorry for not updating for several months. I've been busy with my studies including thesis and organization duties. Our finals week has just concluded recently, and I can say that finally, I am done with the semester and just waiting for the graduation. Thus, I can now focus on writing. Starting this June, since I have a lot of time now though I wil probably look for a job after the graduation, I will schedule the dates for my story update.Please expect that any time this coming month, there will be an update for the next chapter.Thank you so much!- Esereth

  • Runaway   Chapter 16

    Shocking. Nerve-wracking. Terrifying.That’s how I describe what I feel right now after Mariana delivered the news to us—Dennis was found dead on his ward at exactly 6:45 in the evening. Her voice was shaking and crying while she told us how it happened over the phone.Kuwento niya, galing daw siya ng convenience store at bumili ng makakain. Ngunit pagbalik niya, ang akala niyang natutulog lamang na asawa niya ay isa nang bangkay. Of course, it was very traumatic for her. Nakita ng dalawang mata niya ang itsura ng kanyang asawa nang mamatay ito.Agad kaming nagtungo ni Mr. Cheng sa ospital sa oras na matanggap naming ang balita. Tinawagan na rin niya ang kakilalang abogado at papunta na raw ito.Hindi mapalagay ang loob ko habang nasa byahe kami. Ngayong namatay na si Dennis, ang siyang tanging nakakaalam ng lahat tungkol sa diumanong korapsyon sa loob MGH, nawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng impormasyon dahil w

  • Runaway   Chapter 15

    Kinabukasan, agad na umuwi si Pamela pagkagaling kina Jack. Ayaw pa sana siyang pauwiin ng ina ng binata na si Josie ngunit kinakailangan na niyang umuwi dahil bukod sa may trabahong naghihintay sa kanya ay hinahanap-hanap na rin siya ng kanyang anak na si Bea. Hindi pa man din sanay ang bata nang wala ang kanyang ina sa tabi niya. Kinailangan pa siyang tabihan ng kanyang tita na si Celestine bago siya makatulog. Mabuti na lang ay magkamukha kami silang magkapatid kaya kahit papaano ay nakikita siya ng anak sa kanyang ate. Hindi na dapat pa siya magpapahatid kay Jack dahil ayaw na rin niya itong maabala. At isa pa, kaya naman niyang mag-commute nang mag-isa ngunit napakakulit at mapilit ni Jack at ang ina na rin nito mismo ang nagsabi kaya wala na siyang nagawa kundi pumayag. Nagpadaan muna si Pamela sa bahay para iiwan ang kanyang mga gamit. Hindi naman siya nangangambang magpapangabot ang mag-ama dahil nasa eskuwelahan ang bata ngayon. Saka siya nagpahatid na sa op

  • Runaway   Chapter 14

    Umaga pa lang, bumiyahe na kami papuntang Rizal, hometown ni Jack. Para makauwi rin ako nang maaga at makaiwas sa traffic pagluwas. I wasn't supposed to be with him but because it's Tita Josie's birthday today, I can't say no to her. Alam ko namang matampuhin iyon si Tita and she's like a mother to me. Buti na nga lang din at nakabili pa ako ng regalo ko para sa kanya kahit last minute na. Ever since I met her, especially when Jack and I became in a relationship, she treated me like her real daughter. That's why Tita Josie was also hurt when her son and I separated after a long relationship. Well, it's her son's fault. Naalala ko pa noong nasa kolehiyo pa kami at wala pa kaming isang taon noon, tumitiyempo pa kami kung paano namin sasabihin kay Tita Josie ang tungkol sa aming relasyon. Ang pamilya ko ang unang nakaalam tungkol sa amin at ayos lang naman sa kanila maliban nga lang kay Papa na matagal bago lumambot ang puso niya kay Jack at tuluyang ibigay ang blessing

  • Runaway   Chapter 13

    It was my day-off kaya naisipan kong dumaan muna sa mall upang bumili ng aking personal needs. These past few days ay nawawalan na ako ng time mamili dahil na rin sunod-sunod ang dating ng aking pasyente. May mga oras na sa ospital na akong natutulog dahil maya't-maya ang tawag sa akin.Call of duty,ika nga.Kamakailan lamang ay may pasyente ako—isang batang lalaki na nasa edad na lima. He was admitted since last week pero hindi namin nalaman agad ang sakit niya. Naka-ilang beses na siyang sumailalim sa mga test ngunit ni isa roon ay walang makapagtukoy kung ano ba talaga ang sakit niya.

  • Runaway   Chapter 12

    Kinabukasan, pagkatapos na pagkatapos ng klase ko sa PE, nagpalit agad ako ng uniform saka pinuntahan si Jack sa university plaza upang ibalik sa kanya ang pinahiram niyang damit sa akin at para na rin humingi ng pasensya dahil sa nangyari kagabi. After that incident, 'yong nahulog ako sa ibabaw niya, hindi niya ako kinikibo hanggang sa matapos ko na 'yong ginagawa kong assignment at nang sunduin ako nina Papa. Hindi na nga niya ako hinatid sa baba at nagpaalam na lang ako.Nagpaalam ako saglit kina Maegan at sinabing pupuntahan ko na lang sila sa university square. Nakita ko naman agad si Jack na nakaupo sa may bench malapit sa may tiger statue.Papalapit na sana ako nang maunahan ako ng isang babae—na sa palagay ko ay schoolmate din dahil sa kanyang uniporme—she's from engineering department.Matangkad siya at sexy; kitang-kita ang kurba ng kanyang gilid. Halatang sumasali ito sa mga beauty pageant base sa postura nito.Pinaghalong as

DMCA.com Protection Status