CHAPTER 63: TEARS OF JOY
O'BRIEN EXEQUIEL
Hindi ko na namalayan ang aking sarili na naglalakad na palapit sa sa babae na hindi kayang iguhit sa papel kung gaano siya kasaya habang hinahabol ang isang paru-paro. Parang nagkakaintindihan silang dalawa dahil sa halip na lumayo ang paru-paro ay parang nagpapahabol lang siya paikot-ikot sa bakuran.
Agad ko namang pinahid ang luha na dumaloy sa aking mga pisngi. A tears of joy indeed because finally, I was able to see my body was alright. Parang walang nangyari no'ng gabing iyon. Hindi mababakas sa katawan ko kung anuman ang naganap no'n.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palapit sa kaniya habang nakasunod naman sa akin sina God Astrid at Goddess Heldy. At ngayon ko lang na-realize na sobrang weird pala ng outfit naming tatlo. It was so different from how immortal or human dresses themselves. You could really tell from at first sight that we were fro
CHAPTER 64: FATE'S WILLO'BRIEN EXEQUIELPumasok kaming lahat sa loob ng bagong bahay nina mom and dad. I must say that this was wider and bigger than our first house. Well, this wasn't a surprise already because they could buy and get everything they wanted or needed immediately.My parents were wealthy business owners. They have different businesses around the city before. Hindi ko lang sigurado ngayon dahil parang wala na kami sa dating city kung saan kami nakatira dati. No'ng naglalakad kasi kami papunta rito ay napansin kong iba ang lugar. I mean, we were in the human world, pero hindi pamilyar sa akin ang lugar, that was why I was assuming that they left the city where I grown up already, marahil ay upang malayo sila sa posibleng panganib? Lumayo sila para hindi na pa sila mahanap ng Tehran na sumugod sa amin no'ng gabing iyon kung sakali mang bumalik ito?Iyon lamang ang nakikita k
CHAPTER 65: OVERFLOWING POWER THIRD PERSON POV Maraming na matutulis na kahoy ang unti-unting umangat at pumapalibot sa Tehran. Nagawa niya ito gamit lang ng dalawa nitong kamay, at ilang sandali lang ang nakalipas ay agad niya rin itong pinakawalan at ang mga ito ay nagsiliparan patungo kay Miss Valkyrie. Halatang pagod na si Miss Valkyrie dahil kanina pa siya patuloy na nagpapalabas ng kaniyang kapangyarihan, habang ang Tehran naman ay parang hindi napapagod o nauubusan ng lakas at kapangyarihan. Kaya naman ay wala na siyang lakas pa upang iwasan ang napakaraming matutulis na mga kahoy na mabilis na nagsiliparan patungo sa kaniya. Inisip niya na ito na ang katapusan niya kaya naman ay wala na siyang ginawa kun'di ang taas noo itong tanggapin ang kaniyang pagkatalo. Napapikit na lamang siya sa kaniyang kinatatayuan, at hinintay ang pagbulusok sa kaniyang katawan ang mga matutulis na kahoy habang taimtim na nananalangin sa mga Gods at Goddesses. Hanggang sa bigla na lang dumating
THIRD PERSON POV Ilang linggo na ang nakalilipas matapos ang digmaang naganap sa Emerald. Marami ang namatay at nasugatan sa panig nina Queen Affinity, gayundin sa panig ng kalaban. Malaking halaga ang pagdating ni Green sa digmaan kasama sina Yazenth, Scarlet, Catterfield, at Felize na galing pa sa Neverland — ang mundo ng mga mortal para sa isang mahalagang bagay. Ngunit sa digmaan, hindi talaga maiiwasan na may mamatay at masugatan. Ito ay laban ng mga buhay, at kung sino ang makapangyarihan, matalino at magaling sa pakikipaglaban, sila ang matitirang buhay. Masasabi nilang nagwagi sila sa digmaan na iyon kahit pa man marami sa panig nila ang nawala, at sa puwersa nilang iyon, nakikita nila na may pag-asa silang magtagumpay pa sa susunod na mga digmaan lalo pa't iilan pa lamang silang malalakas na lumaban. Wala pa sa kalahati ng kanilang puwersa ang nakipaglaban. Kaya tunay nga itong kanilang pinaghandaan nang sobra. Gayunpaman, hindi pa rin nila maiwasang mangamba kahit pa man
GREEN’S POVMagkasama kaming dalawa ni Yazenth na pumasok sa bulwagan ng palasyo. Agad naman kaming binigyang galang ng mga tagapagsilbi at tagabantay sa lugar niyon.“Ano ang nangyari? May nangyari bang hindi kanais-nais? Ba't ninyo kami ipinatawag, Alpha Goddess Hely? Mom?” agad kong mga tanong sa kanila at saka binigyan ng yakap ang aking ina.Nakapagtataka lang na halos kumpleto ang nga pinakamalalakas at pinakamakakapangyarihang mga nilalang sa Therra Universe. Kaya walang pag-aalinlangan na isa ngang mahalagang pagtitipon ito.Agad kaming umupo ni Yazenth sa aming mga upuan dahil mukhang kami na lang ang hinihintay. Samantala ay hindi naman nakatakas sa aking paningin ang bakanteng upuan ni Leaves.Hindi ko maiwasang mag-alala sa kaniya dahil ilang linggo na rin n'ong nagpaalam siya sa amin lahat dahil may mahalaga siyang pinuntahan na wala ni isa sa amin ang nakakaalam. Kaya hindi naman alam kung saan namin siya hahanapin, at walang nakakaalam kung ako na ang nangyari sa kaniya
GREEN’S POVDalawang araw na ang nakalilipas matapos makabalik si Leaves dito sa palasyo ng Utopia ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising kahit tuluyan nang naghilom at nawala ang mga malalalim na sugat sa iba' t ibang parte ng katawan niya.Ayon kay Goddess Heldy, masyadong maraming nawalang enerhiya sa katawan ni Leaves dahil sa labis na paggamit niya ng kaniyang kapangyarihan, at kung hindi ito agad naagapan ay maaari niya itong ikamatay. Ngayon ko lang din nalaman ang tungkol do'n, na maaaring ikamatay ng isang nilalang ang labis na paggamit ng kapangyarihan nito. Kaya labis akong nangangamba dahil kung sinuman ang nakalaban niya ay hindi ito basta-basta lang dahil nagawa nitong pabagsakin ang isang kilalang-kilala na nilalang dahil sa kakaiba at mapamuksa nitong kapangyarihan. At isa lamang ang nakasisiguro ko sa ngayon, mahihirapan kaming labanan sila kung nagkataon.“L-Leaves . . . ” Hinaplos ko ang mga kamay niya, at tinitigan siya sa mukha.Hindi ko maiwasang
GREEN’S POVI looked Leaves in confusion. “Ha? Ako?” I asked as I laughed sarcastically. “It was Alpha God Infinite, it's not me,” I corrected her, forcing my smile at everyone with me in her room.Sandaling natahimik ang lahat. No dared to make some noise, which made me giggled out of nowhere to somehow lighten the conversation.“Kung gano’n ay isa itong masamang balita para sa atin. Hindi ko alam na tuluyan na pa lang nagbalik at nabuong muli ang mga Infinity Gem. At nakasisiguro ako na gagamitin nila laban sa atin ang mga ito. Kaya kailangan natin silang unahan sa paghahanap sa ilan pang Infinity Gems,” said Alpha Goddess Hely.“Iyan ang malaki nating suliranin ngayon dahil narinig ko mula sa mga nilalang na nasa dark veil ay kasalukuyan nilang hinahanap ngayon ang mga Infinity Gems. Kaya siguro ay hindi pa sila sumusugod sa atin dito,” saad naman ni Leaves.Napatingin ako kay Alpha Goddess Hely na mukhang nag-iisip ng kung anong dapat namin gawin. “Kailangan nating magpulong tungk
GREEN’S POVPagkatapos ng pagpupulong ay tumungo agad ang mga naatasan sa paghahanap sa mga Infinity Gems. Si Ina at Yazenth ay nanguna rin sila sa paghahanap ng mga ito. Tumungo silang dalawa sa Emerald upang hanapin ang Nature Gem. Habang ang iba naman ay pumunta sa ibang dimension.Nakaalis na rin si Alpha Goddess Hely papuntang Helia upang hanapin ang Life Gem, na minsan na rin niyang naging pag-aari, ito ay ayon sa aking nabasa sa librong kasalukuyan kong hawak.Ang mga Infinity Gem ay ipinagkaloob ni Alpha God Infinite sa walo nitong mga anak. Ngunit sa kasamaang palad ay nasilaw sa kapangyarihan ang isa sa kanila dahilan upang magawa nitong patayin ang kaniyang mga kapatid upang makuha ang kani-kanilang Infinity Gem. Siya si Alpha God Tartarus, ang anak nitong nagmula sa kapangyarihan ng walong Infinity Gems. At siya ay tuluyan nang nagbalik upang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan. Siya ay nakatakdang maghasik ulit ng lagim sa buong Therra Universe, ngunit sa pagkakataon na it
THIRD PERSON'S POV Kasalukuyang naglalakad ngayon si O’brien sa pasilyo ng palasyo ng Utopia. Hinahanap niya si Catterfeld dahil dalawang araw nang n’ong huli niya itong nakita. Wala siyang alam kung saan ito nagpunta, basta ang alam niya lang ay nagpaalam ito sa kaniya dalawang araw na ang nakaraan na pinatawag siya rito sa palasyo dahil sa mahalagang pagpupulong. Pagkatapos niyon ay hindi na niya nabalitaang bumalik sa Royal Academy kung saan sila kasalukuyang nananatili kasama ng ilang nga estudyante nito at mga magulang nila. Ang Royal Academy at Utopia Palace ang pinakaligtas na mga lugar ngayon sa buong Therra Universe. Nababalot ang mga lugar na ito ng pananggalang mula sa pinagsama-samang kapangyarihan ng mga pinakamalalakas na Gods at Goddesses. Gan'on din ang ginawa sa lahat ng mga dimension upang protektahan ang lahat ng mga nilalang sa nagbabadyang digmaan. Ang Utopia ang siguradong magiging sentro ng digmaan, bagaman, ito rin ang pinakaligtas na lugar dahil narito ang
THIRD PERSON'S POVTatlumpung minuto bago sumapit ang gabi ay magkakasama nang nagtipon sina Queen Affinity, Headmaster Rain, God Astrid, Goddess Heldy, kasama na sina Yazenth, at Leaves malapit sa tarangkahan ng akademya para sa pag-alis nina Alpha Goddess Hely at Green papuntang Helia. Nakatakda silang umalis ngayon ng akademya upang isagawa ni Alpha Goddess Hely ang kaniyang plano — ang natitirang paraan upang ibalik muli ang nawalang kapangyarihan at alaala ng itinakdang nilalang na magtatapos sa kasamaan ni Alpha God Tartarus — si Green.Nakatakda rin ang pag-alis ni Headmaster Rain patungong Emerald upang alamin ang suliraning nagaganap doon na hinihinalaan na may kinalaman ang yumao niyang isang anak na si Finn. Hinala ng karamihan ay may alam si Finn tungkol sa kung anuman ang nangyayari ngayon sa buong Therra Universe. Nakahanda na rin siya upang umalis simula pa kagabi ngunit gusto niyang mauna munang makaalis sina Alpha Goddess Hely at ang kaniyang pamangkin na si Green upa
CHAPTER 119: FINDING ANOTHER WAYTHIRD PERSON'S POVKinaumagahan ay magkakasama sina Green, Celeste, at Scarlet patungo sa girl’s dormitory, ito ay sa kagustuhan ni Green dahil gusto niyang makilala ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga bagay o lugar na sentimental value sa kaniya. Hindi kasi niya mapigilan ang makaramdam ng kalungkutan sa kung anuman ang magaganap mamaya pagsapit ng gabi. Umaasa siya na sa ganitong paraan ay maaari niyang maibalik ang kaniyang alaala at kapangyarihan nang walang magsasakripisyo ng buhay. Kaya kailangan niyang maghanap ng ibang paraan upang ibalik ang kaniyang nakaraan. Sa kaniyang mga nalaman — ang pinagdaanan niya, maging ang lahat ay hindi niya mapigilan ang makunsensya. Marami nang nadamay sa kaniyang kapalaran na siya lang dapat ang kailangang humarap. Marami na ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kaniya. Husto na ang lahat na iyon, kaya niya ito ginagawa.Ngunit habang naglalakad sila papunta sa dormitoryo ay hindi nila naiwasan na makas
THIRD PERSON'S POVHindi makapaniwala si Scarlet sa mga tunuran ni Celeste sa kaniya. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit napansin niyang parang may nagbago kay Green noong nakita niya ito kanina. Tila ba hindi niya alam kung saan siya papunta no’ng nakita niyang naglalakad siyang mag-isa kanina. Tila rin hindi siya nito naaalala, ngunit minabuti lamang niya itong hindi pansinin dahil naiintindihan niyang marami siyang iniisip, at saka nagagalak siyang makita siyang muli na nakabalik na. Wala kasi siyang kaalam-alam sa nangyari kay Green, kahit noong kinalaban niya sina Queen Affinity, Leaves, at Yazenth. Ngayon lamang niya ito nalaman kaya hindi niya mapigilan ang mabigla at makaramdam ng awa sa pinagdaanan ni Green. She has been through a lot starting when she was still a baby. Naiisip niya na kung sakaling nasa katayuan siya ngayon ni Green ay wala siyang gagawin kun’di ang sumuko na lang sa bigat ng responsibilidad niya. Kaya malungkot siyang lumapit kay Green na nanatili
THIRD PERSON'S POVDala ng kuryusidad ni Green sa lugar ay hindi niya sinunod ang sinabi sa kaniya ni Celeste — na huwag lumabas ng kaniyang silid.Maliwanag ang paligid dahil sa laki at pula ng buwan na parang may ibinabadya itong panganib. Dumagdag pa ang nakabukas na mga ilaw ng mga gusali ng akademya, at mga nagkalat na mga ilaw sa iba’t ibang parte nito.Alas-tres na ng madaling araw nang tingnan kanina ni Green ang orasan sa silid kung saan siya nagising kanina kasama ang maraming mga nilalang na hindi niya kilala. Gayunpaman ay tanging mga kawal pa lang ang nakakasalubong niya sa daan, na nagbibigay sa kaniya ng paggalang.Hindi naman niya nakakalimutan ang isang habilin ni Celeste sa kaniya kanina — na huwag siyang magsasalita tungkol sa nangyayari sa kaniya. Sinunod niya iyon, tanging malawak na ngiti lamang ang iginagawad niya sa lahat ng nakakasalubong niya. Ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito na magtaka sa kaniya dahil nagbibigay din ito nang paggalang, gaya ng ginagaw
THIRD PERSON'S POVMatapos ang ilang minuto ay nakarating din si Celeste sa harap ng pinto ng opisina ng Headmaster. Bago siya pumasok ay kumatok muna siya, at may narinig naman siya sa loob na pinahihintulutan siyang pumasok. Kaya agad niyang pinihit ang door knob at maingat na binuksan ang pinto. Nadatnan niya sina Headmaster Rain, Queen Affinity, at Leaves sa loob na abala sa pag-uusap dahilan upang mapayuko siya.“Paumanhin kong naabala ko ang inyong pag-uusap, Your Royal Majesty, Queen Affinity, Headmaster Rain, at Your Highness, Leaves,” paghingi niya ng kapatawaran at saka itinaas muli ang tingim at magtama ang mga mata nilang dalawa ni Queen Affinity.Ginawaran siya ng isang ngiti ni Queen Affinity ngunit mapapansin sa kaniyang mga mata ang lungkot na nadarama dahil sa nangyayari ngayon sa kaniyang anak na si Green, at sa planong pagsasakripisyo ni Alpha Goddess Hely. Ilang araw at gabi na rin siyang walang pahinga kaya namumutla na rin siya.Ngumiti naman siya pabalik at muli
THIRD PERSON’S POV“Argh! Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo . . . Nakakahilo,” she said, complaining and giggling because she didn't believe what Leaves was saying to her. She didn't believe in such things like fantasies, magical worlds, magics, and magical creatures.“True? Kapatid kita, seriously?” hindi makapaniwalang tanong niya at saka natawa na lang bigla.Umirap naman si Leaves sa naging reaksyon ni Green. Kanina pa siya nagtitimpi upang hindi niya masampal o masakal si Green pero namumuro na ito.“Can you just please listen to me? Yes, you heard it right, kapatid kita — kambal tayo. Haven't you noticed the girl wearing a green dress earlier? She’s our mother. She’s a Queen, and we are Princesses. Kanina pa tayo rito pero hindi mo man lang mapansin na may resemblance tayong dalawa, hello?” she stupendously said as she glared at her once again.“At gaya nga ng sinabi ko, ikaw ang itinakda ng propesiya na lulupig kay Alpha God Tartarus, na siyang may gawa rin kung bakit wala kan
THIRD PERSON'S POVAlpha Goddess Hely, together with Queen Affinity, God Astrid, Goddess Heldy, Headmaster Rain, Yazenth, and Virgo were currently in the hall discussing something about how they could bring Green back to normal — to an immortal Goddess of Infinity, and of course Yazenth and Leaves’ mission in Emerald. Alpha Goddess Hely and Headmaster Rain were confused on their sudden mission without her knowledge.Leaves, on the other hand, was left with Green in the room to explain everything to her — about what really happened to her.“A-ano ang tinutukoy mong natitirang paraan upang maibalik ang aking anak sa rati, Alpha Goddess Hely? We can’t just sit here without doing anything. Hindi natin alam kung kailan ulit tayo susugurin ni Alpha God Tartarus. Kaya kailangan nating maayos ang lahat bago mangyari iyon, at alam mo iyan,” seryosong tanong at sabi ni Queen Affinity. “Sabihin mo lang kung ano ang maaari nating gawin . . . u-upang magawa ko na ito . . . ” she continued. She re
THIRD PERSON'S POV“A-ano ang ibig mong sabihin, Alpha Goddess Hely? Anong sinasabi mong isa na siyang mortal? P-paano? Paano nangyari iyon? A-ano ang nangyayari?” hindi makapaniwala at natatarantang mga katanungan ni Queen Affinity.She didn’t want to believe it, but coming from an Alpha Goddess Hely was something she must believe on the reason why she couldn’t help but be emotional and lost her mind of what she found out.Nagulat din ang lahat sa nalaman. Lahat sila ay nag-aalalang tumingin kay Green na mahimbing pa rin na natutulog kahit maingay na ang silid dahil sa mga bulungan nila.Naglakad si Alpha Goddess Hely palapit kay Green habang nakatitig sa kaniya. May mga planong dumadaloy sa kaniyang isipan ngunit nagdadalawang isip siya kung gagawin niya ito, ngunit alam niyang ito na lang ang natitira nilang pag-asang lahat.“Kagagawan ito ni Tartarus. Isinagawa nito sa Demiana dahilan upang magawang kontrolin si Green. Ito ang plano nito simula pa lamang kaya gusto nitong makuha si
THIRD PERSON’S POVPagkagat ng dilim ay nagpaalam na sina Leaves at Yazenth kay King Llwen, maging kay Goddess Eyelet pabalik ng Utopia — sa Royal Academy. Hindi sila maaaring magtagal pa sa Emerald dahil may nga suliranin din silang kailangan harapin, at mga katungkulan na kailangan gampanan.Wala namang magagawa si King Llwen kun’di ang hayaan sila sa kanilang pag-alis kahit pa man maiiwan ulit siyang mag-isa sa Emerald dahil sa kaniyang sariling tungkulin din. Lungkot at muling pangungulila ang nararamdaman niya habang paalis sina Leaves at Yazenth. Ngunit kailangan niya itong itago, kaya isang pilit na ngiti lamang ang gumuhit sa bibig niya habang hinihintay na mawala sa kaniyang paningin ang dalawa. Hindi na niya maihahatid ang mga ito papuntang borders ng Emerald dahil wala na siyang panahon pa upang gawin iyon.Nagawa naman niya ang mga dapat niyang gawin bago sila umalis. Kaya sapat na iyon para sa kaniya dahil iniisip na lang niya na pagkatapos ng kaguluhan ay muli silang mag